Chapter 15 - Reason why
Adele's POV
Pagsapit ng gabi, naninirahan ako sa aking maaliwalas na silid, ang malambot na glow ng aking laptop na nagbibigay liwanag sa paligid ko. Sa isang baso ng umuusok na hot chocolate sa aking tabi, naka-focus ako sa pagsusulat ng bagong Chapter para sa story na ginagawa ko sa Wattpad. Nagpapasalamat ako na pumayag sina Nanay at Tatay na gamitin ko ang laptop at ngayon ay nasa Pasong Tamo dahil may handaan na naman sa bahay nila Tita; Tiniyak ko sa kanila na walang Assignment, Activity o kahit anong academic purposes na mayroon ako ngayon araw at wala na akong mga responsibilidad sa pag-aaral para sa gabi. Ano pa ba gagawin ko kung nakakasawa na maglaro ng basketball at first-aim shooting sa laptop?
Although I've exceeded the desired word count, I'm still not done with my writing a chapter of this story that I make. I'm not sure kung bakit parang na-extend ang haba since nasa kalagitnaan na ako ng story.
Mamaya-maya ay may isang babae ang nagtawag sa pangalan ko, "Adele?"
Alam kong nakakaistorbo pero dahil si Michelle lang naman ang tumawag sa akin, huminto na lamang ako sa pagsusulat at ako'y lumapit sa pinto. "Oh? Bakit ka nandito?" tanong ko kay Michelle.
"Wala lang, Kawhi. Masama bang bisitahin ang pinakabatang author sa Pilipinas?" ngiting wika ni Michelle.
Hinayaan ko na lamang pumasok si Michelle sa bahay kaya ako naman ay balik na lamang sa pagsusulat. Need ko tapusin ang story na ito dahil konting word na lang ay tapos na ako.
"Sorry kung inistorbo kita. Tuloy mo lang 'yang pagsusulat at hindi ko titignan," ngiting sabi na lamang ni Michelle habang sinarado niya ang pinto.
"Malapit naman ako matapos sa ginagawa ko dahil konting word count na lang ay tapos na ako." Agad umupo ako muli sa harap ng laptop at nagpatuloy na lamang sa pagsusulat habang kausap ko si Michelle.
"Eh ano naman ang sinusulat mo pala?" Sa tono pa lang ng pananalita ni Michelle ay alam kong curious ito sa ginagawa ko ngayon. Samantalang ako naman ay walang pakialam kung maistorbo niya ako o hindi dahil patuloy lang ako sa pagsusulat. "Kita ko pa lang kasi sa sinusulat mo, excited na siya basahin. Nga pala, anong oras ka nagsimula magsulat n'yan?" dagdag pang tanong ni Michelle.
"Kanina pang alas-quatro ng hapon ako magsimula magsulat." Hindi ko pa rin tinigilan magsulat habang kausap ko si Michelle. "Hindi naman ako nahihirapan magsulat ngayon kasi kaya ko naman magsulat kahit maraming istorbo o kahit kausap ko ang iba kagaya mo. Nakatatag naman sa utak ko ang gagawin at susulatin ko kaya hindi na ito problema para sa akin pa."
Nang natapos ko magsulat na tugma sa word count na nasa utak ko na dapat preferred word count para sa chapter na sinulat ko ngayon, agad tumingin ako kay Michelle at tumayo. "Nga pala, bakit ka naparito ngayon? 'Yung seryosong sagot."
"May kasama kasi ako ngayon at hanggang ngayon ay hindi siya makauwi sa kanila."
"Sino naman?" pagtatakang tanong ko.
Michelle silently pointed towards the figure sitting outside. Nagulat ako ng dumating si Ate Desha, hindi ko naman inaasahan. Siya ay tahimik na abala sa isang libro, na nakadapa sa mga hakbang sa labas lamang ng aming pintuan. The soft rustle of the pages turned in the gentle breeze added a serene atmosphere to the scene.
Bakit hindi pa ito nakakauwi sa kanila ang idol ko? Ano mayroon kaya sa kanya?
"Hanggang ngayon kasi, hindi siya makauwi sa bahay nila dahil wala naman pasok bukas sa kanila at hindi niya alam ang pauwi sa kanila at wala raw masasakyan ngayon," sabi ni Michelle sa akin tungkol doon.
Lumapit ako sa pintuan at agad ko binuksan ang pinto. Ramdam kong sumunod naman si Michelle sa akin mula sa likod ngunit hinayaan ko na lamang itong sumunod siya sa akin. "Sabi pa niya, nasa ATM card daw pera niya at hindi niya alam saan siya magwi-withdraw sa lugar na ito," dagdag pa ni Michelle.
Nang binuksan ko ang pinto, tinawag ko agad si Ate Desha. "Ate?"
As she abruptly ceased her descent, she seemed to leap back in surprise. Lumingon siya para tingnan, at nahuli ko ang matalim na paghinga niya, isang hingang may bahid ng kaba na umalingawngaw sa katahimikan sa aming paligid. Ramdam ko ang tensyon sa hangin, ramdam ko ang bigat ng pangamba niya habang sinusubukan naming intindihin ang mga nangyari. "N-nandito ka pala! P-pasensya kung dumating ako sa lugar na ito. Isa pa—"
"No! 'Wag ka mag-alala pa dahil ayos lang sa'kin 'yon," agad sabi ko kaya hindi na lamang nagpatuloy pa sa pagsasalita ang idol ko sa hinaharap. "Tara at sumama ka sa amin dahil rito ka na lang muna mag-stay," sabi ko pa sa kanya at hinila ko siya ng dahan-dahan para papasukin siya sa loob ng bahay.
Habang lumapit kami sa table, nasulyapan ko ang kanyang ekspresyon habang pinagmamasdan niya ang aking workspace. Isang mabagal na ngiti ang sumilay sa kanyang mukha, at malinaw na pinahahalagahan niya ang kapaligiran ng aking lugar ng pagsusulat. My writing desk was neatly organized; it held a clean notebook waiting for ideas, a smooth ballpoint pen poised for action, and a whole intermediate pad, a canvas for my thoughts and drafts in writing and other acedemic purposes, carefully arranged on top.
"Hulaan ko, na-amaze ka dahil sa nakita mo, tama?" tanong ko.
Tumingin si Ate Desha na mayroong ngiti sa akin at kita ko ang pagkintab ng kanyang mga mata. "Hindi ko akalaing may ganyan ka pala. Nakaka-amaze ka kahit sobrang bata mo pa lang."
"Sa sobrang sipag niya sa pagsusulat sa Wattpad, nagagawa niya ang lahat kaya ang ending ay naging author siya sa murang edad," paliwanag naman ni Michelle kay Ate Desha habang ako naman ay hindi ko maiwasanang itago ang emosyon ko sa kung ano ang narinig ko.
"Naku! Nakakatuwa talaga dahil siya pa lang ang pinakabatang author sa Pilipinas." Tamang ngiti si Ate Desha at kita ko sa kanyang mukha ang pagkasaya dahil sa akin. "Kaya noong nalaman kong bata ang author na binasa ko noong last time, hindi ko akalaing ang bata ng gumawa ng story na 'yon sa Wattpad."
"Ate Desha, dahil sa mga sinabi mo po ay may pa-dinner tayong tatlo ngayong araw." Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pang sabihin ito dahil sa loob ko ay masaya ako dahil nakilala ko agad ang idol ko sa murang edad. Siguro may dahilan ito kaya nandito si Ate Desha sa buhay ko sa panahong ito.
"Totoo ba?!" biglang laki ang mata ni Ate Desha sa kanyang narinig. "B-baka po kasi maubusan ka ng pera kasi—"
"Kaya ko po ang sarili ko, Ate Desha," agad ko ulit nagsalita kaya hindi na lamang nagpatuloy pa muli sa pagsasalita si Ate Desha. "Trust me, Brav." Ngumiti ako sa kanya kaya lalong tumahimik pa si Ate Desha at wala na ito magawa kun'di pumayag sa nais ko. "Ako na rin mag-order sa telepono kung ano pagkain natin."
"Isang bucket na Fried Chicken ang i-order mo pata marami tayo kakainin," agad request ni Michelle sa akin.
"Okay!" Agad lumapit na lamang ako sa telepono para mag-order. Habang ganoon, kita ko pa rin si Ate Desha na nahihiya, nakayuko ang kanyang ulo at namumula ang kanyang pisngi.
After placing our order for dinner, we eagerly anticipated its arrival. The clock ticked away, and it felt like an eternity as we waited for about 30 to 50 minutes. Sa panahong iyon, hindi namin hinayaang humina ang aming mga gana; nagpakasawa kaming tatlo sa kwentuhan at tawanan, medyo nabawasan ang paghihintay. Ang ngiti ni Ate Desha ay nagpapatingkad sa silid habang nakaupo sa tapat ko sa hapag kainan.
Habang lumalalim ang gabi, napagdesisyunan ni Ate Desha na sa amin na lang magpalipas ng gabi. Nag-usap kami at nagtatawanan, lumikha ng mga itinatangi na alaala. Kinaumagahan, bago ako tumungo sa paaralan, hindi ko maiwasang magpasalamat sa magandang panahon na magkasama kami.
~•~
Kinabukasan ng tanghali, naglalakad ako sa kahabaan ng hi-way para umuwi na sa aking bahay at kasama ko si Tatang sa paglalakad. Naisip ko lang kausapin siya ngayong araw dahil sa mga pangyayari kahapon. Kinuwento ko sa kanya ang pangyayari kahapon na dumating agad si Ate Desha sa buhay ko na hindi ko alam kung paano at bakit. Laking tuwa naman ang reaksyon ni Tatang sa kuwento ko at nag-enjoy siya sa mga sinabi ko about what happen last time.
"Hindi ko rin po gets bakit may ganoon pa nalalaman. Hindi ko naman expected o pangarap na makilala ko si Ate Demi agad-agad sa panahong ito, lalong-lalo na't hindi pa naman ako writer noon."
"Gusto mo ba malaman ang tunay na dahilan kung bakit siya dumating sa buhay mo kaagad?"
Biglang huminto ako sa paglalakad nang narinig ko ang tanong ni Tatang sa akin. Agad akong humarap sa kanya ng dahan-dahan para huminto siya sa paglalakad. Dala ng pagtataka sa aking katawan, gusto ko malaman kung ano ang tunay na rason.
"Anong dahilan kung bakit?"
"Siya ang makakatulong sa'yo sa pag-angat mo bilang ikaw sa panahong ito," mahinahon niyang sagot. "Kailangan mong tulungan ang taong iyon dahil alam kong ikaw ang nakakaalam kung ano ang kalagayan ng iniidolo mo."
Sa mga sinasabi niya, natatakot at nahihiya ako sa magiging mangyayari sa amin ni Ate Desha lalo na't baligtad ang mundo namin, siya ang humahanga sa anin imbes na ako ang humahanga sa kanya at sa panahong ito pa nagyari. Hindi ko alam kung paano ko matutulungan si Ate Desha in a whole and better way para sumikat ang pagiging writer niya.
"Paano ko malalaman kung wala ako sa kalagayan niya?" Nagpatuloy na lamang kaming dalawa ni Tatang sa paglalakad sa kahabaan ng hi-way.
"Hindi mo ba alam siguro na ikaw ay nahihirapan noon nagsisimula ka pa lamang bilang manunulat, hindi ba ako nagkakamali?"
"Ngunit magkaiba kami ng landas," agad sagot ko naman kay Tatang. "Minsan kasi po, hindi ko pa alam kung paano po nagpatuloy si Ate Desha sa kung ano siya sa panahon ko. Oo, idol ko po siya. Ngunit isipin mo po 'to, may tinapos siya at samantala ay huminto ako sa pag-aaral. Mas malayo po ang narating niya kumpara sa akin kaya ano po matutulong ko sa eighteen years old na Desha Abilon kung ako po si thirteen years old na Adele Dios Lamboloto. Hindi ko po alam kung paano ko matutulungan ang isang DaughterOfRizal kung ang kaharap niya po ay batang Summ0n na wala pa alam at interesado sa larangan ng pagsusulat at literatura."
"Ngunit iho, nasa katawan ka ng batang ikaw kaya mas malaki ang tiyansa mong tulungan ang taong nagsisimula pa lamamg kagaya ni Desha sa panahong ito," agad sagot naman ni Tatang.
"Okay! So ibig mo pong sabihin, aagahan ko po ang pagsikat niya?" tanong ko naman kay Tatang ngunit tahimik na naglalakad na lamang ito kasabay ko. "Ibig mo ba sabihin na pasisikatin ko ang gawa niya sa Wattpad? 'Yon po ba ang iniisip mo?"
"Iho, ikaw bahala kung ano ang nasa isip mo." Biglang humiwalay si Tatang sa akin kaya hindi na ito sumama pa sa akin na magsabay kaming maglakad. Huminto na lamang ako sa paglalakad at tulalang pinapanood ko si Tatang palayo sa aking kinatatayuan.
Habang tulala, ang dami kong iniisip lalo na't tungkol sa aming dalawa ni Ate Desha. Hindi ko kakayanin dahil iba ang katawan at edad ko kumpara sa mag-50 years old na edad. Kakayanin ko kung 5o years old ako at 18 years old si Ate Desha ngunit iba ang katawan at edad ko.
Isa pa, akala ko ba na pangarap ko ang babaguhin ko para makaalis ako rito at makabalik sa totoong panahon ko? Pati ring ibang tao?
Bakit?
-
STUNN3R
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top