Chapter 13 - The Explanation
ADELE'S POV
"Una na ako, Michelle," paalam ko kay Michelle dahil maghihiwalay kaming dalawa pauwi sa aming mga bahay.
"Ingat ka, Adele!" Daling umalis na ito sa ibang daan.
Ngayon ay ako lang mag-isa na naglalakad, walang kahit anong estudyante na kasama ko at tanging ako lang. Nakaka-miss lang maglakad dito sa Mindanao Avenue dahil dito lang naman ako dumadaan noong High-school student tuwing uwian kasama ang mga kaklase ko noong grade 9 and 10 bago pa ako lumipat ng Pasay City. Nakakatuwa dahil mabuti pa noon ay may kasama pa ako pauwi at nagkakaroon pa kami ng kulitan, asaran at harutan habang kami'y naglalakad dito.
Noong naparating na ako sa isang Gas Station, may tumawag sa pangalan ko. "Adele Dios..." Ito ang narinig ko mula sa aking likuran kaya huminto ako sa paglalakad, boses matandang lalaki na halos around sixty years old and up ang edad. Pamilyar na pamilyar ang boses niya dahil natatandaan ko ang taong iyon.
Lumingon ako sa likuran ako at ako'y humarap sa kanya. Isa lang matandang lalaki na may suot na sumbrero lang naman ang nasa harapan ko ngayon. Nakasuot ito ng itim na coat at pantalon na may pulang polo sa loob at may itim na necktie, may eyeglass na suot at napapansin ko na halos wala na siyang ngipin dahil sa katandaan.
"H-hello, 'tang?" pagbati ko sa kanya na may bakas na pagtataka sa aking katawan.
"Mabuti naman at sumunod ka sa aking utos, Adele."
"Bakit po ninyo pala ang pangalan ko?" tanong ko sa kanya dahil nagtataka ako bakit niya alam ang pagkatao ko.
"Kagaya ng sinabi ko noong mga nakaraang araw ay galing ako sa tunay mong panahon." Tinanggal niya ang suot niyang eyeglass at karagdagan niyang wika.
"Sandali lang 'tang, paano mo naman nasabi na galing ka rin sa year twenty forty-five?" tanong ko pa sa kanya dahil hindi ako naniniwala sa lalaking ito. Hindi ko alam kung paniwalaan ko ba siya o hindi.
"Alam ko na naging manunulat ka sa totoo mong mundo," paliwanag niya. "Alam kong isa ka sa pinaka-sikat na personalidad sa buong Pilipinas at alam ko ang asawa mo ay isang lisensyadong doktor."
"Sandali lang po pala, ikaw ba 'yung kausap ko noong nakaraan?" tanong ko kaagad siya kung siya ba talaga ang tinutukoy ko. Naalala ko na may kinausap ako sa Franco noong nakaraan which is 'yung muntikang nahablot ang wallet ko.
"Ako nga, Adele," sagot naman niya. "Mabuti naman ay sinunod mo talaga ang payo ko."
"Paano kung hindi ko sinunod?"
"Maari kang mawala sa mundo, Adele," ito ang kanyang sagot. "Pwede kang nam*tay ka sa totoong mundo mo sa pamamagitan ng pakabangungot." Karagdagan pa ng lalaking kausap ko bilang paliwanag niya.
"Ibig bang sabihin nito, panaginip ang lahat?" tanong ko pa sa kanya dahil sa paliwanag niyang mababangungot ako kapag hindi ako bumalik sa Santan.
"Maaring maging panaginip ito, Adele," sagot pa niya. "Dahil nakabalik ka sa Santan, pagpatuloy mo lang sa nais mo. Maaring maikli ang oras mo rito o lalo pang umikli pa 'yon. Kaya Adele, patuloy mo lang ang ginagawa mo at isipin mo ang mga pangarap mo noon na sinayang at hindi mo nagawa sa tunay mong mundo. Baka malay mo, tumupad dito sa mundong ito," ito ang payo niya sa akin.
"Okay po!" tugon ko na lamang sa kanyang sinabi. "Pangako ko, gagawin ko po ang lahat bilang si Adele na ang dami kong pangarap noong Grade Seven. I hope, matapos kaagad after my birthday," sabi ko pa sa kanya.
"Hindi natin masasabi 'yan, Adele. Basta ang payo ko lang, patuloy mo lang ang lahat at panigurado akong babalik ka sa tunay mong mundo."
"Sige po," tugon ko pa. "Kailangan na po ako umuwi na dahil baka mapagalitan pa ako nila Mama." Ito ang paalam ko sa kanya.
"Sige lang, Adele. Mag-ingat ka.ñ," ito na lamang ang huli niyang sabi.
"Ingat din po, 'tang," ito ang huling sabi ko naman at tumalikod ako sa kanya para simulan muli ang paglalakad para ako'y umuwi na sa aking bahay.
Mukhang sinunod ko talaga ang nais niya na bumalik ako sa Santan. Ikakakapahamak ko pala kapag hindi ako bumalik at manatili akong nasa Magnolia. Hindi ko na lamang inisip kung hanggang ang deadline ang ganito dahil wala naman sinabing specific time o scenario kung kailan ito magtatapos.
Safe na ang buhay ko, pero hindi pa tapos ang lahat.
****
Kinagabihan, tinatapos ko ang assignment ko sa kwarto ko. Tamang sulat ako ng mga sagot ko sa isang workbook ko based sa tinuro ng teacher sa amin at based sa nasa libro. Tahimik lang akong nagsusulat ng workbook habang may ginagawa sila Mama at Papa sa labas ng kwarto ko dahil may kailangan nilang tapusin about sa business nila.
Habang nagsusulat, biglang tumunog ang phone ko. Huminto ako sa gawain ko kaya nilapag ko ang ballpen ko sa mismong workbook ko at hinawakan ko ang phone ko para tignan kung sino ang tumatawag. Si Michelle lang naman ang tumatawag sa akin ngayon at palaisipan sa akin kung bakit.
Sinagot ko ang tawag niya. "Hello, Michelle?"
"Adele, may sasabihin pala ako sa'yo," wika ni Michelle mula sa phone ko at dito na kami nag-usap kaya pinaliban ko muna ang paggawa ng assignment ko.
"Ano naman 'yon, Mich?"
"Nakalimutan kong sabihin sa'yo kaninang umaga tungkol sa kanina."
"Oh! Ano naman mayroon doon?"
"Kasi naman Adele, gusto ng dalawang kapit-bahay na section natin about sa upuan. Gusto nila gawin nila sa section nila pero kailangan daw ng permission mo para magawa nila 'yon."
"Ano naman, Mich? No need na ng permission ko dahil pwede naman nila gawin 'yon. Bakit naman kailangan ng permission ko?"
"Baka raw kasi magalit ka or mahinahin ka ng sama ng loob bakit kokopyahin nila 'yung ideya mo."
"Wala naman masama roon dahil for their section na rin kasi 'yon. Isa pa, maganda ngang may gumaya or magkaroon din sila ng ideya na gagaya ng sa atin dahil baka malay natin ay ma-aaply talaga siya for next school year and also baka magaya rin ng Grade Eight, Grade Nine at maging Fourth year."
"Sabagay, may punto ka."
Tumahimik na lamang kaming dalawa ng ilang segundo. Napaisip ako na bakit tumawag si Michelle sa akin at hindi na lamang niyang idaan sa Chat. May gusto bang sabihin si Michelle sa akin maliban doon?
"Ayon lang ba ang rason mo kung bakit ka napatawag?" tanong ko sa kanya para malaman ko.
"Ahhh... K-kumain kana ba, Adele?" Dito naman naiba ang usapan naming dalawa.
"Bakit? Yayain mo ba ako sa labas?"
"Adele, gabi na at hindi talaga ako papayagin ng mga magulang ko."
"Eh bakit mo ko tinanong kung kumain na ako? Isa pa, ano 'to, Mutual Understanding?"
"Hindi naman masamang magtanong kung kumain kana, eh."
"Oo na! Tapos na ko kumain, Mich."
"Che-che na lang ang tawag mo sa'kin," nais niya tawag ko siya sa palayaw na gusto niya. Sabagay, agma ang CHE-CHE sa MICHELLE.
"Palayaw mo siguro 'yung Che-che, 'no?" Tanong ko sa kanya.
"Tawag sa'kin ng mga magulang at mga kapatid ko 'yung Che-che," paliwanag ni Michelle. "Ikaw ba, ano ba palayaw mo na nais mo?" tanong naman niya sa akin at isang palayaw o nickname ang pumasok sa isipan ko, ang pen name ko sa Wattpad.
"Ahhh.... Dati, gusto ko 'yung A.D pero mukhang pagkamalang akong kalendaryo," sagot ko naman.
"A.D is Adele Dios, di'ba?" clarification naman ni Michelle.
"Yes, Che-che," sagot ko naman. "Abbreviation lang naman pero dahil sa pagkamalan akong kalendaryo, may isa pang palayaw na nais ko or ng gusto ko."
"Ano naman 'yon, Adele?"
"Ahhhh... try to call me Kawhi," nais kong kay Michelle na tawagin niya ako sa pangalang Kawhi since this is my pen name.
"Kamay? A-anong klaseng palayaw 'yan?" reply naman ni Michelle at dahil sa sinabi niya at humalakhak na lamang ako dahil sa kanya. "Anong nakakatawa, Adele?"
"It is Kawhi," pagkaklaro ko naman sa kanya. "Spells like KAY for Kanta, EY for Adele, DOUBLE-YU for Wawa, ETCH for Hotel and AY for India." Pina-spell ko pa sa kanya para malaman niya ang palayaw na nais kong tawagin mula sa kanya.
"Okay! Kawhi..."
"Tama, Cheche."
"Ano ba ibig sabihin bakit pala Kawhi ang palayaw mo?" tanong pa ni Michelle sa akin. Dito naman pumasok sa isipan ko kung magsisinungaling ako kung bakit Kawhi ang palayaw ko o hindi.
"There's a very deep and long story why Kawhi is my nickname." Ito na lamang ang sagot ko sa kanya dahil wala akong maikukuwento ng kahit ano kung bakit Kawhi ang palayaw ko.
Sa totoo lang, nagmula ang Kawhi sa isang Role-Playing Online Game noong Senior High School student ako. It is should be Kawhi Lincoln Jr. since my Father in RP Online Game Community at that time is Kawhi Lincoln Sr. which is may mga family-family pang nalalaman. Ginamit ko na ito bilang Pen name ko noong 18 years old pa lamang ako hanggang ngayon sa tunay kong panahon. Nakilala naman ako sa Wattpad as Kawhi and not as Adele, pero may mga nakikilala sa aking mga followers at readers ko na Adele mismo ang tawag pero na-insecure ako kapag naririnig ko ang Adele sa kanila dahil Adele is a girl name. Hindi naman ako na-insicure na tawagin akong Adele sa mismong panahon na ito dahil hindi naman ng Adele from 2014 na nakaka-cringe at insecure na pakinggan pa Adele kaya hindi ko naramdaman ang lahat about Adele. Magugulat na lamang akong tawagin akong Kawhi ng ibang tao at sabihing reader ko sila sa panahong ito dahil Gagek Sarchyan ang pen name ko rito and not Kawhi Lincoln.
"Pwede mo ba ikuwento sa'kin kung bakit Kawhi?" mungkahi ni Michelle sa akin at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ayoko kasing magsabi ng totoo dahil hindi ito maniniwala sa akin at mag-iba na naman ang relasyon naming dalawa.
"Ahhhh... M-mahaba talaga, Cheche. B-baka maubusan ka ng load dahil parang gumawa ako ng wattpad story." Sagot ko na lamang sa kanya. "Isa pa, personal reason kung bakit at ayokong sabihin sa kahit na sino." Karagdagang kong sabi naman.
"Bakit naman pala? Nakaka-trauma ba?"
"Hindi naman, Cheche," sagot ko pa habang tumingin ako sa magandang langit sa bintana. "May isang bagay na kinatutuwa ko at naging memorable kung bakit Kawhi ang naging palayaw ko." Paliwanag ko kung bakit deep and long story ang maaring sagot ko kung bakit Kawhi ang palayaw ko or palayaw na nais ko.
"Okay, Kawhi! Simula na ngayon, Kawhi ang tawag ko sa'yo," sabi na lamang ni Michelle.
"At simula ngayong araw na 'to, Cheche naman ang tatawagin ko sa'yo." Ito naman ang sabi ko kay Michelle at ako'y ngumiti na lamang pagkatapos. Narinig ko ang ngisi niya at mukhang masaya ito.
"Thank you Kawhi," sabi pa ni Michelle. "Thank you hindi lang dahil sa sinagot mo ang tawag ko ngayon, thank you dahil tinanggap mo ako kahit nagkaroon tayo ng alitan sa pagitan naming dalawa," dagdag pa ni Michelle.
"You're welcome, Cheche," tugon ko na lamang sa kanya. "Thank you pala dahil hindi ko akalaing nagbago ka at hindi ko akalaing nagkaroong ng magandang pakikisama nating dalawa."
"Walang anuman 'yon, Kawhi," tugon pa ni Michelle. "Kahit anong mangyari, lagi ako sa tabi mo," malambing na sabi pa ni Michelle at wala na akong magawa kun'di ngumiti na lamang.
Nakakapanibago lang talaga ang lahat noong umalis ako sa Santan ng ilang araw at bumalik, naging komportable ang lahat kumpara sa tunay na panahon ko noong Grade 7 talaga ako. Naging maganda ang pakikitungo nila sa akin at naging maayos ang buhay ko.
"Salamat..." ito na lamang ang sinabi ko sa kanya.
"Walang anuman at salamat, Kawhi," tugon pa ni Michelle.
"Sige na, ibababa ko na ang tawag dahil may gagawin pa ako."
"Sige Kawhi, mag-ingat ka."
"Ingat ka, Cheche."
"Goodnight."
"Goodnight din." ito na lamang ang huling sabi ko at binaba ko na ang phone ko para tapusin ang tawag. Nilapag ko na lamang ulit sa lamesa ko at at kinuha ko ang ballpen ko para balak kong magpatuloy na tapusin ang workbook ko. Ngunit tumingin na lamang ulit ako sa magagandang kalangitan at mayamaya ay ngumiti na lamang dahil napapaisip ko parin ang lahat na nangyari sa akin dito sa kinatatayuan ko. Nakakatuwa lang dahil naging magagandang pangyayari noong naulit ko ang lahat mula noong Grade 7 ako.
Sana ganito na lang ang nangyari sa'kin noong Grade 7 pa lang ako.
****
Kinabukasan, pauwi na kami galing school. Lumabas na kami sa Gate habang kasama ko si Michelle.
Paglabas namin at kami'y kumanan, isang babae ang nagsalita mula sa likuran ko. "Hello! Ikaw ba si Gagek?" May isang babaeng nagtanong mula sa likuran ko. Pamilyar ang boses niya.
Humarap ako sa isang babaeng naka-uniform. Taga-TUP ang estudyanteng babae, nakasalamin, mahaba ang buhok, chinita at mas matangkad ito kaysa sa amin nila Michelle.
"S-sino po sila?" tanong ko sa kanya. Hindi ko namukhaan.
"Ako kasi si Deshiana, taga TUP at isa akong Wattpad Writer kagaya mo," nagpakilala ito sa akin.
Tumingin ako sa I.D ng babaeng nasa harapan ko ngayon.
Deshiana Abilon
School ID XXXXXX
BS Architecture
Kilala na kita, Ate Desha. Bakit napa-aga kang dumating sa buhay ko?
"Nag-chat ako sa'yo noong isang araw sa Facebook. May gusto ko lamang kasi—"
“P-paano n'yo po ako nakilala, Ate Desha?!”
-
@Stunn3r
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top