Chapter 6 - Pleasure

ADELE'S POV

Nakaupo ako ngayon sa isang upuan malapit sa harap ng blackboard at nanatiling tahimik sa kinauupuan ko habang kumuha ng libro na ang pamagat ay Notebook ng isang Lushang, isang romance na novel ito at sikat ito noong taon na ito na may real life adaptation movie na pinalabas ngayong taon na ito kaya't mabuti ay binilhan ako ni Mama ito noong nakaraan.

Nagbabasa lang ako ng libro ng tahimik at walang istorbo na dumating sa akin ngayong oras na ito. Ilang segundo lang, I turn the page forward and read and repeat the cycle hanggang naka-dalawang chapter akong natapos.

Pagkatapos kong magbasa ay kaagad na tiniklop ko ang libro at pinasok ko sa bag. Saktong sakto naman na dumating si Ma'am para simulan ang klase namin.

"Goodmorning, class."

"Goodmorning Ma'am and Welcome to section Magnolia. Mabuhay!!!" Bati namin sa kanya habang tumayo kaming lahat sa harapan niya.

"Okay! Sit down Class." Sabi niya at umupo kaming lahat para simulan ang klase.

"Okay! Before we proceed for our lesson, let us review for our discussion last day. May I know what-"

"Ma'am, Let me excuse for Lamboloto?" Biglang sabi ng isang lalaki na nasa pintuan at lumingon kaming lahat sa kanya. Si Sir Avance ang tinutukoy ko.

"Okay!" Tugon naman ito ni Ma'am kay Sir at ako'y tumayo sa aking kinauupuan para lumapit sa kanya. Lumabas ako sa room at ako'y nasa harapan niya.

"Sumunod ka sa akin at may pag-uusapan tayong dalawa ngayon." Sabi niya sa akin at ito'y naglakad palayo sa room. Sumunod naman ako sa kanya ng tahimik habang isa lang ang nasa isip ko.

Hindi ko na kailangan pang sabihin iyon pero alam ko na kung bakit.

****

"Lamboloto, kailangan ka namin ngayon sa Santan." Ito kaagad sabi ni Sir Avance sa akin at naglakihan nalang ang mata ko dahil sa kanyang sinabi. Nasa table niya sa loob ng Math Department kami ngayon at vacant time si Sir Avance ngayon.

"B-bakit n-naman po, Sir?!"

"Noong umalis ka doon, ang dami nang nagbago at ang mas masaklap ay karamihan sa report ng guidance ay mula sa Santan." Paliwanag ni Sir kung bakit.

"Eh ano naman ngayon?"

"Adele, kailangan mo nang bumalik sa section mo." Dikta pa ni Sir Avance sa akin. "Sa tunay na section mo."

"Sir, ilang beses ko bang sasabihin sayo na ayoko na po sa Santan?!" Wika ko naman at halos maiinis na ako sa kanya. Teacher pa naman siya pero bakit niya talaga ipilit iyon?

"I know, Adele..." Sir Avance said.

Iniwasan kong tignan siya habang sabing "Kahit anong mangyari, hindi at hindi ako babalik sa section na maraming trauma."

"Kailangan ko ang tulong mo ngayon, Adele." Sagot naman niya kung bakit niya ito sinabi sa akin at dito nagkaroon ng pagtataka dahil sa kanya.

'He's adviser but need niya tulong ko for this thing? Bakit sa akin pa? At ano nasa isip ni Sir kung bakit sa lahat ng estudyante ng Santan, ang taong umalis pa?'

"Tulong for what?" Kaagad na tanong ko sa kanya at ako'y tumingin muli kay Sir.

"Kahit hindi ka maging presidente ng class, kailangan kita para sa kaayusan ng section natin." Ito ang sabi sa akin bilang anyaya niya sa akin.

"Section natin? M-magnolia na po ako ngayon Sir at hindi na ako parte ng Santan." Clarification ko sa kanya.

"Adele, ikaw lang ang maari kong tulungan dahil halos lahat ay ayaw na nila sa akin." Wika niya at nakikita ko sa kanya mukha na nagmamakaawa na ito sa akin, gusto na niya siguro lumuhod sa harapan ko pero hindu ako papayag dahil ayokong maulit talaga.

"Sorry Sir, pero hindi talaga ako papayag sa gusto mo'ng mangyari dahil alam ko na po ang lahat." Wika ko naman sa kanya at ako'y tumalikod para lumabas sa Math Department.

'Hindi ko man alam kung ano ang nais niya pero sadyang ayoko lang talaga. Kay Michelle palang ay alam ko nang hindi ako belong sa kanila, sa iba pa kaya?'

Dahan-dahan lang akong naglakad sa hallway habang iniisip ko iyon. Ano talaga ang nangyayari sa Santan pagkatapos noong araw na nawala ako?

'Kung may kakupalan doon, ibig sabihin ay masaya sila na wala ako doon.'

Nang nakarating ako doon muli sa Room ko, daling pumasok ako at lumapit sa aking kinauupuan para makaupo at nagpatuloy para makinig sa discussion ngayong araw na ito.

****

Breaktime, tamang kain lang ako ng tinapay ng tahimik sa gilid ng Canteen. Ako lang mag-isa at ang tinapay na kinakain ko ay Spanish Bread na may kasama pang kape. Nakaupo lang ako sa isang monobloc chair at walang kasama sa table kundi ako lang.

Nakatingin lang ako sa mga estudyante na napakaingay kaya't medyo hindi ako komportable ang paligid ko ngayon pero hindi ito big deal sa akin dahil hindi naman gaano kataas ang inis ko.

Habang kumakain, iniisip ko parin ang sinabi ni Sir Avance sa akin kaninang umaga lang. Hindi ko maiwasan ang mga sinabi niya sa akin. Ang daming tanong sa aking isipan tungkol doon.

Mamaya ay may isang lalaki na lumapit sa akin at ito'y tumabi sa akin. "Dios, musta kana?" Pangangamusta niya sa akin habang nakaupo ito sa isang monobloc chair sa tabi ko.

Lumingon ako sa lalaki na iyon ng kaunti at ang lalaki na iyon ay si Khairro, ang bestfriend ko simula noong kabataan ko.

"I'm fine as always." Sagot ko naman sa kanyang sinabi at tamang inom ng kape na nasa basong gawa sa styrofoam.

"Miss kana namin Dios." Sabi pa ni Khairro sa akin at alam ko sa tono ng pananalita na nag-aalala ito sa akin. Ganitong ganito talaga si Khairro noon pa at talagang may concern siya sa akin. "Musta kana pala sa bagong Section mo?" Tanong pa niya sa akin.

"Maayos naman ang lahat sa bagong Section ko at nakahanap ako ng tunay na paligid na ninanais ko." Sagot ko naman sa kanya at ako'y tumingin sa kanya sa mismong mata niya. "Mas maganda pa ang section ko dahil kahit last section ay mas disiplinado pa at ang sarap ng paligid doon dahil ang linis ng paligid ng room doon."

"Talaga, Dios?"

Tumingin ako sa mga estudyante para maiwasan kong tignan si Khairro at sabi ko pang "Nagkaroon ako ng Peace of Mind dahil sa kanila. I feel more comfortable right now with my section."

"Okay..." Sabi nalang ni Khairro sa akin at tumahimik nalang ito. Wala naman akong balak kamustahin ito dahil alam kong maayos siya even wala na ako doon, nauunawaan ko siya pero dahil medyo masigla ito ay no need to kamustahin pa. Tamang kagat ng tinapay na hawak ko at ngumunguya lang ng tahimik sa kinauupuan ko habang nakatingin sa mga estudyante na nasa harapan ko.

"Ahhhh naparito pala ako para sabihin sa iyo na gusto ka kausapin ni Michelle mamayang uwian." Ito ang sabi ni Khairro kaya't biglang lumingon ako sa kanya habang nilunok ko ang pagkain na nasa bunganga ko na may halong pagtataka.

'Ano naman ang nasa isip ni Michelle kung bakit gusto nita ako kausapin? Kausapin niya ako because?'

"And why?" Tanong ko sa kanya habang nanatiling nakatingin ako sa kanya.

"Hindi ko alam pero gusto ka niya daw kausapin."

Tumingin ulit ako sa mga estudyante sa harapan ko habang sabi kong "Pakisabi sa kanya na ayaw ko siyang kausapin kahit isang salita pa niya."

"Sigurado ka, Dios?"

"Sigurado ako dahil alam kong kalokohan lang din ang pag-uusapan naming dalawa." Paliwanag ko kung bakit ayaw ko.

"Sigurado ka Dios ah! Kailangan ko na mauna sa iyo." Wika ni Khairro at napansin kong tumayo na ito para makaalis siya sa kinaroroonan ko ngayon.

"Pakisabi nalang sa kanya na huwag na huwag niya akong kausapin." Sabi ko pa kay Khairro para makarating lang kay Michelle ang sinasabi ko.

"Sige! Mauna na ako sa iyo, Dios." Ito ang huling sabi ni Khairro at ito'y umalis na sa aking kinaroroonan para makabalik na ito sa room nila. Nanatiling mag-isa na naman ako sa table na kinaroroonan ko at medyo tumaas ang comfort ko noong unti-unting humina ang ingay dahil paunti na ang estudyante sa canteen.

Habang nakaupo parin ako, dumagdag naman sa isipan ko na bakit gusto naman ako kausapin ni Michelle?

'For what?'

****

"Okay Class, Dismiss." Ito ang sinabi ng huli naming teacher sa araw na ito bilang pagtatapos ng klase habang naririnig namin ang tunog ng bell. Daling kinuha namin ang aming mga bag habang ang iba ay nilagay ang mga notebook at ballpen sa loob ng bag.

Daling tumayo ako sa aking kinauupuan at daling naglakad palabas ng room dahil ako'y uuwi na sa aming bahay, hindi naman ako stressful sa araw na ito dahil hindi naman masyadong pangit ang surroundings ko.

Nang baba sana ako ng hagdan dahil ang room na iyon ay tabi lang ng hagdan, may humawak sa kamay ko at galing iyon sa likuran ko kaya't tumigil nalang ako sa paglalakad. "Adele..." Ito ang narinig ko mula sa likod ko, boses babae at pamilyar na pamilyar ang boses na iyon.

"Huwag mong hawakan ang aking kamay dahil hindi naman kita kaano-ano, Mariano." Ito ang aking sabi habang nanatiling nakatayo at nakapiglas ako doon. Damang dama ko ang inis dahil sa babaeng ito.

"Gusto kitang kausapin ngayon." Pakiusap niya sa akin kaya't humarap ako sa kanya. Same as what she have, still a bully girl and I know na may plano ito.

"Alam ko ang plano mo at hinding hindi na akong magpapa-uto sa iyo, Mariano."

"Adele, pasensya na." Kaagad niyang sabi at nakikita ko sa mata niya ang regret. Iniisip ko nalang na isa lang itong patibong kaya't hindi ko talaga ramdam ang presensya niya.

"For what?"

"P-pasensya na kasi... H-hindi ko naisip na-" biglang huminto ito sa pagsasalita noong kaagad na tumalikod ako sa kanya at naglakad pababa ng hagdan.

"S-sandali lang, Adele!" Naririnig ko sa kanya ang mga salita niya ngunit patuloy lang ako sa kakalakad pababa ng hagdan. "Pwede bang mag-usap muna tayong dalawa."

Nang nakarating na ako sa labas ng building, hinarang na niya ako kaya't huminto ako sa harapan niya. "Adele, gusto ko lang kausapin kita ngayon dahil mahalaga lang ang sasabihin ko sa iyo."

"Mahalaga nga..." Wika ko naman as my reply. "Mahalaga na siraan mo na naman ako."

"Adele, hindi ko gagawin ulit sa iyon dahil seryoso ako ngayon."

"Wala tayong pag-uusapan dahil hindi mo naman akong close friend." Wika ko naman at lumihis akong dumaan sa kanya para makauwi na ako pero talagang pumunta parin ito sa harap ko at huminto na naman ako sa harap niya.

"Ano ba, Mariano?" Nagtitimpi na ako sa babaeng ito, hindi niya talaga siya titigil hangga't hindi niya maging successful ang plano niya.

"Adele, kailangan ka namin at gusto naming bumalik ka sa amin." Ito ang sabi ni Michelle sa akin at lalong tumaas ang inis ko nang marinig ko ang linyang ito.

Dahil rito, binangga ko ang balikat niya para lumihis akong dumiretso para makaalis sa kinaroroonan ko. Hindi na siya sumunod pa sa akin at nang lumingon ako sa kanya habang naglalakad ay nakatayo lang ito habang nakatingin sa akin at parang malungkot ang babaeng iyon dahil mission failed siya ngayon.

Huminto ako muna sa paglalakad, halos kalahating metro ang layo mula kay Michelle at lumingon ako sa kanya. Nakita ko sa kanyang mukha ang lungkot habang nakatayo ito na halos uupo na siya sa lupa dahil alam kong failed ang plano niya na siraan na naman niya ako socially.

Pagkatapos ay tumingin nalang ako sa dinadaanan ko at naglakad na paalis ng paaralan at makauwi ng bahay kahit dala parin ang aking inis dahil sa nais na mangyari ni Michelle which is bumalik ako sa Section na kung saan ay balot ng kadiliman. Nawalan na ako bigla sa mood at uuwi na akong may inis dahil sa kanyang sinabi.

Ano na naman nasa isip ni Michelle na babalik ako doon? Parang halatang siraan na naman niya ako kapag sumunod ako sa nais niya.

'Nakaganti na ako sa iyo, gusto pa niyang dagdagan.'

-

@Stunn3r

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top