Chapter 4 - New Home

ADELE'S POV

"Mister Lamboloto?"

Humarap ako sa aking mga kaklase at huminga ng malalim kaya't bumalik sa normal ang tibok ng puso ko. "Science is a study of everything. Simpleng galaw lang natin ay may siyensya na, paano nalang sa iba?" Ito ang aking sagot.

'Huwag sanang pumalpak.'

"What do you mean study of everything?" Tanong pa ni Ma'am sa akin habang nanatiling nakatingin ako da mga kaklase ko.

"Science have many branches. They are Biology which is study of life, Physics which is study of motion, Astronomy which means ia study of terrestrial matters and many more to mention. Sa science, nalalaman natin kung bakit ganito ang galaw ng isang bagay, bakit may ganito sa universe natin, bakit may chemicals na nakakalason at nakakabuti sa kalusugan at marami pang iba. Confusing tayo sa mga bagay kaya't ang science ang sagot sa mga tanong na kailangan nating masagot. Remember, hindi nagsisinungaling ang siyensya." Ito ang aking paliwanag kaya't narinig ko ang mga umaliw-liw ng mga kaklase ko at narinig ko about sa akin.

"Wow! Parang ang talino naman ng lalaki na iyan.", "Siguro, gifted ito." Ganito ang naririnig ko mula sa mga kaklase ko pero nanatiling neutral ang aking ekspresyon dahil ayokong ipakita kung ano ang reaction ko sa mga sinasabi nila.

'Ibig sabihin ay tama ang aking sagot?'

"Nice answer! Sit down, Mister Lamboloto." Ma'am Esteban ordered kaya't umupo nalang ako sa aking kinauupuan at humarap ako sa blackboard.

"Ang galing mo naman, kuya." Ito sabi sa akin ng isang lalaki pero hindi ko nalang siya pinansin ngunit ang aking isipan ay tuwang-tuwa naman.

'Nagawa ko ang dapat kong ginawa noong High School ako, ang magsabi ng naayon sa aking pananaw na maayos related sa topic.'

Nakatingin muli ako kay Ma'am Esteban ng diretso habang naupo sa aking kinauupuan ng tahimik. Ngunit may sinabi na naman ako sa aking isipan.

'Sana, maayos na ang hinaharap ko dahil dito.'

****

Recess time, kaagad na pumasok ako sa canteen pero kakaunti nalang ang tao, taktika ko din ito mas masikip kung pupunta ako kaagad dito kaya't mas mabuting five minutes left ay nakababa na ako dito.

Ang mga tinda ay ang number 1 favorite ng mga estudyante, ang Siomai Rice. May Hamburger at Footlong pa, may Piyaya, may Cheese Roll at may mga snacks pa.

Ngunit napapansin ko ang isang tinda na walang bumibili na kahit sino, ang tinapay.

Yeah! Yung mas masustansya pa ang walang bumibili.

Kaagad ma lumapit ako doon at nagtanong. "Ate, magkano po sa Spanish Bread?"

"Limang piso lang." Sagot ng tindera.

'My favorite Spanish Bread, si Pauleen ang naalala ko dito kasi. Actually, may Spanish Blood ang asawa ko kaya iniisip ko siya kapag kumakain ako ng Spanish Bread.'

"Dalawa niyan tapos dalawang Fruit Cake." Sabi ko kaya't kumuha na ito ng plastic at kinuha niya ang mga sinabi ko. Binigay niya sa akin ang mga naka-plastic na mayroong tinapay at akin namang tinanggap.

"Ate, may tanong lang po ako sa inyo." Ito ang sinabi ko sa tindera dahil may gusto ko lang malaman.

"A-ano po iyon?"

"Saan po bakery galing ang mga tinapay na ito?"

"Ah! Sa Banlat Road galing ang mga tinapay na ito."

"Ahhh... Okay po!"

"Bakit mo naman natanong?" Tanong naman ng tindera sa akin.

"Ahhh... K-kasi po napapansin ko lang na walang bumibili sa tinda na ito."

"Ah! Hindi ko na po alam iyan pero ang sigurado ko lang ay hindi talaga patok ang tinapay." Sabi ng tindera at ito'y umalis papunta sa isang pwesto para magtinda ng snacks.

Palaisipan talaga na bakit hindi popular ang tinapay dito. Nang kumuha ako ng isang pirasong Spanish Bread at kumagat ng isa, masarap naman ang tinapay.

Hindi na bali! Ako na siguro ang kaunaunahang suki ng tindahan ng tinapay. Don't worry.

Papaliwanag ko lang kung bakit ito ang panahon kung saan nagsimula ang aking trauma bilang estudyante. Noong Grade 6 ako ay nakaranas ako ng salitang BULLY, tinutukso nila ako either physical, emotional or mental attack. Akala ng mga bata kasi noong panahon na ito ay maayos at hindi ito masama pero hindi nila alam na karamihan sa biktima ng bullying ay nakakaranas ng matinding depression, anxienty at ang mas malala which is nag-suicide ang karamihan. Hindi talaga biro ang bullying, ramdam ko ang sakit pero tinatago ko nalang ito instead na ilabas ko noong kabataan ko or yung panaginip ko or hindi ko ba alam.  Naka-recover ako noong nagkaroon ako ng maraming pera, nagkaroon ng kaibigan na tanggap na tanggap ako, mga gumagabay sa akin kung paano ako maging success at kung paano hanapin ang purpose dito sa mundong ito. Hindi ko talaga aakaing panaginip ang lahat, but I learn from what I am kaya't mabuti nalang umalis ako sa Santan at nagsisimula na akong mag-recover mula sa past ko. Hindi man ako matured kagaya nila pero alam ko sa sarili ko na magagawa ko ang lahat na magpasaya at tumulong para na din syempre sa sarili ko.

Ang mahalaga ngayon ay nakapasok na ako sa comfort zone, hindi na baling maging tanga huwag lang masaktan ng mga tanga.

****

Nang nakauwi na ako sa aking bahay, kaagad na nilapag ang aking bag sa aking kama, walang katao-tao dahil umalis sila Mama at Papa papunta na naman sa Divisoria.

'Ito rin ang panahon kung saan sobrang sipag nila Mama at Papa para lumago lalo ang aming business. Alam kong mapupunta sa akin ito pero hihintayin ko nalang, baka siguro at mapunta na sa Kapatid ko pero ayos lang sa akin iyon.'

Isa-isa kong tinanggal ang butones sa aking polo at ito'y aking hinubad. Nilapag ko lang sa sofa at ako'y daling hinubad ko ang aking sando at sinundan ang aking pantalon. Daling binuksan ang locker para makakuha ng damit, isang Jersey ng Los Angeles Lakers na mayroong numbero na twenty-four na kulay dilaw lang naman at isang itim na short ang aking sinuot. Kinuha ko ang mga nahubaran damit at daling pumunta sa C.R para malagay ko iyon sa basket na walang kalaman-laman.

Nang lumabas sa C.R ay daling kinuha ko ang wallet na ang tanging laman ay bente pesos. Biglang pumasok sa isipan ko na mag-computer nalang sa ComShop which is sa Boombastik malapit sa bahay na ito.

Dito ko sinuot ang aking tsinelas at daling sinarado ko ang pinto. Walang kahit ano na iniwan na nakabukas except sa ilaw dahil taktika namin na buksan lang iyon para kunwari ay may tao.

Naglakad ako ng tahimik at habang ganoon ay nagiging komportable ang aking katawan ngayon. Hindi ko talaga aakalaing magiging successful ang plano ko pero hindi ako kampante dahil alam kong kagaya din ito sa Section na nagpa-trauma sa akin.

Nang makalabas ako sa Gate, kaagad na sinarado ko iyon at naglakad muli sa sidewalk sa Quirino Highway. Kumanan ako sa Franco Street at diretsong naglakad ako dito, dito pa naman ang street na kung saan nakatira si Joshtine.

Mabuti ay wala siya sa kinaroroonan ko kaya't nanatiling peace ang aking mind for today's video.

'Sa wakas, wala ang asungot na iyon dahil baka mamaya ay sasapakin niya ako ng hindi ko alam.'

Sa totoo lang, wala na ako balita pa kay Joshtine dahil wala akong pakiealam sa tao na iyon. Huling kita lang namin ay noong grade 10 dahil kaklase ko ang hayop na iyan pero ilang araw lang dahil umalis naman ako sa Tandang Sora High at lumipat sa Pasay CIty. The rest ay bahala na siya sa buhay niyang hayop siya.

Nanatili parin akong kalmado noong naglalakad ako

Nang nakarating na ako sa labas ng ComShop, may isang lalaki na nagtawag sa palayaw ko.

"KOBEEEE!" Si Boying, kaibigan ko.

"Oh Boying!" Sambit ko pagkatapos kong lumingon at humarap sa kanya. "Ano gagawin mo ngayon?"

Siya lang naman ang kauna-unahang kaibigan ko sa labas, kaibigan din ito ni Joshtine pero mas close ko siya compare sa friendship nilang dalawa. Marami rin siyang kaibigan compare sa akin. Grade 6 naman siya at sa Placido din ito pumapasok, but same lang kami ng age at mas matanda siya when it comes sa months.

"May paliga sa Abbey Road, nood ka mamayang alas singko ng hapon?" Anyaya niya sa akin.

"Aba Boying! Pwede naman pero depende na mamaya kung darating si Mama sa bahay." Sabi ko naman sa kanya.

"Ano ba gagawin mo ngayon?" Tanong ni Boying sa akin.

"Syempre!" Kaagad na tinaas ang kamay ko na may hawak ng wallet above my neck. "Maglalaro ako ng League of Legends."

"League of... Sandali! Ang nilalaro mo lang ay N.B.A lang naman, ah?" Boying confused. "Ano ba rank mo na ba at sinong hero ang lagi mong ginagamit?"

"Lee Shin, Gold One. Mostly for physical damage ang aking binubuo except lang sa boots."

"Aba! Baka nagsisinungaling ka Kobe?" Hagikgik ni Boying sa akin na akala niya ay hindi totoo ang mga sinasabi ko.

"Bakit naman ako-" biglang huminto ako sa pagsasalita noong may nag-snatch sa aking wallet at kumaripas na tumakbo ito palayo sa amin.

"Anak ng..." Daling tumakbo ako para sundan ko ang naka-black na jacket na iyon.

"HOY!" Sumunod naman si Boying sa akin kaya't tumakbo ito.

Sadyang ang bilis ng lalaki, hindi ko naabutan. Ngunit pamilya ang Jacket niya dahil pang-2022 ang jacket na iyon at ang mas masaklap ay napansin ko na PIGH6 ang nakalagay sa may braso ng jacket ng lalaki na iyon.

Hindi na bali! 'NINJAAAAA RUUUUUUN!'

Kaagad diniretso ko ang aking mga kamay backwards at dito biglang bumilis ang aking takbo. Lumingon siya sa akin at nang nakita niya ako ay humarap ito sa kanyang dinadaanan at balak niyang bilisan ang takbo pero daling hinawakan ko ang kanyang braso at kami'y huminto sa harap ng isang abandonadong gusali.

"Asaan na ang wallet ko?" Tanong ko sa kanya pero hindi ito sumagot.

"Nasa akin, iho." May isang matandang lalaki na nagsalita at nakita ko siyang nasa pintuan ng abandonadong gusali ito. Nakita ko g hawak niya ang wallet ko at palaisipan sa akin kung paano napunta sa kanya iyon.

Itsura ng matandang lalaki? Nakatalikod ito sa amin pero ang suot niya ay isang jacket at isang pants, nakita kong naka-leather shoes ito.

"Bitawan mo muna siya." Dikta ng matandang lalaki kaya't sinunod ko siya.

"Ikaw na naka-hood, maari ka nang umalis." Ito ang sabi ng matandang lalaki kaya't tumakbo ang naka-hood na lalaki palayo sa akin at umalis.

"Alam ko kung sino ka Adele." Ito ang wika ng lalaki kaya't lumapit ako sa kanya while my forehead is wrinkled.

"Sino ka po ba?" Ito ang aking tanong mula sa kanya since I'm so confused.

"Alam ko ang kaluluwa mo ay galing sa hinaharap." Ani pa ng matandang lalaki. "Nagtataka ka kung bakit nagising ka sa isang panahon na kina-aayawan mo."

"What do you mean, Sir?"

"Adele, isa lang naman ang maaring mong gawin at walang iba kundi bumalik sa tunay mong pangkat o seksyon." Ito ang sinabi sa akin ng matandang lalaki kaya't biglang nagtaka ako sa sinabi niya.

"Anong section ang sinasabi mo?"

"Bumalik ka sa Santan at gawin mo ang dapat mong gawin." Paliwanag ng matandang lalaki sa akin.

"At bakit naman ako babalik doon, Sir?" Ito ang aking tanong na mayroong gigil na tono.

"Kailangan mo matapos ang taon na pag-aaral mo bilang ika-pitong baitang sa Santan." Ito pa sabi sa akon ng matandang lalaki na nakatalikod sa akin kaya't taas kilay ako sa kanyang sinabi.

'Ano naman ang reason kung bakit ako babalik doon?'

Nagdadalawang isip ako kung sasagot ako ng Opo para sumunod ako sa utos niya pero iniisip ko na niloloko ako ng matandang ito.

"Kilala kita, Adele Dios. Ikaw ang sikat na manunulat na galing sa taong dalawang libo at apat na pu't lima." Wika pa ng matandang lalaki. "Nagsimula ang iyong pagsusulat ng mga nobela noong pandemya at may mga taga hanga ka na naghihintay sa iyo."

"Bakit mo ba ako kilala, manong?" Kaagad na tanong ko sa kanya.

"Nagmula din ako sa taon na kung saan ka kinabibilangan, Adele." Paliwanag niya sa akin bilang kanyang sagot sa aking tanong. "Kaya Adele, bumalik kana sa pangkat na iyong kinabibilangan."

Tumahimik ako ng ilang beses habang nakatingin ako sa ulap. Iniisip ko sila Hasleigh at ang mga anak ko dahil iniisip ko talagang nanaginip lang ako o nag-time travel ang ako sa taong ito.

Ngunit ito nalang ang aking salita na lumabas sa aking bunganga. "Paano kung ayoko, Sir?"

"Sigurado ka na ba sa sinasabi mo?" He asked me again na parang hindi siya naniniwala sa sinabi ko.

"Oo naman, Sir." I answered confidently.

"May ilang araw ka pa para pag-isipan ang desisyon mo." Sabi ng lalaki. "Tandaan mo, kung mahal mo ang pamilya mo na nasa panahon mo ay kailangan mo itong gawin."

"At paano kung hindi?" Ito ang aking tanong pero pumasok nalang ito sa pinto ng abandonadong gusali habang nilapag niya sa sahig ang wallet ko.

"Hoy!" Lumapit ako sa kanya pero biglang sumara ang pinto. 'Anong sinasabi ng matandang lalaki na iyon?'

"KOBEEEEE!!!" Tawag ni Boying sa akin kaya't lumingon ako sa kanya at ito'y lumapit sa akin.

Kaagad dinampot ko ang wallet na nasa sahig at tumayo ako ng tuwid. "Kailangan na nating bumalik sa Boombastik."

"Ano bang nangyari, Kobe?" Tanong ni Boying sa akin at napansin kong nag-aalala ito dahil sa tono ng kanyang pananalita.

May nakita akong isang kakaibang relo sa sahig, tumingin ako doon at halong pagtataka ang nasa isipan ko. Napaisip ako na ito ang susi para bumalik sa tamang panahon ko. Lumang relo siya na ang mga numero ay naka-Roman Numerals instead na Hindu Arabic, may chain siya instead na modernize na relo na isinusuot sa kamay. Parang relo siya noong panahon pa ni Jose Rizal.

"Kobe?" Sambit parin ni Boying ang pangalan ko pero hindi ko pinansin iyon, daling dinampot ko ang relo na nasa sahig at tinignan ko ng maigi.

Napansin kong lumapit si Boying sa akin. "Ang ganda ng relo na iyan. Kanino kaya iyan?" Ito ang narinig ko sa kanya habang nakatingin parin ako sa relo na hawak ko.

"W-wala! Umalis nalang tayo dahil kailangan ko nang tanggalin ang mga problema ko." Ito ang aking sagot at ako'y naglakad palayo sa abandonadong gusali na iyon. Binulsa ko naman ang relo na hawak ko at nanatiling sa akin parin iyon.

Palaisipan talaga sa akin ang sinabi ng matandang lalaki na kailangan kong bumalik sa Santan para makabalik ako sa tunay kong panahon. Pangalawa, ano naman ang simbolo ng relo na hawak ko.

'Paano naman kung ayaw ko?'

****

Ilang segundo lang ang nakalipas ay nakapasok na ako sa Boombastik, ang number 1 computer shop sa aking puso noong kabataan ko.

Nang makita ko ang paligid ng kinaroroonan ko, nanatiling nakatayo lang ako sa pinto. Ngumiti nalang ako habang pinagmamasdan ang ingay ng computer shop, may mga naka-uniporme pang-eskwela ang iba at ang iba diyan ay alam kong cutting ang mga ito dahil may mga bitbit itong mga bag, ang mas maganda pa rito, puro mga lalaki ang mga ito.

'P.O.V, it's twenty fourteen (2014).'

Sa totoo lang, namiss ko itong lahat dahil minsan masaya din sa computer shop na ito. Ramdam ko ang saya at mawawala ang sakit noong taon na ito. Damang dama ko ang ligaya at kahit ang iingay, ang baho ng headset, may mga kulangot ang keyboard at mabagal na internet access dahil iba ang 2014 sa 2045. Nawala lang ito noong COVID-19 Pandemic noong 2020 pa at na-revolutionize nalang hanggang sa nawala na ang computer shop or internet cafe sa buong Pilipinas, kung mayroon man ay kakaunti nalang hanggang sa lahat ng tao dito sa bansa ay may kanya-kanyang computer at internet access na.

Nanatiling pinagmasdan ang aking paligid ng tahimik, hindi nagsasalita kahit isang salita lang at nakangiti ang nakamarka sa aking mukha.

"Kobe, may problema ba?" Tanong bigla ni Boying sa akin.

Kaagad na tumalikod ako at sabi kong "Na-ihi ako, babalik lang ako."

"Sige." Tugon naman niya at daling binuksan ko ang pinto para ako'y lumabas room para kunwari ay umihi ako.

Naglakad ako ng ilang hakbang papunta sa isang bakanteng lote na walang makakakita sa akin na kahit na sino at nakarating ako doon. Imbes na buksan ang aking zipper sa short ko at ilabas ang ari ko para umihi kahit wala akong maramdaman na maihi na ako, sumandal nalang ako sa pader at ako'y tumingin sa langit.

Nasimulang tumulo ang aking mga luha at maraming scenario ang aking naalala mula sa aking utak, ang mga memories ko mula pagkabata dahil ito lang naman ang dahilan kung bakit naka-survive ako at mas gusto ko pang umuwi nalang sa bahay kaysa manatili sa school dahil sa toxic surroundings noon.

Umiyak ako hindi dahil na-trauma ako sa nakaraan, umiyak ako dahil nagpapasalamat ako na may computer shop na dumating sa buhay ko. Kung wala iyon, baka hindi masaya ang childhood ko at baka hindi ako maka-survive sa kung ano ako ngayon.

-

@Stunn3r

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top