Chapter 3 - Patience

ADELE'S POV

Ilang minuto na nakalipas sa guidance, nang inilahad ni Christian ang pangyayari kanina ay dito naman nagsalita si Ma'am Vergel, ESP Teacher namin at ang guidance counselor ng Grade 7.

"Lamboloto at Salonga, kayo na naman ang nag-aaway." Ma'am Vergel said to us. "Pangalawang pagkakataon na ito at kasama pa si Mariano."

"Kung hindi lang po sana binalibag ni Lamboloto ang upuan, sana hindi po kami naparito ngayon." Ito ang buwelta ni Michelle kay Ma'am Vergel kaya't imbes na mag-criticize ay hinayaan ko nalang.

"Alam ko iyon, Mariano." Ma'am Vergel replied. "Salonga, bakit mo naman inaway si Lamboloto? Tandaan mo na may nangyari na sa inyong dalawa noong unang linggo ng pasukan." Karagdagang ani pa niya at nakatingin na ito kay Joshtine.

"Sinigawan naman niya kami na Satanas daw, Ma'am." Ito naman ang pahayag ni Joshtine and imbes na bumuwelta, pinili ko nalang manahimik at nanatiling kalmado.

"Lamboloto, ano naman ang rason kung bakit mo iyon nagawa?" Tanong naman ni Ma'am Vergel at ang kanyang mga mata ay nakatutok sa akin kaya't pumikit nalang ako na parang nagsisisi ako sa ginawa ko at huminga ng malalim.

'Well, it's time to release my feelings na dapat nilabas ko noon pa. Alam ko ang katotohanan about my society and I want to start my new chapter.'

"Alam mo naman na masamang magbalibag ng-" Biglang huminto sa pagsasalita si Ma'am Vergel dahil dito ko nagsalita sa kanya ng tunay kong dahil kung bakit ko iyon ginawa.

"Ma'am, ayoko na po sa Santan." Ito ang aking paliwanag habang nanatiling nakapikit ang aking mga mata.

"Ano?!" Ito ang sabi ng mga taong nasa kinaroroonan ko.

'Gulat yarn?! Halatang plastic yung tatlo diyan.'

Dumilat ang aking mga mata at nakatingin ako kay Ma'am Vergel. "Ma'am, i-dropout ninyo nalang ako o maaring ilipat ninyo ako ng section kahit last section pa ang i-assign ninyo sa akin basta maka-alis ako sa section ko na maaring magdala ng trauma sa hinaharap." Ito ang aking ani kay Ma'am Vergel at nakikita ko sa kanyang mukha na pagtataka, her eyes are popping out and her jaw is dropped. "Hindi ako sa fortune teller at wala man akong kakayahang mag-predict na mangyayari sa future but I know what would be possible happen when I stay in a class section who I know at the first place that the students give me a colossal trauma who affect my status and my personality in the present and also the future."

"Adele... T-totoo ba ang s-sinasabi mo?" Ito ang linya ni Christian habang nanatiling nakatingin ako kay Ma'am Vergel.

"Any wrong, Lamboloto?" Tanong naman ni Sir Avance sa akin but instead ay hindi ko sinagot ang kanyang tanong.

'Kahit siguro baliktarin ang mundo, hindi parin nila ako magugustuhan at magiging belong sa kanila dahil ayaw nila sa kagaya ko.'

"Well, mas deserve na mag-stay si Joshtine at si Michelle sa Santan kaysa sa akin kaya't dahil siguro sa aking ginawa ay tinatanggap ko ang aking parusa, kahit ang parusa ay ma-dropout at ma-blacklist ako dito sa paaralang ito ay tatanggapin ko." Ito pa ang aking sinabi dahil alam kong magkaka-trauma talaga ako sa section na kinaroroonan ko ngayon. "I hope, maintindihan ninyo ang aking side pero kung hindi naman ay ayos lang sa akin."

"Adele!" Sambit ng isang babae na galing sa likuran ko at tumingin ako sa kanya habang lumalapit ito sa akin, si Mama lang naman. "Ano na namang nangyayari sa iyo? Inaway ka ba nila?"

'Mabuti at dumating ka, Mama. Huwag ka lang sana magalit.'

"Mama..." Sambit ko at tumingin ako kay Michelle. "Ayoko na sa Section na sa tingin ko ay magkaka-epekto sa aking hinaharap." Paliwanag ko kay Mama habang nanatiling ang aking mga mata ay nakatutok kay Michelle, I saw her face that her eyes are popping out and her jaw dropped.

"Ma'am, Sir, paumanhin ninyo sa anak ko dahil alam kong ayaw niya talaga ng gulo kaya't ganito ang kanyang sinasabi." Paumanhin ni Mama kila Ma'am Vergel at Sir Avance.

"Nauunawaan namin siya kaya't siguro ay kailangan namin sundin ang kanyang gusto." Wika naman ni Sir Avance habang ang aking mga mata ay nanatiling nakatutok kay Michelle.

"Papayag siguro naman si Lamboloto kung sa section Magnolia ito." Ma'am Vergel said and I suddenly look at her.

'Okay! Nagiging successful na ang plano ko.'

"Tatanggapin ko ang section na maaring mapadpad ko basta makaalis ako sa section na ayaw na ayaw ko." Paliwanag ko pa kay Ma'am Vergel.

"Aaaahhh... Salonga, Mariano, De Leon, bumalik na kayo sa room ninyo." Utos ni Ma'am Vergel kaya't tumayo ang tatlong sa kanilang kinauupuan.

"Opo, Ma'am." Tugon naman ng tatlo at ito'y nagsimulang maglakad na dahan-dahan palabas ng Guidance Room para bumalik sa room nila.

'Sa mabuting palad, wala na silang tatlo dito. Naaayon na ito sa plano at mabuting tumalab ang lahat.'

"Lamboloto, sigurado ka talaga sa sinasabi mong aalis sa section Santan?" Tanong ni Sir Avance sa akin.

"Opo, Sir." Ito naman ang aking sagot while my shoulders are dropped and bow my head. "Kung nasira ko ang upuan na iyon, ako na po bahalang mag-ayos basta maka-alis lang ako sa section na ayaw ko."

"Nauunawaan ko ang side mo kaya't ayaw mo talaga ang pangyayari." Sir Avance replied. "Huwag mo nalang ayusin iyon dahil kami nalang mag-aayos ng upuan."

Tumingin ako kay Sir Avance ng diretso at sabi ko namang "To be honest Sir, you didn't have wrong things dahil mabuti ka pong Adviser. Sadyang nakapaligid lang talaga ako ng toxic surroundings kaya't pagod na po akong umunawa silang lahat. Salamat po at naunawaan ninyo po ako."

"Salamat at naging estudyante kita, Lamboloto." Pagbati ni Sir Avance at nakangiti ito sa akin. "You're well done as a student."

"Lamboloto, sa Magnolia na kita ilalagay ngayon since ito lang naman ang maaring Section na sa tingin kong babagay sa iyo." Ma'am Vergel stated.

"Ma'am, sino po pala ang Adviser ng section na iyan?" Tanong ni Mama kay Ma'am Vergel, tanong ko din naman iyon sa kanya pero naunahan lang niya ako.

Instead na sabihin, may binigay si Ma'am Vergel ng isang document kay Mama at tinanggap naman niya iyon. Binasa niya iyon na nasa isip lang at nang makita ko iyon na nabasa ko ang isang pangalan ng adviser ng Magnolia.

"Nandiyan na din ang schedule ng Magnolia para hindi na makalimutan ng anak mo about that section." Paliwanag pa ni Ma'am Vergel. "Bukas na siguro ay makakapasok na si Adele but sa section na iyan ang magiging bagong mapupuntahan niya."

"Mabuti naman po kung ganun, Ma'am." Tugon ni Mama kay Ma'am Vergel.

Natupad na ang goal kong makaalis da section na kung saang nagkaroon ng malaking trauma sa aking panaginip. Mabuti naman at napanaginipan ko ang lahat at nalaman kong hindi ako maaring mapapabilang sa kanila.

'I revise the first step, kaya't i-revise na natin ang mga susunod bukas.'

****

Ilang minuto na nakalipas ay nakauwi na kami sa bahay kasama si Mama. Bumungad sa aking si Papa at kaagad na tumayo sa kinauupuan niya.

"Oh! Anong nangyari, Dell?" Tanong ni Papa sa akin.

"Isa lang naman ang nangyari, lilipat ako sa bagong Section." Ito ang aking sagot kay Papa at napansin kong nakataas ang kanyang kilay.

"Ginusto naman ng anak natin na umalis sa section na alam daw niyang ikaka-trauma niya." Paliwanag naman ni Mama kung bakit lilipat talata ako ng section. "Section Magnolia na si Adele Dios sabi ng guidance counselor nila."

"Ano ba talaga nangyari kung bakit na-guidance ka na naman?" Tanong muli ni Papa na mayroong mahinahon na tono.

"Sa sobrang ingay nila, binalibag ko lang naman ang upuan." I stated while walking towards to the sofa and sitting down. "So far Papa, maayos naman ang lahat and huwag na po kayong mag-abala pa dahil pupunta na ako sa section na walang trauma." Karagdagang ani ko naman habang ang aking mga mata ay nakatutok sa aking ama. "Hindi naman ako binigyan ng isa pang warning since sinabi ko talaga sa kanila na ayaw ko na sa section na iyon."

"Mamuntikan na naman sila makipag-sapakan ni Joshtine kanina kaya't nahuli sila ng teacher nila." Ani naman ni Mama kay Papa.

"Eh dapat binigyan mo kaagad ng suntok yan si Joshtine." Sabi naman ni Papa sa akin.

"Papa, once na suntukin ko siya, baka dropout ang mangyayari sa akin." Ito naman ang aking paliwanag kung bakit hindi ko iyon nagawa. "Sinabi ko lang naman sa kanya na ayoko makasuhan ng Animal Abuse kung mangyari iyon."

'Gusto niya talaga akong lumaban na santong paspasan dahil ang tunay na Lamboloto ay matapang.'

"Okay!" Tugon nalang ni Papa at tumingin na ito kay Mama. "Kailangan na natin umalis ngayon."

"Adele, dito ka lang ah..." Bilin naman sa akin ng nanay ko dahil aalis na nga silang dalawa papuntang Divisoria.

"Opo, Mama." Tugon ko naman and I smile.

Tumingin naman si Mama kay Papa at sabi niyang "Tara na at kailangan na natin pumunta doon."

Dito na nagsimulang maglakad ni Mama at Papa palabas ng bahay para pumunta na nga ng Divisoria. Ako nalang ang nasa bahay na kinaroroonan ko ngayon at daling sinarado ko ang pinto para walang makapasok.

Umakyat nalang ako sa kama na double deck at humiga nalang doon. Nakatingin ako sa kisame at iniisip ko nalang ang pamilya ko na nasa hinaharap.

Alam kong panaginip lang ang lahat na ito pero gusto kong magising.

'Paano ako makakaalis dito?'

-

MICHELLE'S POV

Ilang oras na nakalipas, bumalik na kaming tatlo sa room except kay Lamboloto. Kausap ko sila Juriya at ang pinaguusapan naming dalawa ay tungkol sa nangyari kanina. Kinuwento ko sa kanya na may something si Lamboloto at ayaw na niya sa section na ito.

"Talaga, besh?!" Pagkagulat ni Juriya habang naglakihan ang kanyang mga mata.

"Ang mahalaga ngayon ay wala na siguro ang isang bida-bida at special child na estudyante dito sa section na ito." Wika ko naman habang nagsusulat ako ng notebook para kopyahin ko ang mga nakasulat sa blackboard. "Nagawa pang manira pa ng upuan, pwede naman tumahimik."

"Sa totoo lang, maganda ngang kasama si Lamboloto dahil isipin mo naman na kahit walang kwenta siyang kausap ay nagpapasaya parin niya tayo." Ito naman ang sinabi ni Juriya pero hindi ako naniniwala sa sinabi niya. "Kung tutuusin, siya lang din ang isa sa possible na maging estudyante na makakapasok sa top 10 dahil ang talino at ang sipag niya."

Huminto ako sa pagsusulat at tumingin kay Juriya na mayroong ngiti sa aking mukha. "Pero masaya naman ako dahil walang SPED na nasa section na ito." Pangiti-ngiti kong sabi sa bestfriend ko.

"Hindi naman talaga siyang may sayad dahil sa totoo lang ay sadyang weird lang si Lamboloto sa kanyang kinikilos." Paliwanag naman ni Juriya. "Sabi nila Khairro, nag-eenglish siya ngayon at ang cold niyang kausap."

"Wala na akong pakielam kay Lamboloto basta maayos na ang lahat." Sabi ko nalang at nakatingin na ako muli sa blackboard para magsulat muli.

Sa totoo lang, ayoko lang talaga kay Lamboloto dahil sa kanyang kinikilos. Hindi naman niya ako inaaway o ginugulo pero ang section naman siguro ay ginugulo niya kahit hindi niya alam. Dalawa lang ang SPED dito sa section na ito at isa na doon si Lamboloto.

Nakilala ko si Lamboloto ngayong taon lang na ito. Taga Tandang Sora Elementary School ako habang sila Lamboloto ay sa Placido Del Mundo Elementary School naman. Taga Novaliches naman kasi si Adele at kami naman ay hindi.

Ayon sa mga kaklase ko na naging kaklase niya, weirdo at hindi siya kagaya namin na estudyante. Siya siguro yung tipong wala sa kanya ang salitang seryoso. Sa tuwing kausap namin siya ay may halong biro, sa madaling salita ay hindi niya makontrol ang kanyang humor niya lalo na't seryoso kaming lahat ay nakuha pa niyang magpatawa na halos corny ang kanyang ginagawa.

Mabuti nalang at nakaalis na siya sa section na ito kaya't nabawasan na ng basura sa section na ito. Madali na siguro ang lahat at tumahimik na rin ang lahat noong nawala siya. Iniisip ko nalang na na-kickout si Lamboloto para ramdam ko na wala na talaga siya sa school na ito.

-

ADELE'S POV

Unang araw ko bilang estudyante ng ibang section, kaagad na pumasok sa room na kung saan ang section na sinasabi ni Ma'am Vergel which is Section Magnolia.

Kaagad na lumapit ako sa isang lalaki at nagtanong. "Kuya, may nakaupo po ba dito?"

Nakatingin na ang lalaki sa akin at tumingin sa upuang tinuturo ko, tumingin muli ito sa akin at sagot niyang "Wala po, bro."

"Sige, salamat." Kaagad na umupo ako sa upuan na iyon at hinubad ang aking bag na bitbit ko para ilagay sa likuran at ilagay sa bag na kinauupuan ko.

Well, katulad lang din naman ang room sa Santan but different, iba ang decorations at ang mas maganda pa dito ay kahit maraming tao dito sa section na ito ay hindi sila maingay. Kung mayroon nagkipagdaldal sa katabi, hindi naman malakas ang ingay ng usap nila. Walang nakatayo na parang supervisor kagaya ni Michelle sa Santan at walang bully guy na kagaya nila Joshtine, may mukhang bully pero nag-uusap lang naman ito sa katabi at hindi nakikipag-asar or discrimination na nagaganap.

'Last Section ba ito? Parang Section one ata ito dahil ang disiplina nilang masyado.'

Alam kong wala akong kilala sa section na ito pero hindi ako kampante dahil sa simula lang ito ay ganito, ayoko lang naman na mangyari ulit ang nangyari sa Santan.

Kahit maraming estudyante na dumarating sa silid na kinaroroonan ko, hindi naman palakas na palakas ang ingay. Kakaunting estudyante lang ang tumatayo at ang mas maganda pa rito ay may nagwawalis pa ng estudyante sa silid na ito.

Let's be honest, lagi kong naririnig sa mga adviser ang salitang ito: 'Kayo ang worst section na hinawakan ko.'

Tama, diba? Sa totoo lang, patagal na patagal ay pa-toxic na pa-toxic ang mga estudyante sa panahon ngayon. Sa aking panahon ay may na-encounter akong nakikipagsuntukan sa harap na teacher at may naghahamon pa ng suntukan sa teacher, according lang naman sa sinabi ng mga pamangkin ko.

Pero I hope dahil sa mga estudyante na nandito ngayon ay sana hindi sila pagsabihan ng adviser nila or namin na ganun. Instead, sana may masabi sa amin na 'You are the best section na nahawakan ko.'

Nang pumasok na ang isang teacher, dito na nagsi-upuan ang mga ito at kung paano silang umupo ay hindi sila nagmamadali. 'Ang disiplina talaga nila.'

"Okay Class, Good morning." Pagbati ng isang babae na teacher na medyo bata kaya't tumayo naman kaming lahat na estudyante sa aming kinauupuan.

"Good morning, Ma'am Esteban, welcome to Section Magnolia. MABUHAAAAAY!" Ito naman ang pagbati ng mga kaklase ko habang ako'y tahimik lang.

"Okay! Sit down." Utos ng aming guro kaya't umupo kami sa aming kinauupuan.

'Thank you, Ma'am.'

Nang lumingon si Ma'am sa akin, sinabi niya na "Oh! We have a transferee. Please stand up and introduce yourself."

Kaagad na tumayo ako sa aking kinauupuan at nakatingin ako sa kanya, ang puso ko ay sadyang bumibilis at unti-unting nagsisingkit ang aking mga mata.

"Introduce yourself, Mister..."

"Lamboloto, Ma'am."

"Okay Mister Lamboto-"

"Lamboloto po, Ma'am." Pagkaklaro ko sa surname ko.

"Okay! Mister Lamboloto, please introduce yourself to your class." Ma'am Esteban ordered kaya't humarap ako sa mga kaklase ko ng dahan-dahan.

'Adele, isipin mo lang na isa itong event sa MOA Arena kaya't huwag mong hayaang kabahan ka.'

"Ahhhh... My name is Adele Dios Lamboloto, just call me Dell or Delly. I'm from Maka- I mean, I'm from Novaliches, Quezon City. My hobby is to read fictional stories in social any reading platforms and e-books and creative writing that makes fictional stories and novels. My spoken that able to speak is Tagalog, English, little bit of Bisaya and Japanese." Ito ang aking pagpapakilala sa aking sarili na halos lahat na ibigay ko na.

"Okay! Mister Lamboloto, define Science." Ito ang tanong bigla ni Ma'am Esteban sa akin kaya't lumingon ako sa kanya.

"P-pardon me, Ma'am?" Tanong ko pa para kunwari ay hindi ko narinig or hindi klaro ang narinig ko.

"What is the definition of Science in your own?" Inulit pa ni Ma'am Esteban ang tanong at biglang pumasok sa isipan ko ang sagot.

Magsasalita na sana ako pero bigla bumilis ang tibok ng aking puso at ako'y nanginginig. Na-realize ko nga pala na batang Adele nga pala ang nasa katawan ko dahil kabado at laging may nerbiyos kapag ito'y magsasalita sa harapan.

Pero sa recitation, ang kapal ng mukha.

"Ahhhhh... Science is..." Ito ang aking sinabi habang gumugulo ang aking utak kung ano ang aking isasagot.

'Adele....'

-

@Stunn3r

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top