Chapter 2 - The Old World

ADELE'S POV

Nakalabas na ako ng bahay na naka-uniporme pang-eskwela. Tamang lakad lang ako sa sidewalk habang iniisip ko kung bakit napadpad ako dito sa mundong puno ng sakit ng damdamin.

"What the heaven is happening right now?" Ito ang tanong ko na pabulong na tanging sarili ko lang ang nakakarinig. "Bakit naman napadpad ako dito sa mundong ito eh dito nagsimula ang trauma ko?"

"Nakikinig ka ba, Lord? Panaginip ba ang lahat na nangyayari sa akin? Ibig sabihin ay hindi pala totoo ang achievements ko bilang Author? Bilang Tatay ng dalawang anak ko? Ipaliwanag ninyo ito sa akin?"

Maka-akyat na ako ng overpass at palaisipan parin talaga na bakit ganito na ang nangyayari sa akin.

'Panaginip pala ang nangyari sa akin. Anak ng Ika-apat na Governor ng Metro Manila ito oh!'

Nang bumaba ako sa overpass, dito ko nakasalubong ang isang lalaki. Naka-uniporme kaming parehas pero iba lang ang bag at texture ng pantalon niya.

"Dios!" Ito ang tawag sa akin ng lalaki na iyon at ito'y lumapit sa akin. Pamilyar ang lalaki at ito ang bestfriend ko.

"Khairro! Mabuti at sabay tayo ngayong araw na ito." Sabi ko naman sa kanya. Mabuti at kilala ko itong lalaking ito.

"Dios, sabay tayo ngayon?" Anyaya ni Khairro sa akin kaya't tumango nalang ako bilang sang-ayon ko.

Daling sumakay kami sa bakanteng Van na kung tawagin ay UV Express. Ang UV Express or tawag namin ay FX (pronounce as EPH-EKS) ay ito'y parang jeepney siya pero ang use nito ay Van or SUV na puti ang kani-kanilang kulay. Mostly ay makikita mo ito sa SM kung taga Maynila ka kagaya ko.

Bitbit ko naman ang puting cellphone pero hindi ko ginagamit dahil wala naman ito silbi, ito ang unang cellphone na mayroong ako noon pa. Iniisip ko nalang ito ngayon na mascot nalang dahil sisirain naman ito ng kaklase ko.

Nang dumami na ang mga estudyante
sa sinasakyan naming UV Express, dito na pumasok ang driver ng kotseng sinasakyan namin at pinaandar ito para kami'y makaalis na papunta sa school. Pinagsisihan ko lang talaga na bakit panaginip ang mga naging achievement ko? Ano ba mayroon sa akin?

"Sayang naman..."

"Huh?" Narinig ni Khairro ang sinabi ko habang nakatingin ako sa bintana ng kotseng sinasakyan namin.

"Wala lang." Ito nalang ang aking tugon.

"May problema ba?" Concern ni Khairro sa akin.

"Wala naman, Khairro pero medyo wala lang ako sa mood for today's video." Ito ang aking sinabi sa kanya.

"Huh? T-today's Video?! Anong sinasabi mo, Dios?" Pagtatakang tanong ni Khairro sa akin dahil sa sinabi ko.

"Hayaan mo na lang muna ako for this day due to something that I have concern but personal concern lang naman." Ito naman ang aking sagot.

"May pa-english ka pang nalalaman, ano ba talaga?" Khairro still asked me about my concern.

"Like I said, personal issue lang naman but hindi naman ito big deal." I quoted.

"Okay! Sabi mo yan, Dios."

"Just I'm okay right now kaya't huwag mo akong alalahanin pa, Khairro." Ito nalang ang sabi ko kaya't hindi pa tumugon si Khairro.

Noong nakarating na kami sa aming destinasyon which is sa isang kanto na nandoon ang School ay kaagad na bumaba kami sa sinasakyan naming UV Express. Tamang lakad kaming dalawa ni Khairro papasok ng school at diretso sa building na kung saan ang room namin. Tahimik lang kaming dalawa na naglalakad paakyat sa building na kinaroroonan namin which is Old Building hanggang sa mismong room namin.

Nabungad namin ang ilang kaklase ko na nakaupo sa kani-kanilang upuan. Kaagad na pumunta kami sa isang upuan sa gilid ng silid na kinaroroonan namin at umupo sa mga upuan.

"Dios, may assignment ba tayo sa-"

"Here!" Kaagad na sabi ko dahil alam ko ang araw na ito kaya't daling kinuha ko ang notebook ko para ibigay ko sa kanya, ito lang naman ang araw na assignment namin sa TLE and all about computer lang naman ang topic.

Tinanggap naman niya iyon at daling binuklat para i-plagiarize ang ginawa ko.

"Ang gawin mo, simplehan mo lang ang isusulat mo." Ito ang bilin ko sa kanya habang ang mga kamay ko ay nakalagay sa batok at nakapikit ang aking mga mata.

Alam ko naman ang mangyayari dahil ganito minsan si Khairro.

"P-paanong simplehan?" Tanong pa ni Khairro sa akin dahil hindi niya siguro alam ang gagawin niya.

"Hardware is a tangible thing." Ito ang aking sinabi bilang halimbawa habang nakapikit parin ang mga mata ko at nakapatong ang mga kamay ko sa batok with matching sandal sa kinauupuan ko. "Software is a opposite of Hardware but useful because it's a system who operate the computer."

"Teka! Ano nga ulit?"

"Hardware is tangible part of computer." Inulit ko pang sabihin iyon at alam kong sinusulat niya ang mga sinasabi ko dahil narinig ko ang tunog ng pagsulat ng ballpen na ginagamit niya sa notebook niya.

"Yung software?"

"Malambot na ware." Pabirong sabi ko at dumilat ang aking mga mata para tumingin sa kanya kaya't tumaas ang kanang kilay ni Khairro dahil nagtataka ito. "I mean, Software is operate of computer." Pagkaklaro kong pahayag ko kay Khairro habang binaba ko ang mga kamay ko under the table ay sinusulat talaga naman ni Khairro ang sinasabi ko.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at magpaalam muna sa kanya dahil ramdam ko ang something sa Ti... Ti... Ari ko dahil gusto kong umihi sa baba. "Punta lang ako sa Comfort Room."

"Okay!" Ito naman ang tugon ni Khairro habang nakatingin siya sa notebook ko dahil kopyahin lang naman niya pala ang mga sagot ko.

Naglakad na ako palayo sa kinauupuan ko para lumabas ng room pero noong nasa pinto ay bumungad ko ang isang babae. Well, that's Michelle.

Nakatingin ako sa kanya noong huminto ako sa pintuan at ganun din si Michelle, eye to eye ang tiningnan naming dalawa at nakikita kong nakakunot ang kanyang mga noo. Well, my pain starts to raise above again.

'You are registered author but hindi ba sapat iyon para maging maunlad ka.' Ito ang naririnig ko mula sa utak ko, ang salitang pinakawalan ni Michelle sa akin.

I don't know that she isn't appreciate my hardwork since when I was started, or sa madaling salita ay ayaw niya sa akin. Well, I want to become her friend but hindi niya talaga ako tanggap as Adele Dios Lamboloto.

"Aga-aga Lamboloto, nakaharang ka sa daan!" Ito ang linya ni Michelle na mayroong mataas na tono while her veins are popping out. "Pwede bang umalis ka sa harap ko." Dikta ni Michelle.

Sumunod nalang ako sa kanya na tumabi. Imbes na umiyak, ngumisi nalang ako sa kanya at sabi kong "O-okay Queen Michelle Rose Mariano the First and dumaan kana papunta sa kinauupuan mo."

"Baliw ka talaga, Lamboloto." Sabi pa ni Michelle at at naglakad ito ng mahinahon kaya't lumihis na dumaan ito sa akin hanggang sa bandang likuran ko.

"Yeah, I'm a person who have a mental disorder which is ahmmm..."

"Hayzzz! Bahala ka diyan, baliw!" Ito ang huling sinabi ni Michelle at naglakad na ito palayo sa akin na mabilis.

Nakatayo ako sa kinaroroonan ko at nakatingin sa baba, iniisip kung ano ba ang kulang sa akin at bakit ganito si Michelle sa akin.

Ngunit, biglang nalaman ko na agad ang sagot.

This year, Isa akong nerd...

****

Tanghaling tapat, kaagad na lumabas na ako sa school at naisipan ko na maging mag-isa nalang ako imbes na kasama ko si Khairro. Tamang lakad ako sa isang daan papunta sa isang daan na nalaman ko noong grade 9 palang ako.

Naisip ko ang isa pang tanong na gusto kong malaman habang naglalakad ako sa daan.

Kung nasa twenty fourteen ako, bakit ang utak ko ay pang-two thousand forty-five?

Napansin ko talaga na kabisado ko ang daan na nilalakaran ko ngayon kahit grade 7 palang ako, ang pananalita ko ay ang layo sa Grade 7 ko noon, mahaba ang pasensya ko sa tuwing nakakatanggap ako ng masasakit na salita mula sa mga taong may balak na hilahin ako pababa at ang mas masaklap pa dito ay ramdam ko na ang mature kong tignan dahil nawawalan na ako ng interest na makipag-usap sa mga kaklase ko lalo na't kay Khairro at sa naging crush ko.

Ibig sabihin, parang nanaginip ako noong naging Registered Author ako?

O baka panaginip lang talaga ang lahat at ito ang katotohanan? Na parang na-undo ko ang lahat?

"ARAY!" Ito ang aking sigaw dahil may bumangga sa akin sa likod kaya't kamuntik na kong matumba at huminto ako sa paglalakad. Tumayo ako ng tuwid at lumingon sa kung saan-saan sa kinatatayuan ko habang ang aking kanang kamay ay nasa kaliwang balikat.

Ngunit ay noong tumingala lang ako sa baba ay nakita ko ang isang notebook na kulay itim. Dahan-dahan na umupo sa sahig para kunin iyon at dahan-dahan tumayo ng matuwid habang nakatingin sa notebook na hawak ko. Lumingon-lingon ako sa kung saan-saan dahil iniisip ko na baka nandito ang may-ari at dito ko nang balak na buksan ang notebook na iyon.

Noong binuklat ko ang notebook na hawak ko, isang pahina palang ay may nakasulat na isang italic font na uppercase letter na sa centerpoint ng page. 'JUST WAIT UNTIL THE TIME COMES...'

"Just Wait... Until The Time... Comes?" Binasa ko ang isang linya na iyon while my eyes are narrowed and my forehead are wrinkled.

Tumingin ako bigla sa mga nakapaligid sa akin at umikot in a counter clockwise motion dahil ako'y nagtataka kung ano ang ibig sabihin nito. Ang mas masaklap pa nito ay noong tumingin muli ako sa libro ay biglang nawala iyon sa kamay ko na hindi ko nararamdaman at namalayan. My eyes are popping out and my jaw are suddenly dropped noong nakita kong wala na ang notebook sa mga kamay ko.

"H-how... Come....?" Ito ang aking linya noong nakita ko ang pangyayari na hindi akong makapaniwala.

I suddenly close my eyes and my hands are down. Then, I open my eyes while says "Bahala na! Hindi naman iyon mahalaga." at sinimulang maglakad sa kinaroroonan ko para ako'y makauwi na sa bahay.

Habang naglalakad ako, nakangiti nalang ako at tumulo ang aking luha unexpectedly. May naalala pala akong pamilya na wala dito sa lugar ko ngayon at ang pamilya na iyon ay walang iba kundi ang asawa ko at ang mga anak ko.

I miss my family who bring my success from what I am right now.

****

Kinagabihan, imbes na mag-cellphone noong nasa sitwasyon ko noon o manood ng basketball sa telebisyon, nakahiga nalang ako sa kama habang nakatitig sa kisame at kausap ang aking sarili but using my mind which is talks about kung paano ako makakabalik sa totoong mundo. Alam kong illusion lang ang lahat na ito o isa lang din itong panaginip. Hindi akong makapaniwala na wala lang din ang mga pinaghirapan ko at napadpad pa dito sa panahon na kung saang nagka-trauma ang isang lalaking kagaya ko.

Makakabalik kaya ang lahat? Paano ba ito magkakaroon ng solusyon sa sitwasyong ito dahil ito pa naman ang pinakamahirap na part.

Kung mag-s*c*de kaya ako?

H-HINDI! Baka mawala lang din iyon kaya huwag na lang.

'Kung... Huwag na lang!'

"Adele?" Ito ang tawag sa akin ng nanay ko kaya't bumangon ako sa higaan ko at tumingin sa kanya.

"Po?"

"Bukas ay kay Ate Chona ang susi dahil pupunta kami ng Divisoria para mamili ng mga tela at iba pang kagamitan." Paalala sa akin ni Mama.

"Opo..." Ito naman aking tugon kaya't humiga nalang ako at kaagad na tinakpan ang aking mga mata habang ito'y nakapikit gamit ang isa pang unan at dito na nagsimulang matulog.

Sana sa paggising ko ay makabalik na ako sa tunay kong panahon.

But Failed!

****

Kinabukasan ng around alas-otso ng umaga, ako'y nagsusulat ng lecture sa notebook ng kaklase namin, nakihiram lang naman ako sa kanya dahil hindi pala ako tapos sa iba pang lecture kaya't mas mabuting tapos kaysa sa hindi na baka magkaroon pa ng mababang grade.

Ngunit ramdam ko ang ingay ng mga kaklase ko, kanina pa ito pagkatapos ng first period dahil noong nag-CR lang ako ay rinig ang ingay nila maging sa kabilang building. Iniisip ko nalang na balewala lang ito.

Sila Joshtine ay tamang bully sa iba pang nerds, sila Khairro naman ay tamang usap sa mga kaklase namin pero ang lakas na kala mo'y mga lasinggero na nakikipag-usap lang, at si Michelle at Christian ay tamang supervisor lang sa silid na magkasama with their friends.

Ramdam ko talaga na hindi Adele Dios Lamboloto ang nasa katayuan ko ngayon kundi si 'Kawhi Lincoln The Second' ang taong nasa kaluluwa ng katawang ito. Kawhi is my Penname kaya't hindi nila siguro kilala ang taong nasa loob ng katawang ito.

Patuloy nalang ako sa pagsusulat ng lecture pero palakas na palakas ang ingay nila kaya't huminto nalang ako sa pagsusulat. Well, ito lang naman ang ayaw ko as new Adele or Adele Lamboloto in 2045. Ang maingay ang surroundings.

Adele, mahaba ang iyong pasensya pero ikaw na bahala.

Minsan lang talaga ito kaya't gagawin ko na talaga ang dapat kong gawin na hindi ko pa nagawa sa buong buhay ko as a student.

Nilapag ko ang ballpen na hawak ko at tiniklop ko ang notebook ko. Simulan kong tumayo habang ang nakayuko ang aking ulo at nakapikit ang aking mga mata.

Minsan lang pero paumanhin...

Kaagad na hinawakan ko ang isang bakanteng upuan, binuhat ko iyon at binato sa gitnang harap kaya't noong narinig nila iyon ay dito nagsi-tingin ang lahat sa upuan na iyon.

Tumayo ako ng tuwid at dito ko nagsimulang magkaroon ng high blood dahil sa ingay nila. 

"SIGE! INGAY PA KAYO HANGGA'T UMABOT SA BUONG MUNDO, MGA S*NTAN*S!" Ito ang linyang pinakawalan ko kaya't tumingin sila sa akin na nakikita ko sa kanila na kanilang mukha ang kanilang pagtataka kung bakit ako ganito na magsalita.

"A-adele?!" Khairro trembled.

My eyes are narrowed, my eyebrows are down, my veins are starting to pooping out and clenching my hands into a fist. Nang nakatingin sila sa akin ng tahimik at ang anger ko ay nagbukas sa aking katawan. Iniisip ko na binago ko ang sitwasyon ko ngayon kumpara sa noon.

"ANO?! PATULOY NINYO LANG SA INGAY, ASAR, KALOKOHAN AT KUNG ANONG KA-JEJEHAN ANG GINAGAWA NINYO!" I barked while still in the red mood.

"Hoy Adele! Sino kang baliw na gawin mong balibagin ang upuan, ah?!" Ito naman ang wika ni Michelle na may mataas na tono habang lumalapit siya sa aking harapan at nagtuturo ito sa akin hanggang sa mukha ko.

"Freedom... Of... Expression, Madam Michelle Rose Mariano." Ito ang aking tugon na mayroong gigil na tono.

"Freedom of expression?! N-nagpapatawa ka bang baliw ka?"

"Bakit Michelle? Kayo lang ba ang may karapatang gawin ang lahat? Tandaan mo na homeroom ang subject na ito, kung ROTC lang ang subject na ito ay baka hindi ka mala-SUPERVISOR ng Santan Disrespectful Incorporated."

"Ano ba gusto mo mangyari, Adele? Na maging hari ka sa section na ito?" Dito naman umepal si Joshtine kaya't pumunta na ito sa harapan ko. "Hindi ka naman president ng section na ito, bakit ikaw pa ang may ganang magalit, ah?"

"Bakit, ikaw lang din ba ang may ganang mag-discriminate, ah? Are you a st*pid pinnacle peanut butter, Joshtine Salonga?" Ito naman ang aking reply sa sinabi niya sa akin na mayroon paring gigil.

"Bakit, papalag ka ba?" Joshtine hissed. Sabi na!

"Bakit naman akong gagawa ng animal abuse sa room na ito?" I sarcastically replied.

Kaagad na hinawakan ni Joshtine ang kwelyo ng damit ko at balak niya akong suntukin sa mukha dahil nakabuwelo ang kanyang kanang kamao above the level of his head. Hinawakan naman ni Michelle ang kaliwang braso ni Joshtine para pigilan siya.

"Joshtine, h-huwag mo..." Wika nalang ni Michelle bilang kanyang pagmamakaawa.

"Gawin mo kung ano ang gusto mo, Joshtine." Ito nalang ang aking sinabi sa kanya habang ngumingiti nalang ako at nakatingin sa mukha niya dahil alam kong ito ang gagawin niya sa akin. "Mas maganda kung patayin mo na lang ako."

"Joshtine, h-huwag mo ituloy ang gagawin mo sa kanya kundi ikaw mismo ang mananagot." Michelle concerned. "Tandaan mo, na-guidance na kayong dalawa ni Adele noon kaya't iniiwas ito maulit pa."

"Wala akong pakielam, ang gusto ko ay matauhan na itong baliw na ito!" Joshtine barked at talagang gusto niya akong saktan dahil yung paghawak palang sa kwelyo ko ay gigil na gigil na tila baga'y sirain na niya ang damit ko.

"HEY! WHAT ARE YOU DOING?!" May isang lalaki na boses matanda kaya't lumingon kami sa kanya. Ang lalaki na ito ay walang iba kundi si Sir Avance, ang aming Adviser. Nakakunot ang kanyang noo, his eyebrows are down at nakatingin ito sa aming tatlo ni Joshtine at ni Michelle.

Hindi kami makapagsalita dahil sa kung ano ang nagaganap dito sa section na ito ngunit hindi kagaya noon na kinakabahan at natatakot na ma-guidance muli.

"Kayo, go to guidance NOW!" Ito ang sinabi pa ni Sir Avance sa amin kaya't ito ang dahilan kung bakit napapunta kaming guidance ng tahimik. 

Mission success...

-

@Stunn3r

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top