Chapter 10 - Development
ADELE'S POV
Recess time, si Michelle na ang kasama ko ngayon sa canteen. Well, gusto niya sumama sa akin dahil gusto niyang kumain na kasama ako. Nang naghahanap ako ng makakain, nag-uusap kaming dalawa ni Michelle about sa nangyari kanina.
"Pasensya na kung na-nominate kita bilang President." Michelle.
"Ayos lang naman sa'kin, Michelle." Sagot ko naman sa kanya. "Nga pala, bakit ako pa talaga ang na-nominate ninyo?" Tanong ko naman sa kanya.
"Kagaya ng sinabi ko, ikaw lang naman ang taong kayang kontrolin kami." Paliwanag ni Michelle habang napapunta na ito sa harapan ko. Huminto na kami sa paglalakad dahil dito.
"Paano ninyo naman nasabi na kaya ko kontrolin ang mga kaklase natin?" Tanong ko naman sa kanya. "Or... K-kayo?"
"Adele, nakikita ko sa galaw mo kung ano ang ibig kong sabihin."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Kagaya ng kaya mong sundin ang nais mo sa kanila na ginawa mo naman kanina sa amin noong nananalo kang Class President." Paliwanag ni Michelle habang lumapit na ito sa upuan para umupo. Sumunod naman ako at tumabi ako sa kanya.
"Hindi ko gets, Michelle."
"Basta! Kaya mo 'yan, Adele." Ito na lang ang sinabi ni Michelle sa akin habang nilabas niya ang kanyang baon. "Sa totoo lang daw sabi ni Christian, mas maganda ka pa daw maging President kaysa kay Christian." Karagdagang sabi naman niya.
"Well, hindi ko naman ginusto na maging Class President." Ito naman ang sinabi ko sa kanya habang pumikit ang aking mga mata. "Hindi ko naman hinangad na maging Class President kasi sa una pa lang ay mahirap na. Kasalanan na ng isa ay kasalanan na ng lahat at sa akin pa mapupunta ang sisi kapag nagkataon." Wika ko naman bilang paliwanag ko kung bakit ganito.
"Eh paano na 'yan, Adele? Ano pala magiging plano mo as Class President?" Tanong ni Michelle sa akin.
"Pinag-iisipan ko pa naman kung ano ang gagawin ko sa kanila," wika ko naman. "kasi sasabihin ko sa'yo since ikaw naman ang Vice President ng Section Santan kung sakali lang mayroon na akong ideya kung ano ang nais nating gawin para maging maganda at manatiling malinis ang Section natin." Karagdagang ko naman.
"Sige!" Tugon naman nito. "At saka may meeting naman tayo mamaya kasama si Sir Avance."
"Siguro, guide lang naman tayo kung ano ang nais niya sa section natin."
"Sabagay Adele, parang 'yang sinabi mo ata ang rason kung bakit." Ito ang huling sabi ni Michelle at ito'y kumain na ng kanyang baon na dala.
Ako nama'y pinapanood ko lang si Michelle. Wala pa akong ganang kumain sa mga oras na ito at hindi pa ramdam ang gutom ko sa sobrang daming kain kaninang umaga. Napansin naman ni Michelle iyon at nakatingin na lamang ito sa akin.
"Adele, kumain kana." Anyaya ni Michelle.
"Salamat na lang, Michelle." Ito naman ang reply ko sa kanya. "Kain ka lang d'yan." Ito pa ang aking sinabi sa kanya.
"Sigurado ka ba? Baka magutom ka, Adele."
"Don't worry about it, Michelle. I'm good as for today."
"Sure ka ah! Bigyan pa naman kita ng baon ko. Gusto mo share tayo?" Ito ang narinig ko kay Michelle na anyayahan pa niya akong kumain ng pagkain niya.
"No thanks!" Ito naman ang sagot ko. "Alam kong masarap pero like I said, I'm fine."
"Okay! Sabi mo 'yan." Ito na lang ang sinabi ni Michelle at nagpatuloy na lang itong kumain ng kanyang baon niyang kanin.
'Nag-iba na ang mundong ginagalawan ko ngayon, nakakapanibago.'
****
"Hindi ganyan!" Ito ang sabi ko kay Michelle. Partner kasi kami ngayon sa isang activity sa Araling Panlipunan. Pina-guhit ko sa kanya ang ang isang mahabang linya sa isang bond paper, pero hindi mahaba ang kanyang iginuhit, parang kasing height lang niya naman.
"Paano ba? Seven inches ang sabi mo, diba?" Giit ni Michelle.
"Seven inches, hindi seven centimeters." Klaro ko naman. Maling ruler pa naman ang ginamit niya, sa centimeter pa naman ginamit.
"Ay!" Na-realize na lamang niya ang kab*b*han niya. "Sorry, Adele."
"Habaan mo na lang." Ito naman ang sinabi ko. "Ayusin mo muna 'yan at ako'y mag-toilet muna." Sabi ko pa sa kanya habang tumayo ako sa kinauupuan ni Juriya since si Juriya naman ay sa kanyang partner naman.
"Oh sige! Bili ka na din pala ng crayons." Michelle.
"Color Pencil na at ako na bahala." Ito naman ang sinabi ko.
"Okay!" Tugon naman niya habang patuloy siya sa guhit niya. Alam na niya siguro ang gagawin niya since sinabi ko na sa kanya ang gagawin namin.
Nagpaalam muna ako sa Teacher namin na si Ma'am Berjamin. "Ma'am, may I go out?"
"Sige!" Tugon naman ito at ako'y lumabas na sa room para pumunta ng toilet room sa first floor.
Habang naglalakad para bumaba papuntang ground floor para mag-toilet, napapaisip na lamang ako about me and Michelle. Ngayon araw lang naman ito na ganito, like nakakapanibago talaga simula noong nag-landing muli dito sa Santan. Iba ang relationship namin ni Michelle and we are just like my close friend or possibly my bestfriend.
Habang naglalakad, kumapit na naman ako sa relo na nasa loob ng bulsa ko. Napa-isip na naman ako ng isang malaking scenario at ang scenario is between me and Michelle.
According sa scenario na iyon, walang masama or something worse na mangyayari sa aming dalawa. Ang mangyayari lang ay magiging sidekick ko siya and she will be my girl bestfriend which is my one and only dream that I have when I was high school student. Last girl bestfriend bago maging grade 7 ay noong grade 5 pa at yung bestfriend ko na iyon ay nasa New Era High School siya ngayon.
Well, ito siguro ang isa sa mga mission ko which is maging bestfriend ko siya.
Nang nakapasok na ako ng toilet room, naka-amoy na ako ng sama ng loob. Ang mas masaklap pa nito, may bomba na nakalagay sa inidoro, hindi siya literal na bomba kundi isang mahabang dilaw na galing sa tao na napaka-bantot.
Kung sinong hindi nagbuhos dito, pagpalain ka sana.
Wala na akong magawa kun'di takpan ang aking ilong at bibig habang umiihi.
Sino bang masamang tao na naglagay ng sama ng loob dito?
Pagkatapos ako umihi at lumabas, kaagad na dumiretso ako sa COOP para bumili ng coloring materials at ang isa sa naisip ko ay walang iba kun'di ang Color Pencil. Sariling pera ko lang naman ang gagastusin ko as for the moment pero sabi ni Michelle ay siya na daw mag-abono sa lahat.
Ngunit hindi ko pa rin mawala ang nasa utak ko. Sadyang ito siguro ang mangyayari sa akin at kasama ito sa pag-revise ko dahil si Michelle pa mismo ang magiging Girl Bestfriend ko.
****
Uwian, natapos na kaming lahat ng Class Officer at si Sir Avance about sa Class meeting orientation. May pinag-usapan lang naman kaming lahat about sa bagong plan at ang mga plano na kailangan i-keep. Wala pa naman akong ideya kung ano ang magiging first plan ko para maging maganda ang komportable ang aming silid.
Nasa waiting shed na kaming lahat, ang iba ngayon ay sumakay sa tricycle ang iba ay maglalakad na pauwi sa kani-kanilang mga bahay.
"Ingat kayo!" Ito ang sabi ko sa kanila na uuwi, except kay Michelle.
Nang kami na lamang ang natira sa kinatatayuan namin. Nagtinginan kaming dalawa sa isa't isa.
"Michelle, saan ka ba uuwi?" Tanong ko sa kanya.
"Ahh... Sa Banlat." Sagot naman ni Michelle. "Bakit naman?"
"Dapat sumabay ka sa mga kasama natin na papuntang Banlat."
"Anyayahan na sana kita." Ito naman ang sabi niya.
"Saan naman?"
"Pwede bang kumain tayong dalawa sa labas?"
"Saang labas ba?"
"S-sa inyo."
"Saang sa'min?" Tanong ko naman sa kanya. "Ang laki ng Sauyo."
"Sabi kasi nila Khairro at Joshtine, may isang masarap na karinderya sa baba ng palengke." Ito naman ang narinig ko mula kay Michelle. "Pwede doon tayo kumain at the same time ay mag-usap tayong dalawa."
"About saan naman?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Ahh... Sa kung ano-ano lang." Ito naman ang sagot niya.
"Hayzzz!" I sighed and no choice na sundin ang kagustuhan niya. Isang beses lang naman ito makasama si Michelle. "Okay! Let's go." Anyaya ko naman na maglakad at ito'y sumunod naman sa kanya.
One reason, she is my girl bestfriend.
****
Ilang minuto na nakalipas, kumain kaming dalawa ni Michelle sa isang karinderya. Since malapit lang naman ang palengke sa amin which is ilang lakad lang naman mula sa amin, hindi ko naman naisipan umuwi muna. Alam naman ni Mama na matatagalan ako at bandang alas-tres ako makakauwi according sa sinabi ko sa kanila.
Malapit na maubos ang pagkain namin kaya't habang kumakain kami ay naisipan ni Michelle na kausapin niya ako.
"Nga pala Adele, may jowa kana?" Tanong niya sa akin. Dito na ulit mag-execute na magsinungaling ako sa kanya na may jowa talaga ako, pero break na kami.
"Wala na kong jowa." Sagot ko naman.
"Hala! Bakit?"
"Hayaan mo na lang siya dahil siguro sa sobrang hiya niya, like nakipag-date siya sa iba." Ito ang palusot ko sa kanya. "Sabagay, Grade 9 siya habang Grade 7 naman ako."
"Naku! Hayaan mo na siya, Adele." Naniwala naman si Michelle sa kwento ko. "May iba pang babae naman d'yan sa tabi-tabi at baka malay mo ay siya pa ang makatuluyan mo." Karagdagang sabi pa nito.
"Focus muna ako sa mga wattpad story ko para makabawi lang ako sa sarili ko." Ito naman ang sinabi ko at napansin ko sa mukha niya ang pagkagulat. Nahinto si Michelle sa kinakain niya at ang weird niya kung tumingin ito sa akin.
"Weeeeeeh?! T-totoo?" Ito ang sabi ni Michelle.
"Yes, I am."
"Sandali! Gusto ko nga basahin ang story mo sa wattpad." Ito naman ang sinabi niya. "Anong username mo pala sa Wattpad at mabasa ko nga?"
"My username is 'Summon' and 'Gagek Sarchyan' is my Wattpad name." Ito ang sinabi ko sa kanya. Well, 'Gagek Sarchyan' ang naisipan kong name at 'Summon' ang username para mas madali makilala at nakakatawa kung basahin ang name.
"Summon yung username, tapos... Ano?"
"Gagek Sarchyan." Inulit ko pa.
"B-bakit ganyan ang pen name mo?" Tanong naman nito.
"Pakelam mo ba? Ang ganda-ganda ng name, eh!" Hirit ko naman.
"Ano ba ibig sabihin ng Gagi Sarge yan na yan?" Michelle.
"Basta!"
"Okay! Basta ang username mo ay Summon."
"Zero po yung letter 'O' pala."
"Okay! Okay!" Tugon pa nito at tamang pindot ito sa kanyang phone, hinahanap na niya ang username ko sa wattpad. "Nga pala Adele, nakaka-amaze ka dahil nakuha mo pa maging story writer." Karagdagang sabi pa nito habang tamang pindot ito sa phone niya.
"Supportive nga mga magulang ko at alam mo bang gumawa ako ng short story about sa kanilang dalawa."
"Ay wooooow!" Pagkamangha naman nito ni Michelle at nakita ko sa mukha niya ang kanyang ngiti. "Inspired sa magulang mo 'yung story mo. Nakaka-proud naman kung basahin."
"Gusto kasi nila gawan ko ng story nila and sumunod ako sa kanila kaya ginawa ko." Ito naman ang sinabi ko. "Ang dami pa nila gusto gawan ng story like about naman sa magulang ni Mama, about sa silbing nila Papa and such."
"Nakaka-inspire!" Komento niya. "Ayan! Na-follow na kita sa wattpad." Sabi pa ni Michelle at binaba niya ang phone sa table.
"Salamat, Michelle."
"You're welcome, Adele." Reply niya at tumahimik na kaming dalawa habang inuubos na namin ang pagkain namin.
Nauna ako sa kanya kaya natapos kaagad akong kumain. Uminom ako ng tubig ng isang baso at pagkatapos ay pinapanood ko naman siya. Tapos naman ito si Michelle at nakainom din ito ng tubig.
Nang magkaharap na kaming dalawa. Muling may gusto na namang sabihin ito si Michelle. "Adele..."
"Ano naman, Michelle?"
"Gusto ko lang ito sabihin sa'yo dahil bilang kaibigan mo. Alam kong may galit ka pa rin sa akin after noong umalis ka sa Section at hanggang ngayon." Ito ang salitang binitawan ni Michelle sa harapan ko na parang kalmado ang tono. "Gusto ko sanang sabihin na kung wala ka mang bestfriend na babae, pwede ako na lang?" Ito pa ang narinig ko sa kanya which is na-predict ulit ang mangyayari mula kanina.
I have no choice to say "Yes, Michelle. Why not?"
"Thank you Adele..." Kaagad niya ako niyakap ng mahigpit. Sa yakap pa lang, ramdam kong nagsisisi na talaga siya sa mga ginawa niya before. Well, pinagbigyan ko na lamang sa nais niya at wala na akong magagawa pa.
'Yes, she's my girl bestfriend...'
****
@STUNN3R
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top