Epílogo (Part 3)
"Andres Denati ang pangalan ng namumuno ng mga sindikatong gustong kumuha kay Selene, Constantine. Malaki ang utang ng ama ni Selene kay Andres, kaya, ang nag-iisang anak nito ang pinag-iinitan."
My hands were shaking as I hold the documents and the pictures of my investigator who sent me these. Nanginginig ako sa galit nang malaman ko ang lahat ng ito mula sa kaniya. As I watched the monstrous man who tried to kill my Selene, it made me want to fight for it. I want to put bullets in their heads, and I want them to bathe in their own blood.
"Hindi ba ay nahuli na ang mga ito? Bakit ito nakawala?" Pagtatanong ko kay Victor.
"Marami ang koneksyon ni Andres sa labas ng kulungan. Kaya, hindi na ito nahirapan pa na makatakas."
Napahilot ako sa aking sentido at kaagad na binaba ang mga dokumentong aking binasa. Hindi panatag ang kalooban ko sa tuwing nalalayo ako kay Selene, kahit na may mga nagbabantay naman roon sa isla. Ayoko pa rin na magtagal rito nang matagal.
I want to go back to Moalboal island to look after her.
Pagkatapos ng mga transakyon ko ay kaagad akong dumiretso sa condominium para kunin ang iba ko pa na mga gamit. Alam kong mali na ikulong ko si Selene roon, pero, iyon lamang ang natatanging paraan para maging ligtas siya.
I can keep her and hide her in all ways that I can in order to protect her life at all costs. I am ready to risk my life and my money for her. It doesn't matter to me.
"Where are you going?"
Kumunot ang aking noo nang marinig ko ang pamilyar na boses sa labas ng aking kwarto. Nagmamadali kong isinarado ang aking duffel bag at binuhat ito kaagad.
I saw Dahlia in the living room. Kunot ang noo nito at mukhang nagtataka sa mga nakikita niya. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lamang ako sa aking ginagawa.
"Constantine!" Unti-unti itong lumapit sa akin at sinubukan akong hawakan sa aking braso ngunit kaagad kong hinawi ito.
I looked at her with disgust and hate. What the hell this woman doing here?
Nagulat siya sa biglaang paghawi ng braso ko mula sa pagkakahawak niya. Umawang ang bibig nito at napakurap-kurap. Umatras ito ng dalawang hakbang mula sa aking direksyon at pinagmasdan lamang niya ako sa aking pagliligpit.
"Constantine, kanina pa kita kinakausap. Saan ka pupunta? Mag-aalala na naman si Tita Ophelia nang dahil sa pag-alis mo."
My lips twitched and I look at her with my dagger eyes.
I sarcastically answered her back.
"Ano ba ang pakialam mo?"
"Ganyan ka ba talaga makikitungo sa fiancee mo?"
Gusto kong matawa sa mga sinasabi niya sa akin ngayon. Where the hell this woman have the confidence to say that word to me?
"Can you say it again, Verluz? Fiancee? Are you sure about that?"
Narinig ko ang marahas niyang pagbuntong hininga at hindi nagpapatalo sa akin.
"Bakit? Umaasa ka pa rin ba na babalikan ka nang sinungaling na babaeng 'yon?! Mukha 'yung pera! Pera lang niya ang habol sa'yo!"
Galit kong binitawan ang bag na hawak ko at inihagis ko ang maliit na flower vase sa sahig.
She looked at me with fears in her eyes when she saw me doing this.
Ganyan nga, matakot ka sa akin...
"Say any word again and I'll shut your fucking mouth. Kung hinahayaan lang kayo ni Selene sa mga kagaguhang ginawa n'yo sa kaniya, pwes! Ako hindi! You know what I can do, Verluz." Pagbabanta ko sa kaniya.
Nangilid ang mga luha sa gilid ng kaniyang mga mata. She tried to touch me again but I didn't let her. Hinayaan ko siyang umiyak roon at iniwan ko siyang mag-isa.
Wala akong obligasyon sa kaniya. She is not my responsibility. She is not my fiancee and she will never be my fiancee.
Kaagad akong nakarating sa Cebu at papalabas na sana ako ng aiport nang biglang may tumawag sa akin.
It was Adonis.
"Yes, Adonis?"
"We are heading back to the island, Constantine. Nandoon sila Andres sa isla!"
Parang huminto ang mundo ko sa mga nalaman kong impormasyon mula sa kabilang linya. Unti-unting umahon ang takot na aking nararamdaman.
I didn't know what to do first. Gustong-gusto kong puntahan kaagad si Selene at iligtas siya! Gustong gusto kong patayin si Andres mula sa aking mga kamay!
Subukan niya lang na saktan si Selene, hinding-hindi ako magdadalawang-isip na patayin siya.
"I'm heading now to the chopper, Adonis. Make sure Selene will safe! Siguraduhin n'yo siya!" Sigaw ko sa kabilang linya at kaagad na tinakbo ang direksyon ng aking chopper.
Pagkarating namin sa isla ay kaagad akong bumaba at tinungo ang house resort.
My heart was fucking beating so fast! When I saw the men of Andres laying down in the sand, unconscious, Fear crept into my soul even more.
Paano kung... nasaktan si Selene?
Paano kung... tuluyan siyang sinaktan ni Andres at hindi ako nakaabot?
I wouldn't forgive Andres for this, and I wouldn't forgive myself either! Habang buhay ko itong dadalhin, habang buhay kong kamumuhian ang sarili kung ganoon!
When I saw her laying down in the sand, she was weak and couldn't move. It breaks me into pieces.
Kaagad ko siyang nilapitan at niyakap nang napakahigpit.
"You're safe now, baby. I am here, I am here now..." My voice broke.
She's crying so hard, and I wiped the blood from her lips. I hold her close and make sure that she will be safe in my arms.
"Tino..." She whispered in weakly.
She encircled her arms around my neck, and I carried her tightly. While Adonis and his men were roaming around the island to check on some other syndicate members of Andres,.
"Yes, baby... I'm here now. You're safe, no one will hurt you anymore. I'm here now. I won't leave you again, I fucking promise that!"
Kahit na nanghihina na siya at nasasaktan, inaalala pa rin niya ang kalagayan ng ibang tao. She always has a soft part of it.
"Adonis! Siguraduhin mo na walang matitira sa mga lalaking 'yan! Make sure they will be dead! All of them!" Galit na galit kong sabi kay Adonis at nakita ko kung paano nagbago ang ekspresyon nito.
Hindi ko na lamang ito pinansin at dumiretso sa chopper. All I could think about right now was the safety of Selene.
Marahan akong napabuntong hininga habang pinagmamasdan ko ang mahimbing na pagtulog ni Selene. Pagkatapos ng mga nangyari, natakot na akong mawalay sa tabi niya.
I watched her peacefully as she went to sleep. I don't care if I will guard her here forever. Even when Adonis reported to me that it was all over, Andres died because of multiple shots, even from his men.
Pero, hindi pa rin ako mapanatag. Natatakot na ako.
Nang mapansin kong gumalaw siya ay kaagad akong napatayo sa aking kinauupuan.
"How are you feeling? Do you feel better now?" Iyon ang unang bungad ko sa kaniya.
"Constantine, tumigil ka na, please." She whispered...
Kumunot ang aking noo at matagal na nag-proseso sa utak ko ang mga lumabas sa bibig niya. Ayokong tanggapin iyon.
Tinignan niya ako nang malamig at sinipatan niya ako. Pero kahit na ganoon ang ibinibigay niya sa aking ekspresyon, wala akong pakialam. Kahit na sungitan pa niya ako, ayos lang. Kaya ko namang magtiis.
"You still need to rest," sagot ko sa kaniya pabalik.
Even when I sense that she wants a fight with me, I didn't respond to it. Kahit na itaboy pa niya ako, hindi ako aalis at hinding-hindi ko siya iiwan.
"Tigilan mo na ako! Bakit mo pa dinadamay ang sarili mo sa akin?! Eh, hindi ba ay niloko kita? Hindi ka ba nagtanda?!"
Nagulat ako sa mga sinabi niya, pero binalewala ko na lamang ang mga iyon. Bumuntong hininga na lamang ako at imbes na magalit sa kaniya ay mas lalong inintindi ko nalang ang kaniyang kalagayan.
I cannot control my anger, especially when someone is shouting at me, but for Selene, I can do it. I can actually control it. Kahi na ang galit ko.
"Mag-usap nalang tayong muli kapag may lakas ka na. You need to rest, Selene. Iyon ang sinabi ng doktor." Mahinahon ko pa rin na sagot sa kaniya.
"Couldn't you understand?! Ang sabi ko, umalis ka! Hindi kita kailangan! Kaya, bakit ka nandito? Bakit mo pa rin ako niligtas?! Bakit?"
Why are you asking me that, Selene? It isn't obvious that I am only doing this because I care for you and I love you.
"Magpahinga ka na," hindi ko siya pinansin at sinubukan kong maging mahinahon sa kaniya.
"Look at me! Why?! Why the hell are you doing this to me?! Sagutin mo ako!"
"Dahil mahal kita!"
Her eyes widened and in shocked when she heard those words from me.
"I fucking do this because I love you, Selene! Hindi mo man lang ba iyon maramdaman, huh?! What kind of move do I need to make just to make you feel that I fucking love you so much? Ginawa kong protektahan ka dahil mahal na mahal kita! Ginawa ko iyon dahil 'yon ang gusto kong gawin!" My voice thundered.
Hindi pa ba sapat ang lahat nang mga ginawa ko para maramdaman mong mahal kita?
Ano pa ba ang dapat kong gawin para mapansin mo 'yon?
"Huwag mo akong hahawakan! Hindi na kita kailangan! Naiintindihan mo ba 'yon?! Ayoko na sa'yo! Ginamit lang kita!" Sigaw niya sa akin pabalik.
My jaw clenched as I watched her saying those words to me. Lalong-lalo na nang makita ko ang kaniyang ekspresyon. Ibang-iba na siya sa Selene na nakasama ko sa Moalboal.
She is too far different from what I am seeing right now.
Nasaktan ako sa mga sinabi niya, pero, kahit na ganoon, hindi pa rin ako naniniwala.
I am still hoping that this is not true. That she loved me, truly...
"What did you say?" I couldn't believe it...
Parang ang hirap paniwalaan...
Kung ginagamit lang pala niya ako, ang gago ko naman para hindi mapansin ang mga ikinikilos niya.
Am I that blind for everything?
"Narinig mo naman ako, hindi ba? Ang sabi ko, ginamit lang kita! Totoo ang mga sinabi ni Auntie Gorgonia at Dahlia tungkol sa akin. Bakit ayaw mo silang paniwalaan? Truth hurts, right?" Sarkastiko niyang sabi sa akin.
No... I won't believe you... that's not fucking true!
"I don't believe you, you woman."
Don't do this to me, Selene... please, I'm begging you...
"Hindi kita mahal, Constantine. Hindi kita minahal at hindi kita mamahalin! Do you understand that? Hindi kita kailanman kayang mahalin!"
"Just shut the fuck up! I don't fucking believe you!" I couldn't help myself to say that to her.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa lahat nang mga salitang binato niya sa akin ngayon. Masyadong mabigat, hindi ko kayang tanggaping ito!
"Kaya tumigil ka na, Constantine. Stop interfering in my life. Dahil hindi kita kailangan. Kahit anong gawin mo... hindi kita kayang mahalin... dahil may mahal akong iba."
My lips pursed and my tears were slowly falling down my cheeks.
Hinding-hindi ako nagsisisi sa parteng ginawa ko ang lahat para ma-protektahan ko siya. Dahil ginusto ko iyong gawin.
Pero... ang malamang may minamahal pala siyang iba... iyon ang mas lalong nagpapadurog sa akin.
She's my weakness and her words makes me bleed even more.
"Ito ba talaga ang gusto mong mangyari, Selene? You want me gone in your life?" Nanghihina kong tanong sa kaniya.
She didn't look at me, she became ruthless and cold.
"I don't want you to be in my life, Constantine. I don't even want you to be part of it."
Nag-iwan ng marka ang lahat nang mga sinabi niya sa akin. It engraved into my mind and for some reason, yes, I am trying to forget her.
I have never dated any woman. Sa tuwing sinusubukan ko, mas lalo ko lamang hinahanap si Selene sa ibang bersyon ng babaeng nakakakasalamuha ko.
Sa pitong taon na lumipas, hindi ko maipagkakaila na walang taon na hindi ko siya pinahanap. I even stalked her on social media. My brother Manuel thinks that I am desperate to even do this.
I turned down the engagement seven years ago. I can't marry Dahlia. I don't love her.
Oo, nagalit si Mama sa mga desisyong binitiwan ko, pero buhay ko ito, at ako dapat ang masusunod.
"Dude, you're still stalking her?"
Hindi makapaniwalang pagtatanong sa akin ni Jonas, nang bumisita siya sa opisina ko.
A small smile was hidden on my face as I pour some tequila in his shot glass.
"Try some other women!"
Napapailing na lamang ako sa mga sinabi sa akin ni Jonas.
"You know that I can't do that, Jonas." Sagot ko sa kaniya pabalik, habang umiinom ng alak.
"You're unbelievable..."
Pinaglalaruan ko lang ang aking baso, habang nag-iisip ng paraan para magkita kaming dalawa. I have already receive some informations about her from my private investigator. Mas lalo akong nagulat nang malaman kong may kapatid pala siya, at panatag rin ang loob nang malaman kong maayos ang kalagayan niya roon.
"Oh, anong nalaman mo tungkol sa kaniya?"
Nilingon ko si Jonas at napapailing akong muli.
"She's living her life peacefully, but her sister will fly back here. I have already contacted her and ask for a private meeting. Alam kong makukuha ko ang loob niya pagdating sa negosyo." Pagpapaliwanag ko kay Jonas.
Nakapamewang itong humarap sa akin at mas lalong nagtataka.
"Anong ibig mong sabihin?"
"I need her sister to have connections with us. Sa ganitong paraan, mas madali ko siyang malapitan."
Napapailing si Jonas sa aking mga sinabi at napatawa na lamang.
I swallowed the last tequila in my shot glass and it travelled down through my veins. Baliw na akong baliw, pero, sinubukan ko naman talaga siyang kalimutan, pero hindi ko talaga magawa. Kahit na ipagtabuyan man niya ako, hindi pa rin ako aalis sa tabi niya.
I'll be her stalker, troublemaker, forever...
"You're crazy, man! How about Tita Ophelia? Paano kung malaman niya ang lahat nang ito? Itong mga ginagawa mo?"
I smirked at him and shook my head.
"I'll make sure she won't meddle in between. I turned down the engagement, seven years ago. Sapat na iyon para malaman niyang ayoko talagang makasal sa babaeng iyon. Si Selene lang ang mahal ko."
That's a promise that I made for myself. Sinabi ko sa sarili ko na kapag nagmahal akong muli, hinding-hindi ko na hahayaan si Mama na siya ang masusunod. Buhay ko ito, ako dapat ang masusunod. Kaya, nang magkaroon ako ng pagkakataon na makita at makasama si Selene, hindi na ako nag-aksaya pa nang panahon.
I tried all my best and ways just to get her back in my arms again. Palagi akong nagagalit nang palihim kay engineer Rolly, hindi ko lubos maisip na mas malapit pa silang dalawa at tinataboy ako ni Selene.
I was mad and furious with her, but I couldn't stay like that longer. I know that Selene still loves me. I can feel it. The way she looks at me back, the way she flinch when I'm around her.
Hindi pa rin siya nagbabago, kahit sinungaling, gusto ko pa rin siya...
Kaya noong inamin niya sa aking mahal niya ako, hindi ako nagdalawang-isip na tanggapin siyang muli. I even planned a marriage with her. Bought the land and the house of her parents, and named it after her.
Ang hindi lang alam ni Selene, ay binayaran ko ang lahat nang utang ng kaniyang ama nang palihim. Alam kong hindi niya ako pahihintulutan sa pangingialam pagdating sa kaniya, pero, nangako akong aalagaan ko siya at mamahalin nang tama.
I didn't mind the lies, I didn't mind her sin, because all I think was her. Sa tuwing nakikita ko siya, nawawala lahat nang galit na nararamdaman ko para sa kaniya. Na ayos lang sa akin kahit na lokohin man niya akong muli, huwag lang niya akong iwan.
After what happened, I investigate the family of Dahlia and the rest of the Verluz. I have found out that they're the culprit of stealing money from the company. May nakapag-witness sa mga kahayupang ginawa nila. Hindi lang pera, kung hindi pati na rin mga stockholders at shareholders ay dinamay nila sa mga kagaguhang ginawa nila.
I'll make them pay for what they did. Especially for treating Selene like a garbage! Hinding-hindi ko hahayaan na lilipas ang bawat oras na hindi sila naghihirap.
"Kinakabahan ako, Tino..." Selene whispered it to me as she sat in my legs.
She's just wearing now a fucking red lingerie. How can I even concentrate of talking to her if she's like this with me, every minute?
I put some of her hair behind her right ear, as I hold her gently in her small waist.
Pumungay ang kaniyang mga mata at umawang ang kaniyang bibig, habang nakakapit sa aking leeg ang kaniyang mga kamay.
I closed the distance between us and kissed her earlobe.
"You don't have to worry about them, baby... please, stop overthinking..." Mahinahon kong sagot sa kaniya pabalik.
She is worried about my parents. Paano nalang kung hindi raw siya matanggap ng pamilya ko, at matanggap ni Mama? Palagi kong sinasabi sa kaniya na huwag na siyang mag-alala sa kanila dahil matagal ko na silang kinausap tungkol sa pagpapakasal ko kay Selene. Tutol si Mama sa gusto kong mangyari, pero wala na silang magagawa pa roon.
I am marrying Selene Clio Portman Verluz, and that's final! The first time I saw her, I knew from the very beginning that she will be my wife.
She is meant to be mine...
She is meant to be my wife...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top