Capítulo 6
After that intense kisses between me and Constantine, he confronted me about his thoughts. That he really wanted to have revenge on me. He wants to tear me, slowly, pieces by pieces.
Umawang ang aking bibig nang magtama ang aming mga mata. Pumungay ang kaniyang mga mata at nakatitig pa rin sa akin na para bang sinusuri ang bawat anggulo ng aking pagmumukha. Tracing every lines of my angle, tracing every tears that has fallen down my cheeks.
His eyes were bloodshot and full of sorrow. Kaagad kong naramdaman ang malamig na hangin nang umihip ang mga ito. Napapikit ako nang dahil sa lamig.
Nakita ko ang kaniyang pag-atras sa akin at kinuha ang jacket na nakalagay sa gilid ng bangka. Ini-abot niya ito sa akin.
Ganoon pa rin ang kaniyang eskpresyon, hindi pa rin ito nagbago. His hair was messy, and the water was still dripping from it. Hindi niya ininda ang lamig ng kaniyang katawan. He's topless, for goddamn sake! All I can see is his firmness and proud abdomen. His muscles were proudly strong. I swallowed hard when I thought about indecent things with him!
Gusto kong tirisin ang sarili nang dahil sa mga naiisip.
"Strip," he commanded me.
Para akong nabingi sa kaniyang sinabi sa akin. Ba-bakit niya ako inuutusan na maghubad?!
"Ha?" I replied to him when I still don't get it why he want me to strip!
His lips pursed and tilted his head. "I said, strip." Inulit pa!
"Bakit naman ako maghuhubad?"
Kahit na giniginaw ako, hindi ako maghuhubad sa harapan niya! The hell with this man?! Hindi ko gagawin 'yun!
Kaagad siyang umiling sa akin na para bang ang bobo ko dahil hindi ko siya maintindihan.
"You're shivering, Selene Clio. Strip, so you can wear my jacket. If your pretty head didn't still get that."
Umawang ang aking bibig at hiniling na sana ay malunod na lamang akong muli. Nakakahiya! Iyon pala ang gusto niyang iparating sa akin?! Eh, bakit naman kasi isang salita lang ang sinabi niya sa akin?!
Sinimangotan ko siya at kaagad kong kinuha ang jacket na nakalahad na pala ito sa akin. He smirked at me before he turn his back to me. Nakita kong buong lakas niyang pinaandar ang makita ng bangka.
Naghubad kaagad ako at isinuot ang jacket niya. His scent was almost covering my soul. Pumasok ito sa ilong ko at hindi ko alam kung bakit mas gusto kong maamoy ang amoy niya.
Habang pabalik na kami ay hindi ko maiwasan ang hindi siya titigan. Nakaupo siya ngayon sa dulo ng bangka, topless, at tanging ang short lamang niya ang suot. Nakatingin lamang ito sa karagatan at pinagmasdan ang bawat paghampas ng alon sa dagat.
I couldn't understand why he's still with me, wasting his time on me. He is a busy man; he is a multi-billionaire chief executive officer. Marami pa siyang dapat pagkaabalahan maliban sa akin. Kaya, kahit anong pag-iisip ko nang dahilan ay hindi ko matatanggap. Hindi ko kayang tanggapin na kaya niyang iwan ang lahat nang dahil lang sa akin. Nang dahil lang sa gusto niyang maghiganti sa akin, kaya siya nandito at nag-aaksaya ng panahon.
Why on earth a Constantine Fernandez will waste his time on me? Am I worth the waste?
Hindi naman ako nababagay sa mundo niya. I am Selene Clio Verluz, who has nothing. While he had everything. Kung hindi ako nagsinungaling sa kaniya, pagtutuonan pa rin kaya niya ako ng pansin? I don't think so.
Nang makarating na kami sa dalampasigan ay nauna siyang tumayo para salubungin ako pababa.
Bago ako bumaba ay nagtanong muna ako sa kaniya. Marami akong gustong itanong sa kaniya, pero sa dinami-dami ng aking mga tanong ay ito ang pumaibabaw na gusto ko nang magiging sagot.
"Why are you still wasting your time with me, Constantine? When you have everything in Manila." My voice broke when I said that to him.
Para akong nabunutan nang tinik nang mailabas ko iyon sa kaniya.
Tumigil siya sa kanyang ginagawa at pinagmasdan ako nang malamig. Umigting ang kaniyang panga at tila ba'y nag-iisip nang mabuting isasagot.
"No, this is everything, Selene. Who's in front of me is my everything..."
Umawang ang aking bibig at hindi ko namalayan na tumulo na pala ang aking mga luha. Not minding the tranquility, not minding the cold wind.
Why are you doing this to me, Constantine?
"Pagkatapos mong lagyan ng mga rekados ang sabaw, ay isusunod mo ang isda kapag kumulo na iyong tubig, ha?" sabi sa akin ni Manang Joan habang naghihiwa ng mga ingredients.
Pinagmamasdan ko lamang siya habang mabilis niyang ginagawa ang mga iyon. Para akong bata na walang muwang at kailangan pa itong turuan. Sa isang linggo ko na pananatili rito ay hindi naging madali sa akin. Ma-i-kukumpara ko ang buhay na nakagisnan ko sa pamamahay namin at sa buhay na pinipilit kong tanggapin ngayon.
Hindi ako nag-reklamo dahil wala rin naman akong ibang pagpipilian. Si uncle Ven lamang ang kapatid ni Papa, kaya sa kaniya talaga ako mapupunta.
Habang naghihintay ako na kumulo ang tubig ay nakita ko ang ibang mga kasambahay na abala sa kanilang mga ginagawa. Naglilinis ng bahay, ang iba naman ay nagdidilig ng halaman, ang iba ay nag-aayos ng mga gamit.
"Manang Joan, ano po ang mayroon?" Kunot-noo kong pagtatanong sa kaniya.
Nilingon niya ako saglit, bago bumalik sa kaniyang ginagawa.
"Darating kasi ngayon ang anak ng mga Verluz. Kaya, naghahanda sila Ven at Gorgonia sa pagbabalik ng anak nilang babae."
Mas lalo akong naguluhan sa kaniyang mga sinabi. Matagal ko nang alam na may anak sila Uncle Ven, pero ni kahit isang beses ay hindi ko ito nakita. Ngayon pa lang.
"Talaga po? Hindi ko po siya nakita," sabi ko sa kaniya.
"Sa Manila kasi 'yun lumaki, hija. Alam mo na, ayaw ni Gorgonia na pag-aralin dito sa may pinakamalapit na skwelahan at baka raw ay mag-lakwatsa." Pagpapaliwanag sa akin ni Manang Joan.
Nang kumulo na ang tubig ay kaagad kong nilagay ang isda na inutos sa akin ni Manang Joan. Napatawa na lamang ako sa aking isipan nang hindi ko maalala ang pangalan ng aking pinsan.
Pumasok sa loob ang isang Gorgonia na naka-roba pa rin ito. Not minding the maids who's looking at her, intently.
"Joan, is that ready?" Maarteng pagtatanong nito.
Bumaling siya sa akin at pinagtaasan ako ng kilay.
"Malapit na po, Ma'am!"
"After you prepare all the foods, kindly put it on the table sa veranda. I want to have breakfast with my family there." Utos niya sa isang matigas na ingles.
Natataranta namang tumango si Manang Joan at hinalo ang isa pang putahe.
Nailipat niya ang kaniyang paningin sa akin. Her lips pursed while looking at me from head to foot. Nakaka-insulto ang mga titig na ibinibigay niya sa akin. Para akong yelo na unti-unting natutunaw.
"No wonder... nagmana ka nga sa ina mo."
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay kaagad siyang umalis sa aming harapan. Habang unti-unti siyang lumalayo ay tiniris ko na siya gamit ang aking mga daliri. Unti-unti kong inipit ang kaniyang imahe sa aking daliri at tiniris!
"Selene, hija? Anong ginagawa mo?" Natatawang sabi ni Manang Joan at napatuwid ako sa aking pagkakatayo.
"Wala po," napapailing na lamang siya sa aking ginawa at para bang naiintindihan niya ako.
Nang maluto na lahat ng mga pagkain ay tinulungan ko na siya na dalhin ang lahat nang ito sa may veranda. Nasa malayo pa lamang kami ay naririnig ko na ang mga tawa ni Auntie Gorgonia.
Kaagad naming inilapag ang mga pagkain sa kanilang harapan. Nagtaka ako kung bakit hindi pa rin dumadating ang tinutukoy nilang nag-iisang anak ng mga Verluz.
"Honey, ilang oras pa bago makarating dito si Dahlia?" Pagtatanong nito sa asawa na ngayon ay nakatuon lamang ang buong atensyon sa magazine na hawak-hawak nito.
"She said she's already landed here in Zambales. Kaya, pinapunta ko na kaagad ang driver para salubungin siya sa airport." anito.
"God! I can't wait to hug my daughter!" Masayang sabi ni Uncle Ven sa kaniyang asawa.
Hindi ko rin mapigilan ang hindi maalala ang aking ama. Kahit na minsan lamang iyon nagkaroon ng oras sa amin, sa akin, ay naging mabuting ama pa rin siya. Nagkaganito lang naman ang lahat nang dahil sa nawala si Mama sa amin. Parang gumuho na rin ang mundo ng bawat-isa.
Sabi nila, kapag nawalan ng maaga ang isang lalake, posibleng maging dahilan ito nang pagguho niya. But, they have also said that when a woman is left by her husband, she can still survive, not just for herself but for her children. At sa tingin ko ay tama iyon.
My father was a perfect example for that.
Napabuntong hininga na lamang ako at bumalik sa loob. Tumulong na lamang ako sa paglilinis ng mga katulong at pinupunasan ko rin ang mga aparador dahil may mga alikabok pa ito.
Napalingon lang ako nang bumusina ang sasakyan mula sa labas. Nataranta ang ibang mga katulong at nagmamadali ito sa kanilang paglilinis.
"Is that my daughter?" Nahimigan ko ang alerto na boses ni Auntie Gorgonia at excited naman itong lumabas ng bahay.
"Mommy!" A sweet voice came from the outside.
Natigilan ako sa aking ginagawa at nilingon ang entrada ng bahay. I saw a girl who's white, and fair. She has long burgundy hair, and she's wearing a nude body-hugging dress. Mas lalong kumurba ang katawan nito nang dahil sa suot.
She's tall, almost exactly like me. Ang kaibahan lang namin ay straight ang kaniyang buhok, habang ang sa akin naman ay maalon ang mga ito.
"I missed you, anak! How's life in Manila?" Pagtatanong nito sa kaniyang anak.
I saw her rolled her eyes to her mother before answering it.
"As usual, Mom! I have already told you that I want to study abroad, pero hindi n'yo pa rin ako pinapayagan ni Daddy!" Pagtatampo nito habang naglalakad sila patungong veranda.
Nakita ko rin ang mga guards na bitbit ang kaniyang mga maleta. Ang iba pa nito ay dala-dala ang mga paper bags na paniguradong ang laman ng mga ito ay mamahaling mga gamit. Mukhang nag-shopping pa ito, bago tuluyang umuwi.
"You're just twenty, anak! Of course, we will let you when you finish your degree in Manila."
"Yeah whatever, Mommy."
Nakita ko ang pagtawa nito sa sinabi ng kaniyang anak. Natigilan lamang ako sa paninitig nang makita kong bumaling ang paningin niya sa akin.
Nagtama ang aming mga mata, kaya ako ang unang nagbaba ng tingin.
"Mommy, who is she?" pagtatanong nito sa ina.
Bumalik ako sa aking ginagawa na para bang wala akong narinig mula sa kanila. Kahit ang totoo ay rinig na rinig ko ang bawat salitang binibitawan nilang dalawa.
"She's nothing, anak. She's your Uncle Dominic's daughter. Nagkaroon lang ng problema sa kanila, kaya nandito siya ngayon pansamantala."
Umawang ang aking bibig sa naging sagot ng kaniyang ina.
She's nothing...
Ibig ba nitong sabihin ay wala akong kwentang tao sa harapan nila?
Ganoon ba talaga kababaw ang paningin nila sa akin?
Parang may bumara sa lalamunan ko at hindi ako makapag-concentrate sa aking ginagawa. Pinipigilang ang sarili na maiyak nang dahil lamang sa mga narinig. Masakit ang lalamunan at tinitiis nalang ang lahat.
Nang matapos kong linisin ang mga aparador ay kaagad akong umalis ng bahay. Tumakbo ako kahit unti-unting nanlalabo ang aking mga mata nang dahil sa mga luhang unti-unting lumalandas.
Not minding the maids who called me. Para akong nabingi at parang wala akong narinig. Patuloy ako sa aking pagtakbo at narating ko ang windmills na nakaharap sa karagatan ngunit may distansya ang mga ito.
I cried so much 'till I can't hold my breath anymore. Pinagmamasdan ko ang bawat paghampas ng alon mula sa dagat. How they violently crushed each other's wave. Parang ganoon na rin nang sinabi iyon ni Auntie Gorgonia sa kaniyang anak. Na wala lang ako.
I did not value, anything...
I am just a... nothing...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top