Capítulo 4
Nagising ako nang maramdaman kong biglang kumulo ang aking tiyan. Kinusot ko ang aking mga mata at dahan-dahan akong bumangon mula sa akiny kinahihigaan.
The thought of having a conversation with Constantine makes my heart shake a bit. Those dagger eyes are throwing me; it feels like I'm drowning. I was drowning in my own emotions just because of him. I'm drowning slowly when he's around me. Hindi ko lang talaga lubos maisip kung bakit niya nagawa ang lahat nang ito.
Ako ang may nagawang kasalanan sa kaniya. Ako ang dapat na parusahan. But why am I here? Why am I on this fucking island with him? Bakit niya pa ako itinago rito kung p'wede naman niya akong ipahuli at ipakulong?!
Lumandas ang mga luha mula sa aking mga mata. Ang mga luha na matagal ko nang itinago. Ang mga luhang matagal ko na sanang binitawan.
I checked the time, and it was already one o'clock in the afternoon. Kaya pala ay nakaramdam ako ng pagkulo sa aking tiyan. Bumuntong hininga muna ako bago ako tuluyang lumabas ng kwarto. It was luck when he didn't lock the door of the room. When I roamed my sight around the house, I couldn't help but be amazed by the surroundings. Ang hagdanan ay nahahati sa dalawang parte. Mayroong sa kaliwa at mayroon rin sa kanan. The floor was made of marmol, and it has a red carpet with greeks paint on it. Sa ibabaw naman ay kumikinang ang niagara chandelier.
Sa gilid naman nito ay doon nakalagay ang sofa at ang napakalaking television. Sa ilalim naman nito ay may fire place. Dumiretso ako sa labas para makalanghap ng sariwang hangin mula sa dagat.
The three-fourth shirt that I had hugged my body when the cruel wind drowned me. Pinagmasdan ko ang karagatan na ngayon ay maamong humahampas ang alon sa dagat. Biglang gumaan ang aking pakiramdam nang makita ko ang kabuuan ng tanawin. Despite my situation right now, I still have the guts to think about the view that's in front of me.
Unti-unti akong lumayo sa mansion para makaupo sa may buhangin. Natigilan lamang ako nang may makita akong mga guards na nagbabantay. I don't know where he is right now, at wala rin akong pakialam.
When I reached the sand, It feels soft in my hands. The waves seem calm when the weather's fine. May mga pagkakataon rin na galit ang mga ito kapag umuulan o bumabagyo. I was a fan of the oceans when I was a child. Noong mga panahon na buhay pa si Mama. Noong mga panahon na maayos pa ang lahat. I always dreamed of being a surfer, but I gave up when nobody was teaching me. Sariling sikap lang ang ginawa ko. Binilhan ako ni Mama ng board para maaliw ako sa tuwing nagbabakasyon kami, pero, ako lamang ang nagturo sa sarili ko na gawin ang mga bagay na iyon.
While my father's a workaholic, He works all the time, even when we were on vacation. Kaya nga siguro, hindi niya napansin na may sakit si Mama. Hindi niya kami pinagtuonan ng pansin. He said he did it for us, for our future. Ano naman ang nangyari ngayon?
Hinaplos kong muli ang mga buhangin sa aking gilid. The white sands look like crystals when the light of the sun hits them. Para itong mga maliliit na dyamante na kailangang ingatan at alagaan.
Nabaling lang ang aking atensyon nang makita ko siya sa aking gilid. Nakapamewang siya habang nakatuon lamang ang buong atensyon sa karagatan. He's topless! He's only wearing black shorts. His messy hair was swaying because of the wind. Natatabunan na ang mga mata niya nang dahil sa takas niyang mga buhok sa kaniyang harapan.
His muscles were on their right places. Kumikintab ang balat niya sa tuwing natatamaan ng araw. His skin looks reddish. Maybe because it was exposed to the sun for a long time. Ang kaniyang leeg rin ay unti-unting pumula.
He looks like a model from a foreign country. Ang kapal ng pagmumukha ko para maging ganito kalapit sa kaniya. Para lokohin siya ng ganito. Para sirain ang buhay niya at ang pangalan niya ng ganito. I am just a nobody. A trouble maker. A walking disaster.
Isang mahirap na babaeng ulila.
Name everything you want. Ganoon ako. Ganoon ang pananaw ng mga Verluz sa akin. Wala akong kakampi. Kaya, bakit nasagi sa isipan ko na baka nag-alala rin siya sa akin, gayong may malaking atraso ako sa kaniya at sa pamilya niya.
"Done watching me, Ms. Verluz?" Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso nang marinig ko siyang nagsalita.
Kaagad kong iniwas ang aking paningin sa kaniya at nakita kong nilingon niya ako. Bakit nga ba ako nakatingin sa kaniya kanina?
"Hi-hindi," pagtatanggol ko sa aking sarili.
I saw him hold his neck while looking at me intently.
"Are you bored?" He asked me again.
Oo! Kaya bakit ka pa nagtatanong?
"Ibalik mo nalang ako sa Malapascua." Buong tapang kong sagot sa kaniya at tinignan ko siya.
He look at me with his hawk eyes. Para bang may pagbabanta sa mga tinging ibinibigay niya sa akin. Na para bang nagpapahiwatig siya na kung gagawa ako ng hindi niya ikakagusto ay malalagot ako.
He tilted his head and shook.
"No." His cold baritone voice sent shivers down my spine.
Ano pa nga ba ang maaasahan ko sa kaniya? If he wants revenge, he can do it! Kaya, bakit niya pa pinapatagal?
Aalis na sana ako dahil nairita ako sa naging sagot niya nang makita ko siyang unti-unting tinutulak ang bangka patungo sa dagat. Kumunot ang aking noo at hindi ko maiwasan ang pagmasdan siya.
Walang kahirap-hirap niyang itinulak ang bangka kahit na mag-isa lamang siyang tumutulak nito.
"Anong ginagawa mo?" Pagtatanong ko sa kaniya.
Hindi niya ako nilingon at patuloy lamang siya sa pagtulak.
"Mangingisda ako," tipid niyang sagot sa akin.
Hindi naman siguro masama ang sumama, hindi ba?
"Can I come?"
Napatuwid siya sa kaniyang pagkakatayo at nilingon ako.
"If you have plans to escape Selene by using the boat, then I won't allow you to come with me." He warned me with his words.
Nagtama ang mga mata namin at ganoon pa rin ang nakita kong emotion sa kaniya. Ramdam ko pa rin ang galit na nananalaytay sa dugo niya.
He is a Fernandez, after all. May karapatan siyang magalit.
"Huwag kang mag-alala, hindi ako tatakas." Sagot ko sa kaniya pabalik.
He laughed without humour while his jaw clenched. Mapupungay ang kaniyang mga mata nang tinignan niyang muli ako.
"Ganoon ba talaga ang tingin mo sa ginagawa ko sa'yo, ngayon?"
Umawang ang aking bibig at biglang kumirot ang aking puso. Hindi ako makasagot sa kaniya, dahil may parte sa akin na sumasang-ayon sa mga sinasabi niya ngayon.
I don't like this idea. I don't like his idea at all!
Kapag nagtagal ako rito... paniguradong mahuhulog muli ako sa kaniya. Hindi pa ako nakakabangon. Ayoko. Hindi ako makakapayag.
Hindi kami pwede!
"Nevermind. Don't answer it. You can come," he said in a cold tone.
He held his hand out to me. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at kunot-noo pa rin siyang nakatitig sa akin. The veins on his hands were very evident and strong, but they screamed of gentleness at the same time.
Tinanggap ko ang kaniyang kamay at walang kahirap-hirap niya akong inangat para makaupo sa loob ng bangka. Kaagad akong umupo sa tapat niya at buong lakas niyang hinila ang lubid para umandar ang makina. When it started, the wind blew us away and guided us to the sea.
Tahimik lamang ako habang nakatuon lamang ang buong atensyon sa karagatan. Ang buhok ko ay umalon sa aking likuran. I was just thinking... where am I right now?
How funny it is... hindi ko man lang nagawang itanong sa kaniya kung anong isla itong pinaglagyan niya sa akin.
"Nasaan tayo?" Hindi ko na napigilan ang hindi mapatanong sa kaniya.
He licked his lower lip and looked at me before answering.
"This is Moalboal," he said in short.
"Malayo ba ito sa Malapascua?"
Nakita ko ang pag-iba ng kaniyang ekspresyon, kaya hindi nalang ako nagtanong pang muli. He has a short tempered. Halos lahat nang mga employees sa kompanya ay nag-iingat sa tuwing kakausapin siya.
I know when he's not in a good mood. I know when he's mad and furious. I know when he's happy, and I know when he's hiding his sorrows.
One thing I liked about pretending and lying... is that I slowly know him.
Hindi dapat ako ang nandito. Hindi dapat sa akin nakatuon ang atensyon niya at oras. Hindi dapat ako ang babaeng minahal niya.
I am not supposed to be here with him. I am an impostor...
"Maybe two to three hours long. Why are you asking?" Nabalik lang ako sa realidad nang bigla siyang magsalita.
Umiling lamang ako sa kaniya at buti na lamang ay tumahimik. After what happened, he didn't dare to ask me about my reasons. He didn't dare ask my whys. He's just here... in front of me...
Nang magsimula na siyang mangisda ay mas lalong namangha ako sa karagatan. The water looks inviting, and the tranquilly fills the whole place. I couldn't help but jump out of curiosity... It feels like it's inviting me.
Even when I know that it will drown me, I still jump and join the crystal waters.
"We're here," nagising ako nang dahil sa boses ni Uncle Ven.
Kinusot ko muna ang aking mga mata at inilibot ko ang aking paningin. Bigla akong nakaramdam ng lungkot nang makakita ako ng isang mansion.
Bumuntong hininga ako at inisip na tuluyan ko na talagang nilisan ang bahay namin. Ang lugar namin kung saan ako lumaki. I loved Zambales. It was my hometown. That's why it's tearing my heart into pieces since I moved here with my uncle Ven.
Kaagad akong lumabas ng sasakyan at pinagmasdan ang kabuuan ng bahay. It was painted with all white colours. Sa gilid naman nito ay ang parking lot at may tatlong sasakyan na naka-park doon.
"Selene, this is your new home." Sabi ni Uncle Ven at nginitian ko lamang siya.
Nakita ko ang pag-ismid ng matandang babaeng Verluz, ang kaniyang asawa. It seems like she doesn't want me around. Na napipilitan lamang siya dahil pamangkin ako ng kaniyang asawa.
Bitbit ko ang aking bag at tuluyan kaming pumasok sa loob. May mga katulong rin sa loob na nakapang-uniporme. Nagtinginan ang mga ito at nagbulungan nang makita nila ako.
"Honey, Ven. What is your plan now that Selene is already here?" Pagtatanong ng kaniyang asawa.
Napalingon sa akin si Uncle Ven at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Nakapamewang ito habang nag-iisip kung ano ba dapat ang kaniyang gawin.
"Wala pa akong naiisip, eh."
Umawang ang aking bibig nang biglang sumingit ang kaniyang asawa. With her hair tied in a bun and her long red dress, she screams of extravagance. Hindi ko lang talaga gusto ang mga tinging ibinibigay niya sa akin. Para bang nagpapahiwatig siya na ayaw niya akong nandito.
"Selene, I have a better plan. You will work here in exchange for your shelter, food, and everything else. Wala nang libre sa panahon ngayon, hija."
Umawang ang aking bibig sa kaniyang mga sinabi. Ano pa nga ba ang aasahan ko? I am now going to live with them. They are not my family, anymore. Matagal nang nawala ang pagiging buhay prinsesa ko. I need to work. I need to earn this to keep living. To keep alive.
Pinagmasdan ko ang magiging reaksyon ni Uncle Ven pero nakita kong napatango lamang ito sa plano ng kaniyang asawa.
"Si-sige po," maikli kong sagot sa kaniya.
"That's good! We're settle now! You can start tomorrow. Kaysa naman, maiwan ka doon sa bahay ninyo. Ano naman ang kakainin mo doon? Wala ka pang trabaho, hija. I bet you don't even know how to work. Since then, your father has raised you with a gold spoon in your mouth." Sabi nito sabay tawa ng sarkastiko.
Sasagot na sana ako pero pinigilan ko ang aking sarili. Ayokong dagdagan ang pagkamuhi niya sa akin. This is my only chance. I promise that I will leave this place once I'm settled.
Hinatid niya ako sa aking magiging bagong kwarto. The room filled with darkness. When I opened the lights, the boxes welcomed me. Para itong stock room na pinabayaan na. May maliit naman na kama sa gilid, pero wala nang bakanteng espasyo nang dahil sa mga karton na nakatambak rito. May bintana naman pero isa lang. May isang maliit na electric fan.
Bumuntong hininga ako kahit naninikip na ang aking dibdib.
You can do this, Selene.
This is just the beginning of your life. You have to face it.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top