Capítulo 39
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata dahil nararamdaman ko ang munting init na tumatama sa aking pisngi. Kumunot ang aking noo at gumalaw.
Umikot ako sa gilid at nakita ko ang mahimbing na pagtulog ni Tino sa aking tabi. Mas lalong kumunot ang aking noo at unti-unting bumibilis ang pagtibok ng aking puso.
Oh my God! My jaw dropped when I started to remember what happened last night! Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa bahay na ito at hindi ko alam kung pagmamay-ari ba ito ni Constantine!
What about the visitation of the place?! Napahilamos ako at napagtantong maling-mali ang napasukan ko! Maling-mali dahil bakit hinayaan ko ang aking sarili na mangyari ang bagay na 'yon! Paniguradong nagtataka sila kung bakit hindi kami nakarating ni Constantine sa place. Panigurado akong kakalat ang isyu tungkol sa aming dalawa!
This will be a big problem!
After what happened, I passed out. Hindi ko alam, siguro ay dahil sa pagod o ano.
Nilingon ko si Constantine sa aking tabi at napakagat sa aking pang-ibabang labi. Pinagmamasdan ko siya kahit tulog. Even when he's sleeping, he looks like a god sleeping beside me. His muscles were firm, those biceps were strong. Even when he's sleeping, he looks like a god sleeping beside me. His muscles were firm, and those biceps were strong. I swallowed hard as I remembered how I held on to his muscles just because of the pleasure that I had felt from him. Ang mga mapupula niyang mga labi, ang makapal niyang kilay, ang matangos niyang ilong, and those little mustache, and his very well-defined jawline.
Lahat nang iyon ay perkpekto sa aking paningin. The way he pleasured me last night made me think about all the girls he had been with for the last seven years. O, hindi kaya ay si Dahlia lamang ang natatanging babae niya?
Kumulo ang dugo ko at marahas akong gumalaw paalis ng kama. Thankfully, I'm wearing an underwear and a bra! Hindi ko na matandaan na sinuot ko ang mga ito!
I heard him moan a little bit and opened his eyes. Mapupungay ang mga mata niya habang nakatitig sa akin.
Aalis na sana ako nang bigla niyang ipinagsalikop ang kaniyang mga braso sa aking bewang at mas lalong lumapit sa akin.
"Ano ba?!" Inis kong sabi sa kaniya at pinipilit na alisin ang mga kamay na nasa bewang ko.
He chuckled as I watched him hug me from the back. His messy hair makes him even more attractive. He could even pass as a foreign model in Calvin Klein!
"I love you," he whispered those words in a bariton voice, yet soft and gentle.
"You know the consequences of this, Constantine." Pagpapaalala ko sa kaniya.
Pagkatapos nang lahat nang ito ay kakalimutan ko na siya ng tuluyan. Hinding-hindi na niya ako dapat guluhin at ganoon rin ako sa kaniya. It's better to part ways and never bother each other again.
"Sorry baby, I don't see it that way."
May gana pa talaga siyang magbiro!
"Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo, Tino..." may banta sa aking mga boses at nakita kong nakatitig siya sa akin habang nakakunot ang noo.
Nakaharap na ako ngayon sa kaniya, habang siya ay ginamit ang isang kamay bilang suporta na matignan ako nang mabuti.
"Do you really think that I'm joking, too?"
"A-anong ibig mong sabihin?" Nalilito kong pagtatanong sa kaniya.
His lips twitched as he watched me. Na para bang takot na takot siyang mawala ako sa tabi niya.
"I'm going to marry you. We'll announce it to the public, and everybody will know about that."
Nanlaki ang aking mga mata sa kaniyang mga sinabi at hindi kaagad na-proseso sa utak ko ang lahat nang iyon.
"Nababaliw ka na ba?! Hindi ako gusto ng Mama mo. She despised me because of the things that I did! Gusto mo ba na mas magalit siya sa akin at kamuhian ako?"
Biglang kumirot ang aking dibdib nang masabi ko ang mga iyon sa kaniya.
"You don't have to worry about that, Selene. Ginagawan ko nang paraan para hindi sila magalit sa'yo. All you have to do is to trust me. I promised you, I will never, ever, fail you."
Hindi ko mapigilan ang hindi mapaluha. Kahit anong pagpipigil ko sa nararamdaman ko ay hindi ko talaga kaya. It feels like it's burning me even more, and the more the fire hits me, the more it hurts!
Gustong gusto ko si Tino, he is the only man that I want to be with, even from the very beginning. I couldn't even imagine a life without him. Siya lang.
Siya lang talaga...
"Baby, please, talk to me." mahinahon niyang sabi sa akin nang mapansin ang pagiging tahimik ko.
He cupped my face and he slowly wiped my tears. He gave me a kiss from my head. Napapikit ako nang dahil sa ginawa niya.
"Selene..."
"Bakit gusto mong sirain ang buhay mo para lang sa akin? A-ano ba ang maibibigay ko sa'yo? I'm just a walking disaster, a lier, and a user. Why do you still want me?" Nanghihina kong sabi sa kaniya.
His forehead furrowed and his expression was hard, but I saw some tears in his eyes. Alam kong pinipigilan lang niya ang kaniyang sarili na mapaluha sa aking harapan.
"Selene... you gave a life to me. You gave colours to my dark days, and you gave me reasons to stay. You were the missing piece of mine; you were the missing colours."
Napahagulgol ako sa iyak nang sabihin niya iyon sa akin. Kaagad ko siyang niyakap at mas lalong niyakap niya ako pabalik.
He closed the little distance between us, and he locked me in with his bulky chest.
"Please, please baby, marry me..." He whispered again to my ears.
Nangungusap ang boses niya at mas lalong natutukso ako.
"You're the only woman I want; you're the only woman that I want to spend time with for the rest of my life. I want you to carry my name; I want you to carry my child."
Hinalikan niya ako sa aking pisngi nang ilang beses at niyakap niya akong muli nang napakahigpit.
For once in my life, I want to choose this kind of life. I want to make my own decisions. I want to make my life a living one again.
Nakapagdesisyon na ako, kahit na labag sa kalooban nang lahat. Kahit na makalaban ko pa ang mga Verluz, at kahit na kamuhian pa ako ni Dahlia at ng ina ni Constantine.
I am marrying him. I am marrying Constantine Fernandez.
"What were you thinking?"
Nabalik lang ako sa realidad nang sumulpot sa aking likuran si Tino na may dalang kape para sa aming dalawa. Habang ako ay pinagmamasdan ang kabuuan ng lugar nang nakatanaw rito mula sa bintana.
Inilapag niya muna ang dalawang kape na ginawa niya at pinulupot ang mga bisig mula sa aking likuran. Napabuntong hininga ako at ipinagsalikop ko ang aming mga kamay.
He rested his chin on my right shoulder, looking at the same scenery that I am watching right now. We stayed in his ancestral house for a day, at napagdesisyunan naming dalawa na umuwi na ngayong hapon.
Wala kaming ibang ginawa, we just cuddle...
"Care to tell me about what you think?" he asked me while holding my waist tightly.
"Panigurado akong nagtataka na sila Engineer Alfred at si Rolly nang hindi tayo nakasulpot. Baka, isipin nila na pabaya ako, gayong ako ang isa sa mga inutosan na bumisita sa site." Pagpapaliwanag ko sa kaniya.
He sighed and shook his head as a response to my statement.
"You don't have to worry about it. Sinabihan ko na si Kuya sa mga nangyari," ani Constantine.
Napasinghap ako at napalingon ako sa kaniyang gilid.
He smirked at me like he's proud of saying it!
"What the hell, Tino?!" Inis kong sabi sa kaniya.
He laughed out loud when he saw my reactions to it. Nang makabawi na ay unti-unting humina ang kaniyang mga halakhak at tumitig sa akin pabalik.
"Of course not, baby! I won't fucking say it to anyone. Kahit na kay kuya, hinding-hindi ko 'yon sasabihin. What happened last night will stay between us. I won't say to anyone how you pleasured me or how you screamed my name just because you wanted me. That's the precious thing you gave to me, and I won't break it. Forever."
Nag-init bigla ang pisngi ko at kaagad akong umiwas sa kaniya.
"It won't happen again!" Saad ko sa kaniya.
He chuckled again, and he raised his right eyebrow. His lips twitched like he didn't like my answer to him.
"It will happen again, Selene. Paulit-ulit nating gagawin 'yon. If you just didn't pass out last night, we will do it again, but your body can't take it anymore."
Kumunot ang aking noo at tinampal ko siya nang mahina sa kaniyang braso.
"Why? Did you do that usually to your ex-girlfriends?"
He tilted his head to me and look at me like he is observing me.
"Hanggang halik lang," sagot niya sa akin pabalik.
"Hindi ako naniniwala sa'yo, baka nga pinatulan mo pa si Dahlia, eh."
Inikotan ko siya ng aking mga mata at hinuli niya ang mga ito para mas matignan ko pa siya nang maayos.
"Why would I fucking kiss someone I didn't like in the first place? Ikaw lang ang babaeng gusto kong halikan nang paulit-paulit. Mga labi mo lang ang nagpapasabik sa akin. So, please baby, stop overthinking, 'kay? I might get you pregnant here and now if you won't stop thinking about that." Panghahamon niya sa akin.
Tumahimik na lamang ako at hindi na nagsalita pang muli. Baka kung saan pa umabot ang usapang ito.
Pagkatapos naming magpahinga saglit ni Tino ay bumalik kaagad kami sa Manila para ayosin ang mga naiwang trabaho. Thankfully, his brother Manuel understood about what happened last night. Sinabi ni Tino na hindi kami tuluyang nakapunta sa site dahil lumakas ang ulan at hindi na kami pinayagan pa na tumawid dahil delikado, at alam na alam namin kung paano si Constantine nagsinungaling sa kaniyang kapatid para pagtakpan ang mga nangyari sa aming dalawa.
After the car scene, we actually did it again in his house in Laguna, after we went back to Laguna. Kapag siya na ang humalik sa akin, para bang nahihirapan akong tanggihan siya. Nahihirapan ang puso at ang katawan kong pigilan rin ang nararamdaman ko para sa kaniya.
It is just normal, right? I'm already in my twenties, and I love doing it with him.
Wala akong masyadong ginagawa ngayon sa opisina, pumirma lamang ako ng ilang mga papeles at nagpahinga nang muli. Tino suggested that it is better for me to move to his office. Iyong malapit lamang sa kaniya, pero, hindi ko naman puwedeng iwan itong opisina ni Selena at kunin ang lahat nang kaniyang mga gamit para lang makausap ko si Constantine araw-araw.
Habang nasa kalagitnaan ako nang pagbabasa ng ilang mga appointment ay bilang kumalabog ang pintuan ng aking opisina. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang humihingal at ang galit na galit na Dahlia.
Sabog ang buhok nito at halatang nakainom, at mukhang galing pa sa bar.
"So, totoo nga ang mga balita. Nandito ka na nga!" May bahid na galit sa kaniyang boses.
"Ma'am, pasensya na po. Talagang pinigilan ko po siyang makapasok pero nagpupumiglas po siya," pagpapaliwanag ng sikretarya kong si Ronymar.
"It's okay Rony, you can go now. Hindi mo naman talaga mapipigilan ang isang asong tahol nang tahol."
"What the hell did you just say?!"
Mukhang mas ginalit ko pa ata siya lalo.
Napakibit-balikat ako at hindi ko mapigilan ang sariling tignan siya mula ulo hanggang paa.
"What do you want, Dahlia? Anong ginagawa mo rito?" Diretsahan kong pagtatanong sa kaniya.
Nagtaas siya ng kaniyang noo at sinagot ako kaagad nang walang pag-aalinlangan.
"Bumalik ka na nang America at huwag na huwag mo na kaming guguluhin pa ni Constantine dahil masayang masaya na siya sa piling ko!"
I couldn't believe what she just said right now. I couldn't believe that even her fantasy towards my Tino is on another level.
"Talaga, Dahlia? Because... the last time that I remember, he was with me. I was in his arms and we cuddle... all night."
Her jaw dropped and her eyes were started to get red. Unti-unting nangilid ang kaniyang mga luha at sasabog na kahit anong oras.
"Sinungaling! Mang-aagaw ka lang talaga! Hitad ka!" Dinuro-duro pa niya ako, habang pinipigilan siya ng aking sikretarya.
Ang ibang mga tao sa labas ng aking opisina ay nakakahalata na sa mga nangyayari rito sa loob, kaya, kaagad ko silang sinenyasan na tumawag na nang gwardiya.
"You know what, Dahlia? Hinding-hindi kita papatulan. Despite all the bad things you have done together with your evil mother, I won't get revenge on all of you. Alam mo kung bakit? Dahil hindi ako masamang tao katulad ninyo. Pero, ngayong kaya ko nang ipagtanggol ang aking sarili, hinding-hindi ako papayag na laitin ninyo ako at pagsalitaan nang masasama at gawing utosan!"
"That's where you belong, Selene! Umangat ka lang naman nang dahil sa anak sa labas ng ama mo, hindi ba?! Kung hindi, saan ka ngayon pupulutin?" Galit niyang sabi sa akin.
I couldn't help myself but gave her a hard slapped on her face. Kung tutuosin, kulang pa ang isang sampal sa lahat nang mga pagbibintang na ginawa nila sa akin! They ruined my name, they ruined my fucking precious life!
Umigting ang kaniyang panga at sinugod niya ako nang walang pag-aalinlangan.
"Pagbabayaran mo ang lahat nang ito! Hayop ka, Selene!" Galit na galit niyang sigaw sa akin habang sinasabunutan niya ako.
"Tumigil ka na sa kahibangan mo!" Sigaw ko sa kaniya pabalik.
I tried my best to fight her back but she's just too strong.
Sasampalin niya rin sana ako nang may humablot sa kaniya nang marahas at napatumba siya nang dahil sa ginawa nito.
I saw a mad and furious Constantine Fernandez beside me. He's locking me in with his body.
Lumingon sa akin si Tino at nakita ko kaagad ang pagbabago ng kaniyang ekspresyon. Napalitan ito nang may pag-aalala habang nakatingin sa akin.
"Baby, you okay? Are you hurt?" Sunod-sunod niyang pagtatanong sa akin nang sinubukan niya akong hawakan nang marahas.
Dahan-dahan akong tumango sa kaniya at sinabing ayos lang ako.
"Constantine, maawa ka sa akin!" Hagulgol na iyak ni Dahlia nang sinubukan niyang hawakan ang mga binti ni Tino.
Galit na galit si Tino na kahit masaktan man si Dahlia ay wala itong pakialam sa kaniya.
Kaagad ko siyang pinigilan nang makita kong sinubukan niyang sampalin si Dahlia.
"No, Constantine stop." I whispered it to him.
Nakita ko ang dahan-dahan niyang pagkalma, habang nasa harapan ko pa rin siya.
"Stop fantasizing me, Ms. Verluz. Kailanman ay hindi naging tayo. I have never courted you. Stop being delusional about everything." His baritone voice makes me scared about it.
Galit at may pagbabanta sa kaniyang mga boses. Ibang-iba si Tino sa tuwing nagagalit siya nang ganito.
Nakita ko ang takot sa pagmumukha ni Dahlia at sumubok pa itong muli na hawakan si Tino, ngunit kaagad itong umatras papalayo sa kaniya.
"But I'm your fiancee! Ako ang pakakasalan mo! Ako ang nararapat para sa'yo!" She cried in vain while saying those words to him.
Tino is controlling himself from getting mad at her.
"You're. Not. My. Fucking. Fiancee. I will never fucking marry someone like you! You make the life of my Selene a miserable hell! Now, I'm giving it back to you."
Every words from Constantine were like daggers. It was sharp and deep.
Kaagad akong nalito nang makita ko ang mga pulis na pumasok sa loob ng aking opisina. Parang binuhusan nang tubig si Dahlia nang hawakan siya ng mga pulis at pinusasan.
"A-anong ginagawa ninyo?! Wa-wala akong kasalanan!" Natatakot niyang sabi sa mga ito.
"Ma'am, may warrant of arrest po kami. Ang aming nahuling suspek sa pagnanakaw ng pera sa mga Fernandez ay umamin na ikaw at ang iyong mga magulang ang nag-utos sa kanila."
"Hi-hindi! Wala kayong sapat na ebidensya!"
"Mayroon po, Ma'am. Mas mabuting sa presinto nalang po kayo magpaliwanag."
"No! No! I'm not going to jail! Selene! Selene, help me, please!" Pagmamakaawa niyang sabi sa akin, habang pinipilit siyang kunin ng mga pulis.
Nangilid ang aking mga luha at napayuko ako. Inaamin ko, kahit na galit na galit ako sa mga ginawa nila sa akin, ay may parte pa rin sa akin ang naaawa sa kaniya. Kahit na hindi ko naman dapat ito nararamdaman.
You want them to rot in hell, right, Selene?
Napahawak ako sa braso ni Tino nang makaramdam ako nang pagkahilo.
"Selene, are you okay?" Nag-aalalang pagtatanong ni Tino sa akin.
Magsasalita pa sana ako para sagotin siya nang biglang nandilim ang aking paningin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top