Capítulo 35
I was watching the cars moving and the people who have their own lives and businesses. Napakibit-balikat na lamang ako habang pinagmamasdan ko ang mga ito.
Living in a big city makes me wonder about the life of a countryside girl. Dahil... iyon ang nakagisnan ko, iyon ang naging buhay ko at naging parte ng alaala ko. Napabuntong hininga ako at napangiti ng mapait.
It's been seven years since I left the Philippines. Since I left Papa, Oh, God knows how much I miss him! Nangako pa ako noon na tutulungan ko siyang makalaya, na hindi ko hahayaan na magtagal siya roon sa loob ng silda, pero, wala pa rin akong nagawa.
Sunod-sunoran pa rin ako hanggang ngayon.
My heart aches at the thought that I can't do anything about it. Na, hinayaan ko lamang iyon kay Papa na mangyari. He wouldn't forgive, for sure. Sa pitong taon na lumipas, hindi ko man lang siya nabisita sa Pilipinas. Hinayaan ko si Selena na siyang gumabay sa akin. Miss na miss ko na si Papa, pero alam ko rin kung gaano kinamumuhian ni Selena ang isang Dominic Verluz.
Sa tuwing nababanggit ko nga si Papa sa kaniya ay pinapahinto niya ako sa pagku-kwento. Wala rin naman kasi akong magawa dahil kailangan ko nang tulong niya. Walang-wala ako noon, at kung hindi dahil kay Selena ay hindi ko mararating ang lahat nang ito.
I took business because that is what Selena wants me to take. Kahit ayoko, kahit na napipilitan lamang ako ay sinunod ko pa rin siya. Even when my heart desires to teach, desires to be a teacher, ibinaon ko nalang ang lahat ng mga pangarap ko sa limot. I studied business here in State. Pinagtapos ako ng pag-aaral ni Selena.
Those seven years weren't easy for me. Maraming pagkakataon ang nagdaan na wala akong ibang ginagawa kung hindi ang umiyak nang dahil sa lungkot. Lahat nang iyon nilabanan ko nang may tapang, kahit na nanghihina na ako, pinipilit ko pa rin na lumaban. I have to be strong in all ways. I have to control my own emotions, because surely this kind of feeling will drive me into my own weaknesses. Ayoko ng ipairal ang kahinaaan ko.
I don't want to deal with this kind of emotion, this kind of love that even I couldn't conquer. Nakakatakot ang magmahal. Unti-unti ka niyang uubusin, unti-unti ka na mawawala sa iyong sarili.
Sa loob ng pitong taon, napagdesisyonan ni Selena na ipasok ako sa kompanya nila. Inaral ko lahat nang mga sinabi niya sa akin, ang lahat nang mga itinuro niya. I studied every principles and how to handle the business. Nagsimula rin naman ako sa umpisa, naging intern ako, naging sikretarya niya.
She was strict while teaching me to be an independent businesswoman. Kailangan, kahit pati sa negosyo ay hindi ko ipapakita ang pagiging mahina ko.
SG's real state is one of the most famous and richest businesses in the Philippines and even abroad. Hindi sinabi sa akin noon ni Selena ang tungkol rito, ang tungkol sa trabaho niya. I couldn't just believe that she was really rich!
SG stands for Selena Gelmor, she is married already. Her mother died in such a young age, kaya, natuto siya mamuhay nang mag-isa. Magtrabahong mag-isa. My father didn't acknowleged him as his own daughter. Hindi siya kailanman lumabas sa bibig ni Papa para aminin ang katotohanan sa amin.
That's why I understand her to feel this way, dahil kung ako ang nasa posisyon niya, gagawin ko rin ang mga ginagawa niya ngayon. I never felt ignored by my own father, and I couldn't bear the pain that a daughter felt when ignored by their father. Hindi iyon madali. It is a kind of pain that is deep, drowning, and endless. There is still a bridge that you won't break. Selena builds that bridge to protect herself from hurting again, and I will support her in building more.
Napatigil lamang ako sa aking pagmuni-muni nang may biglang tumawag sa aking telepono. Nabalik ako sa realidad at sinagot ang tawag.
"Yes?"
"I brought you your favorite food," sagot ng nasa kabilang linya.
A smile couldn't hide inside of me. Napangiti na lamang ako ng palihim. A good friend of mine never fail me to make me happy even in small things.
"Bababa na ako," sagot ko sa kaniya sa kabilang linya.
These past few weeks, I couldn't have a chance to go out with him because Selena flew back to the Philippines to attend an important board meeting with the other prestigious company. There will be mergers that will happen between the two companies. Hindi niya nabanggit sa akin kung sino ang may ari ng kompanyang magiging kasundo ng SG.
Kaagad akong bumaba ng opisina at dumiretso sa labas.
Nang makababa na ako ay nakita ko na siyang nakasandal sa gilid ng kaniyang sasakyan. He took off his sunglasses and twitched his lips.
He smiled at me and gave me tight hug.
"I miss you," he whispered...
Napatawa na lamang ako at hinampas ko siya sa kaliwang balikat niya.
"Ouch!" He dramatically acted.
"Saan ba tayo pupunta ngayon? Marami pa akong dapat na asikasuhin sa loob." Sabi ko sa kaniya.
Mapupungay ang kaniyang mga matang tumingin sa akin.
"I actually want to take you to a steakhouse. Don't worry, I already make a reservation. Kaya, kakain nalang tayo kaagad doon."
"Ikaw talaga, palusot mo lang 'yan para makasama ako, eh." Pagbibiro kong sabi sa kaniya.
"Well, kinda..."
I shooked my head and he opened the passenger's seat.
Esteban Juan and I build a strong kind of friendship relationship. Hindi ko nga akalain na magkikita kaming dalawa rito sa States. Tumuloy siya sa pagiging exchange student niya. We studied at the same school, but he took the education course. Now, he is already a PhD. Hindi ko nga rin alam kung bakit hanggang ngayon, hindi pa rin ito umuuwi ng Pilipinas.
Sa pitong taong lumipas, siya lang ang kaibigan ko rito sa States. Well, I made a lot of friends here in the States, but the kind of friendship that I had with EJ was different. Siguro ganoon talaga dahil pareho kaming Pilipino.
Para akong tuta na naninibago sa paligid. This is my first day in school. Sinabi ko kay Selena na sa makalawa na ako papasok, pero, ayoko rin naman na magalit siya sa akin, kaya, kahit labag sa kalooban ko ay pumasok na lamang ako.
Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan ang mga studyanteng naglalabas masok mula sa loob ng unibersidad.
I spent my days in school without having friends. Magkaibang-magkaiba ang mga studyante rito, they also have their own circle of friends. May sumubok rin naman na kumausap sa akin pero hindi nagtatagal ang komunikasyon dahil may mga kaibigan rin sila.
I spent my vacant hour in the library. Kaya, nang makita ko si Esteban Juan na nagbabasa ng libro sa library ay parang umahon ang pag-asa sa aking puso. Finally! There is another one who exactly like me! A filipino one!
Noong una, hindi pa niya ako masyadong pinapansin, siguro dahil hindi ako tumuloy sa pag-take ng exam noon, pero, kalaunan, pinapansin na niya ako. Kaming dalawa lang ang magkasundo rito. Magkasundo kami sa lahat ng bagay. He became a friend to me, unexpectedly. Palagi ko nga siyang tinatanong kung kamusta na silang dalawa ni Ricky, pero, ang palagi niyang sinasabi sa akin ay nagtampo raw si Ricky sa kaniya dahil tumuloy siya rito sa States.
He admitted that he loves Ricky, but he is firm about choosing to study here abroad.
Nagtaka rin naman siya kung paano ako nakarating rito sa America, sinabi ko sa kaniya ang ilang detalye, at naintindihan naman niya ang mga kwento ko.
"Do you like the steak?" He asked me.
Dahan-dahan akong tumango sa kaniya. Gusto kong magtanong ulit tungkol sa kanilang dalawa ni Ricky. Sa pitong taong lumipas, nawala ang komunikasyon naming dalawa, maybe because Selena wants me to have another set of devices. Itinapon niya ang aking cell phone at pinalitan ng bago. Nagalit ako sa ginawa niya pero sinadya niya raw iyon para hindi na ako ma-trace ng mga sindikatong naghahanap sa akin.
"EJ, can I ask you something?"
Natigilan siya sa kaniyang pagkain at napatingin sa akin.
"What is it?"
"Kamusta na si Ricky? I haven't communicated with her since then. Miss na miss ko na siya, paniguradong nagtatampo na iyon sa akin dahil hindi ko man lang siya kinamusta." Malungkot kong sabi sa kaniya.
"She's doing fine. Instead, we haven't communicated, but I hired an investigator to get some information about her. Ayokong guluhin siya ngayon, she was busy dealing some things. Hangga't wala akong natatanggap na balitang may kinakasama siyang iba, mapapanatag ang kalooban ko. Dahil kapag nalaman kong may ini-entertain siyang iba, hinding hindi ako magdadalawang isip na umuwi ng Pilipinas."
I laughed when I heard those words from him. I couldn't believe he was this serious about my friend, Ricky. Si Esteban Juan lang rin naman ang itinitibok ng puso ng kaibigan ko. Hindi naman iyon nagbago.
"I'm glad to hear that," sagot ko sa kaniya pabalik.
"How about you? What's the news?"
Umawang ang aking bibig sa biglaang pagtanong niya. He knew about the story between Constantine and I. Hindi ko rin kasi napigilan ang sariling mag-kuwento sa kaniya tungkol riyan.
Napabuntong hininga ako at ngumiti ng tipid sa kaniya.
"Matagal ko nang kinalimutan si Constantine, EJ. I don't have any updates from him, tumigil na rin kasi ako sa pang-i-stalk sa kaniya. I stopped being on social media. I deleted all of them. Sa ganoong paraan, makakalimutan ko na siya ng tuluyan," nanghihina kong sabi sa kaniya.
"Are you really sure about it? I have news for you, but if you don't want to hear it then I'll keep it myself." Sagot niya sa akin pabalik.
Kaagad akong umiling sa kaniya. Ayoko nang makarinig pa ng kahit anong balita tungkol sa kaniya. I am trying my best to move on from him. Pitong taon na ang lumipas, sapat na siguro iyon para itigil ko na ang kahibangang ito. Maybe, the news from EJ was him getting married to Dahlia because that was the plan.
Kung iyon man, pipilitin ko ang sariling maging masaya para sa kaniya. Ayokong ikulong ang sarili sa madilim kong nakaraan. Ayokong ikulong ang sarili sa pag-ibig na ganoon.
Pagkatapos naming kumain ni EJ ay hinatid na niya ako sa bahay. Selena has a mansion here in States. Sinabi ko sa kaniya na kukuha nalang ako ng apartment pero hindi niya ako pinayagan. She really want me to stick to her side. Ang kaniyang asawa naman ay minsan lang kung uuwi rito sa America, dahil busy rin iyon sa iba pa nilang negosyo. Her husband let her handle the company. Kaya, si Selena ang naging CEO ng kompanya.
I was about to take a bath when she called me through a phone call.
Kaagad ko itong sinagot.
"Yes, Selena napatawag ka? May ipapagawa ka ba sa akin?" Pagtatanong ko sa kaniya sa kabilang linya.
"No, actually I have good news for you!"
Kumunot ang aking noo sa kaniyang mga sinabi at napatayo ng maayos.
"Ano?"
"I have already closed the deal! You have the chance to take your revenge from the Verluz! Alam mo naman siguro na malapit sila sa mga Fernandezes, hindi ba? Hanggang ngayon, wala pa rin silang alam tungkol sa mga baho ng mga Verluz na 'yan!"
Bigla akong kinabahan sa mga sinabi niya.
"Ano ang ibig mong sabihin?"
"You have to get back here in the Philippines. I'll let you have this position for the mean time. Ikaw muna ang mamamahala ng SG bilang isang Vice President, kapag nalaman nila na ikaw ang Vice President ng kompanya, panigurado akong kakabahan ang mga Verluz na 'yan na baka mabuking ang sikreto nila! Hindi natuloy ang pakikipagsundo ng mga Fernandezes na maging isa sila sa mga Verluz nang dahil mas nagustuhan nila ang kompanya natin. That is one of the factors na naganap rito, panigurado akong umuusok na sa mga tenga nila ang galit nang dahil sa mga nangyari. Eventually, you will expose their little secrets to the Fernandezes. Kaya, iyon ang naging plano, gagamitin natin ang mga Fernandez para mas mainis at magalit ang mga Verluz."
Umawang ang aking bibig at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya pabalik.
Ito ang tinutukoy niyang kompanya na sinasabing may magaganap na merging?!
Napahilot ako sa aking sentido at mas lalong naging problemado.
"Selena, ayoko," matigas kong sabi sa kaniya.
"Selene, this is for your own good! Ayaw mo ba na gumanti sa kanila?! Hahayaan mo nalang ba na lumipas ang pitong taon mong hinanda para lang rito?!" Galit niyang sabi sa akin sa kabilang linya.
"A-ayoko nang idamay pa ang mga Fernandez, Selena!"
"Well, that is exactly how we works. It's either you take it or you lose it. Ganoon lang naman iyon kadali, Selene. Mamili ka, maging isang talunan, o susundin mo ito para makapaghiganti?"
Umawang ang aking bibig at napapailing na lamang sa tago.
"Don't fail me, Selene. I help you to get through with these. Ito nalang ang hinihingi kong kapalit sa'yo, ang mag higanti sa kanila."
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay kaagad niyang ibinaba ang tawag.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top