Capítulo 3

He looked at me with dagger eyes, which were dangerous, but at the same time I felt softness in him. Hindi ko alam kung bakit iyon ang aking naramdaman habang nakatuon lamang ang buong paningin niya sa akin ngayon.

I almost flinched when he moved in my direction. Napatigil lamang siya nang makita niya ang aking mabilisang kilos.

"A-anong ginagawa ko rito? Bakit mo ako sinundan?" naging malamig ang pagkakasabi ko nito sa kaniya.

Kailangan kong ipakita sa kaniya na hindi ako nanghihina, na hindi ako nagsisisi sa lahat nang mga ginawa ko sa kaniya, sa ginawa ko sa pamilya niya. I don't want to regret everything about this. Kailangan kong panindigan ang lahat! Umalis ako ng Manila para magtago! Kahit hindi ko kasalanan, inangkin ko! Kahit masakit, nilunok ko nalang!

Kaagad akong umupo sa kama at iniwas ko ang mga paningin sa kaniya. Hindi ko siya kayang tignan ngayon. Para akong napapaso sa mga tinging ibinibigay niya sa akin. I felt like I was slowly burning with pleasure just by looking at him. Naaapektuhan ako.

Nakita ko ang paglagay niya sa kaniyang kape sa bedside table at umupo sa may upuan katapat ko. Ipinagsalikop niya ang kaniyang mga kamay at nakatuko ang kanyang mga siko sa kaniyang tuhod.

"Why did you leave?" he asked, all attention on me.

"Selene Clio Portman Verluz," kaagad akong nanlamig nang sabihin niya nang buo ang aking pangalan.

Nag-angat ako nang tingin at nagtama ang aming mga mata. I saw anger in his eyes. I saw anger in his eyes. Those angers would make me fall many times for his trap! His forehead furrowed, and his lips protruded.

"Ano naman ang pakialam mo kung umalis ako?! Hinayaan mo nalang sana na ang mga pulis na ang humili sa'kin!" biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso nang sabihin ko 'yun sa kaniya ng buong lakas.

He tilted his head like he couldn't believe what I have just said to him. Nanliliit ang mga mata nito habang nakatitig sa akin.

"Did you really think that I would just let this pass, huh? Did you really think that I would let the authorities find you first?" His baritone voice almost filled the whole room.

Nanginig ang aking mga luha at kaagad ko itong pinunasan nang marahas. Ayokong makita niya ako na umiiyak. Ayokong makita niya ako na nanghihina.

"Kung gusto mo akong pahirapan, maiintindihan ko 'yun. Kung gusto mo akong saktan, maiintindihan ko, Constantine."

"Bullshit!" napatalon ako nang wala sa oras at nanlaki ang aking mga mata nang bigla siyang sumigaw at nakita kong napahilot siya sa kaniyang sentido at napapikit na para bang ang laki ng problema niya.

Tama...

Problema naman talaga ako, hindi ba?

I am a walking disaster, gate crusher, trouble maker...

"Inisip mo talaga na kaya kitang saktan, Selene?" humina ang kaniyang boses at bigla akong nanlambot sa mga tanong niya.

His eyes were bloodshot, and they showed small tears. His veins were very evident and firm when he was mad.

"Ga-galit ka sa akin, anong magagawa ko? Kung hindi tanggapin 'yun-" he didn't let me finish my words.

"Yes, I'm mad! Yes, I am very mad right now, Ms. Verluz! Sino ang hindi magagalit sa lahat nang mga ginawa mo?" biglang kumulog nang malakas at napapikit ako nang wala sa oras.

Hindi ko na inabala ang kulog nang dahil kausap ko ngayon si Constantine.

I admit...

I love him... nahulog ako sa kaniya nang tuluyan kahit hindi naman pwede. Minahal ko siya nang dahan-dahan, minahal ko siya nang walang pag-alinlangan, minahal ko siya sa paraan na gusto ko, minahal ko siya sa paraan na alam kong ako ang masasaktan sa huli.

"You can talk to the police near here, Tino. Ipahuli mo na ako sa kanila," naiiyak kong sabi sa kaniya.

"Stop it. I didn't ask for your suggestions. You. Will. Stay. Here." he said with full of authority.

Umawang ang aking bibig sa kaniyang mga sinabi. Nahihibang na ba siya?! Hindi ba ay paghihiganti ang gusto niyang mangyari?! Ako na nga itong nag-i-insist na pwede niya iyong gawin sa akin, pero bakit kailangan pa na humantong sa ganito? Bakit ako mananatili rito?!

Nang bigla siyang tumayo ay kaagad akong humakbang at nilapitan siya. Hindi ko siya maintindihan!

"Hindi kita maintindihan! Ito naman ang gusto mo, hindi ba?! Bakit ayaw mo?!" He sighed in irritation and looked back at me.

Halos matumba ako sa kinatatayuan ko nang sobrang lapit na niya sa akin. Hindi man lang siya natinag sa pagkakalapit ko sa kaniya. Umigting ang kaniyang panga bago magsalitang muli.

"At sino naman ang nagsabi sa'yo na ito ang gusto ko? You left in Manila! You didn't say anything! Pinaghahanap ka nang mga pulis nang dahil sa mga ginawa mo. Sabihin mo nga sa akin, pinagsisihan mo ba ang lahat nang ito?"

Parang umismid ang dila ko sa kaniyang mga sinabi. Parang may bumara sa lalamunan ko at hindi ako makapagsalita.

"Tell me, Selene."

"Kahit na magpaliwanag ako, hindi mo naman ako pakikinggan. Bakit ayaw mo nalang maniwala sa mga kumakalat na balita tungkol sa'kin? Tungkol sa pamilya ko. Let the issue shows who am I!" tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Marahas siyang bumuntong hininga habang nakatingin pa rin sa akin nang buong-buo.

"Aren't you old enough to stand for yourself, huh? Hahayaan mo nalang ba na magalit ako sa'yo nang tuluyan? Hahayaan mo nalang ba na hindi ka makapagpaliwanag nang dahil sa inisip mo na hindi ako makikinig? I have ears, Selene! Sa tingin mo ba, mag-aaksaya ako ng oras sa'yo, kung hindi ka importante sa akin?!"

Lumambot ang aking puso sa kaniyang mga sinabi. I don't deserve you, Tino. Please, just please... hayaan mo nalang ako.

"Ha-hayaan mo nalang ako, please. Tino... please, ayoko nang manggulo. I don't want to bother you." humikbi ako at nakita ko ang panghihina sa kaniyang mga mata.

I saw softness in his eyes while looking at me, intently.

"Shut up. You will stay here with me. You can't escape this time, Selene. I don't mind to be bothered, bothered me for the rest of my life. I don't fucking care."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay kaagad siyang tumalikod sa akin at umalis ng silid. Napatumba ako nang wala sa oras at napahikbi.

Why are you doing this to me, Constantine?

Napahawak ako sa aking dibdib at mas lalong dinama ang lahat nang sakit na dinala ko buong buhay ko. I really thought that I could escape this time. I really thought that I could live peacefully, but I was wrong.

He won't let me live, alone...

Sumalubong sa akin ang pang-umagahang hangin at niyakap ang buong katawan ko. My hair waved just because of the wind. The trees that we're passing by are swaying, and the wind is humming.  

Umawang ang aking bibig habang pinagmamasdan ko ang mga ito.

Tuluyan ko na ba talagang nilisan ang Zambales?

Pumayag ako sa gusto nila. Pumayag ako sa gusto ng ama ko na sa kanila muna ako mananatili, pansamantala. Na sa mga pamilyang Verluz muna ako manirahan. I didn't think about that much because I really thought that Zambales would be my home forever. Yes, it is and will be. Kahit labag sa kalooban ko ang sumama sa kanila ay wala rin naman akong magagawa. I don't have work. Hindi ako sanay mabuhay mag-isa. In short, I am still dependent on everything that's lifting me to live.

Bumuntong hininga ako habang patuloy pa rin ang pagmasid ko sa mga punong nadadaanan namin. We are heading to Iba, Zambales. My uncle's hometown. Mahigit anim na oras ang magiging byahe mula Iba, patungo sa lugar namin. It was still part of Zambales, but the Iba were the center of Zambales.

The house of Uncle Ven was located near the sea. Pero, kailangan mo munang dumaan sa palengke, bago makarating roon. Tahimik lamang ako buong byahe dahil naninibago ako.

Bago ako sumama sa kanila ay kinausap ko muna si Papa tungkol sa kalagayan niya. He didn't even say sorry to me. He didn't even regret what he did. Buong buhay ko... hindi nawala sa isipan ko na baka hindi ako totoong Verluz, baka... ampon ako...

Tumigil ang pag-usad ng aming sasakyan nang may huminto sa gitna ng kalsada. It was a big truck who got stuck in the road. Nahihirapan itong lumiko nang dahil sa loaded ito at marami ang karga.

"Ano ba naman 'yan, kung kailan tayo nagmamadali!" iritadong sabi ni Uncle Ven at kaagad na lumabas para maki-chismis.

Napatingin rin ako sa direksyon nila at nilapitan naman ito ng mga taong nagbebenta sa palengke. Mainit na sa labas, kaya nanatili na lamang ako sa loob.

Nilingon ako ng asawa ni Uncle Ven at pinagtaasan ng kilay.

"Tawagin mo nga ang Uncle Ven mo at nang makalabas na tayo rito!" striktang sabi nito sa akin.

Nagdalawang-isip pa ako kung susundin ko ba siya o hindi. Sa huli ay ginawa ko nalang ang sinabi niya at baka hindi pa ako nakakaabot sa pamamahay nila ay malilintikan na ako.

Dahan-dahan akong lumapit sa direksyon nila at kumunot ang aking noo. Hindi pa rin nagbabago ang estado ng sasakyan. Stranded rin ang mga sasakyan na nasa likuran namin.

Lalapit na sana ako nang may biglang humablot sa aking bag. Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso at kinabahan kaagad ako!

Shit! Magnanakaw!

"Hey! Get back here!"

Nawala kaagad sa isipan ko si Uncle Ven at kaagad kong hinabol ang batang humablot sa aking bag.

"You, thief! Bumalik ka rito!" sigaw ko sa kaniya.

Hinabol ko siya kahit hingal na hingal na ako. Hindi ko alam kung saang parte na ito ng palengke.

Naiiyak na ako! Ang pera na nandoon ay iyon nalang ang perang natitira ko! Hindi 'yun pwedeng mawala!

I was hopeless and started accepting that I wouldn't be able to get my bag back, but then I saw a guy running in the kid's direction.

Umawang ang aking bibig at walang kahirap-hirap niya itong hinablot ang payat na braso ng batang lalaki.

Kaagad akong lumapit sa direksyon nila at handa na akong sumabog sa batang iyon nang marinig kong biglang nagsalita ang lalaki.

"Don't do this again! Kapag nakita pa kita rito ulit, ipapahuli na talaga kita. Naiintindihan mo ba, ako?!" natakot naman 'yung bata at kaagad niyang binitawan ang braso at tumakbo ito palayo sa amin.

Nakahinga ako nang maluwag nang mahuli niya iyon. Nilingon niya ako nang kumunot pa rin ang kaniyang noo.

He was taller than me, maybe six feet. Matipuno rin ang katawan nito na para bang sanay ito magbanat ng buto. Umigting ang kaniyang panga habang nakatingin lamang sa akin.

I couldn't help but to admire him! Hindi naman sa nang-ju-judge ako, but, he looks like a foreign model or something?

Grrrrr! Ano ba itong naiisip ko?! At talagang may gana ka pa na mag-isip nang ganyan sa ganitong sitwasyon, Selene?! Really?!

"Sa susunod huwag kang masyadong pagala-gala rito habang may dalang gamit. Delikado." sabi pa nito sa akin.

Tumikhim ako at kaagad niyang ibinigay sa akin ang aking sling bag. Nakita ko ang pamumula ng kaniyang dibdib nang dahil sa init. He is only wearing a plain white t-shirt and black shorts!

Sino ba ang isang ito?

"Thank you," tipid kong sagot sa kaniya.

Nakapameywang naman siya habang pinagmamasdan ang magiging reaksyon ko.

Ano pa ba ang dapat kong sabihin, maliban sa salitang 'salamat'?

Napalingon lamang siya sa kaniyang likuran nang may tumawag sa kaniya.

"Dude, Constantine! Let's go! Mahuhuli na tayo sa party!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top