Capitulo 28

"After your graduation, you can start working for the company., kung gusto mo, pero, kung hindi mo talaga gusto ay puwede rin na hindi na." Tino said while all his attention was fixated on the laptop.

We are already on the plane, pero kahit na nakaalis na kami ng resort at pagkatapos kong puntahan at bisitahin si Papa sa presinto ay balisa pa rin ako at hindi mapakali.

I can feel it! I can feel it that there is really someone who is following me. Hindi naman siguro iyon si Constantine, hindi ba? I mean, nagpaalam naman ako sa kaniya kanina bago ako umalis.

"You want me to work in your company? But, I'm still studying," kinakabahan kong sagot sa kaniya.

Kunot pa rin ang kaniyang noo habang nakatuon pa rin ang atensyon sa screen ng kaniyang laptop.

"I said, only if you want to. You don't actually need to work, Dahlia. I can provide for our family; I can give you anything you want," he huskily said to me.

Natigilan ako sa mga sinabi niya at napakagat na lamang ako sa aking pang-ibabang labi. Talagang seseryosohin niya ang pagpapakasal sa akin. Paniguradong magugustuhan nila Uncle Ven ang mga plano ni Constantine, because he really wants us to get married as soon as possible. Gusto nila akong maging spy sa kompanya ng mga Fernandez.

This is too much! I am carrying this heavily! I don't think I can handle this anymore!

Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso. Labag sa kalooban ko ang gustong mangyari ni Uncle Ven. I don't want to get married to Tino just because I am using him. I want to marry him because I am slowly loving him.

I smirked to myself. Slowly? Really, Selene?

Nabalik lang ako sa realidad nang biglang hawakan ni Tino ang aking kaliwang kamay. He genuinely held my left arm and pinched it with his thumb. He looked at me with pure passion in his eyes, burning and slowly swallowing every part of me.

Kahit ang puso ko ay binabalot nito nang paunti-unti. Kahit na mapaso man ako nang dahil sa kaniya, ay titiisin ko. Pero, ang magsinungaling sa kaniyang muli at dagdagan ang mga kasalanang nagawa ko ay hindi ko na iyon kakayanin pa.

Constantine genuinely, passionately loved me. He cares for me, he will sacrifice everything just for me. Tapos, ito ang igaganti ko sa kaniya? Without him knowing that I am not his real fiancee, that I am not the real Dahlia. I am Selene Clio Verluz.

Kailan ko kaya iyon masasabi sa kaniya? Kailan kaya darating ang panahon na ang totoong pangalan ko naman ang babanggitin niya? Ang lalabas mula sa kaniyang bibig, at lalong-lalo na sa puso niya.

Magkakaroon ba ng lugar si Selene sa puso niya? O, habangbuhay niya itong kamumuhian?

"Hey, baby, what's wrong?" He asked softly.

Ang Constantine na abala kanina sa pagtitipa, ngayon ay nakatuon na ang buong atensyon sa akin.

Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman ngayon. Something is wrong. I feel like there is something bad to happen, and I can't stop it nor predict it.

Kaagad akong umiling sa kaniya at ngumiti nf tipid.

"A-ayos lang ako," topid kong sagot sa kaniya.

I admit it, nasaktan pa rin ako sa mga sinabi ni Papa sa akin kanina. Ang pagtataboy niya sa akin ay nagpapahiwatig na wala siyang pakialam sa nag-iisa niyang anak.

He didn't really care for me, and that's the truth and reality that I have to accept.

"Please baby, if there is something that's bothering you, you can talk to me." Mahinahong sabi ni Constantine sa akin.

He looked at me with full of concerns in his eyes.

Napabuntong hininga ako habang tinitigan ko siya. I am really sorry, Tino. I am really sorry for lying, for the things that I did... everything...

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang aking mga luha. Dahan-dahan niyang inabot ang mga ito, gamit ang kaniyang mga daliri. He softly caressed my cheeks.

"Dahlia, what's bothering you? Kanina ko pa napapansin ang pagiging manhid mo. Baby, you're killing me slowly. Tell me," sabi niya, nangungusap ang kaniyang boses sa akin.

Iniwas ko ang aking paningin sa kaniya at kaagad akong umiling.

"I am just... happy that you're here with me..." halos pabulong ko na sabi sa kaniya.

His forehead furrowed like he is trying to read my mind through my eyes.

Hindi siya nakasagot sa akin at hinalikan lamang ako sa aking noo, kasabay nang paghigpit ng kaniyang paghawak sa aking mga kamay.

Pagkarating namin ng Manila ay kaagad kaming sinundo ng kanilang driver. Habang naglalakad kami ay hawak-hawak pa rin ni Constantine ang aking kaliwang kamay.

When I look at him, I feel that he is scared of losing me.

I am sorry, Tino, but, you are going to lose me, and so do I.

The world is cruel and evil; I can't have you in any way that I can, where I feel safe loving you, where I can hug you and kiss you tenderly. Where I can love you freely.

"Yes, Ma?"

Pinagbuksan kami ng pintuan ng sasakyan na kanilang driver. Umuulan ngayon ng malakas sa labas ng airport. Even the thunder was very evident when we got into the car.

"What?! Paano nangyari iyon?! Damn it!"

Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso nang biglang tumaas ang kaniyang boses. Napalingon ako sa kaniya at nakita ko ang galit sa kaniyang mga mata. Napahilot siya sa kaniyang sentido at magkasalubong ang magkabilang kilay.

Alalang-alala ako sa kaniya at wala akong magawa! I want to butt in, but I can't! Para akong natatameme at walang lumalabas sa aking bibig.

"We're going there now, Mama. Just calm down," sabi ni Constantine sa kabilang linya.

Nang matapos ang kanilang pag-uusap ay kaagad niyang kinausap ang driver.

"Take us to the company immediately." Malamig na sabi nito at kaagad naman itong sinunod ng nagmamaneho.

Awang ang aking bibig at wala akong ibang naririnig ngayon kung hindi ang malakas na pagkabog mula sa aking puso. It feels like it will explode anytime soon! Para akong aatakihin sa puso!

"Tino, what happened?" Nag-aalala kong pagtatanong sa kaniya.

Marahas siyang napabuntong hininga, bago humarap sa akin.

"The company just lost a lot of money, and there are leaking photos of me and Georgia everywhere."

Napakurap-kurap ako nang marinig ko ang pangalan ni Georgia.

His ex-girlfriend?

Leak photos? Anong ibig niyang sabihin?

Hindi kaagad ako nakabawi sa mga sinabi niya sa akin, kaya, nabalik lang ako sa realidad nang bigla niyang ipinagsalikop ang aming mga kamay.

"Dahlia, I want you to trust me. Kung ano man ang makikita mo, those were just pictures from the past. A horrible, dark past of mine that I don't want to be part of my life now. I know there is someone behind it, doing bad things from me. Humanda sa akin ang taong iyon," he cursed silently, while I can feel his anger.

Sino naman ang sisira sa kaniya? At sino naman ang magnanakaw nang malaking halaga sa kompanya nila?

Hindi na lamang ako kumibo at nakarating naman kaagad kami sa kanilang kompanya.

There are lots of reporters outside the company. Nang makita ang papalapit na sasakyan namin ay para itong mga taong uhaw na uhaw sa impormasyon at kaagad itong lumapit sa aming direksyon.

Thankfully, there are guards that will accompany us. Napapikit ako nang makita ko ang iba't-ibang mga camera na tumatama sa aming mga mukha. Constantine immediately protected me from it.

"Mr. Fernandez, is it true that you're still in love with your ex-girlfriend?"

"May alam na po ba kayo kung sino ang nagpasimuno nito?"

"Mr. Fernandez, paano nalang po ang nalalapit ninyong kasal ng magiging fiancee mo?"

Iyon ang madalas kong naririnig sa mga reporters, pero ni isa sa kanila ay hindi iyon sinagot ni Tino.

We successfully entered inside without answering those stupid questions from the reporters.

"Tell the guards to keep them away from here! Kailangan mamaya ay wala na sila rito!" Parang kulog ang galit na galit na boses ni Constantine, nang sabihin niya iyon sa mga gwardyang nagbabantay sa labas.

Ang mga taong nag-ta-trabaho sa loob ng kompanya ay napapayuko na lamang ito at wala ni isa sa kanila ang nagtangkang bumati.

Dire-diretso ang paglalakad ni Constantine patungo sa elevator. Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ito ngayon. Hindi ko alam kung bakit mas lalo akong kinakabahan.

Hindi ba dahil... may malaking kasalanan rin akong nagawa sa kaniya?

Tunog ng elevator ang tanging umingay nang makarating kami sa fifth floor, kung saan naroon ang kaniyang opisina, katabi nang opisina ng kaniyang kapatid na si Manuel Fernandez.

"Thank God you're here, hijo!" Sambit ni Mrs. Fernandez nang makita ang kaniyang anak.

Napahinto ako sa pagpasok nang makita ko si Auntie Gorgonia, at si Dahlia!

Ba-bakit sila nandito? Anong ginagawa nila rito?!

I saw the crying Gorgonia Verluz beside of Dahlia.

"What is happening here?" Nalilitong pagtatanong ni Constantine sa kaniyang ina.

"Why don't you ask your 'fiancee', anak?" Sarkastikong sabi ni Mrs. Fernandez kay Tino.

I swallowed hard, and my tears started to fall down my cheeks.

"Anong ibig ninyong sabihin?"

Napaatras ako nang wala sa oras.... no, this is not happening! I was supposed to tell Constantine everything! Bakit nila ako pinapangunahan at bakit sila nandito? They make me bad in front of the Fernandezes!

"God, I can't believe this! Hindi ako makapaniwalang kaya tayong paikotin sa mga kamay nang babaeng 'yan!" Mrs. Fernandez said with anger.

Nanggagalaiti itong tumitig sa akin. She even gritted her teeth.

Kaagad akong nakaramdam nang takot.

"Ma, huwag mong sigawan si Dahlia." Constantine said.

"Oh, really? Why don't you ask that woman?"

Kunot ang noo ni Constantine nang humarap ito sa akin. Unti-unting lumalalim ang kaniyang paghinga. Nanlalabo na rin ang aking mga mata.

What should I do now? They cornered me.

"Dahlia, what is the meaning of this? Do you know about this?"

I was about to answer him but Dahlia interferred.

"She wasn't your fiancee, Constantine. She was an impostor! A user and a thief!" Sigaw nito sa aming lahat.

"Please, stop it, Dahlia..." I am almost begging her to please just stop!

Pabalik-balik ang tinging ibinibigay ni Constantine sa aming dalawa.

"What the fuck did you just say?" galit na galit na ang boses ni Constantine.

Nagkibit-balikat si Dahlia at tinignan ako nang nakataas ang noo.

"She is just using you, Constantine. She is not your real fiancee. She is Selene Clio Verluz. You have already met me at the airport but of course, you didn't recognized me. I am the real Dahlia Eleonora Verluz, I am your real fiancee! Ang dahilan kung bakit kami nandito dahil hindi na namin kaya ang magtago at magpanggap pa! She all used us! She blackmailed my parents!"

Nanlaki ang aking mga mata sa mga narinig ko galing kay Dahlia. I couldn't believe she can create lies just to protect themselves!

"Dahlia, alam mong hindi 'yan totoo! Kayo ang gumamit sa akin! You asked me to pretend that I am you!"

"No, you shut up Selene! Huwag mo nang baliktarin ang mga nangyayari! You're just making it worse! You blackmail my parents because you like to be a Fernandez! Ano pa ba ang laban namin sa'yo?! You have your powers! Eh, hindi ba may koneksyon ka sa mga kasamahan ng ama mo?! Na kapag hindi ikaw ang naging fiancee ni Constantine ay ipapahamak mo si Daddy!"

Kumunot ang aking noo. Hindi ako makapaniwalang kaya niyang gumawa at mag imbento ng mga kwento!

"Dahlia, hi-hindi totoo ang mga 'yan! Wala akong alam sa mga sinasabi mo!"

I couldn't even wipe my own tears. Mas nangamba ako lalo nang makita ko ang ekspresyon at ang galit na ibinibigay sa akin ni Constantine ngayon. His jaw clenched while his eyes never left mine.

It was pitch dark, nagdilim ang kaniyang paningin at halos hindi ko na siya makilala pa. He is a totally a different person now.

"Is it true? That you're not the real Dahlia?" He asked me in a baritone voice.

I tried to touch his hands but he flinched and walk away from me. Parang pinunit ang aking puso nang paunti-unti.

"Constantine, I-I can explain everything-"

"Hijo! Huwag mong sasabihin na kakampihan mo pa rin ang impostor na iyan! Goodness! Kung hindi nagsumbong itong si Gena sa akin ay magpapatuloy ang babaeng 'yan sa kahibangan niya!" Sabi ni Mrs. Fernandez.

She looked at me, judging me through her eyes. Na para bang kinamumuhian niya ako at ikinakahiya. Habang si Auntie Gorgonia ay panay pa rin ang pag-iyak sa gilid.

"Auntie, please... alam mong hindi totoo ang lahat nang ito. Sinunod ko lang naman po kayo," I begged her to talk.

"Puwede ba, Selene?! Tumigil ka na! Huwag mo nang dagdagan pa ang mga kasalanan mo."

Nagulat ako sa mga salitang ibinato pabalik sa akin ni Auntie Gorgonia.

"Tino, please... maniwala ka sa akin. I am saying the truth. Gi-ginamit lamang nila ako dahil gusto nilang magkaroon ng koneksyon sa inyo." Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi.

Lalo na nang makita ko ang dismayadong pagmumukha ni Constantine. Small tears fell down both of his cheeks. Biglang namula ang kaniyang mga mata, habang nakatitig pa rin sa akin na galit na galit.

"Don't listen to her, Constantine. I have proof!"

Napalingon ako kay Dahlia nang naglakad siya patungo sa direksyon ni Tino. She handed him a white envelope.

"What the fuck is this?"

"It's an evidence." ani Dahlia.

Kaagad niya itong pinunit at kinuha ang mga litrato sa loob nito.

Umawang ang aking bibig nang makita ko ang laman.

It was a picture of me and my father when I visited him in the jail!

"The father of Selene was in jail. Sinamahan mo siya dahil gusto niyang magbakasyon, hindi ba? But she lied to you. Ginamit ka lang niya nang dahil sa pera, Constantine. Who knows? She really wants the money for her father, she didn't really love you. Matagal kaming nanahimik ni Mommy, dahil mahal ka ni Daddy at itinuring ka niya na parang isang tunay na anak! Tapos gaganituhin mo kami, Selene?!" Dahlia's act was in rage!

Kung hindi ako si Selene, paniguradong mapapaniwala niya ako sa mga kwento niya.

"Hijo, kita mo na?! Nagsisinungaling lamang ang babaeng 'yan!"

Susugurin na sana ako ni Mrs. Fernandez pero kaagad itong pinigilan ni Constantine.

Unti-unti akong nawawalan nang lakas. Para akong mahihimatay nang dahil sa mga nangyayari at sa mga kasinungalingan!

"You used me because of money?" Pagtatanong sa akin ni Constantine.

Kaagad akong umiling sa kaniya at nagmamakaawang hayaan niya muna akong magpaliwanag.

"Hi-hindi, Tino... they asked me to pretend as Dahlia, si-sinunod ko lamang sila dahil kailangan ko."

He slowly nodded at me, feeling disappointed and very mad.

"What do you call of these? Hindi ba ay mga ebidensya ito? This is the day where you left me at the resort! Hinayaan kita dahil malaki ang tiwala ko sa'yo! Tapos malalaman ko ngayon na hindi ikaw ang tunay kong mapapangasawa?! Damn it! Kung ganoon, sino ka?!"

Napatalon ako nang dahil sa takot nang bigla niyang marahas na itinapon ang mga litrato sa floor.

"We have to sue her, son. She needs to pay for this!"

Hindi niya pinansin ang mga sinabi ng kaniyang ina at nakatuon pa rin ang buong atensyon sa akin.

"Tino, please... just let me explain..." my voice broke, hoping that he will let me hear my voice.

"Just shut the fuck up! I don't want to hear your lies anymore! You have to fucking pay for this!"

I cried more and more... until I couldn't recognized my own heartbeat.

"Constantine, please..."

"You disappointed me, Verluz. I fucking hate you damn much! Sinabi ko sa'yo na ayoko sa mga taong manloloko! What the fuck are you doing right now, huh?! Why did you do this to me?! What the fuck do you want?!"

Awang ang aking bibig nang pinanlakihan ako nang mga mata ni Constantine. He was very, very mad at me. Nakakuyom ang kaniyang kamao at lumalabas ang ugat sa kaniyang leeg.

Pumasok ang mga gwardya at pinilit nila akong ilabas sa loob ng opisina niya.

He didn't look at me back. He didn't even turn his gaze at me. It really broke my heart when I saw him with full of anger towards me. Kulang nalang ay patayin niya ako nang harap-harapan.

This is not my fault! Wala akong kasalanan!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top