Capitulo 25
Bumuntong hininga muna ako, bago ako tuluyang pumasok sa loob ng condominium ni Dahlia.
Uncle Ven and Auntie Gorgonia are in a rage, waiting for me there. Nasa baba pa lamang ako ay wala akong ibang nararamdaman ngayon kung hindi takot at pangamba sa mga puwedeng mangyari.
Ricky called me earlier; she is worried about me. Ilang araw na rin nang hindi ko siya nasasamahan ng dahil sa abala ako sa ibang mga bagay-bagay. I even didn't know where I found the strength to push this plan really, really hard.
Dahlia was calling me, too. Hindi ko na ito sinagot dahil paakyat na rin naman ako sa floor ng kaniyang unit. You've gone too far, Selene. You have experienced a lot of brutal and bad experiences; this is not new to you. Ngayon ka pa ba magugulat? They've never been good to you.
Nang tumunog na ang elevator ay kaagad akong lumabas ng elevator at nang nasa tapat na ako ng kaniyang unit ay hindi na ako nagdalawang-isip na pumasok sa loob.
"Oh, nandito na pala ang impostor!"
The voice of Auntie Gorgonia filled the whole unit of Dahlia. Nakita kong nakapamewang ito habang nakatingin sa akin nang punong-puno ng pang-iinsulto. I looked at Dahlia's direction but she's smirking at me.
Umawang ang aking bibig at mas lalong kumunot ang aking noo. Anong ibig niyang ipahiwatig sa mga ipinapakita niya ngayon? This is all her plan!
"Auntie, si-sinabi ko na po sa inyo na inutosan lamang po ako ni Dahlia." Pagtatanggol ko sa aking sarili.
"Shut up! The point here is why did you accept the offer?! Bakit? Dahil gusto mo rin makatikim ng yaman?! Ganoon ba?!"
Napapikit ako nang makita kong unti-unting umahon ang galit sa mukha ni Auntie Gorgonia.
"Gena, stop it. Hindi tayo nandito para mag-away. Nandito tayo para ayusin ang kahibangang ito!"
Uncle Ven's voice became louder when he said that to his wife.
Hindi man lang ba magsasalita si Dahlia rito?
"Dahlia, this is all your plan. Why are you silent?" I almost begged Dahlia because of that.
Hindi naman siguro tama na sa akin ibuntong lahat nang galit at pagkakamaling ginawa ng anak nila.
"Huwag mong idamay si Dahlia rito!" Auntie was pointing her index finger at me.
Kaagad itong pinigilan ni Uncle Ven nang magtangka na naman itong sumampal sa akin.
"Okay, fine! I admit it! Mommy, Daddy, I was the one who created that plan. I only used Selene because I don't want to get married at all!" Naiiyak na pagpapaliwanag ni Dahlia sa kaniyang mga magulang.
Napaupo nang wala sa oras si Auntie Gorgonia nang marinig niya ang mga salitang iyon mula sa kaniyang anak.
"Dahlia, why did you do this?!" She was shocked, and fears were very evident on her face.
Nakita kong napahilot ng sentido si Uncle Ven.
Ano pa nga ba ang magagawa ko? Wala namang sikreto na hindi nabubunyag. Kahit na anong paghihigpit nating itago ang mga sikretong iningat-ingatan natin, darating talaga ang panahon na mabubunyag ang mga iyon.
Lies will be the one to tell everything.
"I don't want to get married, Mom! I love someone else! Matagal ko na 'yan sinabi sa inyo na ayoko talaga." Pagrereklamo ni Dahlia sa kaniyang mga magulang.
"Oh, God! What would we do now, Ven?!" A crying Gorgonia is very desperate to know what to do.
"Wala na tayong ibang pagpipilian, Gena. We will stick to the plan. Ituloy nalang natin itong pagpapanggap. Let Selene do the move."
Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ni Uncle Ven. Hindi ako makakapayag. Hindi na ako makakapayag pa na lokohin nang paulit-ulit si Tino. I couldn't bear it anymore! My heart can't bear it anymore!
"What?! Are you out of your mind? You will let this girl be the one to be the wife of Constantine Fernandez?! You're losing your mind, Ven!" Galit na galit na sabi ni Auntie Gorgonia.
"Wala na tayong magagawa pa, Gorgonia! Alangan namang sabihin natin sa kanila ang totoo?! Paano kung sabihin nila na baka pinaglalaruan lang natin sila?! This plan will be for the meantime. Hindi ko naman sinabing panghabang-buhay! Ano pa ba ang ibang dahilan natin kung bakit tayo pumuntang abroad, hindi ba dahil malaki ang binayaran natin? Sa mga utang?"
Nalilito ako sa mga sinasabi ni Uncle Ven sa kaniyang asawa. Even Dahlia was confused too. Ano ang ibig iparating ni Uncle Ven?
Napayuko si Auntie at nakita ko kung paano nag-iba ang kaniyang ekspresyon.
"What do you mean, Dad?"
Marahas na napaupo si Uncle sa kabilang sofa.
"We're losing investors, stockholders and business partners, Dahlia. Mabigat at masyadong malaki ang katapat nating ka-kompetensya. Wala akong ibang pagpipilian kung hindi payagan ang ina mo na makipag-ugnayan sa ibang mga negosyante. The plan we created has failed! Binayaran namin ng ilang milyon ang nautang. Hanggang ngayon, hindi pa rin nababayaran nang buo ang mga ito. That was the reason why we flew to abroad to fix that damn debt!"
I couldn't believe what I have heard from Uncle. So, this is the real reason why Auntie Gorgonia wants Dahlia to get married to Tino because the Fernandezes was their only choice?!
"The Fernandezes is our only choice, Gena. Kapag nalaman ng mga tao, lalong-lalo na sa mga umalis sa kompanya natin, na nakikipag-ugnayan tayo sa mga Fernandez, paniguradong babalik at babalik ang mga iyon. We will only just spread the news about the engagement of Constantine and Selene. Pagkatapos nun, kapag nakapasok na tayo sa kompanya nila at malaman ang mga pamamalakad, maaari na tayong kumuha ng mga investors, at... malaking, malaking pera. Para makabawi tayo."
Tuluyan ng umiyak si Auntie Gorgonia at nakita ko ang marahas na paglapit ni Dahlia sa akin. Marahas niya rin na hinablot ang aking kaliwang braso at padabog niya akong inilabas sa kaniyang unit.
"Dahlia, ano ba?!"
"This is truly what you want, right?!" Pagtatanong niya sa akin.
Napaiwas ako sa kaniya ng tingin at napatalon ako sa gulat nang marinig ko ang kulog niyang boses.
"Answer me, Selene! This is truly what you want?! Ikaw kasi, eh. Ang tanga, tanga mo! Hindi ka nag-iingat!" She scolded me for being a dumb.
Hindi ako nanlaban sa kaniya dahil kanina pa nawala ang aking lakas. Unti-unti na akong nauubos.
"Hindi ko naman alam na pupunta sila roon. Huli na nang makita nila ako, kasama si Tino!"
I defended myself, at least. Nanliit ang kaniyang mga mata at hinuhusgahan ako ng mga ito.
"Did you just say Tino? Ganoon na ba talaga kayo ka-close ng fiance ko para tawagin siya ng ganyan?" Hindi makapaniwalang sabi niya sa akin.
"Everyone called him that way, Dahlia." Pagsisinungaling ko sa kaniya.
"Fine! As if I care! Hindi naman ako interesado sa mga lalaking mayaman nga, wala namang taste pagdating sa sarili!"
Gusto ko siyang sagutin pabalik at pagsalitaan ng hindi maganda, pero hindi ko nagawa dahil wala akong karapatan. Ayokong magduda siya sa akin na may gusto ako kay Constantine.
"Ito lang ang palagi mong tatandaan, Selene. Huwag na huwag kang mahuhulog sa fiance ko. You don't deserve the title to be a Fernandez. Huwag ka masyadong maging ambisyosa. Hindi porke't pinayagan ka ni Daddy na ipagpatuloy ang ginagawa mo ay aabuso ka na. Binabayaran kita. Kapag tumigil na ako sa pagbibigay sa'yo, ibig sabihin nun, tapos na ang trabaho mo."
I couldn't expect that the words of Dahlia could affect me this much. Pagkatapos ng mga nangyari sa gabing iyon ay hindi na ako mapakali. Even in my dreams, even in the middle of the night, it always haunt me! Sinabi ko na sa kanila na hindi ko na itutuloy ang pagpapanggap, ngunit, naghanap sila ng butas sa akin.
They will destroy me, they will destroy my life, and my education. They can get back the money that I have. Ano ang laban ko sa kanila? I don't have my father here. He's not here! He's in jail!
"Selene, is there something wrong?"
Nabalik lang ako sa realidad nang biglang nagtanong si Ricky sa aking gilid. Hindi ko na namalayan at napapatulala na pala ako nang wala sa oras.
Tapos na ang panghuling subject namin para sa araw na ito at nandito kami sa library, para makapagtambay.
"No, I'm fine, Ricky."
Pilit akong ngumiti sa kaniya at mas lalong kumunot ang kaniyang noo.
"Noong nakaraang linggo ko pa kasi napapansin, eh. Minsan ka nalang kung kumibo, tapos, minsan ka nalang rin ngumingiti."
I am glad that Ricky is here beside me. Mababaliw siguro ako kapag wala akong kaibigan na nag-aalala para sa akin.
"Magiging maayos rin ang lahat, Ricky. Don't worry about me." I assure her that I will be fine.
Lumipas ang ilang araw na hindi ko pinapansin ang mga tawag at mga text messages ni Constantine. Paniguradong nagpunta na iyon sa condominium ni Dahlia, but Dahlia was not there. Hindi ko alam kung saan ito pumupunta at palagi naman iyong wala sa unit niya.
Kinausap ako ng mga Verluz at pinilit na ipagpatuloy ang plano at ang pagpapanggap ko. Kahit na labag sa kalooban ko ay tinanggap ko nalang muli. Kahit kabaliktaran ito sa gustong mangyari ng puso ko.
I really want to go back to Zambales. I really want to visit my father, so much! Sobrang miss na miss ko na si Papa. Iniyak ko nalang ang lahat sa lihim. Ilang buwan na rin nang huling tawag ko sa aking ama. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya ngayon, hindi ko alam kung maayos lang ba siya roon o hindi.
Hindi ako nagpaalam sa mga Verluz at mas lalong hindi ako nagpaalam sa mga Fernandezes na uuwi ako ng Zambales. Walang makakapigil sa akin dahil buhay ko 'to. This is the least that I can do to myself! Sasabog ako kung hindi ako makakaalis sa lugar na ito!
Kahit kay Ricky ay hindi ko siya sinabihan na aalis ako ng Baguio. Habang nasa bus ako papuntang airport ay mas lalong hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa aking itim na bag. Mukhang nasanay na ako sa aking pag-iisa.
Am I really meant to be alone, forever? Ganito nalang ba talaga ang estado ng buhay ko? Wala na ba talaga akong ibang pagpipilian? Do I even have a choice to make? Bakit pagdating sa akin, parang kontrolado ng panahon ang lahat. Bakit parang unti-unti na akong nasasakal.
Pinunasan ko ang aking mga luha at mas pinatatagan ang loob.
Nang makarating na ang bus sa airport ay kaagad akong bumaba at nakipagsiksikan sa dagat ng mga tao.
Papasok na sana ako sa loob nang may marahas na humila sa aking braso. Kumunot ang aking noo at nanlaki ang aking mga mata nang dahil sa gulat nang makita ko si Dahlia.
She's very mad at me right now.
"Dahlia, a-anong ginagawa mo rito?" Gulat kong pagtatanong sa kaniya.
Wala akong ibang pinagsabihan tungkol rito!
"Ano?! Tatakas ka, ha?! Ang kapal ng pagmumukha mo! Tatakasan mo ang mga plano namin? Bakit? Para tuluyang masira sila Mommy at Daddy sa paningin ng mga Fernandez?!"
"Dahlia, you're hurting me!" Pinipilit kong bawiin ang aking braso ngunit mas lalo lamang niya itong hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.
"Talagang masasaktan ka! You're not leaving this place, Selene!" Sigaw niya sa akin.
Napapikit na ako nang dahil sa sakit nang biglang may marahas na humablot kay Dahlia at napatumba ito sa marahas na paghablot.
My jaw dropped when I saw Constantine, who's in front of me! He is breathing heavily while looking at Dahlia with anger in his eyes.
Kaagad ko siyang inawat at hinawakan sa braso.
"Don't you fucking hurt my fiancee!" He said with full of authority.
Na kahit ako ay natatakot sa presensyang ibinibigay niya kay Dahlia ngayon. Gulat na gulat si Dahlia nang makita niya sa personal si Constantine.
She swallowed hard and blink many times.
"Tino, please, stop it..." tuluyan na akong napaluha nang makita kong kaya niyang manakit ng ibang tao nang dahil lang sa akin.
Kaagad na nakabawi si Dahlia at napatayo. She was still stunned while looking Constantine.
"I won't let anyone hurt you that way, Dahlia. I won't." He said in a baritone voice.
Nagtama ang aming mga mata at unti-unti akong nanlambot sa mga sinabi niya sa akin. Mas lalong bumilis ang pagtibok ng aking puso nang maramdaman ko ang mainit niyang palad sa akin.
Ipinagsalikop niya ang aming mga kamay at humigpit ang pagkakahawak nito sa akin.
"Ki-kinausap ko lang naman siya," pagsingit ni Dahlia sa amin.
Tinignan siya nang malamig ni Constantine.
"Then don't talk to her that way. Who are you to shout at her, huh? What are you? A president? A deity?" Tuloy-tuloy na pagsabi ni Constantine sa kaniya.
"Kilala mo ba ang babaeng ito?" Dagdag pa na pagtatanong ni Tino sa akin.
"Tino, please..."
I begged him to stop.
Tinignan ako ng masama ni Dahlia, pero nang inilipat niya ang kaniyang paningin kay Constantine ay tuluyan itong nag-iba.
"Let's go. We'll talk somewhere else. Marami kang ipapaliwanag sa akin." Tino whispered at me.
Hindi na ako nakaangal nang umalis kami sa lugar na iyon at iniwan si Dahlia.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top