Capitulo 22
I woke up having a very, very bad dream. Umabot sa punto na sobrang bilis nang pagtibok ng aking puso. My heart is beating so fast! It feels like it will explode in my ribcage!
Tandang-tanda ko pa rin ang masamang panaginip ko. I saw my father getting shot straight from the heart! I couldn't help but get worried about him. Ilang buwan ko rin siyang hindi na-bi-bisita, simula noong tuluyan kaming lumuwas ni Dahlia sa Manila. Tumatawag rin naman ako sa kaniya paminsan-minsan, pero nahihimigan kong ayaw niya akong makausap.
It really breaks my heart every time I try to talk to him and care for him. On the other hand, he doesn't feel the same way.
Napapailing na lamang ako at napahawak ako sa gilid ng aking ulo. I am surrounded by big grey blankets. Unti-unti kong ibinuka ang aking mga mata at napagtantong nasa kwarto na naman ako ni Constantine!
What the fuck was happened last night?! Napahawak ako sa aking dibdib nang wala akong maalala! Bakit ako napunta rito?! Paano?
Wait, I really need to clear my mind first! Anong nangyari pagkatapos ng party? Hindi naman siguro ako mapupunta rito kung hindi niya ako dinala, hindi ba? Pero, paano nga? Nalasing ba ako?
Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng silid ni Tino. The room was filled in tranquility. Ang sinag ng araw ay pumapasok na sa loob ng sliding door ng terrace ni Tino. Nagmamadali akong tumayo at dumiretso sa veranda para tignan ang labas ng bahay.
I saw the maids cleaning the garden. Ang iba pa nga ay nag-chi-chismisan pa! Inayos ko muna ang aking sarili, bago ko napagdesisyunan ang bumaba na.
Nang makababa na ako ay ang una kong nakita ay si Reina na naglilinis ng dining table. Napalingon siya sa aking presensya at nagulat.
"Ma'am Dahlia! Bakit po kayo bumangon? Naku! Inutosan pa naman ako ni Ser Constantine na dalhan kayo ng gatas. Papunta palang sana ako sa silid ninyo," sabi sa akin ni Reina habang natataranta itong pumasok sa kusina.
Sumunod na lamang ako sa kaniya at sasabihin kong ayos lang.
"It's okay, Reian. You don't have to," I answered her back.
Kahit na sinabihan ko na siyang ayos lang ay binigyan pa rin niya ako ng isang basong gatas. Nagmamadali itong inilapag sa bar counter at ngumiti ng tipid sa akin.
"Pasensya na po talaga, Ma'am. Ipinag-uutos po kasi ni Ser Constantine na painomin kayo ng gatas." Pagpapaliwanag sa akin ni Reina.
Wala akong magawa kung hindi ang mapatango na lamang sa kaniya. She is just doing her job, and besides that, I don't want to be a burden to her.
Kumunot ang aking noo at nilingon ko siya para magtanong.
"Reina, nasaan si Constantine?"
Napatigil siya sa kaniyang ginagawa at kaagad akong sinagot.
"Umalis po kasi iyon nang maaga, Ma'am Dahlia. Lumabas po iyon ng mga alas-singko ng umaga. Mukhang mag-jo-jog."
I lick my lower lip and slightly nodded at her. Hindi ko na rin mapigilan ang hindi magtanong tungkol kay Ma'am Ophelia at Mr. Manuel Fernandez.
"Nasaan sila Tita Ophelia at Tito Manuel?" Sunod kong pagtatanong sa kaniya.
"Umalis rin po sila kaninang alas-sais. Pumunta po sila ng palengke, mukhang may bibilhin. Kasama na rin si Ma'am Melanie at iyong asawa niya."
Tumango na lamang ako sa kaniyang mga sinabi. Inubos ko muna ang gatas na ibinigay niya sa akin, bago ako dumiretso sa labas ng bahay. Ngayon ko lang napansin ang kabuuan at kalakihan ng mansion ng mga Fernandez. Inangat ko ang aking paningin sa kabuuan nito.
It was inspired by greek-modern type mansion. Sa gilid naman nito ay ang napakalaking parking lot. The bermuda grass makes it even more attractive for the house. It will add beauty to it.
Nang dahil sa bagot ko ay lumabas muna ako ng bahay, nagpaalam lang ako sa guard na lalabas muna ako sandali.
I didn't have the time to enjoy the place. Kahit na noong unang punta ko rito. Umawang ang aking bibig nang malagpasan ko ang mga nakahilerang mga puno. Hindi ko alam kung pagmamay-ari pa rin ba ito ng mga Fernandez. One thing I know about them, they have also this huge farm behind their mansion. Pero, malayo na rin naman ang nalakad ko. Iba na siguro ang may-ari nito.
Lakad lang ako ng lakad, hindi ko na nga namalayan na nakaabot na pala ako ng palengke! Kung ganoon, malapit lang pala ang palengke rito mula sa mansion ng mga Fernandez. Mas mabuti na rin iyong may alam ako kahit kaonti, tungkol sa lugar nila.
I was fascinated with the things that were displayed in different stores! Parang lumundag ang puso ko sa tuwa nang makita ko ang ibang mga magagandang dresses na naka-display sa labas ng isang tindahan na nagbebenta ng damit.
Ngayon ko lang rin napansin na sa araw na ito ay maraming tao. Marami ang lumalabas at pumapasok sa loob ng palengke.
Out of my curiousity, I walked near to the dress. Hinawakan ko ito at pinagmasdan. Ang ganda talaga ng damit na ito!
"Miss, bibilhin mo ba?" Mataray na pagtatanong sa akin ng isang babae. She's probably the same age as me.
Matagal akong nakasagot sa kaniya at ngumiti ng tipid. I didn't bring my money here. Sa tuwing pumupunta ako rito at bumibisita sa mga Fernandez ay hindi ako nagdadala nang malaking halaga na pera. I am strict, even to myself. Ginawa ko iyon para mas makatipid pa ako. I just really to make my money tight as possible. Nalalabas ko lamang iyon kapag magbabayad ng tuition aa skwelahan.
"Next time nalang," nahihiya kong sagot sa kaniya at kahit na nararamdaman ko ang pagsusungit sa akin ng babae ay binalewala ko nalang ito.
Aalis na sana ako ng tindahan nang may biglang bumangga sa akin.
"Ano ba?!" I shouted at him but he never look at me back.
He's wearing a black cup, and a black hoddie. Nakakainis 'to!
"Hoy?! Magnanakaw ka ano?!"
My jaw dropped when I heard that from a woman. Inis ko itong nilingon at nakita ko ang magkasalubong niyang mga kilay. Ako? Magnanakaw? Sa ganda kong ito?!
"Hi-hindi po," kinakabahan kong sagot sa kaniya.
"Nakita kita kanina! Nilapitan ka ng lalaking iyon! Siguro kasabwat ka niya, ano? Sagot!"
Her voice were just like a thunder, cold and vibrating. Pinagtitinginan na nga kami ng mga taong dumadaan dito, eh. Kahit ang ibang mga nagtitinda at ang mga nagmamay-ari nito ay hindi na mapigilan ang sarili at lumabas ng kanilang tindahan.
"I really don't know what you're talking about," I tried to explain my side but she just can't believe me!
"Sinungaling! Alam ko na iyang mga modus ninyo!"
Hindi ko na mapigilan ang hindi magalit sa babaeng ito. Ano ba ang tingin niya sa akin? Taong grasa?!
"Miss hindi ko na iyon kilala, eh!" Sabi ko sa kaniya.
Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin at hinablot ang damit na tinignan ko kanina. Nang dahil sa biglaan niyang paghablot ng damit ay tumunog ito at nawasa!
Umawang ang aking bibig nang makita ko ang mga nangyari. Pag-angat ko ng tingin sa kaniya ay nakita ko ang pulang-pula na niyang mukha, mukhang sasabog na siya any time!
"Kita mo na ang ginawa mo?! Bayaran mo 'to!" Galit na galit na niyang sabi sa akin.
Napalingon ako sa aking paligid at nakita ko ang mga taong nagbubulongan sa gilid namin. We are already causing a scene here!
"Bakit ko naman ito babayaran? Pinagbibintangan mo na nga akong magnanakaw tapos babayaran ko pa ang isang bagay na ikaw naman ang sumira."
It isn't fair! Siya ang marahas na humablot ng damit ko mula sa aking mga kamay. Well, at least, I know now that these dresses are cheap and not safe to wear! Dahil nasisira naman pala kaagad.
"Isusumbong kita sa barangay at makukulong ka!" Sigaw nito sa akin at itutulak pa sana niya ako nang may biglang humarang sa aking harapan.
A tall guy, wearing a grey hoodie jacket. Marahas niyang tinanggal ang black cap niya at nanlaki ang aking mga matang napagtanto kong si Constantine Fernandez iyon!
Anong ginagawa niya rito?!
"Try me," he said very coldly to the girl who almost push me!
Nakita ko ang pamumutla ng babae nang mapagtanto niyang nasa harapan niya si Constantine. Ang ibang mga naki-usyoso ay kaagad na bumalik sa kanilang mga tindahan.
Hinawakan ko ang braso niya, pero hindi man lang niya ako nilingon.
"Tino, it's okay. Ba-babayaran ko nalang ang damit. Kaya lang, wala akong dalang cash rito." Pagsusumbong ko sa kaniya.
Marahas siyang bumuntong hininga at kaagad na inilabas ang itim na wallet, mula sa kaniyang bulsa. Padabog niyang inilagay ang ilang libo sa maliit na lamesa na nasa aming harapan.
When I saw his reactions, I saw chaos and dangerous storm of it. Ramdam na ramdam ko ang kaniyang galit.
"Don't insult my fiancee just because of a dress." His baritone cold voice makes the girl shiver in nervousness.
"Pa-pasensya na po talaga-" pinatigil niya ito sa pagsasalita.
"Huwag ka sa akin humingi ng kapatawaran. You should apologize to my fiancee." Hindi niya tinanggal ang paningin sa babae, kaya nataranta naman itong tumingin sa akin.
"Ma'am, pa-patawad po talaga.." naiiyak nitong sabi sa akin.
Hindi ako sumagot sa kaniya at tinangoan ko na lamang siya. Even when she's rude to me and accuses me of being a thief, I am not that bad to not accept her apology.
"If you'll do this again, I will call the owner of this whole place, and I'll make sure you won't sell any of these again. Do you understand?"
I couldn't believe what Constantine said to the girl. Kaya niyang gawin iyon?
Tuluyang napaluha ang babae at kaagad na tumango ng ilang beses.
"Let's go," he commanded me and hold my right hand.
Nang tuluyan na kaming nakalabas ay nakita ko ang mga taong nagbubulongan nang makita nila ang dalawang mamahaling sasakyan na naka-park sa gitna. Ang mga gwardya ay nakatayo lamang sa gilid ng sasakyan.
I saw the worried Tita Ophelia. Kaagad itong lumapit sa aming direksyon. Napalingon ako kay Tino nang binitawan niya ang aking kamay nang hindi man lang ako nililingon.
"Oh my God! What happened there, hija?" Nag-aalala niyang pagtatanong sa akin.
Lumapit rin sa akin si Melanie at hinawakan ang aking likod. They are all worried to me.
Hindi agad ako nakasagot nang dahil ang paningin ko ay nakatuon lamang kay Constantine. Bigla akong kinabahan nang bigla siyang pumasok sa loob ng sasakyan ng kaniyang ama at isinarado ang pintuan nang hindi man lang ako nililingon.
Did I do something wrong?
"Napagbintangan lang po ako na magnanakaw," nanghihina kong sabi sa kanila.
Melanie gasped and even Tita Ophelia. Hindi sila malapaniwala sa aking mga sinabi.
"Oh my! Who is it? Kakausapin ko!" Nahimigan ko ang galit sa boses ni Tita Ophelia pero kaagad ko itong sinagot.
Ayokong mas lumala pa ang sitwasyon. Babayaran ko nalang si Constantine pagbalik ko sa mansion. Nakakahiya naman.
"It's okay, Tita. Nakausap na po ni Constantine. Everything's okay," I assure her that.
"Did she hurt you, Dahlia?" A sweet voice came from the other side.
Umiling ako at ngumiti siya sa akin ng tipid. They all guided me to their car. Sa kabilang sasakyan na rin pumasok si Melanie, kasama ang kaniyang asawa.
Nang tuluyan na akong nakapasok sa loob ng sasakyan ay nilingon ko si Tino, pero nakatuon lamang ang buong paningin nito sa labas. Kunot pa rin ang noo nito.
"Hija, are you okay?" The old Manuel asked me.
Napalingon ako sa kaniya at umiling.
"O-opo," maikli kong sagot sa kaniya.
"Napapansin ko na ang mga tinderang nagbebenta diyan sa mga tiyangge. They were all so mean!" Pagsusumbong ni Tita Ophelia sa kaniyang asawa.
"Don't worry, I'll make a meeting with Andres to fix that issue. Hindi rin naman siguro tama ang mga ginagawa nila." Malamig na sagot ni Tito Manuel sa kaniyang asawa.
"You should!" Her wife's answered.
Nang makarating na kami sa mansion ay ng makababa na sila ng sasakyan ay hinintay ko pa si Constantine. Sabay na bumaba ang mag-asawa at nagpaiwan ako para lamang makausap siya.
Lalabas na sana siya at papasok ng tuluyan sa loob nang pinigilan ko siya.
"Tino, wait!" I called him.
His forehead furrowed but he never look at my back. Nasa passenger's seat pa rin siya.
"Did I do something wrong? Bakit parang... ga-galit ka?" Hindi ko na mapigilan ang hindi magtanong sa kaniya.
"Sagutin mo naman ako," sunod ko pa na sabi nang lumipas ang sampung segundong hindi siya umimik sa akin.
"I just don't feel okay today. We can talk later," malamig niyang sabi sa akin, bago siya tuluyang lumabas ng sasakyan.
A pain ached in my heart like a small dagger. Kahit sa simpleng pag-iwas ni Tino sa akin ay nasasaktan ako. I shouldn't feel this way! Nandito ako para magpanggap lamang sa mga sandaling oras at panahon.
Hindi ako nandito para mahalin siya...
Hindi ako nandito para mahalin ka, Tino...
I watched him walk towards the mansion. He didn't look at me back.
Malakas akong bumuntong hininga at lumabas na nang sasakyan.
"Join us for breakfast, hija!" Tawag sa akin ni Tita Ophelia, habang pinagmamasdan ko ang mga katulong na naglalagay ng mga pagkain sa hapag-kainan.
Melanie waved her right hand to me and smile. The Fernandezes wants me to join them for a breakfast. Sumunod na lamang ako sa kanila at umupo sa gitna. I saved a seat for Tino beside me.
Nakita ko ang pagsulyap na tingin ng batang Manuel sa akin, nakakatandang kapatid ni Constantine.
"Reina, call Tino please. Sabihin mo sa kaniya na kakain na," Tita Ophelia said while she's busy serving the food.
"Opo, Ma'am."
"Did you enjoy the party last night, Dahlia?" Melanie asked.
Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi at dahan-dahan na tumango.
Napahagikhik si Tita Ophelia at ito na ang sumagot kay Melanie.
"She enjoyed it, Melanie. Dahlia got drunk because she was drinking a hard liquour!" Natatawa nitong sabi niya.
Napasinghap ako at bigla kong naalala ang mga nangyari kagabi!
I drink last night?! Kaya pala ako nakatulog sa kwarto ni Constantine nang dahil sa nalasing ako?!
"We are really happy that you're already did a bond with us, hija." Tito Manuel said to me.
"Salamat po," nahihiya kong sagot sa kaniya.
Shit! So, nakainom pala ako? Kaya pala galit sa akin si Tino nang dahil sa na-agrabyado ko siya? Well, if I were in his situation last night, I will get mad at myself, too!
Now I know...
"Oh, Reina? Nasaan siya?" Nilingon ko si Reina at nakita ko ang malungkot nitong ekspresyon.
"Ma'am, busog pa raw po siya." Sabi nito sa amin.
Manuel sighed and talk to us.
"What happened to Constantine, Mama? Bakit ayaw bumaba ng isang iyon?" Naguguluhang pagtatanong ni Manuel sa kaniyang ina.
"I even don't know! Nang makasalubong natin siya kanina sa palengke, he is quiet. Ewan ko ba sa batang iyan! Pupuntahan ko nalang," sabi niya.
Kaagad ko siyang pinigilan at sinabihan na ako nalang ang kakausap kay Constantine.
"I'll talk to him, Tita." Natigilan si Tita Ophelia na tumayo at tinanguan lamang niya ako.
They let me go and I hurriedly went upstairs. Bukas ang pintuan ng kwarto ni Tino, kaya hindi na ako nag-aksaya ng panahon at pumasok na sa loob.
The bed was clear, even in his mini sofa. Nang tuluyan na akong makapasok ay nakita ko ang kaniyang matipunong katawan at ang kaniyang bulto mula sa puting kurtina.
He is in the terrace.
Pinagmasdan ko siyang nakatayo lamang roon, habang nakahilig ang magkabilang kamay sa railings.
He is fucking topless! His messy hair was swaying because of the wind! Napansin ko rin ang sigarilyo sa kanyang kaliwang kamay.
Umawang ang aking bibig.
He is smoking?
He knows how to smoke?
"Can I talk to you?" I asked him.
He lifted his head to me. Hindi kaagad siya nakasagot sa akin. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniyang direksyon, habang ang puso ko ay unti-unti rin bumibilis ang pagtibok nito.
"I'm sorry for what I did..." dugtong kong sabi sa kaniya.
He didn't react to it. Nanatili siyang malamig sa akin. I am so bothered about the presence that he gave to me. Alam kong may nagawa akong mali kagabi, naglasing ako at na-agrabyado ko siya nang dahil lang doon.
"Which one did you actually apologizing for?" Pabalik niyang tanong sa akin.
Nagtama ang mga mata naming dalawa at nakita ko ang panlalamig sa kaniyang mga titig.
"About what happened last night. Alam kong mali ang ginawa ko, naglasing ako-" he stop me in the midst.
"That's all?" He asked again.
Kinakabahan ako sa presensya at sa mga sagot niya.
"Na-agrabyado kita," sagot kong muli sa kaniya.
His jaw clenched. He wants to say something, but he couldn't show himself to me. Ayaw ko na rin na pilitin siya sa bagay na iyon, at baka masabi ko sa kaniya ang totoong hindi talaga ako ang fiancee niya. Na hindi naman talaga ako si Dahlia.
He shook his head and put the remaining cigarrete into the ash tray.
"Don't mind it, just forget it. Get ready, we're leaving." Malamig niyang sabi sa akin. Iniwan niya ako sa veranda at dumiretso sa kaniyang closet para kumuha ng masusuot.
Where are we going, though?
Sumunod ako sa kaniya nang nakakunot pa rin ang noo.
"Saan naman tayo pupunta?" Pagtatanong ko sa kaniya.
He didn't look at me back. Nanatili siya sa kaniyang ginagawa.
"Pupunta tayo ng farm, dadalhin ko si Poncho." Sagot niya sa akin.
Natigilan ako sa mga sinabi niya at mas lalong nagtaka.
"Who's Poncho?"
"My horse." He said in a baritone voice and went to the comfort room.
Kung pupunta siya sa kanilang farm, bakit pa niya ako isasama? Napabuntong hininga na lamang ako at kaagad na nagbihis nang maisusuot.
I am wearing a three-fourth white shirt, nainis pa ako sa sarili ko nang dahil sa manipis lamang ang mga tela ng damit na dinala ko. I partnered it with black jeans. Itinali ko ang aking buhok sa likuran.
Unang bumaba si Tino at sumunod ako sa kaniya. Paglabas ko kasi kanina ay wala na siya sa loob ng kaniyang kwarto.
Naabotan ko pa si Reina na nagpupunas na ngayon ng mga vases.
"Reina, nasaan sila Tita Ophelia?" Pagtatanong ko sa kaniya.
"Nasa garden po sila, Ma'am. Nagpapahangin."
Napatango na lamang ako sa kaniyang mga sinabi at dumiretso na lamang ako roon sa may likuran nang mansion nila. Umawang ang aking bibig nang makita ko si Constantine roon, punas-punas ang alagang kabayo.
He looks so manly; he looks like a foreign model to me. His broad shoulders look firm and strong. Halatang inaalagaan talaga ito sa pag-gy-gym. His skin were slowly turn into reddish when it hit by the sun. Kumikinang ang balat niya kapag napapawisan.
Napakibit-balikat na lamang ako.
Dahlia, you will regret this...
One thing I like about his physical attributes is his eyes. I like the way he looks at me, but at the same time, I hate it. It is the way he looks; every time he bore his eyes into me, it felt like he was exploring every part of my being, especially my soul. Ayaw ko nang ganoon, mas lalo akong nahuhulog.
I think his eyes are the most beautiful part of him. It makes me weak. I am always mesmerised by it.
Nabalik lang ako sa realidad nang bigla siyang napalingon sa akin. Napatuwid ako sa aking pagkakatayo at iniwas ang paningin.
He look at me from head to toe. It feels like he is judging the way I dress!
"Come here, we will leave now." He commanded and I walked towards his direction immediately.
Kinuha niya ang tali ng kaniyang alagang si Poncho at hinawakan ito. Masyado itong mataas para sa isang tulad ko.
He guided me and I ignore his help. Sinubukan kong umangkas sa kabayo, pero masyado talaga siyang matangkad! Hindi ko siya maabot!
"Let me help you-" I stopped him.
"Kaya ko!"
Pinilit ko ang aking sarili na makaangkas kahit na sobrang labo naman na makakasampa ako sa kabayo na gamit lamang ang sarili.
"Sige nga, tignan natin kung kaya mo." Paghahamon niya sa akin habang nakapamewang.
Inikotan ko na lamang siya ng aking mga mata. I held the rope tightly and tried to get myself up, but I failed!
I felt his hands touching my waist to support my back. Parang may elektrisidad itong dumaloy mula roon papunta sa ugat ng katawan ko. I ignore it again and irritatedly close my eyes.
"Akala ko ba kaya mo?" He chuckled to me.
Pinagtawanan pa talaga ako!
Hindi ko siya sinagot at inirapan ko nalang.
Napapailing siya sa aking ginawa at sumampa sa aking likuran nang walang kahirap-hirap.
Nagpumilit akong dumistansya sa kaniya pero unti-unti rin siyang lumalapit sa akin.
The hell with you, Constantine?!
"Ano ba?! Umusog ka nga!" Inis kong sabi sa kaniya.
"Ah!"
Napahiyaw ako nang bigla niyang kinabig ang tali ni Poncho, kaya sumigaw ang kabayo at inangat ang dalawang paa sa ere.
Napapikit ako sa ginawa niya at napahawak sa damit ni Tino.
All I can hear is his laughter. Talagang sinadya ng lalaking ito ang pagkabig ng malakas sa kabayo!
"Don't fucking do that again, you idiot!" Galit kong sigaw sa kaniya.
Ngayon ko lang napagtanto ang sobrang lapit naming dalawa. I almost even hear his breathing and touch his pointed nose.
Mapupungay ang mga mata nito at nakatuon lamang sa akin.
"I'd be willing to do this every day, just to get this close to you." He almost whispered it to me.
Teka, akala ko ba galit pa rin siya sa akin? Bakit parang nagbago na?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top