Capitulo 21
Bumuntong hininga ako habang pinagmamasdan ko ang aking sarili sa salamin. Am I really ready for this to happen? Constantine will announce our upcoming engagement party, paano kung makarating ito sa mga magulang ni Dahlia? Paano kung malaman ito nila Uncle Ven?
I shook my head and avoided the negative things that kept bugging in my head.
"Ang ganda ganda mo, Selene!" Pagpupuri sa akin ni Ricky, habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa.
She's the one who did my makeup, and she even lent me her favourite dress. Mabuti na lamang at maraming mga casual dress si Ricky, kaya nakahiram ako sa kaniya.
I am wearing a long, casual, fitted dark blue dress. It has little dotted sparks around the dress, kaya umiilaw ito kapag natatamaan ng araw, kahit sa gabi ay umiilaw ito. Backless ang likod at kitang-kita ang kabuuan ng aking likuran. She even straightened my hair at the back and gave me her silver sandals.
"Ricky, this is too much. Nakakahiya na sa'yo," nahihiya kong sabi sa kaniya.
Kaagad itong umiling sa akin at inikotan ako ng kaniyang mga mata.
"Ikaw talaga! Bakit mahihiya ka pa? Eh, kailangan maging maganda ka sa harapan ng mga magulang ng boyfriend mo."
Oo, sinabi ko sa kaniya na a-attend ako ngayon ng wedding anniversary sa mga magulang ng boyfriend ko. Pero, hindi ko sinabi sa kaniya ang lahat. I didn't tell her about my plans; I didn't tell her that I was just pretending to be someone's fiancée. Ayokong mag-iba ang pakikitungo sa akin ni Ricky. She was the only friend I had in school. She is the only person I know and feel comfortable being with here in Baguio.
"Thank you so much, Ricky!" I hugged her, and she hugged me back.
"Enjoy the party, okay?" Sabi niya sa akin at napatango na lamang ako.
Constantine will pick me up around at six pm, sa Manila. Since, sa Manila gaganapin ang anniversary, doon na ako magpapasundo sa kaniya. Nagtataka nga si Ricky kung bakit ang aga ko raw na umalis, sinabi ko nalang sa kaniya na maagang magsisimula ang party.
I took a private car and asked the driver to take me to Manila. Alam kong nakakapagod ang ginagawa ko, pero hindi naman puwedeng hindi ako mag-ingat. Kung sa Manila ako titira at mag-aaral, paniguradong makakahagilap kaagad sila nang impormasyon tungkol sa akin. Sa Manila, mas maraming nakakakilala sa mga Fernandez. They have a lots of connections in Manila, kaya napagdesisyonan kong manatili na lamang rito sa Baguio at luluwas lang ng Manila, kapag kinakailangan.
Alas singko ako nang makarating ako ng Manila. Nagpahatid ako sa building ng condominium na pagmamay-ari ng aking pinsan, pero hindi na ako pumasok sa loob. Sa labas na lamang ako naghintay.
Pinagtitinginan ako ng iilang mga taong pumapasok at lumalabas mula sa building. Hindi ko na lamang ito pinansin at hinintay na lang si Constantine na dumating.
Napatalon ako nang dahil sa gulat nang marinig kong tumunog ang aking cellphone. Tinignan ko muna sa screen kung sino ang tumatawag. I saw Constantine's name on it.
Buong lakas akong huminga at sinagot kaagad ang kaniyang tawag.
"Yes?"
"Where are you?" He asked on the other line.
"Nandito ako sa labas ng building ng condo ko," pagsisinungaling ko sa kaniya.
"What condominium?" I think he is already driving his car towards me. I can feel it.
"In 'La maison dorée d'Alarie'." Sagot ko kaagad sa kaniya.
"I'm coming; wait for me there," he said in a baritone voice before he turned his phone off.
Lumipas ang limang minuto ay unti-unti ko nang nakikita ang isang mamahaling itim na sasakyan. My heart is beating so fast, it feels like it will explode in my ribcage! Lalong-lalo na nang makita kong dahan-dahan siyang huminto sa aking harapan.
Nag-aagaw na ang dilim at ang araw, pero nakakasilaw pa rin ang kaniyang sasakyan sa mga taong nandirito. Ang iba naman ay nagbubulongan nang makita nila ang isang Constantine Fernandez na lumabas, galing sa sasakyan.
My jaw dropped when I saw him slowly getting out of his luxurious car. He's damn tall when he's wearing an all-black suit. He is also wearing black sunglasses, ang isang kamay ay nakalagay sa kaniyang bulsa, ang isa naman nito ay nakahawak sa necktie at inaayos ito.
When he's already near me, I see his new chicoryander haircut. It has parted sideways perfectly. He stands tall in front of me. His piercing eyes were scorching every part of my being. His forehead furrowed, and I couldn't take my eyes off of him.
He lick his lower lip and winked at me!
Rinig na rinig ko ang mga bulong-bulongan nang mga babaeng katabi ko ng table!
"Iyan ba 'yong anak ng pinakamayamang Fernandez?"
"Oo! Grabe, ang gwapo niya! Constantine ata pangalan," sagot naman ng kasama niya.
"Shet! Sarap magpahalik diyan! Ang pula ng mga labi," hagikhik noong isa.
I turned my head towards them and gave them my dagger looks. Kaagad naman silang umiwas nang maramdaman ang presensya ko.
Natigilan lamang ako nang maramdaman ko ang kamay na lumandas mula sa aking likuran. He touched my back and guided me towards his car. I really feel something about the way he touches me! Naiinis ako dahil parang nagugustuhan ko ang ginagawa niya!
"Let's go, baby," he said in a husky voice while whispering to me.
Napapailing na lamang ako at inis akong pumasok sa passenger's seat ng kaniyang sasakyan. Nang lumiko na siya ay tinignan kong muli ang mga babae.
I gave them my sarcastic smirk while rolling my eyes. Umasim ang kanilang mga ekspresyon, habang ako ay nag-e-enjoy sa mga ipinapakita nilang pagkadismaya.
That's it! keep dreaming, girls!
Nang tuluyan nang makapasok sa loob ng sasakyan si Constantine ay kaagad niyang pinaandar ito. Binalot kami ng katahimikan. Nilingon ko siya at tinignan habang nagmamaneho.
He is holding the steering wheel, which reveals the veins in his hands. Ang isang kamay ay nakapatong sa gilid ng kaniyang sasakyan, habang pinaglalaruan ang mga labi nito.
He can make the women drool just by standing there and doing nothing! Ang iba pa nga diyan ay gustong magpahalik sa kaniya! Ang taas naman ng alindog niya kung ganoon?!
Well, who wouldn't like Constantine Fernandez? He is rich, he is a business tycoon, he is the Vice President of the Fernandez-Alcazar Company, he is a degree holder, smart, a businessman, and he is a man who knows sports and is a gym guy. Lahat nalang ata ay nasa kaniya na!
Pigilan mo ang sarili mo, Selene. He is not good for you. He will become your venom if you continue this bullshit that you have felt for this man!
"Saan magaganap ang party?" I finally broke the silence.
Hindi ko rin alam kung bakit tahimik lang siya buong byahe. Siguro, nahihiya siya dahil sa ako ang kasama niya ngayon? Is there something wrong with my dress?
"Glass ballroom, Okada Manila," he simply said, while his attention was still on the road.
Napalunok ako at napatango na lamang. Hindi na ako ulit nagtanong pa o nagsalita nang kung ano-ano. Nakakahiya naman kasi, ang tahimik niya sa akin! He is not like this!
Nang makarating na kami sa labas ng hotel ay nagtataka naman ako kung bakit hindi pa siya lumalabas, kaya hindi na rin muna ako lumabas ng sasakyan.
"Bababa na ako," sabi ko sa kaniya.
He didn't answered me, instead, I saw him closing his eyes like he is controlling himself over something.
Bigla tuloy akong naging kuryoso at nag-alala sa kaniya.
"Tino, a-ayos ka lang?" Nag-aalala kong pagtatanong sa kaniya.
He tilted his head to me, looking problematic.
"What did you call me?"
Bigla akong napaatras nang napagtanto ko ang sarili nang tawagin ko siya sa nickname niya. I shouldn't call him that way! Mga kakilala at mga ka-close lang niya ang puwedeng tumawag sa kaniya nang ganoon! Bakit ko pa siya tinawag sa nickname niya?!
"I'm sorry, I shouldn't call you that way." Panghihingi ko nang umanhin sa kaniya.
Iniwas ko ang aking paningin sa kaniya at narinig ko ang mahinang pagtawa niya sa aking gilid. He put his right hand to my seat and the other one is in the dashboard. He's locking me!
Ang kaninang problemadong ekspresyon niya ay biglang nagbago. He looks amazed while straightly looking into my eyes. Tumataas ang bawat pagtibok ng aking puso!
Pakiramdam ko ay tataas ata ang dugo ko sa ginagawa niya ngayon.
"You shouldn't be sorry about calling me that way," he huskily said to me.
"Bakit?" I asked him back about it.
A small smile was very evident on his face. Nang dahil sa pagngiti niya ay unti-unti rin ngumingiti ang kaniyang mga mata.
"I like it way better. I like it when you call me that way," he said while smiling at me.
His smile was pure and genuine. Mga ngiting ngayon ko lang nakita sa kaniya. Mga ngiting nakakapanibago.
Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa nararamdaman ko ngayon. Tumikhim ako at napaayos ako sa aking pag-upo, habang siya ay ganoon pa rin ang posisyon.
"Bumaba na tayo," iyon na lamang ang aking nasabi sa kaniya.
Parang umismid ang aking dila at hindi ako makabuo ng sasabihin sa kaniya!
I have doubts about letting you in at this party." Sabi niya sa akin pabalik.
Nilingon ko siya at nagtataka akong tumingin sa kaniya.
Bakit naman?
"Bakit?" Naguguluhan kong pagtatanong sa kaniya.
Baka nga panget talaga ako ngayon? Baka hindi bagay sa akin ang damit na isinuot ko ngayon? Baka... masyadong makapal lang ang make up ko?
Hindi, imposible iyon! Light make up lang ang inilagay ni Ricky sa akin kanina.
"You're too beautiful tonight, babe. I'm pretty sure all the guys will lift their heads towards you." Problemadong sabi niya sa akin habang nakakunot ang noo.
Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi. Iyon lang ba ang pino-problema niya? Akala ko pa naman ay masyado akong pangit sa paningin niya.
"Tumigil ka nga, Tino!" Pagsasaway ko sa kaniya.
Napapailing na lamang siya at umayos sa pagkakaupo.
"That's it, baby. Call me that way," he said it again, before he got out from the car.
Medyo gumaan ang pakiramdam ko ngayon nang dahil sa ipinapakita sa akin ni Constantine. It feels like I've known him for so long. Unti-unti akong nagiging komportable sa kaniya.
Kaagad akong bumaba ng sasakyan. He shows me his right arm. Humawak ako roon habang papasok kami sa hotel na tinutukoy niya.
Nasa entrance pa lamang kami ay sumalubong na sa amin ang napakahaba at napakalaking red carpet. May mga medias pa na nakaabang! Nang makita kaming dalawa ni Constantine ay naglakad kaagad ang mga ito papunta sa aming direksyon.
Most of them were taking pictures of us! Their cameras flashed through us like sparks. Iginiya ako ni Constantine papasok sa loob. Mabuti na lamang at may mga bodyguards na nakapalibot sa aming dalawa.
Nang tuluyan na kaming nakapasok ay nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang kabuuan ng lugar.
There are big, glimmering chandeliers that add crystals and light to the place. Carpeted floor, the marbled interior, and ornate gold. It has three hundred square metres and can cater to up to 200 to 300 people. Nakita ko rin ang ibang mga guests na nakikipag-usap sa kapwa kasamahan nila.
They are also wearing formal dresses, while some of them are holding wine that is served by the waitresses and the waiters. Sumunod lamang ako kay Constantine nang unti-unti itong lumapit sa isang table kung saan naroon nakaupo ang kaniyang mga magulang. Bigla akong kinabahan nang makita ko ang pamilya ni Constantine.
Naroon si Mr. Senyor Manuel Fernandez at ang kaniyang asawa na si Ophelia Fernandez.
Kaagad akong bumati sa kanila nang may ngiti. She looks still very beautiful and young! She looks like a fairy in her white dress, with a French hair style. Ang katabing asawa naman nito ay naka-all gray suit. Ngayon ko lang talaga napatunayan na magkamukhang-magkamukha ang panganay na anak nila at si Senyor Manuel Fernandez.
"Good to see you, hija!" Tita Ophelia said with happiness in her eyes.
"Happy Anniversary po, Tita." Pagbati ko sa kaniya pabalik.
"Happy Anniversary po, Tito Manuel." Tumango ang matandang Manuel sa akin at nginitian rin ako pabalik.
Sa gilid naman nito ay naroon nakaupo si Manuel Fernandez Jr at ang asawa nitong si Melanie Fernandez.
"Dahlia, this is my brother Manuel Fernandez, and his wife, Melanie Fernandez." Pagpapakilala sa akin ni Constantine sa kaniyang nakakatandang kapatid.
Tumayo si Manuel at kaagad na naglahad ng kamay sa akin. Magkasingtakad lamang sila ni Constantine, but he has more strict expressions than Tino.
"Nice to meet you, Dahlia." He said in a baritone voice.
Sa tabi naman nito ay tumayo ang kaniyang asawa. Napatulala ako nang mapansin ko ang kagandahan nito. Even when she was wearing a simple pink dress, she was still looking beautiful and attractive!
"Hi! I'm Melanie Fernandez, nice meeting you, Dahlia!" Even her voice is the sweetest of all!
Tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay at binati siya pabalik.
"Nice to meet you, Melanie."
"I am so happy that you make it, hija. Akala ko talaga ay hindi ka makakapunta," sabi sa akin ni Tita Ophelia.
"Tita, hindi ko naman po ito palalagpasin nang hindi nakakapunta." She smiled when I said that to her.
Tumabi sa akin si Constantine sa pag-upo.
"Where are your parents, hija? I haven't seen them for a very long time," natigilan ako nang biglang nagsalita si Mr. Senyor Manuel.
"They're still in abroad po. Mukhang matatagalan pa po sila sa pagbalik rito sa Manila."
Keep it cool, Selene...
Dahan-dahang tumango ang matandang lalaki sa akin. Si Tita Ophelia naman ay inawat ang asawang magtatanong pa sanang muli sa akin.
"Of course they're still in abroad! Well, Gorgonia messaged me last night. Ang sabi niya, si Dahlia lang raw muna ang makakapunta ngayon dahil nasa ibang bansa pa sila. I think they are fixing on something." Pagpapaliwanag sa akin ni Tita Ophelia.
Ewan ko ba, mas lalo akong kinakabahan sa mga mangyayari. Hindi na dapat pa ito pinatagal pero, bakit parang unti-unti ko na itong nagugustuhan?
"What is your plan, Constantine? Are you going to marry her after her studies?" Pagtatanong ng kuya niya sa kaniya.
Napatigil si Constantine sa pag-inom ng wine at nilingon sa kaniyang kapatid.
"Yes, that's probably our plan. But it will always depend on Dahlia, kahit ngayon nga ay puwedeng-p'wede." He said while giving a smirk to his brother.
"Sure na talaga ako rito kay Dahlia!" Singit ni Tita Ophelia sa kanilang usapan.
They both laughed together while looking at us.
Napabuntong hininga na lamang ako. Nahihiya ako para sa sarili ko. By looking at these people, it makes me so small. Ang layo-layo ng totoo kong buhay sa mga buhay nila, sa buhay ni Constantine.
By looking at their guests, who's a business tycoon, some of them were politicians, and professional being. I feel really small, lalong-lalo na kapag itinabi ako kay Constantine.
Mahirap nga talaga ako. Hindi na kami mayaman. Kahit na nabubuhay pa noon ang aking ina, at ang aking ama na parte ng pamamahala sa aming lugar noon, hindi ko pa rin mapigilan ang hindi ma-i-kumpara ang buhay na mayroon si Constantine at ang buhay ko.
Nabalik lang ako sa realidad nang hinawakan ni Constantine ang aking kanang kamay nang palihim.
He looked so worried about me.
"Are you okay?" Pagtatanong niya.
Ngumiti ako ng tipid sa kaniya at dahan-dahan na tumango. Inalis ko na lamang sa aking isipan ang mga negatibong bagay na sisira nang mga plano ko.
Napansin ko ang ibang mga bisita sa kabilang table. They look so expensive and elegance, even with their simple interactions with the other guests!
"That's Tito Lazarus and his wife Katerine Fernandez." Sabi sa akin ni Constantine.
Kumunot ang aking noo at pinagmasdan pa ito nang mabuti.
"Ka-ano-ano ninyo sila?"
"That's my father's brother. You see that next table behind them? That's their children; you know them already, right?"
Napatitig ako sa mga itinuro niya sa akin at nakita ko si Leandro, Alexander at Jonas na katabi pa ang dalawang lalaking hindi pamilyar sa akin.
"That's our cousins, Philip and Apollo Fernandez, anak ni Tito Tomathias."
Hindi ko na kilala ang mga sinasabi niyang mga tao, pero nakakasigurado akong ang dalawang lalaking katabi nila Leandro, Alexander at Jonas ay pinsan niya rin ang mga ito.
"Nandito ba lahat nang mga Fernandezes?" Kuryoso kong pagtatanong sa kaniya.
Napatigil siya sa pag-inom ng wine at napatingin sa akin. He shook his head as a response to my question.
"No, Only Tito Lazarus and Ozicus are present here. Hindi makakapunta si Tito Tomathias." Sabi niya sa akin at narinig kong biglang magsalita si Tita Ophelia sa aming tabi.
Mukhang narinig niya ang pinag-uusapan naming dalawa.
"Don't expect that Tomathias will be here. Akala kasi nun ay pupunta rin dito si Sylvianna. Tss... that man will still be head over heels with his ex." Sabi sa amin ni Tita Ophelia na kaagad naman sinagot ni Tito Manuel.
"Let's not bother their lives, Ophelia. Tomathias is already happy with his wife now."
She smirked at her husband and answered it back.
"Are you really sure, Manuel? Because I don't see him being happy, just as I have seen when they're still together when they're still young. Hay naku, pag-ibig nga naman."
Mas lalo tuloy akong naging kuryoso sa mga sinasabi ni Tita Ophelia sa amin.
"Mama, Papa's right. Let's just respect Tito Tomathias. They have children already with his wife. Kung ano man iyong mga nangyari sa kanila ni Sylvianna noon, tinapos na nila iyon nang matagal na. And I don't think Sylvianna will go home again." Makabuluhang sabi ni Manuel sa aming lahat.
Iyon ang naging laman buong oras nang matigil lamang ito nang tinawag na nang host ang mag-asawa. Nagsilakpakan ang mga taong narito nang makita nila ang mag-asawang naglalakad papunta sa gitna.
Nagpaalam muna ako kay Constantine na pupunta muna ako ng banyo. Pagkarating ko roon ay kaagad na nag-retouch ako. Nang matapos ay pumasok muna ako sa isa sa mga cubicles at doon umupo nang may marinig akong mga ingay na nagmumula sa labas.
Mga ingay na boses nang mga babae. Nang tuluyan na silang makapasok sa loob ay narinig ko kaagad ang pinag-uusapan nila.
"Oh my god! Did you see the girl that Constantine's holding? Iyong nakaupo sa table ng family niya?"
Kumunot ang aking noo nang marinig ko ang pangalan ni Tino.
"Yes! I don't like her! Hindi naman siya ganoon ka-ganda! Atsaka, look at her dress, mukhang pinaglumaan na." Sabi naman noong isa at sabay naman silang tumawa.
Nanikip ang dibdib ko sa mga nalaman ko ngayon. Pinigilan ko nalang ang aking sarili na lumabas at dumogin silang dalawa. S'yempre, hindi ko iyon ginawa. I am not a scandalous person.
"I don't know why Constantine picked that girl! Mas pipiliin ko pa na si Georgia ang makatuluyan niya. Tutal, kasal na rin naman si Manuel, hindi ba? Edi, puwedeng-p'wede na sila ni Georgia!"
"You're right! Atsaka, hindi ako naniniwala na hindi iyon minahal ni Constantine. May nangyari nga sa kanila, hindi ba?"
Lumipas ang ilang minuto at unti-unting lumalabo ang mga boses nila. I lost all my strength when I got out of my cubicle. Pinagmamasdan ko ang pintuan nang nilabasan ng mga babae.
Sino ba kasi 'yan si Georgia?!
Nang dahil sa inis ko ay hindi na ako bumalik pa sa table nila Constantine. Doon ako dumiretso sa may wine section.
Namili ako roon nang maiinom.
Nang itinuro ko ang isang inomin ay nagdadalawang-isip pa ang isang waitress kung ibibigay ba niya sa akin o hindi.
"Ma'am, this is a hard drink." Pagpapaalala nito sa akin.
Hindi ko siya sinagot at kaagad ko itong kinuha sa kamay niya at nilagok nang walang pag-aalinlangan. Nang hindi pa ako nakuntento sa isa ay uminom pa ako nang apat na baso. It was a shot. Hindi naman siguro ito nakakalasing.
I drink more shots from a hard drink. Natigil lamang ako nang may biglang umagaw nito sa akin at nakita ko si Constantine sa aking tabi.
Tinignan niya ako nang malamig.
"Why the hell are you drinking? Bakit hindi ka kaagad bumalik sa table natin?" Sunod-sunod niyang pagtatanong sa akin.
Sasagot na sana ako nang makita kong sinenyasan niya ang waitress na umalis sa aming harapan.
I rolled my eyes at him.
"Akin na 'yan!" Inis kong sabi sa kaniya.
"Are you even aware of what you were drinking, young lady?" Nahihimigan ko na ang galit sa kaniyang tono.
I don't like him seeing mad at me, but this time, I want to challenge him. Gustong-gusto ko siyang makita nang nagagalit, dahil mas lalo siyang guma-gwapo kapag nag-su-suplado.
I found him even more attractive.
I cupped his right cheek and smirked at him.
"Shet, ang gwapo nang mapapangasawa ko."
Nababaliw na ata ako. Iba na ang lumalabas sa bibig ko. I feel like my whole world is becoming dizzy. Unti-unti akong nahihilo.
I cupped his whole face and he didn't even react to it.
"Don't fucking drink again, Dahlia! Especially when you're alone."
Ayan na naman ang fiance ko!
"Don't call me by that name..." when I finally said that, I lose my sight and everything went black.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top