Capítulo 2
"Bitiwan ninyo ako! Hindi niyo ako pwedeng ikulong! Wala kayong ebidensya!" sigaw ni Papa ang kumulog sa loob ng aming bahay.
I was crying and shaking when I saw my father's arms held by an armed man. Kaagad ko siyang nilapitan at umawang naman ang kaniyang bibig.
Even though he's not good at me, even though he was strict most of the time. He is still my father, at nag-aalala ako sa kaniya ng sobra. Ayoko siyang makulong! I don't want him to be in jail!
"Pa-papa, hindi naman totoo 'yung mga sinabi ng mga tao, hindi ba? Nagsisinungaling lang sila, 'diba?" nanginginig kong pagtatanong kay Papa.
Wala na kaming mga katulong, kaya kaming dalawa nalang ni Papa ang nakatira rito sa malaking bahay. Ang mga mamahaling gamit namin ay nabenta na rin sa mga kakilala ni Papa. I didn't expect this greatest downfall of us. Kahit anong mangyari, hinding-hindi ko iiwan si Papa. Kahit anong mangyari, ipaglalaban ko siya. Kahit sa mga pulis man.
"Ma'am, mas mabuti na po na sa presinto nalang po magpapaliwanag ang ama ninyo." tinignan ko ng malamig ang isang pulis at marahas akong tumayo at sinigawan siya.
"Wala kayong karapatan para hulihin siya! Sino ba kayo?! Wala naman kayong sapat na ebidensya!" galit kong sabi sa kanila.
Anger filled the whole existence of my being. Parang sasabog na ako nang dahil sa galit na nararamdaman ko ngayon. Bigla na lamang silang sumulpot rito at inaresto si Papa. I knew from the very beginning that my father had bad things, pero, hindi ko inaasahan na aabot sa ganito ang lahat.
Itinaas ng isang pulis ang papel na nagpapatunay na pwede nilang arestohin ang aking ama kahit anong oras.
"May warrant of arrest po kami, Ma'am. Mas mabuting sa opisina nalang po natin pag-usapan ang lahat." bigla akong natakot nang makita kong marahas nilang hinablot ang braso ni Papa at nagpumiglas naman ito.
Kaagad akong sumunod sa kanila habang pinagmamasdan ang ginawa nila sa aking ama. I cannot accept this! I couldn't hold any seconds watching my father in pain!
"Patutunayan ko sa inyo na wala akong kasalanan! Mga hayop kayo! Magbabayad kayong lahat!" hindi ko na halos makilala ang boses ng aking ama habang nakatuon lamang ang kaniyang mga paningin sa mga taong nakapaligid sa aming bahay.
Sumama ako sa pulis at ipinagsalikop ko ang aking mga kamay habang pinagmamasdan ang sasakyan na nasa aming harapan, kung saan doon nakasakay si Papa.
This won't happen when he managed his life, carefully. Nagpakalulong si Papa sa mga bagay na dapat niyang iwasan. I couldn't imagine that the man of my mother isn't the man who's in me right now. Ibang-iba na siya. Ibang-iba na si Papa.
Hindi ko napansin ang paghinto ng sasakyan at kaagad ko itong binuksan. Dinala si Papa sa presinto at ako ay dumiretso sa opisina nila. Ang mga pulis at ibang mga awtoridad ay napalingon sa akin. Ang iba naman ay napahinto sa kanilang mga ginagawa nang mapansin akong dumating.
"Walang kasalanan si Papa," matapang kong sabi sa kataas-taasan nila.
Nakita ko ang paghilamos ng kaniyang mukha na para bang pagod na siya sa paulit-ulit kong pagpapaliwanag sa kaniya tungkol roon.
"Hindi mo ba alam ang mga ginawa ng ama mo, Miss?" pagtatanong nito sa akin.
Parang umismid ang dila ko at hindi ako makapagsalita. Dahil totoo naman. My father didn't say anything about his doings. Halos mamatay na nga ako kakaisip sa kung ano man ang mga pinaggagagawa niya.
Nanlaki ang aking mga mata nang inilapag niya sa aking harapan ang nakapatong-patong na mga papeles. I don't get it. Makukulong na ba talaga nang tuluyan si Papa? May sapat silang ebidensya?
"Korapsyon, pangungutang sa mga malaking negosyante. Sugal, at iba pa. Ang bahay niyo rin ay nakasangla sa bangko. Anong oras ay pwede itong kunin ng bangko. Ipinapahuli rin 'yan ng mga taga-roon sa inyo. Ginamit ang pera na para sana sa nalalapit na proyekto para sa baranggay." nanginginig ang aking mga kamay at dahan-dahan kong kinuha ang mga papeles na nagpapatunay na ginawa nga iyon ng aking ama.
There are also pictures of him in a casino, drinking, smoking, and throwing cards.
"Malaki ang nawalang pera, Ms. Verluz. I believe that this is not the last thing that your father did. Inamin niya sa amin na pinagbantaan rin siya ng mga ilang negosyante nang dahil sa utang nito sa kanila. That's why, he doesn't want to be put in jail." umiling ako.
No, hindi magagawa ni Papa ito. How could he do this to us?! How could he do this to himself?!
"No! I don't believe you! Hi-hindi magagawa ni Papa ang mga 'yan!" tumulo ang aking mga luha at hindi ko na maramdaman ang mga ito na umagos mula sa aking mga mata.
I was preoccupied about everything.
"Marami na ang tumistigo tungkol rito, hija. Ang mga katulong niyo rin ay nagsumbong sa amin na hindi tama ang pagtrato nito sa kanila at hindi pa buo ang pera na ibinibigay nito bilang sweldo."
Nanghina ako sa lahat ng mga sinabi niya. Kung makukulong si Papa? Paano na ako? Hindi pa ako nakaka-recover sa pagkawala ni Mama tapos ngayon... siya naman?!
"Kung gusto mo talaga na mapatunayan na walang kasalanan ang ama mo, kumuha nalang kayo ng abogado." iyon ang huling sinabi niya sa akin bago ako umalis ng opisina.
Sabi nila sa akin na bukas ko na raw pwedeng bisitahin si Papa sa kaniyang selda. I went home... hopeless and slowly dying... Mabigat ang bawat paghakbang ng aking mga paa. Tinignan ko ang kabuuan ng bahay.
Ang bawat sulok ng bahay ay napuno na ng kadiliman. Every corner of the wall seems to have been gone a long time ago. Wala na roon ang mga gamit. Wala na ang sofa, wala na ang aming mamahaling television. Even our vases that was brought in Paris, wala na doon sa direksyon niya. Bigla ako nakaramdam ng lamig nang humangin ito ng malakas. Sumayaw naman ang mga kurtina nang dahil sa malamig na hangin.
Ang mga natira na lamang ay ang mga kurtina at ang ref namin. Nang dahil sa emosyon na naramdaman ko kanina ay hindi na ako nakaramdam ng gutom. How could I eat when all I know is that my father is suffering in jail! Crying behind bars.
Dumiretso ako sa kusina dahil kumulog ang aking tiyan at nakaramdam ako ng gutom. When I tried to open the lights, it didn't. Inulit ko pa ito at ganoon pa rin ang resulta. Napapikit na lamang ako at malakas na bumuntong hininga.
Nawalan kami ng kuryente. Kahit pambayad sa kuryente ay hind na ni Papa nagawan ng paraan. Napahilot ako sa aking sentido at kumuha na lamang ng natitirang kandila para gawing ilaw. Pagbukas ko ng ref ay mas lalong umawang ang aking bibig.
Walang laman.
Ni kahit isang delata ay wala! Napalunok ako nang wala sa oras at naisipan kong bumili nalang ako sa labas. Ayoko sanang gumastos nang dahil marami akong problema, pero mamamatay naman ako sa gutom kung hindi ako kakain. Dumiretso ako sa aking kwarto at tinignan ang natitira kong dalawang libo.
You can do this, Selene. I believe in you.
Kumunot ang aking noo nang paglabas ko ng pintuan ay may pumasok na sasakyan sa loob ng aming gate. Napaatras ako ng wala sa oras. Bigla kong naalala ang mga sinabi ng pulis kanina na pinagbantaan si Papa sa mga taong pinagkautangan niya.
Natatakot ako at baka ako ang maging bayad nila.
Pinagmasdan ko nang mabuti ang sasakyan at nakita ko ang dalawang lalaking lumabas mula sa driver's seat at sa passenger's seat. Lumabas din doon ang isang matandang babae.
Her all-white dress and white silhouette scream elegance and luxuriance. Her hair was tied in a bun. Kumukinang rin ang kaniyang suot na perlas sa leeg nito. Umilaw ang mga maliliit na dyamante mula sa kaniyang suot-suot na mamahaling relo.
While the old man was just looking at me straight into my eyes. Nakita ko rin ang pagbalin ng matandang babae. She's not that old. Maybe she's in her mid-forties. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, umangat pa ang labi nito at pinagtaasan ako ng kaniyang kilay.
Sino ba ang mga ito? At ano ang ginagawa nila sa pamamahay namin?
"Ven, honey, is this the daughter of your brother?" pagtatanong nito sa isang matigas na ingles.
Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan ko. Pakiramdam ko ay mahihimatay ako nang wala sa oras. Anong ginagawa nila rito? Nalaman kaya nila ang tungkol sa nangyari kay Papa?
Nakita ko ang dahan-dahang paglapit ng lalaki, kaya napaatras ako ng wala sa oras. Nakita niyang nagulat ako sa kaniyang ginawa at napatawa naman ito 'tsaka ako hinarap.
"You probably know me, hija. Bata ka pa noong dinala ka ni Dominic sa amin. I'm Valentino Verluz. I'm your father's brother." umawang ang aking bibig nang sabihin niya ang mga salitang iyon.
Hindi na ako nagdalawang-isip na magtanong sa kaniya pabalik.
"Anong ginagawa niyo rito?" hindi ko mapigilan ang hindi mailabas ang iritasyon na aking nararamdaman ngayon.
If they probably knew what happened between our family, sana matagal na silang nandito. Sana matagal na nila kaming tinulungan. What do I expect from them?! Masama rin ang pag-uugali nila. Hindi ko malimutan ang mga salitang binitawan nila kay Mama noon. Yes, I was young that time but I am not dumb enough not to know what they're talking about!
"Hindi ko rin alam kung bakit... sa dinami dami nang babaeng nagkakagusto sa kapatid mo, dito pa talaga siya kay Cleopatra!" a witcked voice came from a woman who's very full of herself.
Pinigilan ko ang aking sarili dahil nandito kami sa pamamahay nila ngayon. I gritted my teeth because of anger. Ang kapal nang pagmumukhang insultuhin nila si Mama, mismo sa harapan pa namin! Sa harapan ko!
"We cannot do anything about it. And besides, itong si Cleo nakakatulong naman sa mga negosyo ninyo, hindi ba? Dominic?" nilingon ko si Papa at ganoon pa rin ang eskpresyon niya. Habang si Mama naman ay nakayuko lamang.
"Nasa bahay lang siya, Kuya. Hindi ko siya pinagta-trabaho." tumaas ang aking kilay nang tumawa na naman ang matandang babae.
"Ang swerte naman pala ni Cleopatra kung ganoon, Dominic?" she said in a sarcastic way.
Those words have been engraved in my heart up until now. Na kahit anong pilit kong hukayin at kalimutan ang mga salitang iyon ay hindi ko magawa. Hindi ko kaya. Kaya sa tuwing nakikita ko ang mga taong ito ay unti-unting bumabalik sa akin ang lahat.
Kinamumuhian ko sila. Kinamumuhian ko ang mga Verluz! When I'm old enough to stand up for myself, I will change my surname! I will change it into my mother's surname!
"We are here because we heard the news. Totoo ba na nakakulong ngayon ang ama mo?" nabalik lang ako sa realidad nang magtanong siya sa akin.
"Nasa presinto po siya ngayon. Hindi pa po siya pwedeng bisitahin. Pupunta ako bukas. Pupuntahan ko po siya." malamig kong sabi sa kanila habang hindi iniaalis ang aking paningin.
"Oh dear... I pity you... sa ganyang edad ay... naranasan na ang mga bagay na ito. Buti naman at hindi mo naisipan ang... mag-suicide?" nakita ko ang pag-iling ng matandang lalaki sa asawa nito.
What do you think about me, a fool? Nilingon ko siya at pinagtaasan ko siya ng noo.
My mother raised me with a lot of love, passion, and respect. No one would have dared talk to me like that. Hinding-hindi ako makakapayag na pagsalitaan ako ng mga ganyang salita. Hindi ako pinalaki ni Mama na pagsalitaan lang ng mga masasakit na salita.
"With all due respect, Ma'am. My parents raised me so well. Kaya nga siguro hindi ako umabot sa ganyang punto dahil pinalaki nila ako nang maayos. My life's too precious to end it." a plastic smile was plastered on my face.
Narinig kong tumikhim siya at iniwas ang kaniyang paningin.
"Enough with the talk. Nalaman kong nakasangla ang bahay na ito ngayon. Kung ganoon, saan ka na tutuloy? Bago mangyari ang lahat nang ito ay tinawagan ako ng ama mo. He wants you to be with us for the mean time."
Kumulo ang aking dugo sa kaniyang mga sinabi.
What the hell?! Hindi ako sasama sa kanila!
"Hindi po ako sasama sa inyo. Hindi ko po iiwan si Papa." buo na ang aking desisyon.
I will never leave him. Hindi ko kakayanin 'yun.
"Hija, nag-aalala lang naman ang Papa mo sa'yo." iritado na itong sabi sa akin.
"Ven, kung ayaw niya huwag mo nalang siyang pilitin!" nagkibit-balikat naman ang matandang babae bago ako tinignan nang malamig.
"Kaya ko na po ang sarili ko." tatalikod na sana ako nang bigla siyang nagsalitang muli.
"Kung hindi ka sasama sa amin, anong mangyayari sa'yo dito? Mamamatay ka sa gutom! Or worse! Someone will kidnap you here! Maraming atraso ang ama mo, Selene. It's not safe for you to stay here, alone. Gusto mo ba na mag-alala ang ama mo sa'yo?!"
Natahimik ako sa kaniyang mga sinabi. Natahimik ako dahil totoo naman ang lahat. Bumuntong hininga ako at mas naramdaman ko ang bigat sa aking damdamin. Ano ba talaga ang dapat kong gawin?! Manatili rito? O, sasama sa kanila? Kung mananatili ako rito ay may punto rin naman si Uncle Ven. Wala akong kasama sa bahay, kaya paniguradong madali lang para sa kalaban ni Papa ang kunin ako. Kung aalis ako, maiiwan ko naman si Papa rito.
Nagising ako nang dahil biglang kumulo ang aking sikmura. I slowly opened my eyes and saw a wide bed facing the door. Sa gilid naman nito ay ang malaking bintana. A glass window covered with grey curtains. Narinig ko rin ang malakas na ulan sa labas. Sa gilid naman ay isang set ng sofa at may fireplace.
Dahan-dahan akong bumangon at biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso nang makita ko ang pamilyar na bulto ng isang lalake.
Pinagmasdan ko ito nang mabuti. His muscles were on their right places. Inalagaan pa rin niya ito hanggang ngayon. Umawang ang aking bibig at hindi ko maintindihan ang aking naramdaman nang bigla siyang humarap sa akin.
He is standing near to the fireplace while holding a cup of coffee. Nang magtama ang mga mata namin ay mas lalong bumilis ang pagtibok ng aking puso at napakagat na lamang ako sa aking pang-ibabang labi.
His hooded spanish eyes were looking at me sharply. His jaw clenched while tracing every inch of me. His perfect built was just like a famous sculpture that made from a famous ancient painter. Para akong mahihimatay. Hindi dahil sa takot... kung hindi dahil sa presensya at tingin na ibinibigay niya sa akin.
Anong ginagawa ko rito, kasama siya? Akala ko ay iyon na ang aking katapusan... maybe yes, maybe he wants revenge.
Someone like him didn't know the word 'forgiveness.'
Constantine Fernandez wants a revenge. I see it. I clearly see it from his face that he wants to take a revenge.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top