Capitulo 19


Napakurap-kurap ako at hinayaan ang daliring dumikit sa aking pang-ibabang labi. I couldn't believe what happened last night. I felt his hot kisses on my lips, burning and full of pleasure. I swallowed hard as I parted my lips, closing my eyes as I watched every flash of my memory with that man.

Bakit ko nagawa iyon? Bakit ko hinayaan ang sariling halikan siya nang tuluyan? At bakit niya ako hinayaan na halikan siya? Bakit niya tinugon ang mga halik ko? That was my second kiss, and it's still him. Hindi ba dapat ay sa first boyfriend mo binibigay ang first kiss mo? Bakit sa ikalawang beses ay sa kaniya pa rin napunta?

Binatokan ko ang aking sarili nang maalala ang mga nangyari kagabi. It was a smooth night, but I feel nervous just because of what I saw! Hindi man lang ako nakapagpaalam kay James ng maayos.

"Matagal na kayong magkakilala?" Constantine asked while he manoeuvred the steering wheel of his car.

Napalunok ako ng wala sa oras at hindi ako makatingin sa kaniya ng diretso. Nasa daan lamang ang buong atensyon ko, habang siya ay pasulyap-sulyap sa aking gilid. Ano ang sasabihin ko sa kaniya?! Paniguradong magagalit sa akin si Dahlia kapag nalaman ni Constantine ang totoo, or worst, malaman nila Tita Gorgonia at Uncle Ven! Hindi pa sapat ang kinikita ko sa coffee shop bilang isang staff. Ayokong tumigil sa pag-aaral.

Having that job was my only hope. Doon ako kumukuha nang pang-araw-araw kong gastosin.

"Bago lang," tipid kong sagot sa kaniya.

I feel like he is observing me. He is observing my reactions towards him. Kanina pa ako nagdadasal sa isipan ko na sana ay hindi siya makahalata.

"Malayo ang Manila rito sa Baguio, it takes an hours to get here. Bakit hindi mo kasama ang driver mo?" Pagtatanong niyang muli sa akin.

Napapikit ako nang wala sa oras. Hindi ko inasahan na babatohin niya ako ng mga tanong nagpapatahimik sa akin. Next time, hindi na talaga ako pupunta sa kahit anong party!

I forgot that he is a business tycoon and very famous because of his family name! Bakit kasi hindi ako nag-iingat, eh!

"May sakit ang driver na-namin," pagdadahilan ko sa kaniya.

Nang lumingon ako sa kaniya ay nakita ko ang pag-igting ng kaniyang panga at dahan-dahang pagtango sa akin, bago ibinalik ang atensyon sa daan.

"Kung ganoon, nag-commute ka galing Manila papunta rito?" He is so confused while asking me those things.

Hinihintay niya pa rin ang aking magiging sagot. Hindi naman niya ako minamadali, pero, na-pe-pressure ako. By looking into those hooded and siren eyes of his, it makes my knees tremble!

"Sumabay ako sa kaibigan ko."

I looked at him one more time, and I saw him twitching his lips and his forehead furrowed. Na parang nahihirapan akong paniwalaan.

"Sana hindi mo nalang ako hinatid, ba-baka hinahanap ka na nila James." Pag-iiba ko ng usapan.

Masyado akong nasa hot seat kapag napag-uusapan ang tungkol sa nangyari kanina! Baka iba pa ang masagot ko sa kaniya.

"Bakit ko iisipin ang iba kung nandoon ang fiancee ko, nag-iisa at wala man lang akong alam na wala palang masasakyan kapag uuwi na."

My heart beat so fast when I heard that from him. It's a kind of beat that's very new to me. A beat that I will forever want to dig deeper, so I can have the time to stop it.

"Ayos lang, gaya nga nang sinabi ko kanina, sumabay ako sa kaibigan ko. Atsaka, hindi ko naman alam na nandoon ka rin pala." Sabi ko sa kaniya pabalik.

Nakita ko ang dismayadong pag-iling niya.

Hininaan niya ang kaniyang pagmamaneho at may kinuha ito sa harapan ng dashboard ng sasakyan. Umawang ang aking bibig nang inabot niya sa akin ang kaniyang cellphone.

He handed me his phone for a seconds.

"Save your number here. Kunin mo na rin ang akin," he said and looked at me with gentleness in his eyes.

Kahit na mukha siyang strikto, lalong-lalo na kapag galit siya, pero sa mga tinging ibinibigay niya sa akin ngayon ay unti-unti iyong nagbabago. Ang mga tingin na ibinibigay niya sa akin ngayon ay kakaiba. Ang mga tinging nangungusap, at nag-iingat.

The hell is happening to me?! I shouldn't feel this damn way! Hindi ko pa kilala ang lalaking ito! Pero, bakit may parte sa sarili ko na mas gusto ko pa siyang makilala, aside from being the fiance of my cousin.

Hindi mo siya pagmamay-ari, Selene. He is owned by someone. He is meant for someone else. Kahit anong paghihirap mo sa buhay, kahit na maabot mo pa ang mga pangarap mo, you will never be someone's love. You will never be someone's fiancee.

Si Constantine Fernandez pa talaga?

Inabot ko nalang ang kaniyang cellphone at una kong nakita ang kaniyang home screen wallpaper. It was a picture of him and a horse? Kumunot ang aking noo at hindi ko nalang ito pinansin. I went to his contacts and put my number there. Hindi ganoon karami ang nakalagay doon sa kaniya.

Teka, kukunin ko ba talaga ang sa kaniya? Puwede naman na siya nalang ang tumawag sa akin, hindi ba?

Kaagad ko itong ibinalik sa kaniya.

"Did you put it already?" He asked.

Tango lamang ang iginanti ko sa kaniya. Ang tahimik ng paligid!

Lumunok muna ako, bago ako nag-iisip nang magiging tanong para sa kaniya.

"Alaga mo ba 'yon?"

He gave me a glimpse of look and sighed.

"Yes," he replied shortly.

"Maganda siya," sabi ko sa kaniya nang may ngiti.

"He's a boy, he died last month because of his illness."

Nalaglag ang aking panga nang sabihin niya iyon sa akin. Hindi ako nakasagot sa kaniya.

Kung kailan ka pa talaga magiging daldal, Selene, 'tsaka kapa nagkakamali sa pakikipag-usap?!

"Where can I take you?"

Shit! Hindi ako puwedeng magpahatid sa kaniya sa boarding house namin! Think, Selene, think!

"Just take me to the hotel." Sinabi ko sa kaniya ang address nito.

Sinabi ko sa kaniya na mag-che-check in nalang ako sa isang hotel ngayon dahil masyadong masakit ang ulo ko para bumyahe. He insist to take me to Manila, but I refused big time! S'yempre, hinding-hindi ko siya hahayaan na makarating kami nang Manila!

Nang makarating na kami sa hotel na sinabi ko sa kaniya ay kaagad niyang hininto ang sasakyan.

"Sa-salamat," tipid kong sabi sa kaniya at lalabas na sana ako nang bigla siyang lumapit sa akin at tinanggal ang aking seat belt!

My heart's beating so fast I couldn't even hear my own breathing! Lalong-lalo na nang magtama ang mga mata naming dalawa. Naaamoy ko ang mabango niyang hininga.

Ngayon ko lang napansin ang kabuuan ng kaniyang mukha sa malapitan. He has little dotted freckles when you're so close to him. Kapag nasa malayo ka ay hindi mo ito mamapansin. Mataas ang mga pilik-mata at makurba, ma-arko ang mapupulang labi, ang makapal niyang kilay na magkasalubong na ngayon.

He looks like an intimidating and dangerous man, just like his father, but when it comes to me, he has started to be a gentleman. Bigla nalang siyang nagbago.

Kaagad siyang umalis sa aking harapan, bago ako pinagbuksan ng pintuan.

"Are you okay here?" He asked with full of concern in his eyes.

In this world full of chaos, I saw gentleness in his eyes. Just like a calm ocean, calm waves. Mahinahon, naghihintay ng tamang panahon para umalon sa tamang oras.

"Oo naman, pasok na ako sa loob."

Ngumiti ako ng tipid sa kaniya. He slowly nodded at me and let me go. Hinayaan niya akong umalis at tuluyang pumasok sa loob ng hotel.

Doon lamang ako nakahinga nang maluwag nang makapasok na ako ng tuluyan. I guess, I don't have a choice but to get a room here and sleep here for a night!

Hinintay niya pa talaga akong makapag-check in, bago siya umalis ng hotel.

Pagod na pagod akong pumasok sa loob ng aking hotel room at pabagsak akong humiga roon.

That was the last thing that I remember when I was with him. Ang kinatatakutan ko lamang ay baka magtaka siya at pag-imbestigahan ako.

Or maybe not, because he is a very busy person and has lots of responsibilities, lalong-lalo na dahil Vice President siya nang kanilang kompanya, maliban pa roon ay may iba pa silang negosyo na pinagkakaabalahan nila.

Uuwi akong suot-suot ko pa rin ang isinuot ko kagabi! Mabuti na lamang at may libreng roba roon sa hotel na tinuluyan ko kagabi, kaya maayos lang ang aking pagkakatulog.

It was five o'clock in the morning when I got home from the hotel. Nagulat ako nang sinalubong ako ni Esteban Juan sa labas ng kanilang bahay.

"Saan ka galing?" Iyon ang una niyang bungad sa akin nang makita ako.

Nagtagal ang paningin niya sa akin at sa aking suot-suot ngayon.

"Sa hotel ako natulog kagabi," sagot ko sa kaniya.

Napatigil siya sa kaniyang ginagawa at pinanliitan ako ng mga mata. He lifted his head and look at me one more time, from head to toe.

"Bakit hindi ka sumabay sa amin kagabi? You went with that guy?"

Nanlaki ang aking mga mata at napalingon ako sa kaniya. Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi. Hindi ko puwedeng sabihin sa kaniya na si Constantine Fernandez iyon!

"Yes, he is my boyfriend."

Nalaglag ang kaniyang panga at parang hindi makapaniwala sa isinagot ko sa kaniya. He blinked his eyes a couple of times. Napatikhim siya at kaagad na iniwas ang paningin sa akin.

"I didn't know you have a boyfriend," he said in a baritone voice.

Naninibago ako ngayon kay Esteban Juan. He barely talked to me when I first got here, even in the first week that I moved here. Ngayon ay kinakausap na niya ako. Sa tuwing lumalabas ako nang alas-singko ng umaga o hindi kaya ay ala-sais, palagi ko siyang naaabutan rito sa may balcony ng bahay nila. Tinatanong niya ako kung saan ako pupunta.

I mean, we are not that close to being asked a couple of times about what I am doing or about my whereabouts. Siguro ay mas matutuwa pa si Ricky kung siya ang tinatanong.

"Mauna na ako," hindi ko na dinugtungan pa ang sinabi niya at napatango lamang siya sa aking sinabi.

Nang makarating na ako sa aking kwarto ay kaagad akong naligo. Mamaya ko nalang kakausapin si Ricky tungkol sa nangyari kagabi. Paniguradong hinahanap ako ng isang iyon.

After I took a bath, I went to my bedside table and took out my phone. I charged for it first. Nang magkaroon na nang baterya ay binuksan ko ito. Umawang ang aking bibig nang makita ko ang limang missed calls na nanggagaling sa isang unknown number.

Mas lalong kumunot ang aking noo at nagtipa kaagad ako ng sasabihin.

To: Unknown Number

Who's this?

Ibababa ko na sana ito para makapagsuklay na nang bigla itong tumunog.

From: Unknown Number

You didn't save my number, didn't you?

Napatayo ako nang tuwid nang mabasa ko iyon. May hinala na ako kung kaninong numero ito.

It was from Constantine Fernandez!

Hindi ko alam kung bakit kaagad akong nagtipa ng i-re-reply sa kaniya. Nang bigla na naman akong makatanggap ng mensahe niya.

From: Unknown Number

You should save my number, young lady. I'll contact you every now and then. Take your breakfast now.

I bit my lower lip as I read those messages from him. Napahawak ang isang daliri ko sa aking labi. A small hidden smile was very evident on my face. Buti na lamang at walang nakakakita sa aking ekspresyon ngayon.

To: Unknown Number

Okay.

Sa dinami-dami ng gusto kong sabihin sa kaniya, iyon lang ang kayang itipa ng aking mga daliri. Kailangan kong magpigil.

Kaya ko pa ba ito?

Nabalik lang ako sa realidad nang bigla itong tumunog ulit. Dahan-dahan ko itong kinuha at tinignang muli ang kaniyang mensahe.

From: Unknown Number

I won't text much. I'll call you. If you need anything, just beep me or call me.

Pain slowly flows down my veins. It was like a dagger, slowly stabbing my innocent and precious heart. Kung mali ang magmahal, kung mali ang magkagusto sa isang taong may nagmamay-ari na, patawarin sana ako ng Panginoon sa mga susunod na araw.

I will try my best to keep my distance from him. My only mission here is to pretend that I am his fiance, in the meantime. Hindi ibig sabihin nito ay pang-habang buhay na akong magpapanggap bilang fiancee niya.

Alam kong pagbabayaran ko ang lahat nang ito balang araw. Am I ready to face it? Of course, this is your only chance to have an education, in exchange for your dignity and yourself.

Itinapon ko na lamang ang aking cellphone sa kama at inabala ko nalang ang aking sarili sa pag-aayos ng aking gamit. It will be my demonstration next week. I need to focus. Mas mabuting hindi muna ako pupunta roon o hindi kaya ay bibisita sa mansion nila.

Hindi naman niya alam kung saan ako nakatira ngayon, eh. Kaya, ayos lang kung magpunta siya rito sa Baguio. Iiwas ako kung ganoon.

I am allowed to talk to him when Dahlia asks me to meet him again. Hindi iyong ako mismo ang pupunta roon, nang dahil sa pansarili kong interes. Si Dahlia lang dapat ang sinusunod ko.

"Ikaw, ha! Hindi ka nagsabi sa akin na my boylet ka na pala!" Pagtutukso sa akin ni Ricky, habang pinagmamasdan akong abala sa paglalagay ng coffee sa isang cup ng customer.

We are both have a work here in coffee shop. Siya ang tagalinis, at tagahatid ng mga orders, habang ako naman ay sa pag-mi-mix ng inomin.

Pagkatapos kong i-kuwento kay Ricky ang nangyari noong isang gabi, hindi na niya ako tinantanan tungkol sa pagkakaroon ko nang boyfriend 'daw'.

"Huwag kang mag-alala, maghihiwalay din kami nun." Sarkastiko kong sabi sa kaniya.

Binatokan niya ako nang wala sa oras at sinipatan ko lamang siya. Nadulas ang dila ko at nasabi ko sa kaniyang sumama ako sa boyfriend ko kagabi.

"Ikaw talaga! Ipakilala mo naman ako sa boylet mo, sige na!"

Kanina pa ako naiirita sa kaniya, pero hindi ko kayang pagalitan siya dahil kaibigan ko siya. She is just too overwhelmed and happy about what she heard about me.

"Masyado 'yung busy, Ricky. Wala iyong time para sa'kin." Pagsisinungaling ko sa kaniya.

Magsasalita pa sana siya nang biglang may tumawag sa akin.

"Selene!"

Napalingon ako at nakita ko ang manager namin na papalit sa aming direksyon. Nang matapos na ako sa aking ginagawa ay kaagad akong humarap sa aming manager.

"May gustong kumausap sa'yo. Nasa table number seven. Puntahan mo nalang at kunin mo na rin ang order niya," ani manager.

Tumango nalang ako sa kaniya at sinenyasan ko si Ricky na umayos sa pag-ta-trabaho at baka mapagalitan na naman siya, gaya nang nangyari noong nakaraang linggo.

Nang makita ko ang tinutukoy ng aming manager ay napahinto ako.

A young woman, with her usual burgundy long hair, sits pretty perfectly with her fitted floral dress. She removed her black butterfly sunglasses and looked at me.

Kinabahan ako bigla nang makita ko si Dahlia.

She smiled at me, "It's been a long time, my cousin. I miss you!"

Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa mga sinasabi niya o sadyang sarkastiko lamang siyang makipag-usap sa akin.

Ang huling nabalitaan ko sa kaniya ay nasa Spain pa siya. Anong ginagawa niya rito?

Did she suddenly changed her mind?

She wants to meet her fiance now?



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top