Capítulo 17

Nagising ako nang unti-unting tumatama ang sinag ng araw sa aking mga mata. Kinusot ko ang mga ito at dahan-dahan na bumangon.

Bumuntong hininga ako at napatitig ako sa kumot na nakapalibot sa akin ngayon. The sheets still smell like him. His room was filled with his perfume, and it has lasted until now. Makapal ang kaniyang kumot at halatang mamahalin talaga ang mga ito. Napalingon rin ako sa air-conditioned na nakalagay ngayon sa itaas ng gilid ng kaniyang bintana.

Ngayon ko lang napansin na malaki pala ang kaniyang kwarto. May sofa pa ito sa gilid at may malaking television sa gitna. Sa bawat gilid naman ng kaniyang kama ay may dalawang lampshades.

The curtains were swaying because of the wind from the outside. Kumunot ang aking noo at napansin kong bukas ang pintuan roon. May veranda rin pala siya rito?

His room was designed and inspired by a modern style. His sheets were coloured black and white, even the curtains. Well, he's a man; guys like him want simple and plain colours. Inilapat ko ang aking palad sa aking noo at napansin kong medyo mainit pa rin ako. Ito ang pinaka-ayaw ko, eh. Madali akong magkasakit kahit na magpa-ulan lang ako sa labas ng ilang minuto, o hindi kaya ay maligo ng ilang minuto ay lalagnatin kaagad ako. I have weak protein and nutrition; that's why I get sick immediately.

Babangon na sana ako nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa roon ang isang Constantine Fernandez na may dala-dalang isang tray ng pagkain. Tumikhim siya at dahan-dahan na naglakad papunta sa aking direksyon. Bigla ko tuloy naalala ang mga nangyari kahapon. I blamed myself for ruining their bond, together with his cousins. Narinig ko rin na sumunod kaagad ang kaniyang mga pinsan noong nakauwi na kami rito kahapon. Tinawagan niya kasi ang mga ito at nag-aalala rin siya, dahil lumakas ang pagbuhos ng ulan at baka mahirapan sila sa pag-uwi.

He slowly put the tray beside the bed. I saw a cup of soup and a cup of milk. Sa gilid naman nito ay ang gamot at ang thermometer. I looked at him, and he brushed his wet hair while straightly looking at the tray. I realised and noticed the colour of his eyes. His eyes were coloured grey, but they're not that visible when they're not hit by the sun. He is wearing his usual outfit. The grey-sweatpant black t-shirt. Ibang-iba siya sa Constantine noong nakita ko noong unang pagpapakilala ng kaniyang ina sa akin.

"Dinala ko na ang pagkain mo rito. I know that you're still not fine," sabi niya, sabay kuha ng mga kubyertos.

Kaagad ko itong kinuha sa kaniya at umawang naman ang kaniyang bibig. Naninibago lang talaga ako dahil hindi masyadong kumikibo. Mas gusto ko pa iyong nag-aaway kaming dalawa, hindi ganito! Hindi ako sanay!

"Ako na," tipid kong sagot sa kaniya.

He is just watching me while I am busy preparing the meal in front of me. Teka, hindi pa ba siya aalis? Don't tell me, maghihintay na naman siya? Kagaya kagabi?

Tama nga ang hinala ko, naghihintay lang siya na matapos ako sa aking pagkain. Umupo siya sa aking harapan, habang pinagmamasdan akong kumakain.

This is fucking awkward!

"Wala ka bang gagawin sa baba?" Hindi ko na mapigilan ang hindi magtanong sa kaniya.

No one will be comfortable if someone looks at them eating their food! Kung hindi ka lang talaga guwapo!

Sa tuwing nakikita ko siya at pinagmamasdan nang matagal, mas lalo lamang siyang nagiging kamukha ng kaniyang kapatid na si Manuel Fernandez.

"No."

"Puwede ka nang umalis, baka kasi... mabagot ka." Pagdadahilan ko sa kaniya.

I heard him sighed and gave me a lazy look. Tama nga ako!

"Hindi na, hihintayin nalang kita. I want to make sure that you'll take your medicine." Panigurado niyang sabi sa akin.

Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi. The reason I didn't take the whole tablet was because I could not swallow it properly! Masyadong malaki ang gamot at hindi ako komportableng inomin ito! Kaya nga siguro hindi pa rin ako nawawala nang lagnat.

Wait, alam niya? Paano niya nalaman? I put the other half in the garbage can.

"I will take my medicine. You don't have to worry about that," pagdadahilan ko sa kaniya. S'yempre, hinding-hindi ko sasabihin sa kaniya na hindi ko iyon ininom, no!

He smirked at me and was amused just because of my reasons. Ipinagsalikop niya ang kaniyang mga palad habang nakatitig pa rin sa akin.

"Oh, really? That's why you throw away the other half of your medicine that I gave to you last night." Sarkastiko niyang sabi sa akin.

I rolled my eyes on him! Ganito ba talaga siya? Bakit kailangan niyang pakialaman kahit sa pag-inom ko ng gamot? Bakit siya nangingialam na para bang magulang ko siya?! I couldn't help but get irritated just because he was protective at some point!

"Ano naman ngayon kung hindi ko iinumin ang kalahati ng aking gamot? Hindi naman ikaw ang may lagnat," pagalit kong sabi sa kaniya, bago ko tinapos ang panghuling subo ng pagkain.

"I am just concerned about you, Dahlia. Bakit hindi mo iniinom ng buo ang gamot mo? I saw you; you threw your medicine in the trash can. Ayaw mo ba na gumaling ka sa lagnat mo?" His voice raised a bit but controlled with his emotions.

"Hindi ko siya kayang inomin ng buo, Constantine. Masusuka lang ako," pag-amin ko sa kaniya.

His jaw dropped, and he couldn't believe what I had just said to him. Napakurap-kurap siya at napalunok nang wala sa oras. His expression remains strong and cold, but the genuineness in his eyes is very evident.

Hindi siya umimik sa aking mga sinabi at kaagad na tumayo. Kinuha niya ang gamot ko at kaagad na lumabas ng kwarto nang walang paalam.

Napaubo ako nang wala sa oras. He hasn't shown up again for almost an hour now! Lalabas na kaya ako? Paano kung nandyan na pala 'yung mga magulang niya? Ano ang sasabihin nila kapag naabutan nila ako rito sa kwarto ng anak nila? Baka kung ano pa ang isipin ng mga iyon.

I started to feel cold again. I touched my skin, and it's hot already! Kinuha ko ang thermometer sa ibabaw ng kama at ginamit ko iyon. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang temperatura ng aking katawan!

"Shit..."

Lalabas na sana ako para uminom ng gamot at pagalitan si Constantine dahil hindi na ito bumalik pang muli sa kaniyang silid at hinayaan lamang niya akong mamatay dito nang dahil lamang sa lagnat!

I opened the door, and I saw a tall woman wearing a white lab coat. Ngumiti ito sa akin at kaagad na itinapat ang palad sa aking noo.

"You were right Mr. Fernandez, she is sick." Sabi nito at kaagad na inilabas ang kaniyang stethoscope.

She checked me up and I couldn't move! Nagulat kasi ako sa biglaang pagdating nilang dalawa. Lalong-lalo na nang makita ko si Constantine na nakapag-kibit lamang ito ng balikat, habang pinagmamasdan ang isang doktor na babaeng gumagamot sa akin.

"Hindi na kasi ako makampante, doc." Pagdadahilan pa niya.

Che! Ang sabihin mo, ayaw mo lang ng responsibilidad!

"It's a good thing that you called me earlier." sabi ng doktor sa kaniya at humarap naman ito sa akin.

"Hija, you have to take care of yourself, 'kay? I'll give you medicine to help you get better. Normal lang talaga ngayon na magkaroon ng lagnat." Pagpapaliwanag ng doktor sa akin.

Wala akong ibang magawa ngayon kung hindi ang mapatango na lamang sa lahat nang kaniyang mga sinabi.

Nang matapos na ito sa kaniyang ginagawa ay tumayo na ito at kinuha ang mga gamot mula sa kaniyang isang itim na bag.

"Hija, these are your medicines."

Pinagmasdan ko lamang siya nang biglang nagsalita si Constantine sa aming gitna.

"Doc, she's not capable of swallowing the tablet medicines. Perhaps you have syrup?" Pagtatanong nito sa doktor.

Kaagad akong umangal at pinigilan siya sa kaniyang ginagawa. Ayos na ako roon sa tablet na gamot!

"Naku doc, huwag na po kayong mag-alala sa akin. Marunong na po talaga akong uminom ng gamot!" Pagsisinungaling ko sa kaniya at mukhang na-convince naman ang babaeng doktor sa aking mga sinabi.

Constantine just showed up in front of me!  Tumabi ito sa akin at pinigilan ako sa aking pagsasalita nang dumampi ang mga kamay niya sa aking bewang. I was too stunned to speak!

"I'm sorry, doc, but she's not really good at swallowing the medicine. I don't want to risk my fiancée's life just because she's not able to drink it." Sabi nito sa doktor.

Pinagmamasdan ko lamang siya habang sinasabi niya ang mga iyon sa doktor. Napakurap-kurap ako at sumagi sa isipan ko si Dahlia.

If she's the one who played with Constantine, her real fiance, for sure she'll have doubts about not marrying him. Pero, bakit ko naman iyon po-problemahin? Eh, nandito lang naman ako nang dahil lamang sa pera.

Humagikhik ang doktor sa aming harapan at nagtagal ang paningin niya sa amin ni Constantine. Dahan-dahan kong inalis ang kaniyang mga kamay sa aking bewang at pinandilatan ko siya ng aking mga mata.

"You don't have to worry about that, Mr. Fernandez. I have a syrup here. She can take this medicine if she's not comfortable with the tablet one."

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Constantine sa aking tabi at kaagad na kinuha ang syrup na kagaya lamang ng ibinigay sa akin ng doktor.

"Thank you, doc!" he's happily said it to the doctor.

Nang matapos na siya sa kaniyang ginagawa ay tuluyan na itong lumabas ng silid. Kaagad kong ininom ang syrup na ibinigay niya sa akin kanina.

Ngayon ko lang rin napansin kung gaano siya mag-alaga sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Even me, that his fiancée. Kahit hindi pa kami kasal at hindi pa niya ako lubosan na kilala ay inaalagaan talaga niya ako ng sapat.

Kahit na minsan ay naiinis ako sa pagmumukha niya! He looks so arrogant and boost full!

"If you need something, just call me okay? I have my monitor beside the bed. Pindotin mo lang iyon at babalik kaagad ako rito." Sabi niya sa akin habang nakapamewang sa aking harapan.

Tango lang ang iginanti ko sa kaniya at hinayaan na siyang lumabas sa silid, dala-dala ang isang tray.

Iyon lang ba talaga ang pakay niya kung bakit niya pinapapunta ang doktor rito sa kanila? Just to check on me because I don't want to take my medicine?!

Iba rin ito si Constantine, eh!

Matutulog na sana akong muli nang biglang tumunog ang aking cellphone. Nagmamadali kaagad akong lumapit rito at binuksan kung sino ang tumatawag.

It was...

Dahlia.

Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso at nilingon kong muli ang pintuan ng kwarto ni Constantine. Thank God, walang tao.

Pumasok ako sa veranda ng kwarto niya at doon ko sinagot ang tawag ng aking pinsan.

"What's up?" Natatawa niyang pagtatanong sa akin.

Kumunot ang aking noo at hinayaan na lamang ang sariling maghintay sa bahay, kaysa sa lumandi. Pero, ayos lamang iyon dahil hindi ko naman iyon boyfriend!

He's not my type, okay? I still don't have a boyfriend. Hindi dahil sa hindi ako maganda o attractive, dahil iyon sa estado ng buhay ko, sa estado na ginagalawan ko ngayon. Marami pa akong pangarap sa buhay at hindi kailanman sumagi sa isipan ko na isama ang pakikipag-relasyon sa ibang tao. I am more firm and strong with the principles that I have created for myself.

Ang kinatatakotan ko lamang ay ang mapaso. Mapaso sa isang apoy kung saan nandoon ang iba't-ibang problema ng bawat-isa. I don't want to feel the fire burning in my skin and in my heart. The real love was not felt by fire; it should be felt with light and a genuine spark of feelings, emotions, and life.

"A-ayos naman. Ganoon pa rin, sinusubukan ko pa rin ang makisama sa kaniya." Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya.

Medyo nairita ako sa naging ekspresyon niya nang dahil sa mga sinabi ko.

"I told you! Pati ikaw ay ayaw sa kaniya. I don't really understand why Mom wants a simple man and a baduy, just like my fiance! "

Napangiwi ako sa kaniyang mga sinabi. Mahirap sabihin sa kaniya na kontra ako sa mga lumabas sa kaniyang bibig. Hindi niya hinanap ang kahit anumang social media ni Constantine Fernandez. Na kahit Facebook nito ay naka-pribado at hindi basta-bastang nabubuksan.

She hasn't met Constantine yet. Paniguradong mag-iiba ang pakikitungo niya rito kapag nakita na niya ito sa personal. She didn't even care about her fiancé's existence!

Kahit masama ang ugali ko, at kahit na naiinis ako kay Constantine, there was still another side to him that showed how good he was as a person. Napatunayan ko na iyon, simula kagabi.

He is cold and arrogant when you're with him. Iyong pakiramdam na parang hangin ka lamang sa harapan niya. The way his forehead furrowed was like judging the existence of someone's life. The way his eyes flinched when he's mad and the way his jaw clenched when he saw something he didn't like. Lahat iyon ay na-obserbahan ko lamang ng isang araw.

Humagikhik si Dahlia sa kabilang linya. Napakurap-kurap ang aking mga mata at parang bumalik ako sa realidad ng aming mga buhay.

"Am I right, Selene? He looks like a baduy to you?" Natatawa pa niyang pagtatanong sa akin.

Kahit na umayaw ako sa kaniya, at kahit na sabihin ko ang katotohanan, ay hindi ko pa rin magagawa iyon sa kanila. I lived with them, together with Uncle Ven and Auntie Gorgonia. Alam ko rin na nagmana itong si Dahlia sa kaniya.

"Parang ganoon na nga..." tipid kong sagot sa kaniya.

"I told you! Buti nalang talaga at hindi ako ang nandiyan! Anyways, I'll call you back, okay? I am just checking on you. Nandiyan na ang mga kaibigan ko."

Magtatanong pa sana ako sa update ng kaniyang mga magulang, nang bigla na niyang ibinaba ang kaniyang cellphone at pinatay ang aking tawag.

Hindi man lang niya ako in-update sa mga magulang niya!

Inis akong napabuntong hininga at kaagad akong bumalik sa loob ng kwarto. Paano ako makakaalis ng mansyon ngayon na hindi niya ako pagdududahan? Ayokong umabsent sa pasukan namin, pero, nilalagnat pa rin kasi talaga ako.

Nang nabagot ako sa loob ng kaniyang kwarto ay napag-desisyonan ko nalang ang bumaba. Naabotan ko si Reina na naglilinis at nag-aalis nang mga alikabok sa mga malalaking vase na naka-display sa bawat gilid ng hagdanan ng bahay.

"Good afternoon po, Ma'am! Kamusta na po kayo?" Nakangiting pagtatanong nito sa akin.

"Nilalagnat pa rin pero okay na," tipid kong sagot sa kaniya at nginitian ko na rin siya pabalik.

Naglakad ako papunta sa kanilang kusina para uminom ng tubig. Sumunod sa aking likuran si Reina, habang dala-dala pa rin ang kaniyang basahan.

"Naku, Ma'am! Uso raw po talaga ngayon ang lagnat! Kaya labis-labis lamang po ang pag-aalala ni Mr. Fernandez, noong nilalagnat po kayo." Pag-ku-kwento sa akin ni Reina.

Nilingon ko siya at mas lalong naging interesado sa kaniyang mga sinabi. It's okay to gossip some information, right? Wala rin naman ang mga pinsan niya rito, mukhang bumalik na nang Manila.

Hindi ko alam kung bakit nagpaiwan pa rin siya dito. Narinig ko kasi siya kagabi, tinawagan siya ng kaniyang sekretarya, pero, ang isinagot niya lamang rito ay hindi muna siya makakabalik sa opisina dahil may inaasikaso raw siyang importante rito.

I smirked because of what I had thought about it. Huwag mong isipin na ikaw ang importanteng tinutukoy ni Constantine, Selene. Ang suwerte mo naman kung ganoon, hindi ba?

Kapal nang pagmumukha mo.

"Hindi na niya kailangang mag-alala pa nang sobra. Normal lang ang lagnatin," sagot ko sa kaniya, sabay lunok ng aking tubig.

Nakita ko ang panlalaki sa mga mata ni Reina at kaagad akong sinagot pabalik.

"Natulog po si Ser Constantine sa katabi ng kaniyang kwarto, para lamang po mabantayan kayo! Naku, Ma'am! Sobrang nag-alala po si Ser, eh. Hindi pa naman po iyon nakakatulog nang walang aircon. Kaya nga siguro pinalipat niya iyong dalawang electric fan na kadalasang ginagamit sa labas para gawing hangin sa bakanteng silid sa katabi ng silid niya."

Natigilan ako sa aking pag-inom at napatitig kay Reina. She is very serious while saying those things to me.

I couldn't imagine Constantine would do that! Hindi naman niya kailangang gawin iyon. Puwedeng-pwede naman siyang matulog sa kwarto niya. Dahil lilipat naman ako sa guest room.

Hindi ako makasagot sa lahat nang mga sinabi ni Reina sa akin. It was instilled in my mind, and I keep repeating it like it was, at least, a favourite part of my brain. Hindi iyon maalis sa isipan ko.

Hinanap ko siya, pero hindi na ako nagtanong kay Reina kung nasaan siya ngayon. Ayokong pag-isipan ako ni Reina na nagugustuhan ko na rin si Constantine, dahil ang totoo, hindi. As much as I can hold on and as much as I can stop it, I won't risk getting myself involved in those kinds of situations. Nakakatakot magmahal.

Dumiretso ako sa may likuran nila at nakita ko siyang nag-e-ensayo sa labas. He was jogging a bit and doing some exercises. May mga dumbbells rin sa gilid niya.

I swallowed hard when I saw his biceps flinched every time he held the dumbbells. The sweat on his face and his body were the results of his hard work. I looked at him, and his expression changed when he started doing some heavy exercises. He's breathing heavily; the sweat on his forehead slid slowly down to his pointed nose, down to his half-open lips.

Nagpapasalamat ako't hindi nakikita ang loob ng pintuan na kinatatayuan ko ngayon. It was tinted outside, and I can see properly the things that the man is doing outside!

Teka, bakit ko nga ba ito pinapanood ngayon? Bakit ko siya pinapanood habang nag-e-ensayo?! What the heck!












Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top