Capítulo 12


Tuluyan na kaming pumasok sa loob ng mansion. I was more amazed when I saw the structure of the house! The high ceiling was made of ancient Greek. The pictures of the gods and goddesses were perfectly engraved. In the middle of it was an expensive, handmade suspension chandelier. The height of this chandelier was composed of seven layers of more than five hundred single hanging pendants. Kumikinang ito nang dahil sa sariling ilaw.

Nailipat ko ang aking paningin sa dalawang sofa na magkatabi lamang. Ang mga ito ay napapalibutan ng kulay ginto. Even the carpets on it was made of the color of gold! May mga picture frames rin sa pader, at bawat tables ay may mga nakalagay rin na lamp shade. It was actually a lamp shade that was inspired by the classical era. Ang napakalaking family picture nila ay nakasabit sa kabila, papuntang hagdanan.

Umawang ang aking bibig at unti-unting lumapit sa direksyon na iyon. Ngayon lang ako nakakita nang ganito kalaking pictur frame! Ang nasa gitna ay si Mrs. Ophelia Fernandez, at ang katabi naman nito ay ang kaniyang asawa na naka-business suit rin. It was Manuel Fernandez, Sr. Sa magkabila naman nila ay ang isang naka-business suit na ang panganay na anak nilang si Manuel Fernandez, Jr.

Nanliit ang aking mga mata at pinagmasdan kong mabuti ang kabuuan ni Constantine. He is wearing a grey business suit. His v-clean hair cut makes him more attractive in any way. The structure of his face was perfect. Those hooded Spanish almond eyes were screaming dark and power, down to his thick eyebrows, nose, and lips... mas nagtagal ang paningin ko sa kaniyang mga labi. Magkasingtangkad lang sila ng kapatid niyang lalaki.

On the other hand, his brother, Manuel, has a more serious-looking, maputi rin ito at mas pumaibabaw ang dugong bughaw at espanyol. He was like the second-younger version of their father.

"That was our first picture together, as a family."

Nabaling lamang ako nang marinig ko ang boses ni Mrs. Fernandez. She smiled while looking at the big frame in front of us.

Nagtaka akong tumitig sa kaniya.

"God! I can still clearly remember that I had to force Constantine to join us for a family picture!" Natatawa niyang pag-ku-kuwento sa akin.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa aking sling bag.

"Bakit naman po?"

"He was out of the country, at minsan lamang kung umuwi rito sa amin. I am glad that he changed, hija." Mas lalo akong nawindang sa mga sinasabi niya.

"Oh, sorry, my bad. I didn't mention this to your mother, kaya ka siguro nagtataka. My son, Tino, isn't interested in our business. . Kaya mas pinili niyang magbulakbol when he was in college, even after he graduated from college! Buti na lamang at nagbago at nagtino na ngayon."

"Bakit po? Ano po siya noon?"

She rolled her eyes to me like she is excited to share everything to me about the background of his son.

"When my eldest son, Manuel, got married, He started to take care of the company as the president since Melanie was having a hard time during her pregnancy. Kaya, kailangan talaga na pagtuonan ng pansin. Ngayo na nanganak na siya, Manuel will also get back to his position as president. While Tino took over the position of Vice President." Pagpapaliwanag sa akin ni Mrs. Fernandez.

Tango lamang ang iginanti niya sa akin habang nakikinig ako sa mga sinasabi niya. I don't have comments on that. Siguro, kung si Dahlia ang nandito ay magkakasundo talaga sila dahil parehas naman silang mayaman at magkaibigan pa ang mga magulang nila.

"Join me, hija. Let's have merienda." Sumunod ako sa kaniya sa may veranda sa labas ng kanilang bahay.

Umawang ang aking bibig nang makita ko kung gaano ito kalaki. Malaki ang espasyo ng lupain. Sa gilid naman nito ay ang napakalaking swimming pool! The vermuda grass looks so healthy! Talagang inaalagaan nang maayos.

The maids prepared everything, the foods, the drinks, at may mga sun loungers pa sa gilid ng swimming pool nila. The cinnamon and the hot chocolate makes my stomach ache a bit. Natatakam ako sa mga pagkain pero nakakahiya naman kung lalantakan ko 'yan kaagad sa harapan niya.

"How about you, hija? I have heard that you took the Architecture. Is it true?" Pagtatanong niya sa akin habang sumisimsim sa kaniyang tea.

Nakakahiya, ang mga katulong nila ay nasa gilid lamang, naghihintay na utosin niya. They have their own uniforms!

Sht! I almost forgot to ask what the course of Dahlia was! Napalunok ako at tumango na lamang. Tangina, kailangan ko pa na i-kumpirma mamaya sa kaniya kung totoo ba na Arkitektura ang kinuha niyang kurso.

"Yes, Tita." Maikli kong sagot sa kaniya.

Nanlaki ang kaniyang mga mata at natutuwa ito sa aking mga sinabi.

"Really? Kung ganoon, puwedeng-puwede ka mag-trabaho sa kompanya namin. I know your parents have their own businesses, but it is actually a great idea to merge, right? You know, we offer resorts, villas, and hotels, and we really need architects. Baka, gusto mo, hija..."

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. Anong isasagot ko sa kaniya?!

"That's a great idea po, Tita. Sasabihin ko po kay Mommy," sagot ko.

"Oh, 'di ba, I told you! Since your parents have a firm and we also have a huge business that focuses on hotels and resorts, we can do the merging. Magpapakasal rin naman kayo ng anak ko. Kaya, magandang ideya iyon."

Sa inyo po, sa akin hindi. Magiging guro po ako. That is my dream. That is where I almost get my hopes, despite this harsh and abusive reality. Ayaw ko nang magarbong buhay. Kung magmamahal man ako, pipiliin ko 'yung lalaking kaya ko lang abutin at simple lang ang buhay, na kailangan niyang mag-tiyaga para sa kaniyang pamilya.

Hindi katulad nito. The parents will spoon-feed everything to their child. Binibigay nila lahat-lahat. I don't have a problem with that, because they are the parents. Ang problema riyan ay kung kaya ba niyang maging independent? Constantine was born rich; he inherited not just the genes of his parents but also the power and wealth.

He had everything...

Kahit ang pag-aasawa ay nakatadhana na sa kaniya. He didn't even need to ask for it. Kasi, kusang binibigay sa kaniya. In just a tip of his fingers, makukuha na niya kaagad.

Wealth? Yes

Power? Yes.

Women? Yes.

Love?

Iyan ang hindi ko alam. Nagmahal na kaya ang isang tulad niya?

Hindi ako nakasagot sa mga sinabi ni Mrs. Fernandez. Dahil kahit sa anong sulok ng mga salitang iyon, ay hindi ako sang-ayon. Kung hindi lang dahil sa pangarap ko at sa pangarap na makalaya ang aking ama ay hinding-hindi ko ito gagawin.

"Oh, nandito na pala sila!" Nabalik lang ako sa realidad nang sabihin niya iyon.

Napalingon ako sa malaking gate nang dahan-dahan itong binuksan ng kanilang mga gwardiya. Pumasok ang isang mamahaling sasakyan at kaagad itong nag-park sa gilid.

Lumabas ang dalawang lalaki. The other one was wearing a black cap, and his simple grey shirt was making him look attractive. Nakasuot rin ito ng itim na short at mamahaling sapatos.

Ang huling lumabas ay ang nagmamaneho. He is slowly walking in our direction. He is wearing a white polo that is perfectly folded into his forearms. The black slack and his leather black tick-tack shoes were fucking expensive! Nakita ko rin na suot-suot niya ang mamahaling bagong labas ngayon ng Michael Kors watch! Kagayang-kagaya ang nakita ko sa picture frame kanina. I am just even more shocked that he is attractive in all ways. His muscles were strong and very firm. Matipuno ang mga ito. Halatang inaalagaan sa gym. The veins on his arms down to his hands were very evident because he was holding the case of his laptop. Mas maputi siya sa personal. Magulo ang kaniyang buhok nang dahil siguro sa hangin. Even when his hair is messy, he still looks handsome! Aaminin ko, gwapo siya. I can't even describe him properly because I can't concentrate! Na-i-intimidate ako sa presensya niya.

Lalong-lalo na nang yumuko siya at humalik sa noo ng kaniyang ina. Kaagad niyang inayos ang salamin niyang suot bago ito tumingin sa kaniyang ina. Niyakap niya ito pabalik.

"I am so glad you came home early!" Masayang sabi ni Mrs. Fernandez.

"I just have a few things that I fixed in Zambales. I received your call this morning, kaya nagmamadali akong umuwi rito. What is the emergency, by the way?"

Hindi niya ako nilingon. Nilingon niya lang ako nang itinuro ako ng kaniyang ina.

His hooded eyes bore into me like I was the culprit in this family. His forehead furrowed while he looked at me seriously.

"Hijo, wala naman talagang emergency eh. Nasabi ko lamang iyon dahil alam kong magtatagal ka na naman sa Zambales! I have already told you that your fiancee will visit you this month! Kaya, heto siya. Meet Dahlia Eleonora Verluz." Naglahad ng kamay ang kaniyang ina at kaagad akong tumayo at naglahad ng kamay sa kaniyang bunsong anak.

Ngumiti pa ako bilang pagbibigay respeto sa kaniya.

Nagtama ang aming mga mata at nakita ko ang multong ngiti sa kaniyang mga labi. He smirked at me and held my hand. My hand felt so small when he captured me wholly.

"Nice to meet you, Ms. Verluz." Sabi niya sa akin sa isang matigas na ingles.

"Nice to meet you, Constantine."

"Oh don't bother, just Tino, baby." He said in a husky voice.

Tinapik ng mahina sa balikat si Constantine at ngumiti lamang ito ng sarkastiko sa kaniyang ina.

"Magbibihis lang muna ako," pagpapaalam nito sa kaniyang ina.

Hindi man lang nagpaalam sa fiancee niya!

What a rude!

"Hija, hayaan mo na si Tino. Ganyan lang talaga siya pag-pagod."

Ngumiti na lamang ako ng tipid sa kaniya. Buti na lamang at nawala na siya sa aming paningin at sumunod naman ang dalawang lalaki sa kaniya. Humalik pa ito sa pisngi ni Mrs. Fernandez, bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay.

Mukhang mga kaibigan niya ang mga iyon.

"Those are the friends of Constantine, hija. Mamaya ay darating naman ang mga pinsan niya."

Kung ganoon? Bago mangyari iyon ay kailangan ko nang umalis. Hindi ako puwedeng magtagal rito. Paano nalang kung wala akong masasakyan sa labas? Tama. You need to go home early, Selene. Sapat na rin naman siguro ang ilang oras na pananatili ko rito. Dahlia just wants to have a presence here on behalf of her parents. Kaya, ayos na ito.

"Tita, can I go home early? I have a lot of things that I need to do." Magalang kong sabi sa kaniya.

Nakita ko ang pagkadismaya niya sa aking mga sinabi, ngunit hindi ko na lamang iyon pinansin. Alam ko naman na hindi ako kilala ng mga pinsan ng lalaking iyon, pero mas mabuti na 'iyong nag-iingat ako.

"Oh, ganoon ba hija? Are you sure you're not going to join us for dinner?" Nalulungkot niyang sabi sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya at unti-unting tumango.

"Okay, wala naman akong magagawa diyan. This will be not your last visit, am I right? Bibisita ka pa naman ulit dito."

"Oo naman po!" Nginitian niya ako at kaagad na niyakap.

"How about your driver?"

Kaagad ako nag-isip ng i-da-dahilan.

"I'll contact him right away, Tita."

"Kung ganoon, join us for lunch! Please, hija." Napamura ako sa aking isipan at tumango na lamang ako.

Sumunod ako sa kaniya papuntang dining area at nakita ko ang mga iba't-ibang pagkain roon na nakalapag sa kanilang lamesa. Isa-isa iyong inilagay ng kanilang mga katulong. Kaagad akong umupo roon.

"Pakitawag nga kay Tino. Sabihin mo sa kaniya na kakain na tayo ng lunch. We will take lunch early." Pag-uutos nito sa katulong, bago ito umalis sa aming harapan.

Nag-kwentuhan muna kami ni Tita Ophelia nang makita ko ang paparating na isang Constantine Fernandez. He brushes his messy hair while holding his phone in his left hand. Nakasuot na ito ngayon ng isang puting shirt at itim na short. I think he just got finished with a bath. Amoy na amoy ko pa ang fresh mint na ginamit nito.

"Sit, hijo."

Kaagad itong umupo sa katapat ko at nagtama ang aming mga mata. He smirked at me, again.

Sumunod rin ang kaniyang mga kaibigan. Umupo ito sa katabing upuan niya sa harapan.

"Good afternoon, Tita." Pagbati nitong muli.

"Ikaw ha, Paul, nabalitaan ko na may inuwi ka raw na girlfriend sa bahay ninyo! Your mother called me!" Namula ang pisngi ni Paul sa sinabi ni Tita Ophelia at pinagtawanan naman siya ng dalawa.

"Tita, masanay na po kayo kay Paul." Sabi noong isa. He has kinda curly hair. Bumagay ito sa pagmumukha niya.

"Hay naku, kayo talagang mga lalaki." Sabi ni Tita sabay iling.

"Well, Paul will change if he will get married soon." Sabi noong isang kaibigan nila.

"Yes, you're right Timothy! Look at Constantine, buti na lamang at hindi tumulad ito kay Jonas."

Napalingon ako sa direksyon ni Constantine at nakita kong tahimik lamang itong kumakain sa upuan niya. He didn't even smile at me! Para akong hangin na nasa harapan niya. What the hell?!

"I am already tight with my schedules. I don't have time for that," malamig na sagot nito sa kaniyang ina.

"You should be, hijo. Pero, you should give time also to your fiancee, ha. Lalong-lalo na dahil nandito siya."

Napalunok ako ng wala sa oras. Nakita ko ang panliliit ng mga mata ni Constantine, bago pinunasan ng table napkin ang kaniyang pang-ibabang labi.

"Kung oras lang rin ang pag-uusap, wala akong problema riyan. We are bound to marry each other, right? I can give all my time to her once we get married. That's all what marriage means right?"

Napainom ako ng tubig nang wala sa oras. Ano ba ang pinagsasasabi ng lalaking ito?! Why can't he just be a good person kahit ilang oras lang? Bakit parang ang rude niya?

Tama lang talaga ang desisyon ni Dahlia na hindi magpakasal sa lalaking ito!

"I am so excited about the wedding!" Sabi ng kaniyang ina.

Aatakihin ata ako sa puso nang dahil sa mga napag-usapan ngayon.

"Are you done with your studies?" Pagtatanong nito sa akin habang patuloy itong naghihiwa sa kaniyang steak.

"Not yet," maikli kong sagot sa kaniya.

"How old are you?"

Ilang taon na ba si Dahlia?

"I'm twenty."

Nineteen years old to be exact, turning twenty this coming July.

"Good. We can produce more babies. You're still young."

Produce babies?! Anong ibig niyang sabihin? Bubuntisin niya ako ng maaga?

Hindi ako nakasagot sa kaniya pabalik. Buti nalang at hindi na rin siya nagsalita pang muli.

Kaagad akong nagpaalam kay Tita Ophelia at sa mga kaibigan rin ng lalaking iyon.

Hindi ko alam kung bakit hanggang sa labas ng bahay ay sinusundan niya ako. Sabi ni Tita Ophelia ay ihahatid ako ng driver nila pabalik ng Manila. Ang hindi niya alam ay sa Baguio ako didiretso. Kakausapin ko nalang ang driver nila mamaya kapag nakaalis na kami rito. Pero, hindi ako sa Baguio didiretso, baka magsumbong pa itong driver nila at malalagot ako ng wala sa oras.

"Magkano ang ibinayad sa'yo?"

Nanlaki ang aking mga mata sa kaniyang mga sinabi. Abot-abot ang aking kaba nang tanongin niya iyon sa akin nang kami nalang dalawa.

What the fuck! What should I do?! Paano niya nalaman?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top