59
a/n: another side of the story!!1! beng.
-
GREIGE
Baka malate na ako! Sabi ko sa kanya na dapat 6 nandun na pero malapit na mag-six at wala pa ako sa usual spot namin. Ayaw ko naman siya paghintayin.
Hindi ko alam pero habang nagmamadali ako maglakad papunta doon, I had doubts. Many thoughts were swirling around my mind.
Matutuwa kaya siya kapag sinagot ko na siya? Talaga bang mahal na niya ako? Paano kung balikan siya ni Yana, ano na?
I pushed the thoughts aside. Nandito na kami, ngayon pa ba ako aatras? Masyado na kaming maraming napagdaanan, ayaw ko na madagdagan pa ang mga iyon.
"His happiness mattered the most to me. I wouldn't tell him I love him for nothing. Look, hindi na kita pipilitin kung ayaw mo, basta sa ating dalawa lang ang nangyayari dito." Teka, ano yun? Hinanap ko kung saan galing yung boses na yun dahil napakafamiliar.
I looked to my side. I saw a man, standing in front of me, looking at a girl and a man fighting. I'm very sure who that man is. Matagal na kaming magkakilala, ngayon pa ba ako magkakamali?
"Kapag nakikita ko siyang masaya, sumasaya ako. Iba yung saya ko kapag nakikita kong masaya siya. Hindi ko naman ipinagkakait sa kanya yung kasiyahan niya pero bakit ipinagkakait niyo sa akin? Masama na ba ako kasi ito ang gusto ko gawin, Dew?"
And that was when I knew, he was crying already. Masakit, kaya napaisip ako ngayon, kaya ba siya umiiyak ngayon eh dahil nasasaktan siya sa mga sinasabi ni Yana at gusto niya na ulit balikan si Yana pero hindi niya magawang balikan kasi nasimulan na niya ang panliligaw sa akin?
Napaiyak ako, dahil hindi ko na alam ang gusto at dapat kong isipin. Dapat bang paniwalaan ko ang mga salita ni Xenon o ang nakikita ng mga mata ko? Gusto ko siyang lapitan para malinawan ako pero hindi ako makalakad kasi hinang hina na ako.
"Yana, alam kong ginagawa mo ito para kay Xenon. Pero tignan mo ang sarili mo, hindi ka na masaya. Sinasabi mong masaya ka pero malungkot ka pa din."
For once in my life, sumang-ayon ako sa taong ayaw ko makausap. Tama nga si Dew, ganun ako eh. Si Xenon ang mas nagpapasaya ng buhay ko, kapag wala si Xenon ang lungkot ng buhay ko.
"Dew, tumigil ka na. Pwede mo na akong iwan. Sige, hindi na kita pipilitin na magpanggap dito. Ako na bahala sa mga tatanungin ng tao sa iyo, ako na bahala sa lahat, basta wag ka na lang magsalita. Sa akin ko ilalagay ang lahat ng bintang para wala ka ng problemahin. Masyado na akong madaming nabigay na sakit."
Pinatulo ko lang ang mga luha sa mata ko. Hindi ko na ito kaya. Bukod sa mga naririnig kong salita ngayon, mas hindi ko kinayang makita si Xenon na iniiyakan si Yana ulit.
Tama nga siguro ako.. Hindi naman talaga nawala yung feelings niya para kay Yana. Naging panakip-butas lang siguro ako sa buong kwentong ito. Ang tanga ko na nga talaga. Hindi ko alam kung ano yubg pumasok sa isip ko para isipin na may posibilidad pa na mawala yung nararamdaman niya para kay Yana.
Aalis na sana ako sa lugar na ito, pero tumalikod si Xenon sa direksyon ko. Puta, nahuli ako.
"Greige?"
* * *
--- medyo nakakamiss mag-narration ulit pero nakakatamad pa din : "(
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top