05
GREIGE
"Grei!" Lilingunin ko pa ba para malaman kung sino yung tumawag sa akin. Eh boses at tawagan pa lang, alam ko na kung sino na.
"Bakit na naman?" Sabi ko bago tuluyang lingunin siya. Pero pagkatalikod ko ay sinuklaban na niya ako kaagad ng yakap.
You still never change, huh? Still clingy as always.
"Halika! Alis tayo sandali!" I shot him a bored look. "Please?" That's it. Xenon saying please is one of the most irresisstible charms ever.
"Saan na naman?" Then, I heard him whisper in joy. Cutie.
"7-11?" Binigyan ko siya ng isang 'doon-na-naman' look, pero nag-puppy eyes ang loko kaya wala akong nagawa kung hindi magpahila.
"Alam ko namang never mo ako matatanggihan, Grei."
"Baka. Sadyang mabait ako kaya mapagbigay ako." Napailing na lang siya sa sinabi ko.
Ayos tayo, Aquino ah. Ayos tayo.
*
As usual, may mga tao sa loob ng 7-11. Hinila niya ako papunta sa stall na puro mga chocolates. Alam niya na talaga.
"Ano gusto mo, Grei? Merong Kit Kat, Goya, Hershey, Cloud Nine, M&Ms, Nips, Crunch, Snickers..." Hindi ko na masyado naririnig yung sinasabi ni Xenon kasi may nakita akong bagay na talagang nakapukaw sa atensyon ko.
Nakatingin ako sa salamin ng stall, yung nandun sa may itaas. At sa kabilang stall lang nito ay nandun sina Yana at siguro yung new boyfriend niya na pinagpalit niya kay Xenon. Hindi ako sure pero mukhang yun yung nafefeel ko. Tsaka hindi ko makita yung mukha nung lalaki, nakatalikod kasi siya sa akin.
Napaiwas naman ako ng tingin sa salamin kasi bigla ba naman akong pinalo ng chocolate sa ulo ni Xenon. "Ano naman yang tinitignan mo diyan sa salamin ha?"
Titignan na din niya sana kaso ang ginawa ko ay inipit yung mga kamay ko sa pisngi niya, parang sa akin lang siya nakatingin ganun.
"Alam mo, ikaw, ang cute cute mo. Ang taba taba ng pisngi mo. Hmm, nakakagigil!" I was trying hard to keep his attention away from that mirror.
Ayaw ko lang kasi makita ni Xenon si Yana at dahil dun ay mabigyan ko pa siya ng dahilan para maging malungkot ulit.
"Cute ka nga, kaso bobo ka naman. Kaya dapat, magaral na tayo. May test din kayo mamaya, hindi ba? Edi sige! Sabay na tayo magaral."
Pumunta ako sa likod niya at tinulak siya paalis sa 7-11. Kaso habang lumalabas kami, ang kulit niya. Piglas ng piglas! Kaya ako tuloy, tinutulak ko na nga siya, inihaharap ko pa yung mukha niya doon sa harap para hindi siya makalingon at makita pa si Yana.
Pagkalabas namin sa 7-11, napapunas agad ako sa pawis ko at tinulak ko talaga siya palabas.
"Okay ka lang, Grei?" Sinubukan niyang hawakan yung mukha ko pero pinalo ko kaagad.
"Huwag mo akong hawakan. Sensitive skin ko." Napaubo naman siya kunwari dahil sa sinabi ko.
"Ano bang meron sa iyo, Grei?" Napasuklay ako sa buhok ko. At dahil habang napapasuklay ako sa buhok ko ay napapatingin ako gilid, nakita ko na papalabas na si Yana tsaka yung boyfriend niya.
Hays, mapapagod na naman ulit ako.
Hinila ko si Xenon papunta na sa loob ng school at sinabing, "Halika na nga, Xen. Gusto ko na magaral eh. Lezzgo!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top