Episode 2
"Gab, hindi ka pa ba tapos d'yan?" Tanong nito sa akin ng makitang hindi pa ako nakabihis. Alas 10:30 ng umaga ang lakad namin ngunit alas 8:30 na ako nagising dahil sa sobrang pagod kagabi. At ngayon, isang oras na lang ang nalalabi bago kami umalis subalit hindi pa ako tapos sa paghahanda ng isusuot at mga dadalhin.
"Naku naman Ivonne, alam mo namang late na akong nakatulog kagabi dahil doon sa kausap kong client, kaya late rin akong nagising. Napakaraming revisions ang gusto niyang gawin," sabi ko sa kanya na may pagkairita habang dali-daling nagbihis ng short at pink t-shirt.
Makikita ang sobrang kalat sa aking apartment dahil sa pagmamadali. Hindi ko na nagawang maglinis kagabi at mag-ayos ng mga gamit dahil sa agad akong natulog pagkauwi.
"Ay ganun ba, pasensya na okay, alam mo naman sobra akong makakalimutin. Tsaka, sabi ko naman sa'yo na huwag mo ng tanggapin ang client mong iyan kasi nga noted na sa atin na napaka-arte niya at pabago-bago ang isip. Isa pa, puwede ka namang maging fulltime writer at mag resign na lang sa pagiging visual editor mo, ang hirap kaya ng ginagawa mo, pinagsabay mo ang dalawa mong trabaho," sagot niya sa akin sabay kuha ng tira kong sandwich sa mesa. Hindi na ako nagluto ng agahan kaya ito na lang ang naisip kong ihanda.
"Ano ka ba, akin iyan!" Sigaw ko sa kanya sabay hablot nito sa kanyang kamay. "Kumuha ka nga ng bago sa kusina, sige na."
"Ito talaga, muntik ko ng maisubo, kinuha pa talaga," dismayadong sabi nito habang agad na nagtungo sa may kusina. Tumawa lamang ako sa reaksyon niya.
"Alam ko naman iyon, sayang lang kasi ang bayad. Malaki-laki kaya ang ibinibigay niya sa akin. Alam mo namang kailangan ko ng pera para pambayad sa investigator ko. Isa pa, nagsusulat lang naman ako ng libro kapag may free time ako para hindi maapektuhan ang trabaho ko."
"Hanggang ngayon ba, hinahanap mo parin siya?" Tanong ni Ivonne sa akin pagkabalik nito sa kwarto.
"Hindi naman ako tumigil," buntong-hininga akong sumagot ka Ivonne.
"Matagal mo na rin siyang pinapahanap subalit maraming beses ka na ring bigo."
"I know, pero hindi parin ako susuko. Alam ko sa huli, makukuha ko rin ang hustisyang hinahanap ko."
"Don't worry, nandito lang ako para sa iyo," sabay niyakap ako ni Ivonne.
"O, siya, tama na ang drama. Ayokong ma late tayo sa lakad natin ngayon kasi I'm so excited to go on swimming. Bilisan mo nang mag-ayos, emo girl." Sigaw niya sa akin. Kahit na ganyan ka maldita ang babaeng 'yan, siya lang ang pinaka the best na kaibigan sa akin. Sa lahat ng mga pinagdaanan ko sa buhay, siya ang lagi kong kasama. Siya ang naging kakampi ko sa lahat ng bagay at naging takbuhan ko sa lahat ng pagkakataon. Simula nang mamatay ang aking mga magulang at isa kong kapatid ay ang pamilya na ni Ivonne ang kumupkop at nag aruga sa akin sapagkat sila lang ang malapit na kaibigan ng aming pamilya. Dahilan sa kaisa-isa lang siyang anak ay itinuring na niya akong kanyang bunsong kapatid. Mas matanda siya sa akin ng isang taon pero naging mag classmates kami sa paaralang aming pinapasukan noong Grade School hanggang sa High School. And then, noong lumipat sila sa Manila ay isinabay din nila ako kaya sabay din kaming nag college with the same school parin. Malaki ang utang na loob ko sa kanila kasi hindi nila ako pinabayaan. Kahit may iniwang pera ang namayapang kong mga magulang para sa aking pag-aaral, hindi pa rin iyon naging sapat para sa mga personal kong gastusin dito sa Maynila. Mabuti na lang, nandiyan sila upang tulungan ako sa lahat. Kaya, noong nakapagtapos kami ni Ivonne ng college at nakapagtrabaho, agad akong lumipat ng apartment para bumukod. Ayokong maging pabigat pa lalo sa kanila.
"Oh, Gab ha ang swerte mo, nag text na si Lance, dadaanan na lamang daw nila tayo dito," sabi nito matapos mabasa ang natanggap na text sabay nguya sa ginawa niyang sandwich.
"Ah, ganun ba. Mabuti naman, ayoko ko talagang magmadali ng ganito, marami akong nakakalimutang dalhin," sabi ko kanya.
"Pasalamat ka emo girl, may konteng oras kapa para mag-ayos. Eh, bakit kasi hindi mo pa 'yan inihanda kagabi o noong isang araw, eh, alam mo namang may lakad tayo? E'di sana wala ka ng pinoproblema ngayon," pagtataray nitong sabi sa akin.
"Malapit na akong matapos, at tsaka, ano ba, tama na sa pagtawag sa akin ng 'emo girl', hindi ako emo," depensa ko sa kanya habang inaayos ang iba ko pang gamit na dadalhin sa outing. Ngumisi lamang ito na parang nambu-bully sa akin. Agad akong nag-ayos ng sarili at ginamit ang perfume na regalo niya sa akin.
"Alam mo, ang bango talaga nito, malapit na ngang maubos," sabi ko sa kanya ng nakangiti.
"Nagpaparinig ka ba, mahal iyan ha, inubos mo lang agad," taas kilay siyang nagsalita subalit agad naman siyang ngumiti. "Sige na, bibigyan kita uli niyan kapag nagkaroon ka na ng boyfriend, and I think malapit ng mangyari 'yon." Napaka unfair talaga ng babaeng ito, ganitong ganito ang istilo niya upang presyorin ako.
"Boyfriend talaga, ang sama mong kaibigan, ha," alam na alam niya kung papaano ako inisin. Tinawanan lang niya ako at sinabayan ko na rin siya pagkatapos.
"Sure ka ba talaga Gab? Puwede ka pang mag back-out kung gusto mo," naging malumay ang kanyang pananalita habang seryoso ang mukha nitong humarap sa akin. Batid ko ang kanyang pag-aalala.
"Oo naman, isa pa, six years din akong nawala. Namimiss ko rin ang lugar doon, ikaw ba, hindi?" Hindi ko pinahalata sa kanya ang nararamdaman kong lungkot, ngunit alam kong napansin niya ito.
"Syempre, namiss din pero ikaw ang inaalala ko. Bakit ba naman kasi doon pa ang napili mong outing place, eh, alam mo naman ang nakaraan mo sa lugar na 'yon, nakakaloka ka talagang babae,"
"Okay lang ako, kailangan ko na rin sigurong dalawin ang mga magulang ko at humingi ng tawad."
"Di ba sabi mo, hindi ka muna haharap sa puntod nila hanggang sa hindi mo pa nakukuha ang hustisya?"
"Oo, ipinangako ka iyon sa kanila. Kaya nga galit na galit ako dahil hanggang ngayon, hindi ko pa rin ito nakukuha. Hindi ko nga alam kung makikita ko pa ang taong hinahanap ko." Lumapit uli si Ivonne sa akin at hinimas-himas na naman ang aking likod.
"Cheer up emo girl! Huwag kang mag-alala, darating din tayo diyan. Malay mo, 'yong taong hinahanap mo ay siya pa mismo ang lalapit sa iyo. Kaya, huwag ng mag-isip diyan ng kung ano-ano, mag-enjoy na lang tayo sa outing." Napakunot-noo ako sa pagtawag na naman niya sa akin ng emo. Well, hindi naman talaga ito outing lang para sakin, gusto ko lang pumunta sa lugar kung saan ako ipinanganak para naman makapag-isip ng magandang istorya sa magiging susunod na librong isusulat ko. Kahit hindi naging maganda ang nangyari sa akin noon sa isla subalit puno parin 'yon ng kasiyahan kasama ang aking mga mahal sa buhay.
"Nakakatawa ka talaga kapag ganyan ka kung maka react, lumalaki ang mga mata mo," kutya ni Ivonne sa akin. Kahit na ayaw ko na tawagin niya akong ganun, totoo naman ang sinabi niya. Isa akong emotional na writer, ganun naman talaga di ba? Dapat lahat ng pakiramdam at emosyon ay nandoon kapag nagsusulat ng kuwento.
"Andito na sila," sabi ni Ivonne. Dinig na dinig namin ang busina ng sasakyan sa labas.
"Guess mo kung sino ang kasama nila?" Sabi ni Ivonne sabay tingin sa bintana ng kwarto, nakangisi pa siyang humarap sa akin at kinikilig.
"Ha? Sino naman ang tinutukoy mo?" tanong ko sa kanya habang dali-daling tumingin sa may bintana.
"The man of your dream and your future husband, si Vince!" bulalas niyang sabi. Bigla akong napangiti ng kaunti ngunit hindi naman niya 'yon nahalata. Nawala bigla ang kanina'y malungkot kong mukha.
"Tumigil ka nga diyan, man of my dreams agad, isa pa anong future husband, kakaloka ka naman, eh tatlong beses nga lang kami nagkita at nagkausap." Depensa ko sa kanya. Ibinaling ko ang tingin ko sa aking cellphone at agad na kinarga ang malaking bag pagkatapos.
"Ang defensive mo naman girl, alam ko namang totoo ang sinasabi ko. Hindi mo kaya maitatago sa akin ang kilig mong iyan sa tuwing nababanggit ko ang pangalan ni Vince." Sabi niya sa akin habang karga din niya ang dala niyang bag at dahan-dahan kaming naglakad palabas.
"Tanong ko lang, bakit nga pala siya nandito? Ganoon ba talaga sila ka close ni Lance para imbitahin siya sa outing natin?" pagtatakang sabi ko ka Ivonne.
"Hay naku naman, nakalimutan mo na agad? Di ba ikaw ang nag invite sa kanya na sumama. Ahh tama, lasing ka nga pala 'nun," pangungutya ng kaibigan ko.
"Ganun ba, grabe naman, hindi naman ako masyadong lasing noon ha."
"Anong hindi, hindi mo nga maalala ang sinabi mo, eh."
Siguro nga nakalimutan ko ang nangyari sapagkat naparami nga talaga ang nainom ko noon. "Oh God, what have I done? Kasama pala siya sa trip namin and I think hindi ito magiging madali, mahahalata niya ang mga kilos ko lalong-lalo na kapag magkasama kami," bulong ko sa aking sarili habang palabas kami ng aking apartment. Nakilala ko lang siya tatlong beses and then, the feelings I have right now was overwhelming. Hindi ko na siya nakalimutan at hanggang ngayon ay puno ng kaba ang dibdib ko sa tuwing makikita ko siya. Hindi ko man maamin ngunit gustong-gusto ko na si Vince.
Naaalala ko pa noong first meeting namin dalawa sa sementeryo. Kahit sa bata niyang edad, alam na niya kung papaano ako pakalmahin dahil sa sobrang pag-iyak ko noon. Kahit may mga sinasabi siyang hindi ko maintindihan, gustong-gusto ko parin kapag kinakausap niya ako. Akala ko, hindi na kami muling magkikita. Subalit, binigyan ako ng pagkakataong masilayan siyang muli. At 'yon nga, sa First anniversary ni Lance at Pat bilang magkasintahan ay nandoon siya. Hindi ko alam kong papaano nangyari iyon. Bigla na lang siyang pinakikilala sa amin ni Lance. Nagulat din siya ng makita ako at malamang ako ang batang kinausap niya noon, at iyon ang pangalawa naming pagkikita. And third time ay 'yon na nga sa bar kasama ang barkada upang i-celebrate ang birthday ni Pat.
"Hindi, konte lang talaga ang nainom ko noon, pero naaalala ko na ngayon. Hindi ko lang naisip kaagad." Hindi ko pinahalata kay Ivonne na masaya ako dahil narito siya. Iyon ang huling beses na nakita ko si Vince noong nasa bar kami, iyon din ang panahong mas lumaki pa ang paghanga ko sa kanya. Nakita ko kasi kung gaano siya kabait at ka kalmadong tao. Nakalimutan ko rin na napag-usapan pala namin ang trip sa isla. Si Lance naman talaga ang nagyaya sa kanya noon subalit ang sabi ni Vince,
"I wanted to go if papayag ang beautiful friend niyo na sumama ako and I don't think she would say yes."
Todo sigawan silang lahat noon habang malagkit akong tinititigan ni Vince, at syempre ayaw ko naman siyang mapahiya kaya sumagot ako ng "oo". I don't think dahil lang 'yon sa kalasingan ko, sapagkat sa kabilang banda ng aking isipan, 'di ko maitatanggi na gusto ko talaga na sumama siya sa amin. Ewan ko ba kung bakit dalawa ang pakiramdam ko sa kanya: kilig na may halong kaba.
"O siya, bilisan na natin. Sobrang excited na ako sa trip natin, girl", sabik na sabik na sigaw ni Ivonne habang dali-dali kaming lumabas ng gusali. Ramdam ko ang kilig at kaba habang papalapit kami sa sasakyan na sinasakyan niya. Pagdakay, nakita ko agad ang kabuuan niya, nakasuot siya nang T-shirt na blue na paborito kong kulay at napaka guwapo niyang tingnan. Pinagtabi kaming dalawa sa sasakyan at alam kong sinadya iyon ng aking mga kaibigan. Hindi na rin ako kumontra at nanahimik habang pinipigil ang kaba sa aking dibdib.
"Ang tagal niyong dalawa ha, kanina pa kami dito sa labas," salubong sa amin ni Rica.
"Kasi naman itong si Gab, pagdating ko kanina, eh, hindi pa nakabihis," depensa ni Ivonne sa kanya habang papasok kaming dalawa ng sasakyan. Nagkibit-balikat na lang ako sa narinig.
"Hi Gab?"Ngiting bati niya sa akin ng akmang uupo na ako sa tabi niya.
"Hello, buti naman at nakasama ka ngayon kahit sobrang busy mo sa negosyo." Sagot ko sa kanya habang sinusuot ang seatbelt ng sasakyan.
"Ako nang magsusuot ng seatbelt mo," sabi niya sa akin nang makitang medyo nahirapan ako sa pagsuot nito. Lumakas pa lalo ang kabog ng dibdib ko habang dahan-dahan siyang lumalapit sa akin. Gusto ko siyang yakapin habang inaamoy ang preskong bango ng kanyang kabuuan. Hindi ko pinansin ang mga kaibigan ko na nakatingin sa aming dalawa. Ang buong atensiyon ko ay sa kanya lamang habang sinusuot niya sa akin ang seatbelt at saka siya nagsalita.
"Wala kasi akong importanteng gagawin at tsaka nandoon naman ang taong pinagkakatiwalaan ko to manage my business in just a couple of days," sagot nito sa akin.
"Ah, ganun ba. Kailangan din kasi natin ng break paminsan-minsan, para naman makapag-isip ng mabuti." Sabi ko sa kanya dala ang konteng ngiti sa aking mukha.
"Oo nga naman," tumango ito at ngumiti rin ng kaunti.
"Okay, handa na ba ang lahat? Wala na ba kayong nakalimutan?" Tanong ni Lance at tumango ang lahat sa kanya.
"Let's go to Malapascua Island!" sigaw ni Pat habang nakahawak sa braso sa kamay ng kanyang boyfriend.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top