Chapter 6

Surprise Friday update! Hehe! Updates ulit tomorrow and sa Sunday!

You can also tweet your reaction to this chapter using this hashtag: #LieAboutLoveCh6

-

"Dun tayo sa unahan umupo, ni-reserve sa atin ni kuya Bri." Hinigit ako ni Kyla sa may pinaka-unahang bench. Unti-unti ng napupuno ang gym. Dito kasi ginaganap taon taon ang national swimming competitions kaya maraming mga outsider students ang pinapayagang makapasok sa ganitong okasyon para makanuod.

"May ni-reserve pa ba na iba si Brian?" Tanong ko kay Kyla nang mapatingin ako sa dalawang bakanteng upuan sa kaliwa ko na may nakasulat na "Reserved". Nagkibit-balikat si Kyla, "Not sure pero sabi niya sa akin tayong dalawa lang ni-reserve niya."

Nagsilabasan na ang mga atleta nang malapit na magsimula ang competition. Nakita ko si Brian at nagkatinginan kami, ngumiti at kumaway siya sa akin. Nagulat na lang ako nang may mga nagtiliang grupo ng mga babae sa likod ko at nag-cheer kay Brian.

"Go Brian! We love you and your six pack!"

"Ahh! Ang gwapo mo talaga! Go Brian!"

"Nginitian niya tayo at kumaway siya sa atin, kinikilig ako! Pamaypay please, ang init! Ahh!"

Kakaway sana ako pabalik kay Brian pero binaba ko na ang kamay ko at ngumiti na lang pabalik sa kanya. Hindi ko akalain na marami rin palang taga-hanga si Brian, hindi kasi ako masyadong nakikialam sa mga ganap dito sa university kapag tungkol sa sports dahil hindi naman ako mahilig doon. Sabagay, star athlete ng swimming team si Brian tapos may itsura pa siya, hindi malabong maraming nagkakagusto sa kanya. Bakit kaya ako ang nagustuhan niya sa dami-raming nagkakandarapa sa kanya?

Naputol ako sa iniisip ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na tumawag sa amin. "Uy! You guys are here rin pala! What a coincidence! Buti na lang I had asked my aunt to reserve us some seats here. Nga pala, si Cedric, my fiancé. Cedric, sila ang bago kong friends here, Sai and Kyla."

Nagkatinginan kami ni Cedric, suddenly everything felt quiet and cold.

"Oh, hi Cedric! Nice to meet you!" When I heard Kyla say that, I had to force myself to smile as well and let out an insincere 'nice to meet you'. Fortunately, Melody sat next to me and not Cedric.

"I brought Cedric here kasi I heard one of his friends is the star player of our uni's swimming team pala. Sino siya doon, babe?"

Before Cedric could respond, Kyla wasn't able to stop herself and pointed out Brian to Melody. "Iyon! 'Yong pinakamatangkad sa kanila, 'yong chinito at may six pack. 'Yong pinakagwapo sa kanilang lahat."

"Oh, kilala mo siya?"

"Pinsan ko siya at special someone siya ni Sai — aray!" Nasiko ko bigla si Kyla at pinanlakihan ng mata dahil sa sinabi niya.

"Really? Siya pala 'yong binabanggit mo the other day? Uy, what a coincidence talaga! We have some kind of connections, friend ng fiancé ko ang pinsan ni Kyla na special someone ni Sai. So cool!"

Pinilit kong ngitian na lang si Melody at nahagip ng tingin ko si Cedric. Hindi siya umiimik at wala rin akong makitang reaksyon sa kanya, nakatingin lang siya ng diretso sa may pool. Hindi ko mabasa ang iniisip niya.

"Good morning, everyone! We're about to start. We request everyone to stand up as we start the event with a prayer to be followed with our national anthem."

Nagsimula na ang event at may mga nauna pang ibang event bago kay Brian. Pang-hapon pa raw ang sa kanya, buti na lang noong lunch break ay may ibang plano sina Melody kaya hindi kami napilitan samahan sila. Hindi rin namin nakasama si Brian dahil may lunch silang magkaka-team.

"Alam mo talaga, hindi ko mawari kung inosente 'yang si Melody o hindi." Pinanggigilan ni Kyla ang hawak na bote ng tubig habang nasa school cafeteria kami. "Ang weird kasi ng coincidences! Bakit naman sila nanonood kay kuya Bri? I don't think nanonood si Cedric before ng swim meet niya tapos ngayon bigla raw mababanggit sa kanya ni Cedric ang tungkol kay kuya Bri? Hmm! Sobrang fishy!"

"Let's give it the benefit of the doubt, malay mo nagkataon lang talaga." Ayoko na kasing isipin pa at guluhin ang utak ko. "Hayaan mo na."

"Hay naku! Nanggigil pa rin ako pero basta, alam ko mananalo si kuya Bri! Congrats sa inyong dalawa in advance!"

"Ano ba, wala pa nga." Nasabi ko na rin kay Kyla ang napag-usapan namin ni Brian noong isang araw kaya alam niya ang tungkol sa deal namin.

"Maniwala ka sa akin, mananalo 'yan si kuya Bri. Laging champion 'yan ng swimming competitions since elementary pa. Isda kaya 'yan si kuya Bri!"

Muntik ko na mabuga ang tubig na iniinom ko sa sinabi ni Kyla dahil hindi ko mapigilang matawa.

"Sira ka talaga! Tara na nga, baka magsimula na ulit ang event."

Bumalik na kami sa gym. Melody waved at us as soon as she saw us. Nag-wave back kami sa kanya at bago pa man ako makaupo, nagkasalubong ulit kami ng tingin ni Cedric, parehas din naman namin iniwas agad ang mga tingin namin.

May mga ilang pang events bago nagsimula ang 400m individual medley na kasali si Brian. Sabi ni Kyla ito ang pinaka-highlight ng swimming competition today kasi ito raw ang pinakamahirap at mga pambato ng bawat unibersidad ang kasali dito.

"Go Brian, go!"

"We love you and your six pack!"

Nagsimula ng magtilian ang mga babae sa likod namin nang pumunta na si Brian sa pwesto niya at nag-ayos ng kanyang swimming cap. Bago siya tumuntong sa diving board ay tumingin ulit siya sa direksyon ko, ngumiti at nag-Korean heart sign. Nagulat ako pati na rin ang mga babae sa likuran ko na kinilig sa ginawa ni Brian. Naramdaman kong pinapalo-palo ako ni Kyla sa balikat. "Kinikilig ako sa inyo!"

Dinagdagan pa ito ni Melody, "Wow! Did he just do that for you? You guys are so cute!"

Nginitian ko na lang sila pareho pero paglingon ko kay Melody, hindi ko rin naiwasang mahagip ang tingin sa akin ni Cedric. Nakatitig lang siya sa akin na parang may gustong sabihin. Ibinalik ko na lang ulit ang tingin ko kay Brian ngunit nakita ko siyang nakatingin pa rin sa akin. Hindi ko alam kung napansin niya ang tinginan namin ni Cedric pero nakangiti pa rin naman siya sa akin bago niya isinuot ang goggles niya at nag-ready na sa posisyon sa pag-dive.

Nagsimula na ang paligsahan at nangunguna si Brian. Nakakailang ikot na sila at mukhang may nakakahabol sa kanya. Mahigpit ang laban at maririnig ang sigawan ng mga tao sa paligid para mag-cheer sa kani-kanilang pambato. Habang patapos na ang huling lap, sobrang dikit pa rin ng isang kalaban ni Brian. Hindi halos mahulaan kung sino ang mananalo.

Kinakabahan ako, hindi ko alam kung gusto ko ba siyang manalo o hindi. At sa huling segundo, halos sabay silang dalawa ng nasa lane 3 na naka-tapik sa dulo ng kani-kanilang touchpad. Kailangan pa namin hintayin sa monitor screen ang time result para malaman kung sino ang talagang nauna.

Naghiyawan ang mga tao nang i-announce na si Brian ang nanalo. Hinigit ako ni Kyla patayo dahil sa excitement. Tumalon-talon siya sabay yakap sa akin. "Congrats, Sai! Kayo na ni kuya Bri! I'm so happy!"

"What do you mean?" Iko-correct ko pa lang sana si Kyla sa sinabi niya nang marinig ko ang nabiglang tanong ni Cedric.

"Oh, did you guys have an agreement na magiging kayo if he wins the competition?" Dagdag pa ni Melody sa tanong.

"Ano, hindi . . . " Itatanggi ko sana ngunit hindi ko mahanap ang dila ko nang mapatingin ako sa kanya, bakit parang nasasaktan siya? O imahinasyon ko lang? Umaasa ba akong may epekto sa kanya kung maging kami man ni Brian?

Hindi ko na tinuloy ang sinabi ko at nag-excuse na agad ako, kunwaring magpupunta sa banyo. Sasama sana si Kyla pero pinigilan ko siya. Hindi pa tapos ang competition dahil may isang event pa tapos awarding ceremony na, pero parang ayaw ko ng tapusin. Hindi ko na kayang tumagal pa kasama sa isang lugar si Cedric. Naglakad na ako palabas ng gym. Hindi pa man ako nakakalayo ay may narinig akong tumatawag sa akin. Si Cedric.

Mas lalo kong binilisan ang lakad ko at ayaw ko siyang lingunin. Bakit niya ako sinundan? Ano bang gusto niya?

"Wait lang, Sai." Nagulat ako nang may biglang humatak sa kamay ko at hinigit ako paharap sa kanya. Nagtapat ang mga mata namin at naramdaman ko ang intensidad sa mga tingin niya.

"Sabi ng saglit lang."

Mas hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko nang subukan kong hilahin ito palayo sa kanya.

"Ano ba Cedric, bitawan mo nga ang kamay ko! Ano ba ang problema mo?"

"Sai, hindi ko rin alam kung anong problema ko pero simula nang makita ulit kita at lalo na nang makausap kita noong isang araw ay hindi mo na pinatahimik ang isipan ko. Gulong gulo na ako."

Nagulat ako sa sinabi niya. Parang noong nag-usap kami sa coffee shop pilit niya akong tinataboy sa iba pero anong sinasabi niya ngayon? Kung gulong gulo na siya, paano pa ako?

"Cedric, pwede ba bitawan mo ang kamay ko, please. Hindi ba sabi mo noong nag-usap tayo na kalimutan na kita? Hindi ba engaged ka na? Tinanggap ko na 'yon, sinunod ko ang sinabi mo. I went for Bryan. Hindi ba 'yon ang gusto mo? Tapos ngayon, anong sinasabi mo? Pinagtitripan mo ba ako? A—" Marami pa akong gustong sabihin pero natigil ako nang bigla niya akong higitin palapit sa kanya at niyakap ng mahigpit.

"Napagtanto ko na hindi kita kayang kalimutan. My heart still belongs to you."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top