Chapter 26
Kanina ko pa sinusubukang tawagan si Brian matapos ang tawag ng HR nila sa akin ngunit nakapatay pa rin ang telepono niya. Sinubukan ko rin tawagan si Rowan ngunit hindi ito sumasagot, baka busy sa trabaho. Bumalik na lang ako sa desk ko at sinubukang mag-focus sa trabaho. Hindi pa rin kami nag-iimikan ni Hannah at nagpapasalamat ako at wala akong kailangang documents sa kanya dahil hindi ko talaga siya kayang kausapin sa halong inis at pagkailang.
Pagdating ng lunchbreak ay agad akong hinarap ni Hannah at hinigit ang kamay ko.
"Tara, mag-usap tayong dalawa."
Tahimik na sumunod na lang ako sa kanya. Dinala niya ako sa isang fast food restaurant malapit sa building namin. Hindi kami nag-iimikan hanggang sa dumating na ang order namin.
"Wait, pasubo lang muna bago kita kausapin at ako'y mainit ang ulo kapag gutom," saad niya, kinuha naman niya agad ang utensils niya at kumain muna. Sinubukan ko rin kumain ngunit wala talaga akong gana kaya hindi ko ito masyadong nagalaw.
Nang mangalahati na siya sa kanyang pagkain at matapos uminom ay saka lang siya ulit nagsalita.
"I would assume na," ibinaba niya muna ang baso niya sa lamesa, "nag-usap na kayo ni Brian? Naipaliwanag naman niya siguro ang nakita mo?"
Umiling ako habang nakatingin lang sa pinggan ko. Nagulat ako nang ihampas niya ang kamay sa lamesa.
"What the fuck?" Parang hindi niya makapaniwalang sabi. "Dumaan ang Sunday, hindi pa rin kayo nag-uusap? Anong trip n'yo?"
I bit the inside of my mouth to stop myself from saying anything offensive to retaliate with her tone.
"My gosh!" Sumubo ulit siya bago magsalita ulit. "Magkaaway pa rin ba kayo dahil lang doon? Okay, ako na lang magsasabi sa 'yo. High school friends lang kami ni Brian, okay? Ni hindi ko nga alam na mag-jowa pala kayo!"
"Parang ang daling gumawa ng kwento para sa inyo, ano?" saad ko. Nagawa ko ng tignan siya sa kanyang mga mata at napansin ko ang gulat na unang lumabas sa kanyang mga mata na napalitan agad ng sakit at pagkadismaya. Umiling siya bago sumubo ulit ng pagkain.
"Wait ka lang talaga ha, nagugutom ako sa ugali mo." Tinuro niya ang pinggan ko. "Kumain ka rin nang magkalaman ng sustansya 'yang utak mo."
Hindi pa rin ako kumibo at pinagmasdan lang siyang tapusin ang kinakain niya.
"Alam mo Sairyl," itinuro niya ako ng tinidor niya na medyo ikinainis ko lalo, "feeling ko iniisip mo na siya 'yong lalaking kinuwento ko sa 'yo noong isang araw na imi-meet ko. Napaisip tuloy ako bigla kasi kung affected ka doon, does that mean tinamaan ka rin sa part na nakikipagkita ka pa sa ex mo? I mean, hindi ka naman siguro maghihinala ng ganyan kung hindi ka tinamaan doon?"
The thing I like and hate the most about Hannah is that she's always brutally honest.
Nang hindi ako sumagot sa tanong niya ay kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa niya. May mga pinindot siya doon bago niya ini-slide ito sa lamesa papunta sa akin.
"O, basahin mo nang mapatunayan ko sa 'yo na hindi naman siya ang tinutukoy ko last time."
Kinuha ko ang cellphone niya at tinignan ang laman nito. Binuksan niya ito sa messenger niya kung saan may ka-chat siyang "Arvin Bernardo". I scrolled through their conversations and there I found that she was telling the truth about the guy wanting to meet with her in his unit. I also found the part where he talks about breaking up with his girlfriend.
Nang matapos ko ng basahin ito ay inislide ko ito pabalik sa kanya.
"Ano? Naniniwala ka na?" Kinuha na niya ang cellphone sa lamesa at ibinalik sa bulsa niya.
"Pero bakit ka nasa unit ni Brian?" tanong ko.
"Ayan kasi! Pinaandar mo agad ang imagination mo! Umalis ka agad. Hindi mo muna kasi kami hinayaang magpaliwanag tapos itatanong mo ngayon?" panenermon niya.
Napikon na talaga ako sa tono niya kaya sumagot ako. "Hindi naman ikaw ang nasa sitwasyon ko. It's easier for you to say na mag-stay ako para makinig sa explanation n'yo. You have no f*cking idea how I felt when I saw the two of you. Parang sasabog ako noon sa sobrang sakit, my mind just went blank, hindi ko na alam ang iisipin noon."
"Wala ka bang tiwala sa boyfriend mo?"
Once again, she hit the most painful part. I lied to him all this time and the fear that he finally found out about it and that he would do the same to me clouded my mind.
"Tiwala? How can you talk about that when you're one of the reasons why people break up? Ikaw itong umeepal sa relasyon ng iba kapag nagkakagulo na." I wanted to slap myself after blurting that out. I just suddenly lashed out on her for telling me the painful truth that I don't want to hear.
"You stupid b*tch." I'm surprised she said it like she's exhausted of me rather than upset. "Look, I'm not a saint and I'm not cleaning my hands on things I know I did wrong. Pero hindi ako ang pinag-uusapan natin dito kaya 'wag kang baliw, okay? To answer your question kanina kung bakit ako nasa unit ni Brian that day, okay, big coincidence 'yon. Maniwala ka o hindi, bahala ka sa buhay mo. Arvin and Brian live in the same condo building. 'Yong hayop na Arvin 'yon hindi man lang ako inalok na ihatid pauwi in the morning after namin mag-you-know-what, but what do I expect ba sa isang lalaking katulad niya? Anyway, nang makarating ako sa labas ng building nila at bago ako magbook ng taxi, nagsigarilyo muna ako. That's when I met Brian. He was in his car and about to park. Siya 'yong lumapit sa akin asking if we know each other. At first hindi kami sure but then when he said his full name, I remembered him to be my high school friend na matagal ko ng hindi nakita at nakausap. Siyempre nagkwentuhan kami dahil it's been so long since we last met. Niyaya niya ako magkape sa unit niya at ihahatid niya na rin daw ako pauwi. And that's the story kung bakit nasa unit niya ako. Nagkwentuhan lang kami and in fact, he actually told me about his long time girlfriend that he loves so much at ikaw 'yon. Gets mo na ba? Naliwanagan ka na ba?"
Naipatong ko ang aking siko sa lamesa at itinakip ang kamay ko sa aking bibig matapos marinig ang kwento niya. Mayamaya lang ay naiyak na naman ako. Nag-panic naman si Hannah at agad akong inabutan ng tissue.
"Huy gaga, 'wag kang umiyak dito. Baka may makakita, sabihin inaaway kita." Sabay takip niya ng kamay sa isang side ng mukha niya habang ang isa naman ay nakahawak sa baso niya at umiinom sa straw nito.
Natawa ako ng konti sa kanya habang pinupunasan ko ng tissue ang mga luha ko. "Sorry . . . "
"Wala na 'yon, sanay naman akong napapagkamalan dahil may pagkabitchesa naman talaga ako, pero never akong tatalo ng jowa ng friend ko," pag-amin niya. "Sana maging okay na kayo ng jowa mo, nagi-guilty rin ako kahit konti dahil baka sa akin nag-away kayo."
Itinuro niya ulit ang halos hindi ko nagalaw na pagkain. "Huy, kumain ka kahit konti. Ang stressed na masyado niyang mukha mo."
Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko dahil na-conscious ako sa sinabi niya.
"Ayusan nga kita mamaya pagbalik sa office para naman may buhay ng konti ang mukha mo. Ni hindi ka man lang nag-lipstick today. Alam mo girl kahit may problema tayo sa life, kailangan maganda pa rin tayo. Sige na, sumubo ka ng pagkain kahit mga apat lang, bilangin ko."
Tumango ako sa kanya at pinulot ko na ang kutsara ko. Umorder naman siya ng dessert. Gaya rin ng sabi niya ay inayusan niya ako sa banyo ng office nang makabalik kami. Hindi ko napansin na umalis pala ako ng bahay ng wala man lang kahit anong makeup na suot.
"Kailangan kapag nag-usap kayo ng bebe mo, maganda ka. 'Yong gandang hindi niya matitiis. 'Yong tipong ngingiti ka pa lang, makakalimutan na niya ang lahat. Gano'n, girl!" sabi niya habang nilalapatan ng pulang lipstick ang labi ko. "Ayan, pak! Ganda!"
Ngumiti ako sa kanya at pabulong na sinabing, "salamat, Hannah. Sorry talaga, nagalit ako sa 'yo."
Inikot niya ako patalikod upang itali ang buhok ko. "Ano ba, girl. Wala na sabi 'yon. Ang akin lang, sana mag-makeup and make out na kayo! Kulang lang kayo sa dilig, promise!"
Ngumiti lang ulit ako kahit hindi niya kita. I still feel a little bit of awkwardness around her pero I know Hannah is trying her best to make me feel comfortable.
"Alam mo girl," nagsimula siyang magkwento habang sinusuklay ang buhok ko, "I had one serious relationship before, believe it or not."
Ihinarap niya ako sa salamin nang matapos niyang itali ang buhok ko.
"Really?" naitanong ko habang pinagmamasdan ang makeup na ginawa niya sa akin. Mas mukhang lumiwanag nga ang mukha ko at naitago niya ang mga dark circles at eyebags ko.
"Pero long, long time ago na 'yon. Tumagal din ng 3 years kaya masakit nang matapos. After n'on, parang ayaw ko ng magseryoso. Alam mo kung bakit kami nag-break?"
"Bakit?" tanong ko.
Kinuha muna niya ang lipstick niya at siya naman ang nag-retouch. Inipit niya ang dalawa niyang labi at gumawa ng 'pop' sound nang paghiwalayin ito. Nang sinasarhan niya na ang lipstick niya ay saka lang siya nagsalita ulit. "Ewan ba, hindi ata kami nagkaintindihan. Tamang hinala din. Nakilala niya kasi akong siraulo katulad ngayon pero alam mo 'yon, nagbago ako para sa kanya kaso in the end, hindi pa rin pala siya nagtiwala sa akin. Akala niya may ibang lalaki ako at kahit anong paliwanag ko sa kanya, he didn't believe me. In the end, siya ang nag-cheat sa akin. Funny, 'no? Alam mo, doon ko lang na-realize na the worst thing in love is not being able to trust your partner. Kahit ano kasing gawin mo, the neverending doubts will end it all."
Ipinasok niya na ang lipstick sa pouch niya at sinarhan ito. Ngumiti siya sa akin at inakbayan ako.
"Kaya simula noon, ayaw ko na ulit magseryoso, sakit na sa puso, sakit pa sa utak. Pero I know you're different from me and I really hope mag-ayos na kayo ni Brian. Don't end your relationship with just a stupid misunderstanding. Okay?"
Bumalik na kami sa mga desks namin at kahit papaano nabawasan na ang bigat sa dibdib ko. Nag-aalala pa rin ako kay Brian dahil wala pa rin akong balita sa kanya. Buti na lang at magaan ang trabaho ngayon at agad din akong nakatapos.
Sinubukan ko ulit tumawag kay Brian pero nakapatay pa rin ang cellphone niya. Tatawagan ko pa lang si Rowan nang biglang mag-ring ang cellphone ko at lumabas ang pangalan niya sa screen ko. Agad ko itong sinagot.
"Hello, kumusta si Brian?" agad kong tanong. "Hindi raw siya pumasok sa work today."
"Hello, Sai. Sorry, ngayon lang ako nakatawag ulit. Kakauwi ko lang galing work. Actually, kaya ako tumawag sa 'yo kasi I'm getting worried for Brian. He's been drinking since yesterday. Akala ko papasok siya sa trabaho kanina kaso pagbalik ko nandito pa rin siya. Can you pick him up? Ayaw niyang umalis kahit anong sabihin ko."
Nag-book agad ako ng taxi papunta sa address ni Rowan. Ang laki ng kaba ko habang nasa biyahe. Brian is not a heavy drinker, tuwing may okasyon lang siya umiinom. He's doing a lot of things he doesn't usually do. Sobrang nag-aalala na talaga ako. Nag-away na kami before pero never naman siyang naging ganito.
My heart dropped when I saw the state he was in.
"I tried to stop him kaso he just pushed me and jumped in the pool. He's been like that since I called you," Rowan said with an apologetic tone. Nasa entrance ako ng pool nila at nakita ko kaagad si Brian na naka-floating position sa pool while only wearing his boxer shorts and holding an empty beer bottle on his right hand. Nakapikit lang din siya and I'm not sure if he's even aware of my presence.
"Iwan ko muna kayo," sabi ni Rowan. Tumango lang ako at nagpasalamat sa kanya. Bumalik na siya sa loob ng bahay. Naglakad naman ako palapit sa pool. Lumuhod ako upang tawagin si Brian.
"Brian . . . " Nagmulat siya ng mata nang marinig ang boses ko at nang magtama ang mga mata namin ay ngumiti siya.
"Sai . . . ?" namamaos niyang tawag.
Nginitian ko siya at inabot ko ang aking kamay. "Tara na, uwi na tayo."
Umalis siya sa floating position niya at palangoy na naglakad patungo sa akin. Inabot niya ang kamay ko at akala ko ay aalis na siya ng pool. Ngunit napasigaw na lang ako sa gulat nang higitin niya ako hanggang sa nahulog ako sa pool. Agad akong napayakap sa leeg niya habang inuubo ang mga tubig na kamuntik ko ng mainom, ang isang kamay ko naman ay inaalis ang basang buhok na humarang sa mukha ko.
"Brian, bakit mo —" Hindi ko natapos ang aking sasabihin nang ipinatong niya ang noo niya sa aking noo at pumikit. He was holding me from the small of my back. There was a strong smell of alcohol coming from him that made me feel a little bit dizzy.
"Bakit sa kanya ka pumunta?"
Bago ko pa man maproseso sa isip ko ang sinabi niya ay biglang lumuwag ang hawak niya sa akin at ang ulo niyang nakapatong sa noo ko ay mas lalong bumigat hanggang sa nalaglag na siya sa balikat ko. He passed out and I immediately called Rowan for help.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top