Chapter 25
A/N: Nakakaloka naman po ang 2k comments n'yo sa last chapter! Ang sisipag! Hahaha! Thank you po! I will try to write the next chapter tomorrow and hopefully upload it on the same day too! :)
Enjoy reading! :)
-
"Sai, wait. It's not what you think." Sinubukang abutin ni Brian ang kamay ko ngunit hinigit ko kaagad ito palayo upang hindi niya ako mahawakan.
"Hala! Magkakilala kayo? Siya ba 'yong kinukwento mong girlfriend?" Tinuro ako ni Hannah habang nanlalaki ang mga mata niya. Bigla kong naalala ang mga sinabi niya sa akin kahapon.
"Sabi niya sa akin, magulo daw isip ng girlfriend niya at nauumay na raw siya doon. Ibe-break niya na rin daw soon."
"Well, may kasalanan din naman 'yong girl. Nahuli niya raw kasi na nakikipagkita pa rin ito sa ex niya without him knowing kaya 'yon, malabo silang dalawa."
Anong ibig sabihin n'on? Ex? Naalala niya na ba? Nakita niya ba kami? Ibe-break niya na ba ako dahil magulo ang utak ko?
"Hannah, uwi ka na muna. Sorry, hindi na kita mahahatid," saad ni Brian, sunod na lumingon naman siya sa akin, "mag-uusap lang kami ni Sai."
"Hindi na, ako na ang aalis." May halong diin at panginginig sa boses ko. Tumalikod na ako upang maglakad palayo sa kanila ngunit naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. Napahinto ako sa paglalakad.
"Wait, Sai. Makinig ka muna sa akin, hindi talaga ito ang iniisip mo," pagsusumamo niya. Ayaw kong makinig sa kanya, ayaw kong makarinig ng kahit ano sa kanila. Hinigit ko ang kamay ko paalis sa hawak niya ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa akin at hinawakan niya na rin ako sa balikat upang iharap sa kanya. Nagpumiglas ako at pilit siyang tinutulak palayo sa akin.
"Sairyl, kumalma ka, please. Tignan mo ako!" Hinawakan niya nang mariin ang baba ko at pilit na inaangat ang mukha ko upang magtama ang aming mga mata. Pakiramdam ko ay tumatagos sa buong pagkatao ko ang mga tingin niya habang mariin ngunit may tunog ng hinanakit niyang sinabing, "hayaan mo naman akong magpaliwanag."
Tama naman siya. Magulo ang utak ko at mas lalong gumugulo ngayon. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at pilit kong tinutulak paalis ang kamay niya sa akin. Nasasaktan ako sa mga pumapasok sa isip ko at hindi ko kayang kausapin siya.
"Bitawan mo ako, Brian! P*tangina! Kung naguguluhan ka sa utak ko at gusto mo na akong hiwalayan, sana sinabi mo na lang! Hindi 'yong ganitong napakababoy mo!"
"Hala uy! You're getting this wrong, Sairyl!" Marahas na iwinasiwas ni Hannah ang mga kamay niya habang itinatanggi ang nakita ko.
"H'wag mo akong kausapin!" sigaw ko kay Hannah. Hindi ko rin alam kung paano siya haharapin dahil ang sama sama ng loob ko sa kanilang dalawa. "T*ngina n'yo! Magsama kayong dalawa!"
Tinulak ko ng buong lakas ko si Brian at napabitaw na siya sa akin. Agad akong tumakbo palayo at nagtungo agad ako sa elevator.
Sumunod din naman agad sa akin si Brian at pilit akong tinatawag ngunit hindi ko siya pinapansin. Pumasok na ako ng elevator nang bumukas ito ngunit hindi ako makababa dahil humarang siya sa pinto upang mapigilan ang pagsara ng elevator. Pilit kong paulit-ulit na pinipindot ang buton upang magsara ito ngunit hindi talaga siya nagpatinag.
"Ano ba! Umalis ka na d'yan!" sigaw ko.
"Sai, please. Nakita ko lang sa daan si Hannah kanina noong pauwi ako. She was just my highschool friend," paulit-ulit niyang paliwanag.
"Sa tingin mo maniniwala talaga ako doon?" Umulit na naman sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni Hannah. May nangyari ba sa kanila? Kung anu-ano na ang eksenang pumapasok sa isip ko at pakiramdam ko ay masusuka ako nang makitang may ibang babaeng kahalikan at kasama sa higaan si Brian.
"P*tangina talaga!" Isinuklay niya ang kanyang mga daliri sa kanyang buhok habang nakatingala at pumikit saglit. Pag mulat niya ng kanyang mga mata ay tila parang maluluha siya. "Bakit ayaw mong maniwala sa akin? Halika na muna kasi sa unit ko, mag-usap tayo please." Pilit na naman niyang hinihigit ang kamay ko.
"Let me fucking go, Brian! Gusto kong mapag-isa!" Para kaming nagta-tug of war sa hilahan namin ng kamay ko, ayaw kong sumama sa kanya at makarinig pa ng kung anong kasinungalingan. Napakaliwanag naman ng nakita ko at tugma lahat sa sinabi ni Hannah.
Nang makawala na ulit ako sa hawak niya ay sinuntok suntok ko ang dibdib niya habang sinisigawan siya. "Kapag hindi ka pa umalis sa pinto, hinding hindi na talaga kita kakausapin kahit kailan!"
Natulala siya saglit, hinawakan niya ang kamay ko upang pigilan ito sa paghampas sa kanya. Yumuko siya at binitawan din ang hawak niya sa kamay ko. Inalis na rin niya ang isa niyang kamay na pumipigil sa pinto ng elevator.
"Kausapin mo ako please kapag huminahon ka na," saad niya bago tuluyang nagsara ang pinto. Napaupo na lang ako sa malamig na sahig habang bumaba ang elevator. Hindi ko na napigilan lumabas lahat ng luhang kinikimkim ko kanina. Napahawak ako sa kaliwang dibdib ko nang sobrang higpit. Ang sakit ng puso ko, parang may umiipit, parang dinudurog, para akong mamamatay.
Nang tumunog ang elevator at nakarating na sa ground floor ay sinubukan kong tumayo. Humawak ako sa gilid upang kumuha ng lakas dahil nanghihina ang mga tuhod ko dahil sa mga nangyari. Sinubukan kong punasan ang mga luha ko kaso ayaw talaga nilang tumigil.
May dalawang babae ang bumungad sa akin nang bumukas ang pinto. Kita ko ang gulat sa kanilang reaksyon at agad nila akong tinanong.
"Okay ka lang ba miss?"
Hindi na ako nag-abalang sumagot at naglakad na palabas. Narinig ko pa silang magbulungan paglagpas ko.
"Hala! Ano kaya nangyari kay ate?"
Agad akong pumara ng taxi pagkalabas ko ng building. Habang umiiyak pa rin ay sinabi ko ang address ko. Tinanong din ako ng driver kung okay lang daw ako ngunit hindi ako sumagot at nagpatuloy sa pag-iyak.
Tumunog ang cellphone ko.
"Tawagan mo ako kapag pwede na. Gusto kong makipag-usap sa 'yo. Gusto kong ipaliwanag ang mga nakita mo. Sana maniwala ka sa akin. Mag-usap tayo, Sai. Parang awa mo na. Mahal na mahal kita."
Tinapon ko na ang cellphone sa bag ko at patuloy na umiyak. Maya-maya lang ay nagsalita ulit ako at pinalitan ang address na una kong sinabi.
Ibinaba ako ng taxi sa tapat ng building ni Cedric. Nawala na saglit ang mga luha ko ngunit ramdam ko pa rin ang bigat ng mga mata ko. Nanlalambot pa rin ako at naninikip pa rin ang dibdib ko.
Kumatok ako nang marating ko ang unit niya. Hindi siya agad sumagot sa unang katok ko kaya kumatok ulit ako. Maya-maya lang ay bumukas ang pinto at nakita ko siyang humihikab pa, magulo ang buhok at nakasuot na ng kanyang puting v-neck shirt at grey na pajama pants.
"Oh sh*t! Sai, anong ginagawa mo dito?" Agad din napalitan ang inaantok niyang mukha ng gulat nang makita ako.
"Sorry, pero pwede ka bang abalahin?" Naluha na naman ako nang sabihin ko 'yon sa kanya. Nakita ko ang bigla niyang pagkataranta at hinila agad ako papasok ng unit niya.
"Anong nangyari? Teka, bakit ka umiiyak?" Pinaupo niya ako sa sofa niya at tumabi siya sa akin habang pinupunasan ng mga daliri niya ang mga luha sa pisngi ko. Tumingala ako sa kanya upang makita ang mga mata niya. "Si Brian . . . "
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya habang hinigpitan ko ang kapit sa kanyang t-shirt. Niyakap niya ako at naramdaman ko ang kamay niya sa likod ng ulo ko habang marahang tinatapik niya ako sa buhok.
"Sinabi mo na ba sa kanya?" tanong niya. Umiling ako, mahina ko siyang tinulak upang salubungin ang mga mata niya.
"I think he's cheating on me. . . " nasabi ko sa pagitan ng aking mga hikbi.
Bumukas ang kanyang bibig at nanlaki ang kanyang mga mata habang patuloy ang pag-iling ng kanyang ulo.
"What do you mean?" He looked as confused as I am. I told him what happened and what I saw at Brian's unit.
"That fucking bastard!" Napaatras ako ng konti nang magulat ako nang suntukin niya ang gilid ng couch. Napansin niya naman agad ang reaksyon ko at nasapo niya ang kanyang noo. "Sorry, nagulat kita. Nainis lang ako sa narinig ko. Hindi ko maisip na magagawa ni Brian sa 'yo ang ganoong bagay."
"It's okay." Sumandal ako sa couch, inangat ko ang ulo ko at pumikit. I feel so tired from crying. "I'm sorry I had to bother you when you're supposed to be resting now. Habang nasa taxi ako kanina pauwi, bigla kong naisip na sa 'yo tumakbo kasi hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ayaw ko pang mapag-isa sa bahay, pakiramdam ko lalamunin ako ng buo ng sakit na nararamdaman ko."
Habang nakapikit, naramdaman ko ang pagsandal niya rin sa couch sa tabi ko.
"Don't worry about it. Stay as long as you want. Cry as much as you want. Actually, just do what you want that will make you feel better." Naramdaman ko ang pagpatong niya sa kamay ko at marahang pinisil niya ito. I cried again as he sat there quietly while holding my hand.
When lunchtime arrived, he tried to cook soup for me. I didn't even know he could cook. Unfortunately, I couldn't taste it and I didn't have the appetite to eat anything at all. I apologized to him for wasting his efforts but he just gave me an understanding smile. He opened the television but we both knew that no one was watching. It was just background noise as we sat there on the couch all day in silence.
He tried to tell me random stories in an effort to distract my mind from wandering and ending up in all kinds of negative thoughts. I could barely catch up with his stories as my mind keeps on switching on and off.
It was around dinner time when my phone rang.
"Brian's calling . . . " sabi ni Cedric. Siya na ang sumilip ng telepono ko dahil hindi ako kumibo sa kinauupuan ko kahit panay ang tunog nito. "Do you want to answer it?"
Umiling ako. Sa gilid ng mga mata ko nakita ko ang pag-swipe niya sa cellphone ko at tumigil ang pagtunog nito. Hindi pa nakakalipas ang ilang segundo nang tumunog na naman ito. May pinindot ulit siya sa cellphone ko bago ipinatong sa lamesa sa harap namin.
"I-silent ko muna," saad niya. "Do you really not want to talk about this with Brian? I mean, I understand you're feeling really upset about what you saw pero maybe give him the benefit of the doubt. You did say he was trying to explain himself na the girl was just his high school friend."
"I will talk to him, Cedric. Pero hindi muna ngayon, I really can't face him. Parang whatever he says to me, my mind just simply can't accept it. Sobrang laking coincidence naman kasi especially after hearing everything Hannah told me yesterday! It's possible din naman kasi na he's grown tired of me. I am an indecisive piece of sh*t and I lied to him for years. Maybe he already knew about it and he probably just couldn't bear with me anymore. Galit na galit talaga ako sa ginawa niya pero masisi ko ba talaga siya? I only did this to myself."
Tumulo na naman ang mga luha ko. Bakit hindi ba maubos ubos 'tong mga luhang 'to? Sobrang pagod na ang mga mata ko. Once again, we spent the next hours in silence until it was almost midnight and Cedric asked me if I wanted to stay the night.
Tumayo na ako sa kinauupuan ko, I almost didn't feel my legs for sitting too long.
"Thank you, Cedric. Masiyado na kitang naabala. Uuwi na ako. I'm sorry ulit sa abala."
Hinawi niya ang buhok na dumikit sa pisngi ko nang mabasa ito ng luha at inilagay sa likod ng aking tainga. Ngumiti siya sa akin ng may pag-intindi sa kanyang mga mata. "H'wag kang mag-sorry. Hindi ka abala kahit kailan sa akin. Ihahatid na kita."
Tumayo na rin siya at kinuha niya ang bag sa kamay ko. "Ako na."
Nagtungo siya sa pinto at kinuha ang susi ng sasakyan niya sa sabitan sa gilid nito. Pinauna niya ako bago siya sumunod sa labas.
Nang makarating na kami sa kanyang sasakyan, sinilip ko ang aking telepono. Punong puno ito ng missed calls at napakaraming text pati chat mula kay Brian, bukod pa rito ang mga chat ng mutual friends namin na nagtatanong tungkol sa akin na malamang ay kinontak din ni Brian upang makausap ako. 2% na lang ang battery ng cellphone dahil sa mga tawag at mensahe nila. Pinatay ko na lang ang telepono ko at pinanood ang madilim na kalsada mula sa bintana ng sasakyan ni Cedric.
"Are you going to talk to him tomorrow?" tanong niya habang nagda-drive.
Hindi ko siya nilingon, nakasilip pa rin ako sa bintana at humalumbaba. "Siguro, hindi ko alam. Kakausapin ko siya kapag kaya ko na. Ayaw kong harapin siya na galit na galit pa rin ako dahil baka may sabihin o gawin akong pagsisihan ko. I'll just need to clear my mind first."
"I really hope that it's just a misunderstanding between the two of you. I still can't believe Brian would be able to do such a thing to you . . . Alam kong mahal na mahal ka niya." Lumingon na ako sa kanya at nakita kong nakatingin din siya sa akin bago niya ibinalik ang tingin sa daan.
"Pero baka napagod na rin sa akin 'yon," saad ko habang nakayuko at pinaglalaruan ang teddy bear na palawit sa aking bag. It's a gift from Brian, nakuha niya noon sa claw machine nang minsang maglaro kami sa mall. I remember how disappointed he was that he couldn't get me the big teddy bear after trying so many times. In the end, he was only able to get this small keychain, but I still treasure it because I appreciate his effort in trying to give me things that I want.
"Please don't think like that," pag-aalo niya. "And if worst comes to worst, please know I'll always be here for you."
I forced a smile at him and whispered a "thank you".
Nang makarating kami sa tapat ng bahay ko ay bumaba agad siya ng kotse upang pagbuksan ako ng pinto.
"Are you sure you're going to be okay?" tanong niya habang nakatayo kami sa tapat ng pinto ko. Sumandal ako sa pader at tumingala upang pagmasdan ang madilim na kalangitan. Walang bituin at mukhang uulan na naman.
"May yosi ka ba?" tanong ko na ikinagulat niya. Napahawak siya sa batok niya at nagaalinlangang tinanong ako, "gusto mo ba?"
"Isa lang, pampakalma," sagot ko. Binuksan niya ang kotse at kinuha ang pakete ng sigarilyo at lighter niya. Inabutan niya ako ng isa at agad ko naman inipit sa mga labi ko. Tinakpan niya ng isa niyang kamay ang dulo ng aking yosi habang sinisindihan ito. Pagkatapos niyon ay sumandal din siya sa pader, katabi ko, upang sindihan naman ang kanya. Ipinasok niya na sa kanyang bulsa ang lighter at nanatili doon ang kanyang kamay.
Tahimik lang kami habang pinagmamasdan ang mga usok na aming ibinubuga sa malamig na gabing iyon.
"Call me if the night becomes unbearable," saad niya. "I'll pick you up right away whatever time it is."
Tumango lang ako bilang sagot. Nabalot na kami ng katahimikan. Wala ng ibang tao sa labas dahil madaling araw na but for some reason, I felt like someone was watching us kaya lumingon ako sa kanan ko to see if there was still someone around the area.
"Bakit?" tanong ni Cedric nang mapansing nakatingin ako sa madilim na kanto na walang katao tao. Umiling ako at inalis na ang tingin ko doon. "Wala." Itinapon ko na sa sahig ang sigarilyo at inapakan ito. "Pasok na ako sa loob. Salamat ulit, Cedric."
Tumango lang siya at hinintay niya akong makapasok sa loob ng bahay ko bago siya bumalik sa kanyang sasakyan. Pag sara ko ng pinto ay saka ko lang narinig na pinaandar niya ang sasakyan niya hanggang sa makalayo na ito.
Binuksan ko ang ilaw at pinagmasdan ang salas na tahimik at walang katao tao. Saglit lang akong nakatayo doon na parang wala sa sarili bago ko naitulak ang sarili kong maglakad sa aking kwarto. Tinanggal ko lang ang aking sapatos at saka nahiga sa aking kama. Inabot ko mula sa sahig ang bag ko upang kunin ang cellphone ko at charger. Nakahiga ako sa aking gilid habang iniisa isa ko ang mga mensaheng natanggap ko.
"Sairyl, gusto kitang makausap. Please."
"Sairyl, kumain ka na ba? Nasaan ka? Pupuntahan kita please."
"Sairyl, hindi ako mapakali. Please don't do this to me. I love you so much, I will never do things to you na masasaktan ka lang."
"I'm sorry . . . "
I read all of it. Napansin kong isang beses lang siyang nag-sorry sa akin.
May natanggap din akong dalawang missed calls from Hannah at isang message sa kanya.
"Hey Sai, I seriously don't know about you and Brian but can we just talk about it? He's not the same guy I was talking about yesterday. I swear."
Nang matapos ko ng mabasa ang lahat ng mensahe ay binitawan ko na ang telepono sa gilid ng aking ulo at hinayaan itong mag-charge. Nag-adjust ako ng higa upang harapin ang kisame, ipinatong ko ang braso ko sa noo ko at nag-isip.
I can hear Hannah's voice again telling how the guy she's supposed to meet plans to break up with his girlfriend. How that guy is tired of his girlfriend's unstable mind.
"Kung wala man namagitan sa kanila ni Hannah, I wonder what Brian will feel once I tell him the truth. Will he become that guy too?" naitanong ko sa sarili ko. I always thought that Brian would understand me no matter what and he would love me regardless. Kaso sa mga nangyari, ngayon ko lang naisip na I'm probably taking his kindness for granted. Tao lang din siya, pwedeng mapagod, pwedeng masaktan. What if after I tell him everything he ends up leaving me? Maybe actually cheat on me?
I stayed like that in bed for hours and it was around 3 a.m. that I noticed something weird. My phone was quiet all this time. I checked that it wasn't in silent mode. I didn't receive anymore messages or calls from him. The last message was around half past midnight, the one where he apologized.
"Nakatulog na kaya?" pagtataka ko. Umabot ang pagtatakang ito hanggang kinabuksan nang wala pa rin akong marinig mula sa kanya.
Nagsimula na akong mag-alala nang mag-alas singko na ng hapon ngunit hindi pa rin siya nagpaparamdam. Ang weird, dahil sa madalang na panahong nag-away kami ay hindi siya tumitigil hanggang sa hindi kami nagkakaayos, lalo na ngayong mas matindi ang away namin.
Buong araw ko ng pinagmamasdan ang telepono ko at ilang beses ko na rin sinubukang mag-type ng mensahe sa kanya ngunit sa huli ay buburahin ko lang. Hindi ko magawang kontakin siya dahil hindi ba't siya ang may kasalanan sa akin? Bakit ganito siya ngayon? Bakit parang wala lang sa kanya ang galit ko? Akala ko ba gusto niyang magpaliwanag? Anong nangyari? Sumuko na ba agad siya at ang katahimikang ito na ba ang pag-amin niya sa mga nakita ko?
Habang nakaupo ako sa kusina at pinagmamasdan lang ang halos hindi ko nagalaw na tsaa ay biglang tumunog ang telepono ko. Agad kong sinilip ito at umasang baka si Brian na ito, ngunit na-disappoint ako na isang marketing text lang pala ito. Itinaas ko ang mga paa ko sa aking upuan hanggang sa mayakap ko na sila palapit sa dibdib ko, ipinatong ko sa tuhod ko ang baba ko at pinagmasdan ang pangalan ni Brian sa screen ng telepono ko.
Hindi ko na kayang magmatigas.
Pinindot ko na ang call button at itinapat ito sa aking tainga. Puno ng kaba ang puso ko habang hinihintay na may sumagot sa kabilang linya.
Hinintay ko hanggang kahuli-hulihang pag-ring nito ngunit walang sumagot.
Sumubok ulit ako. Wala pa ring sumagot.
Nagsimula na talaga akong mag-alala ng sobra para sa kanya kaya naman agad akong tumayo at nagbihis. Nag-book agad ako ng taxi papunta sa kanya. Nang makarating ako sa tapat ng unit niya ay agad akong kumatok. Hindi ako makapasok dahil naiwan ko dito ang susi niya noong nakita ko sila ni Hannah. Nakailang katok na ako ngunit walang sumasagot. Napansin ko mula sa butas ng ilalim ng pinto niya na mukhang sarado ang mga ilaw. Sinubukan kong ilapat ang tainga ko sa pinto ngunit wala rin akong marinig na kahit kaluskos ng ingay na nanggagaling dito.
Nasaan kaya siya? Anong ginagawa niya? Okay lang ba siya?
I tried to contact every mutual friend we have to find out where he may be. I finally got an answer when I spoke with Rowan, his college friend.
"Yes, nandito siya sa bahay ko, Sai," sagot nito nang tanungin ko kung alam niya ang kinaroroonan ni Brian. "Pero I don't think he wants to speak with you, he came here looking really, really upset. I'm not sure kung anong nangyari sa inyong dalawa but I think it's best to give Brian time to calm down muna before seeing him. I know the guy, he rarely gets mad and when he does, it's really bad. I'll give you a call na lang siguro, maybe tomorrow, kapag mas kalmado na siya."
He hung up a little bit after that, leaving me absolutely confused. Brian was upset? About what? About me not responding to his calls and messages? Hindi ko gets. Ako dapat ang nagagalit sa kanya sa ginawa niya. Parang kahapon lang nagmamakaawa siya sa akin pero ngayon galit siya sa akin? Naguguluhan ako sa mga nangyayari.
We're both mad at each other for some reason. Hayaan ko na lang muna siguro.
Umuwi na rin ako at humiga na lang sa kama ko for the rest of the night while waiting for sleep to arrive. Ngunit hindi rin ako masiyadong nakatulog at nang sumikat na ang araw, ang bigat ng pakiramdam ng katawan at isip ko. I didn't want to get up and go to work.
I'll see Hannah. Hindi ko alam kung paano siya haharapin, hindi ko alam kung paano ako magtatrabaho kasama siya. I delayed everything I had to do, I took so much time in the shower, I stared at my socks for as long as I should, and even after I'd managed to dress up, I lay back in bed and stared a little longer at the ceiling again.
I'm not really sure how I managed to do it, but I somehow made myself book a taxi and get up. I arrived in the office 30 minutes late and received a warning from sir Jack. I never got late. I actually hate being late, but things are just so bad lately that I'm not being myself anymore.
As much as I dread it, the time to sit next to Hannah arrives. Sinubukan kong 'wag tumingin sa direksyon niya at nagpanggap na naka-focus ako sa aking trabaho.
"Usap tayo mamayang lunch break, Sai." Napataas ang aking balikat nang magulat ako sa boses niya. Hindi pa rin ako lumilingon sa kanya at tumango lang ako bilang sagot habang pinipigilan ang sarili kong magbuntong-hininga.
Maya-maya lang ay napansin kong umiilaw ang telepono ko. Sinilip ko ito saglit at napansin kong may hindi kilalang numero ang tumatawag sa akin. Hindi kami pwedeng gumamit ng telepono sa oras ng trabaho ngunit hindi ko mapigilan ang sarili ko na isiping baka mamaya ay may kinalaman ang tawag na ito kay Brian. Wala pa rin kasi akong naririnig sa kanya pagkatapos kong makausap si Rowan.
Isinilid ko sa aking bulsa ang aking telepono at tumayo upang magtungo sa banyo. Nang makarating ako sa isa sa mga cubicle ay agad kong sinagot ang tawag.
"Hello, good morning. Is this Ms. Sairyl De Mesa?" tanong ng nasa kabilang linya.
"Yes, speaking. May I know who's on the line?" tanong ko. She responded to me saying that she's the HR from Brian's work and my number is written as his emergency contact. She also told me that Brian did not report to work and they haven't heard anything from him.
Brian never skips work. Kahit sobrang sama ng pakiramdam niya ay pumapasok pa rin siya. I think he only used his sick leave twice in all of his professional years. Sa dalawang pagkakataon na 'yon, nagpaalam siya sa trabaho niya at least 2 hours before his shift.
This is unusual of Brian. I'm really getting worried.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top