Chapter 24
"You should always double check if may mas recent transaction pa kesa dito," saad ni Cedric. Tumango lang ako sa kanya bilang sagot, sumilip ako saglit sa kanya at nakita kong sobrang naka-focus siya sa monitor ng laptop niya. Nang makita niya ang mga tambak na trabahong natitira pa ay nagprisinta siyang tulungan ako. Tinanggihan ko siya dahil siya ang boss ko at kasalanan ko ang lahat ng 'to kaya nahihiya ako sa kanya.
"Ikaw din ang mahihirapan niyan kung hindi mo tatanggapin ang tulong ko. Baka umaga na, hindi ka pa rin tapos," sabi niya kanina. Sa huli ay napapayag na niya ako, binuksan niya ang ilaw sa kwarto at inilabas ang laptop niya sa table ni Hannah. Pinapasa niya sa akin ang listahan ng mga gagawin ko pa at sinilip niya kung alin doon ang alam niyang gawin at kinuha ito.
"Bakit hindi mo na lang ako tinanggal? You could've lost a lot of clients just because of my stupidity," saad ko habang patuloy na nakatingin sa screen ng monitor ko. Narinig ko ang pagtigil niya sa pagta-type.
"Kung tatanggalin kita, e 'di sana tinanggal ko na rin ang buong team n'yo sa finance department. You're new in the job, you're still mourning and yet they immediately gave you such critical tasks. No one even bothered to triple check your submissions considering what you're going through. Yes, you were at fault but there was a lack of empathy and proper guidance from your team too. I didn't do it out of my bias for you if that's what you're thinking." He smiled softly but I could see fatigue in his eyes.
Nasabi niya rin sa akin kanina na kakagaling niya lang sa client meeting and he just went to the office to get his stuff when he saw light coming from my room kaya sumilip siya at nakita niya ako. He was probably in meetings all day trying to extinguish the fire I made.
"Plus," he added, "everyone makes mistakes. I think importante ang magbigay ng second chance dahil madalas natututo tayo sa pagkakamali natin. I won't give you a third chance though, so make sure you do a better job next time."
Ako naman ang ngumiti sa kanya at sinabing, "salamat, Cedric."
We resumed working and only spoke a little from time to time so we could quickly finish the remaining tasks.
Sa sobrang tahimik, nagulat kami parehas nang biglang mag-ring ang cellphone niya.
"Must be the delivery guy, let me just get this." Tumayo na siya at naglakad palabas habang sinasagot ang tawag. Dahil pareho kaming hindi pa kumakain ng dinner ay nagyaya siyang magpa-deliver ng food kanina.
After a few minutes, bumalik na siya na may dalang mga supot ng in-order naming pagkain sa isang malapit na fast food.
"Grabe na pala ang baha sa labas, buti na lang na-deliver pa itong food natin," sabi niya pagkalapag ng mga supot sa table. "I gave the driver a tip and told him to go home na. Aabot na ata sa tuhod ang baha and it's still raining hard. Maybe we should go home already, hatid na kita sa inyo."
"No, it's okay." Tumayo na rin ako upang kunin ang inabot niyang box ng pagkain at inumin. "I'll probably just stay here in the office and finish these. Bukas ng umaga na lang siguro ako uuwi kapag tumila na ang ulan at humupa na ang baha."
"Are you sure? I'll let you bring that home para sa bahay mo na lang tapusin."
Umiling ako. "It's fine, really. Working here or working at home won't make any difference. Wala rin naman akong uuwian sa bahay."
He smiled and looked at me with understanding. "I guess I'll stay here na lang din."
"Ha? You should go home na! You don't need to stay!"
Nilagay niya sa gilid muna ang kanyang laptop upang magka-space sa table. Umupo na ulit siya at sinimulan ng buksan ang box ng pagkain niya.
"Wala rin akong uuwian sa bahay."
Binuksan ko na rin ang lalagyan ng pagkain ko, umorder ako ng chicken at siya naman ay nag-carbonara.
"Hindi ka na ba umuuwi sa parents mo?" naitanong ko bigla. Inikot niya muna ang pasta sa kanyang tinidor bago sumagot.
"Rarely."
"Are they still upset about . . . you know."
"A little pero unti-unti naman ng nawawala ang galit nila sa akin. It's fine, I'm their only son anyway. I will just have to give them grandkids para makalimutan na nila ang lahat and we'll live happily ever after," he laughs before adding, "the only challenge is where to find the person to have my child."
"That shouldn't be a problem for you. Successful ka na sa life, I bet a lot of girls are into you. Ang dami nga ang may crush sa 'yo dito sa office."
"Really?" He arched one of his eyebrows as he lifted the side of his lips.
"Hey, don't look at me like that. Wala akong crush sa 'yo." Umiwas agad ako ng tingin sa kanya at pinaglaruan ko na lang ang aking pagkain gamit ng tinidor. Narinig ko siyang tumawa.
"Wala naman ako sinabi. Ang defensive mo naman."
Hindi na ako umimik as we continue to eat. A little later, I asked him another question.
"Just curious, out of all businesses you can think of, bakit outsourcing? I mean it's different from your family's real estate business."
He took the last bite from his pasta, chewed it and after swallowing, he took a sip from his drink before answering me. "Well . . . first, it's a booming industry in Australia plus it connects me to my roots. Then, there's Ray who's been my partner from the beginning and influenced me to build this company. And another reason is it's a business that gives people opportunities and I feel fulfilled knowing I've been an instrument in giving others chances to have a better career and maybe a better life. I also enjoy talking to different people everyday as I learn something new from them."
"Wow, you surely know your way with words na ha." I joked as I closed the box of my food which I just finished.
"Syempre naman, years of talking to different people and culture ba naman. Ikaw Sai, why are you taking this career path? I never took you for someone who's into boring numbers and long ass transactions." Inabot niya mula sa akin ang lalagyan ng pagkain ko upang ibalik ito sa plastic kasama ng kanyang pinagkainan. Tinali niya na rin ang plastic upang madaling itapon mamaya.
"You know what? I really don't know. Align siya sa course ko kaya ito ang kinukuha kong trabaho. I'm just taking something that will help me pay my bills, I guess."
"Are you happy with it?" he asked.
Nagkibit-balikat lang ako. "It helps me eat more than 3x a day so I guess it's fine."
"You should find something that you really enjoy, Sai."
Umiling ako habang nakangiti. "It's easier for you to say that because you have the means. Sa akin lang umaasa parents ko noon so I had to find any available and good paying job right away. I didn't really have that kind of freedom to abandon everything and figure out what I want to do. Mahirap mag-risk, alam mo 'yon?"
"How about now?" he asked. Hindi pa ako nakakasagot nang bigla niyang inilapat ang hinlalaki niya sa gilid ng labi ko at tila may pinunasan. "May kanin, sayang."
Nakita ko ang isang butil ng kanin na tinanggal niya sa gilid ng labi ko at nanlaki ang mga mata ko nang sinubo niya ito. Nakaramdam ako ng hiya at ibinaling na lang ang tingin sa monitor ng screen ko as I pretend to go back to working.
"Magtrabaho na tayo, masyadong napapahaba ang break natin."
Narinig ko siyang tumawa at kinuha na ang kanyang laptop. "Yes, ma'am."
The room was filled again with silence as we focused on our work. Tatayo kami paminsan minsan para magbanyo, mag-refill ng tubig o kape, o kaya naman ay mag-iinat saglit.
Lampas alas onse na nang matapos namin sa wakas ang lahat ng dapat kong matapos. Na-triple check na rin namin bago ko sinend sa e-mail ni sir Jack.
"Ah, ang sakit ng likod ko. I feel so old!" saad ko habang nakahawak sa aking likod at nag-iinat.
"Hatid na kita sa inyo?" tanong ni Cedric. Naglakad ako sa may bintana at sinilip ang ulan. Mas malakas na ito pati na rin ang hanging dala nito kumpara kanina. Napansin kong wala ng tao o sasakyan sa kalsada. Nag-check din ako sa Facebook at nakita sa timeline ko ang mga larawan ng mga bahang daan, halos puro lagpas tuhod na.
"Should we just stay here and leave tomorrow morning kapag wala na ang ulan at bumaba na ang baha? It might be too dangerous to go out right now."
Naglakad siya papunta sa tabi ko at sumilip din sa labas. "Are you sure you're okay with that?"
Tumango ako bilang tugon. "Yeah, I'll probably just sleep sa couch sa may breakroom, but if you want to go home na, you can go ha pero just be careful."
"Nah, with this wind, I'm scared na baka may malaglag na puno or lumipad na mga yero. I'll stay here with you. Tara sa break room," pagyaya niya. Sumunod ako at naupo kami sa couch pagkatapos niyang iabot sa akin ang baso ng mainit na kape.
Tinaas niya ang blinds so we can watch the storm from the transparent windows of the office while sitting on the couch and holding our coffee mugs. Pagbalik niya sa couch ay tinanggal niya ang sapatos niya at nag-indian sit siya, ginaya ko na rin siya at mas naging komportable kami sa upo namin.
"Alam na ba ni Brian na hindi ka pa umuuwi? Baka mag-alala 'yon sa 'yo," tanong ni Cedric.
"I already texted him earlier, sinabi ko nakauwi na ako."
"Bakit hindi mo sabihin ang totoo?"
Ipinaligid ko ang aking mga kamay sa mug upang mas maramdaman ko ang init na nanggagaling dito. "He's really busy at work right now, doon na nga rin ata siya matutulog dahil nagkaproblema sila sa project nila. Sobrang stressed niya na siguro at ayaw ko ng dagdagan pa ang mga alalahanin niya. Gusto ko na lang muna mag-focus siya sa work niya. He wouldn't know naman na hindi pa ako umuuwi."
"You must really love him that much. You always think what's best for him," saad niya na sinundan niya ng paghipan sa kanyang kape.
"Mmm-hmm," sagot ko bago uminom. The warmth of the coffee inside my body somehow takes away the fatigue from earlier.
"I have a question and I hope I don't offend you with this."
Tinignan ko siya nang may pagtataka. "Ano 'yon?"
"Do you lie to him often?" Kumunot naman ang noo ko nang marinig ang kanyang tanong. Sinundan niya agad ito bago pa man ako makasagot. "Just tell him about me. Tell him you're with me right now. I can do it for you if you don't have the guts."
Ibinaba ko ang baso sa glass table sa harap namin at inayos ang upo ko upang humarap sa kanya ng tuluyan.
"Ha? Akala ko ba sabi mo you didn't come back para manggulo. Why would you tell him? Nangako ka na sa akin na we'll keep it a secret."
"I've been thinking about it since that night you went to my house." Yumuko siya at inikot ang kanyang daliri sa taas ng kanyang baso. "I'm really happy you shared your secrets to me pero iniisip ko kung bakit ka ganyan. Sinusubukan kong intindihin kung bakit hindi mo masabi sabi ang mga bagay na nahihirapan ka kay Brian. He is your partner. Isn't he supposed to be the first person you go to especially when you feel defeated in life? I kind of get it na you have your white lies to avoid him from worrying, from pain or whatever. You do it kasi you care for him, but I'm just really worried for you. What's really holding you back from telling him the truth?"
Ramdam ko ang intensidad ng kanyang mga tingin nang matapos niyang bitawan ang tanong na 'yon. Agad naman akong umiwas ng tingin sa kanya at sumandal sa couch habang itinakip ang braso ko sa aking mga nakapikit na mata.
"Hindi ko na rin talaga alam o maintindihan ang sarili ko, Cedric. It was guilt at first but maybe it's just become a habit for me. Tuwing may problemang ayaw ko na lang pag-usapan, I just smile and tell him lies. Been doing it for 7 years, nasa point of no return na ata ako."
"That's not true," saad niya. "You should start telling him about us, our past. I might not be the right person to say this to you since I am partly at fault why you're like this, pero I think you got yourself stuck from something you should free yourself from 7 years ago."
Hindi ako umimik at nakikinig lang sa sinasabi niya. The tone of his voice is calm, sincere and never mocking.
"I really want to be friends again with you at ayaw kong dumating ang araw na maalala ni Brian ang lahat at magtaka siya sa atin, lalo na sa 'yo. I don't want and never intended to be a threat sa relasyon n'yo. To be honest, I still care for you. I still feel something in my heart everytime I see you. Ganoon pa man, I still root for the two of you. Brian took care of you so well for the past 7 years and I trust he will continue to do so. I just really want to free you from the lies that may someday hurt both you and Brian. Ayaw kong maulit ang nangyari sa atin noon Sai kung saan hindi ako naging honest sa 'yo and because of that, I lost you."
Nag-pause siya upang huminga ng malalim.
"Please be kinder to yourself, Sai. Talk to Brian. I know he will always listen and understand you no matter what."
Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng mga luha ko pagkatapos niyang sabihin 'yon. Naitakip ko na lang ang pareho kong kamay sa aking mukha habang humihikbi. Naramdaman kong hinigit ako ni Cedric at niyakap.
"I'm sorry," saad ko sa nanginginig na boses.
"Don't apologize to me. Apologize to Brian and most especially to yourself."
Tumango lang ako habang yakap pa rin niya. Hindi na siya umimik pa habang hinihintay akong kumalma at tumahan. Nang kumalma na ako ay umalis na ako sa pagkakayakap niya habang pinupunasan ng likod ng aking kamay ang basa sa aking pisngi.
"I'll tell him tomorrow kapag nagkita na kami," saad ko. Ngumiti siya sa akin at nilagay ang kamay sa ibabaw ng aking ulo. "You will do well, Sai."
"Salamat, Cedric." Inabot ko ulit ang kape ko mula sa lamesa at nagkomento dito, "lumamig na agad."
Natawa siya at sinabing, "dapat siguro alak ang inabot ko sa 'yo at hindi kape."
Tumawa na rin ako sa biro niya at ibinalik na ang malamig na kape sa lamesa.
"Sa totoo lang," pagsisimula kong magkwento sa kanya, "lahat ng sinabi, alam ko na 'yon. Alam ko na sa sarili ko na dapat noon pa ay sinabi ko na ang totoo kay Brian, na hindi dapat ako nagsisinungaling sa kanya. Alam kong parang bine-betray ko siya sa tuwing magsisinungaling ako sa kanya. Ewan ko ba talaga sa sarili ko kung bakit hindi ko masabi sabi sa kanya ang totoo pero I guess, matigas lang talaga ang ulo ko. Salamat sa pagpukpok para matauhan ako. Sa lahat ng tao, hindi ko akalaing sa 'yo pa ako makikinig. Ikaw na unang nanakit sa akin."
"At least minsan sa buhay ko, I did something right for you." Siya naman ang sumandal sa couch at pinanood ang patuloy na pag-ulan sa labas. "I've already said it countless of times sa 'yo pero sobrang nagsisi talaga ako sa ginawa ko noon. I won't be able to change things na nangyari na kaya gusto ko na lang makabawi sa 'yo in any way I can. Gusto ko na lang talagang makita kang masaya . . ."
" . . . kahit sa ibang tao pa 'yan." Hindi ko narinig ang huling parteng sinabi niya dahil kumulog nang malakas kaya naman pinaulit ko sa kanya ngunit umiling lang siya at ngumiti sabay sabing, "wala."
Nagpatuloy kaming magkwentuhan tungkol sa iba't ibang bagay katulad ng pag-alala sa nakaraan o kaya naman pagkwento niya sa akin ng mga naging experience niya sa Australia. Hindi na namin namalayan ang oras at inabot na kami ng alas dos ng umaga sa pagkukwentuhan.
Hindi ko na rin namalayan na nakatulog na pala ako at nagising na lang ako na nakadantay ang aking ulo sa balikat ni Cedric. Napatakip ako ng aking mga mata nang masilaw sa liwanag ng araw. Umaga na at wala ng ulan.
Nang maka-adjust na ang mata ko sa liwanag ay sinilip ko ang natutulog na mukha ni Cedric. I carefully trace the line of his nose with my index finger as I appreciate the changes from his facial features. He still resembles the Cedric I first met kahit nag-mature na ang kanyang mukha.
When I first met him again after 7 years, I really thought I still have feelings for him. Sobrang na-confuse ako dahil I find myself wanting to see him and talk to him again. That's probably why I told him everything I couldn't tell Brian.
Mali pala.
Na-miss ko lang pala siya. He's been a big part of my life kahit nasaktan niya ako noon. I think we both had the longing of fixing something we've broken in the past.
"Pinapatawad na talaga kita, Cedric," bulong ko. This time, I really mean it. Wala na talagang kahit anong galit o inis sa puso ko para sa kanya.
I also mean it when I said I don't have any romantic feelings for him anymore. I still care for him of course. Cedric will always have a special place in my heart and I'm happy we can be friends again.
I heard my mom's voice in my head asking, "paano si Brian?"
Ma, I love Brian so much and I feel so dumb for not realizing it sooner than I should.
"What are you doing?" Nagulat ako nang hawakan ni Cedric ang kamay kong tine-trace ang mukha niya. Nagmulat din siya ng kanyang mga mata at ngumiti sa akin. "H'wag mong gawin 'yan baka umasa ako sa wala."
Binawi ko ang kamay ko sa hawak niya at nginitian din siya.
"Uuwi na ako."
Umayos na siya ng kanyang upo at sinuklay ang mga daliri sa buhok. Yumuko rin siya upang kunin ang kanyang sapatos at isuot ito. Ginaya ko na rin siya at tumayo na kami pagkatapos.
"Tara, hatid na kita sa inyo."
Nagtungo na kami sa kanyang sasakyan at nag-drive na siya papunta sa bahay ko. May konting baha pa rin ngunit hindi na kasing taas ng kahapon. Marami na rin tao sa kalsada at mainit na rin ang sikat ng araw na ramdam ko kahit nasa loob kami ng air conditioned na kotse. Ang weird talaga ng panahon.
"I'm happy, Sai," saad ni Cedric habang nagda-drive.
"About what?" tanong ko.
"Masaya lang ako na nakasama ka bago ako bumalik ng Australia."
"Ah oo nga pala, pabalik ka na nga pala doon. Kailan nga ulit exact date? May utang pa ako sa 'yong cupcakes, I should start finding people to help me sa bulk order mo."
"Sa 30th dapat, which is the last Friday of this month kaso it got moved a bit earlier. Bale, sa 26th ng gabi na which is a Monday."
"Bakit napaaga?"
"May nakuha kaming magandang deal with a really big client in Australia and sa 27th lang ang availability ng CEO nila to meet so I had to adjust so we don't lose that great opportunity."
"I see. I have little time na lang pala for your cupcakes! Anong araw na ba today?" Sinilip ko ang ang date mula sa screen ng stereo niya at may na-realize ako bigla. Today is the 17th of August.
"Shit."
"Why?" Nagtaka si Cedric nang mapamura ako.
"I'm such a shit girlfriend, I forgot today's Brian's birthday!" Sa daming nangyari these past few weeks, from mom's death to all the mess I did at work, nawala na nang tuluyan sa isip ko ang birthday ni Brian.
"Oh no, do you have anything for his birthday?" tanong ni Cedric.
Umiling ako, "I even forgot to buy him a gift!"
I know he told me before that he doesn't really want anything but still, I want to give him something for his birthday. Naiinis ako bigla sa sarili ko for forgetting such an important day.
"Do you want me to drop you sa mall so you can get something for him?" suhestiyon niya.
"Kaso sarado pa ang mall," saad ko. It's only 7 in the morning.
"Oh right. Ah, alam ko na, why don't you just bake something for him? Magaling ka naman mag-bake, I think he will appreciate it a lot lalo na at pinaghirapan mo."
"That's a good idea! Tama, gagawa na lang ako ng favorite niyang cake. Nagawa ko naman na 'yon dati and it will just take me around 2-3 hours to do it."
"Good luck with it!" pag-cheer niya.
Nagpaalam na ako kay Cedric pagkababa ko sa kotse niya. Nang makapasok ako sa bahay ay agad kong tinext si Brian.
"Good morning, love. Happy birthday!"
Mayamaya lang ay nag-reply siya.
"Thanks, love. Pauwi pa lang ako and will just get a quick sleep. I will go to your house in the afternoon."
Nag-reply ako sa kanya.
"It's okay! Just get all the sleep you need and I'll just see you later. Sleep well!"
Chinarge ko na ang cellphone ko sa may kusina at sinimulan ko ng maghanap ng mga ingredients sa cabinet at ref ko. Good thing I still have enough ingredients to use for the cake at hindi pa nasisira ang mga strawberries ko sa ref.
Naisip kong imbis na siya ang pumunta sa bahay ko, ako na lang ang pupunta sa condo niya para sorpresahin siya. He bought a condo unit 2 years ago dahil gusto niya na rin humiwalay sa bahay ng parents niya para raw matuto na siyang maging independent sa bahay. I've been to his unit a lot of times already, actually binigyan niya ako ng kopya ng susi ng condo niya so I could go there anytime I want.
"I wonder what would be his reaction kapag nagising siya and he sees me with this cake." Napangiti ako while imagining his surprised face.
Nakuha ko na ang mga ingredients na kailangan ko at sinimulan ko ng paghalu-haluin ang mga ito. Nang mailagay ko na sa oven ang cake ay naghanap naman ako sa mga cabinet ng mga naitagong birthday materials na ginamit ko noong mag-birthday dati si mama sa bahay. Nakakuha ako ng mga kandila, plastic ng lobo, meron ding pampalobo at isang de-taling happy birthday sign. Nilagay ko ang mga ito sa bag ko at hinintay matapos ma-bake ang cake.
Habang pinapalamig ko ang cake ay sinimulan ko ng gawin ang filling at frosting. Nang mailagay ko na rin ito sa cake at nasulatan ko na ng 'Happy birthday, love!' sa taas ay ipinasok ko muna sa ref for at least an hour para mag-settle ng mas maganda ang frosting. Habang hinihintay itong lumamig ay naligo na muna ako at nag-ayos ng sarili.
Mga 9 nang kinuha ko na ang cake sa ref at nilagay ito sa isang pabilog na tin can. Nag-book na rin ako ng taxi sa phone ko at ilang minuto lang ay dumating na ito. Mga 15 minutes lang ay nasa baba na ako ng building ng condo ni Brian.
Pinindot ko na ang 7th floor pagpasok ko ng elevator. Hawak hawak ko ang cake habang nagha-hum ako ng "How Do You Sleep?" ni Sam Smith, ang huling kantang narinig ko sa taxi bago ako bumaba.
Nang makarating na ako sa floor ni Brian ay naglakad ako patungo sa unit niya. Nang nasa tapat na ako ng pinto niya ay kinuha ko sa bag ang susi. Ngunit bago ko pa man mailagay sa butas ang susi ay biglang bumukas ang pinto.
Nabitawan ko ang susi pati na rin ang hawak kong cake. Nag-echo ang tunog nang bumagsak ang latang lalagyan at gumulong ito sa sahig. Hindi ko na inalintana kung nasira ang cake sa loob nito dahil hindi ko magawang maalis ang tingin ko sa dalawang taong kilala ko sa aking harapan.
"Sai? Anong ginagawa mo dito?" Sabay pa nilang tanong habang gulat na gulat.
Sumikip ang dibdib ko at tila nahihirapan akong huminga. Parang lumiit ang mundo. Gusto kong magsalita o tumakbo paalis ngunit nabato lang ako sa kinatatayuan ko.
Hindi ko alam ang iisipin ko habang nasa harapan ko sina Brian at Hannah.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top