Chapter 22


A/N: Hey LAL readers, if you haven't joined our Facebook group yet, feel free to join us here: bit.ly/dennysaurs para maka-chikahan niyo rin ang iba pang LAL readers! ;)

May isa pa akong chapter na iu-upload, habol ko later or tomorrow. Hehe!

- ❤ -

"Ma, pagkatapos mo sa operation at gumaling ka nang tuluyan, promise ko sa 'yo magta-travel tayo sa lugar na gusto mo."

"Nako, anak. Gastos lang 'yan, ipunin mo na lang. Pasensya ka na sa nanay mo ha at wala ako naipong pera at ikaw tuloy ang sumasalo ng lahat."

Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil ito upang iparamdam sa kanya na mahal na mahal ko siya.

"Ano ka ba, ma. I will do everything for you kaya magpagaling ka kaagad ha at pagplanuhan natin pagkatapos kung saan tayo pupunta."

"Ay sige na nga. Gusto ko sa El Nido ha pero kapag may sale na lang para tipid."

"Bakit doon?"

"May kamag-anak kasi tayo doon, pinsan ko na hindi mo pa nami-meet. Makakatipid tayo sa accommodation. At saka hindi pa kasi ako nakakapunta doon at feeling ko maganda doon."

"Okay sige po, pupunta tayo doon kapag magaling ka na. Pupuntahan natin lahat ng beach doon. Sa ngayon, matulog ka na po at maaga pa ang operasyon mo."

Tumayo ako upang ayusin ang kumot ni mama at hinalikan siya sa noo.

"Goodnight, ma."

Ngumiti siya at ipinikit na ang mga mata. Pinatay ko na ang ilaw at nahiga na sa sofa ng ospital. Nang makahiga na ako ay narinig kong magsalita ulit si mama.

"Sai, anak . . ."

"Po?"

"Sana maabutan ko pa kayong magpakasal ni Brian at bumuo ng pamilya. Ayaw kitang iwan sa mundong ito ng mag-isa. Gusto kong makita na may sarili ka ng pamilya bago man lang ako mawala."

Bigla akong naluha nang marinig ko 'yon.

"Ma naman, bakit ganyan ka, para kang namamaalam. 'Wag ka po mag-alala, alam kong maabutan mo pa ang mga magiging apo mo."

"Wala pa bang balak si Brian? Ang tagal ko na nagpaparinig doon."

"Meron naman po pero ako ang hindi pa handa . . ."

"Bakit?"

Pinag-isipan ko muna kung dapat ko bang sabihin kay mama ang lahat ng nararamdaman ko. Gumilid ako ng higa upang humarap sa higaan niya habang yakap ko ang aking unan.

"Tanda mo pa ma noong kausapin ko kayo nina papa na 'wag babanggitin kay Brian ang tungkol kay Cedric?"

"Oo, ang sabi mo ay para 'yon sa ikakatahimik n'yong tatlo kaya um-oo na lang kami ng papa mo. Hindi pa rin ba niya naalala si Cedric?"

"Hindi pa at alam mo ba ma, nakita ko ulit si Cedric. Ang malala pa ay siya ang may-ari ng kumpanyang pinagta-trabahuhan ko."

"Sana naman ay wala ka ng nararamdaman kay Cedric. Alam kong malalim ang pinagsamahan n'yo ni Cedric pero ang tagal na niyon, anak."

"Hindi ko rin po alam, ma. Sa totoo lang nang makita ko ulit siya, naguluhan ako. Nag-iba siya, nag-mature pero minsan ay nasisilayan ko sa kanya ang dating Cedric na nakilala at minahal ko."

"Paano si Brian? Napakabait ng batang 'yon at saksi ako kung gaano ka niya kamahal sa pagsunod pa lang niya ng tingin sa 'yo."

Tinitigan ko ang nakasarang bintana habang mas ibinalot ko pa ang kumot sa aking sarili.

"Mahalaga sa akin si Brian, ma. Minsan pakiramdam ko na hindi ko siya deserve. Hindi ko alam kung ang nararamdaman ko para sa kanya ay dahil sa guilt na hindi ko maalis. Hindi naman ako nagsisi na siya ang nakasama ko sa loob ng pitong taon."

Tumigil ako saglit upang huminga.

"I feel his love, overflowing pa. Naghe-hesitate ako na baka hindi ko kayang tumbasan ang pagmamahal niya. I mean mahal ko naman siya, kaso baka kulang, baka hindi ako sapat at hindi ako ang dapat para sa kanya. Hindi pa ako ready kasi gusto ko na kapag niyaya na niya ako at um-oo na ako, wala na 'yong guilt, wala na ang lahat ng kasinungalingan at higit sa lahat, siguradong sigurado na ako sa nararamdaman ko."

"At si Cedric?" tanong ni mama.

"Hindi ko rin po alam, ma. Labo labo na lahat sa utak ko."

"Pag-isipan mong mabuti anak, 'wag magpapadala sa biglaang emosyon. Gusto kong maging masaya ka at makalimutan mo na ang nakaraan. Piliin mo lagi ang tama."

"Opo."

Wala na akong narinig pagkatapos at mayamaya lang ay narinig ko na ang mahinang paghilik. Sinubukan ko ring matulog ngunit ang ingay ng aking isipan. Inabot ako ng ilang oras at ilang paikot-ikot sa kama bago ako kinuha ng kawalan.

Kinaumagahan ay nagpaalam ako kay mama bago ako pumasok ng trabaho at hiniling ang success ng operasyon niya. Hindi ko naman akalaing 'yon na pala ang huling pag-uusap namin.

Nang matanggap ko ang tawag mula kay ate Lalay ay agad akong nagpaalam sa trabaho at pinayagan nila akong mag-leave ng isang linggo para asikasuhin lahat para sa libing ni mama. Nagpaalam din agad si Brian sa trabaho niya nang ibalita ko sa kanya ang nangyari. Sinamahan niya agad ako sa ospital at halos siya na rin ang umasikaso sa mga dapat bayaran at gawin sa ospital. Kahit sa paghahanap ng punerarya at lahat ng dapat ayusin ay siya na ang kumontak dahil hindi na rin ako makausap. Tagapirma na lang ako ng mga dapat pirmahan. Kung hindi ako umiiyak ay tulalado na lang ako.

Ang sama sama ng loob ko. Umasa talaga akong kakayanin ni mama. Hindi ko matanggap.

"Na-text ko na silang lahat," saad ni Brian. Siya na rin ang kumontak sa mga kamag-anak namin ng tungkol kay mama at kung saan ang lamay. Sinabi ko na lang sa kanya ang mga pangalan na kokontakin sa cellphone ko.

"Ito, biscuit. Kumain ka kahit konti. Sige na."

Umiling lang ako bilang tugon dahil wala akong gana. Bigla ko na naman naramdaman ang sobrang lungkot at napahagulgol na naman. Niyakap ako ni Brian habang hinahagod ang likod ko.

"Nandito lang ako, love. Nandito lang ako." Paulit-ulit niyang bulong sa akin at mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya.

Lumipas ang mga araw kung saan ay iba-ibang tao ang bumibisita sa lamay ni mama. Dumayo rin pati ang mga malalayo naming kamag-anak mula sa ibang probinsya. Hindi ko na nga kilala ang iba at doon ko na lang sila nakilala bilang mga pinsan o kaibigan ni mama.

Tatlong araw lang ang lamay para kay mama.

Sa unang araw ay bumisita si Cedric noong umaga. Hindi ko rin siya masyadong nakausap dahil maraming dumating sa unang araw. Nag-condolence lang siya at nag-stay saglit. Para naman sa unang gabi, mas marami ang dumating na bisita at tinulungan ako ni Brian pagkatapos niya sa trabaho.

"Uwi ka na, maaga pa ang pasok mo bukas," saad ko. Maghatinggabi na kasi.

"Halika na, uwi na tayo. Si Ate Lalay na muna ang bahala dito para makapagpahinga ka na rin." Sa gabi ko na kasi pinapasok si Ate Lalay para may magbabantay sa madaling araw.

"Okay lang ako, mayamaya ng konti pa ako uuwi. Hintayin ko lang sila tito umuwi." Tinuro ko ang direksyon ng mga kamag-anak namin na nagkukwentuhan pa.

"Sige, hintayin na rin kita."

"Pero baka mamaya pa sila, maaga pa ang pasok mo."

Nginitian niya lang ako at nagpumilit na hintayin ako. Halos mag-alas tres na ng maubos ang tao at saka lang kami nakauwi ni Brian.

"Sabi ko naman sa 'yo dapat nauna ka na, napuyat ka tuloy," sabi ko habang kaharap ko siya sa higaan. Sinasamahan niya akong matulog para hindi ko maramdaman na mag-isa na lang ako sa bahay na ito.

Nilagay niya ang kamay niya sa may likod ko at hinila ako palapit sa kanya hanggang sa magdikit ang mga noo namin.

"Okay lang, ayokong iwan ka."

Naramdaman ko na lang ulit na tumutulo ang mga luha ko at pangalawang gabi na humagulgol ako habang yakap niya hanggang sa makatulog ako.

Sa ikalawang araw ng lamay ni mama ay marami pa rin ang bumisita. Humupa ng konti ng mga alas onse ng umaga. Dumating ulit si Cedric at sa pagkakataong 'yon mas nagkaroon kami ng oras upang mag-usap.

Nakaupo kami sa unahan kung saan tanaw namin ang kabaong ni mama.

"Hindi ko man lang nabisita si tita noon," nakatungong sabi ni Cedric.

"Alam mo bang sinumpa ka niya noong malaman niyang nakipag-break ka sa akin?" Biglang bumalik sa alaala ko ang mga panahong nalaman ni mama na wala na kami ni Cedric. "Galit na galit si mama, sabi pa nga niya kapag nakita ka raw niya ay talagang hahampasin ka niya ng walis."

"I can imagine her doing that, napaka-protective sa 'yo ni tita."

Natawa kami pareho pero rinig ang lungkot sa mga halakhak namin.

"Hindi man lang ako nakapag-sorry kay tita."

"Sorry para saan?"

"Hindi ko kasi tinupad ang pangako ko sa kanya noon."

"Ano 'yon?" Na-curious ako dahil hindi ko alam ang tungkol doon.

"It was during our trip to Cebu. I was sitting in between you and tita. Nagbanyo ka that time tapos si tita kinausap ako. Tinanong niya sa akin kung gaano raw ako kaseryoso sa 'yo and I told her that I'd rather die than lose you. Tinaas niya bigla ang pinky finger niya, ganito," pinakita niya sa akin kung paano, "tapos sabi niya na ipangako ko raw at i-seal with a pinky promise. Natawa ako saglit noon kasi hindi ko expect na may pa-ganoon si tita pero seryoso ang mukha niya kaya nahiya ako at tumigil sa pagtawa. Nagseryoso din ako at ikinapit sa kanya ang aking hinliliit. Nangako ako sa kanya kaso binigo ko rin kaya gets ko rin bakit ganoon ang galit niya sa akin."

Hindi ko alam na ginawa ni mama 'yon pero natutuwa akong marinig ang mga bagay na ginawa ni mama para sa akin. Bukod kay Cedric, marami rin akong mga bagong kwentong narinig sa mga bumisitang kamag-anak namin na ginawa ni mama para sa akin ng hindi ko alam.

"Oo nga, 'di sana nauna ka pa kay mama kung tinupad mo ang pangako mo sa kanya." Tumawa siya sa biro ko at napakamot ng ulo. "Okay lang, hindi naman na siguro galit si mama sa 'yo. Hindi naman marunong magtanim ng galit 'yon."

"Sabagay."

Ngumiti na lang kami ni Cedric at hindi na nag-imikan pang ulit.

Nagpaalam na rin siya nang dumating ang mga kaibigan ni mama noong high school siya. Mabagal ang takbo ng oras kahit pa ang dami ko ng nakausap na iba't-ibang tao. Gusto ko na lang mag-fastforward sa panahong hindi na ganun kasakit sa tuwing iisipin kong wala na si mama.

Pagpatak ng alas singko ay dumating na si Brian. Kita ko ang pagod sa kanyang mga mata. Alam kong napaka-busy niya sa trabaho ngunit pinipilit niya pa ring unahin ako. Dinalhan niya ako ng hapunan at pinilit akong kumain dahil ilang araw na akong halos kaunti lang ang kinakain.

Pagkatapos kong kumain ay tumawag sa akin si Kyla.

"Uy Sai, condolence." Sinuklian ko siya ng matamlay na ngiti. "Pasensya na kung wala ako diyan sa tabi mo ngayon pero tawag ka lang sa akin anytime ha?"

"Salamat pero 'wag mo na akong masiyadong alalahanin. 'Wag mo masiyadong i-stress-in ang sarili mo lalo na at malapit na ang kabuwanan mo." Nasa Japan na kasi si Kyla at doon na siya naninirahan kasama ng asawa niya. Nakunan siya sa unang anak niya kaya naman todo ingat sila ngayon sa pagbubuntis niya ngayon. Hindi ko na rin siya inaabala ng mga problema ko dahil ayaw kong dumagdag pa sa isipin niya. Miss ko na rin siyang kasama pero alam kong nasa mabuti na siyang kalagayan dahil natagpuan niya na ang katuwang niya sa buhay.

"Hindi ka naman pinapabayaan ni kuya Bri diyan?" Nang marinig niya ang pangalanan niya ay sumilip si Brian sa screen ng telepono ko at nag-wave ng kamay kay Kyla. "Ikaw na ang bahala kay Sai ha. 'Wag mo pababayaan."

"Hindi mo na kailangan ipaalala pa, pinsan. Automatic na sa akin."

Nag-usap pa kami saglit ni Kyla habang inaalala ang mga paborito niyang putahe na niluto ni mama sa tuwing bumibisita siya sa bahay hanggang sa nakarating na kami sa iba't-iba pang topic tungkol sa buhay namin. Napakadalang namin mag-usap ni Kyla dahil may sari-sarili na rin kaming buhay at masiyado ng busy pero wala pa rin naman nagbago sa kanya, para pa rin siyang kapatid ko sa lahat ng pagkakataon.

"Salamat po, Ate Lalay." Inabot ko na ang bayad ko sa kanya sa serbisyo niya para kay mama. Dahil kakatapos lang ng libing ni mama ay pinauwi ko na rin si Ate Lalay dahil wala na rin siyang aalagaan at babantayan.

"Salamat po, ate. Ingat ka po at God bless." Niyakap ko siya bago nagpaalam at sumakay na sa kotse ni Brian. Nakauwi na rin ang lahat ng dumalo sa libing ni mama kaya naman umuwi na kami ni Brian. Tahimik lang kami pareho sa sasakyan at kahit pagkarating ng bahay ay mabilis lang akong naligo at nagpalit ng damit, pagkatapos ay dumiretso ako sa kama upang mahiga. Naka-bend ang katawan ko na parang bola habang yakap ko ang aking mga binti. Nakatitig lang ako sa bintana kung saan pinapanood ang asul na kalangitan.

'Magkasama na kayo diyan ni papa,' bulong ko sa aking isipan.

"Tuyuin muna natin ang buhok mo, love." Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Brian at naramdaman ko ang paglubog ng isang parte ng aking kama sa pag-upo niya. Hinawi niya ang mga hibla ng buhok na nakatabing sa aking mukha at saka dinampian ng halik ang aking pisngi. Hindi ako sumagot o kumibo.

Wala akong gustong gawin. Gusto ko lang mahiga at tumulala. Grabe din ang lungkot na naramdaman ko nang mawala si papa pero iba ngayon, mas malala, mas masakit dahil pareho na silang lumisan. I feel a big hole in my heart right now. I feel so alone. I feel like dying too, from all this pain.

Brian helps me sit up in between his legs then he takes the blower from my dresser next to my bed. After he dries my hair I start bawling uncontrollably. As he tries to console me I reach at the back of his neck and lock my arms around it as I kiss him hungrily as if it will fill the void in my heart. It surprises him as he's not able to respond initially but after a few seconds, he hugs me around the waist as we take each other's mouth. It feels relieving, it feels as if I can share my pain with him. I want him to absorb more of it.

Pareho namin hinahabol ang aming mga hininga pagkatapos namin paghiwalayin ang aming mga labi. Tinitigan ko ang mga mata niya at punong-puno ito ng tanong lalo na nang bigkasin ko sa kanya ang mga sumunod kong salita.

"Brian, please make love to me."

Hindi siya sumagot habang nakatitig lang siya sa akin, nakapinta pa rin ang gulat at pagtataka sa kanyang mukha. Nang lumipas ang ilang segundo na wala pa rin akong nakukuhang sagot sa kanya ay bumitaw ako sa kapit ko sa kanya. Nilagay ko ang aking mga kamay sa magkabilang gilid ng aking t-shirt upang iangat ito. Nangangalahati pa lang ako ng pigilan niya ako at ibinalik pababa ang aking damit.

"You're the only girl I'd want to make love with pero I won't do this to you. You are grieving and I understand that you're trying to find ways to alleviate the pain. I will not take advantage of your feelings."

Hinawakan niya ang aking magkabilang pisngi at hinalikan akong muli. Pagbitaw niya ay muli siyang nagsalita habang pinupunasan ang mga luhang nagkalat sa aking mukha.

"I'll kiss you and hug you until you get tired of it. I will not leave your bed until you ask me to. I will cook for you or order whatever is your comfort food. I'll read you your favorite book or we can listen to your favorite song on repeat all day long. Or if you just want to stare at the wall in silence until dawn, I'll accompany you. I'll do anything for you that will not disrespect you. Mahal na mahal kita, Sairyl. I'm here. I won't go anywhere. You're not alone, okay?"

Tumango ako bago ko tuluyang ibinaon ang mukha ko sa kanyang dibdib at binuhos ang mga natitirang luha. 


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top