Chapter 12
Sorry hindi naka-update last week, had something urgent to do!!!
-
I woke up the next day in the hospital. Lumapit agad si mama as soon as she saw me wake up, naiyak din siya sa sobrang tuwa.
"Nagising ka na rin. Sobrang nag-alala kami sa 'yo ng papa mo. Kaka-alis niya lang to go to work, sayang hindi ka na niya naabutan magising. I-text ko na siya para mabalitaan siya." Kinuha niya ang phone nya at nag-text. Umupo ako mula sa pagkakahiga ko at tinignan ang paligid ko, kami lang ni mama ang nasa maliit na kwartong 'yon. Ini-angat ko ng bahagya ang kumot ko nang maramdaman ko ang lamig ng aircon, napansin ko ang dextrose needle na nakatusok sa aking kaliwang kamay, sumunod ang tingin ko sa malaking benda malapit sa bandang siko. Nang hawakan ko ang bendang ito ay biglang bumalik ang alaala ko sa nangyari at nakaramdam ako ng takot. My mom got worried after seeing my reaction.
"Are you okay, anak?"
I bit my lip to stop myself from crying. "Nasaan si Brian, ma?"
Nang lumungkot bigla ang reaksyon ni mama pagkarinig ng pangalan ni Brian, I felt so scared. "Ma, anong nangyari kay Brian?"
"Hindi pa siya gumigising simula ng operahan siya kagabi pero sabi naman ng mga doktor, malayo na raw sa peligro ang buhay niya."
"Operahan? Ha? Bakit?"
"Napuruhan si Brian dahil sa side niya ang nabangga ng kotse. Nagka-head injury at nabalian ng kamay. Inoperahan nila kagabi ang kamay niya pero naghihintay pa rin na maging conscious siya."
"Gusto ko siya makita, ma." I attempted to get out of my bed pero pinigilan ako ni mama. Magpahinga raw muna ako at kinabukasan ko na raw siya puntahan. Huwag ko raw muna i-stressin ang sarili ko sa ibang tao at mag-focus daw muna ako sa sarili ko.
Kyla and Melody visited me that day and it felt like the day went by too slow. I wanted to see Brian so bad and see him wake up. I wanted to hear his voice to know that he's okay.
As soon as I woke up the next day, I went to his room right away. His mom greeted me when I entered the room. I saw Brian sleeping in bed wearing a neck brace and a cast on his left hand. He looked so bad compared to the injuries I got. Halos puro mababaw na sugat lang ang natamo ko.
"Ikaw si Sai, 'di ba?" It was my first time meeting his mom. Brian resembles her so much. "Halika, upo ka dito."
She urged me to sit next to her as we watched Brian sleeping peacefully.
"I'm glad you are okay."
"Thank you and I'm sorry for what happened po." Yumuko ako at pinaglaruan ang mga daliri ko dahil hindi ko kayang tingnan sa mga mata ang mama ni Brian.
"Ano ka ba anak, why are you apologizing? Aksidente 'yon, walang may gustong mangyari nun. Masaya na rin ako na Brian's out of danger na. Buti rin na you are okay na."
"Salamat po." Hindi na ako magtataka kung kanino namana ni Brian ang kabaitan niya. "Kailan po kaya magigising si Brian?"
"Sabi ng doktor 2 to 5 days, depende sa katawan niya to recover from his injuries. Pero sa totoo lang natatakot din ako na harapin si Brian kapag nagising na siya."
Nang iangat ko ang tingin ko nakita ko sa mga mata niya ang mga nagbabadyang luha.
"Bakit po?"
"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na hindi na siya pwedeng lumangoy."
"Po?"
"He broke his left arm badly during the accident. Na-operahan naman at gagaling din ito pero it will take at least 2 years daw for it to fully heal. Until then, the doctor strongly advised not to do any strenuous activities and it included competitive swimming. May nalalapit pa man din siyang competition sa Singapore. I don't know how he will take the news. He really looked forward to it. Actually, buhay niya halos ang paglalangoy at ang hindi ito magawa ng ilang taon . . . natatakot akong dalhin sa kanya ang masamang balitang ito pagkagising niya." Naiyak na ng tuluyang ang mama ni Brian pagkatapos niyang sabihin 'yon..
Nagulat ako sa mga narinig ko. Bigla akong nahirapan huminga at sobrang nasaktan. Naramdaman kong hinawakan ng mama ni Brian ang kamay ko.
"Madalas kang mabanggit sa amin ni Brian at sobrang saya niya sa tuwing ike-kwento ka. Kilala ko ang anak ko, when he falls in love with someone his world revolves around that person. I might be bringing him bad news when he wakes up, but please stay as his good news. After losing his dream to join the olympics, you will probably be the only dream he will have left. Please be there for him."
I was lost for words. I forced a smile and simply nodded in response. After a while, she left the room to buy some food. Nang maiwan ako mag-isa, tumayo ako at lumapit kay Brian. Hinawakan ko ang kanang kamay niya na walang cast. Tinignan ko ang natutulog niyang mukha.
"Kasalanan ko ito. Kung hindi ako nagyaya umuwi ng maaga, hindi dapat ito mangyayari sa 'yo. If only we stayed in Tagaytay, if only . . . I ruined your dreams just like that. And it was just yesterday when you were telling me with a big smile about your dream and now . . . now, it's not going to happen. Nang dahil lang sa akin . . . lahat ng ginawa mo para sa akin ay nakabuti pero wala akong nagawang mabuti sa'yo. Ako na lang sana ang nasa posisyon mo, ako naman ang walang pangarap. Bakit ikaw pa . . . I'm so sorry, Brian. Sorry talaga. Sorry, Brian. Sorry."
Hindi ko na napigilang bumuhos ang aking mga luha. It was too much for me. The longer I looked at him, the more I was suffocating from guilt and the only way for me to breathe was to promise myself that I will do everything to make him happy.
I held his sleeping face. Sa kabila ng mga sugat na natamo niya, napaka-amo pa rin tignan ng kanyang mukha. Pinunasan ko ng aking hinlalaki ang luha kong pumatak sa kanyang pisngi. "Nandito lang ako parati para sa 'yo, Brian."
In the afternoon, my mom left me to have her dialysis. Nasa trabaho pa si papa kaya naman naiwan muna ako mag-isa sa hospital room ko. Ang sabi sa akin pwede na raw ako ma-discharge kinabukasan. Buti na lang at hindi ko na kailangang magtagal sa ospital dahil ayaw ko rin naman tumaas ang hospital bills namin lalo na't nagda-dialysis pa si mama. Masyado na maraming gastusin ang mga magulang ko and I feel like I'm adding to their burdens sa mga nangyari.
Kinuha ko ang librong iniwan ni mama sa bedside table, ang pamagat nito ay "The Timeless Girl" na kamakailan lamang ay naging bestseller sa bansa. Nagpalipas ako ng oras sa pagbabasa nito. Mayamaya lang ay narinig kong may kumatok sa pinto. Hindi ko makita sa kinauupuan ko kung sino ang kumakatok kaya sinabi ko na lang na pumasok siya. Nagulat ako nang makita ko si Cedric. May dala-dala siyang bulaklak at mga prutas.
"Anong ginagawa mo rito?" Nagsalubong agad ang mga kilay ko at agad kong isinara ang librong binabasa ko. Hindi niya pinansin ang inis sa mukha ko at nagpatuloy siyang lumapit sa lamesa sa aking gilid. Nilagay niya roon ang mga dala niya at saka siya umupo.
"Kumusta ka?" Batid ko ang lalim at bigat na dala ng kanyang mga mata na para bang pinagkaitan siya ng tulog ng ilang araw. Ayaw kong isipin na dahil ito sa akin kaya inalis ko na ang tingin ko sa kanya at ibinaling na lang ito sa may bintana. Pinapanuod ang mga dahong bumibitaw at lumilipad papalayo sa malaking puno ng narra.
"Hindi pa ba malinaw sa 'yo ang sinabi ko sa 'yo noong gabing iyon? Hindi ba sinabi kong 'wag mo na akong guluhin? Ano ba sa salitang 'tama na' ang hindi mo naintindihan?"
"Sai, ika-cancel ko na ang engagement ko kay Melody." Napabalik ang tingin ko sa kanya ng marinig ko ang sinabi niya.
"Nang mabalitaan ko ang nangyari sa 'yo, sobrang takot ang naramdaman ko. I thought I have really lost you. Hindi ko alam ang gagawin ko kung talagang may nangyaring masama sa 'yo. I thought I was about to go crazy. That's when I realized that I'd rather lose everything but you. F*ck material things, f*ck whatever it is in the future. I want to be with you, Sai. Mas mahal kita kaysa ano pa mang bagay sa mundo."
I was laughing internally; one bitter laugh for my d*mned situation. Napatingin ako sa may kisame habang kagat-kagat ang aking labi at sinusubukang pigilang tumulo ang aking mga luha. Narinig ko na rin sa wakas ang mga bagay na gusto kong marinig sa kanya pero masiyado na siyang huli. Bakit ngayon lang? Bakit ngayon pa?
"Huwag mo na i-cancel. Wala na rin namang tayo, Cedric. At hindi na rin tayo magkakabalikan pa."
"Ha? B-bakit? Pero hindi ba sabi mo babalik ka kapag isinuko ko ang lahat? I'm really sorry if it took me too long to realize it, but I really promise you that I will make it up to you. I will never make the same mistakes again." Lumapit pa siya lalo sa akin at inabot ang aking kamay, "I'm really sorry, please go back to me Sairyl."
"Sa tuwing magkikita na lang tayo, lagi tayong nagkakasakitan. Kung sana noon mo pa ito ginawa, sana hindi tayo nagkakaganito. Ah, hindi. Kung sana kinausap mo muna ako noon at isinama mo ako sa mga desisyon mo, e 'di sana walang ganito. E 'di sana masaya tayo ngayon. Pero wala na rin naman saysay balikan pa ang nakaraan, nangyari na at wala ng mababago pa. Pasensya ka na Cedric pero napagod na lang ako kakahintay sa 'yo, sinukuan na kita. "
"Please don't say that, Sai. Alam ko ang t*nga t*nga ko noon. I thought I was doing it for the better pero napaka-immature ng mga naging desisyon ko noon. F*ck! Sorry, sobrang t*nga ko talaga pero natuto na ako, magbabago na ako. Please believe me, Sai. Hindi na kita sasaktan ulit."
Binalik ko ang tingin ko sa bintana, pinanood muli ang mga dahong nalalaglag mula sa puno ng narra. Naalala ko bigla ang lesson namin noon sa Science tungkol sa puno at dahon. Ang dahon ay nagko-convert ng sunlight to energy pero kapag ito ay nasira na at wala ng sustansyang maibibigay sa puno ay bibitawan na ito ng puno, malalaglag at liliparin ng hangin. Siguro lahat tayo ay parang puno at may mga taong kapag hindi na nakabubuti para sa atin ay dapat na rin nating bitawan at hayaang liparin sila papalayo sa mga buhay natin.
"Salamat na lang pero hindi bale na. Masyado na tayong toxic para sa isa't isa. Mag move on na tayo pareho. It's probably the best for both of us."
Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. "Please don't do this to me, Sai."
Hindi na ako nagpumiglas pa, hinayaan ko na lang siyang yakapin ako pero hindi ko siya niyakap pabalik.
"Higpitan mo na ang yakap mo sa akin kung gusto mo dahil huli na ito, Cedric. Hinding hindi na ako babalik sa 'yo. Hindi na ako makikipag-usap sa 'yo pagkatapos nito. Iiwasan ko na rin ang lahat ng lugar na naroon ka. Itatapon ko na ang lahat ng bagay na magpapaalala sa 'yo. Puputulin ko na rin ang lahat ng bagay na kokonekta sa atin. Pinapatawad na rin kita sa ginawa mo noon, Cedric. Ngunit kakalimutan ko na rin ang lahat ng meron sa ating dalawa. Tuldukan na natin ito."
Naramdaman ko ang lalong paghigpit ng kanyang yakap at paglakas ng kanyang hagulgol. Humigpit naman ang hawak ko sa bed sheet, halos magsugat na ang labi ko sa pagkagat dito habang nakatingin pa rin ako sa kisame.
Ayaw ko na talagang umiyak. Ubos na ubos na ako. Gusto ko na lang mawala sa mundong ito pero kailangan kong magpakatatag para kay Brian.
Isa na lang ang kailangan kong gawin para matapos na talaga ang lahat ng ito — tatapatin ko na si Melody at puputulin ko na rin ang koneksyon namin. Sa gayong paraan wala ng kahit ano pang dahilan para magkita pa kaming muli ni Cedric.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top