[8] Sundae, The Cynical Bitch

CHAPTER EIGHT

"SUNDAE, pwedeng manligaw?"

"Umuwi ka na," sa halip ay walang kangiti-ngiting sabi ni Sundae.

"Parang hindi ka naman mabiro, e."

"Kung sa'yo, madali lang gawing biro ang tungkol sa panliligaw, ibahin mo 'ko. Hindi uobra sa 'kin 'yan."

"Gusto lang naman kitang pangitiin."

"Umuwi ka na."

"Can I see you tomorrow?"

"Kung pahihintulutan ng tadhana."

"Ayos ka talaga," nakangiting sabi ni Rickson at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "I'll see you tomorrow then I'll call you. Good-bye, Sundae. I had fun. Sana ikaw rin." Kinintalan siya nito ng halik sa noo na naghatid ng kiliti kay Sundae. "'Wag mo 'kong masyadong iisipin, ha? Baka mapanaginipan mo 'ko, e."

"Ang dami mo talagang sinasabi. Palit na lang tayo ng trabaho, gusto mo?"

"Apelyido mo lang ang gusto kong palitan."

Napamaang siya at ito naman ay kumindat.

"Ang lakas talaga ng trip mo, Ang. Ipatumba kaya kita?"

"Hindi mo na 'ko kailangang itumba dahil nahuhulog na 'ko."

Kumunot ang noo niya kasabay ng pagkabulabog ng kanyang sistema. Sana hindi lang siya nag-a-assume na may iba pang gustong ipakahulugan si Rickson sa sinabi nito.

"Uuwi ka ba o uuwi ka?"

Nagkamot naman ito ng ulo.

"Uuwi na nga."

Napabuga siya ng hangin nang wala sa oras. Balak pa yata siyang bigyan ng sakit sa puso ng lalaking ito.

"Good. Mag-iingat ka."

"Ikaw ang gusto kong mag-ingat sa 'kin."

"Pinapauwi ka na nga, ayaw mo pa 'kong tantanan!" kunwari ay galit na sabi niya.

"Sabi ko nga, 'tuloy na 'ko. Bye, Sundae."

PAGBALIK niya sa loob ng bahay ay naabutan niya ang papa niya na naghihintay sa may pinto.

"Alam kong ayaw mong pinag-uusapan ang mama mo pero, Sundae..." Nagbuntong-hininga ito. "Hindi pa rin tama na ituring mong patay si Sandra."

Nag-iwas siya ng tingin. Ayaw niyang nakikitang malungkot ang papa niya at ayaw niyang siya ang naging dahilan niyon.

"Pero 'yon ang totoo, Pa. Nang lumabas siya ng pinto ng bahay na 'to, pinatay ko na siya sa puso ko. Para sa 'kin, ikaw na lang ang magulang ko. Hindi na siya naging nanay sa 'kin simula nang sumama siya sa iba."

"Kahit hindi na kami nagsasama, patuloy pa rin siyang naging nanay sa'yo. Pero hindi mo siya binigyan ng pagkakataon."

"Hindi siya naging asawa sa'yo, Pa," mariing sabi niya. "She never loved you. Kaya lang naman siya sumama sa'yo ay dahil sa hindi na pwede ang lalaking sinamahan niya, 'di ba? For fourteen years, pinaniwala niyo 'kong kasal kayo pero ang totoo, nagsasama lang kayo dahil dumating ako. At nang mabiyudo ang lalaking 'yon, nagdalawang-isip man lang ba siyang iwan tayo? Hindi, Pa. Dahil sarili lang niya ang iniisip niya."

"Hinayaan ko siya dahil mahal ko siya at alam kong doon siya sasaya. Siguro nga hindi niya 'ko minahal pero naging mabuti siyang kaibigan sa 'kin at naging mabuti siyang ina sa'yo. Pinilit naman niya 'kong mahalin pero hindi nga lang sa paraang mahal ko siya."

"Makasarili pa rin siya, Pa."

"Sundae..." Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. "Kung dadalhin mo riyan sa puso mo ang galit sa mama mo, pa'no ka magmamahal at magtitiwala sa iba? Pa'no ka sasaya? Ayokong mangyari sa'yo ang nangyari sa 'kin."

"Kaya nga, Pa, e. Ayokong magmahal dahil ayokong masaktan. Mas mabuti pang mag-isa ako sa buhay kaysa ang magtiwala."

"Ang mama mo ang pinakamagandang bagay na nangyari sa 'kin. Hindi ko pinagsisisihan na minahal ko siya. At masaya ako dahil masaya na siya ngayon sa bago niyang pamilya. Naniniwala akong pwede pa rin tayong maging pamilya kahit hindi na tayo magkakasama sa iisang bubong. Matagal ka nang hinihintay ng mama mo, anak. 'Wag ka sanang magalit sa kanya dahil nagmahal lang din siya. 'Wag mong isara ang puso mo sa ibang tao dahil lang nasaktan ka na noon. Hindi lahat ng tao, gusto ka lang saktan. Meron diyan na gusto kang mahalin at alagaan. Pero paano mo malalaman iyon kung pinipigilan mong magmahal?"

Marahang pumiksi si Sundae.

"M-magpapahinga lang ako, Pa."

Tumalikod na siya at naglakad papuntang kwarto niya.

"Mabuting bata si Rickson, Sundae."

Alam niya iyon kahit hindi na nito sabihin.

SUNDAE sighed in frustration. Ibinaba niya ang librong kanina pa hawak pero hindi naman niya magawang basahin at uminom sa milk tea niya. Nasa isang sulok siya ng garden ng NegativiTEA, nakaupo sa pandalawahang mesa sa ilalim ng puno. Kaninang umaga pa siya wala sa sarili. Hindi maganda ang pakiramdam niya.

Hindi niya alam ang gusto niyang gawin nang araw na iyon. Kanina habang nasa duty siya ay bihira lang siyang magsalita dahil wala siya sa mood. Pagkatapos nilang mag-usap ng papa niya ay hindi na sila nito nagkibuan. Kaninang umaga ay umalis siyang walang laman ang tiyan. Hindi naman iyon problema sa kanya. Kaya lang ay hindi siya sanay na hindi sila nag-uusap ng papa niya.

Nagbuntong-hininga na naman siya. Hindi nga siya dumeretso agad na umuwi pagkatapos ng program niya dahil hindi naman niya alam ang gagawin sa bahay nila.

"Nandito ka lang pala," si Rickson na humahangos. "Sa loob kita hinanap."

Kanina lang ay tinawagan siya nito para itanong kung nasaan siya. Ang akala nga niya ay tatawag ito sa program niya pero natapos lang ang dalawa niyang program ay walang boses ni Rickson siyang narinig. Lalo tuloy bumigat ang nararamdaman niya.

"E ba't ka natataranta?"

"Kasi akala ko galit ka na sa 'kin. Nangako akong tatawagan kita ngayon pero hindi ko nagawa kasi nakalimutan ko na ngayong umaga pala ang presentation namin sa isa naming client. Kumain ka na ba?"

Tango lang ang tugon niya. Umupo naman ito sa katapat na silya.

"Hindi ka galit?"

"Kanina hindi. Ngayon, oo."

"Masaya ka kanina bago ako dumating?"

"Malungkot ako kanina bago ka dumating."

"Bakit? Ano'ng nangyari?" alalang tanong naman nito sa kanya.

"Bakit ko sasabihin sa'yo?" sa halip ay tanong niya.

"Dahil baka matulungan kita. Kung may problema ka, baka naman may maitulong ako para mabawasan ang lungkot mo."

Kailangan pa bang gawin ni Rickson iyon? Just the mere sight of him lightens her sadness. Manatili lang ito sa tabi niya, okay na siya.

"I don't need an advice, actually. I think a hug will do."

Halatang nagulat si Rickson sa panlalaki ng chinitong mga mata nito.

"Okay lang na yakapin kita? Baka tumilapon ako sa Mount Olympus kapag dumikit ako sa'yo."

"Kasasabi ko lang na kailangan ko ng yakap, 'di ba? Hindi ko naman sinabing ikaw ang magbigay sa'kin n'on. Pwede naman akong tumawag ng kahit na sino rito," masungit na sabi niya.

"Hindi na kailangan, ano ba?" maagap na sabi nito. Binuhat nito ang silya at inilapit sa tabi niya. "Siyempre, gusto ko namang gumaan ang pakiramdam mo. 'Wag mo nang tawagin ang iba. Ipa-salvage ko pa sila, e." Inakbayan siya nito at inihilig sa dibdib nito. "Nandito na si Papa Rickson. 'Wag ka nang malungkot."

Mariing nagdikit ang mga labi ni Sundae para hindi siya matawa. 'Papa Rickson' daw. Sira-ulo talaga ito. Nang haplusin nito ang buhok niya ay napapikit pa siya. Then she took a deep breath. She loved the warmth from his embrace. Napamulat lang siya nang ginagap ng kamay nito ang kamay niya.

"Gusto mo ba ihatid na kita sa inyo?"

"Ayoko muna sanang umuwi."

"Gusto mong magpunta kahit saan?"

"Pwede rin."

Pinisil nito ang kamay niya.

"Tara."

Tumuwid siya ng upo.

"Saan?"

"Basta. Ang kailangan mo lang gawin, magtiwala sa 'kin," nakangiting sagot naman ni Rickson. Tumayo na ito at pinaghugpong ang mga kamay nila. "May tiwala ka naman sa 'kin, 'di ba?"

"'Yong totoo?"

"'Wag mo na lang palang sagutin."

"SIGURADO ka bang wala ka nang naiwang trabaho ro'n sa opisina mo? Baka nakakaistorbo na pala ako sa'yo sa lagay na 'to, nahihiya ka lang magsabi," ani Sundae nang lulan na sila ng sasakyan ni Rickson.

"Wala na, maniwala ka sa 'kin. Boss ako, remember? Kung may naiwan man akong trabaho, pwede ko namang ipagawa 'yon sa mga naiwan do'n. Alam na rin naman nila ang gagawin, e. Okay lang na makipag-date ako ngayon."

"We're not on a date."

"Para namang may masama ro'n."

Kunwari ay sinimangutan niya ito.

"Sa'n ba kasi talaga tayo pupunta?"

"Basta nga."

"Hindi mo 'ko madadaan mo 'ko sa mga pa-'basta-basta' mo, ha."

"Basta."

Tumuloy ang sasakyan nito sa isang kilalang subdivision. Ibig bang sabihin ay doon nakatira ang tukmol na ito?

"Sa'n mo ba kasi ako dadalhin?"

"Nandito na tayo. Malalaman mo na rin."

Hindi na rin siya nagtanong ulit dahil wala rin naman itong balak na sabihin sa kanya.

"Bahay niyo 'to, 'no?" hindi makapaniwalang tanong niya nang bumaba sila sa harap ng isang gate.

Malaki ang bahay. Sa hula niya ay hindi lang basta kakaunti ang nakatira doon.

"Ang galing naman ng hula mo." Inakbayan siya nito. "Ipapakilala kita sa pinakamagandang babae sa buhay ko. 'Wag kang magseselos, ha. Mama ko kasi ang number one sa listahan ng mga magaganda, e."

"Ang corny mo, 'no?" Siniko niya ito. "'Wag mo nga 'kong akbayan. Baka isipin niya na girlfriend mo 'ko."

"Kapani-paniwala naman na tayo, a?"

"Kapag nakita tayong magkasama ng mga pinsan ko, baka magpapamisa ang mga 'yon. Allergic ako sa mga kagaya mo, e."

"Mabuti pa, pumasok na tayo."

Nagpatianod na lang si Sundae rito.

"Ma, I'm home!"

Inilibot ni Sundae ang paningin sa kabuuan ng bahay. Kahit saan yata siya tumingin ay nakakita siya ng mga bagay na may kinalaman sa Feng Shui.

"Relax ka lang, ha? Mabait ang mama ko. The best 'yon."

"Y-yeah, sure."

"Anak, may kasama ka."

Pareho silang napatingin sa isang may-kaliitang babae na may suot na apron.

"Ma, there you are." Nilapitan nito ang babae at hinalikan sa pisngi. "Sundae, I'd like you to meet my mother, Susan Ang. Ma, si Sundae. Ang babaeng binasted ako kahit hindi ko pa man siya nililigawan."

Hindi alam ni Sundae kung ano ang sasabihin nang titigan siya ng mama ni Rickson. Napakaseryoso ng mukha nito at tila kinikilitis siya.

"Maganda siya, anak. Pero hindi siya Chinese."

Napalunok si Sundae.

Utang-na-loob.

Huwag naman sanang mauwi sa forbidden eklavu itong meron sa kanila ni Rickson dahil lang sa hindi siya Chinese at ang Chinese ay para lang sa mga Chinese! Mapapraning na talaga siya.

"Pareho kami." Natawa ito na labis niyang ikinagulat. "Kumusta ka, Sundae? 'Wag kang mahihiya, ha? Mababait kami rito sa bahay."

Dahil doon ay nakahinga nang maluwag si Sundae. Nakangiting inabot niya ang kamay rito.

"Kumusta po kayo, Mrs. Ang?"

Tinanggap ng dalawang kamay nito ang isang kamay niya.

"Tita Sue na lang ang itawag mo sa 'kin. Halikayo sa kusina. Marami na 'kong na-bake no'ng 'di pa kayo dumadating."

"NANANGHALIAN na ba kayong dalawa? Maaga kasi akong nag-lunch kanina dahil tinawagan ako ng kaibigan ko, nagpapa-bake ng mga cupcakes para sa mga apo niya."

Tahimik na naupo si Sundae sa stool. Niligpit naman ni Tita Sue ang mga kagamitan nito.

"Umupo lang kayo riyan, ha? Lilinisin ko lang 'to."

"Hindi po ba kami nakakaistorbo sa inyo, Tita?" tanong niya.

"Hindi. Patapos na rin kasi ako. Gusto ko ngang may bumibisita sa 'kin dito. Lagi na lang kasing kami ni Malou ang magkausap, 'yong kasambahay namin. E kaunti na nga lang magkakapalit na kami ng mukha n'on, e."

Nang matawa ito ay natawa rin siya.

"Nasa'n naman si Ate Malou, Ma?" tanong ni Rickson nang tabihan siya nito.

"Pumunta ng palengke. Dito ka ba magdi-dinner, Sundae?"

"N-naku, hindi po. Kailangan ko ring umuwi mamaya kasi hindi ako nakapagpaalam sa papa ko."

"Sayang naman. Pero bumalik ka sa susunod, ha? Samahan mo kaming mag-dinner para makilala mo rin ang mga kapatid ni Rickson. Matutuwa ka sa mga 'yon." Naglapag ito ng platito sa harap niya.

"Ma, hindi na nga matiis ni Sundae ang kakulitan ko lang, dadagdag pa ang mga kapatid ko?"

Lumapit sa ref si Tita Sue.

"Kaya pala kahit hindi ka pa man nanliligaw, basted ka na. Kapag nalaman 'to ng mga kapatid mo, pagtatawanan ka ng mga'yon."

"Kaya nga may secret na tayo, 'di ba, Ma?"

Natawa si Sundae nang balingan niya si Rickson.

"First time mo ma-basted?"

"Ikaw lang, e," sa halip ay pagmamaktol pa nito.

"Nakailang girlfriend ka na?"

"Isa pa lang naman."

"College pa siya n'on," dugtong ni Tita Sue. "Bale... six years na rin siyang single. Busy kasi siyang magpayaman, e. Ikaw, Sundae, gusto mo ba ng mayamang boyfriend?"

"Wala po talaga sa isip ko 'yang pagbu-boyfriend, e."

SSSSSSST[+Oz

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top