[12] Sundae, The Cynical Bitch
CHAPTER TWELVE
"FINE, ATE. Lagi akong nasa top ng klase namin," bibong sagot naman nito.
"That's good! By the way, Santi, gusto kong makilala mo ang Kuya Rickson mo. Boyfriend ko na siya. Rickson, si Santi, kapatid ko."
"May boyfriend ka na?" gulat na ani Santi. "Hindi na ako ang priority mo?"
"Hindi, 'no. Siyempre, love kita. Bale, dalawa na kayo ang boyfriend ko."
"Hi, Santi. Ako ang magbabantay sa Ate Sundae mo kapag hindi kayo magkasama. I hope we can be friends." Nakangiting iniabot dito ni Rickson ang kamay nito.
Pormal ang mukhang tinanggap ni Santi ang kamay nito.
"Mahal mo ba ang ate ko?"
"Mahal na mahal."
Binuksan ni Santi ang backpack nito at inilabas ang isang envelope.
"Kung gano'n, pumunta kayo ni Ate Sundae sa birthday ko."
"Malapit na nga pala ang birthday mo, 'no?" manghang ani Sundae. "Ano ba ang gusto mong regalo?"
"Kahit wala na, Ate, basta pumunta ka lang. Ang tagal na nating 'di nagkasama, e."
Madalas kasi noon, magugulat na lang siya na bigla na lang dumadating sa bahay nila si Santi na hinahatid ng yaya at driver nito. Nagba-bonding sila nito sa bahay nila at kung hindi siya busy sa pagtulong sa papa niya ay namamasyal sila nito sa mall. Halos taon-taon ay iniimbita siya ni Santi sa birthday nito pero madalas ay hindi siya pumupunta at nagpapadala ng regalo pero hindi pa rin ito sumusuko sa kanya.
Napangiti naman si Sundae at pinisil ang pisngi nito.
"Sino ang kasama mo?"
"Si Mama pero sabi niya maghihintay na lang daw siya sa car."
Napatingin naman si Sundae sa sasakyang itinuro nito.
"Sige, pupunta kami ni Kuya Rickson mo. Isasama ko rin si Papa. Gusto mo ba 'yon?"
"Oo, Ate!" masayang sagot naman nito.
Niyakap niya nang mahigpit si Santi.
"Naging busy ka na sa school kaya na-miss kita nang husto," gigil na sabi niya. "Pakabait ka lagi, ha, Santi? Mahal na mahal kita."
"I love you, too, Ate."
"Pumunta ka na kay Mama. Ihalik mo 'ko sa kanya, ha?"
"Bati na kayo ni Mama, Ate?"
"Mmm... parang," natawang sagot niya at ginulo-gulo ang buhok niya. "Alagaan mong mabuti si Mama, ha? Love natin siya, 'di ba?"
"Oo, Ate! Ako'ng bahala!"
"O, kiss na kay Ate."
Yumakap naman ito sa leeg niya at malutong siyang hinalikan sa pisngi.
Inilagay niya sa kamay ni Santi ang bouquet na bigay sa kanya ni Rickson. "Ibigay mo 'to kay Mama. Magugustuhan niya 'yan."
"Wow, gusto nga ni Mama ng flowers. Thank you, Ate, ha?"
"Walang anuman. Ingat kayo, ha?"
"Kayo rin, Ate, ingat. Bye!"
"Bye, Santi," sabay naman nilang sabi ni Rickson.
Habang pabalik si Santi sa sasakyan ng mga ito ay hindi mapigilang mag-init ng mga mata ni Sundae. Nandoon lang sa malapit ang mama niya pero hindi siya sigurado kung tamang panahon na ba iyon para muli silang magkaharap. Pero kung hindi man iyon ngayon, okay lang. Maghihintay siya kung kailan man iyon at pwede na niyang yakapin ito kagaya ng dati.
"I'm so proud of you," sabi naman ni Rickson at hinawakan siya sa kanyang baba.
"Proud saan?"
"Dito sa ginawa mo ngayon lang."
"Maliit na bagay," pabirong sagot naman niya. "Okay lang ba na ibinigay ko ang bulaklak na bigay mo.?
"Okay na okay. Tiyak na matutuwa si Tito David kapag nalaman niya 'to."
"I know."
"Naiiyak ka na, o."
"H-hindi, a," kaila naman niya at pinahid ang mga mata. "Halika ka na nga bago pa 'ko ngumawa," natawa pang sabi niya.
INAAYOS na niya ang kanyang kama nang pumasok sa kwarto niya si Rickson. Sa bahay nila ito matutulog ngayong gabi dahil trip lang nilang dalawa.
"Pwede ka nang gumamit ng banyo. Naihiram na kita ng damit kay Papa."
"Mamaya na, tinatamad pa 'ko."
Humiga ito sa kama niya. Hinila siya nito sa kamay at tumabi naman siya rito. Inakbayan siya nito at inihilig sa dibdib nito.
"Alam mo ba kung kailan ko na-realize na gusto kita?" tanong nito.
"Kailan?" nangingiting tanong niya.
"Nagustuhan agad kita noon ding nakikipag-agawan ka sa 'kin sa kape. Kaya nga hindi ako pumayag na makipag-settle sa pinsan mong si Honey dahil gusto kong makausap kita ulit. At nang nag-suggest ng date ang pinsan mong si Eclair, hindi ko na 'yon pinalampas pa."
Mayabang na pumalatak si Sundae. "Sabi ko na nga ba nagagandahan ka na sa 'kin, in denial ka lang."
Rickson chuckled.
"Oo na, in denial ako kasi hindi ko matanggap na hindi umuobra sa'yo ang alindog ko. Kaya nga naisipan kong si Shawn pa ang ipa-date sa'yo para pagtakpan ang nararamdaman ko. At buti na lang talaga, hindi siya sumipot no'n. Nahalata kasi niya na gusto kita dahil bukambibig kita sa kanila kaya naisipan niyang 'wag sumipot. Na ipinagpasalamat ko talaga nang husto. E ikaw naman. Kailan mo na-realize na nagustuhan mo 'ko?"
"Noong unang magtama ang mga mata natin," napalabing sagot ni Sundae.
"Talaga lang, ha?"
Napabungisngis siya at napaigtad nang kilitiin siya nito sa tagiliran.
"'Yon talaga ang totoo. Kaya nga nainis ako sa'yo nang sabihin mo na ipapa-date mo ako do'n sa kaibigan mo. I silently prayed na sana hindi siya dumating. Na nagkatotoo naman. Gusto kong ikaw ang maka-date ko, e. Mas gwapo ka kasi."
"Walang duda 'yon."
"'Yan talaga ang gusto mong marinig, e, 'no?"
Napatili siya nang ibagsak siya nito sa kama at pinaimbabawan.
"Gusto ko lang marinig ang 'I love you' mo. Solved na 'ko ro'n."
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito.
"Aishu!"
Bumaba ang mukha ni Rickson at naglapat ang mga labi nila. Her head was spinning again with the sweetness of his kisses. He never failed to make her feel wanted, beautiful and loved. Yumakap siya sa batok nito at tinugon ang mga halik nito. Lumalim ang halik na pinagsasaluhan nila, kasing lalim ng damdamin nila para sa isa't isa. Lahat ng parte ng kanyang katawan ay naging sensitibo at ang kanyang puso ay gusto na lang na magpaubaya rito.
Ang corny. Simula nang tanggapin niya sa puso niya na mahal niya si Rickson ay naging corny na siya. Hindi rin naman pala iyon masagwa. Mas corny naman kasi sa kanya si Rickson. Wala, e. Tinamaan na kasi siya ng epidemya ng pag-ibig at wala na siyang balak gamutin ang sarili. Eclair was right.
Inabot ng mga kamay niya ang butones ng long-sleeved polo nito at tinanggal isa-isa. Nagulat naman si Rickson sa ginawa niya kaya naputol ang halik nila.
"Sundae!"
"Bakit?" takang tanong niya.
"H-hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo."
Napakurap siya.
"Huh?"
"Gawin natin 'to kung handa ka na."
"Pero handa naman ako, e. Hindi mo na 'ko kailangang pilitin. I want to do it with you."
Akmang hahalikan na niya uli ito nang mapaupo si Rickson sa kama.
"Ano'ng problema?"
Huwag nitong sabihing ayaw nito? Nasisilip na niya ang malapad na dibdib nito, e.
"Alam mo namang nirerespeto kita, 'di ba? Siyempre, gusto kong iharap ka sa altar nang nasa 'yo pa rin ang puri mo. Makakapaghintay naman ako, e."
"Ibig mong sabihin, hindi mo pa 'yon nagagawa?"
"Virgin pa 'ko, 'no," mariing sabi nito.
"Talaga?" nanlaki ang mga matang anas niya. "Hindi mo pa 'yon nagagawa kahit sa dati mong girlfriend?"
Napakamot naman ito sa ulo nito.
"'Yon nga ang dahilan kung bakit naghiwalay kami, e. Gusto niya na gawin na namin 'yon. Siyempre, hindi pa 'ko handa. Kailangan ko pang makatapos sa pag-aaral. Ayon, iniwan niya 'ko."
Nakagat ni Sundae ang ibabang labi. Ilang sandali pa ay napahagalpak na siya ng tawa. Napahiga siya sa kama at nagpagulong-gulong pa.
"Ba't mo 'ko pinagtatawanan?"
"Nakita mo ba 'yong itsura mo?" sabi niya sa pagitan ng pagtawa.
"Ang seryoso ng usapan natin, e."
Natigil siya sa pagtawa nang bigla na lang siya nitong talikuran. Napabangon siya.
"Ito naman nagtampo agad." Niyakap niya ito mula sa likuran. "'Wag ka nang magtampo. Na-overwhelm lang ako sa mga sinabi mo. Kaya ang swerte ko sa'yo, e. You love me and you respect me. Bibihira na lang kaya ang mga lalaking kagaya mo sa panahon ngayon. Kaya mahal na mahal kita, e. I love you." Hinalikan pa niya ito sa pisngi. Hindi nga umobra ang 'pang-aakit' niya pero hindi rin siya nabigo. Lalo lang kasi niyang napatunayan sa kanyang sarili na tama ang lalaking minahal niya.
Kinuha naman nito ang mga kamay niya.
"Kasi gusto kong ingatan ka sa kung paano ka iningatan ng papa mo," seryosong sabi nito.
"Alam ko." Umupo siya sa tabi nito. "Thank you for loving me as I am with all you are."
Kinintalan naman nito ng halik ang mga labi niya.
"You deserve all my love and respect, Sundae," masuyong sabi naman ni Rickson.
"Sa tingin mo ba, may kinalaman ang alamat ng ilog sa Sanctuary Gardens kung bakit tayo magkasama at masaya ngayon?" nakangiting tanong niya.
"Wala. Dahil pareho natin piniling sundin ang puso natin kaya tayo ngayon masaya at magkasama. It was just a silly legend," he said with a chuckle.
"I certainly agree."
Isang maalab na halik ang muli nilang pinagsaluhan.
"Mag-shower ka na at nang makatulog na tayo," sabi niya rito pagkuwan.
"Gusto mo 'kong samahan?" nakangising tanong nito.
Umingos naman siya.
"Ang tanda mo na, e."
"Sabi ko nga."
Tumayo na si Rickson.
"Maghintay ka lang. Kapag mag-asawa na tayo, tanggal sa 'kin lahat ng libag mo," sabi pa niya.
"Hindi na nga 'ko makapaghintay, e."
"'Sus! 'Shower ka na. Tapos aamuyin ko armpit mo."
Napanguso naman ito. Seryoso talaga siya doon. Wala na yata siyang ibang nakikitang kasama sa future niya kundi si Rickson lang. Yes, she used to be a cynical bitch. But that was before fate throw this handsome man in front of her that unexpected day. She found happiness now.
WAKAS**
SHARMAINE LIGHT
A1RZ K
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top