[1] Sundae, The Cynical Bitch
THE B-FACES (VOGUISH 2.0) TRILOGY 2: SUNDAE, THE CYNICAL BITCH
By Sharmaine Light
CHAPTER ONE
"HINDI ako pwedeng ma-late, hindi, hindi, hindi!"
Kung bakit naman kasi nakalimutan niyang coding nga pala ang sasakyan niya nang araw na iyon. Kung hindi pa niya bibilisan, tiyak na male-late siya sa duty niya. Pagkalabas niya ng kanyang kwarto ay pinuntahan niya ang papa niya sa kusina na tiyak niyang nagluluto na ng almusal nilang dalawa.
Hindi nga siya nagkamali dahil naghahain na ito sa kusina nila. Four-thirty na ng umaga. Kaya lang naman ito gumigising nang ganoon kaaga ay dahil sa gusto nitong siguraduhing makakakain siya ng agahan. Ang pinagkakaabalahan naman kasi ng Papa David niya ay ang maliit nilang wooden furniture business.
"Pa, kailangan ko nang umalis. Male-late na 'ko," humahangos niyang sabi.
"Why so rattled, Lovely Sundae?" usisa nito.
"Nakalimutan ko na naman na hindi ko nga pala magagamit ang kotse ko ngayon. Nakakaasar nga, Pa, e," napalatak na sagot niya.
"Pero hindi kita papayagang umalis nang walang laman ang tiyan mo. Ipinagbalot na kita ng breakfast."
Sadaling kumalma ang sinisilaban niyang pwet nang iabot sa kanya ng papa niya ang nakabalot nang almusal niya sa brown paperbag.
"Buti pa pala ako, naalala kong coding ka ngayon."
Natawa naman siya. Wala sa loob na napasuklay siya sa magulo at basa niyang buhok.
"Thanks, Pa. You're the best. As always."
Ganoon na sila sa loob ng mahigit sampung taon matapos silang iwan ng mama niya. Malaki ang naging epekto niyon sa kanya habang lumalaki siya lalo na nang makita niya kung gaano nahirapang maka-move on ang papa niya. Her mother meant the world to him. Nang unti-unting makabangon sa kabiguan ang papa niya ay isinumpa ni Sundae sa sarili na kakayanin nilang mabuhay nang sila lang dalawa.
"Sige na, anak. Good to go ka na riyan. 'Wag mo 'kong kalimutang batiin, ha? I love you."
"Bye, Pa. I love you!" Humalik na siya sa pisngi nito at saka patakbong lumabas ng bahay nila.
Nagtatrabaho siya bilang disc jockey sa isang FM station kaya ganoon kaaga ang oras ng kanyang duty. Two years pa lang siya sa trabaho dahil naging abala siya sa pagtulong sa papa niya sa business nila nang maka-graduate siya ng college. Bukod doon ay co-owner din siya ng NegativiTEA—isang coffee and tea shop—kasama ang mga pinsan niyang sina Honey at Eclair.
So far, she could say she was already contented with her life. Her finances, career and business were all stable. Maliban sa love life. Wala siya niyon. Not that it bothered her. Why would a woman like her need a man in her life, anyway? Nasa kanya na ang lahat, kalabisan naman na ang boyfriend para sa kanya. Para na rin kasi siyang kumuha ng sariling batong pampukpok sa ulo niya. In short, hindi bale na lang.
Five minutes pa siyang naghintay sa labas ng bahay nila bago siya nakasakay sa taxi. Tiningnan niya ang kanyang relong pambisig. Meron na lang siyang mahigit twenty minutes para umabot sa oras ng simula ng kanyang morning program.
Agad naman niyang kinuha ang kanyang cellphone at tinawagan ang manager ng NegativiTEA na si Violet. Kung bakit naging ganoon ang pangalan ng negosyo nila ay dahil sa mga pananaw nilang magpipinsan sa mga bagay-bagay sa mundo. Kung gaano katamis ang mga pangalan nila ay siya namang kasing pakla ng tingin nila sa buhay dala na rin ng masalimuot nilang mga karanasan. Pero dati pa iyon. Ini-enjoy na lang nila ang kanilang success ngayon.
"Yes, Ma'am Sundae?"
"I'm on my way na, Violet. Pakisabi kay Ice na ihanda na ang white coffee ko dahil dadaanan ko na lang diyan. Tell him to double time dahil nagmamadali ako, late na 'ko sa trabaho ko."
"Copy, Miss Sundae! Sasabihin ko na po."
Kapipindot lang niya ng 'End' button nang maalala niyang itanong kung nasa shop na rin ba ang dalawa niyang pinsan.
"Shocks. Matawagan na nga lang si Eclair." I-d-in-ial niya ang numero nito at hinintay na sumagot ang pinsan. "Nasa shop ka na ba ngayon?" tanong niya matapos marinig ang boses nito.
"Nope, hindi pa nga ako natutulog. Iba na talaga ang nagagawa ng boredom. Pati pagtulog, nakakabagot na rin."
Nagsalubong naman ang kilay ni Sundae. Sa kanilang tatlong magpipinsan ay ito talaga ang may pinakakaibang trip sa buhay.
"Alam mo, Eclair, kaunti na lang ipapa-pray over ka na namin ni Honey."
"Pray over ka riyan!" pakli naman nito. "Ano'ng akala mo sa 'kin, may sapi?"
"'Yong totoo? Parang," sagot niya at iniikot ang mga mata.
"Hindi ka rin pintasera, 'no?"
Nagbuntong-hininga siya.
"Anyways, male-late na 'ko sa duty ko. Nasabi ko na rin naman kay Violet na ihanda na 'yong white coffee ko at pi-pick up-in ko na lang pagdaan ko riyan sa shop. Magkita na lang tayo ro'n. Kung pupunta ka."
Ano naman kasi ang malay niya e madalas namang pabago-bago ang isip nitong pinsan niya?
"Yeah, sure. Ano ba gusto ang mong add-ons sa kape mo, si Mickey Mouse o si Jerry? Para ma-inform si Violet."
Nanlaki ang mga mata niya. Kita na ngang ay pinakaayaw niya sa lahat ay 'yong mga tropa ni Mickey Mouse!
"Eclair—"
Napabungisngis naman ang pinsan niya.
"I'm bored! Pagbigyan mo na ang kaaningan ko."
Ilang sandali pa ay nagpaalam na rin ito. Pagkabalik niya ng cellphone niya sa kanyang bag ay mabilis niyang sinuklay ang kanyang buhok. Hindi naman nagtagal ay huminto ang taxi driver sa NegativiTEA kagaya na rin ng instruction niya rito.
"Mabilis lang 'to, Manong. Babalik din ako," sabi pa niya sa driver nang makababa siya.
Pagpasok niya sa loob ay wala pang customer maliban sa isang matangkad na lalaking nakatayo sa tabi ng counter at may kausap sa cellphone nito. Nakita niya ang baristang si Ice na inilapag ang pamilyar na lalagyan ng paborito niyang white coffee.
"Ito na ba 'yong kape ko? Salamat naman."
"Teka lang, Ma'am—"
Hindi niya pinagtuunan ng pansin ang tila pagtutol ni Ice. Kinuha na niya ang kape at aalis na sana nang isang kamay ang pumigil sa kanya na ikinakislot pa niya.
"Miss, kape ko 'to," sabi ng lalaking matangkad at may singkit na mga mata.
Hindi ugali ni Sundae na pumansin ng mga lalaki pero saglit siyang napatulala sa isang ito. Hindi lang iyon, napalukso pa ang puso niya nang magtama ang mga mata nila.
"Ano'ng kape mo? Kape ko 'to," sabi niya nang makabawi agad.
"Hindi mo ba nakitang ako ang nakapila rito? Tapos ikaw sisingit ka na lang bigla at mang-aagaw ka na lang ng order ng may order?"
Napaangat ang isang kilay niya. Sabi na nga ba niya at hindi na uso ang mga gentleman ngayon. Buti na lang hindi siya ang tipo na damsel-in-distress.
"Well, for your information, Mister, pina-reserve ko na 'tong kape na 'to at kabilin-bilinan ko pa sa manager na kukunin ko na lang pagdating ko. At routine ko na 'yon araw-araw. Tanungin mo pa ang isa sa mga may-ari nito."
"Miss, wala akong pakialam kung 'yon ang routine mo pero bilang customer, maayos akong pumila para um-order. Kahit tanungin mo pa ang barista," anang lalaki na ayaw namang pagbigyan siya.
Cool ka lang, Sundae. Kayang-kaya mo 'yan.
"Ikaw na lang kaya ang magtanong dahil mukha namang marami ka pang oras?" sarkastikong sabi niya. "Ako, mahalaga sa akin ang trabaho ko at ayokong ma-late." Gamit ang isang kamay ay pinalis niya ang kamay ng lalaki para mapasakanya na nang tuluyan ang kape.
Akmang aangal na naman sana ang lalaki pero dumating sa wakas si Honey.
"Ano'ng kaguluhan 'to?" tanong nito.
"Honey, please do me a favor. Ikaw na ang bahalang kumausap dito kay Mr. Customer dahil male-late na talaga ako. Bigyan mo na lang siya ng libreng kape, i-charge mo sa 'kin. Siguro naman okay na sa kanya 'yon?" Matalim pa niyang sinulyapan ang lalaki na nahuli niyang matamang nakatingin sa kanya.
Nagulo tuloy bigla ang sistema niya.
"Ha? E ano ba kasi ang nangyayari, ha?" naguguluhang tanong naman sa pinsan niya.
"Miss, kung sa tingin mo, palalampasin ko 'to, nagkakamali ka," sabi naman ng lalaki.
Sundae waved her hand. "I don't have time for this. I'm going!"
At nagmamadaling iniwan na niya ang mga ito. Siya ang malalagot sa boss niya sa pagka-late niya at hindi naman ang lalaking iyon!
"Sundae, ano'ng gagawin ko sa isang 'to?"
"I'll talk to you later!"
"MY GOODNESS!" anas ni Sundae nang kasalukuyan na siyang papunta sa booth. Sa loob ng dalawang taong routine niya na iyon ay unang beses niyang maka-encounter ng ganoon. Sino ba ang lalaking iyon sa akala nito?
Akala naman nito kung sino itong gwapo.
Well, may itsura siya.
Natampal niya ang noo nang wala sa oras.
At bakit ko napansin ang itsura niya? My goodness. Hindi ito katanggap-tanggap!
Mula sa salamin ng booth ay nakita niya ang kapwa disc jockey na si Vin. Kahit papaano ay nakahinga siya nang maluwag. He just saved her.
"Bakit ngayon ka lang?" salubong nito sa kanya. Sa kasalukuyan ay nagpapatugtog ito ng isang novelty song.
"May nangyari kasi, e. Nakakaloka. Mabuti na lang at nandito ka."
"May aksidenteng nangyari?"
"Wala naman. May nakagirian lang sa coffee shop kanina. May mga tao talagang wagas makapanira ng araw."
"Pagkatapos nitong kanta, kailangan mo nang magsalita. Pasalamat ka at hindi lang ako basta gwapo, mabait din ako."
Tinawanan naman niya ito. Tumayo si Vin at siya ang pumalit sa pwesto nito. Isinuot na niya ang kanyang headphones at in-adjust ang microphone. Huminga siya nang malalim. Dapat ay cool na uli siya kapag on-air na siya.
"Giving you the latest happenings in music and current affairs, you're still tuned in to 95.9 Hoshi FM, like no other!" masiglang sabi niya sa ere. "Good morning, Philippines! This is DJ Sundae, your sweet morning buddy, at ang maghahatid sa inyo ng purong good vibes sa umaga!"
Matiwasay niyang nairaos ang kanyang program. Pumunta siya ng pantry para doon kainin ang inihandang agahan sa kanya ng papa niya. Si Vin ang pumalit sa kanya para sa program naman nito. Pagkatapos niyon ay siya ulit para naman sa panibagong program. Sa loob ng dalawang oras ay mga love songs ang patutugtugin niya.
Hindi pa man niya napapangalahati ang fried rice ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Honey.
"Honey, bakit?" tanong niya matapos lumunok.
"Sundae, I think we're doomed."
"What?" gulat na anas niya.
"'Yong customer kanina, hindi pumayag na makipag-areglo sa 'kin. Mabuti nga at napakiusapan ko pa siyang tapusin muna ang program mo bago ka tawagan, e. Ikaw raw kasi ang gusto niyang makausap. Kailangan mong pumunta rito ngayon. I'm afraid may gawin siyang hindi maganda kapag hindi mo siya kinausap. Baka maapektuhan ang negosyo natin."
"Ay, pambihira naman," nanlulumo niyang sabi. "Ano pa bang gustong mangyari ng tukmol na 'yon?" Ayaw pa naman niya sa lahat ay ang istorbohin siya sa ginagawa niya lalo na at gutom siya. "Humanda sa 'kin ang tsekwang na 'yan. Kapag hindi ako nakapagtimpi, siya ang gagawin kong almusal!"
Napatingin sa kanya ang mga kumakain sa katabing mesa. Napailing na lang siya at nasapo ang kanyang noo.
"I'm on my way."
Pero bago siya umalis, magre-retouch muna siya.
MABIBIGAT ang mga yabag na bumaba ng taxi si Sundae at tuloy-tuloy na pumasok ng shop. Napansin niyang kakaunti lang ang mga customer na nasa loob dahil nasa garden set ang karamihan sa mga ito. Sa mesang malapit sa counter ay nakita niya ang pinsang si Honey at ang matatag na likuran ng lalaking nakabangga niya kanina.
Bitch mode on. Lumapit siya sa mga ito at pinagkrus ang mga braso sa tapat ng kanyang dibidb habang blangko ang ekspresyon sa kanyang mukha. It always works for her all the time. Pero nang mapadako sa kanya ang chinitong mga mata ng lalaki ay sandali siyang na-distract. Inismiran niya ito at si Honey na lang ang binalingan.
Walang hiya naman, o.
"Sit down, cousin. Pag-uusapan natin 'to nang maayos," sabi sa kanya ni Honey.
"Hindi ko kailangang umupo. Hindi naman magtatagal ang usapang 'to, e," malamig ang boses na sabi niya.
"Ganyan ba talaga siya, Miss?" untag ng lalaki. "Bakit ang hirap niyang kausap? Natatagalan mo ang pag-uugaling ganyan? I can't believe it."
Matalim niyang tiningnan ang lalaki.
"At ano ang pakialam mo sa attitude ko? E sa gusto kong deretsuhin na 'to, e. 'Wag ka nang mag-expect na makikipagplastikan sa'yo. Hindi ako gano'n at hindi uobra sa 'kin ang ganyan."
Sundae tried her best to control her voice. Oo, badtrip nga siya pero ayaw naman niyang maging agaw-eksena, ano.
"Sundae, sit down," sabi naman sa kanya ni Honey na bahagya nang namumutla. "Kumalma ka nga. Aatakehin ako sa'yo, e. Gusto mo bang matapos 'to o hindi?"
"Bakit? Hindi naman ako ang nagsimula nito, a?" at matalim niyang sinulyapan ang lalaking sa kabila ng pagkainis niya ay nananatili pa ring kalmado.
Kung hind lang nga niya inaalala ang kalagayan nitong pinsan niya ay naging mas bayolente pa siya. Baka sa tingin pa lang niya ay bumulagta na ang lalaki. Hindi pa naman maganda ang reaksiyon ni Honey sa karahasan dahil nagha-hyperventilate ito. Nakuyom niya ang mga kamao. Talaga namang ang sarap patamaan sa mukha ang isang ito.
"Why don't you just date him, Sundae?"
"probz
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top