Liar 8: Rain
Princess Light's POV
Timeline: Two days after the wedding.
Tumalon ako mula sa ikatlong palapag ng gusali, mabilis ang naging pangyayari at ngayon ay nasa unang palapag na ako, habang naka-luhod ang isang tuhod. Nanatili akong nakatungo at naramdaman ko na maraming mga lalaki na pumalibot sa akin. Tinanggal ko ang tali na nakalagay sa akin, kanina para maayos akong makalapag sa first floor.
Mabilis din akong tumayo at kasabay noon ang mga pag-atake ng mga lalaki sa akin. Hindi ko mapigilan mapangisi lalo na noong lakas loob nila akong inatake ng buong lakas nila. Mabilis kong naiwasan ang mga atakeng iyon, lalong lalo na kapag nakakakita ako espasyo na maari kong takasan.
Kahit nakakaiwas ako, hindi sila natinag at tuloy tuloy ang ginawa nilang pag-atake, samantalang nag-simula na din akong lumaban. Sinuntok ko ang isa sa kanila sa tyan at mabilis akong tumungo kasabay ang mabilis na pagtadyak sa likudan ko.
Hindi pa ako nakuntento at inilabas ko ang isang kutsilyo at inilagay ito sa pag-itan ng itaas at ibabang mga ngipin ko. Mabilis akong bumaling sa kaliwa ko at sinuntok ang isa sa dibdib nito, pagkatapos noon umilag ako sa unahan at nag-counter attack ng mabilisan. Ginamit ko na ang kutsilyo at sinugatan ang isa sa kanila sa braso, pagkatapos ay muli kong inilagay sa lalagyan ang kutsilyong ginamit ko.
Mukhang hindi pa nakuntento sa pag-atake ang mga lalaki sa akin, kaya naman dire-diretso pa din sila upang subukan akong sugatan o di kaya'y tirahin. Nakakita ako ng isang maliit na espasyo patungo sa taling maari akong iangat sa ere, kaya naman mabilis akong tumakbo papunta doon.
Hinabol nila ako, subalit mas naging mabilis ang kilos ko kaya't sa isang iglap lamang nakabit ko na ulit ang tali sa magkabilang gilid ng baiwang ko. Mabilis din akong hinigit ng tali paatas, kaya naman napangisi ako, lalong lalo na noong makita ko ang panghihinayang sa mga mukha ng lalaking naiwan sa ibaba.
Upang bigyan sila ng kakaibang thrill, mabilis akong umikot ng 360 degrees mula sa ere at habang umiikot mabilis kong kinuha ang mga shuriken na nasa bulsa ng maliit na bag sa gilid ng binti ko, at halos pasabuyan ko sila noon sa ibaba.
Kitang kita ng mga matalas kong mga mata kung paano umiwas ang iba at kung paano naman daplisan ang iba. Unti-unti na ring nagka-bahid ng dugo ang kulay puti at malinis na sahig kanina. Hindi pa ako nakuntento sa ginawa ko at mabilis akong nag-sway papunta sa kaliwa ko para mapapunta ako sa pader kung saan naka-display ang isang espada. Mabilis ko lamang iyong kinuha.
Noong mahawakan ko iyon ng maayos, mabilis kong nimaniobra ang tali dahilan upang bumababa akong muli sa unang palapag. Walang inaksayang panahon ang napakaraming tao doon, at sinugod ako.
Natamaan ako ng isang suntok sa tagiliran na dahilan ng biglang agresibong galaw ko. Hindi ko ininda ang suntok na iyon at mabilis na ginamit ang espada na dahilan ng pag-agos ng dugo mula sa mga nagtangkang lumapit sa akin.
Tinitigan ko ang bawat isa sa kanila, ngunit wala akong mabasang ekspresyon. Kaya naman napangisi ako. Magaling. Akala ko wala silang lakas ng loob na sugudin ako subalit may naramdaman akong gumalaw sa likod ko kaya naman mabilis na nabaling doon ang atensyon ko.
May hawak din siyang espada kaya naman mas ginanahan akong makipaglaban sa kanila. Kinalaban niya ako sa pamamagitan noon at aaminin ko na may ibubuga din siya dahil kahit papaano natatapan niya ang lakas nakatuon sa sword na gamit ko.
Habang inaatake ako ng espada, ay hindi pinalampas nang iba iyong pagkakataon at nakipagsabayan din sa galaw ko kahit walang armas. Ngunit, hindi naging ganoon kadali ang lahat sa kanila, dahil mabilis ko pa ding nakokontradikta ang mga tira nila.
Noong makita ko na halos lumuhod na ang iba sa sobrang pagod at mas tinuon ko ang pansin ko sa kalaban ko na gumagamit ng espada. "Nice swordsmanship." I commented nonchalantly, which made him gasped so I used the opportunity to throw his sword away from him. Madali kong nagawa ang bagay na iyon kaya naman napangisi ako.
Akala ko tapos na ang laban subalit may biglang sumugod sa akin na handa akong tisudin kaya naman mabilis akong tumalon, sinundan pa iyon ng isa pang mabilis na kilos upang patamaan ako sa tagiliran habang nasa ere pa ako sa pag-talon, ngunit mabilis akong umikot para maiwasan iyon. Noong maka-apak na ulit ang paa ko sa sahig, naramdaman ko ang presensiya sa likod ko kaya naman mabilis akong tumungo at kumuha ng dagger at pinatama iyon sa hita niya.
May naramdaman nanaman ako na handa na akong sugudin gamit ang mataas na pag-sipa, subalit nag-split lamang ako upang upang maiwasan iyon. Matapos ang atakeng iyon, lahat ay napa-upo na sa sahig. Samantalang ako naman ay tumayo ng maayos habang hinahabol ng kaunti ang hininga dahil napagod din ako sa ginawa namin.
Paalis na sana ako sa gusaling ito, noong may marinig akong palakpak. "Walang kupas ang napakabibilis at napakalalakas na galaw mo, blue." Napalingon ako sa kung sino ang nag-salita at nakita ko si kuya Thunder sa isang tabi.
Tinapunan ko lamang siya ng walang ganang tingin. "Nakakatuwa talagang panuorin ang training mo, kahit gaano sila kadami wala pa din silang laban." Nakangiting saad niya, nakapag-pangisi sa akin.
"Sa lahat nang nakalaban ko ngayon, you are all good, but never been better." I stated candidly. Lahat ng nakalaban ko kanina ay ang mga malalakas na member ng apocalypse na mayroong lakas ng loob na kalabanin ako sa simpleng training na iyon.
Nakarinig naman ako ng mahinang grunts at reklamo nila. Mabuti nga at nakakasama nila ako sa training, pasalamat sila dahil isa ako sa nagtratraining sa kanila, ang kaso lamang lagi silang umuwi na masakit ang katawan o di kaya naman ay puro galos.
"The one with the sword earlier, train more you'll do better." Kuya Thunder remarked enthusiastically. Napa-irap naman ako doon. Talagang napanuod niya ng masinsinan ang training namin dahil pati iyong magaling na swordsman ay napansin niya. Tsk.
"I'll go ahead." Mahinang banggit ko na hindi mo babakasan ng kahit anong interes sa boses. Narinig ko pa ang sigaw ni Kuya Thunder na hintayin ko siya subalit hindi ko siya pinansin at nag-dire-diretso lamang ako.
Noong makalabas ako ng action building tumungo ako sa kotse ko. Ang lugar na iyon ay tinatawag na action building, marami doong equipments patungkol sa pakikipaglaban ng maaksyon. Sa modernong panahon, para iyong building kung saan ginaganap ang iba't-ibang action stunts ng mga bida sa kanilang pelikula o di kaya naman palabas. Subalit sa amin nag-sisilbi iyong training ground. Doon ako karaniwang namamalagi kapag gusto ko ng training para sa sarili ko. Ang tanging nakakagamit lang din ng building na iyon, ay iyong mga tauhan namin na mayroong lakas ng loob at may potensyal sa pakikipaglaban ng madugo. Katulad na lamang kanina, ni isa sa kanila walang umatras kahit brutal ako masyado sa simpleng training na iyon. At saka handa silang atakihin ako na walang pag-aalinlangan.
Mataposmkong maglakad papunta sa parking ay sumakay na ako sa sports car na dala ko at tinanggal ang mask na suot ko. Sinusuot ko ito sa tuwing nakikipaglaban o nakikipagtraining kasama ang iba, para na din manatiling tago ang katauhan ko.
Pinararurot ko ng mabilis ang sasakyan kung saan ako nakasakay. Kaya't hindi nagtagal nakarating din ako sa malaking mansion kung saan ako namamalagi dito sa Korea. Awtomatiko ng nagbukas ang gate noong ma-verify nito ang papasok na kotse, kaya naman mabilis akong nagmaneho patungong garahe at nag-drift. Matapos noon lumabas na din ako ng kotse at ginulo ang buhok ko.
Papasok na sana ako ng bahay noong makita ko ang papasok na kotse ni kuya Thunder dito sa garahe, kaya naman noong paparada siya dito sa kinatatyauan kong open space ay mabilis akong tumalon papunta sa bubungan ng kotse niya. "Tss." Mahinang banggit ko pa noong nasa ibabaw na ako ng kotse niya.
"Ang bilis talaga." Iiling iling na banggit pa niya. Napa-ngisi naman ako doon. Magbabalak pa ngang banggain ako, alam kong hindi intentional iyon, at gusto lamang niyang tingnan ang bilis ko, sanay na ako sa kaniya. Gagawin ang gusto niya para lamang ma-amaze ang sarili niya sa ipinapakita ko.
"What do you need?" Nakataas ang kanang kilay ko noong itanong ko iyon. Nakita ko naman na nag-sindi siya ng sigarilyo bago mag-salita.
"May ginawa ka ba sa kasal nina Evans at Servilla nitong nakaraan?" Diretsong tanong nito. Nagkibit balikat naman ako sa kaniya at nag-simulang maglakad patungong loob ng mansyon.
"Please state your password." Narinig kong sabi ng monitor na nasa pintuan.
"Die, little liars." Simpleng banggit ko. "Voice verified as Ayah Lynn Rivera, you can now enter." Muling sabi ng monitor at saka ako naglakad papasok ng bahay sumunod naman sa akin si Kuya Thunder.
"I told you to change that name to Princess Light Smith." Asar na banggit ko sa kaniya, at saka ako umupo sa living room. Pumikit din muna ako sa sandali dahil nakaramdam ako ng antok. Naramdaman ko naman na ang pagbaba ng isang parte ng sofa kaya't alam kong umupo din si Kuya Thunder sa tabi ko.
"Pinadala mo kasi si Kurt sa Pilipinas, wala tuloy nag-aayos ng voice recognition mo. Malay ko ba naman kasi sa lokong iyon, kung bakit Ayah Lynn Rivera ang nilagay na name." Paliwanag ni kuya Thunder at saka nagpakawala ng malalim na buntong hininga.
Tss. Kahit kailan talaga iyong Kurt na iyon, hindi na masabihan na ayaw na ayaw ko nang pangalan na iyon. Akala niya, gusto ko pang mabuhay sa fake identity na iyon? Tss. Never.
"Ano nga? May binalak ka noong kasal ni Servilla at Evans?" Tanong ulit ni Kuya Thunder. Napa-mulat at napa-upo naman ako ng maayos dahil doon. Naglabas din ako ng dagger para mapag-laruan iyon sa kamay ko. Huminga muna ako ng malalim bago siya sagutin.
"Oo. May binalak ako noon. Binalak ko na putulin na ang ulo ni Cassidee. Pero, hindi ko na ginawa. Pinapunta ko na lamang si Kurt sa Pilipinas, para ipahatid ang mensahe ko sa mga kailangan makatanggap noon." I vocalized plainly at saka ko hinagis ang dagger sa ere dahilan para bumon iyon sa picture ni Cassidee na naka-display dito sa living room.
Napaka-daming daggers at shurikens ang nakatarak sa picture na iyon subalit hindi pa din ako nagsasawa na patamaan iyon kapag nakakaramdam ako ng inis o di kaya'y hindi panatag na kalooban. Naiimagine ko pa lamang na mawala si Cassidee sa landas ko, hindi ko maiwasan mapangiti.
"Kaya pala..." Kuya Thunder murmured softly, so my left eyebrow arched. Mukhang naramdaman ni Kuya Thunder ang simpleng ginawa ko kaya naman nag-patuloy siyang mag-salita.
"Nakatanggap ako ng balita sa mga underlings natin na kasama ni Kurt. Medyo dinelay daw nila iyong kasal, at kinalaban daw nila si Servilla. Magaling daw ang babaeng iyon, desperada atang makapunta sa kasal, kaya naman halos kalahati sa underlings natin ang namatay. But still, Kurt did his job to deliver the message secretly." Paliwanag niya na ikinatango ko.
Kinuwento sa akin ni Kuya Thunder ang ginawang move ni Kurt. Hindi ko maiwasan hindi mapa-irap lalong lalo na noong nalaman ko ang ginawang ka-cornihan noong lalaking iyon. Using a kpop song as an odd thing? Heck. Gayunpaman, maayos namang nakarating sa mga dati kong kaibigan ang mensahe.
"Magbabalik ka na ba talaga?" He asked while looking at my eyes. Mukang kinikilatis niya ang desisyon na ginawa ko. Imbis na sumagot tingnan ko siya ng walang pag-aalinlangan, dahil sa pagkakataong ito, wala na din akong pag-aalinlangan na babalik sa lugar kung saan nag-simula ang gulo ng kasinungalingan.
"The day after tomorrow, make sure the private jet plane is ready." I uttered with authority. Mukhang nasindak ng kauntian doon si Kuya Thunder kaya naman nakita ko ang mabilis niyang pagkuha ng cellphone para maayos na magawa ang inuutos ko.
"Ano palang balita sa Spain? How's Trevor Castillion?" I asked out of curiosity, masyado na ata akong napa-focus sa empire at sa mga nangyayari sa Pilipinas kaya naman hindi ko na ganoong alam ang balita sa ibang bansa kung saan nakabase ang malalakas na miyembro ng Apocalypse.
"Bukas daw magpapakilala si Trevor, don't worry every thing is under control. Trust your comrade, they will never let you down." He told me me with a glint of assurance in his eyes. Subalit kahit ganoon ang ipinakita niya, hindi ko maiwasan mapa-irap. Trust? When it comes in making the apocalypse under-control, I surely do have trust in them. Ngunit, kung sila mismo? Wala na akong tiwala. Greed and money can change people in an instant.
Pumanik ako sa kwarto ko matapos kong makipag-usap kay Kuya Thunder. Humiga agad ako sa kama at pumikit. I was slowly drifting away from the reality when my phone rang.
Marahas kong kinuha ang phone ko sa bulsa ko dahil nairita ako sa vibration noon. "Bullshit." Madiing wika ko noong sinagot ko ang tawag.
"Woah, woah, chill. Anong probelma? Pakiramdam ko naka-ballad fist ka dyan and you're gritting your teeth." Tatawang tawang sabi ng boses ng caller na nakapang-inis sa akin lalo.
"Shut up. What do you need?" Asar na banggit ko sa kaniya. Narinig ko naman ang buntong hininga niya sa kabilang linya kaya napataas ang kanang kilay ko doon. Base sa pag-buntong hininga niya parang nang-aasar lamang siya at wala naman siyang kailangan o problema.
"I'm hanging u---" Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko noong bigla siyang nag-salita ng mabilis.
"Sorry na, sorry na, huwag mo muna ako nabaan ng tawag. Wala kasing magawa dito. Kailan ka ba pupunta dito? Wala sigurong nang-gigitla dyan sa iyo ano?" He asked playfully. Hindi ko alam kung bakit napataas ang isang sulok ng labi ko sa sinabi niya.
Marahil dahil unti-unti na kasing bumabalik ang nakilala kong Kurt noon. Sa paglipas ng panahon, nakikita ko na ulit iyong playful at easy go lucky na side niya, pati na din iyong feeling maangas na kalokohan niya. Sa totoo lang, mas gusto ko iyon kaysa sa napaka-seryoso at mapagbantang ugali niya. Nakakawala din naman kasi minsan ng frustration at galit kapag mayroong nagpapasaya sa iyo.
"Riyah..." He called me using his soft voice. Unti-unti ko tuloy naipikit ang mga mata ko dahil doon. Parang malambing na tunog ng piano ang narinig ko sa kabilang linya.
"Are you playing?" I asked no, I almost whispered. "I mean, the keyboard." Dugtong ko pa. Pakiramdam ko tuloy tumango at ngumiti si Kurt sa bilang linya. Kasabay pa noon ang mahina at malumanay na tawa niya na nakapaghatid sa akin ng magaang pakiramdam.
"Yes. Anong gusto mong marinig na piece?" He asked mellowly. I was too drowned in his manly yet peaceful voice so I retorted. "Anything. Kahit anong makakapag-pagaan pa sa pakiramdam ko." Mahinang banggit ko.
"Sana... Sana ganyan ka na lang kapag nakakausap kita, sana wala na iyong nakakaintimidate na boses at tanging malumanay na parang musika na lang lagi." Natigilan ako ng kauntian dahil sa sinabi niya. Hindi ako maka-imik at tanging mabigat na pag-hinga na lamang ang naging tungon ko, iyon siguro ang naririnig niya sa kabilang linya ngayon.
"Someday, I'll see a genuine smile on your face once more, sa ngayon pakinggan mo na lang muna ito." He said calmly then I heard a soft and mellow music coming from the keyboard.
Napakahinahon ng melody at harmony noong naririnig ko. Parang pinapatulog ako noon ng mapayapa unti-unti. Habang tumatagal iyong peaceful na music nagiging intense at mabilis, parang naglalabas iyon ng galit at iba't ibang pakiramdam.
The melody sent hundred of shivers down to my spine. Matapos ng mabilis at intense na parte, unti-unti bumalik ito sa pagiging malumanay, noong maging payapa ulit ang kanta... para akong nakarinig ng kalungkutan at pati na din ang pakiramdam na parang unti-unti kang nawawalan ng pag-asa, subalit sa tunog din ng musika, makakahanap ka doon ng lunas.
"Thank you, Kurt..." I murmured softly. At saka ako nakaramdam ng antok kaya naman hinayaan ko na lang ang sarili ko na maka-tulog habang pinapakinggan ang musikang nagpaparamdam sa akin ng iba't-ibang emosyon.
***
"Mag-iingat ka doon, blue. Kung may choice lang ako, sasamahan talaga kita." Kuya Thunder told me. Halata din sa mukha niya ang medyo pag-kairita dahil wala siyang magawa kung hindi ang mag-stay diti sa Korea para sa Apocalypse.
"No need. Nandoon si Skyler at Kurt." I said as a matter of factly. Wala na siyang nagawa kung hindi ang tumango dahil sa sinabi ko, hinatid din niya ako sa loob ng private jet plane at hinalikan sa pisngi.
"Take care of yourself, blue. Always remember, just one call, okay?" Tumango naman ako dahil sa sinabi niya. Umupo na ako ng kumportable sa loob ng eroplano at umalis na si Kuya Thunder. Kaya naman inilabas ko na lamang ang ilang documents na kailangan kong pag-aralan.
Narinig ko na din ang announcement ng pilot na mag-tatake off na kami. Hinayaan ko na lamang ito at pinag-patuloy ang ginagawa ko. Paminsan minsan at pinag-mamasdan ko din ang bintana upang makita nag mga ulap.
Wala na itong atrasan. Panahon na upang magbalik ako. Panahon na upang harapin ko ang lahat lahat ng tinakasan ko noon. Nabuo na ulit ako, at hinding hindi ko na hahayaan na muli akong masira nang dahil sa kanila. Lahat ng araw na inilagak ko upang maging handa sa araw na ito, makikita na nila.
I'll make sure, fooling me once was enough.
Matiwasay ang naging byahe at nakarating din agad ako sa bansang minsan ko ng iniwanan at tinakasan. Mabilis din akong dumiretso sa kotse na sumundo sa akin. Doon ko nakita si Kurt na mayroong napaka-tamis na ngiti sa labi. Bakas din sa mata niya ang pagiging alarma noong makita niyang sinamaan ko siya ng tingin.
"Welcome back." He remarked with a playful smile on his lips. "Saan mo muna gustong pumunta?" Dagdag na tanong pa niya.
"Sa sementeryo." Maikling bigkas ko. Agad naman siyang napatango at sinabi sa driver ang sementeryong tinutukoy ko. Iyon ang una kong plano kapag narating ako dito, ang dumiretso sa sementeryo kung saan nakalibing ang mga pinahahalagahan kong tao.
Tahimik lamang kami ni Kurt buong byahe, mukhang alam niyang hindi ngayon ang oras para kulitin ako dahil kagagaling ko lamang sa malayong byahe at ngayon nag-lalakbay nanaman ako patungo sa iba pang lugar. Alam niya siguro na kahit papaano napagod din ako.
Sa gitna ng katahimikan na iyon, bigla na lamang may binigkas si Kurt na nakapag-patigil sa akin. "Do you still love him?" Hinarap ko siya at nakita ko ang kaseryosohan at pagiging intense ng tingin niya. I shot him a death glare, but he didn't even budge.
"None of your business." I remarked firmly, and I avoided his gaze. Naramdaman ko naman ang malalim na buntong hininga niya. Kitang kita ko talaga sa mga mata niya kanina ang interes sa isasagot ko at hindi ko alam kung bakit parang naramdaman ko sa ekspresyon niya na para bang hinihiling niya na sana ang isagot ko ay isang mabilis na 'hindi'. Tahimik na lamang akong napa-hinga ng malalim dahil doon.
Ilang sandali lamang nakarating kami sa sementeryo, kaso kapag minamalas nga naman, bigla na lamang bumuhos ang malakas na ulan. "Argh." I murmured. Napatingin ako kay Kurt at nakita kong may payong siya sa kamay niya.
"Don't worry, Princess. I'm always ready." Hindi ko alam kung saang parte ako natigilan sa sinabi niya. Doon ba sa tinawag niya akong 'Princess' o doon sa ngiting niyang napaka-puro. I mentally shook my head dahil sa iniisip ko at hinablot ko sa kaniya ang payong at sinuong ang ulan.
Wala na akong paki-alam kahit medyo mabasa pa ako dahil sa hangin na pumapalad sa patak ng ulan papunta sa akin. Gusto ko lamang mabisita ang puntod niya. Hindi na ako nakabisita dito simula noong umalis ako, kaya gusto ko agad siyang puntahan.
"Hi ate G-Gloom." My voice started to break. Pakiramdam ko nag-tubig din agad ang mga mata ko kaya naman tumingala ako. Napahawak din ang isang kamay ko sa lalamunan ko dahil nagbabadya na ang mga luha ko.
"Kamusta na?" Pinilit kong gawing masigla ang boses ko kahit alam kong bibigay din agad ako. "Na-miss kita ng sobra." Dugtong ko pa. Unti-unti din akong umupo at hinaplos ang puntod niya kung saan pangalan ko ang nakalagay. Basa iyon at mayroong bulaklak na nakalagay. Mukhang fresh pa iyon kaya naman nagtaka ako.
"Bakit may bulaklak? May bumisita kay ate?" Tumindig ako at napalingon ako sa paligid subalit wala akong natanaw. Nakita ko din na patakbo sa akin si Kurt papunta samkinatatayuan ko, habang hawak ang bulaklak na pinabili ko sa kaniya bago niya ako sunduin kanina.
"Here." Malumanay na wika niya at saka inabot sa akin ang bulaklak. Inilapag ko naman iyon sa puntod ni ate at saka tahimik siyang kinausap. Kada hampas ng malamig na hangin sa balat ko, pakiramdam ko niyayakap at kino-comfort niya ako kaya naman unti-unting pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"M-Miss na miss na kita. K-Kahit kailan hindi ka nawala sa puso ko. I love you, Gloom. I love you so much." Even though my words were short, sinabi ko iyon ng buong puso. Ramdam na ramdam ko din ang pangungulila at sakit na kinikimkim ko noong mga panahong iyon.
"I-I love you... Patawadin mo din sana ako, dahil hindi ko pa nasasabi sa parents natin iyong gusto mong iparating sa kanila." I said sincerely while tears continue to flow down my cheeks. Naramdaman ko din ang paghagod ng kamay ni Kurt sa likod ko kaya't hinayaan ko iyon.
"I'll be strong, for you so don't worry about me." Mahinang banggit ko at saka ako ngumiti. Nag-stay akong nakatitig noon sa puntod niya, at nakaramdam ako ng lakas ng loob, iniisip ko na lamang na niyakap ako ni Ate kaya ganito ang nararamdaman ko.
Sa pagtitig ko sa puntod niya, hindi alintana sa akin ang pagpatak ng ulan at makulimlim na langit. Dahil, kahit ganito ang panahon maliwanag pa sa araw ang pag-gaan ng pakiramdam ko. Parang nabuo kasi iyong puso ko dahil sa wakas nabisita ko din ang puntod niya.
"S-Saranghae." I whispered softly as I brushed away my tears.
Tumalikod na ako at natigilan ako sa nakita ko. Nakatindig siya ng may kalayuan mula sa akin at nakatitig sa aming dalawa ni Kurt. Ang lakas at nakaka-intimidate ng dating niya.
Unti-unti lumapit siya sa kinatatayuan namin ni Kurt. Hindi ko maiwasan mapaiwas ng tingin at maramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko, dahil sa kaba at pagka-gulat. Inayos ko nang kauntian ang tindig ko habang nararamdaman ko ang malamig na paghalpos ng hangin sa balat ko. Kung gaano kalamig ang hangin ngayon, ganoon din ata kalamig ang titig niya.
Nanatili ang katahimikan sa pag-itan naming tatlo. Tinitigan niya ako sa mata, at sa hindi malamang dahilan may pumatak na isang luha mula sa kaliwang mata ko habang binabanggit ko ang salitang...
"Gab-gab."
***
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top