Liar 7: Clues

Lian Analiz' POV

Naglakas loob na kaming lumapit kay Nate, dahil nakikita namin na hindi na din siya mapakali. Noong malapit na kami, ay bigla siyang natigil sa paglalakad ng pabalik-balik at tiningnan kami ng seryoso sa mata. Nasindak agad ako sa mga titig na iyon. Masyadong matapang at nakakapanliit.

"N-Nate." Nanginginig na tawag ni Annicka sa kaniya. Hindi man lamang niya nilingon ito.

"What do you need?" Walang kagatol gatol na tanong niya na tila ba naiinip o kaya'y nababanas kung bakit pa kami lumapit sa kinatatayuan niya.

"Wala. Gusto lang namin sabihin na baka kailangan mong kumalma at umupo muna. Baka kasi nakakalimutan mo na heiress si Cassidee ng Yobbo Empire na kahit brat at maldita siya, malakas pa din siya sa pakikipaglaban." Tim Tim stated bluntly at saka tiningnan si Nate sa mata. Napahawak naman ako sa kamay ni Tim dahil doon, baka kasi ma-misinterpret iyon ni Nate.

"Don't misinterpret anything." I suddenly popped in, baka may away nanaman na maganap. "Wala kaming kinalaman, pero mahigit isang oras at kalahati na siyang wala." Dagdag ko pa.

I heard him hissed. "Huwag n'yo na lang akong kausapin puwede ba? Wala kayong nagagawang tulong. Saka, alam ko naman na hindi kayo nag-aalala sa kaniya, kaya puwede ba? Fuck off." Matapos niyang sabihin iyon ng diretso ay umalis na siya at tinalikuran kami.

I snorted. Tama siya, hindi kami nag-aalala kay Cassidee, bakit ba naman kasi kami mag-aalala sa kaniya? Mas nag-aalala pa kami sa kay Nate mismo. Hinihiling ko nga sana na huwag na dumating pa si Cassidee ng matauhan siya sa kagaguhan niya ngayon.

Bagsak ang balikat namin habang bumabalik kami sa table na kanina'y kinauupuan namin noong bigla na lamang kaming may narinig na tila sigawan at tila pagkakagulo sa isang banda.

Parang sabay sabay kaming napalingon doon, dahil agaw atensyon talaga. "Oh my gosh, tama ba ang nakikita ko?" Hindi makapaniwalang bigkas ni Alyx habang nakatitig pa din sa nagkakagulong mga bisita.

"S-Si Cassidee iyon ah." Mautal utal na wika ni Thon.

Tama, si Cassidee ang nakikita namin ngayon sa entrance nitong garden. Noong makita ko siya hindi ko alam ang mararamdaman ko, para akong nabato sa kinatatayuan ko, nakaramdam din ako ng pagka-dismaya dahil nandito na pala siya. Akala ko pa naman hindi na matutuloy ang kasal na ito.

"Cassidee."

"Are you alright?"

"What happened?"

Rinig na rinig namin ang mga usapan na iyan noong papalapit kami kung nasaan sila. Nakita din ng mga mata ko, si Gab na yakap yakap si Cassidee na mukang nag-aalala dahil ngayon lamang ito dumating.

Ilang saglit lang nakalapit din kami. I gasped because of what I saw. Iyong wedding gown niya sira sira at bakas pa ang sariwang dugo mula doon. Patuloy ang pagtatanong ng mga magulang ni Cassidee sa kaniya at ng iba pang bisita, samantalang mukang naiinis at hindi lamang ito mapakali.

"Puwede bang ituloy na natin ang kasal?" Narinig ko pang tanong niya. Napakapit ako ng mahigpit sa kamay ni Tim Tim dahil sa narinig ko. Desperada pa din siya sa kasal, ano pang aasahan ko?

"Magpahinga ka muna, Cass. Look at you, you look horrible." Nate stated plainly, pero hindi natinag si Cassidee doon.

"No." Madiin na wika niya. "Oo, ang tagal kong makarating dito, at ganito pa ang itsura ko pero, ituloy na natin ang kasal. Para saan pang ginawa ko ang lahat para makarating dito?" Mataray na banggit niya.

"God, Therese. Hindi ba pwedeng magpalit ka muna? O kahit isang oras muna nating i-postponed ito?" Narinig kong imik ng nanay niya.

"Hindi, mom. Kaya ko ito. Ayusin n'yo na ang lahat. Nandito na ako. Wala akong paki-alam kahit ganito ang suot ko. O kahit ang dungis pa ng itsura ko. Let's proceed." Matigas na saad niya. Kahit tutol pa ang ibang mga bisita at mga abay ay wala silang nagawa kundi sundin ang kagustuhan nito. Maging si Nate ay walang nagawa at pinaubaya ang desisyon sa fiancé niya.

"Grabe, hindi na makapag-hintay." Annicka murmured. Napabuntong hininga na lamang ako dahil doon at nagsimulang tumungo sa designated seats namin. Hindi nagtagal nakarating din kami doon, at nagsimula na ulit tumugtog ang malamig sa tainga na musika.

Matapos ang ilang sandali ng pagkakagulo sa likudan para ayusin ang wedding entourage, nag-simula na din ito.

Habang naglalakad ang mga abay papunta sa unahan. Hindi ko maiwasang isipin na sana biglang dumating si Princess at pigilan ang lahat ng ito. Saka, iyong itsura ni Cassidee ngayon, mukang galing siya sa kung saan, ano bang nangyari sa kaniya bago makapunta dito?

Napatingin naman ako kay Nate na nasa unahan kasama ang magulang niya pati na din ang magkakasal sa kanila. Wala pa ding emosyon ang mababakas sa muka niya. Samantalang sa ama niya ay makakakita ka ng kasiyahan at kay tita Nathalie naman ay pawang pag-aalala lamang.

"Akala ko pa naman, wala ng magaganap na kasalan." I suddenly heard Alyx whispered. Marahan namang akong napatango dahil doon. Lahat naman kaming barkada iyon ang inakala, pagkatapos ngayon... wala na, natutuloy na.

Unti-unti ng naubos iyong mga abay, hanggang si Cassidee na ang maglalakad. May ngiti pa din sa muka niya, kahit ang suot niyang wedding gown ay parang kinalmot kalmot ng mga pusa at may bahid pa ng dugo. Hindi alintana iyon sa kaniya dahil naglalakad pa din siya na para bang walang ibang tao dito kundi siya lamang at si Nate.

Habang nasa kalagitnaan ng paglalakad lumapit na sa kaniya ang parents niya at hinatid siya sa parang altar. Mukang nag-uusap usap pa sila dahil kita namin sa live video na nakangiti siya at medyo naluluha luha.

Nakarating sila sa unahan at ipinaubaya ng magulang ni Cassidee ang kamay ng anak nila kay Nate. Ngumiti naman si Nate dahil doon, pagkatapos parang nagka-usap pa sila ng mahina at nagkatawanan saglit, bago sila tumungo sa harap ng magkakasal sa kanila.

Habang nangyayari ang kasal, hindi ko maitanggi sa sarili ko ang napaka bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko din maiwasan mag-isip ng mga possibilities. Noon ngang tinanong kung may tutol ba sa kasalan ay ngali-ngali ko ng tumayo, ngunit hindi ko ginawa dahil isa lamang iyong eksena.

Payapa at tahimik lahat ng nanunuod, ramdam ko ang kasiyahan nila para sa kanilang dalawa. Samantalang kami, kahit anong pilit namin na maging masaya para sa kanila, hindi namin magawa ng bukal sa kalooban. Pangingialam mang ituring, makasarili mang isipin, alam naming hindi sila para sa isa't-isa.

Nanunuod sila ng napaka-maka-fairytale na wedding. Ako naman ay parang nanunuod ng isang bangungot na ni minsan hindi ko pinangarap na masaksihan.

"Wala na ba talagang pag-asa? Nakakapanghinayang." Narinig ko ang mahinang wika ni Tim. Napatingin na lamang kami sa isa't-isa na mayroong lungkot sa mga mata.

***

Natapos ang kasal ng matiwasay.

Paalis na kami ng venue ng kasal at papunta na sa reception, noong mapansin ko na may kakaibang nakalawit sa tela ng gown ni Mrs. Cassidee Therese Servilla-Evans. Napa-kunot noo tuloy ako.

"Bakit parang may nakasabit sa gown ni Cassidee?" Mahinang banggit ko sa sarili ko habang masinsinang pa din na nakatingin doon, inaasahan na maaninag ko ang parang nakasulat o di kaya'y nakasabit na maliit na papel doon.

"May sinasabi ka Lian?" Halos mapitlag naman ako noong marinig ko bigla ang boses ni Shana. Katabi ko na pala siya, nang hindi ko namamalayan.

"Iyong likod ng gown ni Cassidee. Tingnan mo iyong sa parte na may bow, parang may nakalawit na piraso ng papel o tela o di kaya naman ay parang may nakasulat." Mahinang banggit ko, habang tumitingin sa paligid.

Nakikipag-usap ang mga lalaki sa ibang mga bisita na paalis na dito at papuntang reception.

"Sandali. Meron, tama ka Lian. Mayroon akong nakikita." Mahina at maingat na wika ni Shana.

"Lapitan natin?" I suggested. Shana nodded. Sabay kaming nagtungo ni Shana kay Cassidee na kasama si Nate na nakikipag-usap sa bisitang paalis na.

"Hi, ahm." Naiilang na pag-sasalita ko. "Congratulations." I said saka ko hinabot ang piraso ng tela sa nakasabit sa gown ni Cassidee. Laking pasasalamat ko noong madali ko lamang itong nakuha. Sinenyasan ko ng tingin si Shana na nakuha ko na iyon. Napa-ngisi naman siya biglang tungon.

"Yeah, congrats sa inyo." Muntik ko ng sikuhin si Shana sa tyan niya dahil sa way ng pagkakasabi niya, halata kasing sarcastic at hindi sincere.

Tingnan naman kami ni Cassidee habang nakataas ang kanang kilay. Tingin pa lamang niya kumukulo na ang dugo ko. Nakakainis. "What do you need?" Diretsong tanong nito.

"Kino-congratulate lamang namin kayo, anong meron?" Tanong ko naman. Pinilit kong maging casual sa kanila. Mamaya kasi mahalata niyang may pakay talaga kami. Salamat na lang at nagawa na namin iyon.

"Tss." Narinig kong usal ni Nate. "Tara na sa kotse, we'll proceed to the reception." Walang kagana ganang sabi pa nito kay Cassidee. Saka kami iniwan ni Shana na mag-solong nakatayo doon.

"Ang yabang." Galit na bigkas ni Shana. "Mag-sama sila. Kaunti na lang paniniwalaan ko na talaga si Nate na wala na silang pag-asa ni Incess." Dugtong pa niya.

"Wala na talaga. Kita mong mag-asawa na." Maikli at inis na pahayag ko at saka bahagyang nag-martsa papunta kayna Tim. Mabilis kaming nakarating ni Shana sa kung saan sila naka-pwesto.

"Tara na sa reception." Akit ni Annicka kaya naman lahat kami ay sumang-ayon na.

***

Nakarating din kami sa reception, lahat ay may kanya kanyang usapan. Habang papunta sa isang table hindi ko maiwasan na marinig ang usap-usapan ng iba.

"What happened to the bride, isn't just a simple thing."

"I agree with you, madame. Late siya ng dalawang oras at ang gown niya. Tsk tsk tsk."

"Another thing, narinig ko sa pag-uusap ng magulang niya kanina, muntik na daw napahamak ang bride at nakipag-laban pa daw. Kaya may dugo sa gown niya."

Napataas naman ang isang kong kilay dahil doon, lalo tuloy akong naging interesado sa usapan ng mga ito, kaya ang inupuan kong table ay malapit sa kanila. Mukang nakuha din ng gang ang gusto ko kaya't walang sabi sabi na umupo din sila.

"Ang sabi daw nang bride, matapos niyang mag-ayos at iba pa. Sasakay na sana siya sa kotse papunta sa venue noong kasal, ngunit sira daw ang sasakyan."

"Kaya siguro siya nalate."

"Oo, kaya nga daw. Pagkatapos noon, may dumating na lamang daw na panibagong sasakyan. Nag-alinlangan pa nga daw ang lahat. Pero, mukang maayos naman ang sasakyan at walang hatid na panganib kaya sumakay na sila doon."

Patuloy pa silang nag-usap ngunit iyong iba nilang sinabi ay hindi na tungkol sa kung paano nakarating sa kasal si Cassidee. Napasimangot na lamang ako noong tuluyan nang naiba ang topic nila.

Ilang sandali lang may nag-serve na sa amin ng mga pagkain. Samantalang hindi ko makita si Cassidee o si Nate. Siguro nagpapalit ng damit ang dalawang iyon.

Nasa isang magarbo at mamahaling hotel kami ngayon. Kitang kita mo din naman kasi sa mga muwebles at disenyo nitong lugar. Nag-simula na kaming kumain kasabay ng isang parang orchestra na tumutugtog.

Bawat galaw ng mga nandito may class, at pulido. Parang isang maling galaw mo lamang sa pag-kain pupunahin ka nila. Nakakapanliit at nakakaba din ang mga titig nila. Kaya't hindi na lamang ako tumitingin sa paligid.

Iniwasan din namin na mag-usap usap habang kumakain dahil baka mapagsabihan o masita pa kami at masabihin na walang galang sa pagkain.

Maya maya lang, habang kumakain kami bigla na lamang umimik ang emcee. "Please welcome Mr and Mrs Evans." Kasabay noon ang patigil ng lahat sa pagkain pati na din ang palakpakan.

Umakyat si Cassidee at Nate sa may platform sa unahan kung nasaan ang table nila. Inalalayan pa ni Nate si Cass na maupo sa upuan nito. Maayos na ang itsura ni Cassidee ngayon dahil mukang nakapag-palit na siya ng damit.

Nagpasalamat lamang iyong dalawa at saka kami sinabihang kumain na lamang. Matapos naming kumain. Medyo maingay na din ang paligid, kaya't nag-kwentuhan kami.

"Alam mo ba? May kakaiba sa plate number ng sasakyan nila?" Napalingon kami kay JJ noong magsalita ito.

"Alin?" Alyx asked.

"Iyong plate number kasi ang nakalagay 'B E  522' nakakapagtaka lang kasi saan ka makakita ng ganiyang plate number ng sasakyan? Alam ko hindi iyon ganoong napansin ng iba, pero may kakaiba talaga noong makita ko iyon." Paliwanag pa niya.

Napatango naman kami dahil doon. Sabagay, may punto siya, ano ba naman kasing klaseng plate number iyong binigkas niya, pang-kotse ba iyon o ano? Nag-e-exist ba o hindi? Hindi pa naman ako pamilyar sa ganoon.

"Hmm. Base sa naririnig natin kanina." Annicka started. "Dalawang oras late si Cassidee, kaya four in the afternoon na siya nakarating dito." She added.

"Pagkatapos, kaya daw ganoon ang itsura ng damit ni Cassidee ay dahil nakipaglaban daw ito sa nakasalubong nilang mga masasamang loob, hindi ko lang alam ang iba pang detalye pero iyon ang narinig ko kanina." Saad naman ni Thon.

"Wala na ba kayong ibang napansin na kakaiba?" Tanong ko, baka kasi may maidagdag kaming pangyayari na puwedeng mag-conclude sa lahat ng ito. Kanina pa kasi may hindi tama.

"Nakausap ko iyong driver ng sasakyan kanina ni Cassidee." Sabay sabay kaming napalingon sa bigla na lamang nag-salitang si Skyler. Mabuti naman at nagsalita na siya kanina pa kasi siya walang kibo at tahimik lamang.

"Wala naman daw mali, maliban na lamang sa naririnig niya tugtog sa sound system ng sasakyan." Pagsasalita nito. Masinsinan naman kaming nakinig sa kaniya.

"Anong mayroon sa tugtog? Bad blood?" Mahinang tanong ni Thon. "Baka naman, tatlong bear?" Dugtong na tanong ni Alyx. Napa-pikit tuloy ako panandalian dahil doon. Huwag naman sana, masyado ng nakakatakot ang mga kantang iyon para sa amin.

"Hindi. Kpop daw." Agad napa-bagsak ang balikat naming lahat dahil sa poker face at simpleng tugon ni Skyler. Nakaka-seriously iyong sinabi niya.

"Seriously, Zeus?" Hindi makapaniwalang banggit ni Annicka.

Walang bahid ng pag-aalinlangan tumango si Skyler. "If I'm not mistaken, my my daw iyong natunog. Noong una ayos pa daw iyon, pero pag-dating sa chorus bigla na lamang daw iyong patigil tigil na parang ine-emphasize ang salitang 'My'. Hindi ko alam sa inyo, basta, ang weird ng dating niya sa akin." Plain na sabi niya.

"Parang hindi naman weird iyan. Baka idol lang ni kuya driver ang kpop. Parang wala talagang kinalaman." Annicka stated. Medyo sumasang-ayon ako sa sinabi niya, kasi ano bang meron sa My My na kanta?

"Naks, parehas pala kami ng isa sa favorite song ni Kuya driver. My my ng apink. Nice one." Imik ni Alyx kaya naman nagkatawanan kami saglit.

Akala ko pa naman may kwenta iyong sasabihin ni Skyler given na napakaseryoso niya sa mga bagay bagay pagkatapos ganoon na lamang iyon? Kahit ako, hindi ko papansinin ang kantang paulit ulit sa sasakyan kanina, baka malfunction lamang iyon.

Natigil kami sa pag-uusap noong bigla na lamang magtunugan ang mga glasses ng bisita. Nanlaki ang mga mata ko dahil doon. Don't tell me? Humihingi sila ng halik mula sa mag-asawa. Err, ang weird banggitin sa isip ng 'mag-asawa' na term sa kanila.

Nagsalita iyong emcee about sa request ng bisita. At... muntik na akong masuka noong makita ko ang mabilis na halik ni Cassidee sa gilid ng labi ni Nate. Hindi ko alam kung namamalik-mata lamang ba ako, o sadyang umiwas si Nate sa halik na iyon? Doon nga sa you may kiss the bride kanina, parang may daliring nakaharang sa labi nila, kasi smack lang naman ang nangyari.

Ayokong gawing big deal iyong nakita ko dahil baka lumingon lamang siya sa mga bisita, pero... bakit kakaiba? Aish! Ano ba ito? Masyadong komplikado ang mga pinag-iisip ko.

Nag-patuloy ang program dito sa reception. Nagkaroon ng pagsalo sa bouquet at garter, pati na din slow dance para sa bagong kasal at message ng mga bisita sa kanila.

Karaniwang tradisyon lamang ang nangyari, dahil sa programa hindi na din kami ganoong nakapag-usap usap dahil baka makita nila kaming may sariling mundo at paghinalaan pa kami ni Nate.

"Mamaya sa bahay ko. Doon muna tayo mag-uusap usap." Narinig kong bulong ni Tim sa tagiliran ko kaya't tumango ako. Mukang sinabihan din niya ang iba doon.

Matapos ang lahat lahat sa reception umalis na din kami. Lumapit din kami ng huling beses sa bagong kasal upang ipaalam sa kanila ang pag-bati namin at kailangan na naming umalis.

"Kita kita na lang mamaya sa bahay." Paalala ni Tim Tim noong nasa parking na kami. Tumango naman ang boys, kaya tumungo na sila sa kanya kanyang sasakyan. Ako naman ay sumakay na sa sasakyan ni Tim dahil sinundo niya ako kanina.

***

Hindi nagtagal nakarating kaming lahat sa bahay niya. Malaki, malawak at maganda ito. Mukang modern house sa ibang bansa. Pinatuloy niya kaming lahat doon kaya't dahil na din sa kaunting pagod napa-salampak kami sa malambot na sofa sa living room niya.

Hindi nagtagal nakumpleto din kami. Natahimik muna kami saglit dahil sa pagod at pagka-dismaya sa nangyari kanina.

"Okay, maliban sa plate number, sa gown ni Cassidee, at sa My my song na sinasabi ni Skyler, mayroon pa bang ibang kakaiba?" JJ asked.

Bigla akong natauhan dahil sa sinabi niya. Dali dali kong inilabas mula sa pouch ko ang isang horizontal na tela na nakuha ko kanina. Pinag-masdan ko iyon at wala akong naintindihan maliban sa korean characters na hindi naman konektado sa isa't-isa ang salita.

"Ano iyan?" Biglang tanong ni Annicka.

"Ewan ang weird nito. Nakita ko kanina sa gown ni Cassidee. Mukang wala lang naman, mga korean characters na parang wala namang kinalaman sa isa't-isa. Baka sumabit lang ito sa gown." Paliwanag ko.

Namayani nanaman ang katahimikan dahil doon. Kinuha din sa akin nila ang horizontal na tela na iyon at pinag-masdan. Kagaya ko cluless din sila. Napabuntong hininga na lamang kami. Mukang kahit alam namin na may kakaiba sa nangyari kanina, wala kaming magagawa o matutuklasan mula doon.

"Zeus, tingnan mo naman ito." Pagsasabi ni Annicka sa nakapikit na si Skyler. Hindi na kami nagtataka kung bakit ganiyan siya, lagi naman. Noong alugin siya ng kaunti ni Annicka, mukang nainis siya at kinuha iyong tela.

Noong una parang wala siyang kainte-interes doon, pero habang tumatagal kumukunot ang noo niya. Binalibaliktad niya iyong tela pero mukang wala pa din siyang makuha, pero ang nakapukaw sa interes ko ay noong parang bigla niyang irolyo ang tela sa daliri niya.

"Shit!" He suddenly exclaimed. "Kumuha kayo ng pencil o kahit anong puwede pag-ikutan nito." Dali daling banggit niya. Hindi ko alam pero bigla kaming nataranta lahat doon. Kahit ako, sa tono kasi ng boses ni Skyler parang ang urgent.

Iyong barino at walang ka-emo-emosyon niyang muka kanina, nagkaroon na ng pagtataka at pagka-mangha.

Ilang saglit lang, may ibinigay na agad na pencil si Tim Tim sa kaniya. "Mabuti na lamang nandito lang iyan sa tabi tabi dahil sa trabaho ko." Imik pa nito. Ngunit hindi iyon pinansin ni Skyler at patuloy siya sa ginagawa niya.

Kanina lamang mukang gulong-gulo siya, pero pagkatapos noon naging maaliwalas ang muka niya dahil parang may nakuha siyang kasagutan mula sa isang tanong.

"Comeback?" Bigkas niya na may halong pagtataka. Napatingin naman kami sa kaniya dahil sa bigla niyang sinabi. Nilapitan siya ni Alyx at Shana at saka inagaw iyong tela na nakapulupot sa lapis.

"Comeback nga ang nakasulat dito, sa korean characters." Alyx absentmindedly stated. Noong sabihin niya iyon, mabilis pa sa kidlat inagaw ko din iyong pencil para makasigurado.

"Wait, baka may puzzle lahat ng ito." Biglang pahayag ni Tim Tim. Sumang-ayon naman kaming lahat dahil doon.

"B E 522." Banggit ni JJ habang nakakunot ang noo at mukang nag-iisip ng malalim. Agad din siyang humingi ng papel at lapis kay Tim. Ibinigay naman agad iyon ni Tim kaya nagsimula siyang magsulat.

"BE." He murmured. "5, puwede kayang five letters ang ibig sabihin noon?" Mahinang banggit pa niya.

"2 syllables."

"2 consonants? 2 vowels? 2 words? 2 meanings?" Hindi mapakaling banggit niya. Tuloy tuloy lamang siya sa pagsusulat pagkatapos ay parang iniisip pa siyang iba.

"May letter r, d, y, kanina sa gilid ng kotse!" Biglang sabi niya na parang nanalo sa binggo o lotto. Mabilis ulit siyang nag-sulat at katulad ni Skyler kanina ang parang puzzle sa utak niya ay tuluyan ng nabuo.

"BE, 5 letters, 2 syllables, 2 vowels. Letter r, d, and y. Anong papasok sa isip n'yo?" Baling niya sa amin habang may ngiting tagumpay sa labi. Dahan dahan rumihestro sa kaisipan ko ang sinabi ni JJ.

"Be ready!" Sabay sabay na banggit namin na may halong excitement ang boses ng bawat isa. Parang may guessing game kami ngayon at unti-unti ng nabubuo sa utak namin ang lahat.

"Ang salitang 'be' ay galing sa B E ng plate number. Pagkatapos ang mga numero doon ay may pinatutungkulan kagaya ng 5 letters, 2 syllables, etc, at syempre ang sticker na letters na nasa gilid ng kotse na iyon ay: r, d, y. Kaya nabuo ang mga salitang 'be ready' tama ba?" Tanong ko kay JJ upang maka-sigurado. Agad naman siyang tumango.

"Binggo."

"Teka." Pagsabat ni Alyx sa usapan. "Be ready at comeback ang mga salitang nabuo natin." Dagdag pa niya.

"Baka may iba pang salita?" Tanong naman ni Thon Thon.

"Four!" I suddenly exclaimed. Napapalakpak pa ako ng isa dahil doon. Four, four o'clock nakarating kanina si Cassidee sa venue ng kasal, pagkatapos iyong orasan pa kanina doon na hindi nagana na nakatapat sa 'four.'

"Huh? Four? As in iyong number? O iyong 'for' na salita?" Shana asked.

"Four na number iyong clue, pero kung babanggitin mo siya parang salitang 'for' ang kalalabasan. Mayroon kasi talagang kakaiba sa four o'clock kanina." I stated. "Pagkatapos iyong nabuo pa nating mga salita kanina kaya baka may kinalaman ito."

"So, if we consider the word 'for' may mabubuo tayong mga salita katulad ng, be ready for---?" Naputol ang sinasabi ni Tim Tim noong biglang magsalita si Annicka.

"My!" Nagulat pa kami lahat dahil doon. Para kasi siyang bata pagkatapos itinuro pa niya si Skyler. "Iyong kanta kanina na sinabi ni Skyler, hindi ba't my my ang title ng kanta tapos nauulit sa chorus, e di ang paulit ulit sa kanta ay ang salitang 'my' kaya may mabubuo na tayong mga salita na---" Hindi na naituloy ni Annicka ang sinasabi niya noong bigla siyang matigilan.

Pakiramdam ko tumaas ang mga balahibo sa batok ko dahil sa bigla kong na-realize.

Kung pagsasamasamahin mo ang lahat ng mga salitang nabuo namin mula sa mga kakaibang bagay na natuklasan namin. Isa lamang ang kakalabasan noon.

"Be ready for my comeback." Mahinang bulong naming lahat na nakapaghatid ng kakaibang pakiramdam sa amin.

***

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top