Liar 51: The Heir
Liars Catastrophe
Princess Light's POV
Months later...
Nanunuod ako ngayon ng Disney movie dahil wala akong magawa. Simula noong malaman namin na buntis ako, pinatigil ako ng magaling na si Gabriel sa trabaho at sinabing dito na lamang daw ako sa bahay at magpahinga. Nagtalo pa kami dahil ayaw ko nang nakatunganga lamang at walang ginagawa pero sa huli siya ang nanalo.
Hindi ko naman siya masisisi dahil alam kong gusto lamang niyang tiyakin ang kalusugan at kaligtasan namin. Napabuntong hininga na lamang ako dahil bagot na bagot na ako. Walang magawa.
Kinuha ko ang telepono na nakapatong sa may lamesa at saka ako tumawag. Nagsimula iyong tumunog nang ilang beses bago may makasagot. "Hello?" Bungad nito sa akin. Napaayos ako ng upo dahil doon.
"Annicka." Imik ko sa pangalan niya.
"Oh, Incess!" Masayang wika niya, pakiramdam ko ay tuwang tuwa ang isang ito dahil tumawag ako. "Kamusta na?" Sunod na tanong pa niya.
"Bagot na bagot na ako." Nakanguso kong sambit. "Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kaniya.
"Tara dito sa bahay! Nag-babake ako ng mga cookies at cake, baka gusto mo." Paanyaya niya na siyang ikinatayo ko at saka ako dali daling pumanhik sa kwarto namin para kumuha ng maayos na damit at syempre susi ng bahay.
"Sige. Papunta na ako." Aking pahayag hindi na ako naghintay ng sagot ni Annicka at ibinababa ko na kaagad ang tawag. Halos kumaripas na ako ng takbo makababa lamang sublit hindi ko magawa dahil nga baka mabaliw na naman iyong asawa ko sa kasesermon sa akin na huwag akong magaslaw masyado.
Ano ba naman kasing magagawa ko? Mukhang mas gusto ng anak namin na hindi ako mapakali kaysa nakapirmi. Kapag kasi nakapirmi ako sa isang lugar ay parang bumibigat ang pakiramdam ko. Tapos kapag na naman sobrang likot ko ay talagang parang mas nadadagdagan ang enerhiya ko.
Lumabas na ako ng bahay at naglakad papunta sa bahay nina Skyler at Annicka. Lalampasan ko lamang ang bahay nina Alyx at Thon Thon ay nakakapunta na ako kayna Annicka. Ganoon lamang kabilis.
Wala yatang tao ngayon kayna Alyx dahil tahimik ito, parati kasing nasa garden si Alyx at nag-aayos ng garden kapag nandito sa kanila at walang trabaho sa boutique niya pero mukhang wala ito ngayon.
Si Lian at Timothy naman sa tapat ay paniguradong nasa eskuwelahan dahil iyong dalawa na mismo ang namamahala sa Empire EHU, (Elementary, High, University). I would not say the school is a normal one. It was advanced than the previous one, and still have that policy it was known for, but the mafia doings were all revised. Pagkakaalam ko mayroon pa din iyong mga tipong organisasyon pero hindi na masasama ang hangarin nito.
Napalingon ako sa katabing bahay nila na bahay nina JJ at Shana. Shana's managing a restaurant that's why she's always busy. It's a high class. While JJ's on their business matters. Truly, those two were two of the busiest people of Improbus.
Annicka's day off is today. Walang pasok ang mga bata ngayon at maging mga guro sa paaralan na pinagtuturuan niya kaya naman natawagan ko siya kanina. Si Skyler? Baka nasa trabaho niya.
Hindi din nagtagal ay nakarating ako sa bahay nilang dalawa. Nandoon na si Annicka sa unahan at iniintay ako. Kaagad niya akong niyakap noong salubungin niya ako. "Incess!" Masayang wika pa niya.
"Skyler?" Tanong ko naman. Umiling ito at sumimangot. "Nasa trabaho." Saad nito. Maliit na ngiti ang naihandog ko. Pinapasok niya ako sa bahay nila. It's the coziest house if you'll compare it from the houses of the Improbus.
Lian and Tim's house is so neat, just plain black and white. That sometimes it actually looks like a technology center. Paano kabi-kabila ang mga kung ano anong gadgets na nadidiskubre nila at kung ano ano pa. Tapos idagdag mo pa iyong mga gamit ni Timothy sa engineering. Talagang magtatakha ka na lang kung bahay ba talaga iyon o hindi.
Alyx and Thon's house—no that's not even a house—a mansion? A castle? Malay ko ba naman kasi at talagang sineryoso ni Alyx iyong biro dati ni Thon Thon na kastilyo ang kagiging bahay nila. At ang resulta? Ayon, parang nakatira sa isang kastilyo iyong dalawa. Sa labas parang normal, sa loob, sobrang laki na nga, sobrang elegante at sobrang garbo pa. Mayaman masyado iyang dalawang iyan. Doktor si Anthony, mayari naman si Alyx ng mga kilalang fashion brand sa industriya.
Shana and JJ's house is elegant and sophisticated. Modern style and simple. Gusto ko ang bahay nina Shana at JJ dahil hindi iyon sobrang garbo, hindi din sobrang laki at tamang tama lamang sa kanila at sa magiging pamilya nila.
At ang kayna Annicka at Skyler iyong tipong cozy, parang laging magaan ang paligid. Hindi ganoon karami ang kulay puting ilaw, dahil mas lamang ang kahel na ilaw. May mga kahoy din at simple lamang pero babagay sa awra na dala dala ni Annicka.
Noong pumasok ako doon ay parang bigla ko na lamang gustong matulog. Ang bango kasi, mukhang may ilang cupcakes na ginawa si Annicka o kaya muffins na tapos na. At tama nga ang hinala ko. "Hala! Tapos na yata iyong muffins, saglit." Sambit nito at saka dali daling tumungo sa kusina para puntahan ang oven niya. Amoy sunog.
"Hey, careful." I told her. Napatawa siya ng peke dahil doon. "Ah-eh, oo nga pala." Kamot ulong sambit nito.
Annicka's pregnant too.
Natatawa nga ako kasi naunahan pa niya si JJ at Shana. Siguro three days after naming malamang buntis ako, nagpakita na din si Annicka ng sintomas ng pagbubuntis at noong pumunta sila ni Skyler sa doktor naging kumpirmado ang lahat.
Mukhang sa iisang buwan namin ipapanganak ni Annicka ang anak namin.
Tumungo na din ako sa kusina. At doon ko naabutan si Annicka na tinutulungan noong isang babae, hindi katandaan hindi din kabataan. Pinakilala niya ito sa akin bilang katulong niya sa bahay dahil nga buntis siya at hindi siya hinahayaan ni Skyler mag-isa. Nakakapasok pa nga sa trabaho iyang isang iyan, dahil ayaw mamalagi na sa bahay lamang.
Ako? Ayaw ko nang ganoon. Pag-aawayan lamang namin ni Gabriel kapag naglagay siya nang ganan sa akin. Buntis ako oo, pero hindi naman ako paralisado na parang hindi kayang gawin kahit ano. Malay ko ba pero para ngang mas malakas ako ngayon kaysa dati talagang antukin lamang.
Halos isang na akong buntis at ganoon din si Annicka. Maselan si Annicka sa bagay bagay ayon sa kwento ni Skyler. Lalo na daw kapag umaga dahil sa pagsusuka nito at sa pagkahilo. Mabuti na nga lamang at mababait ang mga kaibigan ni Annicka sa eskuwelahan na pinagtuturuan kaya kaagapay niya ang mga ito kapag nahihilo.
Ako? Hindi naman ako sensitibo, hindi din naman ako madalas mahilo. Pero sa umaga doon sumasama ang pakiramdam ko lalong lalo na kapag nagsusuka. Pakiramdam ko bumabaliktad ang sikmura ko at minsan nanghihina ako kaagad, pero matapos naman noon ay bawing bawi ko kaagad ang enerhiya ko. Palagi din akong nasa banyo dahil sa pag-iihi.
Ayon sa kwentuhan namin nitong nakaraang araw naglilihi si Annicka sa carbonara. Palagi daw nitong gusto noon mapa-umaga o gabi. Ayaw na ayaw din nito sa amoy ng strawberries at iba pang masyadong matatamis.
Iyon nga ang tinatawanan namin dahil sobrang hilig ni Annicka sa mga matatamis na amoy kaya naman halos lahat ng mga sabon, pabango, at kung ano ano pa ang naitapon ni Skyler dahil sa pagiging maselan ni Annicka.
At hilig na hilig nito ngayon sa pagbabake at ipapakain niya kay Skyler. Natatawa na lamang ako dahil walang lasa ang mga binabake ni Annicka minsan. Ayaw nga kasi nito sa matamis. Pero karaniwan ay mga kung ano anong prutas ang pageeksperimentuhan. Hindi naman niya kinakain. Pinapakain lamang niya.
"Incess. Tara dali." Nakangiting wika ni Annicka at saka ako pinalapit sa kaniya. Nakangiti akong tumungo doon at saka ako nagsimulang makitulong sa kaniya. Iba ang amoy nitong mga kasangkapan niya. Walang katamis tamis. Halos maasim, at may mabango man gawa naman iyon noong mismong magiging tinapay.
"Incess, hindi mo tinatarayan si Nate?" Tanong ni Annicka habang nag-hahalo noong mga panibago niyang kasangkapan na gagamitin. Iyong katulong naman niya ay ibinabalot iyong nauna niyang iniluto.
"Narisa, dalahin mo na lamang iyang mga niluto ko sa inyo." Nakangiting baling nito sa kaniya. Napangiwi iyong babae sa sinabi ni Annicka. Nakita ko iyon, may ilang pwedeng makain, may ilan naman na pwede na ding itapon. Ibang klase din itong si Annicka.
"Incess?" Napatingin ako sa kaniya mula sa ginagawa kong pag-aayos noong mga kubyertos. Ah, nagtatanong nga pala siya.
"Hindi naman. Normal lamang kami." Sagot ko sa kaniya. Totoo naman hindi ako kasing tindi niya maglihi. Hindi ako mabilis magalit pero ang bilis kong mabagot. Tapos si Gab Gab? Hmm. Siguro ugali ko lamang tingnan si Gab Gab kapag natutulog. Iyon, ganoon lamang kasimple.
"Wala kang pinaglilihihan?" Usisa niya. "Kagaya pa din noong napag-usapan natin noon?" Dagdag pa niya.
Tumango ako. "Oo, gatas at buko pa din. Pero simula kahapon, parang hindi na tumigil na ako sa pagkahumaling sa mga iyon. Maybe my cravings already stopped." I told her softly which made her looked at me in confusion.
"That's odd." She remarked. "Pero, mabuti ka pa." Banggit nito. "Ako kasi minsan naiinis na sa sarili ko kasi ang selan ko talaga. Kapag pinapahirapan ko si Zeus, sa una masaya pa ako, pero kapag tutulog na kami at pagmamasdan ko siya na parang pagod na pagod parang ang laki laki ng kasalanan ko kaya paminsan minsan naiiyak ako. Aaluin naman ako noong isa kasi magigising siya. Hay. Ang hirap maging emosyonal." Mahabang linya nito sa akin.
"Ramdam ko din iyan Annicka. Minsan naiinis na lamang ako pero hindi kay Gab Gab kadalasan sa mga nasa paligid ko. Gusto ko laging puti, kapag hindi aayon sa puti, naiinis ako." Natatawang sambit ko. Napatawa si Annicka dahil doon.
"Gusto mong kumain ng carbonara?" Tanong nito sa akin bigla.
Agad siyang dumiretso sa mag kalan at doon binuksan iyong lalagyan at napangiti ako. Kulay puti. "Sige." Sang-ayon ko.
Tinulugan noong Narisa si Annicka na kumuha noong Carbonara pagkatapos ay umupo kami sa lamesa at doon nagsimulang kumain. Masarap. Kaya naman pala gustong gusto ni Annicka. Nagliligpit naman iyong Narisa sa mga kalat ni Annicka sa kusina.
"Morning sickness always kills me. Kapag nakikita ako ni Skyler na halos yapusin na iyong inidoro kapag nagsusuka, ayaw na niya ako papasukin sa eskuwela. Pero gustong gusto kong makita iyong mga batang tinuturuan ko." Nakangusong kwento nito sa akin.
"Ang hirap magsuka kapag umaga. Ang sensitibo nang pang-amoy natin. Kaya nga hindi na ako pumapasok sa trabaho. Ayaw ni Gab Gab." Iiling iling na balik kwento ko naman. Natawa naman si Annicka.
"Bagot na bagot ka siguro?" Saad nito.
"Sobra." Pasukong sambit ko. "Ayoko nang ganito sa totoo lamang. Ang dami dami kong enerhiya pero laging bawal ganito, bawal ganiyan. Nakakainis." Reklamo ko pa. Lalong natawa si Annicka.
"Isama kaya kita sa eskuwela?" Suwestiyon nito. Napailing naman ako doon. Alam kong marami ding inaasikaso si Annicka at buntis din ito kagaya ko. Hindi naman pwedeng dahil lamang sa pansarili kong dahilan ay sirain ko iyong nakagawian niya.
"Hindi. Lagi naman akong napuntang ampunan kapag wala na talagang magawa." Sagot ko naman na nakapagpatango sa kaniya.
"Ang sarap din minsan sa pakiramdam na mayroon talagang buhay na dinadala. Kapag naiisip ko iyon hindi pa din ako makapaniwala minsan." Kaniyang sambit sa akin. Napangisi ako ganoon din naman ako.
"Pero minsan, may kakaiba." Dagdag ko sa aking isip. Hindi ko alam pero may kakaiba talaga. Para kasing wala... Basta...
"Ano ulit?" Tanong ni Annicka. Umiling iling na lamang ako at sinabing kumain na lamang kami.
Kumain kami ng matiwasay ni Annicka. Mabuti na lamang at hindi ako nagsuka pero medyo mabilis akong mabusog hindi kagaya dati kaya naman mabilis kaming natapos.
Naghanda na ulit kami ni Annicka na mag-bake. Kahit papaano marunong naman talaga ako nito. Natatandaan ko pa noong gumawa kami ng cupcakes para doon sa mga lalaki. Napangiti ako sa ala alang iyon.
Ganoon lumipas ang oras namin ni Annicka hanggang sa napagpasyahan ko nang umuwi dahil baka dumating na din si Gabriel galing sa trabaho. Nag-paalam kami ni Annicka sa isa't-isa bago ako tuluyang umalis.
NOONG makarating ako sa bahay ay napansin ko na nandoon na ang kotse ni Gabriel. Mukhang nandito na siya ang aga niya yata? Dumiretso ako sa loob matapos kong mabuksan ang pinto at doon ko siya hinanap.
"Gab Gab?" Tawag ko sa kaniya. Walang sumagot kaya nagtakha ako.
Pumunta ako sa may kusina at doon ko siya naabutan na umiinom ng gatas. "Gab." Tawag ko sa kaniya. Tinapos muna niya ang kaniyang iniinom bago lumapit sa akin at saka ako niyakap.
"There you are." Malambing na sambit niya. Napangiti ako dahil doon. Pagkatapos ay bigla niya akong sininghot singhot. "I've missed you." Banggit pa niya. Napangiwi ako dahil doon. Para namang hindi niya ako nakita kaninang umaga. Tss.
"Ang aga mo yata?" Sambit ko sa kaniya.
"Tinapos ko kaagad iyong mga gagawin sa trabaho para makauwi na. Nagugutom ako. Bumili ako ng pagkain natin." Nakangiting paliwanag pa niya. Napangiti na din ako doon. Inalalayan niya ako papunta sa upuan at saka marahang pinaupo. He kissed my head before sitting beside me.
Nakahanda na iyong pagkain namin sa mesa. Halos puro puti ang mga binili nitong pagkain. Siguro ay marahil alam niyang iyon ang mga gusto kong pagkain. Kumain kami at marami siyang nakain kaya naman sumigla ang pakiramdam ko. Ayaw kasi niya ng mga kinakain ko nitong mga nakaraang araw kaya naman nakakatuwa na ganito siya ngayon.
"Hindi ka ba nagpapagod?" Tanong nito sa akin.
"Hindi naman." Sambit ko. Maselan kasi ang pagbubuntis ko dahil hindi malakas ang kapit ng bata sa akin. Kaya ganito na lamang mag-alala si Gabriel sa akin.
"You want buko?" Tanong nito sa akin. Bulo salad. Umiling ako. Kaya naman siya na ang kumain niyon. Nawala na kasi ang cravings ko sa gatas at buko, at saka sa ibang bagay. Malay ko nga at parang ang bilis na wala noon.
"I'll be off for three days." Pahayag niya.
Napalingon ako sa kaniya nang may malawak na ngiti dahil doon. "Talaga?" I asked unbelievably. Pinisil niya ang pisngi ko at napa-aray ako dahil medyo madiin iyon kaya naman napabitaw siya. At saka alalang-alala akong tinanong kung ayos lamang ba ako.
"I'm fine." I told him.
"Pero hindi nga?" Tanong ko ulit. He nodded his head to say yes and I hugged him happily. Gusto ko kasi talaga na nakakasama siya. Bukod yata sa buko at gatas ay sa kaniya ako pinakanatutuwa. Mabuti na nga lamang daw at hindi naiinis.
"Pupunta tayo kayna mommy bukas." Sambit pa niya. "Gusto ka daw nilang makita." Dugtong pa nito. Napatango tango naman ako dahil doon. Gusto ko na din silang kamustahin.
"Mommy ko? Mommy mo?" Kunot noong pagkukuwestiyon ko.
"Both." Napapalakpak ako sa saya dahil doon. Napangiti siya sa inasal ko.
Hindi pa naman kalaliman ang gabi kaya nanuod muna kami ng movie. Animation ang pinapanuod namin. Mga pambata. Ewan ko ba, hindi naman ako mahilig sa ganito dati pero natutuwa ako ngayon dito. Naiisip ko pa lamang kasi na may bata nang gagala at maglilikot dito sa bahay namin ay natutuwa na talaga ako nang sobra.
Napayakap ako sa braso ni Gabriel at inilihis ko sa kaniya ang ulo ko. Ipinatong ko iyon sa braso niya at saka ako nagpatuloy na manuod. Paminsan minsan ay natatawa kaming dalawa, hanggang sa nakaramdam na ako ng antok kaya naman hindi ko na napigilan na ipikit ang mga mata ko.
***
Naalimpungatan ako dahil sa ingay na naririnig ko sa baba. Parang may nakapasok na ibang tao dito sa bahay. Nakaramdam ako ng takot at kaba dahil doon. Hindi naman karaniwang ganito, dapat pa nga ay nasasabik ako, pero hindi na lamang kasi ako magsolo.
Agad kong kinapa si Gabriel sa tabi ko pero wala akong nakapa at noong tingnan ko ang pwedto niya ay wala siya doon. Binuhay ko ang lampara sa tabi ng kama at doon ko nakita ang oras. Madaling araw na. 2am.
Maingat akong bumababa sa kama at saka marahang naglakad patungo sa pinto. Sobrang pag-iingat ko noong buksan ko iyon para wala talagang ingay. Tuloy pa din ang kalampagan na naririnig ko sa baba. Parang may naghahalughog.
Halos lumutang na ako sa hagdan huwag lamang makagawa ng kahit katiting na ingay pababa. Kung kanina ay kinakabahan ako ngayon naman ay malakas na ang loob ko at nasisigurado kong bugbog sarado sa akin iyong nakapasok dito. Tss.
Buntis nga talaga ako, masyadong mabilis magpalit ng emosyon.
Noong malapit na ako sa may kusina ay handang handa na akong lumaban noong bigla kong nakita si Gabriel na nadoon sa prigider na halos pasukin na nito iyon. Takhang takha ako sa kaniya noong pagkakataong iyon.
Hindi ko man lamang napansin ang presensiya niya. Tsk. Karaniwan kasi kahit gaano pa kalayo si Gab sa akin alam kong siya iyon kahit hindi ko pa nakikita. Sa talas ba naman ng pakiramdam ko pero itong nasa harap ko ngayon ay hindi ko man lamang naramdaman.
Kung walang ingay, nasisigurado kong para siyang isang bula lamang. Hindi mo mapapansin. Hindi mo makikita.
"Gab?" Tawag ko sa kaniya at saka ko binuksan iyong ilaw.
"Light." Sambit naman niya hindi ako nililingon. Para bang alam niya na bumababa ako mula sa kwarto kahit ginawa ko na ang lahat huwag lamang niya akong maramdaman. Weird. Ano bang mayroon sa lalaking ito ngayon?
"Anong ginagawa mo diyan?" Tanong ko. Doon ko nakuha ang pansin niya.
"Ah? Gatas at buko." Sagot niya ng bale-wala. Lumapit na ako sa kaniya noong pagkakataong iyon. Anong pinagsasabi nito? At doon ko siya nakita nagkakayod ng buko sa ref. What the heck?
"What the heck are you doing?" Asar na banggit ko.
"Nagugutom ako. Gusto ko noong gatas at buko." Imik niya sa akin na para bang wala lamang na doon siya sa ref nagkakayod ng buko. Ano bang nahithit nang isang ito? Napakawirdo na ah.
"Gab Gab?" Muling tawag ko sa kaniya.
"Wait a minute, dummie." Tugon niya sa akin at saka bumalik sa ginagawa niya at matapos ang halos sampung segundo ng katahimikan sa pag-itan namin ay natigil na din siya ay saka siya naglabas ng pitchel sa ref na punong puno ng gatas at syempre noong buko.
"Gusto mo?" He asked softly. Pero sa hitsura niya parang hindi din naman niya gustong magbigay.
"No, I am fine?" Alinlangang sambit ko. Malaking ngiti ang hinandog niya sa akin dahil doon at saka siya naglagay noong tinimpla niya sa baso. Pinanuod ko siyang inumin iyon. Mali tunggain. Dire-diretso kasi walang katigik tigil. Lunok nang lunok. Hindi na siya nabibilaukan? May buko iyon.
"Dummie." I called him, he ignored me and finished drinking first. May amos pa siya kaya naman nilapitan ko siya para punasan iyon. Nagustuhan niay ang ginawa ko kaya naman ngumiti siya.
"Bakit?" Kunot noong sambit niya.
"Tara na, matulog na ulit tayo." Pangyayaya ko sa kaniya.
"Saglit." Pigil niya. At saka muling uminom nang dalawang baso noong buko at gatas bago tuluyang sumama sa akin pabalik sa itaas, sa kwarto namin. Wala kaming imikan noong sandaling iyon.
Sa totoo lamang? Anong nangyayari kay Gabriel? He never even wanted the taste of the coconut and milk. Sabi niya masyadong natabang, walang lasa. Minsan naman ang wirdo daw, pero ngayon? Tsk. Napa-iling iling ako sa kaniya.
Niyakap niya ako noong makahiga kami sa kama. "Sag-app-oh, Light." He whispered. I gave him a peck on the lips and closed my eyes to sleep.
***
Kinabukasan.
"Nathaniel, Princess." Bati noong mga magulang naming dalawa sa amin noong makarating kami dito sa bahay nina Mommy Nathalie. Nandito din ang magulang ko kaya naman nakipagbeso-beso kami sa kanila.
Medyo nanghihina pa ako dahil kagagaling ko lamang sa pagsusuka kanina bago kami makarating dito. Mukhang napansin ni mommy iyon kaya naman kaagad niya akong inalalayan.
"You want to sleep, baby?" She whispered. I nodded my head. I feel tired. Napalingon ako kay Gabriel ay hikab ito nang hikab. Mukhang napuyat doon sa pinaggagawa niya sa gatas at buko kagabi.
"Princess, are you alright?" Tanong sa akin ni Mommy Nathalie. Tumango ako at nagpaliwanag si Mommy na pagod lamang ako sa byahe kaya naman kaagad nila akong pinapasok sa loob at hinatid sa kwarto para magpahinga.
Noong nandoon na ako ay ipinikit ko na ang mga mata ko para makatulog. Si Gabriel na ang bahala para aliwin sila at para balitaan sila sa pagbubuntis ko.
Hey, baby, hold on tight, okay? I told my child before drifting off to dream land.
WHEN I WOKE UP, I saw Gabriel's face looking at me lovingly. Hawak hawak niya ang kaunting mga hibla ng buhok ko at nilalaro niya iyon. Nginitian niya ako noong magising ako at saka ako hinalikan nang mabilisan sa noo, ilong at labi.
"Good afternoon, dummie." He greeted. I smiled and pulled his nape into a hug. Niyakap naman niya ako dahil doon.
"How are you?" Tanong ko sa kaniya.
"Maayos naman, bukod sa gusto ko ulit ng buko at gatas. Tsaka kinuwentuhan ko kanina sina mommy at daddy tungkol sa lagay mo. Nag-aalala sila Light, kaya magpalakas ka at mag-ingat ka palagi para kay baby ha?" Malumanay na paalala niya sa akin.
I nodded in response.
Ang kondisyon ko ay hindi kagandahan. Marami akong iniinom na vitamins at syempre kahit anong pakiramdam kong malakas ako at gusto kong gawin ang kung ano ano ay minsan pakiramdam ko hindi ako buntis.
Sa totoo lamang, parang walang bata sa sinapupunan ko kahit sinasabi nilang mayroon. Doon ako natatakot dahil hindi ko siya maramdaman. Samantalang si Annicka palagi niyang sinasabi sa amin ramdam na ramdam daw niya na may anak na sila ni Skyler.
I am afraid I might lose our baby. Napayakap ako kay Gabriel dahil sa isipin na iyon. Hinayaan niya ako at matapos ang ilang sandali ay sinabi niyang pumunta kami sa baba dahil naghihintay sina mommy at daddy. At kakain pa daw kami, napatango ako at saka kami nagtungo doon.
Pagbaba namin napalingon sa amin ang mga magulang namin na nagkukuwentuhan sa salas. Napangiti sila sa amin noong makita kami at saka nagsitayuan. Sinalubong kami ng parehas naming ina.
"Kakain na kayo?" Tanong ni mommy. Tumango kami ni Gabriel.
Sinamahan nila kami papunta sa kusina at pinaghanda kami ng pagkain ni mommy Nathalie habang sina daddy at dad ay kinakausap kami ni Gabriel at kinakamusta. Nakakatuwa iyon dahil mukhang sabik na sabik silang magka-apo.
Ilang sandali lamang ay inilapag na ni mommy at mommy Nathalie iyong mga pagkain. Kumuha kaagad ako noong mga gusto ko at hindi na inintay si Gabriel na ipagsandok pa ako nang kung ano ano. Habang ginagawa ko iyon ay...
"Ang baho." Napakunot noo ako sa naging komento nito.
"Ha?" Alanganing tanong ko.
Imbis na sagutin ako ay nagulat kaming lahat noong bigla itong tumakbo papunta sa sink at doon ko narinig ang pagduduwal niya. Napatayo ako sa kinauupuan ko at saka ako pumunta sa kaniya at saka siya tinapik tapik sa balikat at hinimas ang likuran.
Nagulat sina Mommy sa naging asta ni Gabriel. Samantalang ako ay inalalayan ito. "Agh. Parang umiikot ang ulo ko." Untag pa niya sa akin. Napahilamos siya dahil doon at saka ko inalalayan para pumunta sa lamesa.
Medyo nahimasmasan na din siya at inabutan siya ni Mommy Nathalie noong parang bimpo. Kaagad kong tinulungan ang asawa ko na tuyuin ang kaniyang mukha at bandang dibdib na natalsikan ng tubig kanina noong nagsuka siya.
"May gusto ka ba? Ayaw mo ba noong ulam?" Nagtatakhang tanong ko.
"Paborito mo iyan, Nathaniel. Bakit ayaw mo?" Banggit ni Dad Philip.
Napakibit balikat si Gab. "Ewan ko dad, ayoko nyan. Gusto ko ng gatas at buko." Natigilan kaming lahat sa sinabi ni Gabriel.
"Gab, kahapon ka pa ah. Hanap ka nang hanap ng buko at gatas." Sita ko sa kaniya. Napanguso siya sa sinabi ko at saka ako inangklahan sa braso.
"Baby, please? Gusto kong buko at gatas. May binaon ako." Parang batang sambit nito sa akin. Napailing iling naman ako dahil doon. Ano ba talagang natira ng lalaking ito at iyon ang gusto?
"Kumain muna tayo ng kanin. Baka magkasakit ka Gab. Mahirap. Buntis ako tapos dadagdag ka pa sa alalahanin." Suway ko naman. Parang bata siyang tumingin sa akin at sumuko.
"Tss. Bahala ka. Hindi mo na ako mahal." Napaamang kaming lahat dahil sa binulong ni Gabriel. Sina daddy ay hindi na napigilang hindi matawa dahil sa inasta nito. Sobrang nakakapanibago.
Iiling-iling na tumayo ang mga ama namin at saka nagprisinta na kukunin sa kotse iyong gatas at buko. "Salamat, dad." Sambit pa ni Gab sa kanila. Tumango lamang sila at saka nagkwekwentuhang tumungo papunta sa garahe.
Inilapag ni mommy Nathalie ang panibagong pagkain sa harap namin. Ginataan iyon. Mukhang ginanahan na si Gabriel dahil kumuha kaagad siya noon. Iyon mga kulay puti lamang ang kinuha niya. Anong ginagawa nang isang ito? Ayaw niya noon ah? Nakakapagtakha na talaga ang kilos niya.
"Hindi ka na ba nahihilo, anak?" Tanong ni mommy kay Gab Gab.
"Medyo po. Pero nagugutom na din ako. Tsaka gusto ko pang makainom noong buko at gatas." Saad nito. Natawa nang marahan ang parehas naming nanay dahil doon.
"Kailan ka pa ganiyan, Nathaniel?" Tanong ni mommy Nathalie. Hindi ito sumagot dahil puno ng pagkain ang bibig kaya ako na ang kumausap sa kaniya.
"Kahapon ho yata, pero baka noong isang araw pa. Kagabi nga ho, nahuli kong nagkakayod ng buko sa refrigerator. Akala ko may nakapasok sa bahay siya lamang pala." Aking kwento sa kanila kaya natawa sila sa pinaggagawa ni Gabriel.
"Pinagkaisahan na ninyo ako. Tsk." Parang batang sambit nito sa amin at saka nagpatuloy sa pagkain at hindi na kami inintindi. Sakto namang dumating na sina dad at saka inabot sa kaniya iyong bote na may gatas at buko.
Napangiti ito nang nakakaloko at saka inilagay ang laman noon sa may baso niya at saka sarap na sarap na ininom.
"Nathaniel." Seryosong wika ni Mommy Nathalie. "Parang ikaw ang buntis sa inyo ni Princess." Nagkatawanan kaming lahat dahil doon. Seryoso. Simula noong isang araw parang siya ang buntis sa aming dalawa.
"Mommy naman." Animo'y nagtatampong saad nito. Cute.
"Nako, Princess. Mukhang naipasa mo kay Nathaniel ang paglilihi." Natatawang sambit ni Mommy na nakapagpatigil sa aming dalawa ni Gab Gab. Seryoso? Naipasa? Pwede ba iyon?
"Base sa nakikita namin ni Nathalie, mas emosyonal pa si Nathaniel kaysa sa iyo, Princess. Pati na din sa cravings at sensitibong amoy. Paniguradong nakuha niyan ang paglilihi mo." Dagdag pa ni mommy.
Nagkatinginan kami ni Gab Gab dahil doon. Oh no. Kaya pala. Kaya pala. Kaya pala siya ang ganoon ang kilos. Agh.
"Ano na pong mangyayari?" Tanong ko naman. Ayoko naman na mahirapan si Gab Gab. May trabaho ang isang iyon. Hindi naman pwedeng siya ang maglihi nang maglihi sa aming dalawa.
"Lakdangan mo mamaya para bumalik sa iyo ang paglilihi." Natatawang suwestiyon ni daddy.
"Daddy, seryoso." Sambit ko sa kaniya.
"Tingnan mo lamang, ganoon daw iyon." Sabat naman ni daddy Philip.
Napabuntong hininga si Gab Gab at saka kami natawa nang bahagya. Hay nako, Gab Gab. Ayaw mo talaga akong nahihirapan ano? At maging paglilihi kinuha mo na sa akin. Tsk tsk tsk.
***
Nagdaan ang mga araw. Si Gabriel halos isang linggo yata siyang naglihi at noong lakdangan ko kagaya ng sabi ni daddy ay medyo tumambla naman at ako na ang naglihi ulit. Naging adik na naman ako sa gatas at buko.
Akala ko maayos lamang ako dahil nga pakiramdam ko ay hindi ako lagi mapakali sa isang pusisyon dahil nga sobrang gustong gusto ng anak namin na malikot ako pero mali pala ako.
Noong nasa ika-limang buwan na ako doon nagsimula ang mga kumplikasyon na hindi ko inaasahan. Sobrang sakit lagi ng tyan ko pakiramdam ko mawawala sa akin ang anak ko nang pagkakataong iyon. Araw araw gabi gabi nag-aalala ako.
Sa hospital kami paroo't-parito. Delikado daw talaga ang kondisyon ko at ano mang oras ay maari akong makunan. Sobrang nalungkot ako nang pagkakataong iyon. Mabuti na lamang at nandyan ang barkada para pagaanin ang loob ko.
Aaminin kong naiingit ako kay Annicka dahil normal na normal ang pagbubuntis niya. Hindi katulad noong akin na halos araw araw ay may kaba at takot sa puso dahil hindi maganda ang lagay namin noong bata.
Alyx's one month pregnant. Ibinlita niya iyon noong ika-anim na buwan ko. Si Shana naman ay tatlong linggong buntis. At si Lian ay dalawang linggo. Nakatuksuhan tuloy dahil halos sabay sabay. Natatawa na lamang ako sa mga ganoon nila.
Unlike me, they are all healthy and fine.
Sobrang sakit isipin ng bagay na iyon. Akala ko magiging masaya na lamang kami. Pero ngayon nagdudusa ako at natatakot akong baka mapahamak ang anak ko dahil sa akin.
Ilang linggo na din ako nakaratay sa hospital dahil nga napakaraming bawal sa akin. Gusto ko maranasan iyong pagbubuntis na nangungulit, emosyonal man hindi naman ganito, at saka iyong mga pinaggagawa dati ni Annicka noong naglilihi siya, hindi katulad ko ngayon...
Kapag nakikita ako ni Gab Gab na lagi na lamang nahihirapan ay alam ko ang sakit na nadarama niya. Pero siya ang nagpapalakas ng loob ko, hind niya kami sinukuan. Tumigil siya sa trabaho at parati kaming binabantayan at sinasabing magiging maayos din ang lahat.
Noong isang linggo ay bumisita si Kurt at Tiara. Kasal na sila. Sa Germany din nakatira. Wala pa yatang balak magka-anak dahil ayaw ni Tiara masisira daw ang hubog ng katawan niya. Tss. Hindi naman. Ako nga hindi tumaba nang sobra.
Si Vianca naman mukhang may karelasyon na. Hindi na din si Ate Gloom ang mukha niya. Iyong dati na. Siguro ay si Mommy ang gumawa noong retoke niya. Sinabi niya na dadalaw daw siya sa nalalapit na panahon.
Ang mga Apocalypse ay may kaniya kaniyang buhay na pero sila pa din ang namamahala. Mukhang may mga Mafia at gang pa din na naghahanap sa amin ni Gab Gab. At syempre kayna Lian. Mabuti na lamang at magaling magtakip sina Dos kaya hindi kami ganoong nababahala.
Nakalabas na ako nang hospital matapos ang mga kung ano anong check ups at iba pa. Kahit papaano ay magiging maayos na daw ako. Naging magaan ang loob namin ni Gab Gab dahil doon. Akala ko kasi hanggang sa mag ika-siyam na buwan ay sa hospital ang pananatili ko.
"Light." Napalingon ako sa kaniya noong tawagin niya ako para mahiga na sa kama na inayos niya. Inalalayan pa niya ako para maging maayos. Nang makahiga ako nang ayos ay kinumutan niya ako bago siya tumabi sa akin. Hinalikan niya ako sa noo.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" Nag-aalalang sambit niya.
"Huwag kang mag-alala. Maayos na ako." Imik ko sa kaniya.
"Hindi mawawala ang pag-aalala sa akin, Light. Dalawa kayong pwedeng mawala sa akin sa isang iglap." Emosyonal na pahayag niya. Pakiramdam ko ay takot na takot talaga siya sa pwedeng mangyari.
Niyakap ko siya dahil doon. Iniingatan na hindi maipit ang anak namin.
"Malakas ako Gab Gab. Huwag mo maliitin ang kakayahan ko." Wika ko sa kaniya para naman gumaan kahit papano ang kaniyang pakiramdam. Hindi ko sigurado kung napawi ko iyon.
Hinimas himas niya ang likod ko at saka nagsimulang magkwento sa anak namin. Kapag umaga nga ay nagpapatugtog siya ng mga musika para rito. Tapos minsan ay binabasahan nang kung ano ano. Handang handa na talaga siyang maging tatay.
Habang kinukwentuhan ni Gab Gab ang anak namin tungkol sa pamilyang Rivamonte. O ang pamilya kung saan galing ang kaniyang ina. I know Rivamonte very well. They are the reason why Empire's became the one on top back in the days. Sila iyong tahimik pero matinik. No one really knows them aside from their clan and family. Mas masikreto pa sila sa aming mga Smith.
Naalala ko tuloy ang pamilya ni Mommy. Ang mga Halleciaña. Known for the keen eyes of the eagle. Matatalas ang mga mata at pakiramdam at magagaling na manggagamot simula pa noong unang panahon. Kaya nga sa medikal na bagay talaga sobrang galing ni mommy namana niya kay lola.
Ang kwento pa niya sa akin. Ang mga mayroong abong mga mata na mga may dugong Halleciaña ang pinakamalalakas sa buong angkan. Alam ko ang lola ay abo ang mga mata. Sa kasamaang palad hindi nakuha iyon ni mommy, at maging ako. Hindi naman daw kasi palaging mayroon na may abong mga mata sa mga Halleciaña, mga pili lamang ang mayroon nito. Hindi ko nga mawari kung kathang isip ba ang mga iyon o hindi.
Habang nakikinig sa kwento ni Gabriel ay hindi ko namalayan na nakatulog na din ako.
NAGING maayos ang mga sumunod na araw namin. Alagang alaga pa din ako ni Gabriel gaya ng nakasayan. Binibista din kami noong mga buntis. Natatawa na nga lamang ako dahil sa paglilihi ni Alyx.
Si JJ ang pinagliliihihan nito dahil masyado itong tuwang tuwa dito. Lugmok na lugmok naman si Thon Thon dahil bakit daw hindi siya. Nako, kung alam lamang ng lokong iyon ang inabot ni Skyler dahil dito naglihi si Annicka.
Si Lian at Shana naman ay nagsisimula na din magpakita ng sintomas ng paglilihi pero hindi naman ganoon kasensitibo pa. Dahil sa kanila gumagaan at sumasaya ang pakiramdam ko.
Nang makaalis sila ay biglang dumating si Mommy Nathalie. Magsolo lamang ito. Kaagad naming pinatuloy si Mommy Nathalie. Hindi kami naabiso na pupunta siya kaya medyo nataranta kami pero naging maayos naman.
"Nathaniel. Bumili ka muna ng mga pagkain at groceries. Ako na muna ang sasama kay Princess." Anito sa kaniyang anak. Tumaliman naman si Gab Gab at nagpaalam sa akin at sa kaniyang ina.
Noong kami na lamang ni Mommy Nathalie ay inaya niya ako sa hardin at doon kami sa may lilong nag-kwentuhan. Kinamusta niya ang pagbubuntis ko at iba pang mga bagay na paalala para hindi ako mahirapan at syempre nagkwento din siya sa sakit ng panganganak.
Ayoko na tuloy manganak dahil sa kwento niya. Natawa siya dahil sa sinabi kong iyon.
Hindi ko namalayan ay napunta ang kwentuhan namin sa kaniyang pamilya. Sa mga Rivamonte. Sinabi niya kung gaano kahigpit at kalihim ang kaniyang angkan. At ang kakaiba nilang kakayahan. Ang magtago ng presensiya. Kaya pala ganoon na lamang si Gab Gab.
Kakaunti lamang ang nakwento niya dahil sobrang pribado talaga ng mga iyon. Puro sa misteryosong pamilya pala kami galing. Nakakatuwang isipin.
Umuwi din si Mommy Nathalie noong dumating na si Gab Gab mula sa pamimili. Tinulungan muna niya kaming imisin iyon bago nagpaalam nang tuluyan. Normal na araw. At mabuti na lamang ay walang sakit na nangyari sa katawan ko ngayon.
Hindi namin namalayan ni Gab Gab na nasa ika-pitong buwan na ako. Maayos na naman ang lagay ko, at hindi na katulad noong mga nakaraang buwan. Iyong akala namin na maayos na ang lahat... Isang kamalian.
"Gab Gab!" Malakas na sigaw ko. "Gabriel!" Namimilipit ako sa sakit kaya naman napahiga na ako sa sahig ng banyo. Sobrang sakit sa may bandang tiyan ko na para bang ikamamatay ko. Ngayon ko lamang naranasan ang sakit na gustong magpasuko sa aking katawan.
"Gabriel!" Nagmamakaawang tawag ko sa aking asawa.
Ilang saglit lamang ay bumukas ang pinto at iniluwal noon si Gab Gab na sobrang aligaga. Kusa sigurong kumilos ang katawan niya para buhatin ako. Kaagad niya akong dinala patungo sa kotse.
Mukhang tinawagan din niya ang kapatid at magulang dahil sa pagkataranta. Ilang saglit pa ay kasama ko na si Lian at Timothy. Wala akong maintindihan noong pagkakataong iyon kung hindi ang pananakit ng tiyan.
Halos mawalan na ako ng malay dahil doon. Hanggang sa naramdaman kong binuhat nila akong muli. Akala ko hindi na ako makakarating pa sa hospital ng buhay at gising dahil sa matinding sakit at pasasalamat ko na lamang noong makarating kami bago ako tuluyang nawalan ng malay.
NOONG magising ako ay hindi magandang balita ang hatid ng doktor. Dinugo pala ako kanina at hindi ko na namalayan iyon dahil sa sakit. Ang sabi pa... Ano mang oras ay maari akong atakihin ng labor at manganak na.
Takot na takot ako. Ibig sabihin... Pre-mature ko isisilang ang anak namin?
Napaiyak na lamang ako sa kama at hiniling na iwan nila akong mag-isa. Ayaw pa sanang makinig ni Lian at noong barkada pati ng pamilya ko pero wala din silang nagawa.
Kung hindi pa ako inalo ni Gab Gab ay hindi ko malalaman na nandoon siya sa likod ko. Humiga din siya doon sa malaking kama na hinihigaan ko at saka ako walang imik imik na niyakap.
Hinawakan ko ang kamay niya at doon tahimik na umiyak.
Alam ko... Kahit hindi niya sabihin ay natatakot din siya sa lagay ko at lagay ng anak namin. Maaring magkaroon ng mga kumplikasyon at iba pa ang bata dahil, pitong buwan pa lamang ito pero nanganganib na naisilang ko.
Lumipas ang gabing iyon na nakatulog ako sa pag-iyak habang akap-akap ni Gabriel.
Totoo sa kaniyang sinabi, matapos ang ilang gabi nang napakaraming check ups sa puso ko at kung ano ano pa, ay nagsimula na ang biglaang pananakit ng tiyan ko... Nagsimula na naman akong makaramdam ng kakaibang sakit. At sumabog na ang panubigan ko. Halos hindi na ako makahinga sa matinding sakit noong pagkakataong iyon.
Mabuti na lamang at nasa hospital na kami at handa na din ang doktor sa panganganak ko kaya naman nadala kaagad ako sa delivery room. Noong una ay hindi pa pinayagan si Gabriel sa tabi ko.
Ang tagal tagal kong umiiyak noon sa sakit. Unang beses gustong sumuko ng katawan ko dahil sa sakit. Unang beses akong umiyak dahil sa matinding sakit na dulot ng pisikal na bagay at unang beses kong maramdaman ang matinding takot para sa anak ko.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal. Hanggang pumasok na si Gabriel ay doon ay pina-ire na ako noong mga doktor.
Napahawak ako sa kamay ni Gab Gab noong pagkakataong iyon habang umiire at sumisigaw, halos mabali ko na yata ang mga kamay niya. Walang kapantay ang sakit na hatid noong panganganak ko. Lahat yata nang angking lakas ko ay walang panama sa matinding sakit.
Hirap na hirap ako. Halos mabaliw na sa sakit. Hindi ko na maintindihan ang gagawin ko. Ang dami daming sinasabi ni Gab Gab pero wala talaga akong maintindihan ni isa. Nandoon sa matinding sakit ang lahat ng isip ko, lahat ng pangintindi ko, at katinuan ko.
Pawis na pawis na ako at noong huling ire ko ay sa wakas, nakarinig na kami ng iyak. Iyak ng sanggol ko... Napatingin ako kay Gab Gab noong pagkakataong iyon. Lumuluha siya habang hawak hawak ang kamay ko. Hanggang sa marahang naging malabo ang mga mata ko dahilan para tuluyan na akong mawalan ng malay.
***
LUMIPAS ang mga araw. Nasa Neonatal Intensive Care Unit ang anak namin ni Gab Gab. Hindi ko pa siya nakikita dahil hindi ito basta basta pwedeng ilabas mula doon. Samantalang ako ay mahina pa ang katawan.
Sa kabutihang palad ay maayos naman daw ito pero kailangan pa nang matinding pag-iingat. Laking pasasalamat ko na dahil doon kasi akala ko mawawala na sa amin ang aming anak.
"Kumain ka muna, Light." Tinulungan ako ni Gab Gab at ni Lian. Nandito daw ang barkada noong tulog pa ako pero umalis na dahil may mga buhay din naman sila. Pero babalik din daw. Buntis pa naman iyong mga babae kaya kailangan din nila ng pahinga.
"Lian, you should rest." Sambit ko sa kaniya. Umiling lamang ito.
"Malakas kami ni baby Incess. Ikaw ang inaalala namin. Magpagaling ka na. Para naman makita mo na si baby." Mahinang sambit nito. Iniiwasan ang pagpiyok at maging panghihina nang loob. Nasasaktan siguro para sa pamangkin.
I am glad that our child survive the first few hours and days. Iyon kasi ang pinakadelikado sa lagay niya. Nagiging maayos naman daw ito ngayon, sana magtuloy tuloy na.
"Nasaan sina mommy? Daddy?" Tanong ko kay Gab Gab.
"Tinitingnan si baby." Sagot nito sa akin.
Nagsimula na din akong kumain dahil gusto ko nang magpalakas para puntahan ang anak namin.
NAGING maayos naman ang takbo ng lahat. Nagkakaroon na ako ng lakas at ngayon ay pupunta na kami sa anak ko na sa unang beses ko pa lamang masisilayan. Apat araw na din ang lumipas simula noong ipanganak ko ito. Pero saka ko pa lamang makikita.
Naka-wheel chair ako at kasama ko si Gab Gab. Kasunod namin si Lian at Tim Tim. Pagkarating namin sa NICU sa may bintana noon ay nadatnan namin ang barkada. Halos sabay sabay silang napalingon sa gawi namin.
"Incess..." Mahinang bati nila sa amin. Si Annicka ay agad akong dinaluhan at saka ko napansin ang malaki niyang tiyan. Ngumiti siya sa akin at saka ako hinawakan sa mga kamay.
Dinala nila ako sa bintana at noong nandoon na ako ay marahan akong tumayo.
"Nasaan ba diyan Incess?" Tanong ni JJ.
"Sino nga ulit?" Si Shana naman. Sabay turo sa mga bata.
"Kagagaling lamang natin dito kahapon, nawala na naman iyong baby." Kamot ulong imik ni Alyx. Nagtakha naman ako doon.
"Iyon ba? Iyong nasa dulo? Hala. Ang cute cute talaga." Pahayag naman ni Lian.
"Pards, sino dito? Lahat naman magkakamukha." Nakangusong wika ni Thon Thon.
"Incess? Alin diyan ang baby mo?" Tanong naman ni Annicka habang nakangiti sa akin. Si Skyler ay ganoon din. Naghihintay sa sagot namin.
May ilan pang sanggol na nandoon at inuli ko ang paningin ko. Akala ko makakaramdam ako ng lukso ng dugo sa mga batang nakikita ko pero wala. Alin doon? Sino doon? Nagsimula akong makaramdam ng kaba.
"Gab Gab nasaan?" Mahinang bulong ko.
He smiled at me. "Even the nurses... Tsk tsk." Napakunot noo ako sa sinabi ni Gab Gab. Hindi ko kasi naintindihan at narinig lahat. Tanging even the nurses at tsk tsk lamang ang narinig ko.
Then he suddenly pointed out the one in the middle row. Saglit na napaawang ang mga labi ko dahil doon. Parang hindi ko napansin ang batang iyon kahit inilibot ko ang buong paningin ko sa NICU.
Bigla akong nakaramdam nang kakaibang saya at maging tila pagkagaan ng pakiramdam. Walang duda. Iyon nga ang anak namin. I pointed out our baby to Improbus.
"Ibang klase, nasa gitna na nga hindi ko pa napansin. Galing siguro makipagtaguan ng baby ninyo kapag nagkataon." Biro ni Thon Thon kaya nagkatawanan kami doon. Totoo naman ang sinabi nito. Kahit ako hindi ko napansin na nandoon ang anak namin, akala ko nga wala dito kung hindi pa ituturo ni Gab Gab.
"You know..." Napatigil kami noong magsalita si Lian. "Akala ko makikilala ko kaagad ang anak ninyo ni kuya." Patuloy nito. "The two of you have the aura. Alam ninyo? Iyong tipong kahit hindi namin kita alam naming kayo iyon kasi sumisigaw ang awra ninyo. Kakatakot nga minsan eh. Pero... Hindi ko akalain na kahit nasa harapan ko na iyang anak ninyo, hindi ko pa makikita." Natatawang dugtong nito.
"Inulit mo lamang sinabi ko Lian." Natatawang sambi ni Thon Thon.
"Ungas." Sita naman ni JJ.
Nagkatawanan na lamang kami dahil doon.
"Ano palang pangalan?" Tanong bigla ni Skyler na siyang ikinatigil ng lahat.
"Oo nga? Anong pangalan niya?" Sabik nilang sambit.
Gab Gab and I smiled at them.
"Miracle." Gabriel stated softly.
"Silhouette." I continued with a genuine beam.
The Improbus stared at us in awe.
"Miracle Silhouette Smith-Evans." We both said in unison while glancing at our daughter. I don't know if it's just me or Gabriel also noticed it, but our little one smiled when we mentioned her name.
***
To be continued...
SORRY FOR ALL THE ERRORS. #LiarsCatastrophe #GabLight
So, kamusta naman iyong chapter? Sa tingin ninyo, bakit ganon ang name? Ang makahula (unang makahula) ide-dedicate ko sa kaniya ang isang chapter nito! You know me, I don't do dedications! Kaya isa itong pagkakataon. Hahaha. So hula naaa! Comment na! :)
26.27
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top