Liar 50: Our Miracle

50: Our Miracle
Nathaniel Gabriel's POV

"What's happening Light?" Nagtatakhang tanong ko noong bigla niya akong halikan nang mabilis at saka umupo para maging kapantay noong batang kasama namin na mayroong berdeng mga mata.

Marahan din akong umupo. The kid chuckled. "Papa..." Pasimula niya.

"Hmm?" I asked him.

"Gabriel." Light spoke. My heart beat doubled.

"Papa... Mama wants to marry you, again." Hindi ko alam ang mararamdaman ko nang pagkakataong sabihin niya iyon. Tumigil yata ang oras at mundo ko, ang pagkabog ng puso ko ay sadyang napakalakas at napakabilis.

Iyong mga luha ko ay bigla na lamang tumulo ng sunod sunod. Hindi ako makapagsalita, hindi ako makakilos, hindi ako makahinga.

"Gab-Gab," Light started to speak and she opened a small velvet box which contained our ring. Her tears started to flow like mine. Damn, Light's proposing to me. This isn't just a simple anniversary.

"Nathaniel Gabriel Evans, will you marry me for the fourth time?"

Sasabog yata ang puso ko dahil lahat na ng masasayang emosyon na pwedeng maramdaman ay nararamdaman ko noong pagkakataong sabihin niya iyon. Ang mga luhang pumapatak sa mga mata ko, mga luha ng kasiyahan. Umaapaw ito at halos manginig ang buong katawan ko.

Natahimik ako. Hindi makasagot dahil pakiramdam ko kapag umimik ako ay walang boses na lalabas sa aking lalamunan. Naghihintay ang pinakamamahal ko sa aking isasagot habang mayroong kakaibang kislap ang mga mata, habang mayroong kakaibang saya sa mga labi.

That was the moment I knew... Our story just began its new page.

Hinigit ko ang mga kamay niya papalapit sa akin at saka ko siya mahigpit na niyakap. Hinalikan ko ang kaniyang noo nang sobrang tagal dahil doon ko magagawang iparamdam sa kaniya kung gaano kasinsero at kung gaano ako kasaya ngayon, at kung gaano ako kaswerte sa kaniya.

"Sag-app-oh, Light." Halos pabulong na sambit ko laking pasasalamat noong hindi mautal. Narinig ko ang mahinang galak ng kasiyahan kay Light. Naramdaman ko din ang paghigpit ng kaniyang yakap sa akin.

"Sa daang daang lengguahe, sa libo libong salita, Gabriel... Mahal na mahal kita." She whispered sincerely and genuinely. At nang mga sandaling iyon, mas bumuhos ang mga luha mula sa mga mata ko. Mahal na mahal ko ang babaeng ito at hindi ko alam kung kakayanin kong wala siya sa buhay ko.

"Sa daang daang emosyon, sa libo libong pakiramdam, Light, ikaw lamang ang isinisigaw ng puso ko." I retorted heartily. Pakiramdam ko tumagos sa puso ni Light ang sinabi kong iyon, pakiramdam ko sobrang sobra na ang kasiyahan niya nang banggitin niya iyon.

Ako na mismo ang bumitaw sa yakap namin at saka ko siya hinarap. Pinalandas ko nang nag-iingat ang aking palad sa kaniyang pisngi para punasan ang kaniyang luha na umaagos papunta sa kaniyang mukha.

"Yes, Light." Nakangiting wika ko sa kaniya habang tumatango at lumuluha. "I will marry you, again and again and again." Natatawang dugtong ko pa kaya naman medyo hinampas niya ako sa dibdib dahil doon. Her chuckle made me feel ecstatic.

"Yehey! Ikakasal po kayo, mama, papa?" Halos sabay kaming napalingon ni Light noong magsalita ang batang inaruga namin na para bang amin. Tumatawa ito at naniningkit ang mga mata pero ang kulay noon ay buhay na buhay.

Ginulo ko ang buhok niya ng bahagya pero tinawanan lamang niya ako nang marahan si Light naman ay hinawakan ang pisngi nito at saka marahang hinalikan. Napangiti ako sa imaheng iyon. Nasisigurado kong magiging mabuting ina si Light sa magiging mga anak namin.

Tumayo na si Light at inayos ang suot niyang kulay puting gown. Tumayo na din ako dahil doon. Hinawakan niya ang kamay ko at doon isinuot iyong singsing. "Our promise ring." She told me. Napangiti ako dahil naalala ko kung paano niyang kinuha ang promise ring namin noon dahil nga sa mga nangyayari, at ngayon lamang niya ibinalik.

"How about our wedding ring?" I asked mellowly. Instead of giving me a direct answer she smiled mysteriously.

Balak ko pa sanang magtanong sa kaniya pero bigla na lamang siyang naglakad patalikod sa akin kaya naman nalito ako. "Saan ka?" Tanong ko sa kaniya at balak ko sanang habulin ang kaso bigla na lamang akong hinawakan nitong bata at biglang tumakbo iyong ibang bata kanina at saka ako niyakap aa binti dahilan para hindi ako makaalis agad.

"Hey kids?" Nagtatakhang tanong ko.

Tinawanan lamang nila ako. Umupo ako para maging kapantay ko sa kaniya. Pinakiusapan na tigilan na nila ako dahil kailangan kong mapuntahan muli si Light pero nanatili silang nangungulit lamang. Until green eyes spoke.

"Hey, let's go it's already time." He told the children and miraculously they all obeyed. I looked at him confusingly.

"What's going on again?" I asked curiously because I have no single clue about all of this. Ang alam ko lamang anniversary namin ngayon at syempre may surpresang naganap at hiniling muli ni Light na pakasalan ko siyang muli.

Speaking of wedding, Light will let me prepare for the wedding right?

"Papa." Nangunot noo ako dahil sa tinig ng baby boy namin ni Light. Para kasing naiinis siya sa akin na hindi ko pa din makuha ang lahat. Napakunot noo ako lalo. Ano bang problema nang isang ito?

"Hindi mo ba alam ang kasunod na nangyayari pagkatapos ng proposal?" Hindi ko alam kung mamangha ako na tuwid siyang magsalita ng tagalog at hindi nauutal o iyong parang napapailing na lamang siya sa akin dahil isa akong hibang.

"Wedding?" Hindi ko alam kung bakit iyon ang isinagot ko sa kaniya.

"Gets mo naman pala, papa. Tara na!" Masayang sabi niya at saka ako hinawakan sa kamay at bigla na lamang siyang tumakbo kaya naman napalakad ako nang mabilis. Sumunod sa amin iyong mga bata papuntang... Botanical garden?

Doon kasi ang daan papuntang botanical. Aakyat ka muna sa hagdang kahoy na mayroong mga dahon at bulaklak sa gilid bago mo marating iyong malaking tila greenhouse at garden sa paligid nito.

Napansin ko din na mukhang tuwang tuwa iyong mga bata ngayon. Nagbibiro lamang naman sila hindi ba? Kasal? Agad-agad? Hindi ba pwedeng paghandaan muna? Gusto kong gawing sobrang espisyal nang ika-apat na kasal namin, gusto kong lahat ng mga mahahalagang tao sa buhay naming dalawa ni Light nandoon. Gusto ko ako ang maghahanda ng preperasyon ngayon may ganitong hinanda si Light. Gusto kong bumawi.

Dire-diretso kaming tumakbo papunta sa may garden. Noong paakyat na kami ay nagdahan-dahan kaming lahat at sobrang kukulit nila habang nag-iingay at nakahawak sa akin.

Nang makarating kami sa mga pahuling hakbang ay natanaw ko ang tila mga tali na nakasabit sa may mga puno na nasa garden at iyong tila Arc na nasa bungad o huli nitong mga hagdan ay mayroon din noon.

Napalunok ako at naramdaman ko na naman na parang sasabog ang puso ko kada hakbang ko. Noong makalapit kami doon sa may arko ay tiningnan ko iyong mga nakakabit sa tali. Napangiti ako noong makita ko ang mga litrato namin ni Light maging ng barkada na nakalagay doon.

Habang natutuwa pa akong tingnan lahat noong mga litrato ay bigla akong hinilang muli ni green eyes at saka kami nagtatakbo papunta sa tila malaking greenhouse at halos malaglag ang mga panga ko nang makita kong may mga tao sa loob noon.

Dahil nga tumatakbo na ako dahil kay green eyes noong pumasok kami ay hindi ko ganoong nakita ang mga mukha noong mga tao na nandodoon. Ang alam ko lamang nasa gitna kami at mayroong pulang karpet doon sa gitna kung saan kami tumakbo at noong makarating kami sa may bandang dulo ay doon ko napansin na may tao doon sa may nakaangat na bahagi ng plataporma.

Hinihingal pa ako nang kauntian noong mapansin ko ang lahat.

Napahigpit ang hawak ko kay green eyes dahil doon ko napagtanto ang lahat. Tumingin ako sa itaas para pigilan ang mga luhang gusto na namang tumulo mula doon. Damn. It's really happening.

Naramdaman ko na kumawala siya sa pagkakahawak ko at bigla na lamang itong tumakbo paalis. Napatingin ako sa kaniyang tinakbuhan at pinagmasdan ko ang kabuuan ng lugar.

Parang gawa sa isang pambatang kwento ng mga prinsesa at prinsipe ang kabuuan ng lugar. Idagdag mo pa na nasa loob kami ng tila salamin at transparent na gusali. May mga bulaklak sa dinaanan ko kanina. Na nakaayos pangkasal.

At noong tingnan ko ang mga tao ay napalunok na lamang ako dahil sa galak at matinding emosyon. Everybody's here. Iyong mga kakilala namin. Maging ang mga magulang namin ni Light pati na din si Lolo Smith.

Nang makita nila akong tumingin sa kanila ay ngumiti sila at walang kapantay na kasiyahan ang hatid noon sa akin.

The girls are wearing color red dresses, while the boys are with red and white prince attire. Mayroon ding tila sundalo ng mga prinsesa at prinsepe doon sa bungad nitong lugar at nakataas ang kamay nila na may espada at naging silbing arko iyon.

Hinanap ng mga mata ko sina Kurt, Tiara, Lian, Tim, Alyx, Thon, Shana, JJ, Annicka at Skyler pero wala sila. Si Vianca nakikita ko pa at laking gulat ko noong makita ko si Cassidee sa unahan. Nakangiti sa akin.

"Congratulations." She mouthed. Hindi ko alam pero nang pagkakataong iyon sabay pumatak ang luha sa mga mata niya at luha sa mga mata ko. It made me feel so happy and made me feel so sad at the same time.

"I'm so sorry." I mouthed to her and she nodded her head while smiling tears streaming down her face endlessly. Parang may pumihit sa puso ko noong sandaling iyon.

She looks good and dazzling in that cocktail red dress. The envy, jealousy, revenge, madness, and suffering in her eyes were all gone. All I can see is the Cassidee that became my best friend back in the day.

Gusto kong makausap si Cassidee nang sandaling iyon pero natigil ako noong bigla na lamang sumarado iyong pasukan nitong lugar. Wala akong makita sa labas dahil may kurtina pala iyong puti na nakaharang. Hindi ko napansin iyon kanina.

Ikakasal na talaga kami ngayon ni Light pero hindi pa din ako makapaniwala.

Napatingin ako sa may parang altar at nakatayo doon iyong officiant. Ang mga bisita ay pawang nakangiti sa akin. At ako na naman na nakatayo sa dulo ng aisle ay hindi na mapakali. Noong sumarado ang pinto, naging blanko ang utak ko. Purong mga emosyon lamang ang nararamdaman ko.

Light...

Iyon lamang ang tumatakbong isipin ngayon sa utak ko at wala nang iba.

The door opened but the curtain remained down. An instrumental song started. Napalingon ako sa gilid at doon ko napansin na nandoon pala iyong koro at mga tumutugtog. Hindi ko na sila napansin kanina dahil tuon ang mga maga ko sa mga tao na nandito.

May dalawang tao na naglakad sa daan sa gitna at doon ko napansin na si Shana at JJ iyon na may malaking ngiti sa mga labi. Hindi ko mapigilan na mapangiti nang mas malawak dahil doon. May hawak hawak na bulaklak si Shana habang naka-angkla ang braso sa asawa. Kaya pala wala sila. Sila pala ang abay.

Noong makarating sila sa unahan ay sinenyasan ako ni JJ ng saludo at si Shana naman ay nginitian ako. Sobrang saya ko na sa simpleng ganoon nila. Sabayan mo pa noong madamdaming tugtog ngayon.

Alyx and Thon Thon were the next who walked down the aisle. Masayang masaya ang awra noong dalawa na akala mo'y sila ang ikakasal pero nakakatuwang pagmasdan. Nakatingin sila sa akin na para bang sinasabi noong mga mata nila na ito na iyong pinakahihintay kong sandali. Wala akong masabi pero alam kong naipaparating ko sa kanila ang sayang nararamdaman ko ngayon.

Alyx gave me a wink noong maghihiwalay na sila ni Thon Thon nang upo at noong nasa unahan na silang dalawa noong asawa. Katulad ni JJ isang saludo ang ipinahatid ni Thon Thon sa akin.

Alyx is also wearing a red dress, she looks pretty and attractive no wonder Thon Thon fell for her even though he's immature and childish.

Kurt and Tiara walked down after. They look so good together. Tiara's drop dead gorgeous as always with her sexy appearance while Kurt's like a badass boss who's with his woman.

Sa totoo lamang hindi ko akalain na magkakamabutihan sila. Aminin man ni Kurt o hindi alam kong minahal niya si Light nang higit sa kaibigan noong mga mapanahong hindi ko mapagmapan ang pagiging asawa ko kay Light. Lalaki ako at alam ko ang tingin ng isang lalaki kapag mahal niya ang isang babae at hindi ako manhid para hindi maramdaman iyon.

Mabuti na lamang at dumating si Tiara. The tough woman. Hindi ko din akalain na magiging kahinaan nito si Kurt. She's a big flirt, playgirl, hindi nagseseryoso pero tingnan mo nga naman.

The one with a broken heart meets the one who only knows how to play. An interesting pair who ended up with each other. I am happy for both of them.

Nginitian lamang nila akong dalawa noong nasa harapan na sila at bago maghiwalay si Kurt papunta sa mga lalaki at si Tiara papunta sa mga babae.

Skyler and Annicka were next. Napangiti ako nang makita silang dalawa. Skyler looks so stiff yet Annicka looks so hyper and excited. Nakakatuwang pagmasdan ang dalawang ito. Sila iyong matatawag mong 'meant to be'. Naligaw man si Skyler dahil akala niya mahal na niya si Light at minahal man ako ni Annicka ng higit sa kaibigan, sila pa din ang itinadhana.

Annicka gave me her angelic smile and mouthed me congratulations, while Skyler just grin at me. They both look lovely. Sobrang saya ng mga mata nila dahil sa nangyayari ngayon. Ramdam na ramdam ko ang nag-uumapaw na sinseridad.

After them...

I saw her. My little kid. My little sister who's married with her Timothy. She still looks so young. A high schooler who's married with a kind of short playboy. My sister's giggling in happiness, while Timothy's smiling from ear to ear.

Noong malapit na sila sa akin at sumaludo sa akin si Timothy at saka ngumiti.

Halos kawayan ako ni Lian noong malapit na silang dalawa sa akin. "Kuya..." Nakangiti pa niyang banggit na narinig ko. Pakiramdam ko gusto na niya akong yakapin at noong hindi siya makatiis ay lumapit na siya at saka ako dinamba ng yakap.

"C-Congratulations, K-kuya." Nauutal niyang sambit mukhang naiiyak sa saya. I hugged her tightly the crowed went in awe. "Finally," she said. "Finally I will witness your exchange of vows." Her words made me so emotional. Sobrang swerte ko din na kapatid ko siya. This little Evans, I love her to the bits.

Humiwalay na sa akin si Lian at doon ko napansin na tumayo si mom at dad mula sa gitna kung saan sila nakaupo at doon nagsimulang naglakad papunta sa akin. Halos tumawa ako dahil doon. They are part of the entourage.

Mom looks so innocent and young for her age, sweet and lovely as ever. While dad's powerful aura and authority is still there but you can tell that he's happy and contented. Hawak hawak niya ang kamay ni mom na naka-angkla sa kaniyang braso. Protektadong protektado niya ito.

Sa totoo lamang akala ko noon mawawasak na ang pamilya ko dahil sa mga nangyari pero mas tumibay lamang yata ito at nadagdagan pa kami. Wala na akong mahihiling pa. Masayang masaya na ako.

Noong makalapit sila sa akin at niyakap ako ni mom. "My baby Nathaniel..." Mom whispered. I giggled in embarrassment yet her words made me feel so calm and purely happy.

Nang humiwalay si mom sa yakap ay doon ko nakita na umiiyak na siya. Pinunasan ko ang luha sa mga mata niya. "You'll always be the best mother." I told her. She smiled at me sweetly. "Bakit? May iba ka pa bang nanay?" She kidded, dad and I both laughed at mom's joke.

"Akala ko noon hindi na kita makikitang nag-aantay sa altar nang masaya." Mahinang sambit niya habang umiiyak. "Ramdam ko noon Nathaniel, napilitan ka lamang ikasal kay Cassidee. Pero ngayon hindi mo alam kung gaano kapanatag ang puso ko at kung gaano ito kasaya para sa iyo. Mahal na mahal kita, anak. Ang ang kasiyahan mo ay lubos na kasiyahan ko. Congratulations." Madamdaming wika niya sa akin.

I hugged her tightly because of that. Dad gave me pat on the shoulder. "Thank you for not repeating my mistakes, and forgiving me. I wish you all the best and luck. You have the most beautiful, intelligent, strongest, wisest and loving bride, Nathaniel. Congratulations." He said warmly. He gave me a man hugged after that and my tears began to form again.

Tumayo na silang dalawa sa tabi ko noong sandaling iyon. Best man? Well, my dad became my best man on my wedding. And I think that's cool.

Nagsimula na ding maglakad iyong mga bata sa aisle at nakakatuwa sila dahil nagkakalat sila ng mga bulaklak mula sa basket. Huling naglakad iyong itinuring naming anak na may berdeng mga mata siya at mayroon siyang dala dalang mga singsing. He's the ring bearer. It made my heart melt.

Matapos nang ilang sandali bigla na lamang nag-iba ang tugtog. Ang musika na bumalot sa paligod ay tila parang may timpla ng pantasya at kakaibang saya. Duon kumabog nang mas matindi ang puso ko at naramdaman ko ang panginginig sandali ng aking katawan.

Napahinga ako ng malalim dahil doon at naging tensyonado ang aking buong sistema.

That moment the music changes something feels so right... something feels so magical and pure. Nothing can beat this feeling of magical bliss. This moment is what I've been waiting fir my whole life... And it's finally happening.

"When the music ends
When the lights go dim
When there's no one else around
I will still be here..."

Bumagal ang oras ko noong makita kong marahang nabuksan iyong pinto at iniluwal noon ang isang pigura at silhuweta nang pinakamamahal ko. I've imagine this scene so many times but the emotion I am feeling now is beyond what I have imagined.

There she stand with her magnificent gown. Mayroon siyang belo na makikita mo. Mas lumawak ang mga ngiti sa mga labi ko. Gusto kong tumalon sa saya noong makita ko siya doon. Right there, standing is my whole life!

"When the colors fade
When the darkness breaks the light
When hope is out of sight
Love will be our guide."

Nakatungo siya nang sandaling iyon at marahang itinaas ang mukha at nagsimulang maglakad nang marahan. Halos hindi ako mapakali sa pagkakatayo kaya naman napataas ang dalawang kamay ko sa saya at napatingala ako na parang nagpapasalamat sa maykapal dahil ibinigay siya sa akin.

My tears were filled with tears of happiness once again but now my smile is more powerful. Nakikita ko pa sila na sobrang saya ang mga nanaig sa mga mata. Lalong lalo na sa barkada halos pumalakpak na sila dahil sa nasasaksihan. Mukhang naiiyak na din iyong mga babae. They are all looking at me and at her.

"Cause love is strong and is never wrong
Love is where we belong."

She's prefect. She's so beautiful. May tila korono siya na nakakabit sa kaniyang belo. Bagay na bagay dahil mukha siyang reyna ngayon. Hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Gusto ko na yata siyang takbuhin at ang puso ko ay gusto nang lumabas sa matinding saya. Hindi ko akalain na magiging ganito kasaya ang lahat. Our first wedding was an epic fail. It was nothing compared to this, but that wedding was still where we became husband and wife, but now, everything feels so right.

Overwhelming bliss and every positive emotion. That's what I am feeling right now.

"I'll make this clear
I will always be here
I love you I do I do
So smile you have me for life
I love you I do I do
I do."

Noong nasa gitna na siya tumigil siya sa paglalakad at doon ay niyakap siya ni Mommy Nadine at ni Daddy Bernard. Umiiyak si Mom Nadine at masasabi mong sobrang saya nito para sa anak si Dad Bernard naman ay niyakap ito kaagad at doon mo makikita na naiiyak ito para sa anak.

They were talking and I can feel what Light's feeling right now. Sobrang saya noong pamilya nila. Hinalikan siya ng magulang sa pagkabilang pisngi at doon ko napansin na mas lumawak ang ngiti ni Light at saka siya naiyak.

God knows how much I love Light, and everything about her. I am so lucky to be with her. Nag-uumapaw sa pagiging maswerte at masaya.

Matapos ang madamdaming tagpo na humaplos sa aking puso ay nagsimula na silang maglakad papalapit sa amin—sa akin. Naramdaman ko ang paghawak ni mom sa kamay ko at ni dad sa aking balikat.

"Love will be our song
Let this love be known
Love is God's finest work of art
Love will shine in the dark."

There she goes... My everything. Stealing the hearts of the people, engraving her kindness in their hearts and mind. Making them happy effortlessly. Protecting her loved ones all her life... Self-less and caring... That's my Queen.

My miracle.

Noong magtagpo ang mga mata namin hindi ko mapigilan maluha. Pinahid ko kaagad iyon pero tuloy tuloy na naman ito. She smiled at me genuinely. Hinaplos ng ngiting iyon ang puso at kaluluwa ko. Napahawak ako sa magkabilang kamay na nagpormang parang nagdadasal habang nakangiti at naghihintay sa kaniyang makalapit sa akin.

"I love you so much." I mouthed at her. She giggled because of that.

"If it feels colder
We can start all over and over and over again."

Malapit na malapit na sila at kakaibang kaba na ang naramdaman ko. Lahat ng masakit, malungkot at masasayang araw namin bumalik sa ala-ala ko. Lahat ng pinagdaanan namin tila nakikita ko na parang pelikula sa kada hakbang niya.

At kapag maiisip ko na sa wakas. Nandito na kami. Nandito na kami sa panibagong yugto ng buhay namin. Walang katumbas na kahit ano iyon. Walang sinabi ang mga madidilim na nakaraan at higit sa lahat walang binatbat ang mga kasinungalingan.

"I'll make this clear
I will always be here
I love you I do I do
So smile you have me for life
I love you I do I do
I do."

Nang makalapit sila ay mapahawak kaagad ako sa kamay ni Light nang sobrang higpit. Para akong kinuryente noong sandaling iyon. Parang iyong unang beses niyang napatibok ang puso ko nang walang makakatalo. Parang kung paanong binihag niya ako. At kung paanong nagawa niyang paamuhin ang tulad ko.

"Nathaniel." Tawag sa akin ni Mom Nadine, agad akong tumingin sa kaniya at saka ako napayakap sa kaniya. "Maraming salamat sa lahat lahat. Thank you for taking care of our Princess and thank you for loving her unconditionally." She said between her tears. I washed those away and told her...

"Thank you, mom." She smiled because of that. "Thank you for giving birth to my Light." I sincerely said to her that made her smile widely and made her cry harder. Napayakap ako sa kaniyang muli dahil doon.

"Son." Parang may kung anong sumibol sa puso ko noong tawagin akong ganoon ni Dad Bernard. Ang saya ko na dahil lamang doon. "Please take care of our darling. Make her cry and you will face your end." Banta pa niya na ikinatawa namin.

"Hindi lamang iyan ang aabutin ni Nathaniel kapag may ginawa siyang kalokohan. Tayong dalawa ang makakalaban nito, kahit anak ko pa iyan." Natatawang dugtong pa ni dad, kaya nagkatawanan kami kahit papaano.

"Dad." Sambit ko sa nag-iingat na paraan habang nakatingin kay Dad Bernard. He smiled at me purely. "I want to apologize." Malumanay na saad ko. "Limang taon na kaming kasal pero ngayon pa lamang kayo lumakad patungo sa altar kasama ang anak ninyo. Gusto ko pong humingi ng pasensya dahil pinakasalan ko po siya nang biglaan at hindi pa kayo kasama nang sandaling iyon. Patawad po sa matagal na paghihintay sa sandaling ito." Sinserong saad ko.

Naramdaman ko ang pagtapik niya sa aking balikat. At doon ko nakita na namumuo na ang luha sa kaniyang mga mata. Tumingala muna siya bago magsalita para hindi maluha. "Salamat dahil hindi mo sinukuan ang anak namin." Napakasimple noong mga salitang iyon pero walang kapantay iyon. Lalo akong naging emosyonal dahil doon.

"If you feel lost
Let me remind you that my love shines and I will always find you
Have no fear love is here
Love is true love is me love is you."

Nagyakapan sina Mom at Dad at mga magulang ni Light. Nagpapasalamat at nagsasabi ng mga nakakahaplos pusong salita. Napangiti na lamang kami sa isa't-isa ni Light nang sandaling iyon. Ang saya namin dahil nakikita naming ganoon ang mga magulang namin.

"Alagaan mo sana ang anak ko, Princess." Sambit ni mom kay Light.

"Makakaasa ka po, mom. Proprotektahan ko din." Madamdaming saad ni Light nagpipigil ng luha kahit may ilan nang nakawala. Napangiti ako dahil doon.

"Maraming salamat po, Mommy Nathalie for giving birth to Nathaniel, for giving birth to my life and happiness. I will take care of him and I will always love him." Kaniya pang dugtong na naging dahilan ng mas pagiging emosyonal ni mommy.

"Salamat sa pagtitiis sa ugali ng anak namin, Princess. Your remarks from the past about Empire's money and power is still fresh from my memory. I admire you our daughter-in-law." Nakangiting pahayag ni daddy. Napayakap si Light kay dad dahil doon.

"I am sorry for planning ill tactics about you, dad. I feel ashamed. But thank you for accepting me and loving me as your own daughter. I will make sure to keep Gabriel my whole life." Kaniyang winika sa aking ama. Kakaibang saya ang naramdaman ko dahil doon.

Matapos ang sandaling iyon ay ibinigay na nang tuluyan at sa pormal na paraan ng dad ni Light ang kaniyang kamay sa akin. Nang mahawakan kong muli iyon ay napahalik na lamang ako sa likod ng kaniyang palad.

"I'll make this clear
I will always be here
I love you I do I do
So smile you have me for life
I love you I do I do
I do."

Inalalayan kami at tinulugan noong mga magulang namin para ayusin ang suot na mahabang gown ni Light. Naglakad kami ni Light patungo sa unahan at patungo sa upuan na nasa harapan ng officiate. Ngumiti ito sa amin.

Tinulungan ko si Light na makaupo at noong magawa ko iyon ay nagsimula na din ang seremonyas ng kasal. Maraming sinabi iyong officiate pero ang buong atensyon ko ay naka'y Light lamang na tahimik na nakikinig.

I planned on marrying her again but look she's the one who made a move and not just a simple one but the magnificent one. I was supposed to propose to her again this day but she was the one to proposed and now... We are getting married again.

"Makinig ka." Nawala ako sa isipin ko noong bulungan niya ako noon. Napatitig na pala ako sa kaniya o sabihin na nating napatulala at hindi ko napansin na sa kaniya lamang ang mga mata ko at nakalimutan ko na ang lahat nang nandito sa sandaling iyon.

Matapos ang ilang sandali ay natapos na iyong opening remarks at sinabihan kami tungkol sa importansya ng kasunod na parte ng kasal at iyon ay ang: Exchange of Vows. He also reminded us about our duty and roles in marriage. Napangit na lamang kami dahil matagal na kaming kasal at alam na namin ang bagay na iyon.

Matapos noon ay sinabihan kami na tumayo para sa pagsisimula ng pagpapalitan ng mga salita.

I started to speak.

"Sa totoo lamang wala akong inihandang pananalita ngayong araw dahil akala ko ako ang magpreprepara ng kasal." Nagkaroon ng tawanan dahil sa sinabi ko at maging is Loght ay napatawa ng mahina. Totoo naman na hindi ko inaasahan ang mga nangyayari ngayon.

"Our first wedding it was rush and it was shot gun marriage. Hindi ko man lamang naibigay ang pinakamagarbo ag pinakamagandang kasal sa pinakamamahal ko dahil sa daming problema na hinaharap namin noon." Hindi ko alam kung bakit ko iyon sinasabi pero iyon ang gustong isigaw ng puso ko.

"Sabi ko sa sarili ko bibigyan ko siya ng mas magandang kasal. Kaya nakan nagpakasal kami sa Korea, at sa Espanya. Hindi ko alam pero sa lahat ng nangyaring kasal itong kasal na ito ang pinakamasaya at pinakamahalaga para sa akin."

"Light... When I saw you walking down the aisle..." Nakaramdam ako ng pagbabara sa lalamunan ko. "Overwhelming emotions kept flooding my head and my heart... In that silence when there's no sound... I heard everything. When you were walking... I feel every journey. When you were trapped in the darkness... I can still see it. And that's when I knew, I am screwed because there's no way I am going to fall out of love with you."

"I saw my past in you, I saw you in my present and I saw the future and the rest of my life with you." Her tears continued to fall down hearing my words. Gusto ko mang punasan iyon hindi ko magawa dahil sa belo na humaharang sa kaniyang mukha.

Napatingin din ako sa mga taong nasasaksihan ang mga sinasabi ko. Almost everyone are crying besides the kids who were smiling at us. I can see Mr and Mrs Aquiñas proud looks and warm smiles. And the rest of the people we knew who were deeply touched in our moment.

"Light... We've been together since we were fifteen. We were immature and childish back in the days, but look at where we at now. Ang dami nating hinarap. Akala k-ko... A-akala ko na-nawala ka n-na sa akin noon. A-Akala ko hindi na kita muling makakasama o makikita. Our first separation was the hardest, Light... It still hurts me until now. I lost my life when I lost you. Thank you for coming back, my love." Doon ay mas lalong nagpatakan ang mga luha sa mga mata niya.

Hindi ko na din napigilan ang mga luha ko at patuloy iyong tumulo. Hindi ko akalain na ganito magiging kaemosyonal ang kasal na ito. "The challenges and obstacles we faced were not just nothing, it made us collapse, it made us bow down, it made us suffer, but it also made us stand up again, it made us held our head up, and it made us stronger. It was tough but with you everything's worth it."

Napalingon ako sa mga nakakasaksi ng lahat. Umiiyak sina Thon Thon, JJ, Tim Tim, at marami pang iba. Pati sina Kurt at Skyler ay nagpipigil ng mga luha. Sina Lian naman ay kanina pa nagpupunas ng mga luha. Paniguradong iniisip nila ang mga pinagdaanan namin at ang mga pagsubok na hinarap namin at ang masasayang panahong pinagsamahan namin. I can feel their emotions...

"Happy anniversary, my Light. Thank you for choosing me."

"I will be by your side no matter what happens, I will be your guide when you are lost in darkness. I will be your shield and sword in your every battle, I will be your shoulder when you want to rest and cry. I will be your everything in this world with nothing. I will be your miracle, Light..."

"You are my Queen, my love, my everything, my light... My miracle. Happy Anniversary. I love you, I love you, I love you. Sag-app-oh, Light..."

Napangiti na lamang ako matapos kong sabihin ang mga salita na iyon. Marami pa akong gustong sabihin na hindi ko magawang isatinig at hindi ko magawang hanapin ang tamang salita para gawing pangungusap iyon.

Tinitigan ko na lamang si Light sa kaniyang mga mata at doon tahimik na ipinahayag ang pagmamahal ko sa kaniya.

I know she hears my every emotions. Naririnig mo hindi ba Light? Naririnig mo....

She nodded her head silently. We both smiled to each other and that was... something called magical—something called miracle.

Pinunasan ni Light ang mga luha sa mga mata bago magsimulang magsalita. She cleared her throat before speaking and when her powerful eyes stared at me lovingly... My whole world was complete... Kahit wala na siyang sabihin, kahit wala na siyang wikain... Nasasabi na iyon ng mga mata niya.

"Gab-Gab." She called me. It made my heart race.

"Why do you love me? Why do you suffer because of me? Why can't you let go of me? Why can't you move forward without me? Why can't you forget me?" Hindi ko alam pero sobrang emosyon na kaagad ang naramdaman ko nang buong puso niyang sambitin ang mga salitang iyon.

Umiiyak ako nang mas matindi ngayon kaysa kanina dahil sa mga salita niya. Napatigil din siya dahil nababasag na ang kaniyang tinig kaya naman nakita ko ang paglunok niya ng ilang beses bago magpatuloy.

"Those words, those questions... Iyon ang palagi kong ibinabato sa iyo. Iyon ang palagi kong ginagamit na salita para sabihin sa iyo na tama na... Tama na, Gabriel. Masasaktan ka lamang sa akin... Pero bakit? Bakit kahit isang daang beses kitang talikuran. Limang daang beses mo akong haharapin? Bakit sa dalawang daang beses kitang iiwan, anim na daang beses mo akong babalikan? Bakit sa tatlong daang beses kitang pahirapan, walong daang beses mong papatunayan na kakayanin mo? Alam ko ang isasagot mo, Gabriel..." Nakangiting niyang pahayag.

Dahil sa apat na daang beses mo akong hindi mamahalin, isang libong beses kitang iibigin.

"Dahil sa apat na daang beses mo akong hindi mamahalin, isang libong beses kitang iibigin." Sabay nagpatakan ang mga luha namin ni Light nang sabihin niya ang nasa isip ko. Kilalang kilala niya ako. Alam na alam niya ang gusto kong isagot sa kaniya.

"Gabriel, as I look back on our past, I still wonder and it still amaze me on how you never gave up on me. Our journey was never easy." Our journey was never easy. It made an impact in my heart. It was never easy, it was tough, and it was suffocating, intoxicating and death-defying.

"And every time I questioned you, all you ever answered me is because I am your life, your Light and because you love me. Masasabi kong ako ang pinakamaswerteng babae dahil hindi ako nararapat sa iyo, pero ako ang pinili mo." Gusto kong mag-alma sa sinabi niya pero hindi ko na nagawa dahil sa pagsasalita niya.

"For the years you've fought your position in my life, I know it was hard. I know you felt tired but thank you for never giving up. Of my fears and of my ghosts, thank you for making them vanished. On the days where I want to go back, thank you for taking a step forward. When I was near to insanity, thank you for being my clarity. And... When I am lost... Thank you for being my home..."

Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakahawak ni Light sa aking mga kamay habang sinasabi iyon. Ramdam na ramdam ko lahat lahat ng emosyon niya. Nag-uumapaw at walang mapagsidlan. Kinikilabutan ako sa mabuting paraan sa bawat binibigkas niya. Lahat mula sa puso. Hearing her say I am her home... Hindi ko na alam. Pakiramdam ko mababaliw ako sa kasiyahan. I love this woman so much!

"In the past, I have no idea why people are so crazy when they are in love. Their madness, their determination, their emotion. I was clueless about those... But now, I understand why they fought the wars, I understand why they took the bullets, I understand why they lost their minds. You made me understand it. You made me realized it. And now, I am wondering... The words I searched my whole life trying to make it connect together, trying to put them with each other... You were the one who made the bond..."

"Thank you, Gabriel. I love you." She told me sincerely and genuinely.

"Happy Anniversary my love, my king, my everything... My miracle. Saranghaeyo."

Napapalakpak ang lahat matapos sabihin iyon ni Light. Napahigpit naman ang hawak namin sa isa't-isa dahil doon. Noong tingnan namin ang mga tao na nakasaksi sa mga binitawan naming mga kataga doon namin nakita ang mga luha sa mata nila at ang saya na nararamdaman nila.

Lian and the girls made a thumbs up gesture while crying and the guys are also suppressing their tears but their eyes showed us thousands of emotions.

After that we exchanged 'I do'. Masasabi kong isa sa pinakamasayang dalawang salita iyon. Dahil kahit ang simple noon lubos lubos ang kaligayahan ko. Aabot hanggang langit ang nararamdaman kong iyon.

We also exchanged our rings, and finally, nakuha ko na din ang singsing ko na nasa kaniya na kinuha niya nito. Nakakatuwa at ang gandang tingnan noong mga singsing sa kamay naming dalawa.

Hindi na kami lumuluha ngayon at purong saya na ang nararamdaman namin. Sobrang nakakatuwa. It's really overwhelming.

Matapos ang mga seremonyas ay sinabi na noong officiant na: "You may now, kiss the bride." It made me grin and Light chuckled. Itinaas ko ang kaniyang belo at bago ko siya halikan ay hinawakan ko ang pisngi niya.

I kissed her forehead and whispered, "Sag-app-oh." And after she answered, "Saranghaeyo." I kissed her lips tenderly.

Then the officiant pronounced us as man and wife.

***

At the reception...

Nagsasayaw ngayon si Light ang ang daddy niya samantalang ako ay kasayaw ang mommy niya. Nag-uusap kami kanina ng mommy niya pero ngayon ay nagsasayaw na lamang, nakangiti lamang kami sa isa't-isa.

Light's head is buried on the chest of his father and that sight made me happy. Umiiyak din siya kanina habang nag-uusap sila ni mommy Nadine at ni daddy Bernard pero ngayon mukhang nahimasmasan na.

Matapos ang ilang sandali, si mommy ko naman ang kasayaw ko at si daddy naman ang kasayaw ni Light. Nakangiti ang mga bisita namin habang nagsasayaw kami sa gitna.

Halos ilang minuto din iyon hanggang sa umupo na kami sa unahan muli.

Naka-cock tail dress na lamang ngayon si Light at mukhang medyo pagod na din siya dahil kanina pa hikab ng hikab. Mag-gagabi na din kasi. Lumapit ako nang bahagya sa kaniya at saka ko siya binulungan.

"Inaatok ka na?" I asked her softly. She nodded her head, napangiti ako dahil doon at saka ko marahang ipinatong ang kaniyang ulo sa aking balikat.

"Ayieee." The crowed suddenly teased. Sa pangunguna ng barkada. Natawa na lamang kami ni Light lalong lalo na noong kumalansing na naman ang mga baso kaya naman mabilis kong hinalikan si Light. Napanguso pa siya noong dampi lamang ang ibigay ko at saka ko ikinurot nang marahan ang kaniyang ilong.

Nagtawanan ang mga nasa table dahil doon. Nakakain na kami at nakapaghiwa na din ng cake. Sobrang handang handa talaga si Light sa kasal na nangyari. Sobrang saya ko tuloy.

Hinapit ko na lamang siya sa baiwang at saka ko niyakap ng bahagya para makapagpahinga. Kanina pa kasi kami nandito sa reception at kanina ay nagbigay na din ng mensahe ang mga magulang namin pati na din ang Improbus at maging ang Apocalypse.

Cassidee too had a genuine message of happiness for both of us. Pero umalis na siya noong mapansin niya si Tres. Mukhang galit pa din siya dito. Inihatid namin siya kanina ni Light sa sasakyan. Nagpasalamat din si Light na nakarating ito.

Gusto pa sana namin makausap si Casside ngunit kailangan na nitong umalis kanina kaya hinayaan na namin. Magaan na ang loob namin sa kaniya at mukhang masaya na ito sa buhay niya at siguro ay nagsisimula na nang panibagong buhay. Nakakatuwa.

"Gab-Gab." Narinig kong sambit ni Light sa pangalan ko.

"Hmm?"

"Where's little green eyes?" She asked. Hinanap kaagad ng paningin ko ang batang iyon. Nakita ko siya kaagad na kalong kalong ni Skyler.

"He's with Skyler, do you want me to get him?" Tanong ko tumango naman si Light dahil doon.

Tumayo ako at tumayo din si Light. Papunta na sana ako kay green eyes noong bigla na lamang...

"Incess!"

"Omygosh!"

"Mama!"

Nagulat ako sa sabay sabay na reaksyon ng barkada at noong lingunin ko si Light ay halos kumawala ang puso ko sa dibdib ko noong makita kong napahawak ito sa ulo niya at saka marahang pumikit ang mga mata niya.

Mabuti na lamang at hindi pa ako nakakalayo sa kaniya kaya't kaagad ko siyang nasambot at matinding kaba ang naramdaman ko nang sandaling iyon lalong lalo na noong wala siyang malay.

"Light!" Tinangka ko siyang gisingin pero hindi ko magawa kaya habang buhat buhat siya ay tinakbo ko na ang daan patungong paradahan para isakay siya sa kotse at dalhin sa hospital.

Damn, Light. What happened? Are you sick?

"Saglit! Sasama kami!" Sigaw ni Lian. Hindi ko siya nilingon pero alam kong nakasunod sila at maging ang mga magulang namin. Iyong mga bisita sana ayusin ng Apocalypse ang tungkol sa kanila.

Nang makasakay kami sa kotse kakaibang kabog sa puso ang nararamdaman ko.

"Light, please..." Mahinang sambit ko. Mabuti na lamang at nasa back seat si Lian at ang mommy ni Light kaya natulungan nila ako kanina na alalayan siya. Si Mommy ay nasa shot gun seat na din agad, at pinaharurot ko na din ang sasakyan.

Wala naman sanang masamang nangyari sa asawa ko.

DAHIL SA TARANTA ay hindi ko namalayan na nasa hospital na kami. Agad kong kinarga si Light at dinala sa emergency. Blankong blanko ang utak ko noong pagkakataong iyon. Halos mapahilamos ako sa mukha ko minu-minuto habang nag-aantay ng kalagayan niya.

Sina mommy naman ay pinapakalma ako pero hindi ko magawang kumalma.

"Kuya, naman, huwag ka ngang nega dyan. Maton iyong asawa mo." Sambit ni Lian sa akin habang hinihimas ang likod ko.

Ilang minuto pa ang lumipas at sobrang tagal nito para sa akin. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko dapat masaya ngayon hindi ba? Pero bakit biglang nawala ito sa isang iglap?

Ilang sandali pa ay dumating na ang buong barkada na nag-aalala kay Light. Hindi ko sila makausap o matingnan man lamang dahil sa pag-aalala sa asawa ko.

Noong lumabas ang doktor ay kaagad akong napatayo.

"What happened?" I asked.

"Ikaw ba ang asawa hijo?" Tanong nito. Napatingin pa sa suot ko at ng mga kasama ko. Mukhang napapaisip kung kakasal lamang ba namin dahil sa mga damit.

"Yes." Sagot ko naman.

"Pasensya na at natagalan. Ibang doktor kasi ang kailangan kaya nagpatawag pa kami." Paliwanag nito sa akin. "Tumungo ka na sa silid noong asawa mo, nandoon din ang doktor na magpapaliwanag sa iyo." Kalmado nitong sambit kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag dahil doon kasi mukhang hindi naman nalagay sa alanganin ang buhay ni Light.

Dali dali akong pumunta sa kwarto na tinutukoy nito. Noong buksan ko iyon ay nandoon si Light ay nakahiga sa kama habang natutulog. Hinawakan ko kaagad ang kamay niya at saka hinalikan.

Hindi ko napansin iyong doktor kung hindi lamang ito nagsalita. Bigla ding dumami ang tao sa kwarto dahil sa barkada at pamilya naming nakasunod. Mukhang nagulat ang doktor doon kaya napangiti.

"Ikaw ba ang asawa?" Tanong nito. Tumango ako.

"Congratulations." Mas lumawak ang ngiti nito noong sambitin iyon.

"Thank you." Sagot ko naman. Napakunot noo din ako. Pero mukhang dahil sa mga suot namin. Baka binabati kami sa kasal.

"How is she?" I asked.

"Maayos naman, kailangan lamang alagaan dahil may pagkamaselan ang pagbubuntis niya." Napatigil ako saglit noong sandaling bigkasin niya iyon. Nablanko bigla ang utak ko. Wala akong maisio na kahit ano. Purong puti. Purong kawalan.

"A-Ano po?" Hindi ko malaman kung sino ang nagtanong pero nasisiguro kong babae iyon.

"Congratulations. She's pregnant." Muli nitong ulit kaya naman napangiti ako at pumatak ang isang luha sa aking mga mata. Napatitig ako kay Light nang sandaling iyon.

She opened her eyes slowly. And that was my cue to hug her.

This is the best day ever! Having our fifth anniversary, to her proposal, to our wedding and now, being aware of our little one. Thank you Light... I love you, Light... I love you, my miracle and our little miracle.

***

To be continued...
26.27

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top