Liar 5: Confrontation
“Princess.” Napataas ako ng kilay noong tawagin ako bigla ni Skyler sa pangalan ko. Kapag tinatawag niya akong Princess may mahalaga kaming pag-uusapan. O kaya’y may ibabalita siyang maganda o masama.
“Why are you still here, hindi ba aalis ka na din ngayon?” Pag-sasabi ko sa kaniya. Kagabi siya dumating dito, ngunit kailangan niya na din umalis dito ngayong umaga dahil hindi naman siya pwede mag-tagal na kasama ako, baka matuklasan pa nina Lian na kasama ko siya, tuwing naalis siya ng Pilipinas.
“Let’s talk first.” He stated seriously, saka niya ako hinila sa meeting room. Medyo nagtaka ako sa kinikilos niya dahil masyado siyang seryoso ngayon. Parang may bumabagabag sa kaniya. Hindi ko lang matukoy kung ano iyon.
“What’s the problem?” I asked directly. Hindi rin kasi kami nakapag-usap kagabi, dahil pagod din siya mula sa byahe, at gusto ko na rin matulog, kaya’t sinabi ko na lamang na kausapin niya ako ngayong umaga sa telepono, kapag nakarating na siya sa Paris, dahil may business siya doon.
“I need to clarify things, Princess. Are you really seeking for justice?” Mahina ngunit madiin ang bawat bigkas niya sa mga salita. “I don’t think, you’re really seeking justice based on what you are doing and planning.” Dugtong pa niya.
Napatik-im bagang ako dahil sa sinabi niya. Eto nanaman siya, papangaralan nanaman niya ako. Hindi ba niya ako tatantanan? Napag-usapan na namin ito noon, pero nauulit na naman, alam kong concern lang siya sa’kin at sa hiling ng kakambal ko, ngunit hindi sapat iyon para paki-alaman niya ang bawat tumatakbo sa utak ko.
“Napag-usapan na natin ito dati pa, Skyler.” Seryoso at mapanganib na banggit ko sa kaniya. “Justice. Revenge. Do you really think I’m doing a revenge? I’m telling you, Skyler kung revenge man ang nasa utak ko, matagal ng patay ang lahat ng mga sinungaling na iyon, matagal na rin sanang lumabas kung sino ang mga traydor, at matagal na rin sanang tahimik ang buhay ko. Oo, kayang kaya kong gilitan ng buhay ang mga iyon, pero may inosente sa kanila, mayroon ding nagtatagong traydor. That’s why I’m being cautious, hindi ako katulad nila Skyler, hindi ako nandadamay ng inosente, hindi ako kikitil ng buhay ng walang kinalaman sa pagkamatay ng mgahahalagang tao sa buhay ko. Yes, I’m a demon, I’ve killed many people, but damn it. Ate Gloom’s the reason why I don’t kill innocent people. Because I’m seeing her in them. She was killed yet she don’t have anything to do with us. Masakit mawalan ng mahal sa buhay, alam ko ang pakiramdam na iyan. Alam na alam ko, kaya nga justice ang ginagawa ko hindi ba?” Hindi ko mapigilang sabihin kay Skyler ang mga bagay na iyon. Siya ang isa sa pinagkakatiwalaan at pinaka-pinanghahawakan ko ngayon, ayaw na ayaw ko na sinusuway niya ang kagustuhan ko, dahil masakit. Masakit na hindi ka sinusuportahan ng taong kaagapay mo.
“But—”
“Matagal ka na sa mundong ito. At hindi kaparehas ng justice sa korte ang ibig sabihin noon dito. You know how different ‘Justice’ in this world is.” Revenge or justice, whatever you call it. I’m just doing my thing. Hindi ko na hahayaang may mamatay pa dahil sa kanila. Sa mundong ginagalawan namin, kung hindi ka papatay, ikaw ang mamatay. You need to annihilate the people who keep making this world cruel, and after that, you can live in peace, or maybe not, because this world itself is an utter chaos.
In this world, ang revenge ay pagpatay o pagpapahirap sa mga taong may atraso sa’yo, malaki man o maliit, importante man o hindi, basta gusto mo silang saktan o patayin dahil may ginawa sila sa’yo, madadamay kahit inosente, marami ang dugong dadanak, maraming gulo at walang katapusang digmaan sa bawat panig lamang ang mangyayari. A non-stop and nonsense bloodshed fight.
While, justice is a thing that’s done with cruciality and you must be Argus-eyed. Hindi ka mandadamay ng inosente, dapat maingat at precise ang bawat galaw at plano, hindi ka maaring pumalpak sa pag-tuklas ng katotohanan. Ngunit minsan ang mismong katotohanan pa ang papatay sa’yo, subalit hindi pa iyon natatapos doon, matapos mong makuha ang katotohanan na iyon, kailangan ng suporta at ibendensya. Kapag nahuli at napasakamay mo na ang traydor at mga may kasalanan sa’yo, hindi mo pa sila maaring patayin basta basta, dahil kailangan silang hatulan ng buong organization.
That’s why I built the Apocalypse, they will be the jury in this thing I’m doing, not just Apocalypse, but also the mafias that will be involve, and the council of the diablos. Kaya hanggang ngayon wala akong kagalaw galaw. Hindi ko maaring iharap sa konseho ng mafias at apocalypse ang mga ‘liars’ na iyon ng walang sapat na suporta at ebidensya, at kapag nagawa ko ng maayos ang lahat. Walang inosenteng madadamay at mahahatulan ang mga ‘liars’ ng diablos chastisement of quietus o mismong kamatayan. Death penalty ang tawag dito base sa karaniwang korte.
Hindi madali ang mga ginagawa ko, may proseso at kailangan pulido. Idadag mo pa ang isa sa plano na ilagay ang Apocalypse sa pinakatuktok ng mga mafia organization. I wanted to do that, so I can easily collect all the evidences, so I can discover the hidden traitors who are now wearing masks, and also, to bring the empire down slowly but painfully, yes the last reason was for my own greed, hindi naman ako santo para hindi palampasin ang pagkakataong iyon, tataas na rin lang kami, isasama ko na nga naman sa mga tutungtungan ko ang empire. Ganun naman sila maglaro, at gusto kong maranasan nilang laruin ang laro kung saan sila ang nangunguna. Ang sakit siguro na matalo sila sa larong bihasang bihasa nilang gawin.
“Princess... Alam ko, I know, pero iyong gagawin mo sa kasal nina Cassidee, hindi ba medyo lagpas na sa linya? Iyon ding kagustuhan mong patayin sina Philip Evans at mag-asawang Servilla.” Skyler demanded frustratedly.
“Why Skyler? Did I say that I’ll kill that bitch? Kung pwede nga lang talaga, matagal ko ng hawak ang ulo ng babaeng iyon.” Asar na banggit ko, bago ako magpatuloy huminga muna ako ng malalim, naiinis ako. Baka sugatan na makaalis si Skyler sa room na ito kung magpapatuloy pa ang pag-init ng ulo ko.
“And Philip Evans and the Servillas. Satan know how much you want to kill them too.” Inis na banggit ko sa kaniya. “Huwag mo ako pagtataguan, Skyler, kahit hindi mo sabihin sa’kin alam kong may ganid ka din. Huwag kang magpakasanto dito. Huwag mo akong alalahanin, huwag ka na ding mangialam sa mga plano ko, dahil hindi mo din naman ako mapipigilan. Yes, Skyler alam ko ang kagustuhan mong pagpatay sa tatlong iyon. Titig mo pa lang alam ko na. Huh, baka nga kaya mo ako pinagsasabihan niyan ngayon ay dahil gusto mo, ikaw mismo ang papatay sa kanila at tumiwalag sa mga plano ko.” Galit na banggit ko sa kaniya. Napahawak din ako ng mahigpit sa lamesang malapit sa’min, para pakalmahin ang sarili ko.
“It’s not what you think, Princess.” He declared seriously. “Ayoko lang na maging katulad ka nila. Oo galit na galit ka sa kanila, pero ayaw kong sumunod ka sa yapak nila. Hindi ko kayang makita kang ganun. Sapat na sa’kin ang pagiging demonyo mo ngayon, pero ang pagiging sobra doon, pipigiilan ko na.” He vocalized calmly.
“Alam ko iyan, Skyler. Alam na alam. I hate them so much, at sisiguraduhin kong hindi ako magiging katulad nila.” I said firmly. “Now, Skyler, conversation is over.” Pinal na sabi ko sa kaniya. Nagkatitigan kami, walang umimik at nag-hari ang katahimikan. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming walang ka-ingay ingay, marahil ay dahil parehas naming pinapakalma ang sarili namin.
Napabuntong hininga naman siya at saka marahang lumapit sa’kin, pagkatapos ng dull minutes.
“I’m sorry.” I can hear his mellow voice that sounds like a lullaby. Napahinga na lamang ako ng malalim at saka tumango.
Niyakap niya ako ng mahigpit matapos noon. “I’m sorry for questioning your decisions, Princess. I’m just damn worried for you, I just can’t afford to see you being like them. I just can’t.” Mahinang bulong niya malapit sa tainga ko, noong sabihin niya iyon gumaan ang pakiramdam ko.
“Don’t worry, I’ll always support and understand you from this point and onwards. Just promise me, you’ll never ever be like them.” Dugtong niya pa. Marahan akong napatango dahil sa sinabi niya. Mukang nakahinga siya ng maluwag dahil doon.
Hindi ko alam kung ilang segundo rin siyang nakayakap, pero unti unti rin akong kumawala sa kaniya. “Umalis ka na.” Bagot na sabi ko sa kaniya. He patted my head.
“Aalis na nga po.” He said while beaming joyfully. “Always take care, my demon.” He said mellowly, as I smiled.
“Madapa ka sana.” Malamig na tungon ko sa kaniya, he just saluted after that, at saka siya lumabas ng meeting room. Solo na lamang ako dito dahil doon, unti-unti kong tinungo ang bintana, at ilang sandali lang nakita ko siya doon na pasakay na ng kotse. Hindi rin nagtagal nakaalis din siya.
Napa-buntong hininga na lang din ako. Hindi ko rin naman masisi si Skyler, kung naiisip niya na nagiging katulad na nila ako. Hindi kasi niya alam ang ibang plano ko. Oo, mayroon siyang hindi alam at ako lamang ang nakaka-alam, dahil na din nahihirapan na akong magtiwala sa mga nakapaligid sa’kin.
Siguro isa na rin sa dahilan kung bakit niya naiisip iyon ay dahil sa mga sunod sunod na pag-kitil ko ng buhay tuwing nasa isang gangster o mafia city ako. Tuwing nandoon naman ako, hindi iyon parte ng plano ko, dahil andun ako para makipag-laban sa mga kapwa mafia at gangster, nadoon ako para sa bloodlust ko, para mas masanay ang kakayahan ko. Normal na iyon sa’min dahil ang mundong iyon ang kinagisnan ko simula pagkabata ko. Kung hindi normal ang pagpatay dito, hindi ito tatawaging Diablo’s Territory.
They may call me heartless, ruthless and demon-hearted, ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ganun ako, dahil na rin sa munting hiling ng kakambal ko. Kaya kong pairalin ang revenge, ngunit hindi ko ginagawa dahil, ang kahiligan ng kakambal ko, hustisya ang kunin ko. Kaya lang ang pagkakamali ng kakambal ko, hustisya lang ang sinabi niya. Kaya pwede ko namang gamitin ang katiting na hustisyang pinapa-iral sa mundo ng mga walang puso, ang katiting na tinatawag nilang ‘legal’ na proseso sa mundong ito.
To make it short, revenge is a thing you’ll only do for your own greed. Patay lahat, inosente o hindi, may kinalaman o wala at matapos iyon ang resulta noon ay walang katapusang gantihan at madugong labanan. On the other hand, justice is a little legal process in the Mafia World (aka Diablo’s Territory) that will involve a chosen mafia, the involve mafias and the council of D.T. It will either result to death of the sinners or they will be freely released again. Dahil sa pwede pang maging isang resulta kaya ako nagpupursigi ng maigi. Hindi ko hahayaang maka-alis lamang sila ng basta basta matapos ang lahat ng nangyari.
Nanatili na lamang akong nakatayo at pinagmamasdan ang lugar kung nasaan kami. Sobrang tahimik dito sa loob. Hanggang sa maramdaman ko na may nag-bukas ng pinto. Hindi ko na lamang ito pinansin dahil alam kong si Kurt o kuya Thunder lamang iyon.
“Riyah.” Napalingon ako dahil narinig ko ang boses ni Kurt.
“Are you alright?” Dugtong na tanong pa niya.
I nodded my head, saka ako naglakad papunta sa pinto, upang umalis dito sa meeting room. Ngunit bago ako maka-alis, hinawakan ni Kurt ang braso ko.
“May nangyari ba?” Seryosong tanong niya, kaya’t napa-angat ang kaliwang kilay ko.
“Wala ka nang paki-alam doon.” I said plainly, dahil sa sinabi ko, unti-unting binitawan ni Kurt ang braso ko, hindi ko alam pero noong tingnan ko siya sa muka, nakakita ako doon ng lungkot. I somehow, I felt guilty because of that, but I just shrugged it off.
Naglalakad ako sa hallway ng malaking mansyon na ito noong matigilan ako dahil sa isang picture frame. Isang frame na pinagawa ko dati, lahat ng masyon o lair namin sa iba’t-ibang bansa meron nito.
Ang picture ng buong barkada, actually it’s illustrated —pinapinta ko lamang iyon. Pinasama ko rin doon si Dennise at Vianca, pati na din si Kurt. Ang mga taong nandoon ang doofuses, ang bruhas, si Annicka, si Skyler, si Gab at ako. Ngunit may pinta iyon na parang may halimaw o wild cat na pumilas. May pagka-makaluma din ang design nito.
Tahimik na lamang akong napatingin sa litratong iyon. Mukang sira iyon. Tulad ng pagkakaibigan naming lahat—sira na. Matagal ng sira.
Bumababa ako sa kitchen, at doon kumain ng solo. Kailan kaya matatapos ang lahat ng ito? Kailan kaya?
“Oh, Blue. Andito ka lang pala.” Gulat na sabi ni kuya Thunder, at saka naglakad papunta sa’kin.
“Why?” I queried simply.
“Bukas na ba tayo babalik ng Korea? I’ve personally checked the progress in here, and I assure you it’s all settled, pati na din sa Italy at ibang lugar pa dito sa Europe.” Napatango na lamang ako ng marahan dahil sa sinabi ni kuya Thunder.
“Wala na rin naman tayong gagawin dito, mahigit isang linggo na tayo. Balik na tayo, Blue.” He added mellowly.
“Okay.” Tipid na sagot ko. Nagliwanag naman ang muka niya at saka siya tumawag agad sa telepono niya, marahil ay may inuutusan siya para makapag-handa na para sa pagbalik namin sa Korea.
“By the way Blue.” Napataas ako ng kilay dahil mukang may kailangan pa si kuya Thunder.
“Nag-text sa’kin si Skyler, hindi ka daw niya ma-contact noong nag-iintay siya sa flight niya. Ano daw bang gagawin mong surprise? Siya na daw bahala doon, sabihin mo lamang.” He stated.
Kumagat muna ako ng steak na kinakain ko at saka pinunasan ang labi ko.
“Tell him to don’t worry about that, we’ll handle those, without his help.” I declared plainly. Nag-nod naman si kuya Thunder at saka tuluyang umalis.
Tinapos ko na ang pag-kain ko at saka lumabas papuntang garden para magpahangin. Sa may parteng may duyan nakita ko doon si Kurt, mukang malalim ang iniisip dahil hindi niya napansin ang presensya ko.
“Dennise. Tulungan mo naman ako. Naiinis ako sa sarili ko. Naguguluhan din.” Napakunot noo naman ako dahil sa sinasabi ng lalaking ito.
“Kurt.” Agad siyang natauhan at mukang nagulat at kinabahan noong makita niya ako, muntik na akong matawa dahil sa itsura niya, hindi na cool tingnan, pa cool pa naman itong lalaking ito.
“O-oh? Andito ka?” Nauutal na tanong niya. Napa-tch na lamang ako. State the obvious.
Umupo naman ako sa isang parang putol na puno, na upuan dito. Naramdaman ko ang haplos ng hangin sa muka ko, ang presko sa pakiramdam.
Mahabang katahimikan ang namayani, nakatingin lamang ako sa kulay bughaw at maaliwalas na langit. When I suddenly felt, a pair of eyes staring at me, I should feel uneasy but... I don’t know, I eventually feel cozy.
“Kanina ka pa?” Tanong ng malagong ngunit masarap pakinggan na boses niya.
“Kararating lang.” Napangiti ako sa utak ko sandali, maganda ang panahon at maayos na din ang mood ko. Unti-unti ring bumalik ang mga ala-ala ko dati bago mawala si Dennise at Vianca.
Naalala ko iyong pure na saya sa tawa ni Kurt noon. I used to be close to him, I used to treat him as my oppa, pero ngayon hindi ko na magawa. I miss those days. Iyong mga tawa kasi ni Kurt ngayon hindi na kasing saya noong dati. Hindi narin siya kasing loko-loko tulad ng dati.
“I miss you, Riyah.” Hindi ko alam pero sobra akong natigilan noong banggitin niya iyon, isama mo pa ang biglang pag-hampas ng hangin, kaya’t napalad ang buhok ko at medyo natakbluban ang muka ko. Mas lalo akong natigilan noong hawiin niya iyon at tanggalin ang nakahara na buhok sa muka ko.
Napatitig ako sa kanya. Saka ako marahang ngumiti. Akala ko ako lang ang nakakamiss sa mga panahong tulad ng dati, siya din pala.
“I miss you, too.” Mahinang banggit ko. “I miss the old days.” Dugtong ko pa.
Matapos noon tiningnan ko siya, nakatitig siya sa’kin na parang mine-mesmerize ang buong muka ko, na parang tinatandaan ang bawat anggulo nito. I don’t know, but I feel like I’m on the edge of hugging him, because it’s been awhile... it’s been awhile since I saw the side of him like this. Iyong tahimik ka lamang niyang pagmamasdan, at bigla siyang ngingiti sa’yo pagkatapos.
He usually do this to Dennise, and I.
Hindi pa siya na-ngiti iintay ko iyon, kapag ngumiti siya yayakapin ko siya. Kahit ilang segundo lang, I want to be the Riyah he used to be with. Wala naman sigurong masama? Lagi na lang siyang muntik mamatay kapag malapit ako, e. Pambawi. Agh. This is so not me. Aish.
Tumitig din ako sa kaniya, and I was surprised when he suddenly smiled.
As if on cue, my body suddenly moved to hug him. Naramdaman ko na nag-stiffen siya dahil sa ginawa ko. Instead of parting from the hug, I whispered...
“It’s been a while since I saw that smile, Perseus Kurt. I know Dennise, missed that smile so much.”
* * *
Lian Analiz’ POV
Tahimik akong naka-upo sa harap ng puntod ni tita at tito. Halos tatlong araw na din ang nakakalipas simula noong mailibing si tito. Hindi ko akalain na wala na iyong secondary parents na itinuring namin.
Nakatingin ako sa kawalan, at walang ganung pumapasok sa utak ko na mga kung ano-ano, nakatulala lamang. Masyado kasi naging biglaan ang mga pangyayari.
Hindi ko alam kung ilang minuto din akong tahimik, habang pinapalad ng hangin ang buhok ko. Napabuntong hininga na rin lamang ako, pagod ako galing sa trabaho sa school, maigi na lamang at maaga ako nakapag-off ngayon, kaya’t binisita ko sina tita at tito.
Maya-maya din tumayo na ako, handa na sana akong umalis noong biglang may tumawag sa’kin.
“Analiz!” Napaatas ako ng kilay dahil sa boses na iyon, sabay din ang mabilis na simangot sa muka ko.
“Chase.” Mahinang bulong ko.
“Aalis ka na?” Tanong niya noong makalapit siya sa’kin.
“Yes.” Maikling sagot ko sa kaniya. Napatango-tango naman siya. “Pano mo ako nahanap?” I asked curiously, hindi naman kasi kami magkasama, saka pag-kakaalam ko may ginagawa rin ito sa trabaho niya, matapos namin magluksa noon sa pagkawala ni tito.
“Technology. Na-track kita. I have a plan. We need to kidnap, Gab. Kung hindi natin siya makakausap sa maayos na paraan, gamitan na natin ng dahas.” Desididong pahayag nito.
Isa pa itong problema. Hindi ko alam kung manhid na ba talaga iyong lalaking iyon o hindi. Hindi siya umattend ng libing o kahit memorial service lamang, pagkatapos itutuloy pa din nila iyong kasal na medyo naudlot. Inis na inis na ako sa kaniya, dahil ayaw niya kami kausapin. Ni anino niya hindi namin malapitan. Base sa nalaman namin, mahigpit daw niyang inutos iyon, na huwag na huwag kaming makakalapit sa kaniya. And were like, what the fuck? Parang ni minsan hindi niya kami naging kaibigan.
“Iyon na lang ba ang paraan?” Tanong ko kay Timothy Chase Yoon.
He nodded. “Yes, hindi natin ma-track si Incess, muntik na din masira ang computer system ko, dahil parang nag-counter attack sa’tin ang panig nila. Kailangan na talaga natin maka-usap si Gab para siya na mismo ang mag-tigil ng kasal.” Paliwanag niya. Napahinga naman ako ng malalim.
Hinahanap namin noon si Princess at nakakuha kami ng lead, kaso bigla naming nabalitaan na namatay na si tito, kaya’t napa-atras kami sa ginagawa namin noon.
Kung hindi lamang namatay si tito, sigurado ako na nakuha nanamin si Princess para mapigilan niya ang kasal, para makumbinsi namin siya na bumalik na, kahit maliit lang ang tyansa na iyon, we will grab it, because we badly wanted to stop this nonsense wedding.
Kitang kita namin noon kay Nate kung gaano niya kamahal si Princess, sa pangalawang pagkakataon nga, minahal niya din siya kahit iba ang katauhan nito. Kaso, ang hindi namin maintindihan ay kung bakit ganito siya ngayon, kahit naman siguro iyong dahilan sana ipaalam niya ng hindi kami nagagalit sa kaniya.
“Tara na, wala na tayong oras, ikaw na lang naman iniintay.” Nagmamadaling sabi ni Tim, saka ako hinila papunta sa kotse niya, tumakbo na lamang ako, ipapakuha ko na lamang iyong kotse na dala ko dito.
Alam ko naman kung bakit kami nagmamadali dahil, sa susunod na araw na iyong kasal. Hindi na kami pwede magpa-easy easy na lang.
Oo, invited kami sa kasal, kaso muka ring hindi kami welcome, dahil nasa dulo ang assigned na upuan namin, at wala kami sa listahan ng guest o ng kung ano pa man, parang mga tao lang na basta basta nilagay para mapuno ang lugar ng kasal. Ganoon lamang. Tss.
Nakakawalangya lang talaga.
“Saan tayo?” Tanong ko.
“May tasting ng wine sina Gab at Cassidee ngayon sa isang building, doon plano ko lagyan ng pampatulog ang iinumin ni Gab at kunin siya.” Tim-Tim stated firmly.
“Pero ang security?”
“It’s all set, wala silang ganoong kasamang guards at guess what? Pag mamay-ari ng pamilya ni Shana ang hotel at may share sila sa wine company na mag-proprovide, kaya mabilis natin maisasagawa ang plano.” Napatango at parang nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Tim.
Mabuti naman pala kung ganoon.
“Ang plano, kayong girls ang mag-aalis kay Cassidee sa tabi ni Gab, kailangan tagalan nyo, dahil hindi naman basta basta na lang ipeepekto iyong pampatulog, kailangan namin siyang makuha kapag tulog na siya, dahil wala kaming laban sa lakas ni Gab ngayon.”
“Roger.” I uttered simply. Nginitian ko din si Tim-Tim, habang nagmamaneho siya dahil alam kong ito na lang ang only chance namin at kailangan naming magtagumpay.
Tensyonado kami ngayon at kinakabahan. Kapag pinakawalan namin itong huling pagkakataon, malamang hinding hindi na magkakaroon ng chance na magkaayos ang nasirang relasyon ni Princess at Nate.
I know, as friends we are already crossing the line, because they can both do the decisions with this matter, pero wala silang ginagawa, parang okay lang sa kanila ang lahat. At doon kami naguguluhan, as far as I know they were alright when they parted, kaya anong nangyayari ngayon? Siguro naman sana ibahagi nila sa’min iyong desisyon na iyon para hindi kami magkalituhan, dahil baka mamaya may trayduran ng maganap sa aming lahat.
* * *
Nakatingin kami ngayon sa natutulog na si Nate.
Nagawa namin ng maayos ang plano, dahil na rin sa connection namin dito sa hotel, at wine company pati na rin ang bilis naming kumilos.
“Agh! Sarap talaga sabunutan ni Cassidee.” Iritang sabi ni Annicka.
“Kaya nga, ang sarap kasagutan kanina, buti na lang talaga naghamon ako ng away at tinapunan ko siya ng wine para makapag-bihis siya, tss. Bagay lang iyon sa kanya.” Asar naman na sabi ni Alyx.
“Tss. I hate her loud high pitched voice.” Halatang halata mo naman sa boses ni Shana ang pagka-inis. Ang lakas kasi sumigaw ni Cassidee kanina noong makipag-away kami.
Natawa na lamang ang boys sa nangyari kanina, muntik na magka-riot, nakalimutan na ata nila Annicka kanina na may misyon kami. Letche kasi iyong bruha.
“Pero pinaka-priceless talaga sa lahat ay nung nakuha na natin si Gab! Haha. Lakas pang maka-sigaw ng: ‘Guards! Where the hell is my fiancé? Agh! Search for him!’ Grabe talaga!” Natawa kami lalo kay Annicka dahil sa pang-gagaya niya kay Cassidee.
Kanina kasi nung makuha namin si Nate at dalahin sa isang kwarto dito, pinanuod namin kung ano ang magiging reaction ni Cassidee at ayun, parang naghahamon na ng away.
Medyo mga limang minuto na din ang lumipas simula noong dalahin namin si Nate dito. Ang sabi ni Tim-Tim, personalized iyong ginamit nila kay Nate na pampatulog kumbaga minutes lang ang epekto. Kaya ayun, iniintay na lang namin magising si Nate na nakatali sa upuan ng sobrang higpit at hawak ng boys, panigurado kasi magwawala ito.
Hindi din nagtagal naalimpungatan ito. At noong talagang magising na ang diwa nito, galit na galit itong sumigaw sa amin. Mabuti na lamang soundproof ang kwarto sa hotel na ito.
“What the fuck are you doing?!” He muttered furiously.
“Gab. Please, calm down. Gusto ka lang namin maka-usap.” Mahinahong sabi ni JJ.
“Darn all of you, release me. Wala tayong dapat pag-usapan.” Madiing bigkas nito. Unti-unti uminit ang ulo ko dahil sa inasta nito, pero kinompose ko lamang ang sarili ko para mag-timpi.
“Wala ba talaga pards? Pero ano pa nga ba kami para sa’yo?” Singhal ni Thon na parang napipikon sa ipinapakita ni Nate sa amin. Ganito siya makipag-usap sa amin simula noon, parang isang kaaway lamang niya.
“Walang halaga. Bakit ko ba kayo pagtutuunan ng pansin? Importante ba kayo?” Walang kagatol gatol na imik nito, dahilan para lumapat ang palad ni Annicka sa pisngi niya.
Mukang nagulat si Annicka sa sarili nitong nagawa, at halata mo ding nanginginig siya sa galit at inis kay Nate ngayon. “Umayos ka Nathaniel Gabriel.” Mahinang banggit pa nito. Ngayon ko lang siya nakita na ganito kaseryoso at kagalit.
“What? Maayos ako.” Natatawang tugon pa ni Nate, kaya’t natanggap pa ulit siya ng isang sampal sa kabilang pisngi.
“Ano ba, pards! For fuck’s sake. Ayusin mo.” Rinig kong banta pa ni JJ. Pero parang wala lang iyon kay Nate. Isa isa pa niya kaming tiningnan na parang ang pathetic namin.
Napa-yukom ako ng kamao dahil doon. Kaunti na lang tatama na sa muka ng lalaking ito ang kamao ko.
“Ha-ha-ha.” Tumawa pa si Nate na parang nang-aasar. “Anong bang kailangan n’yo sa akin? Wait, do I even know you?” Wooo. Shit. Napapikit na ako ng madiin dahil sa inis.
“E tangina mo pala pards!” Galit na bigkas ni JJ at saka biglang binalibag ang ibang gamit dito. “Hindi ka nakakatuwa.” Dugtong pa nito.
“Why? Do you really think, nagpapatawa ako? You are the ones who are really funny.” Maangas at pilosopong sagot pa nito. Napaabante si Shana mula sa kinatatayuan niya at saka harap harapang humarap kay Nate.
“Nathaniel Gabriel Evans. Hindi ka ba talaga puwedeng maka-usap ng matino? This is for the sake of Princess Light Smith!” Malakas na sigaw ni Shana na halatalang halata aburido sa nangyayari sa maikling sandali lamang.
“Shit ka, dude. Ano iyon? Kinalimutan mo na lang si Princess para ipagpalit kay Cassidee? Wala kang taste, grabe!” Dagdag pa ni Alyx na mayroong mapangutyang boses.
“Don’t you dare, make fun of Cassidee.” Mahinang banggit ni Nate. Natigilan at nagulat kami doon. Napatawa din si Thon ng sarcastic, kaya lalo kaming naging tensyonado dito.
Ramdam na ramdam ko ang inis ng bawat isa sa kanila, halatang nagpipigil lang, parang gustong gusto na nilang iuntog o di kaya’y suntukin si Nate para magising ito sa kahibangan niya.
Kahit ako ganoon din ang pakiramdam, parang umaakyat lahat ng dugo ko sa utak dahil sa inis. Nakakapamula rin pala ito sa galit. Nakakapanggigil.
“Ganoon Nate? Ganoon?” Pikon na pikon na sabi ni Annicka. Halatang halata din sa itsura niya na kulang na lang makatikim ulit ng sampal si Nate. Namumula na iyong inosente niyang muka.
“Pagkaka-alam ko ayaw na ayaw mo kay Cassidee? You are irritated because of her, I’ve been with you since we’re fifteen, alam ko kung paano mo kinainisan si Cassidee. Pero ano? Anong sabi mo? Pinagtatanggol mo si Cassidee? Ha! Gumising ka Nate. Sinong niloloko mo?” Tiim bangang na pahayag ni Annicka.
“Why? May sinabi ba akong niloloko ko kayo? I don’t even know what you’re talking about. I have a fiancé so back off.”
Mukang nagpipigil si Annicka na sumigaw kaya’t agad siyang lumapit sa pinsan niya, pinakalma nila ang isa’t-isa, at natahimik kaming lahat. Kasi darn it, kailan pa niya in-acknowledge na fiancé niya si Cassidee?
“Ikaw pa ba ang nakilala naming Nathaniel Gabriel Evans?” Asar at mahinang tanong ni Shana, kalmado ang komposisyon nito, pero kitang kita mo sa porma ng kamao niya na handa siyang manuntok ano mang oras.
“Obviously not,” Natatawang sagot ni Nate na parang wala lang ito sa kaniya, kumulo ang dugo ko sa sagot niya. “Bakit hindi kayo maka-move on? Ano bang problema n’yo ha?” Maangas na tanong pa nito.
“So iyon na lang iyon? Itatapon mo lahat ng pinagsamahan natin bilang magkakaibigan? Itatapon mo iyong barkadahan natin?” Nagtitimping tanong ni Thon-Thon.
“Bakit hindi? Wala naman kayong kwenta.” Nakita ko ang pag-pikit ni Tim at biglang pag-suntok nito sa salamin na malapit sa amin. Nagulat kaming mga babae at napalayo ng kaunti, medyo kinabahan din ako doon, kanina pa kasi siya tahimik. Katulad ko din siya na gustong gusto ng sumabog sa pagkainis.
Lumapit na si Thon para sana suntukin si Nate, pero pinigilan siya ni Alyx. Kaya’t napasuntok na lang si Thon sa pader. Dumudugo na ang mga kamay nina Tim at Thon pero wala silang paki-alam doon.
Tumawa pa ng marahan si JJ pero halatang halata mong pilit at pagka-iritado nito. “Fuck you, Gab. Ha-ha-ha. Ang tanong nga dun ay kung itinuring mo nga ba kaming kaibigan o baka naman nagpanggap ka lang?” Umaasa akong hindi ang magiging sagot niya doon, dahil nakikita ko naman na totoo iyong ipinakita niya dati. Subalit, kabaliktaran ng hinihiling ko ang naging sagot niya.
“Kung itinuring ko man kayong kaibigan, baka nahihibang na ako noon. Mabuti na lang nagising na ako ngayon. You fools. Kaibigan? Wala. akong. kaibigan.” Madiin ang pagkakasabi ni Nate sa bawat salitang binitiwan niya, lalong lalo na sa mga huling kataga niya.
“Woo! Bullshit!” Sigaw noong mga lalaki, samantalang si Annicka ay nag-sisigaw na. Damang dama ko ang tensyon at pagka-inis sa mga nangyayari. Parang kumukulo ang dugo ko. Shit lang, matinong usapan habol namin dito, pagkatapos ganito?
“Bawiin mo iyan sinabi mo Nate! Shit naman dito oh! We are here para maka-usap ka ng maayos, pero ganito igaganti mo!” Naiiyak na sigaw ni Annicka.
“Bakit hindi n’yo muna inalam, kung gusto ko ba kayong maka-usap?” Walang ka-emo-emosyong banggit nito. “I really have no intention of talking to all of you, didn’t you notice?” Halos mapasabunot na ako ng buhok dahil sa sobrang talas ng mga salitang binibitawan ni Nate. Siya pa ba talaga ito? Hindi. Hindi siya ito, dahil ang nakilala naming Nate, maangas man, tarantado man, hindi ganito.
“Stop this nonsense, Nate! Stop this!” Sigaw ni Annicka na halos mapaluhod na sa sobrang stress at pagkainis sa kinalabasan ng mga pag-uusap namin. Hindi namin ginusto na maging ganito ang usapan, dahil ang akala namin, kahit papaano, kahit cold siya makakausap namin siya ng matino.
“There’s no nonsense in this. Ay meron pala—kayo ang nonsense dito. What the fuck? Bakit nyo ba ako dinala sa lugar na ito?” Hindi pasigaw ang pagkakatanong niya, pero kinilabutan ako ng kauntian doon. Kahit naiinis ako ngayon, may nararamdaman pa din akong kaba dahil kay Nate. He’s no ordinary person.
“Please, Nate. Para kay Incess...” Umiiyak na mahinang imik ni Annicka.
“For Incess, pards Gab.” Pagpapatuloy pa ni JJ.
“Just this once, listen to us, it’s not for the sake of us, it’s for you and Incess.” Mahinang imik ni Tim Tim.
“Pards Gab, makinig ka naman. Huwag mo kaming lokohin, alam naming mahal na mahal mo si Incess, kaya for her, please go back to the guy we used to know.” Thon uttered sincerely.
“Nate, bilang kaibigan ni Incess at Empress, sana naman pakinggan mo kami, all we want is for both of you to be happy.” Alyx declared mellowly. Halata mo sa boses nito na malapit na rin itong maiyak.
“Consider the past, Nate. We all know in here, everything you‘ve been through. Ngayon ka pa ba susuko?” Shana vocalized eagerly. Nakahawak na din siya sa kamay ni JJ, dahil pinapakalma na din niya ang sarili niya.
Samantalang ako ay nanatili lamang tahimik, hindi na ako nag-salita pa. Kanina pa ako ganito. Hindi nag-sasalita at hindi nakikipag-usap sa kaniya, dahil baka hindi ko na din mapigilan ang sarili ko kapag sumali ako sa usapan.
Mahabang katahimikan ang namayani. Walang nagsasalita sa amin. Ramdam ko din ang kaba nila dahil baka kung ano nanaman ang isagot ni Nate. Samantalang kapag titingin naman ako kay Nate, kinakabahan o di kaya’y na-iintimidate ako sa titig niya.
Bawat segundo na lumilipas na wala siyang tugon, kakaibang pagpatay sa amin ang nangyayari, nakakamatay din ang katahimikan dahil nasasaktan kami sa bawat pagtakbo ng oras. Dahil baka mamaya huli na pala talaga ang lahat.
“I’ve been hurt.” Nagulat kami at natigilan dahil sa biglang pagsasalita ni Nate. Nanlamig din ang kamay ko dahil doon, sa hindi malamang dahilan, natakot ako, kinabahan ako, at siguradong hindi lamang ako ang nakaramdam noon.
“I cried, I suffered the pain, but no even helped me.” Malakas ang epekto ng bawat salitang binibitawan niya, hindi ko din makita ang mga mata niya dahil nakatungo siya mula sa upuan kung saan siya nakatali. Bumilis din ang tibok ng puso ko dahil tumatagos ang bawat sinasabi niya.
“Iyong aasahan mong sasama sa’yo, iyong inaasahan mong tutulong sa’yo, iyong inaasahan mong kakampi mo. Nasaan na?” Matapos niyang sabihin iyon, tumawa siya ng sarcastic pero mararamdaman mo doon ang galit.
“Oo, nag-paalam nga, oo, tinawagan ka nga. Pero nganga naman pala. It’s too bullshit to believe in it. Iniwan ka na noon, siyempre, kayang kaya ring iwan kahit ilang beses pa.”
“You say, it’s for her fucking sake? Nah, I wouldn’t even care now. Matagal ng tapos sa amin ang lahat lahat. Hindi pa ba malinaw sa inyo iyon? Akala n’yo ba maayos pa iyong lamat sa aming dalawa? Nangangarap na lang kayo. Dahil matagal nya ng itinapon ang mayroon sa aming dalawa. At ano ako magpapakaiwang tanga? That’s utterly damn not happening again. Once is enough.”
“Wala na din akong paki-alam sa kaniya. Bakit may paki-alam ba siya sa akin? Ha-ha-ha. Sabihin niyo dyan sa kaibigan nyo ha? Magpakasaya siya, gawin niya na lahat ng gusto niya, huwag lang ang bumalik sa buhay ko—”
Hindi na natapos ni Nate ang sinasabi niya dahil lumapit ako sa kaniya para suntukin siya. “That’s enough!” Hindi ko na kasi nakayanan iyong mga naririnig ko, akala ko din lalapat na sa pisngi niya ang kamao ko, pero nagulat ako noong pigilan niya iyon, at unti-unti siyang humarap sa muka ko. Nanginginig akong napatitig sa mga mata niyang walang ka-emo-emosyon.
S-so all t-this time? Nakawala na siya sa tali? Pero hindi siya umalis? Shit!
“—huwag mong puputulin ang sinasabi ko.” Mahinang warning niya at saka ako itinulak, mabuti na lamang at nakontrol ko ang balanse ko dahil ang lakas noon.
Naalalayan din naman agad ako ni Tim-Tim, kaya’t hindi ako nasaktan.
Matapos ang nangyari, tumayo si Nate at walang nakapigil sa kaniya noong magsimula siyang maglakad. Halatang nagulat kaming lahat at natakot.
“And also, huwag na huwag n’yo ng babanggitin ang pangalan niya sa harap ko. Naiirita ako. I wouldn’t even care if she’s already dead or so what. She’s just a past.” Nakatalikod na wika niya sa amin. Hindi mo din matutukoy kung may emosyon sa pagkakasabi niya dahil parang plain na plain lamang ang pagbibitaw niya ng salita.
“At kayo?” Marahan pa siyang tumawa, na nakapagpataas ng balahibo sa batok ko. Shit. That was eerie. “Matagal na ding tapos ang pagkakaibigan natin. Walang kwenta na kayo sa akin.” Nasaktan ako dahil sa sinabi niya, pakiramdam ko may sumuntok sa puso ko. Kung sa akin nga masakit kahit hindi ko naman talaga siya naging ka close, paano na kaya sa doofuses at Annicka? Sobrang sakit siguro noon.
“Sa susunod na gawin nyo ito, hindi na ko na palalampasin, magkamatayan man.” Pinal na balala niya na nakapag-bigay ng kakaibang takot pati na din ng lungkot sa mga puso namin.
Noong maka-alis din siya, walang nagtangkang magsalita sa amin, tanging pag-iyak lamang ni Annicka ang naririnig namin. Samantalang ang mga lalaki, nakapikit ng sobrang diin na parang hindi nila matanggap iyong nadinig nila.
Kita ko sa expression nina Tim iyong galit at pagka-disappoint, pero kahit ganoon mararamdaman mo din iyong lungkot at sakit sa kanila. Kaya nilapitan ko si Tim at niyakap.
Nakatulala lamang siya noong yakapin ko, wala mang luha ang mga mata niya, sigurado akong umiiyak ang puso niya. Lalaki sila oo, pero alam nating lahat na may nararamdaman pa din sila.
Nakita ko din sa peripheral vision ko ang pagyakap ni Alyx kay Thon at ang pagyakap ni Shana kay Annicka at JJ.
Lahat kami walang masabi, para pagaanin ang pakiramdam ng isa’t-isa, at tanging akap na lamang ang naging tulay namin para icomfort ang mga sarili namin.
After that intense and raging confrontation, nauwi kami sa lungkot. Ganun ba talaga? Matapos mong magalit ng sobra sobra, lungkot na lamang iyong mararamdaman mo?
Napabuntong hininga na lamang ako. Siguro ganoon nga. Siguro nga nagawa na namin ang lahat para kay Princess at Nate, pero sa huli mukang sila din pala ang sumuko sa isa’t-isa, kaya ano pang magagawa namin?
Noong gawin namin ito, akala namin may maayos pa, iyon pala wala na. Dahil in the first place, the broken pieces that we’re supposed to fix was unfortunately, already thrown away.
***
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top