Liar 47: Say Yes

Note: Internet needed. Madami daming picture ang nandito, at para hindi magputol putol iyong mga nababasa ninyo at saka para makita ninyo iyong picture, mas maganda kung may net/wifi kayo habang binabasa ito. Iyon lamang. Enjoy reading! :)

47: Say Yes
Princess Light's POV

Kinakabahang napatingin sa amin si JJ, tila nga nasamid pa ito sa mga titig namin sa kaniya at hindi nakatakas sa mga mata ko kung paano siyang napaatras ng kauntian mula sa pagkakaupo. Pagkatapos ay ngumiti ng peke hanggang sa naging pekeng tawa ito na sobrang kinakabahan.

"Omo, JJ! Don't tell me Shana's really pregnant?!" Hindi mapakaling sambit ni Alyx na tumayo pa para lamang makalapit kay JJ. Samantalang si JJ naman ay nanatiling kinakabahan at hindi malaman kung paano sasagot sa mga paratang namin.

"Hehehe." Kabadong tawa pa nitong muli. "A-Alyx." Lumayo pa siya kay Alyx dahil masyado itong malapit na tila ba gusto nang sakmalin si JJ. "A-Ano, Alyx, kasi..." Napangisi ako ng palihim noong mautal utal ito, marahil ay nasindak kay Alyx. Si Alyx kasi malakas ang paninindigan niyan na kasal muna bago ang pagbubuntis. Kaya naman ganiyan ang reaksyon niya ngayon.

"Alyx." Halos sabay sabay kaming napalingon sa tinig na bumasag sa tensyonadong hapag. Nakatayo si Shana doon na nakagagaling lamang sa banyo. Mukha namang ayos na siya at parang wala lamang sa kaniya iyong nangyari kanina.

"Shana, anong nangyari?" Pagkukuwestiyon ni Lian, pagkatapos ay tumayo ito para umabantay kay Shana.

"Nako ka talagang pinsan kita, totoo ba? Buntis si Shana?" Hindi makapaniwalang sambit pa ni Annicka. Talaga namang hindi siya makakapaniwala dahil sa tatlong doofuses si JJ ang pinakamabait at siya ding pinakaresponsable.

Natahimik kaming lahat nag-aantay sa sasagot sa kanilang dalawa. Nanatiling tensyonado ang lahat at halos hindi na maintindihan ang mararamdaman habang hinihintay ang kasagutan sa tanong namin. Matapos ang mahabang katahimikan ay may isang boses na bumasag doon.

"No." Para kaming biglang nabunutan ng tinik noong si Shana na mismo ang magsalita. Bago niya ipagpatuloy ang pagsasalita ay sinenyasan niya si Lian na maupo na sa tabi ni Tim. Walang nagawa si Lian kung hindi sundin ito. Naglakad din ng marahan si Shana patungo kay JJ at umupo sa tabi nito. Sinaway din nito si Alyx na bumalik na sa tamang kinauupuan nito.

Kamot ulong umalis si Alyx sa pagkukumpronta kay JJ. "Maniwala? Ano nga?" Biglang singit ni Thon Thon sa usapan. "Tatanggi pa kayo. Ano pala iyong pagsusuka at iyong mabaho?" Pagkukuwestiyon pa ni Thon Thon.

"Tama!" Segundo ni Tim Tim. "Paki-linaw kung anong ibig sabihin noon." Dagdag pa nito.

"Huwag nga ninyong pangunahan iyong dalawa." Sita naman ni Skyler doon sa dalawa.

Samantalang kami nina Vianca, Kurt, Tiara, at Gab Gab ay nanatiling nakikinig at nagmamasid lamang. Hanggang sa maisip ko iyong nangyari nitong nakaraang araw lamang at saka ako napabuntong hininga.

"Shana's telling the truth, she's not pregnant." Saad ko kaya nakuha ko ang pansin nilang lahat. Maging si Gab Gab ay napatingin sa akin ng nangunguwestiyon ay saka niya hinawakan ang isang kamay ko.

"Pinsan ha, ikaw ang magsabi, bakit parang gulat na gulat ka kanina?" Hindi pa din talaga maintindihan ni Annicka kung sino ang paniniwalaan.

Isisiyasat ko na sana ang eksplanasyon ko noong si Vianca na mismo ang magpaliwanag ng lahat. "Girls, naglasing tayo noong isang gabi, tapos ang daming nainom ni Shana, kamusta naman iyon?" Natatawang sambit niya. Doon sila halos nakahinga ng maluwag ng sabay sabay at awtomatikong bumalik sa pagkain.

"Kaloka! Oo nga pala. Tsk. Muntik ka ng matamaan sa akin JJ." Iiling iling na sambit ni Alyx. Natawa naman si JJ dahil doon.

"Pinakaba ninyo ako, letse! Akala ko talaga magiging tatay na ako, nablanko utak ko nang sandaling iyon." Kahit ganoon ay mahahalata mo pa ding kinakabahan pa din si JJ pero hindi na katulad noong kanina.

"Bakit JJ? May nangyari na ba at may kailangang mabuo?" Halos mabilaukan si Alyx noong marinig niya iyon kay Thon Thon kaya isang malakas na sapak ang natanggap ni Thon Thon dahil doon.

"Aray ko naman, cutiebabe!" Kamot ulong sambit ni Thon Thon. Pinanlisikan siya ng mata ni Alyx kaya naman napanguso na lamang siya. Iimik pa sana ang madaldal na si Thon Thon kung hindi lamang siya naunahan ni JJ.

"Gago, pards." Asik niya kay Thon Thon. "Wala, itatali ko muna ito ng kasal, pagkatapos doon tayo mag-uusap usap." Natatawang dugtong pa nito, at iyon na ang talagang nagtanggal ng tensyon sa paligid at nagkatawanan na kaming lahat.

"Bakit parang ayaw mo noong pagkain Shana? Hindi ka naman pihikan?" Tanong ni Lian.

"Hindi ko gusto iyong lasa, ang pait." Kaya naman pala. Hindi kasi si Shana mahilig sa mapait, sa mahalang pwede pa. "Akin na lamang iyan!" Masayang imik ni Vianca. Iyon naman si Vianca, kaya ang mapapait, pero hindi ang mahahalang.

"Mabaho nga!" Natatawang dagdag pa ni Vianca noong makuha iyong kinakain ni Shana kanina. Napailing iling na lamang kami dahil doon. Dahil lamang sa simpleng komento ni Shana halos nagkagulo na kami. Tss.

Nagsimula na kaming muling kumain, nagkwentuhan na sila sa mga nangyari kanina sa kaniya-kaniyang lakad.

"Saan kayo pumunta, Alyx?" Tanong ni Shana.

"Namsan." Nakangising sambit nito. "Ang daming tao, ang dami ding mga padlock." Natatawang kwento pa nito.

"Kayo, Shana?" Balik tanong ni Alyx.

"Sight seeing kung saan saan, dumaan din kami sa Palace, hindi namin kayo nakita." Sabi naman ni JJ. Baka nagkasalisi kami kaya ganoon. Nagpatuloy na lamang kami sa pagkwekwentuhan at sa tawanan. Nakakagaan sa pakiramdam na makinig silang nagkwekwentuhan tungkol sa mga masasayang naganap ngayong araw.

Noong matapos kaming kumain at magligpit tumungo muna ako sa labas upang magpahangin. Malamig na kaya naman kumuha ako ng hoody. It's almost fall, kaya naman nalamig na ang ihip ng hangin.

Walang kapantay ang kinang noong mga bituin sa kalangitan kaya naman hindi ko maiwasang mapangiti. Sa wakas kapag tinitingnan ko ang mga bituin hindi na pag-aalala ang nasa isip ko, kung hindi pawang kasiyahan na lamang. Tumungo ako sa may duyan at doon umupo.

"Are you there, Light?" Nahimigan ko ang tinig ni Gab Gab.

"Hmm." Tugon ko sa kaniya at saka ko narinig at naramdaman ang palalakad niya patungo sa kinauupuan ko. Marahil ay hindi kaagad niya ako nakita dahil madilim sa kinauupuan ko.

Umupo siya sa tabi ko at saka hinila sa tabi niya at kinulong sa yakap. Hindi ko mapigilan mapangiti dahil sa simpleng galaw na iyon. Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking bumbunan.

"Naiisip mo ba Light..." Panimula niya. "Paano kung ikaw iyong buntis?" Natawa ako sa sinabi niya, pero hindi ako nakarinig ng kahit anong tawa sa kaniya senyales na seryoso talaga iyong sinabi niya. Napalunok muna ako bago tuluyang magsalita.

"Ikaw ba? Anong mararamdaman mo kung sasabihin ko sa iyong magiging ama ka na?" Balik tanong ko naman sa kaniya. Imbis na mag-alma o kung ano man ay narinig ko ang simpleng himig niya na tila nag-iisip.

"Kailangan maranasan ko muna bago ko malaman." Natatawang sambit niya. Napangiti ako doon at saka ko hinawakan iyong kamay niyang nakayakap sa may gitna noong leeg at dibdib ko. Doon ko din ipinahinga iyong baba ko.

"Tungkol sa sinabi mo kanina..." Imik ko naman. Hindi siya nagsalita at nasisiguro kong paraan niya iyon para sabihin na magpatuloy ako sa kung ano man ang kailangan kong bigkasin.

"Siguro... Kakabahan ako." Pagsasabi ko ng totoo. Simula noong pakasalan ko si Gab Gab ni minsan hindi pa sumagi sa isip ko ang bagay na iyan dahil natatakot ako. Katulad noong nangyari kay Cassidee, paano na lamang kung mawala siya dahil sa gulong kinasasangkutan namin.

Naramdaman ko ang mas paghigpit ng pagkakayakap sa akin ni Gab Gab at saka niya idinikit ang pisngi niya sa may ulunan ko. "Baka nga mas kabahan at mablanko ako." Pang-aalo pa niya. Magsasalita sana ako para magtanong pero naunahan niya ako. "Hindi ko alam kung magiging mabuting ama ba ako, o hindi, pero hindi ko alam may sayang sumibol sa puso ko noong maisip ko na kung paano kung tayo na ang magiging magulang." Pakiramdam ko ay nakangiti siya ngayon kaya napangiti ako.

"Katulad mo, kinakabahan din ako... Pero siguro siya iyong magbibigay ng kakaibang kulay sa mundo natin..." Sambit ko naman. Naramandan kong hinalikan ako ni Gab Gab sa pisngi dahil sa sinabi ko. Akala ko hanggang sa pisngi lamang pero ihinarap niya ang mukha ko sa kaniya at saka ako marahang hinalikan sa labi.

"Sag-app-oh, Light." He whispered sweetly in between his soft kisses.

***

2 weeks later...
Jeju Island.

"Finally!" Masayang sambit noong mga babae. Habang pababa kami sa private plane na sinakyan namin. Ang ngiti ng bawat isa ay talagang aabot sa kanilang mga tainga dahil sa labis na kasiyahan.

Hawak hawak ni Gab Gab ang mga kamay ko bago kami bumababa ng tuluyan sa eroplano. Hindi naman kalayuan ang byahe kaya hindi naman kami ganoon kapagod. Siguradong matapos magtanghalian ay mamasyal na kami.

"Kurt, nakahanda na ba iyong mga sasakyan?" Tanong ni Skyler.

"Syempre!" Masiglang sagot naman ni Kurt.

"Hala, tara dali!" Tili naman ni Alyx at saka hinila si Thon Thon para mauna sila sa parking lot. Napa-iling iling naman kami doon. Kahit naman mauna sila wala sa kanila iyong susi dahil naka'y Tiara at Kurt ang mga iyon.

Nang makarating kami sa parking ay doon namin nakita ang nakahilerang mga kotse. Agad may kinuha si Tiara sa bag at inabot kay Kurt ang mga susi. Si Kurt naman ay pinag-iitsa sa mga lalaki iyong mga susi. Nasambot ni Gab Gab ang isa doon ng walang kahirap hirap at saka niya iyon pinindot.

At iyong tumunog ay iyong kulay puting sports car. Agad kaming dumiretso papunta doon. Samantalang iyong iba ay dali dali na ding sumakay sa mga kotse nila. Wala si Vianca dahil nagpaalam ito noong isang araw sa akin na uuwi ng Pilipinas hindi ko na siya nagawang pigilan pa dahil iyon ang kagustuhan niya.

Noong magsimula na kaming magbyahe ay hindi ko mapigilang mamangha sa ganda noong tanawin na nakikita ng aking mga mata. Napakaaliwas ng panahon at ang hangin ay nagbibigay ng tamang lamig na panlaban sa init ng araw. Iyong dagat ay nakakapanghalina ang ganda. Sobrang ganda noong lugar.

Sakto na itong sasakyan ay walang bubong kaya naman talagang matutuwa ka sa makikita mo. Buti na lamang at nagpuyod ako kaya hindi nagpapalad iyong buhok ko patungo sa mukha ko.

"Enjoying the view?" Nakangising sambit ni Gab Gab kaya napalingon ako sa kaniya tumango-tango naman ako. Lumawak ang ngiti sa labi niya dahil doon. Prenteng prente siya sa pagmamaneho dahil iisang kamay lamang ang gamit niya at napakalakas ng dating niya dahil sa porma niya ngayon at mayroon pang salamin sa mga mata para panlaban sa sinag ng araw.

"Call them. Sabihin mo kakain muna tayo bago mamasyal." Utos niya sa akin na ikinatango ko. Agad ko silang tinawagan at sinabing sundan iyong kotse namin dahil kakain muna kami sumang-ayon naman lahat sila. Matapos ko silang matawagan ay napansin ko na iyong mga sasakyan nila sa likod.

Nandoon sa likod namin si Alyx at Thon Thon. Nakatayo si Alyx at kumakaway kaway sa amin. Natawa na lamang ako doon. Nakahawak siya sa kaniyang summer hat dahil baka mapalad iyon ng hangin. Halata mo kay Alyx na tuwang tuwa siya.

Ilang sandali pa ay pinabilis ni Thon Thon iyong sasakyan niya kaya naman nagkasabay iyong mga sasakyan namin. "Woohooo! Walang kupas ang ganda talaga dito!" Sigaw ni Alyx sa amin, sabay kaming natawa ni Gab Gab.

"Ang ingay mo!" Natatawang sambit ko naman.

"Enjoy na enjoy ang lola mo, Incess. Ngayon lamang yata nakawala sa hawla." Lalo kaming natawa dahil doon. At dahil sa inis ni Alyx kay Thon Thon ay agad siyang naupo sa pagkakatayo at pinagpapalo palo si Thon Thon, pero dahil sa ginawa niya napalad ng hangin ang kaniyang summer hat.

"Omygosh!" Malakas na tili niya.

"Ayan, ang kulit mo kasi cutiebabe!" Sigaw ni Thon Thon sa kaniya. Napansin kong napasimangot si Alyx dahil doon. Walang pinagbago. Pinabilis na lamang ni Gab Gab ang sasakyan namin para mauna na kami at para hindi na namin kasabay sina Alyx.

"Ingay talaga ni Alyx." Iiling iling na sambit ni Gab Gab habang nakangiti.

"Hindi na nakakapagtakha, nakalunok iyan ng mikropono sa totoo lamang." Sagot ko naman sa kaniya. Nagkwentuhan na lamang kami ni Gab Gab at nagtawanan habang tinatahak ang daan patungong kainan.

Hindi din nagtagal ay nakarating din kami sa patutunguhan agad na ipinarada ni Gab Gab iyong sasakyan. Natigilan din ako nang makita ko siyang seryoso nang makababa ng sasakyan hindi ko mapigilan mapangiti dahil sa gwapong mukha niya. Asawa ko ba talaga ito? Tss.


In an instant, a smile suddenly plastered on his face when he saw me get down the car. "Hindi mo man lamang ako hinintay na pagbuksan ka." Alma pa niya sa akin. Natawa na lamang ako. At saka naglakad papunta sa harapan noong restaurant dahil sa para makita namin iyong mga kasamahan namin.

Napansin kong bumalik pa si Gab Gab sa kotse kaya nagtakha ako, tapos ay ipinakita niya sa akin iyong hawak hawak niyang payong dahil nga mainit. Natawa na lamang ako dahil doon, alagang-alaga din talaga ako sa isang ito.

Patakbo siyang sumunod sa akin at saka niya ako pinayungan. "Ang bilis mong magneho, tingnan mo hindi sila makahabol." Natatawang sambit ko sa kaniya dahil natatanaw pa lamang namin sila na papunta dito. Napangiti ako dahil para silang nagpaparadang mga kotse dahil sunod sunod talaga.

Dahil na din sa init habang tinatanaw sila ay itinaas ko ang isang kamay ko para salagin ang aninag ng araw at hindi ko din mapigilan na maipikit ang isang mata sa init. Napangiti din ako noong matanaw kong malapit na malapit na din sila.

"Walang kupas ang ganda mo Incess!" Natawa ako noong marinig kong isigaw iyon ni Thon Thon at maging si Alyx ay sumigaw din. "Model na model, tigilan mo kami Incess!" Natatawang sambit pa niya, at saka ako nilampasan para magparada sila ng sasakyan.

Napalingon ako kay Gab Gab dahil doon at saka niya ako nginitian at mas nilapitan. "Iba ka Mrs. Evans, buti na lamang at nasa iyo na ang apelyido ko." Nakangising sambit pa niya kaya naman pinalo ko siya sa braso natawa na lamang siya at saka isinara iyong payong dahil masyadong malakas iyong hangin para doon.

Agad na nasundan nina Lian at Tim si Alyx at Thon Thon. Dumaan pa sila sa amin ni Gab Gab bago tumungo papunta sa parking, kagaya nina Alyx ay binati din nila kami. "Kuya, Incess, pumasok na kayo sa loob susunod na lamang kami, mainit." Sabi ni Lian sa amin.

"Ang ganda mo Incess, baka maagaw ka ng iba kay Pards Gab!" Natatawang kantyaw naman ni Tim Tim. Nakita ko naman si Gab Gab na handa nang sugurin si Tim Tim kaya pinigilan ko at saka ko hinila papasok doon sa loob ng restaurant.

"Bakit ba kasi napakasimple na nga ng suot mo, iba pa din ang hatak mo?" Naiinis na bulong ni Gab Gab na akala mo ay hindi ko narinig kaya natawa ako. Para namang hindi malakas ang dating niya ah?

Kaagad kaming humanap ng table na pangmadamihan dahil halos labing dalawa kaming kakain. Umupo na din kami kaagad ni Gab Gab. Mabuti na lamang at parang kami pa lamang ang tao dito at iyong iba ay papalabas na at mukhang tapos ng kumain.

Umorder na din kami ng pagkain ni Gab Gab para sa aming lahat.

Ilang sandali pa ay napansin namin na pumasok na sina Alyx, Thon, Lian at Tim at saka dumiretso sa kinauupuan namin. Tumabi agad sa akin si Alyx at saka siya tinabihan ni Thon Thon. Sina Lian naman ay tumapat sa amin ni Gab Gab.

"Naka-order na kayo?" Tanong ni Lian sa amin. Tumango agad ako biglang sagot sa kaniya. Habang nag-uusap uusap kaming anim ay dumating si Annicka at Skyler. Kapansin pansin agad si Annicka na sobrang lawak ng ngiti at ganda ng awra. Hindi ko maiwasan na mapangiti dahil nakakahawa iyon. Mukha talaga siyang manika.

Nakipag-apir naman si Skyler sa mga lalaki at saka tuluyang umupo iyong dalawa.

"Sobrang ganda dito!" Hindi mapakaling sambit ni Annicka na tuwang tuwa sa paligid at saka tumingin muli sa magandang tanawin sa labas kung saan matatanaw mo ang dagat. Tuwang tuwa talaga ito na para bang bata na ngayon lamang nakakita ng panibagong laruan.

Ilang sandali pa ay pumasok na din si Shana at JJ. Kung kanina noong pumasok si Annicka at Skyler ay makakaramdam na ng sariwang hangin at napakamala-anghel na pakiramdam noong pumasok si Shana at JJ ay nawala iyon ng parang bula dahil parehas na napakaangas ng dating noong dalawa kahit nakapang-kaswal lamang silang suot.

Kasunod silang pumasok ay si Tiara at Kurt. Si Tiara ay tahimik na namamangha sa lugar samantalang si Kurt ay pangiti-ngiti lamang. Umupo na din sila sa kaniya-kaniyang upuan at saka nagbatian. Napapangiti ako dahil sa nakikita.

"It's so pretty in here!" Tiara remarked happily pertaining to Jeju-do Island. Agad namang sumang-ayon si Annicka dahil doon. "Gusto kong libutin iyong buong isla!" Masayang dugtong pa nito. "Lahat ng attractions nila gusto kong puntahan!" Dagdag pa nitong muli.

"Kakayanin, pero pagod tayo lagi sa byahe." Natatawang sabi naman ni Kurt. Maayos lamang sa yaman ba naman ng mga lalaking ito, paniguradong kahit saang attractions pa kami mapunta at kapag may makita silang magandang hotel doon ay doon kami tutuloy.

"Okay lamang!" Sagot naman ni Tiara. Nakakatuwa talaga kapag nagtatagalog si Tiara. May punto pero kuhang kuha niya.

"True, we are staying for 2 weeks so we can really enjoy." Tatango-tangong pahayag naman ni Shana. Tuwang tuwa sina Annicka dahil doon.

"Saan tayo pagkatapos dito?" Hindi makapaghintay na sambit ni Annicka.

"Let's go to Hallasan National Park?" Lian suggested.

"Sige sige!" Alyx rejoiced.

"Hala lalo akong nasabik!" Sambit naman ni Annicka.

"You'll like it there for sure." Shana stated while grinning.

"Mukhang madami na kayong gustong puntahan ah." Puna ko naman sa kanila. Kahit sina Lian, Shana, Alyx ay nakikitaan ko din ng pagkasabik sa puwede naming gawin at puntahan sa darating na dalawang linggo. Mukhang seryoso talaga na lilibutin nila ang islang ito.

"Sympre!" Sabay sabay nilang sabi.

"Gentlemen, may inihanda ba kayong itinerary sa bakasyon ito?" Nabibirong tanong ni Tiara. Nagkatinginan iyong mga lalaki nang palihim subalit hindi nakatakas sa aking mga mata kaya bahagya akong napakunot noo pero nawala ang pagiging kuryoso ko nang magsalita si Gab Gab.

"Iyon lamang. Wala." Natatawang sambit nito, pero imbis na malungkot iyong mga babae ay lalo pa itong natuwa.

"E 'di, kami ang masusunod!" Halos sabay sabay pa nilang wika.

"Sure!"

"Syempre!"

"Kayo pa!"

Sabay sabay din na tugon noong mga lalaki kaya halos hindi sila magkaintindihan pero nagkatawanan kami dahil doon. Mukhang mapapasabak talaga sa pagmamaneho ang mga ito, kaya naman nagpahanda talaga ako ng mga kaniya-kaniyang sasakyan para sa bawat isang magkaparehas. Hindi naman kasi lahat sila magkakasundo sundo sa gugustuhing puntahan.

"Maliban sa Hallasan, may naiisip ka na bang puntahan, Lian?" Tim Tim suddenly asked.

"Seongsan Ilchubong!" Napangiti ako sa gustong puntahan ni Lian. Kahit hindi pa talaga ako nakakapunta doon ay alam kong maganda ang tanawin doon. Halos lahat naman yata sa islang ito ay talagang nakakabighani ang ganda.

"Ikaw Tiara?" Kurt popped in.

"The maze park! The gimnyeong!" Masayang wika nito na halos pumalakpak na ang dalawang tainga. Natawa naman kami dahil sa pagsasabi nito ng Gimnyeong dahil halatang halata mo na naninibago ito sa pagbigkas noon. Halos mautal pa nga.

"Then after Gimnyeong we can go to Manjanggul Cave. Tutal malapit lamang iyon doon." Nakangiting dugtong naman ni Kurt.

"Really?" Hindi makapaniwalang sambit ni Tiara. Tumango tango naman si Kurt na parang sinasabi na siya na ang bahala sa kaniya dahil marami siyang alam tungkol sa isla na ito. Malamang, dahil paniguradong dito iyan naglabas ng emosyon noong nawala si Dennise. I am happy to see him, joyful in this island, although, this is where he mourned for Dennise. Akala ko nga ay ayaw niyang sumama dito.

"How about you, Shana?" Pagpansin naman ni Tiara kay Shana. Silang dalawa talaga ang mabilis nagkasundo. Parehas kasing mahilig sa mga sexy na bagay, at syempre parehas maangas ang ugali.

"Cheonjeyeon Falls." Maikling sagot nito. "Maganda doon, pwede tayong mag-uli, tapos nandoon din iyong Seonimgyo Bridge. Perfect place to wonder and relax." Dugtong pa nito. Pumalakpak si Tiara dahil sa narinig.

"Then we can go to Teddy Bear Museum!" Lian exclaimed happily. Nakakatuwa na ang dami nilang alam na lugar dito. Talagang handang handa sila para dito.

"Tapos doon lamang tayo sa malapit na Hotel, then we can enjoy Jeju Waterworld! Oh my gee! This is going to be so fun!" Masayang masayang dagdag pa ni Alyx sa sinabi noong kaibigan. Nag-apir pa sila.

"I'm so excited girls!" Masayang dagdag pa ni Alyx sa amin. Natawa naman kami dahil halatang halata naman dahil animo'y kiti-kiti na ito na hindi mapakali sa kinauupuan. Sinaway na nga siya ni Thon Thon para lamang pumirmi.

"Kayo?" Biglang tanong ko naman sa mga lalaki. Hindi kasi sila nagsasalita tungkol sa mga attractions dito. Purong pagngiti at pagtawa at pag-sang-ayon lamang ang kanilang ginagawa.

"Kahit saan, basta kasama kayo." Nakangiting sambit ni JJ.

"But I also want to go to Olle Trails and Jusangjeolli Cliffs." Skyler popped in. Agad namang nagsipang-ayunan iyong mga lalaki sa kaniyang inusal.

Wala pang nag-babanggit sa Udo Island. Ayaw ba nila doon? Imbis na magtanong ay napakibit balikat na lamang ako dahil baka nakakaligtaan lamang nila dahil sa dami nilang nasa isip na gustong puntahan.

"How about you, Hera?" Biglang tanong ni Skyler sa kaniya.

Napansin kong napa-isip si Annicka. Kahit tuwang tuwa siya sa pagpunta dito ay hindi pa siya nagsasabi ng mga gusto niyang puntahan. Napakamot ulo pa siya na tila wala nang maisip bago magsalita. "Nasabi na nila lahat iyong mga gusto kong puntahan." Nakangusong sambit nito.

"Sigurado ka pinsan? Baka may iba kang gusto, para makapunta tayo." Sambit naman ni JJ.

Napa-isip ulit si Annicka. "Ano... May narinig ako kanina eh." Animo'y inaalala niya iyong narinig kanina. Hanggang sa nagliwanag ang mukha niya at saka masayang pumalakpak na parang bata.

"Alam ko na! Iyong love land!" Masaya at tuwang tuwang suwestiyon nito.

Natigilan kaming lahat... Purong katahimikan ang naging sagot namin kay Annicka. Samantalang ako ay nanlalaki ang mga mata. A-Alam ni A-Annicka ang lugar na iyon? Hindi makapaniwalang isip ko. Kung kay Tim Tim o Tiara o Shana nanggaling ang bagay na iyon, matatanggap ko pa. Pero si Annicka ang pinag-uusapan natin...

Dead air...

Dead air...

Dead air...

Hanggang sa biglang humagalpak ng tawa si Thon Thon na hindi na makapagpigil simula kanina. Halos sabay sabay kaming napalingon sa kaniya dahil doon. Napansin kong hinawakan ni Alyx ang kaniyang braso pero nanatiling tumatawa ng wagas ang hudas.

"Heol Annicka! Heol!" Dagdag pa nitong Thon Thon na ito.

"Sigurado ka bang gusto mong pumunta doon?" Tanong naman ni JJ, nag-aalinlangan.

"Oo nga, Annicka?" Sabi naman ni Tim Tim, nag-iingat.

"Oo!" Halos mapasampal ako sa sarili ko noong halos pasigaw sabihin iyon ni Annicka sa tuwa na akala mo ay iyon ang pinakagusto niyang marating na lugar dito.

"Are you really sure you are saying that, baby Hera?" Skyler suddenly teased. Matawa tawa pa sa hitsura ni Annicka.

"Oo nga. Sabi pa nga nila, unique daw dun, tapos kakaiba, tapos maganda din daw, nakakamangha! At saka full of love! Love land, nga hindi ba?" She elaborated dreamily.

Natigil kami sa tawanan at nagkaroon nanaman ng awkward na katahimikan.

Ano bang pinagsasabi mo Annicka...

"Is Annicka serious?" Natatawang bulong sa akin ni Gab Gab. Pinanlisikan ko siya ng mga mata bago magsalita kay Annicka.

"Annicka... Iyong lugar na iyon..." Pasimula ko. Lahat sila napunta ang atensyon sa akin. "Bawal sa bata." Napalunok pa ako nang sambitin iyon. Kaya agad akong tinawanan ni Gab Gab. Agad ko siyang hinampas sa braso.

"Hahaha! Hayaan ninyo na si Annicka! Para mawala ang kainosentehan, papakasal din iyan kay Skyler!" Biglang hirit ni Kurt na siyang ipinagtakha lalo ni Annicka. Lalo pang natawa iyong mga lalaki dahil doon.

"Para may ideya na si Annicka!" Sabi naman ni Tim Tim. Agad siyang nakatanggap ng batok mula kay Lian dahil doon.

"Ano pards, laban pa!" Puna naman ni Thon Thon sa nangyari kay Tim Tim.

"Isa ka pa, Thon, ikaw ang tumigil diyan." Sermon naman ni Alyx sa nobyo.

"Ano ba kasing meron?" Tanong naman ni Annicka naguguluhan.

"Sabi na eh, hindi alam ni Annicka pinagsasabi niya." Lian stated while smiling.

"Narinig nga lamang niya." Alyx seconded.

"Bakit ba kasi?" Tanong ulit ni Annicka.

Imbis na kami ang magsabi ay agad hinila ni Skyler ang upuan ni Annicka para ilapit sa kaniya. "Woah!" Nagulat pa si Annicka sa ginawa nito pero hindi nanlaban. Lahat ng mga mata namin ay nasa kanilang dalawa. Inilapit ni Skyler ang bibig sa may tainga ni Annicka.

Gumalaw ito na may binubulong. Hanggang sa napatikom ang bibig ni Annicka at bahagya itong namula pagkatapos ay marahan niyang itinakip ang mga kamay sa mukha, dahilan para magkatawanan na kaming lahat. Maging ako at si Gab Gab ay hindi mapigilang matawa.

Habang wala sa kanila ang atensyon noong iba habang natawa ay nakita ng matatalas kong mga mata ang paghalik ni Skyler ng bahagya sa may bandang tainga ni Annicka. This guy. Really.

Dali daling tumayo si Annicka sa kinauupuan habang may takip na kamay sa mukha. "Comfort room, muna ako." Hindi magkaintindihan niyang sabi dahil sa pagkahiya at saka halos patakbong tumungo papunta doon.

Nakita ko namang napatingin sa akin si Lian kaya naman sinenyasan ko siya na sundan iyong isa, kaya naman sumunod ito. Pagkatapos makaalis noong dalawa ay agad na sinermonan ni Alyx iyong mga lalaki.

"Itong mga lokong ito! Huwag ninyo nga maganun ganun si Annicka. Upakan ko kayo diyan." Agad napaseryoso iyong mga lalaki dahil sa banta ni Alyx. Bakit parang takot ang mga ito kay Alyx ngayon? Pero sa bagay, kahit naman napakadaldal ni Alyx talagang matatakot ka sa awra nito kapag seryoso.

Hindi nagtagal ay bumalik din si Annicka at Lian mula sa banyo at saka nagpatuloy ang kwentuhan. Parang walang nangyari, hindi na nila tinukso si Annicka dahil na din hindi naman ganoon kalaking bagay ang Love Land na iyon, mas ikinakatuwa pa namin na nandito na kami sa island na ito.

Ilang sandali lamang din ay dumating na iyong pagkain, kaya naman kumain na kami ng matiwasay at talagang sarap na sarap sila sa mga putahe na nasa hapag. Karamihan din sa mga iyon ay seafoods kaya naman gustong gusto nila.

Matapos ang pagkain namin ay dumiretso na kami sa kaniya-kaniyang kotse para magtungo sa Hallasan National Park. Medyo may kalayuan din ang byahe pero kahit ganoon ay hindi ako nakaramdam ng pagod dahil na din sa simpleng usapan namin ni Gab Gab.

"Sing for me, Light." Sabi niya sa akin habang ang atensyon ko ay nasa daan.

"Ayoko nga." Pagtanggi ko. "Ikaw muna." Dagdag ko pa nang nagbibiro. Hindi na ako umasang kakanta siya pero nagulat ako noong nagsimula nga siyang kumanta.

"You and I, we're like fireworks and symphonies exploding in the sky
With you, I'm alive
Like all the missing pieces of my heart, they finally collide."

I was awestruck hearing him sing that song. Iyon talagang kantang iyon ang nagsimula ng lahat kaya nagkanda-gulo gulo ang buhay ko. At iyong kantang iyon ang naging kapalit noong kantahan ko siya noon noong may sakit siya, kaya naman nakahanap siya ng matinding panloko sa akin noong kabataan namin.

"So stop time right here in the moonlight
'Cause I don't ever wanna close my eyes."

Ang sarap pakinggan noong boses niya. Hindi na din kasi bukas ng bubong noong sasakyan dahil hindi nanaman tabing dagat ang dinadaanan namin at sobrang init na din, kaya naka-air condition na kami ngayon sa loob nitong sasakyan at hindi maingay kaya dinig na dinig ko ang kaniyang boses.

"Without you, I feel broke, like I'm half of a whole
Without you, I've got no hand to hold
Without you, I feel torn, like a sail in a storm
Without you, I'm just a sad song
I'm just a sad song."

Hindi ko mapigilang mapangiti habang nakatingin siya sa daan habang kinakanta iyon. Tagos sa puso ko. Hindi maipaliwanag na kaba, na saya, ang naghahalo sa emosyon ko. Ang pag dagundong ng puso ko ay walang katumbas. At si Gab Gab lamang ang tanging nakakagawa noon, siya lamang.

Sumulyap siya sa akin na may malaking ngiti sa mga labi kaya naman lumitaw ang kaniyang dimples. Kakaibang saya din ang nakikita ko sa kaniyang mga mata. At inalis niya sa manibela iyong isang kamay niya at inihawak iyon sa kamay ko at saka niya iyon hinalikan.

Natigil din siya sa pagkanta matapos ang koro noon. Hindi ko alam pero nabitin ako, at wala sa sariling dinugtungan iyong kanta.

"With you, I fall
It's like I'm leaving all my past and silhouettes up on the wall
With you, I'm a beautiful mess
It's like we're standing hand and hand with all our fears up on the edge."

Namamangha siyang napatingin sa akin dahil doon. Iniwas ko ang tingin ko pero hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko. Hindi ko pa din siya tiningnan dahil doon pero nasisiguro kong mas lumawak ang pagkakangisi niya ngayon. Hinayaan ko din ang sarili ko na ituloy ang pagkanta.

"So stop time right here in the moonlight
Cause I don't ever wanna close my eyes."

Pinagmasdan ko ang daang nadadaanan namin, at kasabay noon ang pagbalik sa ala-ala ko ng mga masasayang sandali namin sa Seoul nito lamang nakaraan. Hindi ko din mapigilan ang sabik sa dibdib ko dahil sa plinaplano ko.

"Without you, I feel broke, like I'm half of a whole
Without you, I've got no hand to hold
Without you, I feel torn, like a sail in a storm
Without you, I'm just a sad song."

Nang masambit ko ang huling kataga ay akala ko ay wala nang kasunod pa ang kantang iyon, pero laking gulat ko noong ipagpatuloy pang muli iyon ng magaling kong asawa, habang nakatingin sa daan at nagmamaneho.

"You're the perfect melody
The only harmony I wanna hear
You're my favourite part of me
With you standing next to me
I've got nothing to fear."

Hindi ko alam pero ang liriko ng mismong parte ng kantang iyon ang mismong pinarating niya sa akin ng buong puso. Iyon bang mga gusto niyang sabihin ay ihinagid niya sa akin sa pamamagitan ng kantang ito. Walang katumbas na kahit ano mang materyal na bagay ang dalang kasiyahan sa akin noon.

Ang gaan sa pakiramdam. Kumpletong-kumpleto. Walang kahit anong sobra, walang kahit anong kulang, tamang tama lamang, kaya't hinding hindi ka mag-aalala. The way he said, he's got nothing to fear, gave me shivers. Para kasi ang ihinahatid noon sa akin ay wala siyang kinatatakutang kahit ano, maliban na lamang kung mawawala ako sa kaniya. Instead of being worried, it made me feel safe.

"Without you, I feel broke, like I'm half of a whole
Without you, I've got no hand to hold
Without you, I feel torn, like a sail in a storm
Without you, I'm just a sad song."

Sa huling bahagi ng kanta ay sabay namin iyong kinanta. Wala na akong mahihiling pa noong sandaling iyon. Kung pupwede nga ay hihilahin ko siya at ako na mismo ang hahalik sa kaniya pero hindi ko ginawa sapagkat nagmamaneho siya at ayaw ko namang magkaroon ng balitang: kotse naaksindente, dahil sa biglang— aish, nevermind.

Matapos nang maikling sandaling iyon ay nag-usap na lamang kami sa mga bagay sa buhay mag-asawa namin.

"Gusto mo bang dito na tumira?" He asked mellowly.

"Ayoko." I said with hesitation. Kahit naman sobrang payapa dito, kahit naman sobrang ganda dito at ang lugar na ito ang pinaka gusto kong lugar para manatili ay may parte sa akin na ayaw ko talaga.

"Saan mo gusto?" Tanong niya.

"Kung saan tayo, nararapat." Gusto ko pa din sa Pilipinas. Kahit sobra naming pinagdaanan doon. Nandoon kasi ang mga magulang namin, ang lugar kung saan marami din akong masayang ala-ala kahit ba nandoon din ang sangkatutak na problema na hinarap namin doon.

Narinig ko ang matunog na pagtawa niya. "We'll go back, as soon as our house is built." Napatingin ako sa kaniyang sinambit, nagtatanong ang mga mata, imbis na sagutin ako ng direkta ay may pagmamayabang na tingin lamang ang hinandog niya sa akin.

"Remember Mr. Aquiñas?" Pag-uungkat niyang bigla doon sa matandang ngali-ngali kong sapakin dati dahil sa mga pinagsasabi at noong mga panahong nagpapanggap kaming hindi mag-asawa ni Gabriel kahit sa totoo ay mag-asawa naman talaga.

"Sinabi ko sa iyo dati... Nakipagnegosyo ako kay Mr. Aquiñas dahil alam kong darating ang araw na mauupos ang Empire, at syempre kailangan ko ng negosyong bubuhay sa iyo at sa magiging pamilya natin." He explained.

"At may idinagdag ako doon. At iyon nga ang bahay na ipinapatayo ko ngayon, para sa ating dalawa." Nakangiting dugtong pa niya. Ibang klase, ang responsable din talaga ng isang ito. Samantalang nawala iyon sa isip ko dahil sa sangkaterbang alalahanin namin noon, pero nagawa pa din niyang maisip ang bagay na ito.

HINDI nagtagal ay nakarating din kami sa Hallasan.

Napansin ko din na nandito na din lahat ng mga kasama namin at ang mga babae ay agad na tumakbo papunta sa entrance dahil sa pagkasabik. Maging ako ay hinila na agad si Gabriel dahil natutuwa akong makita ang ganda lugar. Wala pa kami sa mismong magagandang tanawin ay mamangha ka na.

May mga inasikaso muna sila bago kami tuluyang makapasok sa loob.

"Mabuti na lamang at tanghali pa lamang! Buti na lamang talaga ay naka-kotse tayo." Masayang sabi ni Alyx.

"Tama! Makakapag-hiking pa tayo." Annicka said while giggling.

"Iyon lamang, hindi pang-hiking ang mga suot natin." Natatawang sabi naman ni Lian.

"Walang kaso iyon, sa lalakas ba naman natin." Kibit balikat na sambit ni Shana.

"I agree!" Tiara screeched cheerfully.

Napailing-iling na lamang ako sa kaniya kaya naman nagsimula na kaming maglakad.

"Saan tayo dadaan?" Tanong naman ni Tim Tim noong makasabay namin siya paglalakad samantalang iyong ibang lalaki ay nasa likod namin nakasunod.

"Yeongsil Trail. Nandito tayo sa parking kung kung nasaan patungo ang trail na iyon." Sagot ko naman. Agad sinabi iyon ni Tim Tim sa mga kasama namin. Kaya naman nakanya-kanya kaming lakad.

Manghang mangha talaga kami sa ganda noong lugar at halos linga linga pa sila habang nakikita at nakatingala sa magandang view nito. Ang daming puno at hindi nila mapigilang tumili nang mapagtantong aakyatin namin ang lugar na iyon.

"Ihanda na ang mga kamera!" Alyx screamed. Excited na excited na siya at hindi na maitatanggi iyon dahil halos magtatalon na siya kahit nasa parking pa lamang kami. Mabuti na lamang din at kumain kami dahil paniguradong magugutom kami sa gagawin naming hiking na biglaan.

Napansin ko din na may kinuha iyong mga lalaki sa mga kotse. Paniguradong bumili sina Kurt kanina ng mga tubig at ilang snacks dahil nga dito ang tungo namin sa Mount Hallasan. 

Kasabay ko na ngayon si Gab Gab dahil hinila niya ako kanina. Hawak hawak na naman niya ang aking kamay at dinadama namin ang ihip ng hangin. Hindi din nagtagal ay nakita na namin ang ganda nitong lugar.


"Hala ang ganda!" Narinig ko ang masayang tinig ni Alyx. "Picturan mo ako, babylove!" Napalingon tuloy kami ni Gab Gab sa mga tili nito at ayon, nakahanda na ito habang si Thon Thon naman ay nakahanda na din sa pagkuha ng litrato sa kaniya, natawa tuloy kami.

Iyong ibang mga kasama namin ay nagsisimula na din magkukuha ng mga larawan kaya't nagsimula na din ako. Pinagkukunan ko ng litrato at ng video si Gab Gab habang naglalakad ito. Kapag tinatawag ko sa harap ng kamera ay tatawa tawa ito sa akin. Hindi ko tuloy mapigilan pagkukunan talaga siya ng napakaraming litrato.

Kinuha din niya sa akin iyong kamera at ako naman ang pinagkukunan niya. Medyo may kalamigan na din at mabuti na lamang at nakapantalon akong puti at syempre may mga panlamig na jacket din naman kaming dala. Kinuha ko na nga iyong akin ay Gab Gab at isinuot na.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at imbis na mapagod sa kaaakyat sa hagdan ay mukhang mas natutuwa pa sila sa aming mga nakikita dahil sa natural na ganda nang tanawin. Hindi ko maipaliwanag ang saya ko dahil dito.

"Annicka, Sky! Kuhanan ko kayo ng picture!" I heard Lian said, at sila kinuhanan ni Lian. Ganoon din ang ginawa nina Annicka para kayna Tim Tim. Si Tiara, Kurt, JJ Shana naman ang mga nagkukuhanan ng litrato. At ang kasama namin ni Gab Gab sa pagkuha ng larawan ay sina Alyx.

"Ang lamig!" Sambit ni Alyx, kaya naman niyakap siya ni Thon Thon. Kinuhanan ko ng litrato iyong dalawa ng patago dahil doon. Naramdaman ko din ang paghawak ni Gab Gab sa ulo ko at alam ko nang alam niya ang ginawa ko dahil doon. Maging iyong ibang kasama namin ay pinagkukunan ko din ng litrato at nakakatuwa dahik ang ganda nang kinalalabasan noon lalo na't hindi nila alam ang ginagawa ko.

Nagpatuloy kami sa paglalakad. At may nakita si Annicka na may bato.

"May bato!" Masayang wika pa niya na akala mo'y ngayon lamang nakakita noon. Agad kaming nagkatawanan dahil doon.

"Bano ka Annicka!" Tatawa tawang imik ni Alyx sa kaniya.

"Oy hindi ah? Pamilyar lang!" Sambit naman ni Annicka. "Thon Thon!" Tawag pa nito sa nobyo ni Alyx. "Hindi ba't may lahing instik ka! Hindi ba't puwede mo itong patungan ng bata pa, para mas maging maganda at ligtas ang hiking natin?" Inosenteng tanong nito.

Bumababa si Thon Thon nang ilang hagdan para makalapit kay Annicka. "High five, Nicka!" Sabi pa nito, kaya naman nakipag-apir agad si Annicka.

Naglagay kami ng ilang bato doon dahil na din sa sinabi ni Annicka. Nakakatuwang may malamang ganoon at nagkukuha nanaman kami ng litrato. Ang iba pang litrato na nakukuha ko ay nakakatawa dahil na din sa mga pinaggagawa nilang kalokohan.

Halos lahat kami ay nakajacket na din dahil sa lamig ng hangin dito. Samantalang kanina, init na init pa kami noong wala pa kami dito sa parte ng Mount Hallasan. Ang sarap sa pakiramdam nito. Hindi ka pagpapawisan, at hindi mo agad mararamdaman ang pagod, dahil sa katuwaan ng barkada.

Hindi nagtagal ay nakarating kami sa parte kung saan mayroong mas mahirap na daan dahil na din mabato dito at higit sa lahat ay mas paatas ito kaysa kanina. Nakarinig nga ako ng pahapyaw na reklamo mula sa iba naming kasamang naghihike dito, samantalang ang mga kasamahan namin ay mukhang natuwa pa sa pagsubok na kinakaharap.

"Ang ating lakas at pagsasanay, dito mapapatunayan!" Natatawang sigaw ni Tim Tim.

"Ano kaya pa ba?" Narinig kong tanong naman ni Kurt kay Tiara. "Of course! I'm not old, and remember my dear? I am one of the leaders of Apocalypse, don't underestimate me, you might need my help later." Maarteng sagot naman ni Tiara, kaya't nagkatawanan kami.

Nagsimula na kaming umakyat matapos noon. Pinauna namin silang lahat at kami ang dulo nina Gab Gab. Panay pa din ang kuha ko ng litrato kay Gabriel at sa mga kasamahan namin. Hindi na din ako nahirapan na akyatin ang mahirap na daan na ito dahil sanay na ako sa ganito.

Marami pang paakyat kaming tinahak pero hindi mo masasabing nahihirapan sila sa pag-akyat dahil tuloy pa din sila sa pagkuha ng litrato at syempre hindi mawawala ang usapan nila kung gaano nakakamangha ang lugar at iba pang mga bagay. Kami naman ni Gab Gab na nahuhuli ay nag-uusap din.

Panay kuha din siya ng litrato ko kaya naman natatawa na lamang ako sa kaniya.

"Tuloy mo ang pagpapantasya sa maganda kong mukha, Gabriel." Natatawang biro ko sa kaniya.

"It's my pleasure, your majesty. Mahal kong Reyna, mas maganda ka pa din sa lugar na ito." Ang lakas din magbiro ng lalaking ito, kaya naman binatukan ko siya, pero imbis na gumanti ay inalalayan na lamang niya akong muli para makaakyat at makahabol na kami sa mga kasamahan namin.

Mas lalo kaming namangha noong makita namin ang lugar na ito. Todo kuha na naman sila ng litrato bago kami tuluyang maglakad pang muli. Kada madadaanan mo talaga ay hindi maipagkakaila ang natural na bighani nitong lugar. Lalong lalo na at natatanaw mo ang dagat mula dito.

"Oy! Jeju sea!" Pagmamalaki ni Thon Thon.

"Ungas ka Thon Thon!" Tatawa tawang sambit ni Tim Tim. Baliw din kailan pa naging Jeju sea iyon?

"Ano ba iyan? Dagat ah!" Sagot naman nito kay Tim Tim. Umiling-iling si Tim Tim dahil doon. "That's South East China Sea, pards." Nakangising sambit pa nito. Napanganga naman ni Thon Thon dahil doon.

"Itlog will always be an itlog." Bigla akong napahagalpak ng tawa dahil sa narinig kong turan ni Gab Gab habang iiling-iling na nakatingin kay Thon Thon. Bwisit din itong lalaking ito! Akala mo naman alam niyang South East China Sea iyon.

Nagpatuloy na kaming muling tahakin ang Yeongsil Trail. Ang haba na ng nilalakad namin pero wala pa din kami sa patutunguhan namin. Paniguradong bagsak kaming lahat mamaya sa pagtulog dahil na din sa pagod. Kaninang umaga byahe mula sa Seoul, tapos sumabak kami kaagad dito. Mga biglaan kasi ang plano. Tsk tsk tsk.

Sa paglalakad namin ay narating namin ang isang platform kung saan maati kang magpahinga, kaya naman doon kami nanatili nang ilang minuto habang nakukulitan at nagkukuhanan ng litrato.

Matapos naman naming magpahinga doon ay nagsimula na kaming muli sa aming paglalakbay. Marami kang makikita habang naglalakad. Hindi ka din magsasawang lingunin ang bawat madadaanan mo.

"Oy tingnan ninyo oh! Si ET!" Sabay sabay kaming napatingin kay Alyx noong sabihin niya iyon.

Napahagalpak kami ng tawa sa nakita. Baliw din talaga ang isang ito. Nakatanggap tuloy siya ng batok sa mga babae. Iba talaga kapag magkasama sila ni Thon Thon hindi kami nawawalan ng masasayang sandali.

"Duh~ Girl, hindi mo ba alam ang isang iyan?" Maarteng tanong ni Tiara.

"Hoy itali ninyo nga iyang, lobo na iyan. Papakain ko iyan sa dragon eh!" Natatawang biro ni Alyx. Imbis mag-away ay nagkatawanan na lamang kaming lahat kasama si Tiara.

Ginamit din namin iyong stationary binocular para tanawin iyong magagandang natawin sa mismong lugar na iyon. Walang humpay na pagkuha ng litrato ang kinalabasan namin dahil doon at maging ang pagdama sa ganda ng paligid ay hindi namin pinakawalan.

"Guys, iyon ang folding screen rocks!" Turo naman ni Lian sa isang banda.

"Wow!" Halos sabay sabay na reaksyon namin.

"Sayang nga lamang at hindi maulap ngayon, kasi kung maulap ngayon may ulap dyan sa folding rocks na iyan. Sabi nga nila ang tawag daw diyan ay Abode of the Gods." Dagdag impormasyon na imik pa ni Lian.

"Woah!" Iyan ang naging reaksyon namin. Talaga namang kamanghamangha ang mga batong iyon.

"Ang galing Lian! Sobrang ganda, at alam mo siya!" Masayang komento naman ni Annicka habang tinatanaw ang ganda noong folding rocks.

Matapos namin doon ay nagpatuloy na kaming muli sa paglalakad at pag-akyat sa lugar. Tamang tama pala na ito ang pinili naming ruta dahil ito ang pinakamaikli sa lahat pero isa din sa pinakamaganda.

Marami pa kaming akyatan na tinahak pero parang wala lamang iyon sa kanila at punong puno pa din ng enerhiya dahil sa nakikita at maging sa kulitan at usapan. Halos ilang oras na din kami subalit malayo layo pang lakarin ang kakaharapin namin.

Madaming mga iba't-ibang klase ng parang mga halaman kaming nakita at mayroon ding mga iba't-ibang ibon na lumilipad at mayroon din kaming nakita malapitan! Ang kaso lumipad agad iyon dahil sa kalokohan at pagsigaw nina Alyx.

"Ayan nawala iyong uwak!" Maktol ni Alyx. May uwak kasi sa isang banda at nilapitan nila iyon pero agad na lumipad dahil nabulabog. Sinasay agad namin sila dahil para silang mga bata na banong bano na makakita ng uwak, samantalang daming dami noon sa Pilipinas.

Nagpatuloy kami sa paglalakbay. Preskong hangin. Maaliwalas na langit. Saktong sakto talaga ang punta namin dito.

"I love you, Annicka Hera Williams!" Napalingon kami kay Skyler noon isigaw niya iyon. Nahihiyang napatakbo si Annicka palayo sa kaniya. Nakakatuwang makita si Skyler na ganoon.

Hinabol niya si Annicka at noong mahuli niya ito sa may baiwang ay agad niya iyong kinarga na para bang napakagaan ni Annicka. Tatawa tawa si Annicka sa ginawa ni Skyler.

"I love you too, Skyler Zeus Morbelqueee~" Tili naman ni Annicka noong makababa sa pagkakabuhat ni Skyler. Napangiti kaming lahat dahil doon sa dalawa. Mabuti na lamang at kami lamang ang nasa parteng ito ng trail dahil baka nasita na kami sa pinagaggawa nila.

I captured Annicka and Skyler's moment and I feel so ecstatic for both of them.

Nagdire-diretso pa kami hanggang sa narating na namin ang tutok ng folding rocks. At masasabi kong wala pa man kami sa dulo ay hinding hindi ko pagsisisihan na nagtungo kami kaagad dito dahil sobrang hindi ko ipagpapalit ang mga nakikita ko ngayon sa unang araw namin.

After those rocky climbs and enjoyable laughters above the folding rocks and our moments together. We finally saw a straight trail!

Halos magtakbuhan kami noong makita namin ang hindi lubak at de-kahoy na trail na iyon. At halos magtatalon kami sa saya noong makita namin iyong Mount Halla.

Nagpicture kaming lahat dahil doon. Napayakap din ako kay Gab Gab sa tuwa. Ang saya sobrang saya. Wala na akong ibang alam na salita kung hindi saya dahil sa paglalakbay naming ito.

Tumigil kaming lahat sa may taas at doon muna nagpahinga. Nagkaniya kaniyang hiwlaay ulit kami para lamang sa pagkuha ng litrato at syempre para makapag-usap nang kaniya kaniya. Iniwan ko din muna si Gab Gab naka-upo sa isang tabi habang namamahinga.

Habang naglalakad ng akin ay napansin ko si Shana at JJ na tumungo sa may kalayuan sa amin. Walang katao tao doon sa pinuntahan nila pagkatapos ay matatanaw mo din doon ang ganda noong lugar.

Nagtago ako nang bahagya sa isang banda na hindi nila makikita. Malayo sila sa akin at alam kong hindi nila mararamdaman ang presensiya ko o maging maghinga ko. Napakunot noo din ako sa pagtatakha kung bakit dito dinala ni JJ si Shana matapos naming maglakbay ng pagkalayo layo.

Nakangiti si Shana habang pinagmamasdan ang ganda noong lugar. Kahit malayo sila ay naririnig ko ang kanilang sinasabi dahil na din sa tahimik na paligid at idagdag mo na din na wala talagng tao dito liban sa aming tatlo.

"Shanaya Yuri Roberts..." Hindi ko alam pero parang may humaplos sa puso ko nang sambitin iyon ni JJ. Sobrang sarap pakinggan, punong puno nang pagmamahal. Imbis na lingunin ni Shana si JJ ay nakita ko ang pagngiti nito. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na kuhanan sila ng litrato mabuti na lamang at hindi tumunog iyong kamera.

Niyakap ni JJ si Shana mula sa likod, pagkatapos ay ipinulupot ang kamay sa may bandang baiwang at tiyan ni Shana. Hinawakan naman iyon ni Shana. Parehas silang nakangiti. Muli ay ginamit ko ang kamerang hawak hawak ko.

"Yuri..." Banggit muli ni JJ. "Dai suki da yo..." Hindi ko mapigilan mapangiti noong sabihin iyon ni JJ sa lengguwahe kung saan nagmula ang ninuno ni Shana. That's why there's a Yuri in her name, her great great grandparents were from Japan.

Para kay Shana hindi mo kaya basta banggitin sa kaniya ang salitang iyon sa hapon, dahil malalim ang ibig sabihin noon para sa kaniya. At ang makita ang reaksyon niya halos maluha luha na may kasamang ngiti ay talagang ikinagalak ng damdamin at puso ko.

Shana's never the kind of girl who will tell you directly how she feels. Ni mga lalaki nga hindi makalapit sa kaniya noon dahil sa maangas nga ito at daig pa ang lalaki kahit sobrang babaeng manamit. Pero nang dumating si Jj sa buhay niya... Hindi maikakaila ni Shana na marami talagang nagbagao sa pananaw niya dahil sa doofus na iyon.

"Blaze." Shana vocalized. "Do you ever regret loving me?" Medyo natigilan ako sa seryosong usapan nila na pakiramdam ko ay dapat umalis na ako dahil hindi ako nababagay dito pero hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. May bato yata na biglang dumagan sa paa ko kaya hindi ako makakilos kahit katiting.

"No." Sagot ni Jj nang direkta. "Ikaw ang naging dahilan kung bakit ako nabuhay noon kahit gusto ko nang lumisan. Higit pa sa salitang mahal kita ang makakapaglarawan kung gaano ka kahalaga sa akin." Buong pusong dugtong pa nito.

"Ikaw, Yuri? Do you regret loving me?" Balik tanong ni JJ. Habang nakayakap si JJ sa kaniya ay humarap si Shana. She slowly shook her head at saka niya marahang hinaplos ang pisngi ni JJ at marahang ginawaran ng halik sa may tungki ng ilong.

"You are the best thing that happened to me." Halos mapanganga ako nang sabihin iyon ni Shana, gusto kong magtitili sa saya sa totoo lamang. Hindi ko akalain na ang katukad ni JJ ang magpapalambot sa maton na katulad ni Shana.

Napangiti si JJ sa naging sagot nito.

Humiwalay siya sa yakap at halos malaglag ang puso nang marahang lumuhod si JJ sa harapan ni Shana.

Oh my gosh! Napatutop ako ng kamay sa mukha dahil sa eksenang iyon. Awtomatikong gumalaw ang kamay ko para kuhanan sila ng litrato.

Shana's freaking crying when I zoomed in the lens! Hindi ako makapaniwala. Maging ako ay nanubig ang mga mata dahil sa nararamdamang saya at maging sinseridad! Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil halo halo ito na akala mo'y si Gab Gab ay lumuhod muli sa aking harapan.

I could not imagine Shana's feelings right now.

"Shanaya Yuri Roberts." Napansin ko na parang babasag ang tinig ni JJ at nasisiguro kong emosyonal na emosyonal ito ngayon.

He held Shana's hand, while Shana's tears are slowly falling down of genuine bliss.

"Hindi ako perpekto, hindi ako iyong pinapangarap mo, hindi din ako iyong lalaki na mangangako na lagi kang magiging kasaya kasama ako, minsan masama ang ugali ko, madalas mapaglaro ako, maraming kalokohan... Marami din akong pagkukulang at baka mabilis kitang maiinis, hindi din ako iyong tipo na palaging tatanggap ng pagkatalo mula sa iyo, at hindi din magiging madali ang makasama ako araw araw..." Naramdaman ko ang kakaibang mahika sa mga sinasabi ni JJ.

I am secretly intruding his words and taking pictures of them, yet I am not regretting what is happening at this moment.

"Pero, sinasabi ko sa iyo Yuri. Umulan man o bumagya nandito ako para sa iyo, mawalan ka man ng masasandalan, handa akong ibigay ang balikat ko, magsakit ka man o mahirapan nandito ako mag-aalala at aagapay sa iyo, mahirapan ka mang pakisamahan ako, magiging totoo ako sa harap mo, hindi man ako iyong pinapangarap mong lalaki, ipapakita ko sa iyo kung gaano ako kaseryoso, may hindi man tayo pinagkakasunduan, handa akong magbago, dumaan man ang napakaraming suluranin, mananatili ako sa tabi mo... I may not have everything in this world, but I am willing to give you my life. Hindi ko maipapangako na hindi ka iiyak, pero tandaan mong mananatili akong nagpapahalaga sa iyo sa sa hirap man o ginhawa. Iyong pagmamahal ko sa iyo, Yuri, iyon ang maibibigay ko sa iyo nang buong buo. Mahal na mahal kita... I love you so much... Ai shitemasu yo." Doon ko nakita kung paano magpatakan ang mga luha nila sa mga mata. Lalong lalo na noong ilabas na nito ang singsing.

Ako na hindi emosyonal sa ganitong bagay ay hindi mapigilan maramdaman ang sobrang sinseridad at umaapaw na pagmamahal nila sa isa't-isa. May iilang luha na din ang pumapatak sa mga mata ko.

I captured their every moments.

"Shana Yuri Roberts... Will you be my Mrs. Williams?"

Agad itinayo ni Shana si JJ noong pagkakataong iyon at saka tatango tango itong niyakap. Si Shana naman ay hindi mapigilang mas lalo pang maiyak. Nabuhat siya ni JJ sa saya at saka ito pinaikot-ikot.

"Yes, yes, yes. I will be your Mrs. Williams..." Mahinang sambit pa ni Shana sa kaniya at saka siya niyakap nang mas mahigpit.

Hindi ko alam pero sobrang tumagos talaga sa puso ko ang tagpong iyon. Lalong lalo na noong isuot ni JJ ang singsing kay Shana. At kung gaano mo makikita ang saya sa mga mata nilang dalawa.

It's so magical... epic... and pure.

Sobrang saya ko para sa kanilang dalawa.

JJ kissed Shana after he put the ring on her fingers. Iyon na din ang naging hudyat ko para umalis sa lugar na iyon. Bawat segundo ng kasiyahan nila nasaksihan ko at nakuhanan ko pa ng litrato.

Pinahid ko kaagad ang mga luha ko at saka ako huminga ng malalim bago tuluyang tinahak ang lugar kung saan nandoon ang mga kasama namin.

JJ's proposal to Shana isn't the romantic proposal every girl would like or would dream, but seeing how blissful they are and how sincere that scene was... And how it was full of magic and love... It was extraordinary. It was the perfect moment, the best time and the most suited place for the two of them.

The nature was a witness of their endless joy and emotion. Masasabi kong iyon ang isa sa pinakamaganda at pinaka-espisyal na nakita ko sa buong buhay ko.

Parang itong lugar na pinuntahan namin. Napakaraming paliko-liko, napakaraming mahihirap akyatin na bahagi, nakakapagod, malubak, at delikado ang daan patuloy pa din naming tinahak dahil sa kabila nang lahat nadoon iyong magandang tanawin, nandoon iyong kasiyahan namin, nandoon din ang pakiramdam na hindi mo ito pagsisisihan at ang kakaibang pakiramdam ng pagkakuntento.

Sina Shana at JJ ay parang ganoon. Sa hinaba haba ng daang tinatahak namin at sa mga paghihirap nila. Sa kasal din ang naging tuloy nila.

Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangiti.

I think... I already have a wedding gift for both of them.

Naiiso ko iyon habang nakangiti at hawak hawak ang kamerang ginamit ko.

NANG makarating ako sa lugar kung nasaan sila ay napansin ko na nagkwekwentuhan sila at patuloy sa pagkuha ng litrato. Walang kamalay malay sa naganap doon sa dalawa at hindi din kuryoso.

Nilapitan ako ni Gab Gab matapos akong makita. "Saan ka galing? Hindi kita makita kanina pa." Kunot noong sambit niya. Nagkibit balikat ako. Hindi ko para sabihin sa kaniya ang nasaksihan ko dahil ayaw ko nang tumawid pa ng linya kayna Shana at JJ. I alrealy crossed the line taking pictures of their wonderful moment.

"Nothing. Naglakad lakad lamang para makita ang magandang tanawin." Maikling sagot ko sa kaniya at kagaya ng inaasahan kuntento na siya sa sagot kong iyon.

MATAPOS ang pahinga ay nakumpleto na kaming muli at tinahak namin ang daan para makabalik na sa aming inumpisahang trail kanina.

Shana and JJ did not tell us—or should I say, them, what happened though the happiness is evident in their sparkling eyes. Mukhang hindi pa ito ang oras para sabihin nila ang kanilang magandang balita.

"Let's eat?" Tanong ni Skyler noong nandito na kami sa parking.

"Sige!" Sambit ni Annick na halatang gutom na agad dahil sa tagal naming pumanik at pumanaog sa lugar.

Matapos noon ay napagdisisyahan na naming sumunod kay Skyler para makapunta sa aming kakainan.

"Saan mo gustong pumunta?" Tanong sa akin ni Gab Gab noong makasakay kaming dalawa kotse. Inayos ko muna ang buhok ko at saka ko tinaggal ang jacket ko bago sumagot.

"Kakain muna, tapos tara na sa tutuluyan natin. Bukas tayo mamasyal ulit, maraming araw pa naman ang ilalagi natin dito." Nakangiting sambit ko sa kaniya. He kissed my forehead which caught me off guard.

"Your words are my command, baby." He told me while grinning that made me chuckled.

***

Matapos kumain at dumiretso na kami sa hotel na tutuluyan namin. Napagpasyahan namin na sa Lotte Hotel mag-check in dahil na din mas malapit doon ang mga gusto naming pumtahan kinabukasan.

Wala na kaming pupuntahan sa araw na ito dahil sa matinding pagod mula sa biglaang hiking. Malayo din ang Lotte mula sa pinanggalingan namin kaya kaming mga babae muna ang magmamaneho ng kotse sa loob ng isang oras bago ito ipasa sa mga lalaki dahil na din alam naming pagod na sila.

Sa loob lamang ng araw na ito ay sobrang dami na agad na nangyari at halos nakapunta na kami sa ibabang bahagi ng Jeju samantalang galing kami sa itaas noong lumapag kami sa airport.

Habang nagmamaneho ako ay napansin kong umidlip si Gab Gab. Kahit naman sanay kami sa mga pagsasanay at akyatan na ganoon nakakaramdam pa din kami ng pagod. Hinayaan ko na lamang ang asawa ko na natutulog habang itinuon ko na lamang ang aking atensyon sa daan.

Halos dalawang oras din akong nagmamaneho at hindi ko na ginising pa si Gab Gab dahil alam kong pagod ito dahil simula kanina ay siya na ang nagmamaneho. Noon ngang malapit na kami ay napansin kong iyong mga babae pa din ang nagmamaneho at hindi na din sila nakipagpalit sa mga lalaki.

The hotel was extravagant. Maganda at mayroon pang malaking pool sa harap nito. Hindi ko pa man nalalarawan ang buong ganda noong lugar ay narinig ko na ang tuwnag tuwang tili nina Alyx.

"Oh my gosh! Oh my gosh! It's sooo bonggalicious!" Halos magtatalon na ito sa saya. Natawa kaming lahat kay Alyx.

"Kalma Alyx." Natatawang sabi ni Lian sa kaniya.

Naglakad na kaming lahat para magtungo sa loob, habang nag-uusap usap.

"May Hello Kitty rooms daw sa loob!" Annicka exclaimed giddily. Alyx stopped walking for a second and screamed in delighted.

"Omo omo omo!" Agad siyang lumapit kay Thon Thon dahil doon. "Pwede ba kami doon? Doon na lamang kamiii!" Hindi mapakaling hiling nito kay Thon Thon, natawa si Thon Thon sa gusto ni Alyx.

"Kurt?" Tanong ni Thon Thon kay Kurt na siyang nagpa-asikaso ng pagtuloy namin dito.

"Ahm..." Nag-aalinlangang imik nito. "I booked the Premiere Pool Villa Suite Garden for us." Diretsong sambit nito na kaagad na pinanlumuhan ni Alyx.

"Next time, cutiebabe." Pang-aalo sa kaniya ni Thon Thon.

"Hala Alyx! Sayang oh! Ang ganda pa naman!" Agarang imik ni Annicka at saka ipinakita dito ang kaniyang mobile phone para ipakita ang mga litrato ng kwarto sa character rooms nitong hotel.

"Hala! Oo nga! Ang ganda!" Tapos ipinakita pa niya sa amin isa isa iyong picture ng kwarto. Napangiti naman ako doon. Lalo na doon sa pambatang mga kwartong. Little kids will surely love those.

"Alyx malaki ka na, let the kids enjoy those rooms and the hello kitty fanatics." Natatawang sabi ni Shana, kaya napanguso si Alyx.

Nakarating kami sa tulong na din noong mga nagtratrabaho dito sa suite na sinasabi ni Kurt. I am amazed by the room and the view of the suite. Maganda at mayroon pang pool kaya naman mas gugustuhin ko ito kaysa sa mga gusto ni Alyx kanina.

Mukhang natahimik din si Alyx noong makita iyong disenyo noong tutuluyan namin at nakikita ko sa mga mata niya na mas gusto niya ito kaysa sa Hello Kitty rooms. Iba iba kami ng kwarto dahil hindi kami kasya lahat doon, pero paniguradong magtitipon tipon sila mamaya dito sa may pool sa tinutuluyan namin ni Gab Gab para magkwentuhan.

Nagpahinga muna kami at umidlip muna ako dahil ngayon naramdaman ng katawan ko ang pagod. Bago din ako makatulog sa kama ay naramdaman ko ang halik ni Gab Gab sa may noo ko at saka ang bigat niya na tinabihan ako sa kama.

NAALIMPUNGATAN AKO noong maramdaman ko na para bang may nakatitig sa akin at noong buksan ko ang aking mga mata ay doon ko nakita si Gab Gab. "Tulog ka pa, isang oras pa lamang ang nakakalipas." Malumanay na bigkas niya.

Hindi ako sumagot bagkus ay pinagmasdan lamang siya.

"Gusto mong kumain?" He asked softly. I shook my head. Kakain na naman? Puro pagkain yata ang ginagawa namin dito. I chuckled because of that though making him confused. Magsasalita sana siya pero pinigilan ko na noong ilagay ko ang hintuturo ko sa kaniyang labi.

"Saranghae..." I whispered, he smiled. We stared at each other with happiness in our eyes.

"Sag-app-oh." He replied mellowly.

"I told them not to disturb us." Mahinang dugtong pa nito. Kaya pala wala sina Alyx para mambulabog dito. Mukhang may kaniya kaniyang oras na naman kami para sa isa't-isa. Mabuti na iyon dahil alam kong gusto din nila ng pribadong konbersasyon at ganap.

"Light..." Tawag niya sa akin habang nakatitig.

"Gab Gab..." Sagot ko naman sa kaniya.

Walang nagsalita sa amin matapos noon, at kahit ganoon sobrang panatag ng pakiramdam ko at wala na akong mahihiling pa. Ang haba at ang saya ng araw na lumipas, sanay ganoon din bukas.

***

To be continued...

Note: Pictures are not mine! Credits to the owner.

Kamusta ang paglalakbay sa Jeju-do, particularly sa Yeongsil Trail sa Hallasan National Park? Hahaha! Na-experience ninyo din, kasama ang mga characters? Hahaha! Anyways, abangan ang kasunod na kabanata!

Question:
Malapit na po bang matapos?

Answer:
Sadly, yes.

Anyhow, Advance Happy Hearts Day! <3

26.27

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top