Liar 4: Puissance
“Dear Light,
PS: Oo, kaunahan ang PS ko kaya huwag kang kumontra. Haha. Kapag binabasa mo itong mga nakasulat sa diary na ito, makikita mo kung gaano kaganda ang isang Empress Gloom Smith. Joke. Basta, kapag binabasa mo ito, baka... ahm, nasa ibang lugar na ako, in other words baka... deds na me, oppps. Huwag kang iiyak, babatukan ka ng espirito ko. Isipin mo na lang, nauna lang ako magpahinga, kukunin din kita. Bwahahaha. Pero eto, seryoso, don’t blame yourself, and live happily. Read every pages, according to what you feel. Light, I’ll always love you, and our family.
Nagmamahal ang pinakamagandang kakambal mo,
Gloom. ♥”
Nakakulong ako ngayon sa isang madilim at tahimik na kwarto, habang nakaupo sa kama. Malapit ako sa lampshade, kaya’t nababasa ko ang sulat kamay na diary ng kakambal ko. Hindi ko alam kung maiinis o matatawa ako sa kauna-unahang page noon. Kahit kailan talaga tss.
Maraming beses ko na itong nabasa, subalit ang epekto nito sa’kin katulad pa rin noong unang pagkakataon na mapasakamay ko ito. Noong bumalik ang mga ala-ala ko, at naalala ko ang sinabi niyang diary bago siya mawalan ng buhay, hinanap ko agad ito, at nagtagumapay akong makamit ito.
Binabasa ko ang diary na ito according to what I’m feeling kagaya ng sinabi ni ate Gloom sa unang pahina. Napangiti na lamang ako ng mapait, habang may tumutulong luha galing sa mata, at napahawak na lamang ako ng mahigpit sa diary. Ang diary na ito, ang nakakapag-comfort sa’kin sa ganitong sitwasyon, sa sitwasyon ng matinding kalungkutan at galit.
Uncle Peter... just fucking died. Damn it.
Ate Gloom knows me the best. Kaya niya siguro ginawa ang diary na ito, bago pa man siya mawalan ng buhay. She’s always ready, kaya nakapag-iwan pa siya ng bagay na makakapag-pakalma sa’kin.
Nitong nakaraang taon, I’m really planning for a bloody revenge, pero tuwing nababasa ko ang diary niya, nawawala ang iniisip kong iyon, at gumagaan ang pakiramdam ko. Si ate Gloom lamang ang may kakayahan na pasunurin ako sa mga kagustuhan niya... siya lamang. She controls me, and I love it. Hindi ko kasi nakikita ito biglang manipulation, ngunit nakikita ko iyon bilang isang guide.
Ngayong gustong gusto kong bumalik sa pilipinas, at patayin lahat ng may sala, pinipigilan ko ang sarili ko, kaya binabasa ko ulit ang diary na iniwan niya sa’kin.
Uncle Peter just died, and I feel lost again, and again. Yes, they lied to me, but it doesn’t affect nor erase the fact, that they raised and protected me. Nakakatanga na lang kasi iyong nangyayari, yes, I’m powerful but I feel helpless.
Bakit hindi na lang kaya ako iyong mamatay talaga? Bakit palagi na lamang iyong mga taong nakapaligid at nag-proprotekta sa’kin ang nagbubuwis ng sarili nilang hinga para sa’kin? Nakakapanghina. They are afraid of me, they see me as an evil demon but ironically, I’m just a mere lost person seeking for justice.
It’s been one year since na-coma si tito, umaasa ako ma-susurvive niya iyon, na magigising pa ulit siya, at sa pag-gising niya maayos na ang lahat at nagawa ko na ang dapat kong gawin. Pero sa isang iglap, nawala lahat iyon, gumuho lahat ng pangarap na iyon.
I just can’t believe it myself, that he already died. Hindi matanggap ng sistema, utak at puso ko iyong ibinalita sa’kin kanina. Parang isang bangungot nanaman na hindi ako magising gising. I was dumbfounded when I heard that news. One moment, I just suddenly want to go back and kill them all, yet I’m here calming myself down. Alam ko sa sarili ko kapag bumalik ako, mas marami ang mamatay, mas marami ang mapapahamak, kaya’t naghihintay ako ng tamang pagkakataon at tamang panahon. At alam ko rin sa sarili ko na malapit na iyon.
Patuloy lamang ang pagpatak ng luha ko at hinayahaan ko ang mga ito. I feel so pathetic for crying in the corner, pero siguro naman kahit ngayong gabi lamang pwede ulit akong maging mahina, dahil hindi sa lahat ng pagkakataon, kaya kong maging malakas.
“Ate Gloom...” Mahinang banggit ko, umaasa na pagagaanin niya ang loob ko.
Inilipat ko sa ibang pahina ang diary, medyo nahirapan din ako ng kauntian dahil nanginginig ang kamay ko at nanlalabo ang paningin ko. Gayunpaman, hindi naging hadlang iyon upang mabuklat ko ang pahina na hinahanap ko, at saka iyon sinimulang basahin.
“Feeling sad, helpless, and vengeful? Read this, Light.
Hoy, kakambal ko! Iuuntog kita makita mo. Ikaw si Light Smith, ikaw ang may pangalan ng liwanag sa ating dalawa, patunayan mo! Minsan nga iniisip ko baliktad tayo ng pangalan e, how come na ako si Gloom pero ang loka-loka— ako, tapos ikaw si Light na maraming pasanin sa mundo? Aish! Si mommy at daddy ang may sala! Hustisya! Joke lang. Haha. Smile ka na twin.
Sa buhay kasi talaga natin may pagkakataon na malulungkot tayo, na iiyak na lang tayo sa isang tabi, na pakiramdam natin lahat ng problema sa mundo karga karga natin. Syempre, ganun talaga iyon. Feeler kasi tayo. Charought lungs.
Hays, jusme ano ba itong sinusulat ko. Mas ma-de-depress ka ata e, sisihin mo sina Alyx, iyan ang natutunan ko sa kanila, huwag seryosohin masyado ang buhay, at makisabay.
Pero, eto na talaga. Seryoso...
Yes, Light, mararanasan at mararanasan natin iyong pakiramdam na iyon, hindi naman kasi sa buhay ng tao, puro saya lang, andyan pa din ang kontrabidang lungkot at puot. Pero, Light huwag ka magpadalos dalos kapag iyan ang nararamdaman mo. I know how dangerous your attitude can be when you feel these emotions, hindi mo maitatanggi iyan Light. I also have the same feelings, kambal kaya tayo, kaya kahit anong tanggi mo may parehas sa ating dalawa. Always stay calm, keep yourself collected, and let yourself feel the sadness over the grudge. Malungkot ka muna, umiyak ka muna, maging mahina ka muna kahit panandalian lamang habang hindi iniisip ang galit. Just go back to the memories of the past, kung saan nakangiti ka, kung saan tumatawa ka, tapos hayaan mo ang sarili mo na mamiss iyon. Kapag okay na, makikita mo unti-unti kahit hindi mo napapansin, iyong kalungkutan na nararamdaman mo magiging lakas mo. Bakit? Because you hold on into those memories, you cherish each one of them, don’t let it be your weakness use it as your strength, as your motivation. After a while, let out a deep sigh and gather yourself together.”
Hindi ko pa man natatapos iyong pahina na iyon, napatigil na ako, at humikbi ng humikbi. The moment I read those words, it’s like I’m hearing her say it to me, at kada salita niya dumiderekta sa puso ko.
Marahan kong ipinikit ang mga mata ko, at pagkapikit na pagkapikit ko, bumabalik ang ala-ala nina tito Peter at tita Brina sa’kin. Iyong mga pag-sigaw nila sa’kin dahil sa pagiging makulit ko, iyong pag-aasar namin nina Alyx na gurang na sila, iyong panunukso namin na magpakasal na sila, iyong masasarap na luto ni tita, iyong walang katapusang rants ni tito, iyong kapag hindi ako makatulog kapag gabi dadalhan ako ni tita ng gatas, pati na din ang pag-hatid sundo sa amin ni tito noon. All at once, it’s flashing in my head, those memories I shared with them... I miss those, I really miss those.
Ramdam na ramdam ko iyong kalungkutan, pangungulila at sakit sa puso ko. I feel devastated and shattered. Sa mga simpleng ala-ala na iyon, para iyong mga saksak na hindi ko maiwasan, para iyong mga tira na unti unti akong pinapahirapan... ngunit, matapos kong maalala ang lahat ng iyon... kahit papaano nagkaroon ako ng kaunting lakas. Ang lakas na bumangon, bumawi at makaramdam ng determinasyon na kaya ko iyong lampasan.
Ate Gloom’s right, kahit naman maging malungkot ako, malalampasan ko rin ito. She believed in me more than I believed in myself, kaya with her little words echoing inside my head, I know I can surpass everything. With her in my heart, I know in myself, matalo man ako, gumapang man ako, harapin ko man ang kamatayan... makaka-ahon ako, dahil hindi ko hahayaang manghina ang puso ko, kung nasaan ang kakambal ko.
Kagaya ng sinabi niya, I let myself let out a deep sigh, and after that, kahit katiting gumaan ang pakiramdam ko, dahil pakiramdam ko kino-comfort ako ng kakambal ko.
Matapos noon, pinagpatuloy ko ang pagbabasa ng sinulat niya.
“Sigurado ako kasama ng lungkot na iyan ang galit. Ganun ka kasi Light, masyado kang madrama sa buhay. Hindi syempre joke lang, alam ko naman na halo-halo agad ang emosyon na nararamdaman mo. Minsan, pure sadness, pero minsan kakambal din nan ang galit. Let it out Light, but be sure you know what you’re doing. Hindi puwedeng gagawa ka na lang ng basta bastang desisyon, kilala kita, matalino ka, we are both Smith, twin sis, we both came from the hoodlum empire, mautak ka, sana gamitin mo ng ayos iyon.
Rushing things, ruin things.
Tandaan mo iyan. Don’t seek revenge, seek justice. Follow your heart, sometimes it can lead you to a perfect timing. Trust yourself because no one is better. Always remember, just look up upon the stars when you feel helpless, because I’m there, wishing to see you stand up and fight. Hindi ko alam kung paano ka icocomfort sa ganitong sulat thingy, kung maayos at buhay pa ako, isang yakap ko lang alam kong gagaan ang pakiramdam mo, ako pa! The best ate in the world ata ito. Hindi joke, alam ko naman may pagkukulang ako biglang ate. Mianhe, Light. Mianhe.
In gloom there’s light, always remember that. Kung gusto mo ng sumuko sa buhay, please... fight for me. I know, alam ko sa sarili ko, na ako dapat ang lumalaban para sa’yo, yet eto ako nasa isang puting kwarto, tahimik na humihiling na sana maging maayos kayo.
Smile, Princess Light Smith. Smile for me.
Love your selfless twin,
Gloom. ♥”
Napa-ub-ob na lamang ako sa tuhod ko matapos kong basahin iyon. Tama siya, napaka-selfless niya. Alam na niyang may taning ang buhay niya noon, tapos kami pa ang inaalala niya? How could she! I wanted to slap her hard because I hate it! I fucking hate that she sacrifices almost everything just for us. I hate it.
Masakit, mahirap at nakakapanghina ang lahat lahat, pero kahit ganoon, kahit sa simpleng mensahe niyang iyon, pakiramdam ko, yakap yakap niya ako ngayon— trying her best to take away all the pain I’m feeling. Ganun kalakas ang epekto ng mga salita niya.
Iyong urge ko na patayin lahat ng may sala, umuurong, pero ang galit ko hindi nawawala. When the right time comes, they’ll pay. I’ll let them reach the top and then eventually, I’ll make sure they will face their slow and ruthless downfall.
The death of Uncle Peter, just made me turn into a second level demon. Yes, I’m a lost helpless girl, in the facade of a monster, pero hindi ibig sabihin noon, magtatagal ako biglang mahina, dahil minsan marunong din magpahinga ang demonyo, at pagkagising nito magiging mas malakas ito kaysa sa inaasahan mo.
***
Halos ilang araw na ang lumipas, simula noong ibalita sa’kin na patay na si Uncle Peter, we’ve also confirmed it, at alam kong ngayon ang libing niya. Naudlot din ang paghahanap sa’kin ng Improbus Ille Imperium dahil sa nangyari. Samantalang ako ay nanatili pa din dito sa Spain at nagpapalamig ng ulo.
Ilang araw na din akong nakakulong lamang sa lair namin dito, hindi lumalabas at sumasali sa gang fights at iba pa. I’m still mourning in peace.
Matapos ang ilang araw na pananatili kong magluksa at maging mahina, nakapagdesisyon na akong lumabas sa lair, para pumunta sa tinatawag na “Ruthless City” dito sa Spain. If Germany have the Heartless City, Spain have the Ruthless City.
Pinatay na nila ang tanging iniingatan ko sa Pilipinas, sa tingin ba nila may kakatakutan pa ako? I have nothing to lose, because in the first place, they’ve taken it all away from me. Malapit na. Maghintay lamang sila, babawiin ko ang lahat ng kinuha nila.
“Riyah.” Napalingon ako noong may tumawag sa’kin.
“Woah, himala. Akala ko haharapin ko nanaman ang bingit ng kamatayan. Kamusta ka na?” Mahabang litanya niya. Imbis na sumagot, sinuot ko lamang ng isang pendant at saka siya nginitian ng tipid. Dumiretso na ako sa garahe ng lugar na ito, at saka kinuha ang isang sports car.
“Teka, sandali! Saan ka?” Muli akong napalingon dahil nandito nanaman si Kurt. Sinamaan ko siya ng tingin kaya’t mabilis siyang napa-atras.
“Wala kang paki-alam kung saan ako pupunta.” Mahina ngunit mapanganib na bigkas ko. Napalunok si Kurt dahil sa inasta ko. Kaya’t dumiretso ako sa driver’s seat at mabilis na minane-obra ang sasakyan saka ito mabilis na pinaharurot.
Matapos ang ilang araw na pagiging kalmado at tahimik, naramdaman ko sa sarili ko ang pagiging doble ng lakas ko. Ang lakas na taglay ko na simula pa pagkabata ko.
Tandang tanda ko noon, halos walang araw na hindi ako nagpapakapagod upang maging isang skilled na heiress. Hindi ako ganito kalakas ngayon, kung hindi dahil sa pinagdaanan ko sa buhay ko. I’ve achieve everything through hardwork and faith. All those times, all those hardships, all those cruelties, I’ve faced those, kahit takot na takot ako, kahit sobrang lungkot ko, kahit parang mamatay na ako, hindi ako sumuko para sa pamilya ko at para sa kakambal ko.
Nakarating ako sa puntong ito, hindi ako susuko dahil lamang sa kamatayan ni tito, gagamitin ko ang kamatayan niya para maging kalakasan ko at sisiguraduhin kong hindi iyon magiging dahilan ng pagbagsak ko.
Did he really died because of being comatose? Or is there another reason? Namatay nga ba talaga? O baka naman... pinatay?
Napangiti ako ng palihim dahil sa iniisip ko. They just pulled another trigger inside of me. They’ve just created another monster within me. Nakakatakot na talaga ang nagagawa ng galit ngayon, dahil ramdam na ramdam ko sa buong katawan ko ang lakas na matagal ng gustong kumawala ulit sa katawan ko.
Mas binilisan ko pa ang pagmamaneho sa sasakyang ito. Mahigpit din ang pagkakahawak ko sa manibela. Hindi na ako makapaghintay na makalaban ang isa sa pinaka-malakas na sword master dito sa Spain. Naeexcite din akong makakita ng dugo. After the days of mourning, it’s now time for something fun. Maybe not just fun but bloody.
***
Perseus Kurt’s POV
Pakiramdam ko sumabog ang puso ko sa kaba dahil sa mga kataga at mga matang iyon. Hindi ko rin maiwasan na mapahawak sa dibdib ko dahil sa simpleng conversation namin na iyon.
Kaalis lang ni Riyah, habang pinahaharurot ang isang sports car, samantalang ako ay nanatili pa ding nakatayo at nakatulala.
Nakikita ko, hindi lang pala nakikita, nararamdaman ko rin ang matinding lakas at galit kay Riyah kanina. Shit. Bakit ba ako natatakot sa babae? Pero, si Riyah ang pinag-uusapan, kahit sino naman talaga matatakot sa kaniya.
Nakakapangilabot iyong tipid na ngiti niya kanina, pati na rin iyong mga mata niya. It was like I can saw a glint of burning anger in those. Naiisip ko pa lamang iyong titig at itsurang iyon, goosebumps lamang ang nararamdaman ko.
I can clearly see now the demon of two years ago, mali, hindi lang demonyo ng two years ago, mas matinding demonyo sa nakita ko noon. Tangina naman, dapat talaga hindi ginagalit si Riyah, kayang kaya talaga patalsikin noon si satanas sa impiyerno.
“Hoy!”
“Fucking shit!” Hindi ko maiwasan makaramdam ng matinding kaba dahil sa biglang pang-gugulat sa’kin ni Thunder este nung gurang. Masyado ata akong nadala sa malalim na iniisip ko kaya’t hindi ko siya napansin man lamang.
“Gago. Bakit ka ba nakatigil lamang diyan? Nakita mo si Blue? Wala siya sa kwarto niya.” Sabi nito na tila lumilingon din sa paligid at hinahanap si Riyah.
Nag-simula akong maglakad, at saka ako sinundan ng gurang, habang naglalakad din nakasalubong namin si Trevor.
“Where’s the demon?” Takhang tanong din nito sa’min.
“Umalis, dala niya iyong isang sports car.” Maikling banggit ko. Para namang tinakbuhan ng kaluluwa iyong dalawa dahil sa sinabi ko.
“Saan papunta?” Mabilis na tanong pa ni kuya Thunder. I shrugged dahil hindi ko naman alam kung saan papunta si Riyah, nakakatakot sundan o kung ano man, mamaya matuluyan na talaga ako. Tss. Nakakabakla talaga kapag siya ang katapat mo, kahit gaano ka pa ka-angas at katapang mapapatras at mapapaatras ka, titig pa lamang.
“Damn you, Kurt! You should have never let her!” Asar na sigaw sa’kin ni Trevor, agad ko siyang binigyan ng suntok ngunit naiwasan niya iyon, at saka ako masamang tiningnan. Hindi ko siya pinansin at inilagay ang mga kamay ko sa bulsa ng pantalon ko. Bakit ko pipigilan si Riyah kung kamatayan ang kakaharapin ko? Huwag na.
“Bakit ba?” Asar na tanong ko sa kanilang dalawa. Ano bang paki-alam ko kung aalis ng kanya si Riyah? Malaki na siya, alam niya ang ginagawa niya. Yes, she was mourning the past days, pero alam kong ma-o-overcome niya din iyon.
“Don’t you know how dangerous she is, after every mourning or after being so depressed?” Kuya Thunder said while gritting his teeth, sabay takbo papunta sa garahe kaya’t mabilis kaming sumunod ni Trevor.
“Argh. Tss.” Mahinang banggit naman ni Trevor sabay sakay sa sasakyan, kasunod akong sumakay sa shot gun, at mabilis din nagmaneho si kuya Thunder. Itong mga ito, hindi pa nasanay kung gaano kabrutal at kawalang puso si Riyah. Tsk.
“She’s a newborn demon today.” Iiling iling na sabi ni kuya Thunder. Tss. Alam ko, at wala akong balak pigilan iyon. Hindi na big deal sa’kin ang pagiging agresibo at brutal niya dahil nakita na rin iyon ng mga mata ko noon, idagdag mo pa ang araw araw na kaba na nararanasan ko dahil sa mabilis na reflexes niya.
“How come she’s like that, after a tragedy?” Trevor curiously asked.
“Because every weakness inside her, will be formed into a new strength.” I stated seriously, that causes a sudden tension. Ganun talaga si Riyah, kahit anong pilit mo siyang pabagsakin, babalik siya na may ipapakitang bagong lakas. You can never win against her even if you use her weakness, because it’ll eventually be her puissance. That’s why, I became her ally, hindi ko kakayanin kalabanin ang babaeng sobrang lakas, at halos kapatid na nang babaeng minsan ko nang minahal ng lubos.
Hindi nagtagal nakarating kami sa ruthless city. Sobrang bilis noon, dahil kay kuya Thunder. Pagkarating namin doon, entrance pa lamang ng halos isolated na lugar na ito, may ilang bangkay na nakahiga sa sahig. Mukang gawa ito ni Riyah, o kung hindi baka may gang fights nanaman.
Diniretso lamang ni kuya Thunder ang sasakyan hanggang makarating kami sa isang malaking building na parang arena. Mukang hunted na din ito at makaluma. Madilim na din ang paligid dahil sa pagkagat ng dilim.
Binuksan ko ang sasakyan at pagkabukas ko noon, malakas na sigawan ang narinig ko, mukang galing ito sa loob ng arena. Mukang may labang nagaganap dahil sa lakas ng sigawan.
“Hay una pelea.” Hindi ko ganung narinig ang sinabi ni Trevor, dahil espanyol ata iyon at dahil na rin sa lakas ng ingay. Sabay sabay kaming tumakbo papasok doon, dahil mukang intense talaga ang laban.
Pagkapasok na pagkapasok namin, kanya kayang cheers at pambato ang nandoon, may mga ilan din akong nakita nakikipagpustahan, medyo masikip din ang lugar dahil sa sobrang daming tao. Kaya’t nagsumiksik kaming tatlo. Hindi rin nagtagal gamit ang lakas namin, nakakuha kami ng magandang pwesto kung saan kitang kita namin ang nangyayari sa stage na nasa baba.
“Shit. That’s Lufer!” Malakas na sigaw ni Trevor, kaya’t sabay kaming nagkatiginan ni kuya Thunder. He’s the most famous sword master here in Spain. Sa sobrang lakas at utak ng lalaking iyan, kahit si Trevor walang laban.
“Es imposible superarlo.” Dugtong panito habang tutok ang mata sa stage.
Makikilala mo agad si Lufer dahil sa mala-Vendetta appearance nito. Iyong puting maskara niya na may kakaibang ngiti, kulay itim na kapa, at isang espada.
Pinalilibutan ngayon si Riyah ng mga naka-itim na lalaki, ang dami nila nasa sampu siguro iyong mga iyon, pagkatapos solo lamang si Riyah sa gitna. Alam kong siya iyon, dahil sa suot niya. Nakita ko siya kanina bago umalis. Ang angas at sexy ng dating niya ngayon, gamit ang isa sa paborito niyang maskara na half dragon mask.
Nasa isang tabi lamang si Lufer na prenteng naka-tayo habang nilalaro ang espada niya. Medyo natahimik din ang lahat noong parang nagpapakiramdaman lamang ang mga lalaking iyon at si Riyah.
“Aaah!” Malakas na sigaw ng nasa sampung lalaki at sabay sabay na sinugod si Riyah. Parang tumigil ang oras ko noon, at napatayo ako mula sa pagkaka-upo. Ramdam ko din ang mabilis na tibok ng puso ko. Lahat ng tao sa paligid ay natahimik bigla. Ngunit lahat ay napa-singhap noong tumalsik ang mga lalaking iyon, at nakangising tumayo si Riyah habang may kakaibang ngiti sa labi.
Hindi ko alam kung ako lamang ba ang nakaramdam ng matinding excitement kasabay ang kaba. Damn that was— that was one of a heck move!
Hindi rin nagpasikot sikot pa si Riyah at mabilis niyang sinugod ang mga lalaking iyon at walang alinlangang pinaslang. Mas lalong umagos ang dugo sa stage, halos kalahati agad ang wala ng buhay. Sobrang bilis ng kumpas ng espada ni Riyah na halos hindi mo na makikita ang moves nito.
Para lamang siyang nagsasayaw at mabilis na tumatalon. Sobrang galing at sobrang nakakamangha, lahat kaming nandito ay nakatitig lamang sa nangyayari kahit sobrang hirap sabayan ng galaw niya.
She’s a flame... A blazing one. People might try to dim her luminance, yet many will take pleasure in fanning the blaze.
Tatlo na lamang ang kalaban niya, pinalibutan nanaman siya ng mga iyon. Mukang naiinip siya noong hindi siya sugudin nang tatlong iyon, kaya’t siya na mismo ang sumugod. Mabilis niyang ibinato ang espada niya pataas. Nagulat ako noong gawin niya iyon. Fuck, that move! Alam na alam ko ang galaw niyang iyon. Bumalik sa ala-ala ko ng panandalian kung paano niya ginamit ang move na iyan noon.
Noong nasa ere na ang espada mabilis siyang tumalon paikot at sa isang iglap tumba na iyong tatlong lalaki, at kasabay noon ang pagsalo niya sa espada. The air spin heart shot. Sigurado akong patay na iyong tatlo. Dahil napaka-pulido ng kilos na iyon, ang tinira ng pag-ikot niya sa ere ay ang pag-sipa niya sa dibdib ng mga tao kung nasaan ang puso. Napaka-kritikal ng ginagawa niyang iyon, ngunit mabilis lamang niyang naisasagawa.
“God! She’s beyond awesome!” Narinig kong hiyaw ni Trevor, samantalang si kuya Thunder naman ay rinig ko ang pag-sigaw sa sobrang intense at excitement. Samantalang ako ay nakatulala at tahimik habang nakakaramdam ng goosebumps sa buong katawan ko.
One on one ang kasunod na laban. Hindi ko alam kung anong gagawin ni Riyah, pero pusisyon pa lamang niya, nakakatakot na. She’s stable and she doesn’t seem tired at all.
Marahang tumayo si Lufer, kagaya ni Riyah hindi siya nag-aksaya ng panahon at mabilis sinugod si Riyah. Napakabilis ng kilos nilang dalawa. Hindi ko makitang umaatake si Riyah, dahil puro depensa ang ginagawa nito. Ang bilis niyang nasasabayan ang mga galaw ni Lufer. Damn! They are par with each other.
Noong maghiwalay sila mula sa paglalaban. Kitang kita mo na may ilang hiwa si Riyah sa damit at pantalon samantalang si Lufer sira sira na ang kapa. Hindi ko akalain na masisira iyon ni Riyah, dahil depensa lamang ang nakikita kong ginagawa niya kanina. Her skills will really make you speechless.
“Damn! That’s our demon!” Proud na pround na sabi ni Trevor, marahil dahil kahit kalabanin niya iyang si Lufer, ang magkahiwa lamang ang kapa noong lalaking iyon ay hindi niya magawagawa. That shows how powerful and mighty Riyah is.
Nagsimula ulit silang maglaban. Sa laban nilang dalawa hindi mo malalaman kung sino ang talo at kung sino ang mananalo. It’s neck to neck. Even the gangsters in here are anticipating who will win, they are all eyes. Sometimes you’ll hear them cheering.
Kitang kita ko sa porma ng labi ni Riyah kung paano siya nag-eenjoy. Mukang natutuwa siya dahil mayroon na kaya siyang sabayan kahit papaano. Halata naman sa kilos ni Lufer ang pagkainis dahil hindi niya matalo talo si Riyah, even his signature moves are on the line.
Naghiwalay nanaman silang dalawa mula sa intense na laban, parehas silang hinihingal ng kauntian at mukang gusto ng tapusin ang laban. Umabante si Lufer at ginawag horizontal ang porma ng espada niya ka-level ng mata niya, sa isang iglap isang powerful attack ang ginawa niya, akala ko katapusan na ni Riyah, ngunit nagulat kaming lahat kung paano niya iniwasan ang atakeng iyon.
“Wow! Just wow!” Kuya Thunder applauded.
Nag-bend lamang si Riyah ng walang kahirap hirap at mabilis siyang nag-counter attack, kay Lufer, dahil sa ginawa niyang iyon napa-upo si Lufer, sinundan nanaman niya iyon ng kasunod na atake at walang nagawa si Lufer kundi harangin lamang iyon gamit ang espada niya.
Inihaya ni Riyah ang espada at mabilis niya iyong hinampas sa espadang naka-horizontal na nagproprotekta kay Lufer.
Noong gawin niya iyon. “Fucking shit! How could she?!” Malakas na sigaw ni Trevor Castillion. Pati na din ang halos sabay sabay na pagtindig at pagkagulat ng lahat ng nanunuod.
Sa loob loob ko naman, gusto kong sumigaw at magtatalon. Shit! She was hella one of a kind! Hindi ko akalain na mapuputol niya ang espada ni Lufer sa atake na iyon! Hati na ngayon ang espada ni Lufer, at lahat kami ay tahimik na nakatulala, including the owner of the sword.
Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto ang lumipas bago maka-recover sa pagkakagulat si Lufer, pati na din kaming mga nanunuod. Mabilis na din na nag-bow si Lufer.
“L-Lufer! The master of the sword! Just took a bow!” Sigaw ng isang lalaki. Lahat kami ay hindi pa din makapaniwala sa nasaksihan namin. Dahil nag-bow ang isa sa pinaka-makapangyarihang sword master.
Hindi siya pinili noon ni Riyah na sumali sa Apocalypse dahil hindi siya kabilang sa mafia, at tanging sword master lamang siya na paminsan minsan ay sumusulpot sa mga events sa mga gangster at mafia things.
Ang pag-ba-bow ni Lufer ang isang sign ng pag-suko at pag-sunod niya sa kung sino mang gugustuhin niya.
Sa mga kinikilos ni Riyah, wala na talagang makakapigil pa sa nalalapit na pag-sisimula ng lahat ng plano niya. She will ruin the lives of the liars who made her world shattered in hell. She’ll make them cry in the depths of the devil’s territory. I’m sure of it.
***
“Did you see that?! Oh damn she’s just—wow!” Malakas na sigaw ni Trevor, at halatang halata na mas excited pa kahit hindi siya iyong lumaban. Katulad niya nakakaramdam din ako ng pride na parang ako ang nanalo. Sino banaman kasi ang hindi hahanga sa nasaksihan namin kanina?
“Blue!” Sabay naman kaming napalingon dahil sa biglang pagtawag ni Thunder sa isang dako. Natanaw namin doon ang silhouette ng isang babae, tindig at lakad pa lamang sigurado akong si Riyah iyon. Agad namin siyang nilapitan dahil doon.
Noong makalapit kami sa kaniya, kitang kita ko talaga sa mata niya pagiging emotionless. Ang lamig ng titig niya.
“Umalis ka nanaman ng walang paalam. Tss. Buti na lamang napanuod namin ang laban na iyon.” Thunder uttered plainly.
“Bakit ako magpapa-alam sa’yo? Ano ba kita?” Basag. Natawa ako dahil sa pang-babara ni Riyah kay Thunder. Kahit kailan talaga, hindi mo matatalo ang matatalas na salita nito tsk.
“At bakit ka naman natatawa? May nakakatawa?” Napa-fake cough agad ako dahil sa sinabi niya sa’kin. Tss. Nadamay pa nga sa kamalasan ni tanda. Imbis na masindak kay Riyah. Inakbayan ko na lamang siya, ngunit isang malakas na bigwas ang ibinigay niya sa’kin. “Fuck!” Asar na banggit ko pa. Langhiya. Ang lakas, pakiramdam ko may nabali na rib cage. Argh!
Nag-simulang maglakad si Riyah, kahit mahirap at masakit sinundan ko pa din siya, ganun din ang ginawa ni Thunder at Trevor. Tss. Maigi pa itong dalawang bugok, walang inindang sakit. Tss. Hindi ko na talaga aakbayan si Riyah, palagi na lamang akong na-aagrabiyado. Tss.
Sumakay si Riyah sa dala niyang sports car, syempre hindi niya kami pinasakay. Ano pang aasahan namin. Mahilig siyang mag-solo, wala kaming magagawa.
Napa-iling iling na lamang kami noong umalis ito. Kaya’t sumakay na kami sa dala naming sasakyan kanina. Ano kayang pinag-usapan ni Riyah at Lufer kanina pagkatapos ng laban? Baka wala lamang iyon, dahil hindi naman si Riyah ang tipong gusto makipag-usap sa mga taong natalo niya.
“Hoy, Kurt! Gaano ka ba talaga kalakas, at lagi kang lampaso kay Blue?” Natatawang pang-aasar ni tanda. I scoffed. Alam naman niya na kahit papaano kaya kong tapatan sina Ana, Naya, at Lyx, pero si Riyah, hindi. Katulad ko, kahit siya naman hindi kaya tapatan si Riyah.
“Parang kaya mo namang tapatan.” Asar na bigkas ko na kinatawa niya. Alam niya kasing pantay lamang kami. Lagi lang talaga akong napapag-diskitahan ni Riyah. Tss. Bakit ba naman kasi ako na lang lagi? Kasalanan ko bang maingat at mabilis ang reflexes niya kapag may parating?
Matapos ang mabilis na byahe namin nakarating din kami sa lair. Namataan din namin ang kotse na ginamit ni Riyah, kaya’t alam naming nandito na siya.
Umakyat na rin agad ako sa papunta sa kwarto ko, ngunit bago pa ako makarating doon. Dadaanan ko muna ang kwarto ni Riyah. Noong madaanan ko iyon, napatigil ako sa tapat noon.
She already lost many people that she loved, pero andito pa rin siya lumalaban. I admire her because of that. Sana mas lakasan pa niya ang loob niya. Dahil handa akong isakripisyo ang lahat, maging masaya lamang siya. She deserves to be happy. She deserves it.
Aalis na sana ako ngunit nagulat ako noong biglaang mag-bukas ang pinto at iniluwa noon si Riyah. Nabato ako sa kinatatayuan ko noong makita ko siya. Mukang bagong ligo lamang dahil basa at magulo pa ng kauntian ang buhok niya. Napatitig ako bigla sa muka niya, kitang kita ko ang walang ka-emo-emosyon niyang muka na nakatingin sa’kin.
Hindi ko alam kung anong nagtulak sa’kin na hawakan ang pisngi niyang may kaunting hiwa. Alam kong hindi magkaka-scar iyon, at napaka-liit na sugat lamang, ngunit hindi ko maiwasan mainis noong makita kong may sugat doon.
“Hindi ka nanaman nag-iingat pagdating sa muka mo. Tss.” Mahinang banggit ko, ngunit tinitigan lamang niya ako. Akala ko mapapasabak nanaman ako sa bingit ng kamatayan ngunit nanatili siyang walang kagalaw galaw.
“Every time I see you with a scar, I feel like protecting you even if it means giving up my own life.” Hindi ko alam kung saan nang-galing ang sinabi kong iyon, ngunit huli na bago pa ito mabawi. Samantalang, hindi ko mabasa ang titig niya sa’kin.
Nanatili kaming nakatingin sa isa’t-isa at hindi kumikilos, hanggang sa may marinig kaming malamig na boses.
“You don’t need to protect her, because she’s mine.”
***
Princess Light’s POV
Katatapos ko lamang maligo at mag-ayos ng kauntian noong makita kong may tumatawag sa cellphone ko. Napa-irap na lamang ako, dahil nakaka-ilang rings na din iyon. Kaya’t padabog ko iyong kinuha at sinagot ang tawag.
“What?” Asar nabanggit ko.
“Chill, demon.” Natatawang bigkas nito, which made me roll my eyes.
“Stop rolling your eyes.” He said firmly, alam na alam talaga niya na nag-roll ako ng mata. Tss.
“Why?” Maiksing tanong ko. Bakit ba kasi ito tatawag tawag pa? Gabi na kaya. Alam ba niyang gusto ko ng matulog? Tss. Istorbo. Kung hindi lang talaga, siguro nag-utos na ako pasabugan ito ng bomba dahil sa pang-aasar.
“See me now.” Napataas naman ako ng kanang kilay dahil doon. At sino siya para utusan ako?
“Kidding aside. But seriously, demon. I just arrived here in Spain lair, see me downstairs.” Agad ko na ring ibinababa ang tawag dahil sa sinabi niya. Ang dami pang pasikot, patawag tawag pa, nasa baba naman pala siya. Tss.
Pagkabukas ko ng pinto, nagulat ako noong makita ko si Kurt. Anong ginagawa ng isang ito dito? Tss. Muka rin siyang natigilan noong makita niya ako.
Nagulat ako noong hawakan niya ang pisngi ko, ngunit hindi ko pinahalata iyon. Natigilan din ako ng kauntian, like what the heck was that? Kitang kita ko rin sa ekpresyon niya ang pag-aalala.
“Hindi ka nanaman nag-iingat pagdating sa muka mo. Tss.” Mahinang banggit niya. Tinitigan ko lamang siya. Kung tutuusin dapat natutukan ko na ito ng kutsilyo sa leeg, ngunit wala lamang akong dala ngayon at saka nakakapagtaka ang kilos niya. Ano bang meron?
“Every time I see you with a scar, I feel like protecting you even if it means giving up my own life.” What? Gusto ko sanang sabihin ngunit walang lumabas na tinig sa boses ko. Ano ba itong sinasabi ni Kurt? Nahihibang na ba siya? Tss. Ang daming alam.
Napatitig na lamang ako sa kaniya, na tila binabasa kung anong tumatakbo sa utak niya, ngunit maging ekspresyon sa sarili niyang muka, halatang naguguluhan din siya kung bakit niya sinabi iyon. Tsk.
Mag-sasalita na sana ako ngunit may mas nauna sa’kin.
“You don’t need to protect her, because she’s mine.”
Sabay kaming napalingon ni Kurt sa lalaking nag-salita. Isa pa ito, susulpot na lamang bigla bigla at ang lakas ng loob na angkinin ako. Tss. Inirapan ko na lamang si Kurt at hinarap ang lalaking kasusulpot lamang.
“Why are you here?” Diretsong tanong ko sa kaniya, instead of answering he just patted my head as he chuckled a little.
“Because I want to see you.” He said directly. Napa-irap ako dahil sa sagot niya. Mukang iyon ba ang gusto kong makuha na sagot? Tss. Kahit kailan talaga.
“Seriously?” I retorted sarcastically.
“Don’t believe it then.” He said plainly.
“Skyler.” I warned. He just hugged me.
“Are you alright? Did you overcome your loss? I came here to check on you.” Mahinang banggit ni Skyler, noong yakapin niya ako. Umalis na si Kurt sa harap namin at pumunta sa kwarto niya saka malakas na sinarahan ang pinto. Problema noon?
“You don’t need to do that. I can handle myself.” Tipid na sagot ko.
“Glad to see you, still strong.” He said.
“Kamusta sa Pilipinas? Did you check the reason of Uncle Peter’s death?” Tanong ko sa kaniya. He nodded his head, at saka ako hinawakan sa kamay. Sa ginawa niyang iyon, alam ko na agad ang ibig sabihin, pati na rin ang tingin niya.
“He was killed right?” I said while gritting my teeth, now I can really feel the anger within me. Hinala ko pa lamang alam kong pinatay siya. Alam kong may mali nanaman sa nangyayari, dahil hindi naman kasama sa plano ko ang mamatay siya.
“You were right, he was killed.” Mahinang banggit ni Skyler, kaya’t napa-ngisi ako ng mapait.
Ganun? Talagang inisa-isa nila ang pagpatay sa mahahalagang tao sa buhay ko?
“They will pay the price.” Mapanganib na bigkas ko. “Uunti-untiin ko din sila.” Dugtong ko pa. You’ve reached my limit Empire, you’ll soon face the devil you’ve created.
Gusto n’yo talaga ng gulo? Pwes, ipapakita ko sa inyo kung sino ang kinakalaban n’yo. Buo na ang desisyon ko, maraming beses ko na itong pinag-iisipan, siguro sign na rin ang nalaman ko ngayon.
“The wedding.” Mahinang banggit ko.
“What about it?” Skyler queried curiously.
“I’ll make sure, on that day, I’ll give them a little surprise.”
***
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top