Liar 39: Late

39: Late

Nathaniel Gabriel's POV

Nagtatangis ang aking mga bagang sa aking naririnig at nakikita. Catherine Servilla uttering those words made me felt the intensity and the seriousness of what is happening right now. It's an all out war. Para kumilos ng ganoon kapersonal ang isa sa pinakamalakas sa Empire ay isang senyales na hindi sila basta basta papatalo.

Para ding may pumipiga sa aking puso habang nakikita ang ina namin ni Light na walang malay at basang basa dahil sa ginawa sa kanila. It was also devastating to see Light's pain. Mas nagiging doble ang hatid sa akin noon. Parang lahat ng mga pana na tumatama sa kaniyang puso ay tumatagos din papunta sa akin.

Nanatili akong yakap yakap si Light. Medyo kumalma na siya hindi katulad kanina pero ang tensyon sa kaniya ay hindi nawala. Nandoon pa din iyon at nasisiguro kong mas tumitindi ito. Tumigil na siya sa pag-iyak pero ang sakit sa kaniyang mga mata ay ibedensya na tapos na nga siyang magpakita ng sakit sa panlabas pero ang loob niya ay nagdurugo pa din.

Her fast breathing became slow and heavy. Tila napakadami nang tumatakbo sa utak niya ngayon kaya't ganito na lamang ang reaksyon niya. Nakatitig sa sahig, hindi ganoong kumikilos pero alam mong makakaya niyang kaharapin ang lahat ng ito kahit hindi maibsan ibsan ang sakit na kaniyang nararanasan.

"Light. . ." I whispered softly. Medyo naramdaman ko ang paglingon niya sa akin dahil doon at ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa aking mga braso. Ihinarap ko ang mukha niya sa akin at saka ko marahang pinunasan ang luha na nanatili sa kaniyang mga pisngi.

Tiningnan niya ako ng diretso sa mata at noong pagkakataong iyon ay halos itulak ko siya papalayo sa akin dahil sa pagkasindak. Walang emosyon ang kaniyang mukha ngunit ang kaniyang mga titig ay naghahatid ng kakaibang babala at panganib. Hindi ko alam ang tumatakbo sa utak niya ngayon pero isa itong napakasamang senyales na katulad ni Catherine Servilla ay lalaban din siya haggang kamatayan.

Unti unti ay kumibot ang kaniyang labi. Ang isang sulot noon ay tumaas at magtaasan ang mga balahibo sa aking braso at batok. Hindi ko din ganoong napansin pero naramdaman ko ang sarili kong paglunok. If Catherine's threat and words made me feel the tension and anger. Light's smirk made me feel how dangerous she is. It's like her way of telling that the one who messes with her, only wished for a death wish.

"Catherine Servilla, huh?" Madiing wika niya sa bawat salita. Sa sobrang diin noon ay halos maisip ko na nasa harapan lamang namin si Catherine Servilla.

"Mang-aagaw ng magandang linya ko." Iiling iling na sambit niya at saka marahang tumayo. Halos magkaroon yata ng napakaraming tandang pananong sa utak ko dahil sa sinabi niya. She just made a. . . joke, right? What the hell?

Dahil sa pagkabigla ko sa sinabi niya ay natagalan pa bago ako makatayo para sundan siya doon sa unahan. Ang dilim ng kaniyang paningin ay walang katumbas. Handang handa na siyang sumugod sa kung nasaan man ang magulang namin.

Aaminin ko na matindi ang pagkagulat ko sa mabilis na pagbabago ng kaniyang emosyon pero mas nangingibabaw sa akin ang paghanga sa pagpili niyang kumilos agad kaysa magmukmok sa nakitang pagpapahirap sa mga ina namin.

Nagbago talaga siya. Kung tutuusin kung ito ang dating Light na kilala ko, she would go there recklessly or maybe she would cry and cry until she decided for revenge. But now. . . Her quiet and dangerous glare says it all. She was ready for this. She had enough of this.

Nagsalita agad siya sa mga nasa harapan at sinabi ang gusto niyang ipagawa. She's calm and collected unlike earlier. Ang pagkawasak niya kanina ay panandalian lamang dahil mabilis niyang itinayong muli ang matapang na Princess Light Smith.

"She wants war? I will give her destruction." Matapang at napakaseryosong bigkas niya, na kahit ako ay kinakabahan sa kaniyang mga plinaplano. Lahat ng sinasabi niya ay parang hipnotismo na kahit parang napakaimposible nito ay talagang magagawa namin. Her words are powerful enough to make each and everyone in here follow her commands and believe in her plans.

"We will proceed with silent storm operation." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa kaniyang sinabi. Ang pagtibok ng puso ko ay bumilis dahil sa matinding pagkasabik at ganoon din sa matinding nerbyos. Shit just get real. Hindi siya ang tipo na magdedeklara ng 'Silent Storm' basta basta. Ang pagdedeklara niya nito ngayon ang nagpapatunay na talagang sisirain niya ang Empire.

Silent Storm is an operation where Apocalypse force will go all force to the said location. Susugod lahat ng naatasan doon sa tahimik pero nakakamatay na paraan. Walang pasabog na gagamitin at lahat ng baril ay may silencer. Lahat ng kalaban ay papatayin sa tahimik na paraan. Lason ang pangunahing gagamitin sa operasyong ito. Ito ang tipo na mabilisang kilos at maingat na galaw. Para sa dulo, hindi mo mapapansin ubos na pala ang kalaban mo, dahil tahimik na hagupit ng ipinaranas sa kanila.

Akala ko matatapos na ang deklarasyon niya ng laban na gamit ang Silent Storm pero nagulat akong lalo noong marinig ko ang kasunod niyang utos.

"If we fail this operation, proceed with hurricane." She remarked firmly and dangerously. Nakita ako na halos manginig na ang halos lahat nang nandito sa lugar at maging si Timothy ay hindi na makapagsalita dahil sa pinahalo halong nararamdaman sa mga nangyayari ngayon.

I never thought she would demand to use Hurricane after Silent Storm. Unlike, Silent Storm, Hurricane is much stronger and louder. Ito ang operasyon kung saan ipaparating mo sa kalaban na susugod kayo at lalaban kayo hanggang maubos ang lahat. Wala pagaalinlangan sa operasyong ito, ubos kung ubos, patay kung patay, at laban kung laban. Bombs, explosives and other loud equipments are allowed in this operation.

Both operations have two goals... Destruction and wipe out.

Ako mismo ang nakakaramdam ng kilabot at pagkasabik sa mga naiisip ko. Kaya naman nagsalita na din ako para magdagdag ng mga plano sa mga sinabi ni Light. I also warned them about the enemies counter attack. I've been an heir for a long time. At marami na din akong nalaman tungkol sa kanila at alam ko magkakaroon iyon ng benebisyo sa mangyayari ngayon.

Matapos naming magsalita ni Light sa unahan ay agad na kumilos ang lahat ng nandoon para ipalaam sa lahat ng units ang aming mga sinabi. Samantalang kami ni Light ay didiretso sa supply unit para kumuha ng mga armas at iba pa dahil kami ang unang susugod sa lugar na iyon.

Hindi namin kakayanin na magintay sa mga kasamahan namin para maging handa sila dahil magulang namin ang pinag-uusapan dito. We can't afford to waste time. We will risk our own lives for our mothers. Alam kong iyan din ang iniisip ni Light, iyan ang pinaghuhugutan namin ng lakas ngayon.

Catherine Servilla. You made the wrong move of having our mother as your hostages. You just made us stronger and you just unleashed the monster inside of my wife.

Dahil hindi dito ang building ng supply unit ay agad naming naisipang dumiretso sa parking. Akala ko gagamit kami ng hagdan pero mali. Agad tumakbo si Light papunta sa may side ng gusali kung nasaan ang direksyon ng parking sa baba. Agad niyang pinagbabaril ang salamin at agad na pinindot ang tila sintron sa kaniyang baiawang naglabas iyon ng tali na dumikit sa gilid na salamin dito at agad siyang tumalon pababa. Nabasag ang ilan pang salamin dahil sa ginawa niya.

Tsk. Magkakasugat siya dahil doon, pero sino ba naman ang makakapigil sa kaniya?

There she is again doing dangerous moves just to make everything fast. Napailing iling na lamang ako at saka pinindot ang parang sintron na iyon at agad ding tumalon sa basag na salamin na iyon.

Wala pang ilang segundo pero nasa baba na kami kagaya ng inaasahan. Agad niyang pinundot muli ang tila sintron para makuha ang tali mula sa itaas. Ganoon din ang ginawa ko at agad siyang tumakbo papunta sa isang motorsiklo at sumakay doon. Hindi pa nag-helmet kaya naman dali dali akong tumakbo papunta sa kaniya at agad na hinablot ang isa sa mga nakalagay na helmet sa ibang motor.

Walang alinlangan ko iyong isinuot sa ulo niya kaya't isang masamang tingin agad ang ibinigay niya sa akin. "My mother and your mother is already in danger. So, do not be reckless." Mahinahong saad ko sa kaniya at saka tinapik ako ulo niya.

"Follow me, we are not going to the supply building." Napakunot noo ako sa kaniyang sinambit pero hindi ko na nagawa pang umagal o magtanong dahil binuhay na niya ang makina at napakalakas na ugong na ng makina ang aking narinig at halos mag-usok pa ang gulo ng motor bago niya tuluyang pinaandar iyon.

"Damn it!" Hindi mapigilang mura ko dahil sa bilis nang harurot noon at siguradong kung hindi pa ako kikilos ngayon ay kahit anino o hibla ng buhok niya ay hindi ko masisilayan pa.

Sumakay agad ako sa isang motor at sinuot ang helmet na nandoon. Mabuti na lamang at may imbensyon ang Apocalypse na susi na maari mong magamit sa kahit anong sasakyan dahil nagbabago ito base sa sukat ng kailangang paglagyan. Mabilis kong binuhay ang makina at agad itong pinaktano dahil kailangan kong masundan ang isang iyon, dahil hindi ko naman alam kung saan kami pupunta.

Sa bilis ng takbo ko ay paliko liko na ako sa daan para hindi mahagilap ng ibang sasakyan. Hindi din nagtagal at nakita ko siya kaya naman mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo para masabayan ko siya. Pero mukhang itinuring niya itong karera at hindi niya hinayaan na makaabot ako sa kaniya.

Matalino siya pagdating sa mga ganito kaya naman imbis na sa kaniya magpokus ang aking mga mata ay sa daan ko ito iginala, dahil panigurado kung siya lamang ang titingnan ko ay siguradong kanina pa ako nabangga dito. Paliko liko at paiba iba siya ng daan kaya medyo nahirapan akong sundan siya. Kapag liliko ay halos sumayad na ang kalahating bahagi ng aking katawan sa aspalto dahil sa bilis ng motorsiklo.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal na tila naghahabulan doon, pero sa wakas ay tumigil din kami sa isang. . . bahay? Nanatili akong nakatulala sa malaking bahay na iyon, hindi pala bahay, mas akma ang salitang mansyon para dito.

Bumababa siya at saka tinggal ang kaniyang helmet. Dire diretso siya papunta sa pinto nito, kaya naman tinanggal ko na din ang suot kong helmet at mabilis siyang sinundan. Mukhang bago ang mansyon na iyon pero ang istilo ay tila pangsinaunang panahon.

May kinuha siyang susi kung saan at binuksan ang napakaraming kandado nito. Hindi lamang pisikal na susi ang ginamit niya pati na din fingerprint niya at mga kung ano ano pa. Halos dalawang minuto yata ang itinagal namin sa labas dahil lamang sa pagbubukas dito. Masyadong mataas ang seguridad sa lugar na ito kaya't natitiyak ko isa itong napakaimportanteng lugar para kay Light.

Nang mabuksan na ito ng tuluyan at agad akong namangha sa bumungad sa akin.

Napakadaming iba't-ibang armas ang makikita sa mga pader. Pati na din sa mga tila aparador na pinalilibutan ng mga babasaging bagay. Nandoon ang mga sinaunang armas at iba pa. Hindi ako makapaniwalang itinatago niya ang lugar na ito. Unang beses ko dito at ang paghanga ko sa mga bagay na aking nakikita ay nagpadama sa akin ng kakaibang pagkasabik upang sila ay magamit.

Muli ay dumiretso si Light sa isang gilid at doon ay may kung ano ano siyang pinindot. Nagtakha pa nga ako sa kaniyang ginagawa pero ilang saglit lamang ay lumiwanang ang paligid at mas nakita ko nang malinaw ang mga nandoon at mas lalo akong namangha.

Napakalinis ng lugar. Halos kumikinang ang mga salamin na nakapalibot sa mga mahahalagang armas. It's like a museum of different swords, arms, guns, bullets and such things. Hindi pa man ako nakakawala sa pagkamangha ay nagulat ako noong unti unting bumababa ang mga salamin na nagproprotekta sa mga bagay na iyon.

"Sa iyo itong lahat?" Baling ko kay Light sa hindi makapaniwalang tinig.

"Oo." Napalunok ako dahil sa sagot niya. Ngayon alam ko na kung saan niya ginugol ang mga panahong wala siya sa paningin namin. Lahat iyon ay para palakasin ang sarili niya sa pisikal na aspeto, pati na din sa kaniyang grupo at sa mga bagay na ito. These armours aren't acquired by simply auctions and the likes. Dugo, pawis at maging buhay ang itinaya niya para sa mga bagay na ito.

"Some of those belongs to the Apocalypse Leaders." Sambit pa niya habang inililibot ko ang sarili sa mga armas na gustong gusto ko nang gamitin. Gusto ko sanang dalhin ang lahat ng ito at gamitin subalit alam kong hindi ito ang tamang panahon para doon.

Pumasok si Light sa isang silid ngunit hindi ako sumunod. Hinaplos ko na lamang ang mga kakaibang bagay na nakikita ko doon. Pati na din ang pagpili ng armas na maari kong gamitin sa labanan.

I saw a naginata and I badly want to use it but it's too large. Maaring pahirapan lamang ako ng sandatang iyon. Inilibot ko pa ang paningin ko sa iba't-ibang mga bagay noong narinig ko si Light na sumigaw na maari akong kumuha ng gusto kong gamitin sa labanan.

Kumuha na agad ako ng isang bag na maaring paglagyan ng ilang mga sandata kagaya ng baril, bala, kutsilyo, balisong at iba pa. May mga lason din sa isang banda akong nakita kaya naman agad ko iyong inilagay sa nga armas na aming magagamit. Habang ginagawa ko iyon ay narinig ko ang pagtunog ng isang matalas na bagay na tila hinugot mula sa kaniyang lalagyan.

Napalingon ako at doon ko nakita si Light na bago na ang suot. Kung kanina at halos puro itim ang suot niya ngayon naman ay puro pula ang kaniyang suot. Hindi iyong matingkad na pula kung hindi iyong pula na animo'y hinaluan ng kulay itim. Napakalakas ng dating niya at kahit ako ay matatakot na kalabanin siya.

She's looking at the double edge sword like it's the weapon that would kill someone she hates the most. Lumingon siya sa akin at hindi ko napansin na humakbang ako ng isa palikod dahil sa pagkagulat. Shit. Even little things scares me. Nakakabakla pero ang awra ng babaeng ito na nasa harapan ko ay sadyang nakakakilabot.

Ni hindi ko man lamang siya naramdaman ko napansin kanina gayong nasa likudan ko na siya. Iyon lamang ang pagpapatunay kung gaano siya lumakas dahil sa mga lumipas na panahon.

Inilibot pa niya ang paningin niya sa paligid at doon at kumuha siya ng isa pang espada, at pati na din ang paborito niyang pana at mga palaso. Pagkatapos ay dumiretso siya sa kung nasaan nakalagay ang mga lason at paniguradong lalagyan niya ng lason ang mga palaso.

"Ano nang kinuha mong mga sandata?" Narinig kong tanong niya.

Sinabi ko ang mga tipikal na kailangan namin pero nagulat ako noong ngumisi siya at saka marahang lumapit sa akin. "You know how to use all of the weapons in here. Why don't you pick the one that you like the most?" Mapaglarong sambit pa niya at saka ako tinalikuran. Hindi ko mapigilang mapangisi dahil doon.

Kaya kong gumamit ng iba't-ibang sandata at kung ano ano pa. Kaya naman pamilyar ako sa lahat nang nandito. Dahil sa kaniyang sinabi ay nanabik ako kaya naman agad akong nag-uli sa napakalaking lugar na ito para pumili ng dadalhin.

Naagaw ng pansin ko ang isang hsu quandao. Para rin itong naginata, subalit may kakaibang disenyo sa matilos na bahagi. Sinubukan kong hawakan iyon, at halos maibagsak ko agad iyon dahil sa bigat, pero noong hawakan ko na ito nang mas maayos ay parang gumaan ito kahit papaano para sa akin. Kung normal na tao ang hahaaak nito ay paniguradong baka hindi na nila ito babalakin pang iangat.

Inilibot ko pa ang paningin ko at kumuha ako ng isang nunchaku at saka hindi ko na binitiwan pa ang hsu quandao na ito. Nakita ko din ang isa sa paborito kong gamitin ang kusarigama. Imbis na kunin ang normal na kusarigama, ay mas pinili ko iyong dalawa ang matalas na bahagi sa magkabilang dulo na pinagkokonekta ng isang kadena.

Matapos iyon ay agad kong pinuntahan si Light na mukhang inip na inip na kahihintay sa akin. She glared at me irritatedly. Pagkatapos ay nagsimula nang maglakad palabas ng lugar na ito. Sinundan ko naman siya at katulad kanina ay napakarami pa niyang pinindot bago kami makaalis nang tuluyan sa lugar na ito.

Sumakay ulit siya sa motorsiklo at saka iyon pinaharurot. Ako naman ay hindi pa alam ang gagawin dahil sa pagkalaki laki nitong hsu quandao pero nagulat ako noong lumiit ang tangkay niyon noong may napindot ako. Napailing iling na lamang ako. Bagong disenyo pala ang bagay na ito, akala ko ay iyong sinauna.

Hindi ko na lamang pinansin iyon at inilagay iyon sa sisidlan at saka isinakbit sa likod ko kung saan nandoon din ang bag na dala ko kanina saka muling sinundan si Light.

Habang nasa daan ay namuo nanaman ang kakaibang tensyon sa akin. Nanunuot sa dugo ko ang pagkasabik pero mas nangingibabaw ang galit ngayon dito, lalong lalo na kapag bumabalik sa utak ko ang imahe ng mga magulang namin kanina, at kung paano silang pinahihirapan doon.

Napahigpit ang hawak ko sa manibel ang motor dahil doon at mas lalo kong pinabilis ang pagpapaandar dito. Kung si Light ay tila namanhid na sa mga sakit na dinanas niya, ako naman ay kumukulo ngayon ang dugo dahil sa mga nangyayari.

Pagkatapos ng labanan na ito ay sinisigurado kong hindi na makakabangon pang muli ang Empire dahil kanilang mga ginawa. Panigurado ding wala na silang babalikan pa dahil lahat ng mga maari nilang gamitin laban sa amin at sa muli nilang pagbabalik ay kinuha na namin.

Hindi kami na nahimik ng ilang buwan at taon para sa wala, dahil lahat ng pera at kayamanan at kapangyarihan nila ay unti unti na naming kinuha sa kanila noon pa lamang. Hindi pa man nagsisimula ang pisikal na labanan noon na nangyayari ngayon ay handa na talaga kaming pabagsakin pa sila at kailanman ay hinding hindi na sila makakaahon pa.

Ang bawat pagpatak ng segundo ay ang lalo lamang pag-aalab ng damdamin ko. May kalayuan ang pinuntahan namin ni Light at medyo nagtagal din kami doon, kaya't may pakiramdam ako na nauna ang ibang miyembro ng Apocalypse sa lugar na iyon.

Timothy's skill when it comes to finding a location is trusted by Light and I. Walang makakatakas sa kaniya.

Habang umiiwas ang ako sa mga sasakyan na nadadaanan at nalalampasan ko ay ang malakas na hampas ng hangin ang nararamdaman ko, at hindi kinalaunan at naramdaman ko na lamang ang pagtiligil nito, dahil nandito na kami sa lugar kung saan magaganap ang tunay na laban.

Bumababa ako sa motorsiklo at maingat na inilibot ang paligid. Marami nang tumba sa mga tauhan ng Empire at mayroon din sa mga Apocalypse. Wala kang maririnig na kung anong ingay sa abandonadong nayon na ito.

Maya maya pa ay may naramdaman at may narinig akong mga yapak at sabay kaming napalingon ni Light sa pinanggagalingan noon at doon namin nasaksihan ang isang tauhan ng Empire na nakahawak sa kaniyang leeg na animo'y naghihingalo, at saka unti unting tumulo ang dugo sa kaniyang bibig at saka iyon bumula at ang pagtitik ng kaniyang mga mata ay sadyang kahindik hindik. Wala siyang magawang sigaw o ingay kahit gusto niya dahil sa dinadanas. Lumipas pa nang ilang segundo ang kaniyang paghihirap hanggang sa marahan siyang napaluhod sa mga bato na kaniyang inaapakan at saka tuluyang nalagutan ng hininga.

Akala ko ay mandidiri o hindi naman kaya'y kikilabutan si Light sa kaniyang nasaksihan subalit ako pa yata ang nagulantang sa aking nasaksihan noong siya ay aking lingunin.

Nakatayo siya ng tuwid at kitang kita ko sa ekspresyon ng kaniyang mukha ang matinding pagkasabik. Pagkapos ay tumaas ang isang sulok ng kaniyang labi at saka marahang pinunasan ng kaniyang dila ang itaas na bahagi ng kaniyang labi. Ang ginawa niyang iyon ay isang senyales ng pagiging sabik niya sa labanan at pati na din sa pagdanak ng dugo.

Hindi na niya ako hinintay pa at kumilos na lamang siya ng kaniya. Maingat at mabilis ang kilos niya, na kahit ako ay hindi matutukoy kung nasaan siya dahil maging presensya niya ay napakahirap nang maramdaman o hanapin. Malalaman mo lamang talagang nasa paligid siya kung makikita mo siya.

Naghanda na din akong makipaglaban at inilabas ko na ang isang punyal at ang isang baril na mayroong silencer at tsaka nagsimulang naglakad upang hanapin sa kung saang gusali nandito ang aming magulang.

Noong lumiko ako sa isang bahagi ay mayroong miyembro ng empire ang nagtutok ng baril sa akin, pero nagalinlangan pa siyang paputukan ako dahil ako nga si Nathaniel Gabriel Evans, naging traydor man ako o hindi, sadyang magkakaroon pa din sila ng segundo upang magdebate ukol sa akin, kaya naman kinuha ko ang katiting na segundo na iyon para pero ibinato ang punyal na hawak ko, kaya tumama iyon sa kaniyang noo. Natumba siya dahil sa aking ginawa.

Lumapit ako sa kaniyang pinaghandusayan at saka ko hinugot muli ang punyal. Naglakad pa ako ng marahan noong may matanaw akong apat na lalaki na naglalakad nang sabay sabay hawak nakasakbit sa kanilang katawan ang mga naglalakihang baril. Dumukot agad ako sa aking bulsa nang isang maliit na tila bilog na bagay at pinagulong iyon sa kung saan sila maaring makaapak kapag nagsimula na iyong umusok.

Sumilip pa ako nang maingat para magbilang ng tatlong segundo at saktong pagapak ng isa sa kanila sa bagay na iyon ay nagsimula na ang usok, kaya't agad silang naalaerto. Ngunit bago pa man sila makagawa ng ingay o hindi kaya'y makaalis sa kinatatayuan ay napaluhod na lamang sila isa isa at saka napahawak sa leeg dahil sa epekto ng lason. Hindi nagtagal ay natumba na silang apat doon.

Sinuot ko muna ang isang itim na maskara sa ibabang bahagi ng mukha ko para makalapit ako doon nang hindi nalalanghap ang lason, at saka ko sinaksak silang isa isa. Hindi kasi sila mamatay agad dahil doon.

Umakyat ako sa bubong nang isang mababang bahay na nandoon at saka ko mabilis na tiningnan ang lugar. Bumababa din agad ako noong muntik na akong mahuli nang isang nagbabantay dahil napalingon siya sa aking gawi. Dumomble ang bilis ng tibok ng aking puso dahil doon. Akala ko ay mahuhuli na ako.

Muli ay naglakad ako nang naglakad. Kapag may nakakasalubong ako ay agad ko itong hinahagisan ng punyal o hindi naman kaya'y agad ko itong binabaril bago pa man sila makapagsalita o makapagbigay ng reaksyon.

Karamihan din sa aking nadadaanan ay mayroon nang mga bangkay na pakalat kalat o hindi kaya naman ay mayroong mga humihingi ng tulong na siyang pinagkakaintan ko lalo na kapag miyembro sila ng Empire. Nalalaman ko kung kasapi ba sila o hindi dahil mayroong suot na tatak ng apocalypse ang lahat ng miyembro namin kaya naman mabilis ko iyong natutukoy.

Nanatili pa ding tahimik ang buong lugar at pawang mga kaluskos at mga yapak lamang ang iyong madidinig. Paminsan minsan ay may ilang tawanan mula sa mga tauhan ng Empire, kaya mabilis kong natutukoy kung nasaan sila, at pagkatapos noon ay wala na silang kawala pa sa kanilang kamatayan.

Naging ganoon ang takbo nang lahat sa lumipas na halos isang oras, subalit nagbago ang ihip ng hangon noong kontakin ako ni Timothy upang bigyan ng babala na mayroong mga patibong sa lugar na ito nang pampasabog at iba't-iba pa.

Aaminin kong kinabahan ako dahil doon. Mas lalo akong naging maingat noong sabihan niya ako ng bagay na iyon. Dahil kapag mayroon man na nahulog sa patibong na iyon ay nakakasigurado akong wala na kaming takas pa at mawawalan na nang bisa ang utos ni Light na Silent Storm. We can't continue that operation like that if we messed up in this one.

Lumipas pa ang ilang minuto at kapag may nakakasalubong akong Apocalypse ay sinasabihan ko na sila ukol sa sinabi ni Timothy. May mga miyembro na alam ang tungkol dito dahil mayroon silang kontak kay Timothy ay mayroon ding walang alam dahil hindi naman lahat ay kayang bigyan ng babala, dahil kapag may napatay ang Empire sa kanila at nakuha ang earpiece na suot nila ay paniguradong sira agad ang mga plano namin.

Patuloy ang pagiging maingat namin, nakasalubong ko din si Light isang beses at katulad ko ay hindi pa niya matukoy ang eksaktong lokasyon ng aming magulang. Ayon kay Timothy ay patuloy pa niyang hinahanap kung nasaan ang mga ito eksakto, dahil may kalakihan ang nayon na ito, at mag aaksaya kami ng oras kung lilibutin namin ito.

Habang nagtatago ako ay nakita ko ang mga Apocalypse na may pinapalibutan na isang sasakyan. Dahil sa kanilang ginagawa ay maari kaming mahalata kaya naman pumunta ako doon.

Ipinaliwanag sa akin ng isa sa kanila na ang sasakyan na iyon ay kailangan nilang mapasok dahil nandoon daw ang makakapagturo sa lokasyon ng aming mga magulang. Hindi ako naniniwala doon dahil alam kong maaring patibong iyon.

Sumenyas ako na umalis na sila doon pero nahuli na ang lahat noong mayroong mga miyembro ng Empire ang tumambad sa amin at nagsimulang makipagbarilan. Pasasalamat ko na lamang noong may mga silencer ang baril nila.

Habang nakikipagbarilan ay sumagi sa akin na huwag hayaan na matamaan ng bala ang abandonadong sasakyan na iyon dahil paniguradong sasabog iyon. Mas lalo pa akong naging kumpiyansa sa iniisip ko noong mapansin kong inaasinta noong isa sa mga kalaban ang isang bahagi noong sasakyan para patamaan.

Naunahan ko siya kaya't hindi niya napaputukan ang kaniyang inaasinta at siya pa ang nabaril ko. Akala ko ay magiging maayos ang lahat pero nagulat ako noong halos maramdaman ko sa pisngi ko ang hangin na dala noong bala ng baril at iyon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata ng tumama iyon sa parte na inaasinta noong isa kanina.

Agad akong napasigaw na tumakbo sila dahil sa nangyari at kasabay noon ay ang malakas na pagsabog noong sasakyan. Halos tumilapon pa ako habang tumatakbo dahil sa lakas ng impact noon sa amin. May mga ilan pang hindi nakatakbo at nasawi dahil doon.

Napamura ako ng ilang beses habang nakadapa sa lupa at mga bato dahil sa nangyari. "Fuck!" Asar na asar na wika ko dahil wala nang bisa ang silent storm dahil lamang sa nangyaring ito. Sa isang iglap ay wala na. Tapos na.

Naalerto si Light dahil sa malakas na pagsabog at narinig ko ang tinig niya mula sa earpiece. "Anong nangyayari diyan?" Mabilis na wika niya. Napapikit na lamang ako nang madiin. Hindi agad ako makasagot dahil sa bilis ng aking paghinga hindi ko din kasi akalain na mangyayari ang bagay na ito. Masyadong mabilis ang lahat.

"Alam na ng Empire na nandito tayo." Tanging sambit ko at saka ko narinig ang sighal niya at pagkaputol ng linya.

Matapos ang ilang sandali ay tumayo na din ako mula sa aking kinauupuan, at saka humanap ng pagtataguan. Kapag babalikan ko sa isip ko ang nangyari kanikanina lamang ay sadya iyong magulo at malabo para sa akin. Pero ang ipinaparating noon ay napakalinaw. Ngayon pa lamang magsisimula ang tunay na laban.

Ang pagsabog na iyon ay sadyang napakabilis. Ni hindi ko man lamang napigilan ang umasinta na tauhan ng Empire sa kaniyang ginawa. Tila ba napapanuod na niya ako noon pa man kaya't tumira siya noong alam niyang wala akong magagawa kahit nakikita ko na.

Napatiim bangang ako dahil doon hindi ko akalain na maiisahan kami—lalong lalo na ako. Ang ibang tauhan ng Apocalypse na nakasunod sa akin ay sinenyasan kong maghiwahiwalay at gawin ang kasunod na operasyon na Hurricane.

Matapos kong sabihin iyon ay kasabay ang isa pang napakalakas na pagsabog sa kung saan man. Kasunod noon ay ang mga putukan ng baril. At iba't-iba pang ingay kagaya ng mga kalasag at ng mga patalim. Hindi ko akalain na sa isang iglap ay magiging ganito kaingay amg lugar na ito, kung saan kabi-kabila ang pagsabog na aking naririnig. Pakiramdam ko ay mabibingi ako dahil doon. Ang kaninang tahimik na kamatayan ay napalitan ng umuugol na paghihimagsik.

Agad akong tumakbo muli at kagaya ng inaasahan ay kabi-kabila na nga ang kilos ng mga kalaban. Agad akong nagpaputok ng baril sa nakasalubong mga hindi kasapi. Paunahan na lamang ang nangyayari ngayon, dahil kung hindi ka mauunang sumugod ay tiyak na ikaw ang maagrabiyado.

Patuloy ang aking pakikisagupa sa mga kalaban. Kada liko ko sa mga kanto ay mayroon akong nakakasalubong. At kapag may nakikita naman akong mga grupo grupo at hindi nila ako napapansin ay hinahagisan ko sila ng pampasabog o hindi naman kaya'y lason.

Paulit ulit na ganoon ang pangyayari, hindi man lamang tumahimik ang paligid kahit isang segundo. Ang ingay ng mga pagputok ay sadyang nakakabingi, at ganoon na din ang sigawan ng magkabilang panig.

Habang nagtatago ay may naramdaman akong kakaiba, na tila ba may umaasinta sa akin ng hindi ko na kikita. Hinanap ko ito ngunit wala akong makita, kaya't noong humakbang pa akong muli ng isa ay may nagpaputok na ng baril sa kinatatayuan ko.

Naiwasan ko ito at kitang kita ko pa ang tila pag-usok ng bala sa lupa kung saan ito tumama. Dahil sa direksyon noon ay nalaman ko na kung saan nagtatago ang nagtatangka sa aking buhay. Tumakbo ako at bumilis din ang pagpapaputok sa akin, at noong makakuha ako ng tamang tiyempo ay pasimple akong nagpaputok sa direksyon kung saan nagmumula ang bala. At matapos lamang ang ilanh segundo ay wala nang naghahabol na bala sa akin.

Tss. Kung kukuha sana sila ng sniper siguraduhin nilang asintado, at kagaya ni Light na walang palya.

Medyo nag-iinit na ang ulo ko dahil sa mga nangyayari. Hanggang ngayon ay hindi pa din matukoy tukoy kung nasaan ang mga magulang namin kaya naman nag-pasya na akong maghanap ng akin.

Kada madaanan kong gusali o bahay ay pinapasok ko. Minsan ay kalaban ang nandoon at minsan naman ay walang katao tao. Pero ni anino o hibla ng buhok ng aming magulang ay hindi ko pa din nakikita.

Mas binilisan ko pa ang kilos ko dahil sa pagkaatat ko at sa pakiramdam ko na tila ba wala akong nagagawang tama ngayon at puro pag-asa kay Light ang akinh ipinapakita. Halos mawalan na ako ng pag-asa sa paghahanap noong makarating ako sa isang lugar na napakadaming tauhan sa labas. Isa iyong warehouse.

Agad kong inilabas ang baril na mayroong lason ang mga bala. Mabilis at maliksi ko silang pinapatamaan lahat. Walang nakatakas at bago pa makapagbigay ng rekasyon ang iba ay huli na ang lahat dahil natamaan na din sila sa ulo o kaya naman sa leeg.

Tumba na sila at agad akong tumakbo papasok sa loob. At noong makapasok ako ay mas marami pang tauhan ng Empire ang nag-aabang sa akin. Kahat ng baril nila ay nakatutok sa akin. Hindi ko akalain na ganito ang aking dadatnan. Walang nagtangkang magpaputok, pero mahahalata mo na kating kati na ang mga kamay nila para kalabitin ang gatilyo.

"Maligayang pagdating Nathaniel Gabriel Evans." Napalunok ako dahil sa aking narinig. Namuo ang galit at poot sa aking puso at ganoon na din ang matinding kaba dahil sa hatid ng kaniyang paunang bati. Unti unti ay lumingin ako sa pinanggagalingan ng ingay na aking nadinig, at doon tumambad sa akin ang mukha ni Catherine Servilla na mayroong kakaibang ngiti sa labi.

"Akala ko mahuhuli ka. Nais ko nga palang ipakita sa iyo ang iyong pinakamamahal na ngayon ay nagdudusa." Ang akala ko ay ang aking ina ang kaniyang tinutukoy subalit para akong nawala sa katinuan sa kasunod na nakita.

Si Light. . . nakaluhod sa maduming sahig habang hawak hawak ni Catherine Servilla ang kaniyang buhok. Sinabunutan pa siya ni Servilla at nakita ko ang mahinang pagdaing niya.

Nanginig ang aking mga kamay dahil sa matinding galit. "Pakawalan mo siya." Madiing wika ko sa nagbabantang tono. Kaunting kaunti na lamang ay sasabog na ako sa galit.

Natawa lamang siya sa aking inusal at agad akong sinenyasan na tumingin sa isang banda. Doon dumako ang aking mga mata at nagulat ako noong ang ina ko at ni Light ay mayroon nang malay at lumuluha, hanggang sa muli siya dahan dahang ibaba sa transparent water tank na iyon.

Ang ina pa ni Light ay mayroon nakatarak na kutsilyo sa isang hita,mat tumutulo ang dugo mula doon. Awang awa ako sa kaniya dahil sa aking nasaksihan.

Ang kanilang mga mata ay nangungusap ngunit hindi ko makuha ang kanilang nais ipahatid dahil sa matinding sakit na nararamdaman ko sa aking puso. Kumubog na ang kanilang mga paa sa tubig at doon nagsimula akong hindi magkaintindihan.

Napatingin ako sa kamay ko na may hawak na baril. Itinutok ko iyon sa mga tauhan na nasa aking harapan. Itinutok ko iyon ay Catherine Servila na nakangiti ng mala demonyo at hindi man lamang nasindak sa ginawa ko, at hindi ko na alam kung saan ko dapat ipuntirya iyon. Naguguluhan ako.

Lalong tumindi ang aking pagkalito noong unti unti ay lumubog na ang buong katawan at maging ang ulo ng aking ina sa tubig. At kasunod noon ang paglabas ng dalawang tao sa gilid ng mga bakal at doon na may nakita akong kumikislap na bagay na kanilang dala dala.

Gusto kong sumigaw ng huwag, gusto ko silang sugudin at pigilan, gusto ko silang paputukan ng baril pero hindi ko magawa ang alinman sa mga bagay na iyon dahil para akong naestatwa habang nanlalabo ang mga mata habang tinitingnan kung paano nilang ilapag ang bagay na iyon sa tangke at kung paano nagsimulang bumula ang bibig ng aming mga ina dahil sa pagkakakuryente.

Bumilis ang aking paghinga at tila nanghina ang aking katawan. Kung kanina ay sa isang monitor ko lamang iyon nakikita, ay ibang iba na pala talaga kapag nasa harapan mo na. Parang hinihiwa ang aking puso at ang isip ko ay tila napalarisa. Tila kusang nagdidilim ang aking pangin at para bang hinihigit ako noon sa kadiliman kung saan hinding hindi na ako kailanman makakawala pa.

Para akong nahihipnotismo. At hindi ko na alam ang gagawin ko. Kinakain ako ng takot, galit at kadiliman nang pagkakataong iyon. Bumabalik sa aking utak ang imahe ni Light na nakaluhod at sinasabunutan. Kung paanong unti unti kinukuryente sa tubig ang aking mga magulang at kung paano nakatayo lamang ako dito na walang ginagawa. Unti unti ay tila, pati paghinga ko ay hindi na ako hinahayaan pang mabuhay pa, oarang kusa iyong nagbabara. Kusang gusto akong lagutan ng hininga.

Lumulubog na ako sa tila dagat na hinding hindi na ako makakaahon pa. Gusto kong humingi ng tulong pero hindi ko magawa gawa. . . Akala ko huli na ang lahat pero. . .

Isa malakas na pagsabog ang aming nadinig. Doon na pako ang paningin ng lahat. Isang bote kasi ang lumipad sa ere sa pagitan ko at ng mga tauhan at kasunod noon ay ang pagpapaputok ng baril doon. Pagkatapos ay ang lakas nang pagsabog doon.

Noong pagkakataong iyon ay parang may humila sa akin sa lahat ng aking pagaalinlangan at sa kumain na kadiliman sa aking sistema. At sa isang iglap ay nakita ko na lamang si Light na tumatakbo papalapit sa akin habang nakangisi.

Nagising ako noong pagkakataong iyon, at lahat ng nagtangkang lumapit sa akin at sa kaniya ay agad kong pinagbabaril. Lahat ng gusto akong patamaan ay napaputukan ko kaagad, at ang mga nakatira agad ay mabilis kong naiwasan. Ligtas na nakalapit sa akin si Light kaya't agad ko siyang inabutan ng baril.

Napunta kami sa gita ng mga kalaban dahil doon, at si Catherine ay prente lamang kaming pinapanuod. Napalingon din ako sa aming mga magulang at nakita kong unti unti na muli silang inaangat sa tubig.

Hindi na din kami nagpatumpik-tumpik pa ni Light at agad na lumaban sa mga taong sumusugod sa amin.

***

Princess Light's POV

Habang naglalakad at nagtatago sa mga kalaban ay may nakita akong isang warehouse kung saan napakadaming bantay ang palakad lakad sa labas noon. Maingat akong nag-isip ng plano kung paanong makakapasok doon ng hindi nila nalalaman, o nakikita.

Gusto ko sana silang patumbahin pero kung mangyayari iyon ay tiyak na magiging alerto ang lahat nang nasa loob ng warehouse na iyon. At hindi ito ang oras para makaagaw pansin ang aking gagawin. Kailangan ay tago at hindi malalaman ng kahit sino ang aking kilos at galaw, lalong lalo na at nakasalalay dito ang buhay ng aking ina.

Mamatay na ako, pero huwag lamang siya.

Pinagmasdan ko ang rotasyon ng paglalakad ng mga nagbabantay. Mayroong pagkakataon na nakatalikod ang isa sa kanila mula sa pinto, at ang isa naman ay nakaharap. Pero kapag iikot silang dalawa ng sabay na nakatalikod sa pinto, ay nakapaikling segundo lamang.

Ang ibang nagbabantay naman ay nagkwekwentuhan lamang at ang ilan ay nasa gilid. Kung tutuusin iyong dalawa lamang talaga na naglalakad ng paroon at parito angmkailangan kong lusutan.

Pinagmasdan ko pa silang muli at kung paano ang ginagawa nila. Napansin ko din na naglilingunan na iyong iba, kaya't mas naging pursigido akong mag-isip ng taktika upang makapasok agad sa loob ng warehouse na iyon.

Naghanap ako ng maaring gamitin sa maliit na bag na aking dala. May nakita akong bagay na maaring kong magamit para makakuha ng atensyon at walang alinlangan ko na iyong kinuha at saka inayos para maging epektibo.

Noong nakatingin silang lahat sa isang banda ay doon ko palihim na ibinato ang bilog na bagay na iyon pagulong sa lupa na may mga bato bato. Ilang saglit pa ay umusok na iyon at dahil doon ay naagaw noon ang lahat ng pansin nila. Lumapit ang karamihan sa kanila doon para usisain iyon, at syempre para pigilan ang pagsabog.

Pero ang hindi nila alam, usok lamang talaga iyon. Noong halos hindi na sila makakita sa usok na iyon at ang dalawang bantay ay patalikod na sa pintuan ay mabilis akong kumilos para tumakbo paloob at sa katiting na segundong mayroon ako ay nakapasok agad ako sa loob ng hindi nila mapapansin.

Isang ngiti ang inihandog ko ng palihim sa kanila noong nasa loob na ako ng warehouse. Mabilis silang maisahan, dahil hindi nila kapantay ang aking bilis sa aksyon. Wala akong balak kalabanin sila dahil ang gusto ko lamang makasagupa ngayon ay ang hayop na si Catherine Servilla.

Nang nandoon na ako sa loob ay nagtago akong muli sa mga kahon at mga bakal na nandoon. Marami pa ding nagkalat na tauhan pero ang ilan ay nasa malalayong bahagi, kaya't hindi nila napansin ang pagpasok ko.

Lumipat ako ng pinagtataguan kada may nakikita akong papalapit sa akin. Inilabas ko na din ang mga karayom na may lason para kung sakasakaling makita nila ako ay agad ko na silang matutusok noon bago pa man sila makapagbigay ng alerto na nakapasok na ako.

Tama ang aking pasya na maghanda dahil matapos ang ilang sandali ay mayroon nang nakapansin sa akin. Tinutukan na niya ako ng baril at bago pa man ako mapaputukan ay hinipan ko na ang isang bagay para tumama sa noo niya ang karayom na may lason.

Dali dali din akong tumakbo sa pusisyon niya para alalayan ang pagbagsak niya sa sahig dahil paniguradong gagawa iyon ng tunog. Nagtagumpay naman ako sa aking ginawa, at saka hinila ng marahan ang bangkay niya para itago at para walang manghinala.

Hindi ko alam kung ilang beses kong ginawa ang bagay na iyon at kung ilang beses akong may hinihilang bangkay. Pero sadyang hindi sila maubos ubos. At habang ginagawa ko ang mga bagay na iyon ay napalingon ako sa isang bahagi ng lugar na ito, at ganoon na lamang ang pagkulo ng aking dugo sa aking nasaksihan.

Nandoon si Catherine Servilla, habang sinasampal ang aking ina at ang ina ni Gab Gab.

"Mga hayop kayong dalawa! Nararapat lamang sa inyo iyan! Mga hayop ang pinalaki ninyong mga anak!" Sigaw pa niya sa aming mga ina. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa baril na nasa kabilang kamay.

Sinampal niya ng makailang ulit ang dalawa ay pagkatapos ay sinabunutan pa niya ang ina ni Gab Gab. "Akala mo kung sino ka ding santa? Isa kang walang kwentang ina! At ang anak mo ang pagbabayarin ko sa lahat ng kalapastangang kinaharap ng anak ko!" Nanginginig na kaniyang wika habang nanggigigil kay Tita Nathalie.

Hindi nagsalita ang ina ni Gab Gab bagkus ay ngumiti ito. Hindi ngiting nakkasindak o nanakot, hindi din ito nagyayabang. Naghihikahos ito nagsalita. Hindi sila nakabitin ng aking ina ngayon, pawang nakaupo silang parehas sa upuan pero nakatali pa din ang kamay at paa, at basang basa pa din. "T-Tama ang pagpapalaki ko sa aking anak." Hirapang sambit nito.

"Baka i-iyong a-anak mo ang hindi l-lumaki ng tama?" Mahinahon pero punong puno ng kauhulugan na sambit nito habang nahihirapan. Sinampal nanaman siya ng pagkalakas lakas ni Catherine dahil doon. Nag-init ang ulo ko sa aking nasaksihan.

"Ha! Ni minsan hindi naging manloloko ang anak ko!" Angil nito at mararamdaman mo doon ang nag-aalab na galit.

"Pero naging walang modo!" Nagulat ako sa biglang pagsabat ng aking ina, kaya't agad na siya ang pinag-tuunan ng pansin ni Catherine Servilla. Hinawakan nito ang bangang ng aking ina at saka pinukpok sa ulo gamit ang baril na kaniyang hawak.

Gusto kong sugudin ang hayop na iyon dahil sa ginagawa niya sa aking ina, pero kinalma ko ang aking sarili. Kung magpapakita akong agad agad ay paniguradong walang alinlangan niyang pauputukan ng bala ang aking pinakamamahal na nanay.

"At iyong iyo? Naging kabit?!" Nanggagalaiting tanong nito.

Dinuraan siya sa mukha ni mommy. Lalong nanginig sa galit si Catherine dahil doon, at pinaputukan ng baril sa may paanan ang mga ina namin ni Gab Gab. Hindi man lamang nasindak ang dalawa doon, pero makikita mo ang pangamba sa kanila.

Hinang hina na silang dalawa pero hindi sila sumusuko.

"Paano kung ang anak mo ang kumabit?" Ganting tanong ni mom habang matapang na nakatingin sa kaniyang dating kaibigan.

Hinablot ni Catherine ang ina ko sa buhok at nanggagalaiting tingnan. Tumawa ito ng mala-demonyo at saka itinutok ang nguso ng baril sa gilid ng noo ng aking ina. Naging alerto ako dahil sa nakita.

"Huwag kang manlaban, Nadine." Nagbababalang sambit nito. "Hindi mo alam ang dinanas ng anak ko. Wala kayong alam na dalawa. Magkamatayan na tayong tatlo dito, pero ipaghihiganti ko siya." Mapanganib na pahayag niya at saka binitiwan ang buhok ni mommy.

"Hindi mo din alam ang dinanas ng kambal ko dahil sa pagiging sakim ninyo!" Naghihikahos na sambit ni Mommy, habang humihikbi. Parang pinupunit ang puso ko habang sinasabi niya iyon.

Simula noong mawalay ako sa kanila at nabuhay bilang Ayah Lynn Rivera ay hindi ko na sila nakita. Ang pagkakaalam ko ay hindi nila maiwan ang Empire noon dahil may kailangan silang gawin para sa kakambal ko, ang hindi ko alam habang tumatagal pala noon, nagiging bihag sila sa loob ng impiyernong iyon.

"Kinalimutan ninyo ang kakambal ni Princess. Hindi ninyo binigyan ng hustisya. Itinuring ninyo parang isang bula. At higit sa lahat! Kayo pala ang may kasalanan ng lahat ng dinanas niya!" Umiiyak nitong paglahaw.

May kung anong bumara sa aking lalamunan at pakiramdam ko ay may pumihit sa aking pulsuhan malapit sa palad dahil doon. Lumalim ang aking paghinga at ang aking mga mata ay nagsimulang manlabo.

Ang dahilan kung bakit hindi ko magawa gawang sugudin ang Empire noon kahit alam kong sila ang may kagagawan noon sa kapatid ko ay dahil sa magulang ko. Hawak nila ang pinakamamahal kong lolo, daddy at mommy. Paano ko sila kakalabanin noong pagkakataong iyon?

"Nararapat lamang sa kaniya iyon!" Para akong naging baril dahil sa sinigaw ni Catherine Servilla. Napindot niya ang gatilyo ko noong sambitin niya iyon ng walang kahit anong emosyon, at tanging pagiging masaya at kuntento lamang dahil sa dinanas ng aking kabiak.

Lumabas ako sa pinagtataguan ko at saka ako tatlong beses na pinaputukan ng baril na hawak hawak ko ang kaniyang kinalalagyan. Nakuha ko ang atensyon ng lahat dail doon at agad akong pinalibutan ng mga tauhan niya.

Sabay sabay silang sumugod sa akin, pero dahil sa matindi at nag-aalab na galit sa aking puso ay pinagbabaril ko na silang agad bago pa nila ako mauhan, at bago pa nila ako masaktan.

Lahat sila ay natumba sa isang iglap. At ang ilang pasugod pa sa akin, ay pinatigil ni Catherine Servilla, noong isenyas niya ang kaniyang kamay.

Ngumiti siya sa akin na may halong pagiging sarkastiko. Magsasalita na sana siya pero inunahan ko na.

"Kung nararapat lamang na mamatay ang kakambal ko ay sinasabi ko sa iyong nararapat lamang din na mamatay ang anak mo, sa mga kamay ko." Mapanganib at marahang bigkas ko, habang nakatitig sa kaniya ang mga mata kong tila nag-aapoy sa matinding emosyon na nadadama.

Hindi agad siya nakapagsalita bagkus ay natulala siya sa aking sinabi, at nakita ko ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa baril na nasa isang kamay. Ang panginginig ng kaniyang katawan sa galit ay walang kapantay. Tila hindi makapaniwala na nasa harapan na niya ako. At higit sa lahat na buhay ako.

"Talagang matagal mamatay ang masamang damo." Nang-aasar na pahayag niya.

"Tama ka, kaya nga buhay pa si Cassidee." Agarang sagot ko. Nakita ko kung paanong mamula ang kaniyang mukha dahil sa galit at itinaas niya ang kamay na mayroong baril at sakapinaputukan ng mga bala niyon.

Napakadami kong naiwasan, at ni isang bala ay walang tumama sa akin. Hanggang sa maubos ito. Nginitian ko pa siya ng sarkastiko dahil walang panama ang kaniyang ginawa sa bilis ko. "Iyon na iyon?" Nakakalokong wika ko at saka ko itinaas ang baril na hawak hawak ko at saka ko siya sinimulang paputukan.

Agaran at naging maliksi din ang kilos niya at katulad ko ay naiwasan niyang lahat iyon kahit pa asintado ang mga pagbaril ko. Isa lamang patunay na talagang malakas siya at kung paanong kinikilala siya ng karamihan noon.

Napalingon ako sa mga ina namin ni Gab Gab na ngayon ay inilalayo sa amin noong mga tauhan ni Catherine. Ngumiti ako sa kanilang dalawa na tila nagsasabi na huwag silang mag-alala dahil ililigtas ko sila.

Tumawa siya dahil sa aking ginawa. "Walang kwenta." She teased.

"Ikaw din. Walang tumama sa mga bala kanina." Ganti ko namang agad na kinaasar niya nang sobra. Para talaga siyang mas matandang version ni Cassidee. Pikon talo. Mana mana pala talaga ang mga bagay na iyan. Napailing iling na lamang ako.

Dahil mukhang hindi niya nagustuhan ang mga sinabi ko ay naglabas siya bigla ng isang espada. Kung hindi ako nagkakamali ay isa iyong katana. Napangisi ako dahil doon. Kilala siya sa pagiging bihasa sa paggamit ng mga patalim na ganito. At iyon din ang isa sa paborito kong gamitin kaya't natuwa ako.

She's the fangs of the serpent trio, huh? She better make sure I will enjoy the battle.

Nagbabala siya na huwag na huwag makikialam ang mga kasamahan niya sa mangyayaring labanan. Natuwa naman ako dahil doon. Ito ang gusto ko ang lalabanan ko siya nang walang kahit anong sagabal. Kadayaan na lamang kung nag-iisa lamang ako at napakadami pa nila.

Naramdaman ko din ang matinding galit sa akin kapag naalala ko kung paano kong nalaman noon na siya na pala ang pinakamataas sa Diablos' Territory. Akala ko noon ay makakamit ko na ang hustisya sa kakambal ko, pero mali pala. Dahil mismong ang huling pag-asa ko ay wala na palang bisa lalong lalo na siya naman pala ang namamahala sa pinakamataas na antas sa mga kagaya namin.

Inilabas ko na din ang aking esapada sa sisidlan nito. Nag-ikutan muna kaming dalawa habang tinatantiya ang kilos ng bawat isa. Pinagmamasdan ko din ang kaniyang pwedeng gawing unang atake ngunit sa pusisyon niya ngayon ay mukhang mas gugusuhin niya na ako ang unang aatake.

Hindi ko na pinalampas pa ang oportunidad na iyon at ako na ang unang umatake. Sa unang atake ko ay nasalag niya iyon ng walang kahirap hirap. Kada hampas ko ay siya naman harang niya ng sisidlan ng espada upang hindi siya tamaan ng talas nito. Mas lalo akong ginanahan sa kaniyang ipinakitang taglay na bilis sa pagkilos.

Kahit anong bilis ng atake ko ay siya namang bilis din ng kaniya. Nasasabayan niya ako sa mabilis na ritmo ko. Na isang kahangahangang bagay. Ang bilis na ito ay hindi pa nasasabayan ng kahit sino, maliban kay Gab Gab, dahil maging ang Apocalypse ay walang laban sa bilis ko ngayon.

Halos isang minuto pa lamang yata ang lumilipas ngunit wala nang humpay ang pagkalansing ng nagtatamang mga patalim at mga pagharang nito sa aming pagtutuos. Dahil tila walang pagabante sa paglalaban namin ay nagpasya akong gumawa ng isang galaw.

Sinadya kong atakihin siya malapit sa may mukha kaya naman nasalag niya itong agad. Iginalaw ko naman ang mga paa ko sa ibaba para patidin siya pero agad siyang nakatalon, kaya naman agad na hampas ng espada ang aking iginawad sa kaniya, pero mabilis siyang nakaikot at kagaya kanina ay nasalag niya iyon. Napangisi tuloy ako.

Hindi pa din siya umaatake kaya ako na ang gumawa. Ipinikit ko ang aking mga mata ay pinakiramdaman siya. Hampas sa itaas, sa gitna at sa baba ang akig ginawa. Sa una at mabagal pero ginagawa kong pabilis nang pabilis. Subalit sadyang nakakasabay pa din siya.

Tumalon ako at mabilis na umikot sa ere, habang nandoon ay inihagis ko ang katana pataas. Doon ako kumuha ng tyempo at saka mabilis na sumirko para bumaliktad ako, at paa ko na ang nasa itaas uoang pagtatadyakan siya. Nasalag niya iyon pero ang sigurado akong nasasaktan siya pagtama ng mga atake ko.

Itinalon ko din ng bahagya ang aking mga kamay at saka iyon inihawak sa kaniyang dalawang binti at saka akong muling sumirko para madala siya. Inihagis niya ang kaniyang katana dahil sa biglaan kong ginawa, at nang pababa na sa ere ang katana na aking hinagis kanina ay tumalon ako para saluhin iyon at ibinato agad sa kaniya na ngayon ay halos mapahiga na sa sahig.

Ngunit mabilis pa din ang kaniyang kilos kaya naman nagulat ako nang bahagya noong maiwasan niya iyon. Lubhang hindi siya ordinaryong kalaban na kahit napakatindi ng galit ko sa kaniya ay namamangha pa din ako.

Sana'y ganito kalakas ang Casside na iyon, hindi lamang puro bibig ang ginagamit.

Agad siyang tumakbo patungo sa katana niyang palagpak pa lamang mula sa ere. Nasalo niya iyon habang nakatingin sa akin at saka ngumisi. Sa unang pagkakataon ay sumugod siya sa akin. Mabilis ang pagsugod niya kagaya ng kanina subalit tila may kakaiba sa mga iyon.

Nasasabayan ko siya at nasasalag ko ang bawat hampas ng kaniyang katana, subalit kahit nasasalag ko iyon ay tila bumibigat ang aking pagkakahawak sa patalim. Marahil siguro ang lakas ng kaniyang mga tira kahit pa napakabilis nito. Hindi ako makapaniwala sa sandaling iyon habang hinaharangan ang kaniyang mga tira.

Maldo andwae. . . Nasabi ko na lamang sa aking isip. Akala ko ay isa lamang haka haka ang lahat ng nangyayari ngayon. Subalit, totoong totoo pala ang lahat ng mga sinasabi nila noon.

Tumalon at sumirko siya sa ere, pagkatapos ay ibinato niya ang katana pataas, bumaliktad siya pagkababa sa ere at ang mga paa niya ang ginamit sa akin upang panlaban. Ang katana na aking hawak ay walang bisa kahit pa ihampas ko iyon sa kaniya, at sa isang iglap ay naramdaman ko na lamang ang mga kamay niya sa aking binti, at agad akong isinirko. Naibato ko paitaas ang Katana dahil sa bilis ng pangyayari.

At kagaya ng inaasahan ang katana na ibinato niya kanina ay mabilis niyang sinalo at saka agad na ibinato sa akin. Mabuti na lamang at mabilis ang kilos ko at nakailag pa ako habang tila nakalutang sa ere, mula sa pagkakasirko dahil sa kaniya.

Noong makatayo ako ay agad siyang tumakbo pasugod sa akin, at saka binawi ang katana na kaniyang itinira.

Hinihingal ako at nagsimula na akong pagpawisan dahil sa lakas at bilis niya. Pero ang bagay na ginawa niya kanina ay lubhang tumatak sa akin.

She's really the copy cat.

Lahat ng galaw ko kanina habang sumusugod sa kaniya ay ginaya niya. Mula sa paghampas ng katana, sa kasunod na gagawin at maging ang huli kong tira. Walang palya ni isang kilos, o galaw, gayang gaya.

Natulala ako sa galing niya at bilis kanina, pero ang ibinigay niya sa akin ngayon ay isang kahanga hangang bagay.

Totoo pala talaga iyon. Na ang fangs ng serpent trio ay isang napakagaling na copy cat. Ngunit may isang bagay silang hindi nasabi. Ang mga galaw niya ay gayang gaya ng akin, pero may pagkakaiba doon. Mas mabilis, at mas malakas iyon.

Mas lalo akong ginanahan dahil sa kaniyang ipinakita.

Ako muli ang unang sumugod at sinubukan kong gamitin ang kumbinasyon na ginawa ko kanina. Hinagis ko ulit ang katana at umikot muli sa ere. Pero habang ginagawa ko iyon ay tila ba may kakaiba na.

Pinagtatadyakan ko siya, at noong huhulihin ko na sana ang binti niya ay nagulat ako noong makailag siya at siya pa mismo ang humawak sa mga binti ko at saka ako mabilis na ibinalibag sa sahig, at ang pagbagsak ng katana na inihagis ko ay bumagsak malapit sa aking muka.

Muntik na akong masugatan noon kung hindi lamang ako nakaiwas.

Ang galaw kong iyon ay hindi na akin. "Sa pagkakataong ito. Hindi mo na galaw ang iyong ginawa." Natatawang sambit niya. "Dahil akin na iyon." Madiing bigkas pa niya.

Unti unti ay tumayo ako mula sa pagkakadapa dahil sa pagkabalibag niya sa akin. Kinuha ko din ang katana na bumagsak kanina. Lumayo muna ako ng bahagya sa kaniya.

Hindi lamang siya manggagaya. Inaangkin din niya nag mga galaw na aking ipinakita. Nakaramdam ako ng inis dahil sa nangyari. Hindi ko akalain na ang pagkopya niya ay hindi basta basta kopya lamang. Na ang pagkopya niya ay isang perpektong aksyon nang pagaangkin ng isang galaw.

Alam kong kahit paulit ulitin ko pa ang galaw na ginawa ko kanina ay hindi na iyon tatabla sa kaniya puros palpak na lamang ang kakalabasan noon. Binago niya ritmo at oras ng aksyon kong iyon. Inangkin na niya iyon. Ginanti niya iyon sa akin na higit dalawang beses ang lakas at higit tatlong beses ang bilis.

Hindi ko akalain na wala pa ding kupas ang natatangi niyang galing.

Imbis na matakot o masindak ay mas ginanahan lamang ako. Natutuwa pa nga ako na ipinakita niya ang ganoong klaseng mga teknik sa akin. Dahil ipinaparating na din noon sa akin, na hindi mahina ang tingin niya sa akin, na hahantong pa siya sa paggamit ng mga natatanging lalas niya para lamang sa pakikipaglaban sa akin.

Gumawa akong muli ng mga atake, ngunit habang patagal nang patagal ay nawawalan iyon ng bisa dahil sa kaniyang pagkopya. Mas lalo akong naging pursigido sa labanan dahil doon.

Nakakaramdam na din ako ng pagod dahil sa tagal ng laban sa pag-itan naming dalawa. Nasusugatan ko na siya, may ilang hiwa na ang kaniyang damit subalit ganoon din siya sa akin. May dugo nang tumutulo mula sa aking balikat dahil sa atake ko kanina.

Samantalang siya ay may dugo na din sa noo dahil sa pagkakabalibag ko sa kaniya kanina.

Nagpatuloy kami sa paglalaban. Mawala ako sa konsentrasyon noong matanaw ko ang aking ina at ina ni Gab Gab na nakalambiting muli at mukhang papahirapan nanaman. Nanginig ako sa galit dahil doon at walang pakundangan na sinugod si Catherine Servilla.

Binigatan ko ang atake ko para kahit masalag niya ang patalim ay mararamdaman niya ang sakit at galit ko doon. "Pakawalan mo ang nanay ko!" Sigaw ko sa kaniya. Talagang mapapatay ko ang babaeng ito kapag may nangyari sa ina ko na higit pa diyan.

"Magkakamatayan muna tayo!" Sigaw niya sa akin at saka sumugod. Sinalag ko ang tira niya pero hindi ko akalain na ganoon na lamang kalakas ang kaniyang hampas, kaya't tumalsik ang katana na aking hawak hawak.

Ngunit hindi ako nagpatalo at agad na kumilos. Gamit ang aking dalawang paa, at agad kong inipit ang patalim noon at saka ako sumirko para makuha iyon sa kaniya. Nagtagumpay ako dahil doon at saka ko itinapon ang bagay na iyon sa malayo, at saka siya mabilis na sinugod ng suntok.

Nailagan at nagsalag niya ang karamihan sa mga iyon pero natatamaan ko ang kaniyang mukha at kalamnan kapag binibilisan ko ang kumbinasyon. Napapaatras din siya sa aking ginagawa at kapag siya ang susugod ay ako naman ang napapatras sa bigat ng kaniyang mga atake.

Sabay kaming sumugod sa isa't-isa, at nasuntok niya ako ng pagkalas lakas sa sikmura at siya naman ay natadyakan ko sa may bandang mukha at noo, kaya tumalsik din siya.

Napaubo ubo ako at napansin ko na pula na ang inuubo ko at nalalasahan ko na din ang dugo sa aking bibig. Mukhang medyo napuruhan niya ako sa ginawa niya. Kahit nahihirapan ay agad akong tumayo at nahihirapang tumingin sa aking ina na umiiyak sa kaniyang nakikita.

Kakaibang sakit nanaman ang pumihit sa aking puso dahil doon.

Tumayo ako habang nakahawak sa aking tiyan at tiningnan si Catherine Servilla na ngayon ay halos kulay pula na ang kalahati ng mukha dahil sa dugo na tumutulo mula sa kaniyang noo. Mukhang napuruhan ko din siya.

Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at agad siyang sinugod. Pero laking gulat ko na lamang noong may marinig akong putok ng baril mula sa likod at naramdaman ko na lamang ang pagtama ng mainit na bala sa aking braso.

Napaluhod ako dahil sa matinding sakit na nadama. Agad akong kumilos para kumuha ng baril sa gilid ng aking binti, at agad na pinaputukan ang bumaril sa akin sa likod ko at ang mga tauhan na Catherine na papalapit sa akin.

Dahil napakadami nila ay naubos ang bala sa baril ko, kaya naglabas ako ng maliliit na punyal at agad na ipinagbabato sa kanila. Tumama ang ilan sa kaniyang noo, leeg, puso at ang iba ay dumaplis lamang.

Pinilit kong tumayo at noong makatayo ako ay agad akong kumuhang muli ng baril sa pinaputukan silang muli. Habang nasa kanilang mga tauhan ang aking atensyon ay naramdaman ko ang presensya ng isang katawan sa aking likod at tama nga ako na si Catherine iyon.

Itinutok niya sa aking lalamunana ang isang balisong at saka marahang dininikit doon ang dulong bahagi. Pinigilan ko ang sarili na mapalunok o huminga, para hindi lumapat iyon. At noong makakuha ako ng tiyempo ay hinawakan ko ang kamay niyang may balisong at saka siya pilit na ibinalibag.

Nagawa ko iyon, subalit sabay sabay na sumugod sa akin ang kaniyang mga tauhan at pinaputukan ako ng baril. Sa kabutihang palad ay naiwasan ko ang mga iyon, at saka silang pinagsusuntok at pinatumba.

Hanggang sa higitin ni Servilla ang aking paa, nakatalon ako para hindi niya magawa iyon, pero nagulat ako noong habang nasa ere ay may tumamang pana sa aking balikat. Napasigaw ako sa matinding sakit, at hindi na ako nakakuha ng tamang pusisyon mula sa ere, kaya't pabalibag akong bumagsak sa sahig.

Mas dumomble ang sakit sa aking katawan, at halos mamilipit na ako dahil doon pero hindi ako sumuko. Walang bahid ng takot kong tinaggal ang palaso sa aking balikat at saka muling sinugod ang mga tauhan ni Catherine na nakikialam sa aming laban.

Kagaya kanina ay napatumba ko silang lahat sa isang iglap, kahit pa pinagkaisahan nila ako. Kung may susugod sa likod ko ay agad kong naiiwasan iyon kaya naman nag napapatumba ng kalaban ay iyong nasa harapan ko.

Hindi ko na mabilang kung nakailang ikot ang katawan ko para lamang mailagan sila at maiwasan. Parang walang katapusan ang pagsugod nila sa akin, samantalang si Catherine Servilla ay pinapanuod ako.

Dahil sa inis ko ay muli akong tumakbo para sugurin siya. "Malakas ka at matapang." Papuri niya sa akin. "Pero alam ko ang kahinaan mo." Natatawang sambit pa niya, at nagulat na lamang ako noong maglabas siya nang isang punyal at saka iyon itinira sa aking ina.

"Huwag!" Malakas na sigaw ko pero huli na ang lahat at nakita ko na lamang kung paanong bumaon ang bagay na iyon sa hita ni mommy at kung paanong nagsimulang dumugo iyon.

Hindi siya sumigaw sa sakit pero ang mukha at reaksyon niya ay sadyang nagpapahiwatig kung gaano katindi ang sakit na dinanas sa bagay na iyon. Nagdilim ang aking paningin at mabilis kong sinugod muli si Catherine Servilla.

Ginamit kong muli ang baril at nakailag nanaman siya sa lahat ng aking pinaputok, pero ang huing bala ay nakita kong tumama sa kaniyang braso. Ginamit ko ang pagkakataong iyon para puntahan siya, pero naramdaman kong may pumupuntirya muli sa akin mula sa likod.

Kahit hindi ko iyon nakikita ay naiwasan ko ang lahat ng bala na nakadirekta sa akin. Pati ang pagsugod nila na mayroong mga armas at matatalas na kasangkapan ay aking naiwasan. Nanlaban ako, at hindi sumuko. Nagawa ko naman iyon nang tama dahil sa lakas at bilis ko ay napatumba ko nanaman ang mga pasugod sa akin.

Pero tila ay wala silang katapusan. Hinihingal na akong lahat lahat ay parang hindi pa din sila nauubos. Hindi ko alam kung gaano katagal ang pakikipagtunggali ko sa kanila, pero alam ko ay napakatagal na noon.

Si Catherine Servilla ay muling nakilagtuos sa akin, at noong pagkaisahan na nila ako ay nakaramdam ako ng kirot mula sa sugat na aking natamo. At nasabunutan na ako ni Catherine Servilla at saka pilit na pinaluhod sa sahig.

Gsuto kong manlaban, pero hindi ko magawa noong itutok niya ang baril sa aking ina na ngayon ay lumuluhang muli habang nakabitin. Inihandana din noong mga tauhan ni Catherine ang mga tangke na may tubig. Mukhang kukuryentihin nilang muli ang dalawa.

Nag-isip ako ng paraan upang makawala sa pagkakahawak niya ng hindi na nganganib ang mga ina namin. Tumingin tingin ako sa paligid para kalkulahin ang maari nilang maging mga galaw. Magagawa kong makawala dito at makatakas, dahil may nakita akong bote sa isang banda, at nakita kong karamihan ng atensyon ng tauhan ay nandoon sa aming mga ina.

Nag-antay pa ako nang ilang sandali para isagawa ang aking plano ngunit. . .

Nagulat ako noong makita ko kung sinong pumasok dito. "G-Gab Gab. . . " halos pabulong na aking wika habang nakatitig sa kaniya. Tulala siya at mukhang nilalamon ng galit. Hindi pa niya ako nakikita pero kita na namin siya nina Catherine Servilla.

Iimik sana ako para bigyan siya ng babala o hindi kaya'y para malaman niya na may plano ako pero nauhana na ako ng hayop na may hawak sa akin.

"Maligayang pagdating Nathaniel Gabriel Evans." Ang lakas din talagang magyabang ng Servilla na ito. May ibubunga nga, may kadayaan namang taglay dahil kailangan pa niyang gamitin ang mga tauhan niya laban sa akin at sympre ang aming mga nanay. Walang kwenta!

"Akala ko mahuhuli ka. Nais ko nga palang ipakita sa iyo ang iyong pinakamamahal na ngayon ay nagdudusa." Ibinalandra pa niya ako kay Gabriel. Nagtangis ang aking bagang dahil doon.

Talagang tuso ang babaeng ito. Alam niyang kahinaan ako noong isa at idagdag mo pa ang mangyayari sa aming ina ngayon. Paniguradong galit, poot at matinding pagkalito ang nararamdaman niya ngayon.

Ganyan ako noong una. Laging iyan ang nararamdaman. Hindi makagawa ng plano o kung ano man sa harap ng ganitong klaseng panganib. Pero natuto na ako. Hindi na ako nilalamon ng kadiliman, dahil sila na nilalamon ko.

Inilubog at kinuryente muli ang aming mga magulang at matinding galit ang aking nadama. Nakita ko din kung paanong unti unting mawala si Gabriel sa sarili dahil sa nasasaksihan. Nasisiguro kong madudurog ang puso, isipat kaluluwa nang isang ito kung wala pa din akong gagawin.

Pinagmasdan kong muli ang buong paligid at noong makahanap ako ng tiyempo, at marahang inabot ng paa ko ang bote na kanina ko pang nakikita at saka tinadyakan ng malakas para tumaas ito. Nagawa ko naman iyon nang maayos ay agad akong tumayo at saka ko inagaw ang baril ni Servilla at pinaputukan ito.

Noong sumabig iyon ay naagaw noon ang atensyon ng lahat kaya naman dali dali akong tumakbo papunta kay Gab Gab. Nakangisi pa ako patakbo sa kaniya. Sigurado akong gising na ang isang ito ngayon.

Noong matapos iyon ay tila nahatak na niya ang kaniyang kalukuwa na muntik nang makuha ng demonyo, kaya naman nagtalikuran kaming dalawa para tutukan ang mga kalaban na nakapalibot sa aming lahat.

Dahil sa dami nila ay napalakad lakad kami at hindi namin na napansin na patungo na kami sa lamawak na gitna ng warehouse, habang ang mga ina namin ay nasa gilid.

Dalawa laban sa halos singkwentang katao na ngayon ay nadadagdagan pa. Sa totoo lamang kung bilang ang pag-uusapan ay wala kaming laban, pero tiwala ako sa kakayahan ko at ni Gabriel na kayang kaya namin ito.

Nadagdagan pa sila at laking gulat namin noong mas dumami pa ang mga ito, at noong mapaharap kami ni kay Catherine Servilla, at nandoon na si Reid Servilla na asawa nito.

Ang ngisi niya ay sadyang kahilahilakbot at ang tapang ng kaniyang mga mata ay walang katulad. "Hindi na kayo makakalabas pa ng buhay pa sa lugar na ito." Hindi isang babala iyon. Isa iyong pahayag. Pahayag na totohanin niya ang bagay na iyon. Tumaas ang mga balahibo sa aking batok at braso dahil doon.

Hindi ako nawalan ng lakas ng loob sa mga baong kaalyansa nilang nagpakita. Bagkus ay nasiyahan pa ako dahil magiging magandang laban ito.

Pasugod na sana kaming dalawa pero nagulat kami noong may pagsabog na maganap sa isang bahagi ng warehouse. Medyo malayo kami doon at syempre ganoon na din ang aming mga magulang.

Umuusok ang lugar na iyon kaya doon na tungo ang pansin nang halos lahat pero ako ay nanatiling alerto.

May nakita kaming naglalabasang mga pigura mula sa usok na iyon. Isa isang lumalabas ang mga naglalakad na silhuweta doon. Hindi ko alam pero nakaramdam ng kakaibang pagkasabik ang aking puso. Lalong lalo na noong maaninag ko sa madilim na lugar na ito ang tila kumikislap nilang mga sandata at mga mata.

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Apat.

Lima.

At nadagdagan pa sila nang nadagdagan sa napakaraming bilang. At nang mawala sila sa may bandang usok ay napuno ng matinding saya at pag-asa ang aking puso.

"Are we late?" Natatawang sambit ni Cinque.

"Hey dangerous queen! Won't you welcome me?" Maarteng sigaw pa ni Tiara, habang nasa likod niya ang paboriting naginata na mas matangkad pa sa kaniya.

"Oh? Nandito lamang pala kayo." Manghang imik pa ni Thunder.

"Natagalan ba kami?" Sabay na tanong ni Quattro at Jacob.

"Sorry for being late." Nakangising sambit ni Skyler.

"Nandito na ba ang malalakas na kalaban?" Naglolokong pagsasalita ni Alyx.

"Gandang bungad ba, Incess? Lakas ba ng dating?" Pagbibiro pa ni Anthony.

"Having fun, Incess? Can we join in?" Masiglang tanong ni Annicka habang iwinawagayway ang pagkalaki laking baril na hawak niya. Katabi naman niya si Shana na nakangiti sa akin.

"Hassle 'nung ibang kalaban. Ang dami nga, wala namang iuubra. Tsk!" Mayabang na sambit pa ni Kurt.

"I'm bored in technology room, can I join the battlefield?" Maagas na tanong ni Timothy.

"The pawns, knights, bishops, and the rooks have arrived our queen and king." Natatawang sambit ni Lian habang nakangiti sa kaniyang kapatid. Narinig ko pa ang singhal ni Gabriel dahil doon. Nako, baka umalis ang isang ito sa kinatatayuan niya at hilahin ang kapatid pabalik sa hospital kung saan ito nakatalaga.

Akala ko sila lamang at ang madaming mga tauhan na nasa likod nila pero. . . may dalawa pang silhuweta na naglalakad pa lamang dahil nahuli.

Nakita ko si Takashi o Dos, na pawang ngisi lamang ang inihandog, pero talagang mapanganib ang isang iyon.

Subalit kakaibang gulat na lamang ang aking nakita sa kasunod na lumabas mula sa dilim at usok na iyon. Ang kislap ng kaniyang espada ay walang kapantay at ang mapaglaro niyang ngisi ay natatangi.

"Gomen gomen." Natatawa pa niyang bigkas sa pagkalakas lakas at pabirong tono. "Huli na ba kami? O napaaga?" Ang kaniyang talento sa pangaasar ay walang kapantay.

"Ahm? Papakilala muna kami." Palakad palakad pa siya sa unahan nila na akala mo'y siya ang leader.

"I am Tres. And we are the Apocalypse who will bring you destruction." Kahit hindi patungkol sa akin ang linyang iyon ay kinabahan ako. Bumilis ang tibok ng puso ko sa saya at pagkasabik.

Takeshi Ishido. . . Gising ka na pala?

Sa sandaling iyon ay hindi ko siya nakitang traydor o hindi sumunod sa utos ko. Nakita ko siyang isang kakampi na walang hinangad kung hindi ang bagay na gusto niya.

Habang pinagmamasdan ko silang lahat ay parang may kung anong sumibol sa puso ko a kakaibang pag-asa na walang kapantay.

Oo nga pala, matagal na pala akong tumigil sa pakikipaglaban nang mag-isa. Dahil simula noong dumating sila sa buhay ko, ay sama sama na kaming nakikipagtunggali sa laban na sabay sabay din naming pinaghandaan.

Empire. Here we are. The Apocalypse. We don't fight by ourselves, we fight together because that's the thing that makes us stronger.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top