Liar 36: Sniper

Sorry for all the errors. Hindi ko pa naeedit. Paalis kasi kami. Kaya pasensya na. Anyways, enjoy reading!

Princess Light's POV

Nanatili akong nakatitig sa monitor habang pinapanuod ang nangyayari doon. Walang ibang tao sa lugar kung hindi si Lian at si Philip Evans. Isang kalabit lamang ng gantilyo ay paniguradong sasabog ang ulo nang isa sa kanila. Ramdam na ramdam ko ang tensyon na nangyayari doon. Kitang kita ko ang galit kay Lian. Tila umaapoy ang mga mata niya. Nakapahigpit ng hawak niya sa baril.

Samantalang ang hindi ko maintindihan ay ang kilos ni Philip Evans. Hindi siya ang tipo nang tao na papatagalin ng minuto ang pakikipagtitigan sa isang kalaban. Ngunit, hindi ko akalain na parang nakikipaglaro siya ngayon kay Lian. Lalong lalo na noong sumilay ang ngisi sa kaniyang labi.

Pagkatapos noon ay mabilis ang naging galaw ng kamay niya itinaas niya ang kamay kung saan hawak hawak niya ang baril napigilan iyon ni Lian ngunit bigla na lamang umikot si Philip Evans pagkatapos ay sinipa niya ang kamay ni Lian na nakahawak sa baril.

Sa sobrang bilis ng pangyayari nakita ko na lamang na nasa ere na iyong baril. Agad tumalon si Lian upang kuhanin sanang muli ang baril subalit hindi na niya iyon nagawa noong bigla siyang itulak ni Philip Evans gamit ang kaniyang paa, kaya't halos tumalsik si Lian sa nangyari.

Ngunit hindi sumuko si Lian at mabilis siyang gumanti ng mabilis na sunod-sunod na suntok kay Philip Evans. Nagawa iyong salagin ni Mr. Evans subalit may mga ilang suntok na tumama sa kaniya. Pagkatapos noon ay mabilis na sumirko si Lian upang sipain palayo ang baril na bumagsak malapit kay Philip. Nagtagumpay siya doon subalit may hawak pang isang baril si Philip.

Lian struggled to get the gun, and Philip Evans took the chance to pull the trigger of his gun and shot the location of the camera.

Parang nagising akong bigla noong mamatay iyong monitor dahil sa ginawa ni Philip Evans. Doon ko napansin na napakabilis ng tibok ng puso ko dahil sa nangyari. Napalingon ako sa paligid ko at halos lahat sila ay nabato sa kanilang pinapanuod. Kitang kita ko din sa mga mata ni Gab Gab ang biglang pagliyab ng galit.

Walang ano ano ay bigla siyang tumakbo paalis ng silid na ito, at sinundan agad iyon ng napakabilis na pagkilos din ni Timothy. Kung titingnan mo parang nag uunahan iyong dalawa pagpunta at pagsagip kay Lian. Samantalang ako ay nanatili sa aking kinatatayuan habang paulit ulit na bumabalik sa isip ko iyong nasaksihan ko.

Kung trenta minutos ngang huli ang nakikita naming footage ay hindi ko na alam kung makakaligtas pa si Lian sa mga aksyong ginawa ni Philip Evans. He's showing no mercy and his moves are agile and powerful. Kung iba ang kalaban ni Lian ay nasisiguro kong natapos na niya ang laban kanina pa, pero ang walang kapantay na karanasan ni Philip Evans ang matinding kalaban niya.

Napayukom ang kamao ko at mabilis na lumipad ang isip ko kung paano ako makakatulong sa nangyayari. Tiningnan ko isa isa ang mga tauhan na naiwan sa kwartong ito. Wala pa ding nakilos sa kanila dahil sa pagkabigla.

"Proceed with your actions now!" Mapagbatang sigaw ko kaya't natauhan silang lahat at mabilis na kumilos upang ayusin ang nasirang mga teknolohiya na kinailangan namin. Nagbigay din agad ako ng mga utos sa kanila dahil magsisimula kaming muli sa una.

"Track the location of Lian Valle. Contact the Supply Unit and ask them to distribute the specialized shades. Try to retrieve all the datas and everything that the traitors hacked. Make a new intel and preparations. I want all of it in one hour!" Madiing pahayag ko at mabilis na kinuha ang salamin na nasa bag na nasa gilid ng aking baiwang.

Agad ko ding kinuha ang baril na nandoon at mabilis akong tumakbo papunta sa isang silid. Sinipa ko agad ang pinto noon at saka ako pumasok. Lahat ng maaring makatulong na sandata ay kinuha ko. May mga lason din akong inilagay sa mga bulsa ko.

Matapos noon ay maliksi akong tumakbo sa kahabaan ng pasilyo noong makakita ako ng matibay at maayos na pundasyon ay mabilis kong itinapon doon ang hook noong rope na nakuha ko kanina. Dire-diretso pa din ako sa pagtakbo at hindi nagtagal ay napansin kong nasa dulo na ako ng pasilyo kung nasaan ang malaking salamin na haharang sa aking daanan.

Mabilis kong binunot ang baril sa gilid ng aking pangbabang damit at saka kinalabit ang gantilyo at tatlong beses pinaputukan ang salamin. Kumuha din ako ng malakas na puwersa at walang takot na tinalon ang salamin na iyon. Nabasag iyon sa ginawa ko at naramdaman ko agad ang pagbaba ko mula sa ikalimang palapag ng gusali.

Matulin ang naging pagbagsak ko at naramdaman ko din ang mga butil ng basag na salamin na siyang bumabagsak mula sa tinalunan ko. Ang lubid na aking ginamit ay unti-unti na ding nauubusan ng haba, kaya naman tinaggal ko na iyon sa aking katawan at maingat na bumagsak sa semento.

Ang isa kong paa ay nakapahaba at ang isa naman ay nakatuon sa semento, ang isa kong kamay ay nasa likudan ko at ang isa ay nakaalabantay sa aking bigat sa lupa. Kaalapag ko lamang sa pinakaibabang palapag sa labas ng gusali noong halos masilaw ako sa ilaw nang isang sasakyan.

Tumayo agad ako at walang takot na hinarang ang mabilis na sasakyan na iyon. Narinig ko ang malakas na preno noon at napansin ko na hindi magiging sapat iyong preno para hindi ako noon mabangga, kaya't noong makakita ako ng tamang pagkakataon ay mabilis akong sumirko sa ere.

Saktong pagtigil noong sasakyan ay ang paglapag ng mga paa ko sa ibabaw noon sa unahan. Kitang kita ko kaagad ang gulat noong dalawang lalaki na nakasakay doon. Halos hugutin nila pabalik ang kanilang paghinga, lalong lalo na noong sipain ko ang salamin noon, kaya naman nagkaroon iyon ng lamat.

Maliksi akong tumalon pababa sa ibabaw noon at agad kong binuksan ang pinto na nasa shot gun seat. Agad kong sinakmal sa leeg ang lalaking nakasakay doon. Ang galit at pagkaasar sa kaniyang mga mata ang ebidensya na hindi niya nagustuhan ang aking ginawa.

He gritted his teeth in anger but he did not speak his protest. "Timothy." Madiing banggit ko sa pangalan niya. Nag-iwas agad siya ng tingin sa akin dahil doon. Itinulak ko siya kaya't tumama ang likod niya sa kotse. Nakita ko ang pagguhit ng sakit sa kaniyang ekspresyon ngunit tiningnan ko lamang siya ng mataman.

"Incess. Please, I need to save Lian." Mahinang boses ang ginamit siya ngunit nahihimigan ko doon ang pagiging desperado upang mapuntahan ang kaniyang kasintahan.

Maagap kong itinutok sa noo niya ang baril na hawak hawak ko at tiningnan siya ng mapanganib. "You will save her." Matigas na sambit ko sa kaniya na nagbigay ng pagkalito sa kaniyang mukha. Parang hindi niya makuha iyong sinasabi ko. Parang nagtatanong siya kung paanong maliligtas niya si Lian kung pinipigilan ko siyang umalis ngayon.

"Go back to the intel department now, and lead them to search the location of Lian and to gather intel about the Empire's sudden surprise counter attack to us." Mahinahong pagpapaliwanag ko sa kaniya ngunit ang paghinga niya ay napakalalim at napakabilis.

"Pero kailangan ko—" Naputol ang sinasabi niya noong kalabitin ko ang gantilyo nitong pistol.

"You will save her through the things I'm commanding you." Madiing banggit ko, para naman maliwanagan siya na hindi niya puwedeng pabayaan ang unit niya dahil siya lamang ang maari kong pagkatiwalaan ngayon sa unit na iyon. At katulad ni Lian, isa siya sa pinakamabilis at pinakamatinik sa larangang ito.

"Shit. This is bullshit!" Galit na galit na banggit niya at mabilis na hinawi ang baril itinutok ko sa kaniya at saka siya agarang tumakbo pabalik sa loob ng gusali. Tensyonadong tensyonado siya pero alam kong nakuha agad niya ang gusto kong iparating.

Hindi pa man siya nakakapasok sa loob ay mabilis kong sinarhan ang pinto noong kotse at saka tumungo para sabihan ang isa pang nandoon. "Bilisan mo, Gab. Hindi natin alam ang puwedeng gawin ng ama mo kay Lian." Sambit ko sa kaniya, at napansin ko ang paghigpit ng hawak niya sa manibela at kasunod noon ang halos pagharurot ng makina.

Humakbang ako palayo at naging senyales niya iyon upang patakbuhin na ang sasakyan sa pinakamabilis na paraan. Malakas na hangin din ang naramdam ko hindi lamang sa mukha ko kung hindi sa buong katawan ko noong makaalis siya.

Hindi na din ako nagpaligoy-liguy pa at mabilis akong tumakbo sa parking kung nasaan ang iba pang mga sasakyan namin. Kailangan kong linisin ang mga kalat na naging resulta ng pagiging pabaya ko. Hindi ngayon ang oras upang magbaliktanaw ako sa mga kamalian ko kaya't itatama ko iyon ngayon din.

Agad kong binuksan ang isang sports car na maari kong magamit sa bilis. Pinaharurot ko agad iyon sa daan. Mabuti na lamang at walang ganoong sasakyan. Kung mayroon man ay mabilis ko lamang iyong nalalampasan at hindi pa naman iyon nagiging balakid.

Mahigpit ang hawak ko sa manibela noong sasakyan noong marinig ko ang beep mula sa emergency cellphone na sana bulsa ko. Kinuha ko kaagad iyon at inilagay iyon sa aking tainga.

"Damn it, Uno! Where the hell are the reinforcements?! And what's happening right now? Everything is fucking messed up!" I heard Clio asked frustratedly as he hissed.

"I'm going there. So shut the fuck up and prove me that you are worthy of your title as one of the leaders of Apocalypse." Madiing sambit ko at saka ko ibinaba iyong tawag niya at mas pinaharurot ko pa ang sasakyan upang mabilis kong matungo ang lugar kung nasaan sila.

Gamit ang isang kamay ay nagmaneho ako, at ang isa naman ay para ilagay sa mga sandata ko ang ilang mga lason na nakuha ko kanina. Napansin ko din na halos dumadami na ang sasakyan na nasa daan kaya naman halos palipat lipat na akong lane  para walang maging sabagal sa daan ko.

Halos paliparin ko na ang sasakyang ito dahil sa pagkainip. Kailangan ko nang makarating sa lugar na iyon. Lumiko ako sa isang daan dahil alam kong mas malapit doon ngunit ang problema lamang ay masyadong masikip ang daan na iyon, kaya't wala sanag humarang sa daan ko dahil baka bungguin ko lamang sila.

Laking pasasalamat ko na lamang noong walang inosenteng nadamay sa pagmamadali ko. At noong halos tatlong minuto na lamang ang layo ko sa lugar na kung nasaan sina Cinque at Quattro ay mas pinabilis ko ang takbo nitong sasakyan. Maximum.

Naglagay na din agad akong ng specialized shades at saka mabilis bumababa sa sasakyan noong marating ako sa lugar na iyon. Madilim doon at rinig na rinig ko ang ingay ng mga baril at mga pagsabog.

Tumakbo agad ako at nadetect agad ng salamin na ito na mayroong tatlong kaaway nasasalubong sa akin. Agad kong nagpaputok ng baril sa kung nasaan sila at narinig ko na lamang ay ang huling pagsigaw nila bago sila kuhanan ng buhay.

Agad akong pumasok sa isang abandonadong gusali at napansin ko na mas maraming mga kalaban sa pinasukan ko, kaya naman agad kong kinuha ang isang granada at mabilis iyong initalag. Itinapon ko kaagad iyon sa loob noong gusali at mabilis akong tumakbo paalis doon at may mga sumalubong pa sa akin kaya naman agad ko silang pinaputukan ng baril. Umiwas din ako sa mga balik na atake nila sa akin, gamit ang mga baril.

Napabagsak ko na iyong huling sumalubong sa akin noong mapansin ko na wala na palang bala iyong baril ko, kaya't dinampot ko kaagad ang mga baril na ginagamit noong mga pinatay ko.

Base sa ipinakitang data sa akin ng salamin. Halos bente na agad ang napatumba ko, ngunit nasa isang daan pa ang nanatiling buhay at nanatiling pumapatay sa mga tauhan ko. Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit kahit anong lakas nina Conque at Quattro ay hindi sila makaabante sa lugar na ito.

Hindi sanay ang mga nandito sa long range battle, halos mga short range sila at mga mauutak sa pakikipaglaban, pero sa dami ba naman nang nandito talagang matatagalan sila para maubos ang lahat ng nandito.

Naglakad ako nang maingat patungo sa isa pang gusali noong mapatigil na lamang ako bigla dahil narinig ko ang kalabit ng gantilyo sa aking likudan at hindi nga ako nagkakamali, mayroong tao doon at nakatutok ngayon sa likod ng ulo ko ang kaniyang baril. Nakikita ko ang ginagawa niya kahit nakatalikod ako sa kaniya dahil sa side mirror ng sirang sasakyan na nasa harapan ko ngayon.

"Put your gun down." Utos nito. Napangisi naman ako doon at unti-unti kong ibinababa ang katawan ko. "Hands up!" Malakas na sigaw pa niya sa akin na akala mo naman ay masisindak niya ako. Mas lumawak ang ngisi ko sa labi dahil doon.

Marahan ngunit sigurado ay itinaas ko ang isang kamay ko at inilagay ko sa lupa ang isang kamay ko kung nasaan ang baril upang ilapag iyon. Naramdaman ko na naglakad siya papalapit sa akon at doon ako kumilos.

Inituon ko ang kamay kong nasa lupa at mabilis kong inihaba ang babang binti ko at saka inilagay ang lakas ko doon upang patirin siya. Noong naramdama ko ang pagkawala ng balanse niya at pagbagsak niya mula sa ginawa ko ay mabilis kong kinuha nag baril na ibinababa ko at walang awa siyang pinaputukan ng ilang beses.

Nawalan din ng bala iyong baril na hawak ko kaya't itinapon ko iyon at kinuha iyong kaniya. Nagtatakbo ako nang maingat papunta sa isang gusali kung saan naitala ng salamin na suot ko na mayroong mga sampung tao na nag-aabang sa ibang tauhan ko.

Agad kong inihandang muli ang pampasabog na nasa akin at walang alinlangang iyong itinapon papunta sa gusaling iyon. Noong magawa ko iyon ay mayroon nanamang tatlong lalaki ang sumalubong sa akin.

Hindi na talaga naubos.

Walang alinlangan nila akong pinaputukan ng baril. Ngunit nakikita ko kung saan papunta ang mga bala dahil sa salamin na ito, kaya't walang kahirap hirap ko iyong naiiwasan. I seemed bulletproof to them, because they were not aware that I could dodge all the bullets, all they know was that the way they fired up was accurate enough to shoot me, but I'm witty enough not to die in their useless hands.

Naglalakad ako sa kanila at pinaputukan sila ng bala. Isang bala, isang buhay ang kapalit. Tumaba na agad sila noong gawin ko iyon. Matapos noon ay agad akong tumakbo sa kanila para kunin ang kung ano mang sandata ang mayroon sila.

Nakitaan ko sila ng ilang pampasabog at maging mga baril. Kinuha ko iyon at nagpunta akong muli sa iba pang gusali. Nagtago ako sa isang poste doon at tingnan kunh may bala pa iyong mga baril na nakuha ko. Sa kasamaang palad ay wala na, kaya naman inihagis ko na lamang iyon sa isang tabi.

Gamit ang salamin ay tingnan ko ang paligid at napansin kong may limang tao na nadito na may hawak na mahahaba at malalaking baril. Napangisi ako dahil doon dahil kakaunti pa lamang ang bawas ng bala doon. Magagamit ko iyon.

Marahan at walang ingay akong naglakad patungo sa pusisyon noong isa kung saan hindi niya ako makikita. Kinuha ko iyong maliit na espisyal baril na nasa bulsa ko. Inilagay ko ang limang maliliit na parang karayom doon na may lason. Agad kong itinutok iyon sa isa sa kanila ay agad na binaril. Walang ingay iyon dahil hindi naman bala ang laman noon at saka hindi ito iyong mismong baril.

Dahil sa salamin na suot ko ay nakita kong tumama iyong tila karayom sa kaniyang batok. Dahan dahan pa siyang napahawak sa batok niya bago nangatog ang kaniyang binti at hanggang sa unti-unti siyang lumuhod sa sakit na nararamdaman niya bago tuluyang gumulantay. Walang tunog ang nanggaling sa kaniya dahil sa lason.

Agad akong naglakad muli nang tahimik at inasinta iyong kasunod, kagaya ng nangyari doon sa isa ay iyon din ang nangyari sa kaniya. Papunta na sana ako sa ikatlo ang kaso ay muntik na akong mahuli dahil lumingon siya sa dako ko lalong lalo na noong may sumabog bigla sa isang gusali dito. Mukhang iyon iyong pinuntirya ko kanina. Tsk. Ang bagal pala noong bombang iyon dahil ngayon lamang sumabog. Tss.

Nagtago akong muli sa dilim at sa may poste sa lugar na ito noong makita kong mukhang nakatunog iyong ikatlong puntirya ko kung nasaan ako dahil naglakad siya dito, pero bago pa siya makalapit ay agad ko na siyang tinira noong lason. Kapag nga naman sinusuwerte ka. Kitang kita ko kung paanong tumama sa mata niya iyong karayom, kaya't unti-unti siyang lumuhod sa sakit bago tuluyang mawalan ng hininga.

Dahil malapit siya nang kaunti sa akin at may malapit na malaking tangke ang nasa kinahihigaan niya ay maingat akong kumilos para tunguhin siya. Wala kang maririnig na kahit anong tunog sa paglakad ko papunta doon. Walang nakahalata doon sa dalawang natitira noong nandoon na ako. Marahan kong inangat ang katawan niya dahil nadaganan niya iyong baril. Mabigat siya kaya naman medyo natagalan ako, dahil baka makagawa ako ng ingay.

Noong makuha ko na iyong baril ay bigla na lamang akong may narinig na ingay. "Ayusin ninyo ang pagbabantay." Imik noong isa sa kanila at napansin kong naglakad na siya dahil sa paggalaw noong anino niya. Tahimik akong napamura dahil doon.

Isinakbit ko na sa akin iyong baril, noong umimik pa siya na parang hinahanap itong tatlong napatumba ko. Narinig ko din ang pagmumura niya noong mapansin niyang nakagulantang na iyong dalawa. Agad siyang naging alerto at tinawag iyong isang kasama niya.

Tumayo na ako sa pinagtataguan ko at mabilis siyang inasinta noong lason. Ganoon din ang ginawa ko doon sa isang sumunod sa kaniya. Wala na silang nagawa kahit nakita pa nila ako, dahil namanhid na ang katawan nila. Bago sila tuluyang lagutan ng hininga.

Naglakad ako patungo sa kanila at kagaya kanina ay kinuha ko din ang kanilang baril. Matapos iyon ay naglakad na ako patungo sa katabing gusali nito. Tumakbo ako papunta doon at noong nasa may parang veranda na ako nitong gusali kung nasaan ako ay tinalon ko na lamang ang kakaunting agwat nito mula sa kabilang lugar.

Pagkalapag na pagkalapag ko doon ay may nakatunog agad sa akin at mabilis akong tinutukan ng baril, subalit inunahan ko na siyang paputukan ako. Agad siyang tumaba sa ginawa ko.

Marahan muli akong naglakad at kada may susugod sa akin ay binabaril ko na lamang nitong malalaking baril na ito. Lumipas ang ilang minuto subalit parang hindi nauubos ang mga tao dito, kahit napakarami ko nang binombang gusali at kahit napakadami ko nang napatumba. Hindi ko pa din nakikita si Cinque at Quattro pero siguro ay sapat na iyong mga ginawa ko para mabawasan iyong mga kalaban nila, lalong lalo na at itong lugar na ito ang kailangan ng mga tao.

Tumungo ako sa mismong pusod nitong lugar at doon ako nakakita ng kakampi sa Apocalypse. Agad niya akong nakita at dali dali niya akong tinutukan ng baril, subalit noong nagbigay ako ng senyales ay ibinababa din niya iyon dahil alam niyang kakampi ako.

Nagtatakbo siya patungo sa akin at pormal akong kinausap. Tinanong ko kung nasaan iyong dalawang lider at sinabi naman niya kung nasaan iyong dalawa base sa kaniyang nalaman sa iba pa naming tauhan.

Hindi na ako nagtagal pa doon at tumungo na ako sa lugar na sinasabi noong tauhan. Kada may nakakasagupa akong mga kalaban ay mabilis kong tinatapos ang laban. Wala na akong oras magpatagal pa dito. Pagkatapos na pagkatapos kong matulungan ang parteng ito ay pupunta ako kung nasaan sina Gab Gab.

Noong makarating ako sa lugar na tinutukoy noong tauhan namin kanina ay nadatnan ko kaagad sina Cinque at Quattro na nakikipaglaban nang malapitan. Gumagamit sila ng espada at nunchaku sa pakikipaglaban. Mabilis ang kilos nila at walang palya. Kada may lalapit sa kanila ay agad nilang tinitira. Walang makapalag sa kanila, subalit masyadong marami ang nasugod sa kanila kaya naman hindi sila matapos tapos sa pakikipaglaban.

Napayukom ang kamao ko nang mahigpit dahil doon. "Cinque! Quattro!" Agad na sigaw ko sa kanila. Napalingon sila sa akin pero panandalian lamang iyon dahil may umatake nanaman sa kanila, narinig ko din ang mga mura nila dahil sa pagkainis na hindi makapagsalita o makalapit sa akin.

May ilang mga kalaban din agad ang umambang sugudin ako ngunit pinapuputukan ko lamang sila ng baril, kaya't wala man lamang nakalapit sa akin. Noong panandaliang walang sumugod sa akin ay agad kong tinawag ang pansin noong dalawa at mabilis na hinagis sa kanila ang mga baril na dala ko. Sa kabutihang palad naman ay nasalo nila agad iyon at ang kasunod kong narinig ay ratratan ng mga bala dahil sa pagpapaputok na ginawa nila.

Talsikan ng dugo ang naging resulta. Nakaramdam ako ng lagkit sa aking katawan. Puno na din ako ng dugo at dumi dahil sa pakikipaglaban ko kanina. Noong umunyi ang kalaban nila dahil sa tulong ko ay agad ko silang pinatakbo papaalis sa lugar. Mabuti na lamang at maliksi pa din silang kumilos kaya't nakatakbo agad sila. Agad ko ding pinagulong ang grana doon, at ilang sandali lamang ay sumabog na ang lugar.

Hindi pa man kami nakakalayo sa pinangyatihan ng pagsabog ay may sumalubong na sa aming mga putok ng baril ngunit wala namang nasa harapan namin o kung ano man. Kaya't mabilis akong nakasigurado na may ilang snipper ang umaasinta sa amin.

"Use your shades to search for the snipers." Mahinang sambit ko sa kanila. Mabilis pa sa alas kwatro na sinuot nila iyon at saka may pinindot sa gilid noon upang gumana na iyon. Iginala ko ang paningin ko sa itaas at nakita ko sa inilalagay ng salamin ang layo sa akin noong sniper. Inihanda ko kagaad ang baril ko, dahil kitang kita ko na kung paano ako nito inaasinta.

Noong makuha ko ang tamang pusisyon at layo noong gumagawa noon ay mabilis kong kinalabit ang baril at agad din akong gumulong upang maiwasan ang pagpapaputok niya sa akin. Bago pa man ako makabangon sa pagkakagulong ay narinig ko na ang halos apat na magkakasunod na putok ng baril, at noong lumingon ako doon sa dalawa ay naka-upo si Cinque at halatang iniwasan ang isang bala. Si Quattro naman ay nakatayo pero nasa porma na may parang iniwasan.

"Cleared." They both said while grinning.

May dumating na ilang tauhan namin sa lugar at nagsimula silang kumalat sa paligid at doon ko narinig ang malalakas na sigaw na senyales na nakikipaglaban na sila. Hindi kami tumangangang tatlo doon basta basta. Naghiwahiwalay kami ng lokasyon at pinagpatuloy ang pakikipaglaban.

Kabilaang pagsabog, putok ng baril, hagis ng mga armas at pakikipagsagupa ang patuloy na nangyari. Kaninang kanina pa ako nakikipaglaban at ramdam na ramdam ko na ang pagtulo ng pawis ko ilang parte ng katawan ko ay tila hindi pa din nauubos ang mga kalaban dito.

Habang nakikipaglaban ng manuhan sa limang lalaki ay naramdaman kong kumatal-katal iyong teleponong sa may bandang dibdib ko. Napa-igting ang bagang ko dahil doon. Maling pagkakataon pa may tumawag.

Imbis na maasar ay mas lalo akong ginanahan sa pakikipaglaban dahil doon. Tatapusin ko ang labanang ito nang hindi gumagamit ng baril bago pa man mawala ang panginginig noong telepono.

Pinalibutan ako noong lima kaya't inihaya ko ang kamay ko at hinamon silang sumugod. Unang sumugod iyong isa sa kanila na may hawak hawak na baseball bat. Ngumisi siya sa akin na animo'y katapusan ko na, subalit hinandugan ko lamang siya ng isang mabilis na suntok sa may panga kasabay ang pagsipa sa kaniyang dibdib at paghawak sa kamay niya bago pa man siya mapahiga sa lupa, inikot ko ang kamay niyang may hawak ng baseball bat kaya't nabitawan niya iyon.

Hindi pa ako nakuntento kaya naman hinila ko siya at halos isakbit ko na sa likuran ko bago tuluyang ihagis sa kasamahan niya. Maliksi ko ding kinuha ang isang balisong sa lalagyan sa gilid ng aking hita at pinuntirya ang kaniyang noo. Dahil sa ginawa ko ay mabilis na sumugod iyong dalawa na mayroong kutsilyo.

Sabay silang umatake kaya naman agad akong nag-split para hindi ako matamaan ng aksyon nila. Noong makaiwas ako ay mabilis din nilang inihaya muli sa akin ang matilos na bahagi ng kutsilyo, ngunit bago pa man nila iyon magawa ay itinuon ko na ang dalawang kamay ko sa lupa at inangat ang sarili at saka iyon mabilis na inikot.

Natumba silang dalawa dahil sa aking ginawa pagkatapos noon ay halos sabay kong kinuha ang kutsilyo na hawak hawak nila at sabay iyong ibinaon sa kanilang leeg. Tumalsik ang kanilang dugo sa aking galamay pati at bahagya sa aking mukha.

Mas lalo atang nabuhay ang dugo ko dahil sa pagdanak ng kanilang dugo. Iyong natitirang dalawa ay mabilis akong sinugod, ngunit huli na ang lahat sa kanila dahil nakatayo na ako. Hinawakan ko iyong isa sa kaniyang leeg at pinuntirya ang kaniyang batok, dahilan upang mabilis siyang lagutan ng buhay. Iyong isa naman ay mabilis kong pinagsisipa sa kung nasaan ang kaniyang puso kaya naman halos magsuka na siya ng dugo sa aking ginawa.

Noong mapahiga na siya ay agad kong tinadyakan ang kaniyang mukha at saka kinuha ang isang matilos na bagay sa lupa at buong puwersa iyong ibinato sa kaniyang dibdib. Kumalat ang kulay pula sa kaniyang damit ngunit hindi ko na iyon binigyan pa nang pansin at agad na sinagot ang tawag ba pa ibaba noong tumatawag ang linya.

"Uno." Narinig ko ang tinig ni Timothy. Hinintay ko siyang magsalita.

"The east battle were successful though casualties were inevitable. Their force will now proceed to the west. They will arrive in the west in an hour." Napatango ako sa sinabi niya na akala mo naman ay nakikita niya ako. Magandang balita ang kaniyang sinabi, maari na akong makaalis dito kung ganoon.

"The north?" I queried. Maiigi na din na sigurado.

"They are doing fine. May ilang mga surpresa ang Empire sa kanila kagaya ng madaming patibong pati na din ang biglang pagdami ng puwersa doon, pero mabilis na nakontrol iyon noong mga nakatala doon dahil sa sinabi mo kaninang impormasyon. Dumating na din sa kanila ang iba't-ibang supplies, kaya't kahit may ginawa ang Empire ay maayos pa din ang naging takbo ng labanan nila doon." Nagsimula na akong maglakad dahil sa balita niya.

Lumingon ako sa isang gusali at natukoy noong impormasyon sa aking salamin na mayroon doong higit sampung tao na natumatakbo sa iba't-ibang bahagi. Bago pa man sila makalabas doon ay mabilis akong nagtapon ng pampasabog doon na mayroong lason para hindi na sila makalabas pa ng buhay.

Tumakbo din agad ako dahil maaring mahagip ako noong pagsabog. Habang nangyayari iyon ay sinasabi sa akin ni Timothy ang nangyayari sa timog. Kagaya sa hilaga ay mayroon ding ginawa ang Empire pero agad iyong nalabanan noong mga nandoon.

Muntik man silang manganib ay nakontrol nila iyon. Nandoon si Shana at Alyx, kaya't hindi na ako magtatakha. Kumbinasyon sila ng long range at short range, they are also professional when it comes to bombs and explosives so with the two of them there, I'm at ease at the very least.

"How about Lian?" Hindi ako nagparinig ng kahit anong emosyon sa aking tinig. Mas mabuti na iyon dahil alam kong kung ipapakita ko kay Timothy ang pagkabahala ko tungkol sa kaniyang nobya ay baka tumakbo nanaman iyon paalis sa unit niya para iligtas iyong isa. Hindi iyon pupuwede dahil mas kailangan siya sa unit na iyon para sa kaligtasan ng lahat.

Mukhang natigilan siya dahil sa binaggit ko. "Timothy." Madiing sambit ko sa kaniyang ngalan. Pakiramdam ko ay nasindak at nagising siya sa pagtawag ko sa kaniya, kaya naman agad siyang nagsalita, kahit bakas na bakas doon ang pagkabagabag.

"Napakaunti nang nalaman ko tungkol sa kung nasaan siya, pero alam ko na ang kaniyang lokasyon." Tensyonadong wika niya. Agad kong inilibot ang paningin ko at nakakita agad ako ng sasakyan malapit dito. Walang ano ano ay tinungo ko iyon.

"Tell me." Maikling pahayag ko habang papalapit sa sasakyan. Agad kong binunot ang baril na nasa bulsa ko at pinaputukan ang pinto noon kaya naman agad iyong nabuksan. Sumakay agad ako at kumuha ng isang tool para magsilbing susi.

Sinabi naman ni Timothy ang kinalalagyan ni Lian. Nangunot noo pa ako sandali dahil hindi iyon ang lokasyon kung nasaan ang main Empire building. Buong akala ko ay nandoon iyon, pero mukhang nasa ibang lugar sila. At ang matindi pa sa lugar na iyon ay...

"An apocalypse abandoned territory?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Damn it, Empire. You are really not that weak. You even found out about our territories huh? I guess you have been also re-searching about us. I never thought, you will put some attention and interest in us.

"Yes." Noong kumpirmahin iyon ni Timothy ay mabilis kong pinaharurot ang sasakyan na sinakyan ko.

"Inform Cinque and Quattro na umalis na ako sa west. Sabihan mo sila na paparating na din iyong tutulong sakanila." Utos ko sa kaniya, at saka ako nakarinig ng ingay na tila nagkakalikot siya noong mga gamit nila doon.

Pinaalalahanan ko pa siya sa mga ibang bagay at mga kung ano ano pa bago ko tuluyang pinutol ang usapan namin. Itinuon ko na din ang aking pansin sa daan at iniwasan ang ibang mga sasakyan.

Pinaharurot ko pa ng mas mabilis itong kotse dahil hindi na ako mapakali, para kasing may masama akong nararamdaman sa lugar na tinutukoy ni Timothy. Parang may mali nanaman. Isa pa si Lian, paano kung huli na nag lahat sa kaniya? Anong mangyayari? Damn it! Pakiramdam ko ay ako ang may kasalanan ng lahat kapag may nangyari sa kaniya. Siguradong magkakaroon ng lamat ang relasyon namin ni Gabriel.

Napatiim bagang ako dahil sa aking iniisip. Mas lalong nag-alab ang aking nararamdamang galit, poot, at tensyon. Halos mag-apoy na din ata ang dinadaan kong aspalto sa sobrang tulin ng pagpapatakbo ko sa sasakyan.

Marami pang kasinungalingan ang aking kailangang tuklasin. Nasa gitna man kami ng gyera ay alam kong madami pa ding mali sa lahat ng aking nalalaman. Paano pala kung lahat nh mga pinaniniwalaan kong katotohanan ngayon ay pawang panaklob lamang sa mas matinding pagbubunyag ng totoo?

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa manibela dahil doon. Mas itinuon ko din ang paa ko sa accelerator. Hindi ko na alam ang gagawin ko, pero kailangan kong lumaban ngayon.

Tiningnan ko ang aking mukha sa maliit na salamin niting kotse. Ang mukha ko ay may bahid ng dugo. Ganoon din ang mga kamay ko. Dugo ang karaniwang nagpapasabik sa akin sa mga labanan, nararamdaman ko iyon ngayon. Mas gusto ko pang naramdaman muli sa aking balat ang dahan dahang pagtulo noon.

Subalit ang pakiramdam ng kilabot at pagkabahala ay nanatili sa aking sistema. Hindi ako karaniwang ganito. Nararamdaman ko lamang ang bagay na ito kapag may kakaibang mangyayari. Sana maling pakiramdam lamang ito, sama pinaglalaruan lamang ako ng mga emosyon ko, pero hindi.

Ang pagtibok ng puso ko ay mabilis ngunit napakabagal din dahil sa parang bigat na nararamdaman ko doon. Ang aking mga kamay at paa ay tila nanlalamig din pahiwatig na hindi talaga maganda ang ibang mangyayari ngayon. Idagdag mo pa ang mapaglarong isip ko na hindi mapakali sa dami nang gustong malaman.

The eerie feeling of doubt and tension won't leave my system. Panganib. Panganib. Panganib. Tila isinisigaw nito. Pero nakakadagdag lamang iyon sa aking pagkalito.

Ilang minuto pa ang lumipas noong muntik na akong mabangga dahil sa aking pagkagulat sa biglang pagbavibrate noong cellphone sa aking hita. Noong makawala ako sa biglang pagkabigla ay kinuha ko iyon at agad na sinagot.

"Bakit? Malapit na ako." Agad na sambit ko bago pa man magsalita ang nasa kabilang linya.

Malalalim na paghinga ang aking nadinig doon. Gumapang ang kaba sa aking dibdib. Hindi ko akalain na kahit anong pagpipigil ko nang damdamin ngayon ay makakaramdam ako ng pagkasindak sa simpleng ganito.

Nagpatuloy ang katahimikan sa kabilang linya, at pagkatapos noon ay narinig ko ang isang tinig. "Timothy?" Paninigurado ko. Tumungon naman agad siya pero mas nagulantang ako sa kaniyang sinabi.

"What the hell are you saying!?" Galit na sambit ko. Halos ibato ko iyong telepono dahil sa matinding pagkainis at pagkabahala. Naramdaman ko iyon nang sabay kaya't halos paliparin ko na itong sasakyan at balewalain iyong iba pang nadaan sa tinatahak kong lugar.

Sinabi niya sa akin ang ilang detalye pero hindi ako nakumbinsi, nagtakha pa ako at higit sa lahat ay parang may kung ano akong naramdaman sa aking isip at puso. Napakabigat ng aking pakiramda na halos isipin ko na ibunggo na lamang itong sasakyan na ito para matapos na ang lahat ng paghihirap ko.

"J-Jebal..." Pagmamakaawa niya. Napahawak ako nag mapakahigit sa cellphone at halos masira ko na iyon. Ibinababa ko agad ang tawag at saka itinuon ang atensyon ko sa pagmamaneho.

The fuck with all the things I know. Sana pala hindi na lamang ako naghanap ng kahit ano noon para hindi na ako nalilito ngayon. Kada may nalalaman ako, may kaakibat iyong pagdududa. Kada may nalalaman ako kakabit noon ang isang panganib. Higit sa lahat kapag may nalalaman ako, bakit parang purong kasinungalingan na lamang ang lahat!?

When I said my life is full of traitors and lies, I've never thought it will be really full that even my existence might be just a big lie.

Halo halong pakiramdam ang aking naramdaman. Parang mamatay na ako sa tindi noon, subalit magawa ko pa ding labanan. Halos malalalim na ang naging paghinga ko, ganoon din ang kalooban ko.

Hindi din nagtagal ay lumiko na ako sa isang daan. At iyon ang daan patungo sa kinaroroonan ni Lian. Kinalma ko ang sarili ko at pinatakbo ang sasakyan nang hindi na ganoon kabilis katulad nang kanina.

Habang lumalapit ako sa lokasyon ay mas tumitindi lamang ang tensyon ko. Hindi kagaya sa kanluran walang pagsabog o putok ng baril akong naririnig sa lugar. Aakalain mo ngang walang tao doon dahil napakatahimik lamang.

Kung tatangungin, mas gugustuhin ko pa iyong napakaingay na panganib kanina, kaysa itong tahimik na panganib na ito. Dahil dito hindi mo alam kung kailangan manganganib ang iyong buhay, susurpresahin ka na lamang nito  at sa isang iglap malalaman mo na lamang na bilang na ang oras mo sa mundong ito.

Malawak ang daan dito, at bigla na lamang akong may narinig na pagharurot ng sasakyan. Agad kong ginamit ang salamin at nakita ko kung gaano ito kalayo sa akin. Kalaban iyon at mayroon iyong mga sandata at baril. Mukhang ako ang kanilang pakay.

Walang tigil iyong takbo noong sasakyan. Alam ko na motibo nila dahil sa kanilang kilos at ginagawa. Babanggain nila ang kotse kung nasaan ako. Dahil sa aking institusyon ay mabilis ko ding sinalubong ang kanilang malugod na pagtanggap sa akin.

Halos magkasabay ang bilis namin. Malapit na malapit na sa akin kinalalagyan ko iyong sasakyan. Agad kong inilabas ang baril ko na mayroong silencer. Umiwas ako nang kaunti sa kabilang lane upang hindi nila ako magitgit o mahagip.

Ngayon ay kita ko na sila gamit ang aking mga mata. Ang layo nila sa akin ay malapit na malapit na. Magkasalubong na kami at noong malapit na niyang mahagip ang unahan ng sinasakyan kong kotse ay agad kong pinaputok ang baril sa unahan nilang gulong.

Mabilis ang kasunod na pangyayari. Tumagilid agad ang kanilang kotse at para pa iyong umangat sa ere at saka umikot bago tuluyang sumayad ang gilid sa lupa sa kabilang bahagi ng daan.

Nakangisi ko na lamang silang nilampasan at noong medyo malayo na ako, pero tanaw ko pa din sila sa may salamin nitong sasakyan ay sumabog na iyong kotse nila. Hindi ko maiwasang makaramdam ng tagumpay dahil doon, pero hindi ko hinayaan ang simpleng bagay na iyon na pumaibabaw sa akin dahil mas matindi pa ang aking kakaharapin sa loob ng gusaling aking papasukin.

Malapit na ako sa gusaling aking tinutukoy. Kahit abandonado namin ang lugar na ito ay hindi mo mahahalatang wala nang gumagamit nito. Maayos pa ang gusali at aakalain mong bago pa. Siguradong ang loob nito ay maganda din dahil ito ay isa sa mga training grounds namin.

Maraming armas dito at higit sa lahat madami ding sandata na ginagamit sa mga training namin. Hindi na namin ito ginagamit dahil ito ang pinakalumang desenyo ng aming mga lugar pagsasanay, pero kahit ganoon ay maganda pa din ito dahil isa ito sa idinesenyo nina Tiara at Takeshi.

Kagaya kanina bago ko makasalubong iyong mga kalaban ay tahimik nang muli ang lugar. Walang kung ano anong ingay at higit sa lahat parang walang katao tao sa paligid. Bukas din ang nga ilaw sa gusali at maliwanag ang paligod dahil sa mga ilaw nito.

Pinatakbo ko nang marahan ang sasakyan at saka ako dumiretso sa likod na parte ng gusali para tumungo sa basement para sa parking. Noong makarating ako doon ay mangilan-ngilang sasakyan ang napakarada doon. Kabilang na iyong kotse na ginamit kanina ni Gabriel.

Kumabog ang puso ko dahil doon. Maayos lamang silang dalawa ni Lian hindi ba? Alam kong malakas iyong dalawa gayunpaman ay hindi ako papakasiguro dahil alam kong si Philip Evans ay matinik. Na sa sobrang tinik ay nakakagulo din ng isip.

Naglakad ako ng maingat patungo sa elevator sa basement parking. Hawak hawak ko din ang baril sa aking kamay para makasiguro na hindi ako maiisahan dito. Noong wala akong napansin na kahit ano sa paligid ay pinindot ko na iyong buton pataas.

Itinutok ko ang baril sa elevator bago iyon bumukas. Patay sindi pa ang ilaw sa kinatatayuan ko na nakadagdag tensyon at kaba sa paligid. Ilang sandali ay biglang tumunog iyong elevator, senyales na magbubukas na iyon. Agad akong naging alerto.

Bumukas na iyon at para akong nakahinga ng maluwag noong walang tao doon. Sumalay ako at saka pinundot ang numerong siyam. Hindi iyon ang palapag kung nasaan sina Lian, pero kailangan kong pumunta sa palapag na iyon para sa isang bagay.

Hanggang benteng palapag ang mayroon sa gusaling ito, at nasa ika-pito sina Lian base sa sinabi ni Timothy. Hiling ko lamang ay hindi pa sana huli ang lahat. Lalong lalo na at ngayon lamang ako nakarating dito.

Bawat pagakyat ng elevator sa isang palapag ay tila napakabaggal para sa akin. Hindi ako mapakali kaya't halos magpalakad lakad ako pabalik balik sa maliit na espasyo kung nasaan ako.

Patuloy din ako sa pag-iisip kung gagawin ko ba ang bagay na sinabi sa akin ni Timothy o hindi. Nag-dadalawang isip ako, dahil sa pag-uusap kanina, subalit nandito na ako kaya't hindi na ako puwedeng umatras pa.

Ilang sandali pa ay nakarating din ako na ako sa palapag na kailangan kong tunguhin. Naging alerto akong muli. Maingat ang bawat pagtapak sa sahig at higit sa lahat ay hindi din ako gumawa ng kahit anong ingay.

Lumiko ako sa isang pasilyo at tinungo agad ang isang kwarto. Kinuha ko doon ang mga kailangan ko, habang ginagawa ko iyon ay may naramdaman akong isang presensya na sumilip sa kinalalagyan kong silid agad kong hinugot iyong baril kung nasaan ako naglagay ng lason kanina at agad na itinira iyon sa presensyang naramdaman ko.

Hindi nga kao nagkamali, nanginginig ngayon sa sahig ang isang kalaban. Hindi ko na lamang iyon pinagtuunan ng pansin at agad na inassemble ang mga kailangan kong gamit. Pagkatapos ay itinali ko ang aking buhok at lumabas sa silid na iyon matapos kong gawin ang mga kailangan ko.

Pinindot ko kaagad ang buton ng elevator pataas. Habang naghihintay ay kinuha ko na sa maliit na bag ko ang isang pambasabog na walang tunog pero naglalabas iyon ng hangin na mayroong lason, upang hindi na makahinga ang isang tao.

Habang inaantay iyong pagbubukas ng elevator ay naghanda na din ako nang ilan pang panlaban. Nagsuot din ako ng isang mask sa may ilong at bibig. Noong tumunog na iyon ay nakahanda na akong ibato iyong pampasabog na inihanda ko.

Kagaya ng inaasahan ko ay mayroong dalawang tao doon. Nagulat sila noong makita ako pero nginisian ko lamang sila bago ko itapon sa kanila iyong espisyal na pampasabog. Kasabay din noon ay ang pagsasara noong pinto ng elevator.

Lumayo ako ng bahagya sa elevator para sana maghagdan na lamang pero bumukas muli iyong pinto at pilit na lumabas iyong isa doon sa dalawang kalaban. Hindi na din ako nagpaligoy-ligoy pa at binigyan ng isang lakas na sipa iyong lalaki sa mukha niya kaya naman napaatras siya at muling sumara iyong elevator.

Tumungo naman ako sa kabilang banda nitong lugar at maghahagdan sana ako pero napansin ko na walang tao doon sa isang pang elevator kaya naman doon na lamang ako dumiretso.

Noong makasakay ako doon ay pinindot ko ang numerong dalawangpu. Kagaya kanina ay mas tumagal lamang ang aking paghihintay. At bawat pagtaas ng isang numero ay ang pagkabog ng puso ko. Kaba man o pagkasabik ay hindi ko na matukoy. Pag-aalinlangan man o pagkabahala ay hindi ko na inalintana. Nandito na ako, gagawin ko na din ang bagay na iyon, kahit pa labag sa kalooban ko.

Matapos ang ilang minuto ay nakarating na ako sa tamang palapag. Walang tao doon, kagaya noong sinabi ni Timothy. Agad akong pumuwesto sa isang lugar kung saan hindi agad ako makikita ng kahit sino.

Inayos ko kaagad ang baril. Mabilis ko lamang iyong nagawa dahil sanay na ako doon. Tiningnan ko na din ang lugar sa ibaba kung nasaan iyong kailangan kong barilin.

Hindi ko akalain na magiging sniper ako sa araw na ito para sa isang tao.

Tinantya ko ang bawat galaw nila. Sinigurado ko ding hindi mahahanap ng mata nina Lian at Gabriel ang pulang ilaw na tumutukoy na nasa tamang asinta na ako.

Gamit iyong aimpoint o lens. Kitang kita ko mula doon ang dugo sa sahig at sa damit noong tatlo. Maraming mga katawan na walang buhay ang nagkalat sa sahig. Mararamdaman mo din agad ang tensyon sa kanila. May mga tao ding nakapalibot sa kanila at nakatutok ang baril kay Gabriel at Lian.

Samantalang si Philip Evans ay nakatayo lamang na parang walang alalahanin.

Nagsimulang maglakad si Lian, napansin ko na pipigilan sana siya ni Gab Gab ngunit huli na ang lahat dahil napakaraming mga tauhan ng Empire ang biglang sumugod sa kanila. Nakita ko ang pagguhit ng pagkaasar kay Gab Gab. Pero wala siyang nagawa kung hindi labanan ang mga sumusugod sa kaniya.

Nagagawa niyang patumbahin ang kaniyang mga kalaban subalit hindi iyon sapat dahil nakakabangon ulit iyong iba at saka mabilis na sumusugod muli. Iyong iba naman ay wala na ding takas sa kamatayan dahil sa tindi ng mga sipa, suntok, at kung ano anong kumbinasyon na ginagawa ni Gab Gab.

Nagpatuloy siyang makipaglaban, dahil gusto ata niyang tulungan ang kapatid na hinaharap ang kanilang ama at ang iba pang tauhan ng Empire. Dahil doon ay inilipat lo ang aking tingin sa nangyayari kay Lian.

Lian's fighting with Philip Evans and the other Empire underlings. Maingat at magaling ang mga kilos ni Lian. Sa isang tira ay pinupuntirya niya ang mga bahagi ng katawan na maaring maghatid agad sa kanila sa kamatayan. Kitang kita ko sa kaniya ang pagiging determinadong magkatuos sila ng kaniyang ama.

Sa bawat ikot at pagtadyak na ginawa niya ay napakapino. Aakalain mong sumasayaw siya sa isang ritmo. Isa ito sa pinaghandaan niya noon sa mga pagsasanay niya. Walang kupas, walang palya. Makikita mong nananalaytay talaga sa kaniya ang dugo nang isang Evans.

Matapos ang pakikipagtuos ni Gab sa ibang mga tauhan ay nagawa niyang makalapit kay Lian. Nagtalikuran sila at nagsimula muling makipaglaban. The duo. Iyong mga galaw na kahit ako ay nasasaktan at napapatumba. Ang magkapatid na ito ay seryosong seryoso ngayon na makipaglaban. Lalong lalo na sa ama nila.

Nakipagpalitan ng suntok iyong dalawa sa nga tauhan ng Empire, pagkatapos ay magpapalit sila ng pusisyon at gagamitin naman ang mga mabibilis na pagtadyak at pagsipa. Ang kasunod noon ay ang kumbinasyon noong dalawa na halinhinan nilang ginagawa. Pagkatapos ay ang paghawak ni Gab sa kapatid at magpapaikot ikot siya, habang ang mga nagtatangkang lumapit sa kanila ay halos lumipad sa ere sa bilis ng kanilang mga kilos.

Ilang minutong naging ganoon ang laban. Walang humoay na atake at pagbalik atake. Tiningnan ko ang kinalalagyan ni Philip Evans ngunit nakatayo lamang siya, pero sa kaniyang postura ay alam mong handa din siyang lumaban ano mang oras.

Wala nang sumugod kayna Gab at Lian, kaya sabay na pumunta iyong dalawa sa kanilang ama. Nakipaglaban sila nang sabay, pero lahat ng atake nila ay nasasalag ni Philip Evans.

Namuo sa puso ko ang kakaibang paghanga sa kaniyang ginagawa. Beteran na beteran na siya sa larangang ito na kahit pa dalawa na silang sumusugod sa kaniya ay wala pa din silang magawa upang magkaroon sila ng opening para tumama ang mga atake nila.

Maya maya ay biglang nagkagulo ang lahat. Doon ko napansin na mayroong mga Apocalypse na biglang sumama sa labanan. Mukhang dumating na ang mga tauhan na pinadala ni Timothy dito.

Masyadong maraming nangyayaring labanan sa ibaba dahil sa biglang pagdating noong ibang mga kakampi. Pero ang laban sa pag-itan ng mag-aama ay wala pa ding matinong resulta.

Minuto nanaman ang lumipas at nakikita kong nahihirapan na si Philip Evans na lumaban doon sa dalawa dahil bukod sa hindi na siya natutulungan ng mga kakampi niya ay mas lumalakas ang atake ng magkapatid.

Inihanda ko na ang aking sarili sa mga puwedeng mangyari at inayos ko na ang pahkakahawak ko sa sniper's rifle at at saka ako kumuha ng tamang tiyempo para kalabitin ang gantilyo.

***

Lian Analiz' POV

Kaninang kanina pa ako nakikipaglaban sa mga tauhan ng Empire at pati na din sa ama ko. Hindi ko mabasa ang kaniyang emosyon, para siyang si Kuya na lahat ng damdamin ay itinatago niya sa kaibuturan ng kaniyang puso.

Galit ang nararamdaman ko kapag nakikita ko siya. Gustong gusto ko siyang patayin kaninang kanina pa. Nangangati na ang buong katawan kong mahawakan ang buhay niya, pero sa hindi malamang dahilan ay parang may mali sa mga nangyayari.

Kung tutuusin dapat ay kanina pa ako nalagutan ng hininga dahil walang wala ang mga kakahayan ko sa kaniyang kakayahan. Si Incess, siya lamang ang makakatalo sa lalaking ito, nasisiguro ko iyon.

Dahil sa matinding labanan lalong lalo na noong dumating na ang ibang mga tauhan ng Apocalypse ay mas malong naging magulo ang lugar. Magkahiwalay kaming bigla ni kuya at hindi na siya mahagip ng mga mata ko dahil sa dami ng taong nakikipaglaban ngayon.

Hinanap ng paningin ko si Philip Evans at agad akong tumakbo papunta sa kaniya. Pero bago ko pa iyon magawa ay may humarang sa akin kaya naman gamit ang kutsilyong nakuha ko kanina ay itinarak ko kaagad iyon sa kaniyang lalamunan. Bumuga siya ng dugo sa aking mukha, pero hindi ko na iyon inalala pa.

Hinugot kong muli ang kutsilyo at saka muling tumakbo patungo sa aking pakay. Ilang hakbang na lamang ay magkakaharap na kaming muli, subalit mayroon nanamang humarang sa aking dinadaanan.

Kaya naman tinadyakan ko siya sa may bandang puso niya, at sapat na iyon para maghingalo na siya. Naglakad ako sa malalaking hakbang hanggang sa magkatapat nanaman kami ng lalaking pumatay sa aking ina.

Susugudin ko na siya, at ganoon din siya sa akin pero laking pagtatakha ko noong tila itapon lamang niya ako sa isang tabi, at nagulat ako sa mga kasunod na nangyari. Nagkaroon ng maraming putok ng baril sa pusisyon na sanay nandoon ako kung hindi lamang niya ako tinulak.

Nagtakha ako pero pinilig ko na lamang ang aking ulo. Muli ay susugudin ko na sana siya pero tumakbo siya papalayo sa akin, kaya't hinabol ko siya. Kagaya kanina ay mayroong putok ng baril sa lugar na iyon. Gumapang ang matinding galit at pagkaasar ko dahil sa kaniyang ginagawa.

"Anong gusto mo!? Bakit mo ginagawa iyon?" Galit na sigaw ko sa kaniya pero, imbis na sagutin iyon ay ngumisi lamang siya. Iyong ngisi na iyon ay nakakapikon. Kaya't dali dali ko siyang sinugod muli nang hindi nag-iisip.

Sa pagkakataong ito ay hindi na siya tumakas sa akin. Sinalubong niya ang bawat atake at suntok ko. Nasasalag niya iyon, bagaman ang iba ay tumatama sa kaniyang katawan. Walang humapay ang ginawa kong pag-atake at siya naman ay todo depensa sa sarili.

Tumagal ang laban naming iyon, at napatigil ako sa pag-aksyon noong makaramdam ako ng pagod. Tumutulo na ang pinaghalong pawis at dugo sa akong batok at noo. Lumalalim na din ang paghinga ko. Ang tibok ng puso ko ay walang kasing bilis.

Ngunit, dahil sa matinding galit ko ay hindi ko na iyon inalintana. Napayuko ako at nakita ko ang baril na hawak hawak ng isang bangkay. Agad kong kinuha iyon at saka ako muling tumayo para sugurin ang lalaking sumira sa buhay ko at ng aking ina.

"Die Philip Evans!" Punong puno ng galit at poot na aking sigaw, kasabay ang pagpapaputok ko ng isang bala sa kaniya, pero agad niyang naiwasan iyon. Lumapit ako sa kaniya habang napakahigpit ng hawak ko sa baril.

Hindi siya lumayo, kabaliktaran pa ang kaniyang ginawa. Lumapit pa siya sa akin, at noong itutok ko ang baril ko sa kaniya ay hinawakan pa niya ang baril na iyon at itinutok sa may bandang puso niya.

Nabigla ako sa ginawa niya, ngunit hindi ko ipinahalata. Kung ganoon ang gagawin niya ay mas mabilis na matatapos ang pagkitil ko sa kaniyang buhay. Inilapit pa niya ang nguso ng baril sa kaniyang puso at saka siya ngumiti sa akin.

Napasinghap ako dahil doon. Ang ngiti niya... Nagsimulang manginig ang aking kamay. Pero nagtiim bagang ako upang hindi mangatal ang aking mga panga. Nanlabo ang aking paningin at parang may pumipihit sa puso ko dahilan para masaktan ako nang todo todo. Ang ngiting iyon... iyon ang agad idinulot sa akin.

Halos habulin ko ang aking hininga lalong lalo na noong magsalita siya.

"Lian Analiz Valle..." Banggit niya sa aking ngalan na punong puno ng emosyon. Kung kanina ay hindi man lamang niya ako binigyan ng kahit anong salita at ang hinandog lamang niya sa akin ay malalamig na tingin at ngisi, ngayon ay pawang kabaliktaran lahat noon.

Parang babaliktad ang sikmura ko dahil sa napakadaming emosyon na umusbong sa aking dibdib. Iyong tingin niya sa akin ay tingin nang isang amang nangungulila sa anak. Sumikip ang dibdib ko dahil doon. Nakaramdam din ako ng kung ano sa aking damdamin.

Umiling iling ako habang unti-unting tumutulo ang aking mga luha mula sa aking mga mata. "D-Don't l-look at me like that..." Hirap na hirap na aking banggit sa tinig na halos maubos na dahil sa sakit ng aking lalamunan.

"K-Kinamumuhian k-kita. Yo-you killed m-my mother." Pilit na sambit ko para malaman niyang kahit anong gawin niya ay iyon ang mananaig sa akin, na kahit bilugin pa niya ang utak ko ay mas matindi ang galit ko sa kaniya.

"Lilyana's dead?" Napatitig ako sa kaniya na parang nagtatanong ang mag mata. Ang kaniyang mukha ay pawang pagtatanong lamang ang inilalarawan. Mas nanginig ang aking mga kamay dahil doon.

"You selfish bastard! You killed her! You killed her!" I accused him with bitterness. Ngunit, mas nakapagpalito sa akin ang kaniyang reaksyon. Tumutulo ang mga luha niya ngayon sa kaniyang mga mata. Sa patingin ko sa kaniya ay nakaramdam agad ako ng sakit. Sakit na walang kapantay.

Mas lalo akong naiyak at pakiramdam ko lahat ng lakas ko ay biglang nawala. Itinutok ko pa din sa kaniya ang baril. Inilapit lamang niya iyon sa kaniyang puso. Bago pa magbago ang nararamdaman ko tungkol sa kaniya ay kinalabit ko na ang gantilyo.

At kasabay noon ang napakalakas na paglahaw na aking narinig. "Lian!"

"Dad!" Tinig ni kuya ang nangibabaw sa buong lugar maliban sa alingawngaw ng baril.

Nanginig ang buong katawan ko at hindi na kinaya ng aking mga binti na suportahan ang katawan ko kaya't napa-upo na ako sa sahig habang umiiyak ang pangangatal ng aking mga panga ay hindi ko na naitago.

Pakiramdam ko ay bigla akong napunta sa impiyerno. Matinding takot ang aking nadama. Naramdaman ko ang yakap ni kuya sa akin mula sa likod. Dahil sa matinding emosyon ay para akong batang yumakap sa kaniya.

"K-Kuya..." Nanlulumonh sambit ko habang nakatingin sa nakahingang ama namin sa sahig na naliligo sa kaniyang sariling dugo. Gumapang siya papalapit sa aming dalawa. Mas nagsumiksik ako kay kuya dahil sa matinding takot at pagkabahala.

Ni minsan hindi ko naramdaman ang bagay na ito sa mga pinapatay ko. Pero itong nangyayari ngayon ay hindi ko maipaliwanag. May halong sakit at hapdi sa aking isip at puso ang nararamdaman ko ngayon dahil sa ginawa ko.

Nanginginig at hinihingal na si Philip Evans noong makalapit sa amin. Napa-ubo siya ng dugo at si Kuya ay naramdaman ko ang mahigpit na paghawak sa akin. Parang pinihit nanaman ng napakatindi ang puso ko dahil sa hawak na iyon. Sobrang sakit ang naging hatid sa akin noon, hindi sa pisikal na aspeto pero sa emosyonal. Kahit iyon lamang ang ginawa ni kuya ay alam ko na agad kung gaano katinding sakit ang kaniyang dinadanas.

"L-L-Lian..." Naghihingalong sambit ni Philip Evans at saka pilit na inabot ang aking kamay. Hindi ko alam sa kung anong dahilan ay parang kusang kumilos ang aking mga kamay at inabot iyong kaniya.

Hinawakan niya ng buong lakas niya ang aking isang kamay. Pagkatapos ay nginitian niya ako. Mas lalo akong naiyak dahil doon. Walang kapantay na paghihinagpis ang aking biglang nadama. Lahat lahat ng galit ko kanina ay biglang nawala, at bigla iyonh napaltan ng pagsisisi.

"M-my d-daughter... I-I'm so glad y-you g-grew up brave and kind." Kahit nangangatog ang buong katawan ko ay kumilos iyon ng kusa para lumapit sa kaniya. Kahit nagulat kaming dalawa ni kuya sa kaniyang inimik ay hindi na namin iyon inalintana dahil sa matinding sakit na aking nadadama.

"D-Do you know what's the most painful thing I've ever encounter in my life?" Hindi magkaintindihang sambit niya na halos naghihingalo na. Umubo ubo pa siya ng dugo kaya't mas lalo akonh napahagulhol.

"D-Dad?" Hindi ko alam pero kusang lumabas ang salitang iyon sa aking bibig. Sa maikling sandaling iyon ay nakita ko sa kaniyang mga mata at sa kaniyang ngiti ang lubos na kasiyahan. Hindi ko akalain na makikita ko iyon sa kaniya dahil sa simpleng salitang binggit ko.

"The m-most painful is dying in the hands of someone you love the most..." Hindi na niya matapos tapos ang sinasabi niya dahil sa unti unting panghihina niya. Maging ako ay naramdaman ang panghihinang iyon.

"L-Lian... N-Nathaniel..." Pagtawag niya sa amin.

"I'm s-sorry f-for everything." After that line, he slowly closed his eyes, and that was one of the most painful moments in my life.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top