Liar 34: Cold
Note: Hello! Pasensya na kung ang tagal kong hindi nakapag-update. Finals kasi kaya mas inuna ko muna iyon. Ngayon, bakasyon na ako, kaya naman baka bumilis na ang update. :) Anyways, medyo filler ang chapter na ito, but this will contain a lot of information about the upcoming twists. So yah better read carefully. ;) At saka parang buwelo na din ito sa mga susunod na chapters, magiging heavy nanaman kasi ang mga iyon eh, kaya nag-reready pa ako, hindi naman kasi pwedeng salpak na lang iyon. Haha. Madaming itong typo, hindi ko inedit. Pagpasensyahan. Hahaha. Nakakatamad i-edit sa ngayon eh. May pinanunuod kasi ako. Hoho.
So, yeah thank you for waiting patiently and enjoy reading! 150+ comments, I'll update on Sunday. :) Toronto, Canada time mga dude. Hahaha.
34: Cold
Annicka Hera's POV
Mabigat ang aking pakiramdam, para bang ang dami kong dala-dala sa buong katawan ko, lalong lalo na sa puso ko. Tila napakahina din ng pintig nito, ngunit napakalakas naman ng pagkalabog nito sa loob ng aking dibdib.
Ramdam na ramdam ng sistema ko ang tensyon at kaba sa buong lugar. Napayukom ng mahigpit ang aking mga kamay. Nagtangis ang aking mga bagang at saka ko pinagmasdan ang pigurang nasa harapan namin.
Nakatitig siya sa mga mata namin ng diretso. Pakiramdam ko ay nagtayuan agad ang mga balahibo sa aking batok noong pasadahan niya ako ng tingin. Wala akong mabasang kahit anong ekspresyon sa kaniyang mukha, subalit sapat na ang presensya niya upang isigaw sa amin kung gaano siya kalakas at kung gaano siya nakakasindak.
"Annicka, lead the supply-unit." Maikling pahayag ni Incess, at agad akong tumango.
"Timothy, lead the information and technology unit." Matigas na sambit naman niya kay Tim Tim. Tahimik na tumango si Tim dahil doon.
"Alyx and Shanaya." Matapang na imik niya habang nakatingin doon sa dalawa. "Lead the attack. South." Matipid na dugtong pa nito. Halos sabay ang pagtungo ni Shana at Alyx senyales ng pagbibigay galang at pag-sunod. Sa pagkaka-alam ko nasa North sina Sei, Thunder at Kurt. Pagkatapos nasa West sina Cinque at Quattro. At nasa East si Dos kasama si Zeus.
"Jacob lead the long-range unit." Pagbaling naman niya kay JJ na nakaupo sa aking tabi. Nasa pabilog na mesa kasi kami at nakapalibot kay Incess na nagbibigay ng utos, para sa pagsugod namin sa mga teritoryo ng Empire.
Hindi naman talaga dapat ito hahantong sa ganito... But everything... it was all gone wrong.
"Anthony, lead the Medic-unit." Ngumiti si Thon Thon ng makahulugan kay Incess, matapos ang utos nito.
"Dismiss." Halos sabay sabay kaming tumayo noong sabihin iyon ni Incess. Napalunok muna ako dahil nandito lamang sa building kung nasaan kami ang unit na kailangan kong kontrolin. Maraming mga kaalyado at mga tauhan na nasa iba't-ibang lugar para sa supply ng mga kung ano-ano para sa labanan, subalit nandito ang pinaka, kaya't hindi ko na kailangan umalis, hindi tulad ng iba. Ganoon din siguro si Tim dahil nasa Information at Technology Unit siya.
Noong maka-alis iyong iba ay dumiretso na agad ako sa itaas na palapag para tingnan ang mga data kung kakayanin ang mga supply ng baril, bala at pati na din ng mga kakailanganin ng iba pang unit.
Naglakad ako patungo sa isang kwarto noong makarating ako sa pinto noon ay agad akong pumasok. Doon para akong nakahinga ng maluwag at doon ko pinakawalan ang tensyon na kanina ko pa nararamdaman. Kahit ang bilis bilis pa din ng pintig ng aking puso.
Napamura din ako ng mahina sa aking isip dahil kulang kami.
Damn it. Where the hell are you Lian?
Kasama dapat ni Tim Tim si Lian sa Info&Techno unit dahil doon sila parehas magaling. Subalit, hindi ko maintindihan kung bakit wala ngayon si Lian. Nag-aalinlangan akong mag-isip ng masama sa kaniya, ngunit hindi ko maiwasang mag-duda.
Alam kong hindi umayon lahat sa plano ni Incess ang mga bagay bagay. Maraming nagbago sa loob ng pitong buwan. Sa inaraw-araw na gumagawa kami ng kibo para sa Apocalypse. Hindi pa din maiiwasan na may mabulilyaso.
Maayos na sana ang plano noon tungkol sa Diablo's Territory, maari na sanang mapatumba ang Empire gamit ang batas nila. Maari na sana... Ngunit bigla na lamang umatras si Incess. Hindi ko alam ang buong pangyayari subalit nagbago ang ihip ng hangin.
Muntik na kaming mahuli lahat noon na nag-tratraydor sa Empire, kung hindi lamang kami sinalo ni Nate. Alam kong may bahid na kami noon ng pag-aalinlangan sa Empire, at ngayon ang magiging patunay na tuluyan na talaga kaming tumiwalag sa kanila.
Hindi ko alam kung anong mangyayari ngayon. Ngunit, ibibigay ko na lamang ang buong tiwala ko kay Incess... kahit magkagulo pa ang lahat.
Hindi ko alam ang detalye kung bakit kami napunta sa ganitong sitwasyon, at hindi ko alam kung bakit kami pumalpak noon. Ngunit, ramdam na ramdam ko noong araw na iyon... ang mapanganib na pagbabago.
Incess was considering her issue with the Empire with caution, handa nga siyang ipaubaya ang Empire sa hustisya ng teritoryo ng diablo. Ngunit biglang nagbago ang lahat sa isang iglap.
Malamig ang turing sa amin ni Incess dati, ngayon? Mas lumamig pa. Kahit inuutusan niya kami, ni minsan hindi niya na kami kinausap nang maayos. Laging maikli, laging walang emosyon. Akala ko may pag-asa pa na maibalik namin iyong samahan namin kay Incess noon, pero hindi na nangyari iyon.
Ang Incess na kaharap namin ngayon... masyado nang nakakatakot, masyado nang kinakain ng...
"Annicka." Parang biglang lumabas ang kaluluwa ko sa sarili kong katawan noong may bigla na lamang umimik noong pangalan ko. Para din akong biglang binagsakan ng naglalamigang yelo noong makita ko kung sino iyon.
Nanginig agad ang kamay ko noong titigan ko ang itim na itim na mga mata niya. Sa pagkaka-alam ko hindi iyon ang natural na kulay ng mata niya. Pero mas naging matapang ang dating niya dahil sa kulay na iyon.
"I-I-Incess..." Hindi ko matuloy ng diretso ang pangalan niya dahil sa pangangatog. Imbis na umimik ay inirapan lamang niya ako at saka sinenyasan na lumabas ako. Noong una ay nagtakha ako kung bakit niya ako pinalalabas subalit noong ilibot ko ang paningin ko sa buong silid na napasukan ko ay dali-dali na talaga akong lumabas.
Damn, Annicka.
Pagsuway ko sa sarili ko gamit ang isip. Napasok ko lang naman ang kwarto na dapat ay siyang tutuluyan ni Incess. Kaya naman pala siya nandoon. Agad akong naglakad ng mabilis at saka ako nagdire-diretso. Mabuti na lamang at kabisado ko ang lugar na ito kaya naman doon na ako dumiretso sa unit na aasikasuhin ko.
Habang naglalakad patungo doon, ay unti-unti kong inayos ang kumpostura ko. Hindi ako pwedeng humarap sa mga tauhan namin—este ng Apocalypse kung hindi ako handa. Ako ang magiging pinuno nila, hindi puwedeng ganito ako.
Lumunok muna ako pagkatapos ay huminga nang malalim. Noong makarating ako daan patungo sa silid ng unit ay napansin ko kaagad na maraming tauhan ang nagkalat sa pasilyo. Mukhang hindi sila magkaintindihan kung alin ang uunahin. Napansin ko din ang ligalig sa paligid. Siguro ay masyado silang tensyonado—mali, hindi sila tensyonado dahil kitang kita nang dalawang mata ko ang pagkasabik sa kanilang mga mata.
They've been prepared for this.
Hindi na ako nagpaligoy-guy pa noong makita kong halos magkabanggaan na sila. Agad akong tumigil sa paglalakad at saka naglabas ng isang baril, walang alinlangan kong pinaputok iyon sa pader na medyo malayo sa akin. Sinigurado ko ding walang matatamaan sa kanila.
Mabuti na lamang asintado ako. Agad kong nakuha ang atensyon ng lahat dahil doon. Napatigil sila sa ginagawa nila at napatitig sa akin. Napakunot-noo pa ang iba na animo'y biglang tumigil ang oras. Napa-ngisi naman ako dahil doon.
"Listen." Matigas na banggit ko sa mga katagang iyon at saka sila tingnan nang matalim. "Lahat kayo sumunod sa main room ng unit na ito." Madiing saad ko. Nakita kong kumilos agad ang iba samantalang ang iba naman ay parang nag-alinlangan pa.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pagkairita dahil doon. Agad akong kumuha ng balisong sa may bulsa ko at saka ko iyon nilaro sa aking kanang kamay at mabilis na itinira sa pusisyon noong mga hindi pa kumikilos. Naiwasan nila ang tira ko at matalim na tumingin sa akin.
I forgot. They are Incess' subordinates, they really won't follow that easy if you don't show that you are superior to them. They really have a great resemblance to Nate and Incess. The combination of genius and stubborn.
"I'm the leader of this unit, follow my commands or die." Dire-diretsong sambit ko nang hindi man lamang kumukurap. Napansin ko ang pagkabato nila sa kinatatayuan subalit noong itaas ko ang kanang kilay ko ay awtomatiko silang sumunod sa kagustuhan ko.
Naglakad sila papasok sa main room, at noong wala nang nandoon ay nagsimula na din akong maglakad para pumasok noong may marinig ako mula sa earpiece ko.
"Got a problem with them?" Agad kong nabosesan si Incess. Napalunok ako ng palihim dahil doon. Subalit, kahit takot ako sa kaniya ay kailangan kong ipakita na kaya kong kumontrol ng mga tauhan dahil ayokong mapahiya siya sa pagpili sa akin.
"Nothing. I'm just demonstrating my authority." Laking pasasalamat ko noong hindi ako mautal noong sabihin iyon. Walang sumagot sa kabilang linya at napansin ko ang pagkaputol ng linya doon. Ganoon naman siya ngayon, napakatipid umimik.
Nagkibit balikat na lamang ako at saka naglakas papasok sa pinto at doon ko nakita ang ibang nandito na naka-upo sa mga upuan. Hindi ko na sila pinasadahan ng tingin lahat at tumungo na lamang ako sa plataporma kung saan mayroong mikropono. Para naman hindi na ako sumigaw.
"Supply Unit." Pasimula ko. Nagsabi ako sa kanila ng kailangang sundin at gawin. Igrinupo ko din sila kung sino ang maghahanda ng mga bagay bagay, kung sino ang magdadala nito sa mga paroroonan, kung sino ang maglilista ng lahat ng mga resulta at ng iba pa.
Hindi naman sila mahirap kausap at agad na sumunod. Napansin na siguro nila ang nakalagay sa braso ko na simbolo ng pagiging lider. Ibinigay sa amin ito ni Incess noong isang araw, isa sa mga paghahanda niya sa amin sa mangyayaring digmaan laban sa Empire.
Maayos ang naging takbo ng lahat sa unit ko. Magagaling ang tauhan ni Incess. Mas magagaling sila sa mga nakilala ko sa Empire na mas pipiliing maging sakim kaysa makipagtulungan sa mga kaalyado nila. Pulido din silang kumilos. Kapag may pagkakamali ay mabilis nilang itinatama.
Ngayon ko nakikita kung paano magsanay ang Apocalypse ng mga tauhan nila. Ang mga nandito ay iyong mga alam mong may magagawa. Iyong mga alam mong hindi susuko. At higit sa lahat iyong alam mong karapat-dapat.
Apocalypse. They are great at handling things. Incess is a great leader. If this fucking war is not happening I'm sure she can lead anyone and discover their talents and their worth. She'll probably bring out the best in each one of them.
Iyon ay kung hindi siya nagbago...
Iyon ay kung—babalik pa siya sa Incess na nakilala namin. Pakiramdam ko kasi ibang iba na siya ngayon. Pakiramdam ko kasi unti-unti nang nawawala na iyong nakilala naming Incess.
All I can read in her eyes is darkness... everything in her world right now seems pitch black, that even Nate could not even paint it.
Ano ba talagang nangyari nitong nakaraang mga buwan? Parang mabilis nga kaming nakikihalubilo sa kaniya noon. Unti-unti na nga niyang nagagawa ang lahat ng nga plano niya... Unti unti na niya kaming natatanggap muli...
But something inside her shattered... then everything became a cold mess.
Flashback
Everything seems to be going fine. Lahat ata ng plano na sinabi sa amin ni Nate at Incess ay nangyayari na. Marami ng ebidensya sa mga krimen na maaring maging dahilan ng pagbagsak ng Empire.
Marami na din kaming nakukuhang pera sa kanila ng hindi nila namamalayan. Ang talino nga. Lahat ng pera na nakukuha namin ay pinapasa sa account ni Nate, at ang account ni Nate ay nakalock na sa Apocalypse.
Akala ng Empire walang nawawala sa kanila. Paano ang account talaga ni Nate ang dapat may pinakamaraming pera dahil siya ang main emperor ngayon. Subalit, mali ang akala nila... That Emperor that they are assured with is the Cero of Apocalypse.
Patuloy din kami sa pagsasanay. Kung malakas na kami noon pa lamang ay mas lalo pa kaming humuhusay. Kung dati ay hindi ako ganoon kagaling sa labanan na combat, dahil long-range ang pinakakayang kaya ko, ngayon ay nahasa ko na ang kakayahan ko doon at ang dating malakas na para sa amin ay mas naging malakas pa.
Iyong dating akala namin ay sumira sa amin? Iyong mga sikreto? Iyon na ang gumagabay sa amin ngayon. Nagiging maayos na ang tungo namin sa isa't-isa. Oo hindi siya ganoon kadali, pero kami kami na lamang ang pwede naming maging sandigan kaya naman unti-unti nang nabubuo ang samahan namin.
At ramdam na ramdam ko na mas matatag siya kaysa dati. Incess smiled once... to us. Iyon na siguro ang isa sa pinaka-masayang ala-ala namin habang patakas na nagsasanay para sa Apocalypse.
Ilap pa din sa amin noon si Incess, pero iyong ngitian ka niya? Parang para sa amin isa iyong kasiguraduhan na magiging maayos din ang lahat. That one genuine smile give us the strength that we could surpass our old selves. And yeah, it was more than effective.
Takot man kami sa kaniya, siguro porma na rin iyon ng respeto. Ang mahalaga din maganda na din ang samahan namin noong mga lider talaga ng Apocalypse. Kung noon ay nangngatog talaga kami kapag nandiyan sila ngayon ay nakikipagbiruan na sila sa amin, pero kapag talaga ang binibiro namin ay si Incess o kaya ay si Nate—saka si Lian dahil kapatid ni Nate. (Inis iyong special treatment, pero tinatawanan na lamang namin iyon.) Doon nag-iiba ang Apocalypse. They are way too protective with their, maybe I should say, our? Maybe. Our Queen and King.
Everything was going really really well. Kahit nga nakakainis si Tiara dahil sa kalandian niya. Lahat na ata ng lalaki dito na nasa mataas na pusisyon ay inaakit niya. Tsk. Maging si Zeus ay paminsan minsan ay pinapakitaan niya ng motibo. Pero kahit ganoon siya, alam mong mapapagkatiwalaan mo siya. Nakasundo nga noon si Lian kahit nilandi noon ni Tiara si Timothy.
Masaya ako sa nangyayari. Minsan nga kapag hindi kami nagsasanay ay nanunuod lamang kami nh movie o hindi naman kaya'y napunta sa swimming pool ng mansyon nito at doon nagliliwaliw. Iyon ay kung tapos na namin ang mga nakaatas na gawain sa amin.
"Ang ganda ng nangyayari ngayon, ano?" Nakangiting sambit ni Lian habang naka-upo sa gilid ng pool at nakalubog ang paa sa pool. Agad akong ngumitiat sumang-ayon.
"Akala ko masisira at mawawasak na talaga tayo. Pero tingnan mo ang saya-saya natin." I said while beaming widely. Pinagmasdan ko ang mga kasamahan namin at ayun sila, nagtatawanan.
Si Nate karga karga si Incess sa balikat niya habang nakikipaglaro kay Tiara at Kurt sa pool noong parang tulakan. Syempre, tumba sina Tiara. Tumatawa si Nate, pagkatapos si Incess ay nakalabi habang sinasabunutan si Nate ang likot kasi muntik na sana siyang matumba.
Parang wala kaming kinakaharap na unos kung pagmamasdan mo kami ngayon. Masaya lamang na tila walang inaalala. This is what I missed the most.
"Tara!" Biglang akit ni Lian. Tumango naman ako senyales na mauna na siya. Tumalon naman siya sa tubig at saka sumigaw.
"Kuya!" She yelled joyfully while waving at Nate who is smiling at her. Parang dati lamang hindi matawag tawag ni Lian si Nate na 'kuya' samantalang ngayon, kapag ang usapan ay si Nate walang kupas kung maka-imik ng kuya ang isang iyan. Masyadong pinagmamalaki ang kuya niya.
"Hera!" Napalingon ako noong may tumawag sa akin sa kabilang dulo. Nandoon si Zeus habang nakangiti at saka mabilis na lumusong sa tubig. Natawa naman ako doon.
Tatalon na sana ako noong biglang may nag-angat sa akin sa kinauupuan ko sa gilid ng pool. "Ah!" Tili ko, at napa-ahon ata si Zeus dahil doon. Tapos ay nakita ko ang mukha nitong bumuhat sa akin ng nakangisi.
"Clio! Ibaba mo si Hera." Asar na sambit ni Zeus, subalit natawa lamang si Quattro at saka tumalon sa pool kasama ako. Halos malunok ko ang tubig sa pool dahil sa biglaang ginawa ng italyanong ito. At noong umangat na sa tubig ang mukha ko ay agad ko siyang hinanap at binatukan.
Ganito na kami kasanay sa isa't-isa ngayon. Kahit halos patayin na nila kami noon.
Alyx and Thon Thon are happily having a contest with Dos and Cinque. Samantalang si Shana at Jacob, kasama si Kuya Thunder ay nag-iihaw. Pagkatapos ay ilang saglit lamang ay tinawag nila kami na kakain na kaya naman halos mag-unahan kami sa pagtakbo doon.
Masaya. Sobrang saya. Iyon na ata ang nangingibabaw na pakiramdam sa akin. Kung ang kapalit ng kasiyahang ito ay ang pag-amin namin ng mga sikreto? Siguro ay unang kita pa lamang namin kay Incess ay sinabi na namin ang lahat.
Nothing could compare to this. This is so pure. To be treasured in my heart forever.
***
Wala kami lahat ngayon. Iyong ibang Apocalypse ay bumalik sa mga kani-kaniyang bansa nila para sa plano. Samantalang ang ibang Improbus ay nasa kani-kanilang trabaho at saka pagsisilbi sa Empire para hindi kami mahuli o paghinalaan.
Nandito ako ngayon para sana magsanay. Ngunit, habang naglalakad ako sa pasilyo nitong building kung saan laging hinahas ang kakayahan namin ay napansin kong hindi lamang ako ang nandito. May naririnig ang ingay ng hininga na parang pagod na at ng mga tila pagbalibag.
Sinundan ko kung saan nagmumula ang ingay na iyon at noong sumilip ako sa pinto ay nakita ko si Lian, Nate, Incess at Kurt. Nasa magkabilang dulo si Lian at Nate, nasa kabila naman si Incess at Kurt. Parehas silang nakaporma na tila aatae subalit nakatindig lamang sila doon habang pinagmamasdan ang isa't-isa.
Hindi na ito bago sa akin. Madalas ko silang makitang ganiyan. Si Lian at Nate ang palaging magkakampi. Masasabi kong mas magaling ang mga kumbinasyon noong magkapatid kaysa sa kumbinasyon ni Incess at Kurt. Hindi lamang lakas ang pinapairal nila, dahil napakagaan at napakabilis din ng mga kilos nila.
Evans siblings are no joke. I've never seen Lian that amazing and almost par with Nate. Their moves... it might be light but it is flawless.
Pawisan na iyong apat. Nagpapakiramdaman kung sino ang unang susugod. At mabilis na hinawakan ni Nate ang kamay ni Lian at saka ito tila inihagis papunta kayna Light at Kurt. Nagulat ako sa ginawa ni Nate, at sa tila napakagaan na paglipad ni Lian sa ere.
Natigil si Incess doon subalit mabilis siyang naka-kilos para sana abutin ang katawan ni Lian, subalit umikot si Lian sa ere, dahilan para hindi iyon magawa ni Incess at biglang lumapag ang mga paa nito sa balikat ni Kurt.
Nanlaki ang mga mata ko doon dahil sa pagkamangha. Oo nga't nakikita ko na nagkakaroon sila ng ganitong pagsasanay, subalit ang mga galaw na ito ay ngayon ko lamang nakita.
Tumalikod si Light para tingnan ang ginawa ni Lian, pakiramdam ko ay nagulat din siya pero agad na tumungo ay Kurt para tulungan ito, subalit agad siyang nahablot ni Nate at saka ikinulong sa kaniyang bisig.
Pagkatapos ay tumalon si Lian pababa habang nakaipit ang mga paa sa leeg ni Kurt kaya naman napahiga si Kurt dahil doon habang iniinda ang sakit. "Agh! Lian you are cruel!" Alma pa nito kay Lian.
Tumawa na lamang si Lian doon at saka naglakad sa gilid ni Kurt at doon humiga. "Kasalanan ni kuya. Gusto atang masolo si Incess." Nakangising sambit niya. Kaya't napalingon silang dalawa doon sa mag-asawa na magkayakap. Natatawa na nga lamanh si Incess habang akap-akap siya ni Nate.
Umupo na iyong mag-asawa at saka inabutan ng kamay iyong dalawang nakahiga. Tinggap naman iyon agad noong dalawa at saka ngumiti. Napakamot naman sa batok si Kurt dahil doon.
"I'm impressed. Your combination—" Hindi na natapos ni Incess ang sasabihin niya noong magsalita si Nate.
"Alam ko na iyan, dummie." Pagmamalaki niya habang nakangisi. Pinitik naman ni Incess ang noo niya dahil doon. Napasapo pa siya at napa-aray sa sakit. Habang tinatawanan lamang siya ni Lian.
"Lil sis, pagalitan mo nga itong manugang mo—" Pagsusumbong ni Nate.
"What, kuya? Manungang?" Natatawang puna ni Lian. "You are insane. Hindi ako ang nanay mo." Pang-aasar pa ni Lian.
"Pabo." (Stupid) Gatong pa ni Kurt.
"Argh." Asar na imik ni Nate, habang nakatingin kay Incess na nagpipigil ng tawa sa katangahan niya. Minsan talaga kahit anong talino nitong si Nate, may saltik pa din na natitira sa utak nito.
"Ano ba dapat ha?" Panghahamon pa ni Nate na tila hindi magpapatalo. Natawa iyong dalawa doon. Maging si Incess ay nakita na din. Napangiti ako sa nakita ko. Hindi man sa aming lahat, ang mahalaga, ngumiti at tumatawa na si Incess nang totoo.
That silly Nate.
"Ano—Ano—" Agad na pumunta si Nate kay Lian saka ito pabirong sinakal gamit ang braso. Natawa lamang si Lian dahil doon na parang kinikiliti. "Hindi mo pala alam, lakas mong mambara." Pang-aalaska ni Nate sa kapatid niya.
"Sister-in-law na lang para madali. Nagpapalaliman pa kayo ng tagalog diyan." Sabat naman ni Kurt. Nakipag-apir naman si Incess sa kaniya dahil doon. Pagkatapos ay kung ano ano nanamang kalokohan ang sinabi ni Nate, kaya't parang nawala unti-unti ang pagod nila dahil doon.
Samantalang ako ay umalis na sa kung saan ko sila pinagmamasdan na may ngiti sa mga labi. Mas lalo akong ginanahan na mag-ensayo dahil sa nakita ko.
Akala ko noon maganda na ang takbo ng lahat. Akala ko noon magtutuluy-tuloy ang mga plano namin sa naayon. Akala ko noon hindi na mabubura ang mga ngiti sa labi ni Incess... Subalit, puro akala lamang pala ang lahat ng iyon.
Isang araw nagpatawag ng pagpupulong si Kuya Thunder. Lahat kami ay tumalima, maging anh Apocalypse ay agad na lumipad patungo dito. Iyon na kasi ang araw na pupunta si Incess sa Diablo's Territory, upang matapos na ang lahat ng ito. Para may maghatol na sa Empire. Para makawala na kami sa kadena na nagtatali sa amin sa madilim na kahapon.
Incess and Dos went there. Hindi kasi puwedeng si Nate, dahil siya ang itinuturing nalider ng Empire. Kapag pumunta siya magiging traydor sa siya sa mata ng mga tagahatol at nang lahat. Matatagalan lamang ang lahat, kaya't si Uno at Dos na lamang ang kumilos.
Kabado kaming lahat noon. Alam namin na napakadaming proseso pa ang pagdadaanan namin sa kamay ng mga tagahatol, pero sila din ang magiging daan para makita na namin ang ilaw namin, para bumalik ang lahat sa dati, para hindi na dumanak pa ang dugo, para maging mapayapa na ang lahat.
Bilib din ako kay Incess. Kahit ang dami niyang pagkakataon na putulan ng buhay ang mga may gawa sa kapatid at sa pamilya niya noon, gamit ang sarili niyang kamay hindi niya ginawa. Mas ipapaubaya pa niya ang kamatayan nila sa batas. Hangang-hanga ako sa kaniya. Ang tatag niya.
Naikwento din sa akin ni Zeus, na matindi ang pinag-daanan ni Incess. Na halos muntik na niyang patayin ang mga may sala subalit dahil daw sa kakambal niyang si Empress, kaya't hindi niya ginagawa. Kasi alam niyang hindi iyon gugustuhin ng kapatid niya.
She's really something. She's really an angel locked up in this hell. I hope she can spread her wing wide then she can escape. And now is the day...
We were all agitated. Pakiramdam ko nga ay isa akong tatay na nag-iintay sa misis niya na nanganganak. Aligaga kaming lahat. Kakaibang kaba, takot, kasiyahan at pagkasabik ang nararamdaman namin.
Sina Alyx, Lian, Shana ay halos magkabungguan na habang naglakakad pabalik balik dahil sa kaba. Samantalang iyong mga lalaki ay nasa isang tabi at naka-upo pero halatang nag-aalala.
Ang ibang Apocalypse naman ay prenteng prenteng nakaupo habang nanunuod ng kung ano. Parang bale-wala lamang sa kanila, ngunit kahit ganoon ang ipinapakitan nila alam kong nag-iintay din sila ng magandang balita.
Ang bagal bagal ng oras para sa amin. Para ngang gusto ko nang tumakbo patungo sa kung nasaan man sina Incess ngayon oara magtatalon kapag sinabi niyang tapos na ang lahat, na maari nang magkaroon ng paglilitis, na maari na kaming magkaroon ng pag-asa na sisirain at papatumbahin na ng pundasyon ng mga mafia ang Empire.
Halos tumalon ang puso ko sa saya kapag naiisip ko iyon. Gusto kong magsisigaw ngayon dahil sa kakaibang saya at ligalig. Pero pinipigilan ko ang sarili ko. Halos mapunit na nga ata ang labi ko kangingisi.
Nahalata ata ni Zeus na masyado akong natutuwa ngayon, kaya hinawakan niya ang kamay ko at saka ako inupo sa tabi niya. Inakbayan din niya ako at saka siya bumulong sa akin.
"Huwag kang masyadong masabik. Hayaan mo si Princess. Believe in her." Napangiti na lamang ako doon. Alam ko iyon. Malaki ang tiwala ko kay Incess. I have fath in her. After all that she have been through? I'm sure this will be a celebration.
Nag-intay. Nag-intay. Nag-intay.
Hindi namin alam kung ilang oras na kaming naghihintay. Iyong kaninang pagkasabik ay naging purong kaba na lamang. Bakit ang tagal? May nangyari ba? Hindi ba...? Agad kong pinilig ang sarili kong ulo dahil sa mga pinag-iisip ko. Masyado na akong nasobrahan sa pag-iisip.
Pumanhik na lamang ako sa itaas nitong mansyon para sana matulog. Oo, itutulog ko na lamang ito, kaysa naman mag-isip ako ng kung ano ano. Pagkatapos, pagkagising ko magandang balit ang sasalubong sa akin. Wala nang mas sasaya pa sa gising ko pagnagkataon.
Nagsimula akong humakbang sa bawat baitang. Subalit, kakaibang kaba na talaga ang nararamdaman ko. Para bang biglang napawi lahat ng masasayang pakiramdam ko kanina. Natatakot ako.
Nagsimulang man lamig ang kamay at paa ko. Pakiramdam ko din may namumuo nang malalamig na pawis sa aking noo. Hindi na matuwid ang pag-iisip ko ng mga baka sakali. Why am I feeling like this?
Tatlong baitang na lamang ang kailangan kong lampasan at makakarating na ako sa ikalawang palapag. Subalit, bigla na lamang akong nakarinig ng napakalutong na mura.
"Fucking shit!" Halos magkanda-dapa dapa ata ako sa pagbaba dahil sa sumigaw. Boses iyon ni Nate. Punong puno iyon ng galit, pag-aalala at hindi maintindihang emosyon. Parang biglang umapaw ang lahat sa kaniya. Parang lahat ng kalmadong pag-iintay niya kanina ay nabalewala lahat.
I rushed down the stairs. And when I reached the last step... I froze.
Hindi ako makahinga man lamang. Pati yata tibok ng puso ko ay bigla na lamang tumigil. Nan laki ang aking mga mata sa aking nakikita. Napa-awang ang aking mga labi, at naramdaman ko ang panginginig ng aking tuhod.
What I saw was beyond scary—no... It was terrifying.
Thousands of shivers travelled through my spine. My legs gave up on supporting me. My whole body was shaking. I felt a lump on my throat. I started to tremble badly... hanggang sa napaluhod na ako. Habang nakahawak sa may hawakan sa hagdan.
Darn it. W-What the fuck happened to Incess?
Iyon na lamang ata ang tumatakbo sa isip ko noong tagpong iyon. Habang nakatingin ako sa kaniya. Habang nakatingin ako kay Incess na...
...naliligo sa dugo.
Hindi ko alam kung sariling dugo ba niya iyon o hindi. Subalit ang mas nakakatakot pa maliban sa katotohanang tumutulo ang dugo mula sa ulo niya pababa sa kaniyang mukha at ang basang basang katawan niya na halos magkulay pula na ang suot niya, ay iyong mga mata niya.
Kilabot ang aking naramdaman.
Kitang kita ko sa mga mata niya ang purong galit. Mas nanlamig pakiramdam ko noong titigan niya ako. Wala akong maramdaman na kahit anong emosyon doon kung hindi galit at poot.
Lahat kami hindi makakilos sa kinatatayuan namin. Si Nate ay nanginginig habang nakatingin kay Incess na naganoon ang hitsura. Ang mga mata niya ay tila nagtatanong.
Subalit lahat kami ay walang natanggap na sagot mula sa kaniya. Tanging lamig lamang ang naramdaman ko. Parang nasira na ang lahat sa kaniya. All her sanity was tainted with blood.
She was breaking into pieces but her cold stare could kill. She's not the Princess Light Smith-Evans who left us awhile ago, hindi na siya iyong kilala namin...
Nagbago siya. Nakasisigurado ako doon.
End of Flashback
Doon nag-simula ang lahat. Naging malamig siyang muli sa amin. Mas malamig pa kaysa sa unang pakikitungo niya. Kahit si Nate ay hindi siya mapa-amo. Kahit si Nate ay nahihirapang makipag-usap ng matino sa kaniya.
Si Dos ay wala ding alam. Dahil ayon sa kaniya. Hanggang kotse lamang siya doon sa pinuntahan nila, dahil ayaw ni Incess na magpasama. Hanggang sa lumabas na lamang daw ito na ganoon na ang hitsura.
Kumikilos siya, nag-iisip siya, buhay siya. Pero sa loob? Parang patay na siya.
Hanggang ngayon ay wala pa din kaming alam kung bakit siya nagkaganoon. Wala kaming nagawa kung hindi sundin ang inuutos niya. Nagpatuloy kami sa mga plano, kahit madaming nabago dito.
At ito na nga ang simula noon. Ang labanan ng Apocalypse at Empire. A bloody fight between the two.
But the thing that is bothering me right now is...
Where the hell are you Lian Analiz Valle Evans?!
***
Question: Traydor o hindi? Hula na. Hahaha.
26.27
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top