Liar 33: Survival & Beginning
33: Survival and The Beginning
Annicka Hera's POV
Nang sinabi ni Tiara ang hudyat ay agad akong tumakbo papalayo sa kanila. Kumakabog nanaman ang dibdib ko dahil maliban sa naulan ay may pagka-madilim ang lugar at hindi mo alam kung anong nag-hihintay sa iyo. Ngunit isa ang pinaka sigurado kong kakaharapin namin at iyon ay ang isang matinding...
...panganib.
Hindi nabiro ang mga nangyayari ngayon. Matapos mabunyag ang lahat lahat ng sikretong itinatago namin ay hindi na ako kampante sa pupuwedeng mangyari. Lahat ay walang kasiguraduhan ngayon, lahat nang maaring mangyari ay nasa kamay na ng Apocalypse.
At hindi sila ordinaryo, kakaiba at mautak sila. Noong iligtas ko noon si Incess ay trinato nila ako nang maayos, wala silang ibang ipinakita kung hindi ang pagpapasalamat sa ginawa ko noon. Subalit, ibang usapan ngayon dahil itanggi ko man o hindi bawat isa sa kanila tila nag-aapoy ang mga mata.
Para silang mga tigre na handang handa kainin ang iniintay nilang pakay. At sa pagkakakilala ko kay Incess hindi siya pipili ng mga miyembro nila ng hindi papasa sa kaniyang lebel. Kaya naman wala kaming ginagawa ngayon kung hindi ang tumakbo...
Ang tumakbo para sa mga buhay namin.
Kada tapak ko sa lupa at nagiging maputik ito. Nahihirapan akong tumakbo dahil doon. Hindi ko din ganoong maaninag ang paligid dahil sa patak ng tubig sa mukha ko at sa dilim.
Habang patuloy at walang tigil sa pagtakbo ay pinakiramdaman ko ang paligid. Wala na sila. Wala na akong kasama. Lalo akong nakaramdam ng takot at kaba dahil sa naisip ko. Mag-solo na lamang ako sa tinahak kong daan.
Kada puno ng niyog ay iniiwasan ko. Nararamdaman ko din ang pagbagal nang pagtakbo dahil sa tila lumulubog na lupang tinatapakan ko dahil sa pag-ulan. Ngunit hindi ako pinanghinaan ng loob kahit pa kakatuwang pakiramdam ang aking nararamdaman. Nag-dire-diretso lamang ako.
"Ah!" Nagulat ako at napasigaw noong bigla na lamang kumulog at kumidlat. Nadapat din ako dahil doon. Nakaramdam ako ng kirot sa aking tuhod, dahil sa nangyari. Napaungol ako nang kaunti, ngunit lakas loob akong tumayong muli dahil pakiramdam ko kalag tumigil ako kahit ilang segundo ay makakasunod na agad ang humahabol sa akin.
Noong makatindig ako at handa na sanang magpatuloy muli ay natanggal ang suot kong sapatos sa aking kaliwang paa. Agad akong lumuhod at hinanap iyon, subalit may narinig akong kaluskos at dahil sa bugso ng damdamin ay dali-dali akong tumakbo kahit nakayapak.
Ang bilis ng tibok ng puso ko noong magsimula akong tumakbo ay mas lalong dumomble. Hirap na hirap ko ding maaninag ang lugar dahil sa dilim dito. Pero hindi ako tumigil, tumakbo lamang ako nang tumakbo. Paminsan minsan ay nababangga ako sa puno dahil hindi ko na iyon naiiwasan ay hindi ko na inaalintana.
Nag-dire-diretso lamang ako umaasang may maaninag na kahit anong ilaw na hindi nag-mumula sa kalangitan. Ang isang paa ko ay nanakit na dahil kanina ay parang may matilos na bato akong natapakan kaya't pakiramdam ko hindi na lamang putik, buhangin at tubig ang dumadaloy doon kung hindi pati dugo ay nagsisimula na ding tumulo.
Ramdam na ramdam ko ang hapdi doon kanina, subalit sa bawat pagtapak ko sa daan at sa mabilis na kilos ko sa pagtakbo ay unti-unti itong namamanhid.
Nakaramdam ako na para bang may bumara sa aking lalamunan. Hanggang sa hindi ko napansin na marahan na palang pumapatak ang mga luha sa aking mata na siyang mas nagpapalano ng daan maliban sa patak ng ulan.
Gusto kong sumigaw para humingi ng tulong, subalit alam kong kung gagawin ko iyon ay imbis na tulong ang dumating sa akin ay kapahamakan lamang ang magiging hatid noon.
Kung ito man ang parusa ko ang minsang pagmamahal ng higit sa kaibigan kay Nate... Hindi ko alam ang iisipin ko. Kasalanan na ba talaga ang magmahal? At saka ang isa pang malaking bagay ay nakaraan na iyon. Dahil hindi na ganoon ang tingin ko ay Nate ngayon.
Ang tanging gusto ko na lamang ngayon ay maging maayos ang buhay nila ni Incess. Iyon na lamang.
Siguro nga karma ko ito, dahil nadala din ako ng pagmamahal noon at sa maling paraan pa. Ang kasuklam suklam ko naman kasi at napakamakasarili ko na kahit papaano ay nagustuhan ko din nanawala si Incess para sa pansariling intensyon na sana ay mapansin din ako ni Nate.
Ang baliw ko nga talaga siguro para hilingin iyon noon. Ang laki ko sigurong tanga.
Pinahid ko ang mga tubig sa mukha ko at tumakbo pa nang mas mabilis. Biglang humangin ng malakas at nakaramdam ako nang matinding panlalamig, agad kong nayakap ang katawan ko dahil doon habang tumatakbo hanggang sa nagulat na lamang ako noong bigla akong matisod sa nakaharang na kahoy.
Agad akong nagpagulong gulong sa lupa na may mga sanga at bato, kaya naman nakaramdam ako ng matinding sakit na oarang may humiwa sa ibang bahagi ng balat ko. Impit ko ding tiniis ang sakit at pilit na hindi gumawa ng ingay.
Malalim na malim ang naging paghinga ko. Napapikit din ako sandali. Noong pagkakataong nakahinga ako habang hinahayaan na mas mabasa pa ako ng tubig ulan ay naisip na sumuko na. Ngunit mayroong napakakatiting na nagsasabi sa akin na kailangan kong patunayan ang kakayahan ko upang maipakita sa kanila na nagsisi na talaga ako.
Humugot ako ng malalim na hininga at saka iminulat ang aking mga mata at sumalubong sa akin ang madilim na kalangitan at ganoon din ang tila mga silhuweta ng mga punong nakapaligid sa lugar kung nasaan ako.
Ininda ko ang hapdi at kirot na nararamdaman ko sa buo kong katawan at tumindig. Kinapa ko din ang mga sanga na naapakan ko at saka ako kumuha ng isa doon. Khit mahuna iyon ay maari ko pa din iyong magamit.
Nagtatakbo din akong muli matapos ang nangyari. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong tumatakbo nang walang tigil. Hanggang sa maramdaman kong natanggal na din iyong isa ko pang sapatos sa mga paa ko ay hinayaan ko na lamang. Hindi na ako lumigon doon at hindi ko na din pinag-aksayahan ng oras na kunin iyong muli dahil mas importante ngayon ay manalo ako sa larong ito. At isa pa, wala na din naman iyong isang sapatos ko, kaya mas mabuti ito para mas mabilis akong makatakbo.
Ilang sandali pa matapos ang walang kapaguran at katapusang pagtakbo ay laking pasasalamat ko noong sa wakas ay may matanaw na akong liwanag na hindi nag-mumula sa kalangitan. Isa iyong liwanang mula sa apoy o hindi kaya'y sa isang poste o ilaw.
Tumigil ako nang sandali ay unti-unti upang makiramdam sa paligid, dahil maaring isang patibong lamang ang aking natatanaw. Tumigin ako sa pagilid ngunit wala akong naramdaman na kahit anong presensya at wala din naman akong nakitang anino nang tao. Nagpatuloy ako sa pag-mamasid hanggang sa napansin ko ang mga puno ng niyog sa paligid.
Maari iying makatulong sa akin.
Agad kong pununit ang kaunti tela sa aking palda. Hinawakan ko ang isang dulo noong tela at pinulupot sa katawan ng puno. Hinigit ko ang isang dulong bahagi ng tela at hinigit higit ito ng kaunti upang matantya kung kakayanin noon ang bigat ko.
Noong makasigurado ako ay itinaas ko ng kaunti ang tela at hinawakang mabuti ang magkabilang dulo nito at saka ko ibuhat ang katawan ko upang ang mga paa ko ay makakapit sa katawan ng puno. Matapos iyon ay mabilis kong itinaas muli ang tela at isinunod ko ang katawan ko. Paulit-ulit kong ginawa iyon hanggang sa nakarating ako sa kataasan na bahagi nito.
Yakap yakap ko nang napakahigpit ang puno at inilibot ko ang paningin ko mula sa itaas ay agad akong namangha. "T-This... is not an o-ordinary island..." Nauutal na banggit ko habang pinagmamasdan ang buong lugar.
Iyong nadaan ko kanina ay parang gubat na malapit sa dalampasigan, at itong nakikita at natatanaw ko naman ngayon na patungo sa mas pusod nitong isla ay isang mukhang abandonadong syudad. Mayroong mga gusali na may ilaw. Ang ilan lamang ay may pundi na at patay sindi na din na ilaw.
Mayroon ding nagkalat na mga tao. Oo, may mga tao. Sigurado ako sa nakikita ko dahil sino ba namang magmamaneho ng mga sasakyang naandar sa daan? Hindi naman siguro kung ano mang hayop ang gagawa noon, kaya't alam kong tao agad iyon.
May mga parte pa ding magubat, subalit kung didiretsuhin ko ang daan na kanina ko pang tinatahak ay makakarating ako sa tila abndonadong syudad na iyon. Siguro naman ay mas madaling magtago doon dahil may mga gusali?
Nag-isip muna ako nang maaring gawin at noong mabuo ang desisyon ko ay agad akong bumababa sa puno na aking pinag-akyatan at saka mabilis na tumakbo padiretso sa nakita ko kanina.
Ilang minuto pa akong nagtatakbo bago ko marating ang lugar na iyon at noong nasa bungad na ako ay agad akong nag-tago sa isang puno para pagmasdang muli ang paligid. May dumaang sasakyan kaya't pigil hininga akong nag-tago, umaasang hindi ako mailawan noon, dahil maaring panganib ang hatid kung may makakakita man sa akin.
Para akong nabunutan ng tinik noong hindi matapan ng headlights iyong pinagtataguan ko. Tingnan kong muli ang paligid at napakatahimik nito, lalong lalo na noong makalayo na talaga iyong sasakyan. Tanging patak ng tubig ulan at kulog malamang ang makikinig mo. Pati na din ang paghinga ko dahil sa pagod.
Matapos kong masigurado na wala nang kahit sinong tao ang nasa paligid agad akong tumakbo para makatawid sa kalsada. At dumiretso sa may abandonadong gusali na malapit doon. Agad akong pumasok doon. Mukha iyong isang connivence store na matagal ng walang gumagamit.
Lahat ng ilaw ay patay, pagkatapos may mga lalagyan ng mga pagkain at iba pa na nakatumba at sira sira. Basag basag din ang mga salamin na tumatayong pader sana nito. Naging maingat ako sa paglalakad dahil maari akong mabubog.
Mabuti na lamang at sanay na ang mata ko sa dilim at saka may liwanag naman ng poste mula sa labas ang gumagabay sa akin. Subalit, kahit anong gawin ko ay nararamdaman ko pa din ang tula pagbaon ng mga malikit na basag na salamin sa aking talampakan.
Napapangiwi ako dahil doon ngunit hindi ko na lamang iyon inalintana at nag-patuloy ako sa paglalakad sa loob ng establisyementong ito. Noong nasa may bandang dulo ako kung saan maaring may pagtaguan sa dilim ay bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Napaka-kasindak sindak. Pakiramdam ko napakadaming dugo na ang dumanak dito at madaming away na din ang naganap.
Napalunok na lamang ako at tinatagan ang loob ko at saka tumungo sa may bahagi kung saan dapat nakalagay iyong mga lalagyan ng tubig at mga softdrinks. Iying tila may napakalaking refrigerator. Noong makarating ako doon ay hindi ko agad naanino ang nasa loob ng tila refrigerator na iyon.
Subalit halos bumaliktad ang sikmura ko at agad akong napatakip ng kamay sa aking bibig noong maaninag ko ang isang buto ng tao na nandoon na nakakulong. Naka-apak nanaman ako ng napakaraming bubog subalit halos mamanhid na ang mga paa ko upang masaktan pa.
Napapikit ako ngunit sa pag-pikit ko ay nailarawan ko lamang ang nakita kong buti ng tao kanina. Hindi lamang iyon basta basta dahil nakasabit ang ulo o tila leeg noon sa isang lubid. Pakiramdam ko ay may nag-tali noon doon upang patayin iyong nandoon.
Hindi ito ang unang beses na nakakita ako ng ganoon subalit kahit pa nakita ko na iyon noon ay kaparehas pa din na kilabot ang nararamdaman ko kapag nakakakita ako noon.
Aalis na sana ako doon, subalit nagulat ako noong may marinig akong tila bakal na hinihila sa sahig. At pagkalabog sa pader. Agad nanalaki ang mga mata ko at tila kusang kumilos ang katawan ko at bigla akong nagtago sa may isang lalagyan dito. Laking pasasalamat ko na lamang din noong wala akong nagawang kahit noong ingay.
Nakagat ko ang ibabang bahagi ng labi ko sa takot. Nag-sumiksik ako sa pinagtataguan ko habang napakabilis ng tibok ng puso ko. Nanlalamig na ang kamay ko, hindi lamang kamay ko pati na din buong katawan kong basang basa dahil sa ulan. Para dinh naririnig ko na ang napakalakas na pintig ng puso ko. Halos hindi na ako huminga upang kahit ingay noon ay hindi ko magawa.
Nanginig na ang buong katawan ko noong marinig ko ang tila pag-apak ng isang tao sa nagkalat na basag na salamin sa sahig. Bawat paglagutok noong salamin ay parang nakakabingi. Hindi lamang iyon, muntik na akong mapatalon sa pinagtataguan ko noong marinig ko ang paglagapak ng isang bakal sa sahig.
Napatakip ako sa sarili kong bibig dahil kamuntik na akong mapasinghap. Napayakap ako sa binti at tuhod ko at pumikit. Tahimik kong hiniling sa aking isip na sana ay umalis na ang taong iyon. Sana'y hindi niya maramdaman ang presensiya ko.
"Tagu-taguan maliwanag ang buwan."
Lahat na ata ng murang alam ko ay lihim kong nasambit sa isip ko. Mas tumindi ang panginginig ng aking katawan dahil sa kakaibang kakatuwang pakiramdam ko ngayon. Napapikit ako ng pagkadiin diin. Boses lalaki iyong kumanta. Napakalalim ng boses na iyon at nakakatakot.
Naiyukom ko ang kamao ko at nangatal ang mga ngipin ko. Ni paghinga ko ay tumigil ng kusa noong marinig ko ang pagkanta niya. Parang bumalik ang pakiramdam ng takot ko noon, noong kaarawan ni Cassidee kung saan kumata si Incess ng tatlong bear.
"Pagkabilang kong sampu."
Tumigil sa pagkanta iyong lalaki noong bigkasin niya ang sampu. Samantalang ako ay lakas loob na binuksan ang mga mata at saka marahang kinuha sa sahig ang isang piraso ng salamin na may kalakihan. Kung magkaengkwentro man kami ng taong ito ay may panlaban ako.
"Nakatago na kayo."
Hindi ko alam kung alam niyang nandito ako o gusto lamang niyang kumanta. Ngunit, parang alam niya. Lalabas na sana ako sa pinagtataguan ko at ako ang susugod sa kaniya, ngunit unti-unti akong nakarinig ng yapag ng paa na tila papalayo, at ganoon na din iyong boses.
"Isa."
"Dalawa."
"Tatlo."
Noong nasa ika-lima na ang binibigkas niya at natitiyak kong malayo na siya dahil nawawala na din iyong presensiya niyang nararamdaman ko at halos maglaho na iyong malagong na boses niya. Hindi ko matukoy kung sino sa kanila iyong nanakot kanina, ngunit sigurado akong maaring isa iyon sa mga lalaki ng Apocalypse, dahil karamihan sa kanila ay malalim at nakakatakot ang mga boses.
Nag-intay muna ako ng ilang minuto bago lumabas sa pinag-tataguan ko dahil baka may pumunta nanaman sa sirang establisyementong ito. Noong medyo kumalma din ako mula sa kaba at tensyon ay saka ako lumabas, at marahang kumilos para lumabas ng lugar na ito upang mag-tago sa ibang lugar. Hindi kasi ako mapakali parang ang bilis akong matatagpuan sa lugar na iyon.
Noong nakalabas ako sa kalye ay hindi na ganoon kalakas ang ulan at para iyong titila. Hindi na din ako nag-aksaya ng oras at mabilis na tumakbo sa isang gusaling may ilaw. Hindi ko alam pero ang unang prayoridad ko ngayon ay ang makahanap ng kahit anong armas maliban sa basag na salamin na hawak ko na maaring maging panlaban.
Dahil kahit anong tago ko dito ay sigurado akong mahahanap at mahahanap nila ako. Mas mabuti nang makalaban ako sa kanila, kaysa naman mahuli ako na walang kalaban laban.
Paninindigan ko na ang tawag sa larong ito. Chase the Killer. Ako naman ang 'killer' dito, kaya't kailangan ay maging agresibo ako at matatag dahil kailangan kong magpatumpay dito. Naging parte ako ng Improbus Ille Imperium hindi dahil sa kaibigan ko ang mga miyembro dito, kung hindi dahil sa taglay kong kakayanan.
Kada takbo ko sa bawat kalye ay patago tago din ako lalong lalo na kapag may sasakyang nadaan. Hindi ko alam kung saan ako patungo basta't gusto ko lamang ng gusali o hindi naman kaya'y abandonadong bahay na mayroong armas.
Habang tumatakbo ay namalayan ko na lamang na medyo nakalayo na pala ako doon sa may mga bahay na isang palapag lamang. Nandito na ako sa lugar kung saan napakasisikio ng lansangan at napakadaming magkakadikit na gusaling abandonado.
Nagpatuloy akong lampasan iyong iba na wala akong nakikitang potensiyal na maaring makatulong sa kalagayan ko ngayon. Nagtatalon din ako mula sa ibang palapag noong pinasok kong gusali papunta sa mga malalapit na kadikit nito, ngunit wala akong napala.
Naglakad na lamang ako nang maingat dahil halos mawalan na ako ng enerhiya sa pagtakbo nang pagtakbo. Dala na din ng sakit ng katawan at napagpasyahan kong mag-tago sa isang madilim na gusali. Kahit kaunting sandali lamang ay kailangan kong huminga.
Hindi kagaya kanina ay malinis ang gusaling ito, subalit mayroong mga sirang sofa dito. Tumungo ako sa isang banda noon at saka umupo sa sahig at sumandal sa likod ng sofa. Mabigat ang pag-hinga ko noong una subalit habang tumatagal ay bumabalik na ito sa normal.
Ang lagkit lagkit din ng pakiramdam ko dahil sa basang basa ako gawa ng ulan at pati na din ang dugo na kanina'y dumadaloy sa katawan ko hatid ng mga pagkakadapa ko kanina.
Hindi ko na mamalayan kung ilang minuto na akong nakaupo lamang doon at nag-tatago. Hanggang sa bigla na lamang kumidlat at nagkaroon ng panandaliang liwanag ang buong lugar.
Nabato ako sa kinauupuan ko sa napakaikling sandali iyon na hindi pa hihigit sa isang segundo. Napalunok agad ako at bumilis nanaman ang tibok ng puso ko na tila nagsimula nanamang makipag-karera. Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig sa aking nakita sa maikling panahong iyon.
Silhuweta...
Nakakita ako ng isang silhuweta.
Nanginig ang buong katawan ko at hindi ako makapag-isip ng matino. Napahigpit ang hawak ko sa mumunting salamin na kanina ko pa hindi binibitawan ko. Naramdaman ko ang pagkahiwa ng palad ko dahil doon pati na din ang unti-unting pag-agos ng dugo ngunit hinayaan ko iyon.
Muli ay kumidlat nanaman at sa pagkakataong nagkaroon nanaman ng liwanag sa buong lugar ay natawan ko na wala na iyong nakita ko kanina.
Nawala iyong silhuweta nang isang tao na nasa harapan ko kanina habang nakatayo.
Agad kong napatayo mula sa kinatatayuan ko at inaninag ang paligid ngunit wala akong nakitang kahit ano. Umakyat ang takot at tensyon sa aking dibdib dahil hindi ko na alam kung imahinasyon ko ba iyon o hindi.
Umatras ako mula sa kinatatayuan ko habang inihahaya sa harapan ko ang kapirangot na salamin. Umikot pa ako mula sa pusisyon ko para ihampas sa isang bahagi ang matalas na bagay ko, ngunit hangin lamang ang natamaan ko doon.
Gusto kong tanungin kung sino siya ngunit nawalan na ata ako ng boses at kahit inaawang ko ang bibig ko upang mag-salita ay wala namang tinig na nalabas. Patuloy ang paglunok ko at panlalamig ng paa at kamay ko.
Napahugot ako ng hinga at agad nanghina ang tuhod ko noong maramdaman kong may humawak sa akin sa balikat mula sa likod ko at doon ko rin naramdaman sa tagiliran ko ang tila nguso ng baril. Hindi ako makakilos dahil doon, lalong lalo na noong...
...maramdaman ko ang isang mainit na hininga sa aking leeg.
"Triple shit." Mahinang banggit ko habang nangangatal ang aking panga. Pakira,da, ko'y lahat ng mga balahibo ko sa katawan ay nag-taasan, lalong lalo na sa may bandang batok. Mas lalong humigpit ang hawak ko sa munting sandata ko na hawak ko malapit sa may hita ko.
"Who are you?" Kung hindi pa nag-salita ang taong nasa likudan ko ay muntik ko na sanang ihataw sa kaniya ang salamin na hawak hawak ko ngunit, hindi ko iyon nagawa. Dahil sa biglang pagpapatakan ng mga luha sa aking mga mata.
Ang boses na iyon ay kilalang kilala ko. Agad kong naitapon ang salamin na hawak ko at agad na niyapos ang lalaking nasa likudan ko at saka ako napahagulhol. Naramdaman ko ang pagkagulat niya sa ginawa ko ngunit, unti-unti ay naramdaman ko ang pagkawala ng tensyon sa katawan niya at saka ako niyakap nang mahigpit.
"You must have been hella scared." Sambit niya sa akin. Agad akong napatango tango habang nasa dibdib niya ang mukha ko.
"N-Nakakainis k-ka!" Asar na sambit ko na halos mawalan na ng hininga dahil sa kaba kanina.
"Sshhh." Mahinang pang-aalo niya sa akin at saka hinagod ang likod ko. Rinig na rinig ko ang mabilis na tibok ng puso niya. At nakasisigurado akong dahil iyon sa kaba, at tensyon sa nangyayari ngayon.
"Annicka." Tawag niya sa akin at saka niya ako hiniwalay sa yakap niya.
"JJ." Nahihirapang sambit ko sa palayaw niya. Buti na lamang at pinsan ko iyong silhuweta kanina at hindi iyong kalaban. Kung may sakit lamang ako sa puso ay malamang sa malamang ay wala na akong hininga ngayon dahil sa pagkagitla ko kanina na para akong nagkaroon ng mabilis na panic at heart attack.
"You're strong and vigilant. Huwag kang umiyak dito. Magpakatatag ka. Ipakita mo ang tunay na kakayahan mo, maliwanag?" Pagpapalakas niya ng loob ko. Lumunok muna ako at saka mabilis na tumango sa kaniya.
Gusto ko sanang sabihin sa kaniya na natatakot ako, ngunit baka hindi iyon makatulong sa amin. Kung ganoon kalakas ang tibok ng puso ni JJ kanina sigurado akong natatakot din siya, kaya sana naman ayoko nang dagdagan iyong kaba na nararamdaman niya. Kailangan ko ding magpakatatag kagaya niya. At saka training ito, hindi ito tunay na papatayin kami.
"It's a training, Annicka. Isipin mo na parang ito iyong dati, ang pinagkaiba lamang, ito parang aktuwal. Kung takot ka ngayon, paano na kapag Empire na mismo ang kaharap mo? Nasaan na ang lakas ng loob mo dati?" Natahimik ako sa winika ni JJ.
Nasaan na nga ba ang lakas ng loob ko?
Nawala na, nawala na simula noong makatanggap kami ng kung ano anong panakot mula kay Incess, at lalong nawala iyon noong nag-laro kami ng dangyunhaji nito. Parang bumalik ako sa pagkabata ko noon, na laging takot at tanging mga kaibigan lamang ang inaasahan.
Why am I too terrified right now?
"Fight, Annicka. Fight like how you did before." Matapos niyang imikin iyon ng may pagpupursigi sa boses ay inilagay niya sa kamay ko iyong baril. Ayaw ko sanang tanggapin dahil para din iyon sa proteksyon niya ngunit pilit niyang ibinigay sa akin iyon at saka ipinakita ang isang kutsilyo na nasa kaniya din.
"Take this, and fight. You're are the killer here, you should not be afraid." Malumanay na sambit pa niya. Ipinikit ko saglit ang aking mga mata dahil sa sinabi niya.
Inalala ko kung paano ako lumalaban noon ng walang takot, kung paano ako gumagalaw noon ng hindi natatakot sa kahit anong galaw ng kalaban, at kung paano ako nakapasa biglang miyembro ng Improbus.
Buong buhay ko lumaki ako sa ganito, kaya hindi dapat ako matakot.
Matapos iyon ay nagmulat akong muli at saka tumango. "Tama ka, pinsan." Mahinang sagot ko at agad naman niyang tinapik ang ibabaw ng ulo ko matapos noon.
Nasa ganoong kalagayan kami noong may makita akong isang silhuweta napapalapit sa amin. Napakalaki ng katawan noon at nasisigurado kong hindi iyon isa sa mga pinuno ng Apocalypse, pero siguradong tauhan ito.
Kumidlat muli kaya't nagkaroon ng liwanag. Sa pagkakataong iyon ay naaninang ko agad ang nakatutok na baril sa amin ni JJ. Mabilis akong kumilos at ipinutok sa direksyon noong lalaki ang baril, at mabilis na hinigit si JJ pahiga para kung naiputok man niya ang baril ay hindi kami matatamaan.
Nagulat si JJ sa ginawa ko, subalit naging alerto din agad. Walang malakas na tunog ang nangibabaw sa lugar. Doon ko napagtanto na may silencer ang mga baril. Noong magkaroong muli ng kidlat ay napansin kong nakahiga na sa sahig iyong lalaki, habang iniinda iyong tama niya sa may bandang tiyan.
Agad kaming tumakbo ni JJ paalis sa lugar na iyon. Hindi ko inasinta ang mismong maaring makapatay doon sa lalaki, dahil pagsasanay lamang ito. At baka may kapalit na parusa kung makapatay man ako ng miyembro ng Apocalypse, lalong lalo na dahil hindi klaro ang patakaran dito.
Halos sabay kaming tumalon ni JJ patungo sa isang gusali na halos kadikit lamang nito. Muntik pa akong madulas dahil sa ulan, subalit agad kong nakuha muli ang maayos na pagkakabalanse ko.
Hindi kami tumigil ni Jj at mabilis na pumasok sa may gusaling iyon na madilim at bumaba sa hagdan, pagkatapos ay lumiko sa isang eskinatang madilim. Takbo lamang kami ng takbo subalit napunta kaming dalawa sa daan kung saan may dalawang eskinitang kasunod, at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkahiwalay kami. Tumungo si JJ sa may kaliwa at ako naman ay sa may kanan.
Nauuna akong tumakbo kaya't hindi ko alam kung bakit siya humiwalay ng kusa sa akin. Siguro ay gusto niyang tumayo ako sa sarili kong paa at huwag ko na din siyang alalahanin.
Nagpatuloy na lamang akong tumakbo katulad ng kanina. Hindi na ganoon kabilis ang takbo ko. Pinakiramdaman ko ang paligid ko dahil pakiramdam ko ay may nagmamasid sa akin. Sa madilim na eskinitang ito ay may natanaw akong likuan kaya't mabilis akong lumiko doon at tumigil.
Wala akong ganoong maaninag, dahil sa ulan at dilim ng paligid. Umihip din ang malamig na hangin kaya't nagtaasan ang mga balahibo ko sa braso. Pinilit ko ding hindi maging matunong ang aking paghinga, at saka inilibot ang paningin sa lugar.
Ilang saglit pa ay napakunot noo ako noong may marinig akong tila bakal na hinihila sa semento. Napalunok ako dahil doon, at napahigpit ang hawak ko sa baril na ibinigay ni JJ. Mas lalong lumakas ang kanina'y mahinang tunog na iyon at nakasisigurado akong papalapit ang taong may dala noon sa kinalalagyan.
Inihanda ko ang sarili ko sa maaring atakeng maganap noong bigla na lamang akong nakarinig ng pag-sipol na tila alam niya kung nasaan ako kaya naman kakaibang kaba nanaman ang hinatid noon sa akin. Ngunit, tinatagan ko ang loob ko.
"Lian... Annicka..." Kumabog nang sobra ang puso ko noong marinig ko ang pangalan namin ni Lian na banggitin niya. Sigurado akong si Tiara ang nasipol at tumatawag sa amin ngayon, dahil kami ang pinili niya noon.
Lakas loob akong sumilip sa daan kung saan ko naririnig ang ingay at tama nga ako, may isang silhuweta akong nakikita habang bitbit bitbit ang isang napakahabang sandata habang kinakaladkad ito kaya't ganoon na lamang nakakakilabot ang ingay na nagagawa noon.
Sumandal ako sa pader na tila humihiling na itago ako nito. Pumikit din ako ng madiin at hinintay ang paglapit niya sa kinalalagyan ko, at saka ako aatake. Ngunit... Hindi iyon naging ayon sa inaasahan ko.
Nagulat na lamang ako noong maramdaman ko sa aking leeg ang matilos na bagay at noong idilat ko ang aking mga mata ay nakita ako ang kakaibang ngisi sa labi ni Tiara habang pinaglalaruan ang isang handcuff sa kabilang kamay.
"I never thought, the guardian angel who once saved the Queen will be—" Hindi na nagawang tapusin ni Tiara ang sinasabi niya noong bigla kong iputok ang baril sa may bandang binti niya, subalit sa bilis niya ay naka-iwas siya doon, at mabilis na inihampas sa akin ang pagkalaki laki niyang sandata.
Agad akong nakaiwas doon dahil sa pagkurba ko palikod at saka ako mabilis an tumakbo papunta sa likod niya. Nahirapan pa si Tiara na kunin iyong naginata. Ngunit, kahit ganoon ay mabilis ang naging kilos ng paa niya at kahit nakatalikod mula sa akon at sinipa niya ako, nahuli ko ang paa niya gamit ang isang kamay ko, nginit umikot siya kaya't nabitawan ko iyon, at hinampas niya ang naginata sa akin.
Nakaiwas ako, ngunit sobrang kabog ng puso ko dahil halos ramdam ko pa ang hangin na dulot noon. Dahil sa sikip ng eskinita ay alam kong mahihirapan akong umatake, lalong lalo na ang malaki ang naginata niya. Wala akong nagawa kung hindi tumakbo, para takasan siya at mapunta sa maluwag na lugar.
Hinabol niya ako ng walang alinlangan. Mabilis ang kilos ng paa ko at halos hindi ko na makontrol ang bilis ko, na dahilan para mawalan ako ng balanse kapag liliko sa daanan. Muntik muntik na akong madulas at madapa, pero hindi ko hinahayaang mangyari iyon.
May gusali akong nakita na madilim, kaya't agad akong umakyat sa pader noon, mabuti na lamang at tama ang pagkakaapak ko kaya't mabilis akong naka-akyat. Matapos noon ay tumakbo ako patungo sa hagdan at tumaas. Mabuti na lamang at kahit madilim ay may naaninang pa ako. Halos magkanda dapa dapa na ako sa hagdan ngunit, hindi ko na iyon ininda dahil kahit isang segundong tigil ko lamang ay paniguradong maabutan ako ni Tiara.
"Run, bitch. Kapag nahuli kita, wala ka nang kawala!" Narinig ko pang sigaw ni Tiara. Halos mag-echo iyon sa buong gusali, sa lakas. Napakagat labi ako dahil doon at hindi nagpasindak.
Ilang sandali lamang ay nakarating ako sa pinakatutok na palapag. Agad kong inilibot ang paningin ko at nakita ko ang malapit na gusali dito. Kaya ko iyong talunin, kaya naman dumiretso ako doon at tinalon iyon. Nadulas pa ako sa may makipot na bahagi doon, dahil sa ulan, laking takot ko na lamang sa nangyaring iyon, ngunit mabilis akong nakakapit sa gilid at hinayaan ang sarili na bumagsak pababa at saka mabilis na kinuha ang bigat ng katawan para makatalon sa isang bahagi.
Tinakbo kong muli ang bagong gusali kung nasaan ako, at tumatalon ako sa mga katabi nito kapag alam kong kaya ko. Mabigat na ang paghinga ko dahil sa pagod, hinihingal na din ako. Kaya naman noong makarating ako sa napakalaking kalsada at nakakita ng kotse ay dali dali akong tumakbo patungo doon, ngunit nagulat na lamang ako noong may magpaputok ng baril malapit sa paa ko.
"Shit!" Hindi mapigilang mura ko dahil sa pagkabigla. Kung humakbang pa siguro ako ng isa ay paniguradong natamaan na noong baril ang paa ko. Tumingin ako sa may itaas at nagulat ako noong may makita akong sniper sa isang tutok sa may gusali.
Muli ay pumutok nanaman ang baril at ang bala noon ay halos tamaan naman ang braso ko. Nabato ako sa kinatatayuan ko noong makita ko si Tiara na palabas sa isang eskinita habang hinihingal. Hindi siya nag-aksaya ng oras at mabilis akong sinugod.
Nakaiwas ako sa mga hampas ng kaniyang naginata subalit nasasaktan ako sa mga suntok niya. Napakabilis ng kilos niya para mapagsabay ang sandatang iyon at ang suntok na atake. Hindi ko masabayan ang bilis niya, kaya naman mabilis kong inayos ang gantilyo noong baril ay mabilis na pinaputok iyon sa kaniya.
Nakaiwas siya, subalit sinunod sunod ko ang pagpapaputok noon, ngunit para lamang siyang nagsasayaw habang iniiwasan ang bala. At ginagawa din niyang pagprotekta ang malaking blade ng naginata.
Sa kasamaang palad ay naubusan na ako ng bala, kaya naman agad akong tumakbo papuntang muli sa isang kanto. Sumigaw si Tiara na inis na inis dahil natakasan ko nanaman siya. Pagkalikong pagkaliko ko ay may nakasalubong akong kotse, at dahil sa bilis noon ay napa-liko iyon dahil sa akin at sumalampak sa isang napakalaking pader.
"Fuck you, bitch! Stop running away!" Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko noong marinig ko ang sigaw ni Tiara, agad akong tumakbo sa may isa pang kanto at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nadulas ako. At kasabay noon ay ang tawag ni Tiara sa akin.
Halos gumapang ako sa aspalto para makapunta sa ilalim ng isang kotseng nandoon na hindi umaandar. Nakagat ko ang labi ko dahil sa sakit na nararamdaman ko sa aking katawan. Pinigilan ko ang sarili ko na gumawa ng kahit anong ingay o ungol. Wala na din akong kahit anong armas na magagamit panlaban. Nanlumo ako dahil sa aking naiisip.
Habang nakahiga sa ilalim ng kotse ay nakita ko ang mga paa ni Tiara na naglalakad at ganoon din ang hawak hawak niyang naginata. Wari ko'y hinahanap niya ako. Nanatili akong walang kakibo kibo ni ultimong paghinga ko ay parang pinipigilan ko na din dahil sa tensyon na aking nararamdaman.
Ilang saglit lamang nakalapit si Tiara sa may kotse. Nahugot ko ang aking paghinga at halos tawagin ko na ang mga santo para lamang huwag akong matagpuan ni Tiara. Bawat pagpatak ng segundo ay napakatagal, napakabagal, at parang sinasabayan noon ang pagtibok ng puso ko.
Hindi ko inalis ang mga mata kong nakatingin sa mga paa ni Tiara. "Tagutaguan, maliwanag ang buwan..." Mahinang kanta niya. Halos napamura ako sa aking isip dahil sa kilabot na hatid noon.
Ganoon ang dating ng Apocalypse, napakagaling nilang manakot at magbigay ng tensyon.
"Pagbilang kong tatlo nakatago na kayo..." Pagpapatuloy niya. Ngayon ko lamang napagtanto na ang simpleng pambatang kantang ito ay maaring makapagbigay sa akin ng matinding takot at kaba.
"Isa." Naglakad ang paa ni Tiara papunta sa unahan ng sasakyan. Nasa may bandang ulunan ko na siya ngayon.
"Dalawa." Nalakad pa siya papunta sa kabilang bahagi, at unti-unti ay naglakad papalayo sa sasakyan para tumunguhin ang daan na ito. Sa pagkakataong iyon ay para akong nakahinga nang maluwag. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib.
Ngunit... iyon ang akala ko.
"Tatlo!" Pagkabilang na pagkabilang niya ng tatlo ay nakita ko ang mukha ni Tiara na nakangisi habang nakatingin sa akin, at kasabay din noon ang bigla niyang paglalabas ng handcuff ay pagkakabit noon sa isang kamay ko.
Agad ko siyang nasipa dahil doon at dali dali akong umalis sa ilalim noon. Kakaibang kilabot ang naging hatid niya sa akin. Kakaibang pagkasindak ang ibinigay ng ngiti niya at higit sa lahat, natatangi ang talino, lakas at bilis niya sa pakikipaglaban.
Tindig pa lamang niya alam kong impiyerno ang pinagdaanan niya sa kamay ni Nate at Light para maging ganito sa labanan. Tumalon siya sa itaas ng kotse at saka tumalon din pababa doon at unti-unting lumapit sa akin, samantalang ako ay umtras lamang nang umatras mula sa kinatatayuan ko.
Hindi pa man siya nakakalapit sa akin ay ibinababa niya ang kaniyang naginata. At saka matalim na tumingin at ngumisi sa akin. "Para patas." Makahulugang sambit niya at walang ano-ano'y sumugod sa akin.
Agad kong naharangan ang bawat suntok at sipa niya. Nagawa ko ding magbigay ng mga suntok at sipa. Palitan at halos hindi ko na maramdaman ang sakit ng katawan ko dahil sa pamamanhid nito.
Tumalon siya at lumanding sa balikat ko. Inipit niya ang leeg ko, ngunit hinawakan ko ang mga paa niya ng buong lakas at saka ko siya ibinalibag. Napa-higa siya sa aspalto at halos bumaliktot ang katawan sa sakit, samantalang ako ay marahang napa-upo habang pinagmamasdan siya.
Akala ko ay tapos na ang lahat, ngunit agad siyang napaupo at lumapit sa akin at saka ako muling sinugod. Halos nagpagulong gulong kaming dalawa sa kalsada. Sinipa ko siya ngunit hindi ko maalis ang pagkakahawak niya sa akin. Sinakal niya ako ngunit mabilis akong gumulong upang baliktarin ang sitwasyon namin para siya na ang nasa ilalim ngayon.
Sinakal ko din siya, ngunit sinipa niya ako sa tiyan. Napangiwi at napaungol ako sa sakit, ngunit hindi ko siya binitawan. Sinuntok niya ako at naramdaman ko ang sakit sa aking panga. Subalit hindi ko pa din siya binitawan kaya't naghahabol na siya ng hininga.
"F-Fuck y-you asshole!" Malakas na sigaw niya sa akin, at saka ako sinakal. Doon ako halos bumitaw sa kaniya kaya naman nabaliktad sa isang iglap ang pusisyon namin. Pinilit kong kumawala. Sinuntok ko siya sa mukha, ngunit parang wala lamang iyon sa kaniya. Sinikmuraan ko siya pero hindi siya nagpatalo.
Inangat niya ako mula sa pagkakahinga gamit ang mismong leeg ko. Hingal na hinga ako dahil doon. Pakiramdam ko ay mapuputulan ako ng leeg o ulo. Noong nakatayo na kaming dalawa ay nanlaban pa din ako gamit ang lakas ko. Hinawakan ko ang kamay niya at mabilis kong tinggal ang pagkakasakal niya sa akin.
Nagawa ko iyon, kaya't nagkapalitan nanaman kami ng suntok. Hinila ko ang braso niya at mabilis kinuha ang bigat niya upang ibalibag. Ngunit, imbis na siya ang mailabibag ko, ay ako ang nagawa niyang ihampas sa aspalto.
Halos mapasuka ako ng dugo dahil doon. Hinang hina na ako, ngunit hindi ako sumuko dahil nakita ko ang isang hawakan ng kutsilyo sa may bandang bulsa niya. Habang inaatake niya ako ay kinuha ko iyon ng palihim, at saka walang alinlangan na isinaksak iyon sa may bandang tiyan niya.
Kitang kita ng dalawang mata ko kung paanong napasuka siya ng dugo dahil doon. Ang iba pa doon ay napunta sa mukha ko. "Dirty player." She muttered angrily. At sa isang iglap, ay halos baliin na niya ang buto sa aking kamay dahil sa pagkakapilipit noon.
Nabitawan ko ang kutsilyo at mabilis naman niyang sinalo iyon at walang alinlangan na isinaksak sa may braso ko. "Aaah!" Ungol ko dahil sa sakit, kasabay din noon ang panghihina ng aking tuhod. Akala ko tapos na...
...subalit hindi pa pala, dahil ang kasunod kong naramdaman ay ang pagbaon ng matalim na bahagi ng kutsilyo sa aking sikmura, at pagkatapos noon ang ang muling pagbuwal ko ng dugo at panlalabo ng aking paningin hanggang sa mag-dilim ang lahat.
***
"What the fuck, Tiara! Bakit mo siya pinuruhan!?"
"It is her fault! She's a dirty player!"
"Look who's talking!"
Nakarinig ako ng malakas na sigawan at pagtatalo bago ko pa man maimulat ang aking mga mata. Boses babae at lalaki ang nagsasagutan. Pakiramdam ko ay hinang-hina ako dahil maging pagmulat ng aking mga mata ay labis akong nahirapan.
"The game was chase the killer! You only need to handcuff her not to—" Asik noong boses na lalaki na mahahalata ang panggagalaiti para bang inis na inis na siya sa kausap niya.
"I fucking played fair. See this? She started it!" Kahit nahihirapan, ay pinilit kong buksan ang akong mga mata. Sa una ay malabo ang aking nakikita hanggang sa maging malinaw iyon, at saka ko ibinaling ang aking ulo sa king saan ako may naririnig na pagtatalo.
Doon ko nakita si Tiara at saka si Zeus na nag-sisigawan. Kung kanina ay malinaw sa pandinig ko ang lahat, ngayon naman ay parang may matinis akong bagay na naririnig kaya't parang kinakain nila ang kanilang sinasalita. Wala na akong maintindihan sa kanilang pinagtatalunan.
Inilibot ko ang aking paningin at saka ko napagtanto na nandito na akong muli sa lugar kung saan kami pinatuloy ni Incess. Gusto ko sanang umupo mula sa pagkakahiga para sabihan iyong dalawa na tumigil na kasisigaw noong bigla na lamang bumukas ang pinto.
"Shut up or I'll shoot both of you?" Kitang kita ko kung paanong napalunok si Zeus at kung paanong napaatras si Tiara sa kaniyang kinatatayuan. Dumaan si Incess sa gitna noong dalawa at nag-dirediretso kung saan ako nakaratay.
"Mabuti naman at gising kana." Nakatitig na banggit niya sa akin. Hindi ko maintindihan kung saan ako titingin dahil nasindak na niya ako lakad pa lamang niya, at noong magsalita na siya ay parang na blanko ang aking utak.
"Hera." Narinig kong imik ni Zeus. Ngunit hindi ko maibaling ang paningin sa kaniya.
"Tumayo ka dyan, at daluhan kami sa kasunod na training." Iyon lamang ang binanggit ni Incess. Wala siyang emosyon at parang batong sinabi iyon sa akin at saka tuluyang umalis, kasama si Tiara.
Katahimikan muna ang nangibabaw bago lumapit sa akin si Zeus. "Kamusta pakiramdam mo?" Maingat na tanong niya. Umupo muna ako ng ayos, kahit naramdaman ko ang sakit sa aking katawan, lalong lalo na sa braso, bandang tiyan at mga paa.
"Ayos lamang." Malumanay na sagot ko at saka siya tiningnan na parang nagtatanong kung anong nangyari. Napabuntong hininga muna siya bago nag-salita.
"Napuruhan ka ni Tiara sa training. Hindi lang pala, ikaw, pati iyong iba. Kulang kayo sa marahas na training. Ibang estilo ang gamit namin kaya ganoon na lamang ang epekto sa inyo ng unang pagsasanay na ito." Mahinang banggit niya.
"Walang nanalo kahit isa sa Improbus, ang iba ay napuruhan ang iba naman ay muntik na sana manalo, kaso mautak ang Apocalypse." Sapat na iyong narinig ko upang malaman ang nangyari. Sa madaling salita, wala kaming laban sa kanila.
Inalis ko ang kumot sa akin at saka bumababa sa kama. Ngunit, isang tapak ko pa lamang sa sahig ay napaungol na ako sa sakit. Nanlumo ako noong makita ko ang aking paa. Halos maging kulay ube iyon at itim, dahil sa mga sugat na aking natamo. Pakiramdam ko din ay kaunti na lamang ay mamanhid na ako.
"Hera..." Tawag sa akin ni Zeus. Umiling ako sa kaniyang habang nakangiti. Isa na iyon sa paraan ko upang sabihin sa kaniyang kaya ko.
Inipon ko ang buong lakas na natitira sa katawan ko kaya naman nakatindig ako kahit may kirot na nararamdaman. Naglakad ako paunti-unti at nagulat na lamang ako noong umangat ako sa ere.
"Zeus!" Tili ko dahil sa gulat. Nginitian lamang niya ako ng tipid at saka siya naglakad at hindi na pinansin ang sinabi kong ibaba niya ako. Napatitig na lamang ako sa maamo niyang mukha habang karga karga niya ako.
Nakarating kami sa sala at doon ko nakita ang Apocalyose at Improbus. Walang nag-sasalita niisa sa kanila at ramdam na ramdam ko ang tensyon. Inupo ako ni Zeus sa katabi ni Lian. Napansin ko na may benda niya sa ulo at may cast sa kaliwang braso. Hindi niya ako nilingon.
Inilibot ako ang paningin ko sa Improbus. Napakadami nilang pasa sa katawan, at sa mukha. May mga benda din sila sa kung saang saang bahagi ng katawan. Halata mo din sa mukha nila ang iniindang sakit.
Tingnan ko naman ang Apocalypse. Oo nga't may mga sugat at benda din sila, ngunit walang wala iyon sa natamo namin. Napansin ko din na may hiwa si Incess sa may bandang hita, at si Nate naman ay mayroon sa kaniyang braso. Mukhang naglaban din sila? Hindi ko masigurado.
Ang bumasag sa katahimikan ay si Kurt noong umubo siya ng peke. Parang naging hudyat iyon ay Nate upang magsalita. "Mukhang naging mahina kayo." Seryosong sambit niya. Hindi iyon maikakaila, halos buwan na din noong hindi kami sumabak sa mga labanan, at talagang wala kaming laban sa kakaibang taktika ng Apocalypse.
Pagsasanay? Hindi halos patayan yata ang pinuntahan namin.
"Magsisimula tayo ngayon ng mas puspusan at mas maigiting na pagsasanay. Magsisimula iyon sa susunod na linggo. Pumunta na lamang kayo sa isla. Sa ngayon, bumalik kayo sa Empire, dahil paniguradong kung magtatagal pa kayo ay makakahalata na sila." Wika naman ni Thunder Silvestre habang tinitingnan kami isa isa.
"Iyon lamang, umalis na kayo. Maliban sa iyo, Lian Evans." Halos tumindig ata ang mga balahibo ko sa batok noong banggitin ni Nate ang ngalan ni Lian lalong lalo na noong idugtong nito ang nararapat na apelyido sa dalaga.
Nabakas ang mahinang pagkagitla sa mukha ni Lian, ngunit mabilis lamang iyon at naging walang kaemo-emosyon na din ang mukha niya. Ganyan na ganyan si Nate. Magkapatid nga talaga sila. Hindi man sila magkahawig nang sobra, may pagkakaparehas ang kilos nila. Hindi naman iyon pinapansin noon, pero may kahulugan pala talaga iyon.
Unti-unti ay umalis ang Apocalypse. Ganoon din ang Improbus. Ako naman ay muling binuhat ni Zeus at dumiretso kami sa garahe kung saan naroroon ang mga kotse. Inupo niya ako sa shot gun seat, at saka siya dumiretso sa driver's seat.
"Magpagaling ka muna sa loob ng isang linggo." Tahimik akong tumango sa kaniyang sinabi at saka kami tahimik na bumyahe.
***
Lian Analiz' POV
"Hindi na kami magpapaligoy-liguy pa. Simula ngayon, magiging mata ka din namin si Improbus. Oo nga't nasa amin na ang tiwala nila. Ngunit, wala sa kanila ang tiwala namin." Nabigla ako sa pagiging direkta ni Nate sa akin. Wala na kasi sila, at tanging si Incess, ako at siya na lamang ang nandirito.
Tumango ako ng marahan. Lumapit sa akin si Incess at kinabahan ako ng sobra sobra. Nabato ata ako sa kinatatayuan ko dahil doon.
"Keep safe, little Evans." Nakangiti niyang sambit at saka siya tuluyang umalis. At naiwan kami ni Nate dito. Nanatili kaming tahimik dahil hindi ko pa din alam kung paano aakto sa harap niya. Naiilang pa din ako kahit papaano.
"Saan ka nanunuluyan?" He asked. Sinabi ko kung saan pagkatapos ay inalalayan niya ako papunta sa garahe, hanggang sa makasakay kaming dalawa sa kotse. Siya ang nagmamaneho. Tahimik akong tao, kaya naman kumportable sa akin na hindi niya ako kinakausap, subalit... Bigla na lamang siyang nagsalita.
"Make sure to keep your true identity." Tumango ako sa kaniyang paalala.
"Ahm, bakit hinatid mo pa ako? Paano si Princess? Naiwan siya doon." Nag-aalilngang sambit ko. Imbis kasi nakasama niya ngayon si Princess, parang inagaw ko pa iyong katiting na oras para naman hindi sila mahiwalay sa isa't-isa.
"Sawa na iyon sa mukha ko." Biro niya, at saka nagpakawala ng mahinang tawa. Subalit hindi ko nagawang tumawa doon. Napalingon siya sa akin saglit, pero ibinalik din ang paningin sa daan. Kaya naman nagsalita ako.
"Ang dami niyo na kasing pinagdaanan pero nanatili kayo sa isa't-isa." Mahinang sambit ko kaya't nagkaroon ng katahimikan. Akala ko hindi na iyon sasagutin ni Nate, dahil hindi naman iyon tanong bakit pa siya mag-aabala para sumagot?
"Kapag mahal mo ang isang tao, pwede kang sumuko, oo. Pwede kang magalit, pwede kang maging makasarili, at iba pang nga bagay. Pero, kapag mahal mo talaga, tatanggapin mo ang lahat ng problema, kasama siya, para maging matatag kayo. Kung kayo, kayo." Gumaan ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya.
"Lian." Tawag niya sa akin.
"Hmm," tugon ko.
"The hard path is in front of you, please be strong." Kahit katiting na salita lamang iyon mula sa kaniya, nabuhayan na ako ng loob. Sumigla na ang damdamin ko, at alam kong magiging malakas ako sa kakaharapin kong mga pagsubok. Dahil wala na akong tinatago, at mayroon pa akong kahanga-hanggang nakatatandang kapatid.
Let the rain pour, but... I will gladly dance with it.
***
2 months later...
Dalawang buwan na simula noong magkaroon kami nang matinding pagsasanay, kung saan bawat isa sa mga ito ay napakahirap, napaka madugo, at higit sa lahat tila lumulusot kami sa butas ng karayom.
Dalawang buwan na ang nakalilipas, simula noong maging kasapi kami sa Apocalypse, at napatunayan na namin na mapapagkatiwalaan na kami sa bagay na ito.
Dalawang buwan na din matapos kaming makaranas ng mga kahindik hindik na misyon at mga pagtakas mula sa Empire nang hindi nila nahahalata.
Lahat ng pagod, lahat ng dugo't pawis na aming isinakripisyo ay masasabi kong tama lamang, dahil kung noon ay hindi namin makipagsabayan sa Apocalyose, ngayon ay halos tumabasan na namin ang kakayahan nila, ngayon ay halos lampasan na namin ang pagiging mauutak nila.
Bawat pasikot sikot, bawat pagkakamali, bawat detalye ay napakamaingat nila. Sinanay nila kami na ganoon, kaya naman kapag may ipinagagawa sila sa amin upang unti-unting traydurin ang Empire ay mabilis naming nagagawa nang walang kahirap hirap.
Natukoy na din namin ang lokasyon kung nasaan ang mga magulang ni Princess at ganoon din ang kaniyang lolo. Binabantayan namin sila mula sa screen ng mga computer, dahil hindi kami makapasok sa lugar na iyon. Masyado silang maghigpit pagdating doon.
Marami na din kaming nalaman. Unti-unti na din naming inuusad sa teritoryo ng diablo ang kaso ng Empire at nakasisigurado akong saglit na panahon na lamang ay malilitis na sila.
"Mag-ingat ka, sa kaliwa, Annicka. May kalaban na papalapit. Limang metro, apat na metro, tatlong metro... Magtago ka, dalawang metro, isang metro, saglit. Itira mo!" Mabilis na imik ko at sumakto ang hampas ni Annicka ng baril sa ulo kaya naman nakatulog agad iyong bantay.
"All clear, continue." Matapos ko iyong sabihin ay tumayo na ako mula sa kinatatayuan ko at ipinasa sa isang miyembro ng tekno apokalipto ang headset at ang pagbibigay gabay kay Annicka.
Hindi lamang kami sa pisikalan sinanay, maging sa pautakan, at maging sa teknolohiya. Kabisado na namin ang mga gusali ng Empire, ganoon din ang mga gawain nila, at ang mga perang kinikita nila, ay mabilis na din naming napapasakamay.
Kung noon ay lagi kaming naiisahan at sugatan kapag may pinapagawa sina Princess, ngayon ay hinding hindi mo na magagawa sa amin iyon. Kung tutuusin ang sabi pa nga ng magaling kong kapatid, pwede na daw kaming maging lider sa Apocalyose. Syempre, hindi ako naniwala, magaling mang-asar ang isang iyon.
Naglakad ako patungo sa isang kwarto dito at agad na sumalampak sa braso ng isang lalaki. "Agh, Lian!" Suway niya sa akin na kinahalakhak ko. Kung dati ay gusto niya ito, ngayon ay ayaw na niya.
"Kuya!" Natatawang tawag ko sa kaniya.
"Kilabutan ka, bata." Asar na sambit niya at saka ginulo ang buhok ko. Napasimangot ako doon at siya naman ang tumawa. Nanunuod siya ng telebisyon ngayon. Tinanong ko siya kung anong movie, at hindi man lamang akong pinansin.
Kung noon ay hindi ako kumportable sa kaniya, ngayon ay halos hindi na kami mapaghiwalay, dahil masyado kaming nagkakasundo sa mga bagay bagay. Inakbayan niya ako saka siya kumain ng ubas.
Nanuod na din ako noong pinapanuod niya noong maramdaman ko na may kung anong tatama sa akin. At tama nga ako, may kutsilyong lumipad patungo sa mukha ko, mabuti na lamang at nahawakan ko iyon bago pa man tumama iyon sa makinis kong mukha.
"Nice." Nakangiting sambit ni Kuya. Sininghalan ko naman siya.
Ilang saglit lang ay may kung ano nanaman ang tatama sa pagmumukha ko kaya naman mabilis akong tumungo at pagkatingala ko ay nakita ko na hawak hawak na ni kuya ang mansanas sa kaniyang kamay, habang nakangisi.
Sigurado akong iyon sana iyong tatama sa akin. Sinalo lamang niya.
"May nagseselos." Halakhak pa niya, kaya naman inirapan ko siya. At tama nga siya matapos na matapos niyang sabihin iyon ay lumitaw sa kung saan si Timothy, kasama si Incess.
Kinuha ko ang mansanas ay kuya at saka binalatan iyon at kinain. Lumapit naman si Timothy sa isang tabi, at si Incess naman sa isang tabi ni kuya. Agad na niyapos ni kuya sa baiwang si Incess.
"Landi mo." Bulong ko.
"Shut up, lil sis." Asar na sagot niya.
Inakbayan naman ako ni Chase, kaya sinamaan ko siya ng tingin pero natawa lamang siya.
Makalipas ang dalawang buwan... Ganito na kami. Siguro nga hindi talaga kami sinira noong dangyunhaji, siguro nga mas pinatatag lamang kami noon dahil mas maganda na ang samahan namin ngayon.
Oo nga't may pagkamalamig pa din si Incess sa amin. But, that's Incess, wala nang magbabago doon. Kahit nga kay kuya naaburido siya minsan. Pero, kapag seryosong usapan at misyon naman doon kami bumabalik sa pagiging pormal sa isa't-isa.
"Tigilan mo nga ako, Gab." Rinig kong imik ni Incess. Natawa naman ako ng lihim doon. Wala taob ang magaling kong kuya sa kaniya. Haha.
"Tsk." Singhal niya. "Masama bang lambingin ka? I've missed you. Palagi ka na lang lumilipad sa Korea at Europa." Alma ni kuya.
"Tsk." Tanging sambit ni Incess at saka ako tumindig at nagpaalam sa kanila. Baka makaistorbo kasi kami ni Tim. Noong lumabas ako syempre kasunod si Timothy.
Naglakad kaming dalawa patungo sa tekno, at doon namin tingnan ang napakaraming monitor kung saan makikita mo ang bawat sulok ng mga gusaki ng Empire. Pati na din ang ibang gusali kung saan nag-sasanay ang ilan sa amin.
Umupo ako sa isang upuan at doon sinimulan ang paggabay sa iba naming kasamahan sa pagsasanay. Ganoon din ang ginawa ni Timothy.
Our drastic progress is doing great, if this continue without any interruption or anything. In a span of one year or so, surely, the most awaited war will break out.
***
5 months later...
Nakatitig ako ngayon sa telebisyon kung saan ko napapanuod ang isang balita. Hindi ko maiwasang mapangisi nang mapaglaro dahil sa aking nakikita at naririnig.
Isang breaking news ngayon sa buong bansa ang pagsabog ng Empire State Building, hindi lamang iyon, ganoon na din ang iba pa nilang establisyimento.
Kitang kita ko ngayon sa screen kung paanong sumabog ang isang gusali, pati na din ang unti-unting paglaki ng apoy, at nang itim na usok. Bawat pagsakop noon sa kulay kahel na kalangitan ay nakakapanghinayang tingnan.
Bakit sa ganda ng mundo, may ganyan ka duming sisira sa maayos nitong takbo?
Kitang kita din ang pagkakagulo ng mga tao sa telebisyon, at dumako ang mata ko sa isang naka-itim na lalaki kung saan siya nakatingin sa gusaling nilalamon ng apoy at usok. Nakatakip ang ibabang bahagi ng kaniyang mukha kung nasaan ang mga labi, ngunit nasisiguro ko, sa ilalim ng takip na iyon ay nakangisi siya ngayon.
Ilang saglit lamang ay may tumunog na telepono. Agad akong tumindig mula sa kinuupuan ko at saka ako naglakad patungo kung saan iyon nakapatong. Nakita ko sa screen noon ang pangalang...
Empire...
Napangisi na lamang ako. At kasabay noon ang pagtunog pang muli ng isa pang telepono. Ang nakasilay naman sa screen noon ay ang pangalang...
Apocalypse...
Tingnan ko ang dalawang telepono at saka ko dinampot ang isa, habang may mapaglarong ngisi sa mga labi. Sinagot ko ang tawag noon at narinig ko sa kabilang linya ang tinig na...
"Improbus Ille Imperium, report to the Empire State Building now!" Sigaw ng isang lalaki.
"Roger." Maikling sambit ko at saka ko ibinababa ang tawag. Pagkababa ko ng tawag ay saka ko pinagmasdan ang patuloy na pagtunog ng isang telepono kung saan may nakalagay na...
Apocalypse.
Hinayaan ko iyon, at saka ko iyon tinalikuran at saka nagpatuloy na maglakad, para puntahan ang Empire.
***
To be continued...
Sorry for all the errors. Tsaka kung natagalan. Nagkaron kasi ng multicultural sa school kaya ayun muna inasikaso namin. Tapos 'yung mga assignment pa. Sorry. :(
26.27
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top