Liar 32: Torēningu
32: Torēningu
Princess Light's POV
Napabuntong hininga na lamang ako noong umalis si Gab Gab sa harapan ko. Alam ko namang mahirap intindihin para sa kaniya iyong desisyon ko, dahil iniisip lamang niya ang kapakanan ko subalit hindi ko na magagawa pang baguhin ang bagay na iyon, dahil gusto ko nang wakasan ang lahat lahat.
Imbis na magmukmok ay pumunta ako sa garahe at saka nagpunta sa building kung saan puwedeng magaksaya ng lakas o kung saan maaari ko pang hasain ang mga galaw ko. Ginamit ko ang paborito kong motor papunta doon, dahil ayaw kong maglakad.
Tahimik at walang tao noong dumating ako sa bungad noon. Agad din ako bumababa sa motor at mabilis na naglakad patungo sa mismong malaking pinto noon at pumasok, agad tumambad sa akin ang malaking espasyo kung saan ako madalas nagsasanay ng aking kakayahan.
Nagsimula ako sa stretching at warm up upang hindi manakit ang katawan ko kapag nagsimula na ako sa mas mahihirap na ensayo. Habang ginagawa ko iyon ay hindi mapigilan ng isip ko na mag-isip ng mga bagay na maari naming gawin laban sa Empire.
Kung makukuha kong muli ang tiwala ng Improbus, mas magiging malakas ang puwersa namin, dahil mayroon silang mga underling sa underground at ganoon na din ang awtoridad na ibinibigay nila sa Empire.
Habang naiisip ko na maari kaming magtagumpay sa laban na ito ay hindi mapigilan ng kamay ko ang mangati. Gusto kong sakalin sa leeg, iangat sa ere at pahirapan ng husto ang mga mismong kamay na nagpahirap sa kapatid ko, kay tita at tito at ngayon... maging sa lolo ko.
Tila may umakyat na galit sa aking puso kapag naisasalarawan ng isip ko na maaring may iba pang nangyayari sa Empire, lalong lalo na sa Hoodlum. Sana ay maayos lamang sila bago ko sila tuluyang makuha mula sa Yobbo at Gangster.
Breathe in, breathe out.
Matapos ko sa stretching ay agad akong dumiretso sa muk yan jong o iyong wodden dummy. Pumusisyon ako ng ayos ay mabilis kong sinimulan ang pagatake sa iba't-ibang parte noon gamit ang iba't-ibang klaseng galaw. Sa una ay mabagal hanggang gagawin kong pabilis nang pabilis gamit ang parehas na mga kombinasyon ng atake.
Isinalarawan ko na isang kalaban ang kaharap ko at mas lalo akong ginanahan. Ang mabilis na hampas at atake ko sa kaliwang bahagi ng katawan ay maliksing susundan ng tira sa tagiliran ng tila hita at mabilis na suntok mula sa ilalim ng panga. Hindi ako nakuntento sa galaw na iyon kaya't bumuwelo ako upang itaas ang paa ko at iyon ang ginamit na tila pansuntok sa kanang bahagi ng parang mukha.
Tumungo din ako na tila umiiwas sa mga akala mo'y tira nitong muk yan jong. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal paulit ulit sa mga aksyon ko, ngunit para sa akin ay hindi pa sapat iyon, kaya't hangga't maari ay gumagawa ako ng iba pang kumplikadong mga atake upang mas mahirapan ang kalaban kapag ako na ang kaharap niya.
Nararamdaman ko na ang unti-unti pamumuo ng pawis sa noo ko, at ganoon din ang unti-unti paglalim ng hininga ko noong bigla na lamang akong nakaramdam ng kakaibang presensiya na tila may mga parehas ng mga mata na nagmamasid sa ginagawa ko ngayon. Hindi ako nagkakamali sa pakiramdam na iyon, kaya't kahit patuloy ako sa walang sawang pag atake sa muk yan jong ay inilibot ko ang paningin ko upang hanapin kung sino man ang nanunuod sa akin ngayon.
Isa. Dalawa. Tatlo.
Bilang ko sa aking isip noong matanaw ko kung saan nagtatago ang mga nilalang na iyon. Tumigil din ako agad at saka ako dumiretso sa balkonahe na mayroong babasaging salamin kung saan natatanaw nila ako.
"Labas." Maawtoridad na saad ko habang walang emosyong nakatingin lamang sa kung nasaan ang isa sa kanila, kaya naman agad siyang lumabas sa pinagtataguan niya sa may mga palumpong. Kamot ulo pa siyang lumapit papunta sa kinatatayuan ko.
Agad ko ding inilipat ang pansin ko ang isang bahagi pa ng lugar kung nasaan ang garahe ng parang mansyon na ito. Unti-unti ay may lumabas doon na lalaki na halatang halata ang pagkadismaya sa mukha, naglakad din siya papalapit sa akin.
May dinampot ako kaninang maliit na smoke bomb at agad ko iyong hinagis pataas. "Don't try." Mahinang sambit ko pa sa tatakas sanang lalaki na nasa balkonahe sa ikalawang palapag. Kung paano siya nakaakyat doon ay malamang dahil sa malalaking sangga ng puno.
Tumingin ako sa itaas at parang nakahinga ng maluwag ang tao doon, noong masambot niya iyong bomba at hindi iyon sumabog. "Baba." Saad ko, at wala siyang nagawa kung hindi tumalon pababa doon.
Paglapat na pagkalapat ng mga paa niya sa sahig mula sa itaas ay siyang pagdating din noong dalawa na naglalakad kanina. Nakatungo na agad silang tatlo at nakaayos ng tayo na akala mo'y may kinakaharap na matinding sermon.
"Doofus." Mahinang sambit ko, at hindi ko maiwasang may sumilay na maliit na ngiti sa aking labi.
"Incess." Halos pumiyok pa ang boses noong tatlo noong banggitin ang pangalan na iyon. Wala ding imik imik ay bigla na lamang nila akong sinunggaban at niyakap ng mahigpit.
"Namiss ka namin, Incess our loves." Natatawang sambit pa ni Thon Thon.
Itinulak ko silang tatlo dahil hindi na ako makahinga sa ginagawa nila. Paawa pa ang mukha ng tatlong ito. Tsk. Kung tutuusin maari ko silang paalisin agad o nilumapat ang balat nila sa katawan ko ay hindi ko hahayaan, subalit taliwas doon ang nangyari.
"What the heck?!" Gulat na sigaw ko noong bigla na lamang akong binatukan ni JJ. "Para saan iyon?" Asar na banggit ko pa at saka siya inambangan ng suntok.
"Para sa hindi mo pagpapakita sa amin, para sa paglayo mo sa amin, at higit sa lahat para sa pananakot mo sa amin noong maglaro kami ng dangyunhaji." Pabiro ngunit may diing sambit pa niya. Napaawang naman ang labi ko dahil doon. Tsk.
"Ibang iba na ang dating ng dangyunhaji sa amin dahil sa iyo, Incess." Sambit pa ni Tim Tim.
"Tss. You all deserve it." I said as I rolled my eyes.
"Seryoso, Incess. Patawad sa lahat—" Hindi ko na hinayaan na tapusin pa ni Tim Tim ang sinasabi niya dahil baka mawala lamang ako sa magandang pakiramdam at baka mabugbog ko pa sila.
"Tss. Do not even start." Maikling sambit ko at saka sila mabilis na tinalikuran. Naramdaman ko ang pagsunod nila sa akin at hinayaan ko na lamang sila. Pinakiramdaman ko pa sila at noong nasa mismong loob na kami kung saan napakalaki ng espasyo, ay napangisi ako ng palihim.
"Woah, so your own personal training ground, huh?" Manghang sabi ni JJ.
"Oo." Mapaglarong sambit ko, at saka sila unti-unting hinarap ng nakangisi. Bakas na bakas agad sa mukha nila ang pagiging alerto dahil sa biglang inasta ko. "At ang mga nakakapasok dito, hindi pwedeng makalabas ng mayroon pang natitirang lakas." Matapos na matapos komg banggitin ang bagay na iyon ay mabilis akong sumugod sa kanila nang walang pag-aalinlangan.
Si JJ ang una kong inatake gamit ang mabilis natadyak at isang suntok mula sa baba, hindi agad siya nakakilos dahil sa pagkabigla kaya't tumilapon siya sa isang bahagi. Bago pa man mabuo sa isipan nina Thon at Tim ang sinabi ko ay mabilis akong tumakbo sa kinatatayuan noong dalawa. Mabuti na lamang at malapit sila sa isa't-isa, hindi gaya ni JJ na medyo nakalayo sa kanila.
Mabilis akong tumalon sa ere at doon ko bumuwelo upang sipain sa mukha si Tim Tim mabilis niyang sinalubong ang galaw ko noong hawakan niya ang paa ako, subalit lihim lamang ang napangisi dahil doon. Noong higitin ni Tim Tim ang paa ko papunta sa kaniya ay agad akong umikot ng bahagya kaya naman sakal sakal na ng binti ko ang leeg ni Tim Tim habang ako ay nasa likod na niya, habang nakabitin. Inalis ko ang nakapulupot na binti ko sa leeg niya noong man laban na siya dahil hindi na siya makahinga.
Agad akong tumayo sa balikat niya at saka ko inipit sa magkabilang bahagi ang leeg niya at mabilis na sumirko dala dala ang bigat niya, kaya't ang resulta ay ang pagkabalibag ni Tim Tim. Agad akong tumayo at pumunta kay ThonThon matapos noon. Rinig ko pa ang ungol ni Tim Tim dahil sa natamo niya.
Noong sumugod ako kay Thon Thon ay naghanda na siya para tapatan ako. Hindi ako nagpatinag at mabils na sumugod. Inambangan ko kaagad siya ng suntok at magilas naman siyang nakipagsabayan sa akin, subalit noong makakuha ako ng tyempo ay agad ko siyang pinatid. Nakatalon siya doon, subalit sinalubong ang mukha niya ng kamao ko at hindi na niya iyon naiwasan.
Hindi pa ako nakuntento at sununtok ang sikmura niya at saka siya dinampot na parang bagay at saka mabilis na ibinalibag. "Agh." Hirap na wika pa niya dahil sa sakit na dulot ng biglang atake ko.
Tiningnan ko silang tatlo at pareparehas silang hirap na tumayo. Hindi lamang basta basta at normal na pag-atake ang ginawa ko, pinuntirya ko ang bahaging alam ko kung saan sila mahihirapan dahil iyon ang kahinaan nila.
"Ang hina." Iiling iling na sambit ko sa kanila noong saka lamang sila nakatayo matapos ang ginawa ko. Katulad ng inaasahan sinugod nila ako ng sabay, subalit mabilis ako nakaalis sa dapat ay pangongorner nila sa akin.
Akala ko ay susugod silang muli subalit hindi na nila ginawa iyon. Nakasimangot silang umupo ng sabay sabay sa sahig na para bang pinagkaitan ng isang kendi. Napakunot noo naman ako dahil doon, ngunit pamilyar na pamilyar sa akin ang kilos na iyon.
"Incess naman." Suko nilang banggit. Napasinghal naman ako dahil doon.
"Doofus." Hindi pa din nagbago. Kapag kasi umupo sila ng sabay sabay at ang mga mukha ay nagpaawa na akin, isa lamang ang ibig sabihin noon at iyon ay ang hindi na nila gusto pang makipagtalo sa akin, sa madaling salita suko na sila.
"Ayaw ka naming labanan na. Nakakapagod kaya, alam naman naming talo kami." Sambit ni Tim Tim at saka humiga sa sahig at saka nag-inat. Napaungol pa siya ng kauntian dahil sa tama niya kanina sa ginawa ko.
"Brutal ka pa din, Incess. Punta ka nga dito." Sabi naman ni Thon Thon, samantalang si Tim Tim ay nginitian lamang ako at saka humiga sa sahig kagaya ni JJ.
"Hay, hindi ba't may pagpupulong pa mamaya? Huwag kang mag-aksaya ng lakas." Ang daldal talaga kahit kailan nitong si Thon. Noong masabi na niya iyon humiga din siya.
Lumapit ako sa kung nasaan sila at ayun, nakatipon ang ulo nila sa gitna, para silang gumawa ng sun rays. Papatayuin ko na sana sila doon. Subalit bago pa ako makapagsalita ay hinigit na ako ni Thon Thon kaya't napaupo ako. Pagkatapos ay hinigit din ako ni JJ, kaya naman ang resulta napahiga na din ako kagaya nila.
"Incess and the doofuses." Sambit ni Tim Tim at pakiramdam ko nakangiti siya ngayon.
"Nakakamiss pala talaga." Pakantang sambit naman ni JJ. Tahimik lamang ako at hinayaan ko sila. Kahit naman may kasalanan itong mga ito sa akin, hindi noon mabubura na naging kasangga at kababata ko sila noon.
Nabalot ng katahimikan ang lugar, walang nagtangkang umimik sa amin. Ninanamnam lamang namin ang sandaling ito. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, bigla akong nangulila sa kahapon. Kung gaano ka saya iyon kasama sila.
Kung ordinaryong tao lamang kaya kami, magiging maayos pa din ba ang lahat? Napabuntong hininga na lamang ako at saka marahang pumikit. Kahit saglit lamang ito, hindi na ako mag-aalma pa.
Hindi ko alam kung gaano katagal kaming hindi nag-sasalita at nanatiling ganoon. Hanggang sa magsalit si Thon Thon.
"Kasal ka na talaga kay pards, Incess?" Mahinang tanong niya sa himig na tila hindi pa din makapaniwala.
"Hmm." Malumanay na tugon ko.
"Kailan pa?" Segundo naman ni Tim Tim sa pagtatanong.
"Matagal na." Sagot ko habang nakangiti. Hindi ko mapigilan. Ibang saya ang lahing nararamdaman ko na may kalahong kaunting kaba kapag si Gab Gab ang pinag-uusapan. Hindi ko man naipapakita sa kaniya ang tunay na nararamdaman ko, sana naman ay naiintindihan niya na hindi ko talaga kayang gawin ang mga bagay na masyadong nakakasumuot.
"Tss. Reyna ka na pala ng gagong iyon? Paano—" Hindi na naituloy ni JJ ang sinasabi niya noong bigla na lamang may tinig na mag-salita.
"Gago? Tss." Agad akong napabagon sa kinahihigaan ko at nakita ko doon ang napakamatapuhing lalaking kilala ko. Nakasandal ang kanang bahagi ng katawan niya sa may pader at nakatitig sa amin. Wala kang mababasang kahit anong emosyon sa titig niya. Ang tingin niya sa akin... Ang lalim.
"Pards." Imik naman noong tatlo. Nakahiga pa din sila at hindi man lamang niligon si Gab Gab.
Unti-unti ay lumapit si Gab Gab sa kinapupuwestuhan namin at umupo sa tabi ko. "Anong sinasabi ng mga guggong na ito?" Tanong agad niya sa akin.
"Ang gwapo ko kaya, pards. Huwag mo akong ikumpara sa galunggong." Tatawa tawang sambit ni Thon Thon. Na sinagot naman agad ng gago ni JJ at Tim Tim.
Nanatiling tahimik si Gab Gab. Halatang nakikiramdam siya ngayon. Napahugot ako nang malalim na hininga at saka ko hinawakan ang hinliliit niya. Umaasang huwag na niya akong pakitunguhan sa malamig na paraan.
"Hoy, Nathaniel Evans. Subukan mong saktan ang prinsesa namin. Ibang klaseng resbak mararanasan mo." Mapagbantang sabi naman ni JJ habang nakatuon ang tingin kay Gab Gab.
"Kayo nga ang unang nanakit sa kaniya, baka gusto niyong maranasan ang resbak ko." Agad napa-upo ang doofus dahil sa sinabi ni Gab Gab. Nagkaroon agad ng tensyon dahil doon. Utak din nito sumagot kung minsan. Tsk.
"Tss." Mukhang nagsisisi na talaga iyong tatlo.
"Kaya ba... Kaya ba nagsabi ka nang masasakit na salita sa amin noon, dahil sa mga kasalanan namin kay Incess?" Lakas loob na tanong ba ni JJ. Tahimik namang tumugon ng tango si Gab Gab doon.
"Huwag kayong senti." Biglang putol ni Thon Thon sa namumuong tensyon sa amin. "Pwede bang kahit ngayon lamang maging doofus muna kami ni Incess, tutal mamaya gigisahin nanaman kami. Tsk tsk tsk. Ang sarap kong ginisa panigurado iyan." Walang tumawa sa korning sinabi ni Thon subalit nawala naman ang tensyon namin dahil doon.
"Itutuloy mo talaga ang plano mo?" Tanong ni Gab Gab. Tumango naman ako ng marahan. Iyon ang pinal na desisyon ko lalo na at gusto ko nang matapos ang lahat lahat nang gulong ito.
Napabuntong hininga na lamang si Gab Gab at saka marahang pinisil ang hinliliit kong nakakapit sa kamay niya, at saka malungkot na ngumiti. Sa galaw niyang iyon alam ko nang nakuha ko na ang permiso niya upang gawin ang gusto ko.
"Anong pinagsasabi niyo dyan?" Para kaming bumalik sa katinuan ni Gab Gab noong naging panira si Thon Thon. Hindi na talaga nagbago. Tsk.
"None of your business." Banggit ni Gab Gab. Agad namang napasinghal si Thon dahil doon. Hinila ako ni Gab Gab para tumayo at sumunod naman ako.
"Aalis na kayo?" Tanong ni Tim Tim.
"Oo, at kasama kayo. Habang medyo maaga pa ay mas magandang gisahin na kayo." Halos sabay sabay napalunok iyong tatlo dahil sa sinabi ko. Walang imik imik ay lumabas na kaming lahat doon.
Sa puntong ito, alam kong nasa akin na ang panig ng doofuses. Sana ay maging ayon sa lahat ng plano ko ang mangyayari.
***
Anthony Llyod's POV
Noonh maka-alis si Pards Gab at si Incess, dumiretso na kami sa mansyon, kung saan kami nanatili dahil mukhang magsisimula na ang pagpupulong namin. Ibang klase din talaga iyong mag-asawang iyon, bawat kilos pala isipan. Kaya nga sino ba naman ang mag aakala na mag-asawa pala sila? Kung makadikit noon si pards kay Cassidee ibang klase. Tsk.
At saka kinakabahan din ako sa maaring mangyari ngayon, lalong lalo na sa plano nila. Pagkatapos mukhang nagkaproblema pa iyong dalawa base sa kwentuhan nila kanina. Tiyak na kami ang mananagog kapag nagkandaletche letche ang lahat. Minsan talaga tigang din iyong dalawa, sa gwapo kong ito, paparusahan pa nila ako? Makasalan ba talaga ang mga gwapo?
"Hoy, Sy! Anong iniisip mo dyan at seryosong seryoso ka? Kinakabahan ka doon sa mag-asawang hindi mo maintindihan?" Biglang tanong ni Tim Tim.
Agad naman akong umiling. "Hindi, pinoproblema ko ang kagwapuhan ko, baka kasi hindi nila kayanin." Matapos na matapos kong sabihin iyon halos masubsob ang mukha ko sa lupang dinadaan namin dahil sa napakalakas na batok nang dalawang kamay sa ulo ko.
"Gago ka talaga." Iiling iling na sambit noong dalawa.
"Hindi gago, gwapo—" Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko noong umamba iyong dalawa na susuntukin ako. Bwisit talagang mga ito, hindi matanggap ang biyayang pinakaiingatan ko. Tss.
Pero laking pasasalamat ko na lamang na kahit papaano ay hindi nawatak ang pagkakaibigan naming tatlo, kahit medyo kumplikado kasi nga parang magkakagalit pa din iyong mga babae, o hindi? Malay ko, mahirap espelingin mga iyon. Si girlfriend nga kanina, walang ginawa kung hindi sabunutan ako kapag naiinis at umiiyak. Asar, mauubusan na ata ako ng buhok.
Tapos iti namang senti naming kaibigan na si Timothy Chase Yoon ayun, brokenhearted ang hayop dahil kay Lian. Nabigla nga ako kanina at hindi pa sinugod ni pards Gab si Tim kanina. Aba, sinaktan lang naman niya ang bagong prinsesa ni pards Gab na si Lian.
Hirap talaga hulaan ng mga palaisipan nila. Nakakaliyo.
"Sa tingin niyo anong iuutos nila sa atin?" Biglang tanong ni Tim Tim.
"Kung paano ka bubugbugin kasi sinaktan mo iyong unica ija ni pards." Iiling iling na sambit ko habang humahalakhak na peke.
"Tss." Pikon talo si Timothy. Kaya't natawa na talaga ako.
"Tigilan mo nga iyan, Sy. Seryosong usapan." Matalim akong tingnan ni Jj kaya naman napatikhim ako, sensyales na tatahimik na ako at magsasalita ng hindi puro kalokohan.
"Siguro para paghigantihan ang Empire?" Sabi ni JJ. "Alam naman natin kung ano ba talaga ang nangyari ngayon. Nalinawan na tayo kahit papaano at sa Empire lamang talaga umiikot ang lahat." Dugtong pa niya.
"Tama. Sa tingin ko puspusan na talaga ang pagplaplano nila dito, ang tindi nga noong mga kasapi ni Incess. Astig. Pakiramdam ko mas malalakas sila sa atin." Banggit ko sa kanila.
"Talagang walang duda. Siguradong dumaan ang mga iyon sa matinding pagsasanay kasam si Incess at Gab, alam niyo naman kung gaano kabrutal ang dalawang iyon." JJ admitted.
"Ano na lang kayang mangyayari mamaya? Kinakabahan ako. Lalong lalo na noong may pinili ang mga kasapi ni Incess mula sa atin. Pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari." Saad naman ni Tim Tim, na agad naming sinang-ayunan ni JJ.
Hindi talaga maganda ang kutob ko mamaya. Pakiramdam ko titibok nanaman ang puso ko na animo'y may karerang sinalihan. Kilabot din ang nararamdaman ko dahil alam kong hindi basta basta ang takbo ng utak nang mag-asawang iyon.
Natahimik kaming tatlo dahil nakaramdam kami ng tensyon sa maaring mangyari mamaya. Kapag inaalala ko din ang kapakanan noong mga babae ay hindi ko maiwasang mag-alala kahit may ilang sama ng loob pa kami sa kanila, at alam kong hindi din iyon mawawala kayna JJ at Tim Tim.
Ganoon pala talaga, kahit gaano mo pa kamuhian ang isang tao, kapag maalala mo iyong mga panahong pinagsamahan niyo nang may ngiti at saya, kahit panandalian lamang, kahit katiting lamang hindi mo sila kasusuklaman, at sa halip iisipin mo na sana bumalik na lamang sa dati ang lahat.
Subalit, alam kong sakabila nang nararamdaman ko, mas nag-uumapaw pa din ang pagkasuklam sa amin. Kagaya na lamang ng nararamdaman ng prinsesa namin sa Empire. Ito lamang naman ang hinihintay namin, ang hudyat ni Incess kung kailan kami tatalikod sa Empire, ay iyon ay aming susundin nang walang kahit anong bahid ng pag-aalinlangan.
Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa mansyon kung nasaan ang iba naming kasama. Papasok na sana kaming tatlo doon noong may marinig kaming ingay ng mga makina nang sasakyan. Mukhang nandito na sina Incess at ang Apocalypse.
Iba talaga kapag may sasakyan ka sa ganitong lugar. Tss. Ang bilis masyado, samantalang kami di lakad lamang. Yayamanin din talaga itong mga ito.
Nauna kaming pumasok sa mansyon bago pa man sila makarating at nadatnan namin iyong sina Annicka na bumababa na mula sa itaas para pumunta sa sala, mukha naalarma din agad sila na paparating na ang kakaibang awra ng Apocalypse.
Tsk. Ito talaga ang dapat kinakatakutan ng Empire. Ang kakayahang magtago at maging malakas ng Apocalypse. Idagdag mo pa na napaka-mautak nila. Who would even suspect them as a large and powerful mafia organization if they were classified as weaklings?
Kung hindi pa sila umangat noon sa europa, hanggang ngayon siguro hindi sila pagtutuunan ng pansin ng ibang mga organisasyon. Ganoon naman sa mundong ito, kapag mahina ka walang paki-alam sa iyo ang kahit sino. Kahit mamatay ka pa sa harap nila.
Nagkatinginan kaming Improbus. Kahit alam kong kating kati na din silang magsalita ay hindi nila magawa gawa. Masyado pa kaming nangangapa sa isa't-isa. Para sa isang iglap lahat sa amin ay nawala. Parang kaming mga estranghero sa isa't-isa.
Napansin ko kong nakatingin din si Skyler sa aming tatlo, subalit hindi ko siya matingnan sa mga mata. Kahit pa sabihin namin na siya ang may pinakamalalang kasalanan sa lahat, kahit pa gustong gusto ko na siyang ambangan ay hindi ko magawa gawa, dahil kahit hindi matanggap ng isipan ko nang lubos, may punto siya, mas masahol pa kami sa kaniya dahil kung siya ay nagbabayad na ng kaniyang kasalanan ay narito kami na nagsisisihan pa.
Umupo kami isa-isa sa silya. Kahit papaano ay nabawasan na ang tensyon. Hindi tulad nitong mga nakaraan na para bang isang galaw lamang ng isa sa amin ay halos mapapatindig na kami sa kaba. Sino ba naman ang hindi? Nasa teritoryo kaya kami ng kahilahilakbot na tigre.
"Make sure you pay respect to the leaders." Sa gitna nang katahimikan ay iyon ang sinabi ni Skyler. Napasinghal si JJ, subalit ang iba ay marahang tumango. Umayos din sila ng upo, noong bigla na lamang bumukas ang pinto sa harapan namin.
Lalong natahimik ang buong lugar at naunang pumasok si Incess at pards Gab. Malayong malayo sa nakasama namin kanina. Para ngang hindi mo sila mahahawakan ng hindi ka nasasaktan.
Sumunod din agad iyong mga iba pang pinuno ng Apocalypse. Kahit alam kong kaya ko silang tapatan, hindi ko pa din masigurado dahil pakiramdam ko may mas itinatago pa silang lakas at alas. Hindi mo sila puwedeng kantiin basta basta dahil sarili mo lamang ang ipapahamak mo. Ganoong awra ang ibinibigay nila sa amin.
"Improbus Ille Imperium." Si Pards Gab ang unang nag-salita. Napalunok naman ako dahil doon. Hayop talaga ang angas ng dating. Para tatatlong salita lamang iyon, kinabahan na ako. At hindi nakakabakla iyon, dahil totoo naman.
"Hindi na kami magpapaligoy-liguy pa. Nasasainyo ang desisyon kung sasapi kayo sa amin at tratraydurin ang Empire o mamatay kayo bago makalabas dito." Nakangisi at mapaglarong sambit ni Incess.
Sabi ko nga, may pamimilian ba kami. The first option was way better than the latter. Ito na din ang panahon upang magbayad kami nang kaniya-kaniya naming kasalanan. Lalo na kung gusto naming patunayan na pinagsisisihan na namin ang lahat at hindi kami tatalikod sa kanila.
"Tumindig ang handang makinig sa amin." O sa madaling salita, tumayo ang gustong sumapi sa kanila. Walang pag-aalinlangan na tumayo si Skyler kagaya nang inaasahan. Bakit naman kasi hindi siya tatayo, ay matagal na naman siyang kasapi sa Apocalypse.
Gustong gusto ko nang tumayo subalit nagkaroon kami ng pakiramdaman sa isa't-isa. Akala ko isa kayna JJ o Tim Tim ang tatayo. Subalit napatingin kami kay Lian noong napakakalmado niyang tumayo habang nakangiti. Nakakakilabot na ngiti. Hayop iyon. Magkapatid nga talaga itong si Lian at Gab.
Agad naman tumaas ang isang sulok ng labi ni Pards Gab dahil sa ginawa nang kapatid. Kahit nanginginig napansin ko din na tumayo na si Annicka. At mabilis iyong sinundan ni Tim Tim, at ni JJ, ni Alyx, at ni Shana... Hanggang sa...
May narinig akong kalabit ng baril. "Ipuputok ko na ba Anthony?" Tinig ni Incess.
Fuck! Hindi ko napansin na ako na lamang pala ang nakatayo dahil masyado akong gwapo—este masyado akong nadala sa pagmamasid sa kanila. Kumabog agad ang puso ko dahil doon. Lintik! Hindi ba pwedeng paimportante lamang? Tsk!
Mabilis pa sa alas kwatro akong tumayo habang nakataas ang mga kamay na akala mo'y hinuli ng pulis. "Chill, Incess." Matapos kong sabihin ang 'Incess' tangkana, hindi lamang isang baril ang biglang nakatutok sa mukha ko, kung hindi ang dami na agad, hindi lamang iyon may mga iba't-ibang patalim pa.
Damn it. Sabi ko nga, dapat magalang dito at hindi puwede ang mga nickname. Bwisit. Dala nang matinding nerbyos ay tatawa tawa akong nag-peace sign sa kanila, at kapag nga naman napakagwapo mo, ayun! Lalo akong natutukan ng mga armas. Agh!
"P-Patawad." Paghingi ko ng paumanhin at sa isang iglap ay nawala na ang mga kung ano anong nakatutok sa aking pinakamamahal na mukha. Para akong tinggalan ng tinik sa dibdib dahil doon.
"I want your blood." Biglang imik ni Incess. Noong una ay nagtakha ako, subalit unti-unti din akong nalinawan agad. Dugo. Isa lamang ang ibig sabihin noon. Iyon ang magpapatunay na kahit anong mangyari ay nasa kaniya dapat ang katapatan namin, at kung magtratraydor kami ay buhay namin at nang mga mahal namin sa buhay ang kapalit.
Hindi namin ibinigay ang lagda namin gamit ang dugo noon sa Empire, at dahil kami ang pinakamalakas na gang na hawak nila, at mismong si Gab ang bumuo noon ay hindi na nila kami pinilit, subalit ang hawak nila sa amin ay ang mismong leeg namin.
Ngunit, wala na kaming takot ngayon doon, kung nasa likod naman namin ang Apocalypse ngayon. Magkamatayan na, ang mahalaga, mawawalan kami ng buhay na ipinaglalaban ang kagustuhan namin.
Sumang-ayon kaming lahat at pumirma gamit ang mga daliri. Matapos noon ay pinaupo kaming lahat ng Apocalypse at bigla na lamang nag-simula ang tunay na pagpupulong.
"Ang unang naging galaw namin sa Empire ay ang pagkawala ng ilang kampanya nila dahil sa pagiging magastos sa pera. Lalong lalo na sa mga auction. They are starting to lose money, and we want them to go bankrupt." Parang isang pahulaan na unti unting nagkaroon ng kapaliwanagan ang mga binitiwang salita ni Kurt.
Iyon pala ang dahilan kung bakit nawalan ng halos trilyon ang Emoire niting nakaraan dahil sa kanila. Sila pala ang may gawa noon. At kahit anong hanap ng Empire sa kung sino ang kumalaban sa kanila noon ay hindi nila magawa gawang hanapin ay dahil Apocalypse na ang kaharap nila.
"Ngayon, gusto naming mawala ang mga pera nila ng hindi nila nahahalata." Pagpapatuloy noong tinatawag nilang Dos. Alisto naman kaming nakinig dahil doon.
Hindi kasi puwedeng makuha basta bast ang napakaraming pera ng Empire nang hindi nila nahahalata. Kung pera ang pag-uusapan, oo nag-uumapaw ang Empire sa ganan, pero halos lahat ng mata nila ay nakatuon doon. Kahit pa si pards Gab ay hindi makakuha ng basta bastang pera sa kanila na tataas sa milyon.
Pinaliwanag nila ang mga plano kung paano namin magagawa iyon. At agad akong namangha sa kakaibang taktika at pagiging mautak nila. Kahit sina Tim at Lian na kilala sa pagiging makautak ay manghang mangha sa mga pinagsasabi nila.
Kahit maliit na butas ay wala akong mahanap. Sigurado akong hindi papalpak ang bagay na ito kapag nagkataon. Nagplano din sila kung paano pauuntiin ang mga taong hawak ng Empire. Hindi imposible ang bagay na iyon, dahil kahit ang kaalyado ng Empire ay maari silang talikuran kung ang Apocalypse naman ang magiging bagong kasosyo mo.
Napakaganda at napakalinis ng mga plano nila. Halatang pinagtuunan talaga nila iyon nang pansin at panahon. Wala pa sa kabuuan ang sinasabi nila sa amin, pero sapat na iyon para sa unang mga kailangan naming gawin. At halos nag-uumapaw na impormasyon na nga ang natanggap namin.
Ilang sandali lamang ay natapos na din ang pagpapaliwanag nila at iba pa. Akala ko tapos na ang lahat at makakapagpahinga na kami o hindi kaya naman ay makakabalik na kami sa labas para hindi mapaghalataan ng Empire na sabay sabay kaming nawala, ngunit isang maling akala pala iyon.
May inimik na lugar sa amin si Kurt. Hindi pamilyar ang tinutukoy nilang lugar. Magtatanong sana kami ngunit naunahan na kami ng isang banta.
"Ang mahuli sa lugar na iyon?" Nakangising sambit ni Incess. "Ang siyang makakaranas ng kakaibang hirap." Pakiramdam ko ay halos lahat kami ay napalunok dahil sa kakaibang batang iyon. At seryoso iyon walang halong biro.
"Paano kami makakapunta doon? Tatakbo?" Agad napatingin sa akin ang lahat dahil sa sinabi ko. Damn. Hindi ko na pansin na nasabi ko iyon nang malakasan, dahil sa isip ko lamang dapat talaga iyon.
"Sa kahit anong paraan ang gugustuhin mo." Sagot ni pards Gab. "Subalit kung tatakbo ka, masisiguro kong ikaw ang may kakaharaping parusa." Dugtong pa niya. Anak ng tinapa nga naman. Ibig sabihin malayo dito ang lugar na iyon.
Tumalikod na ang Apocalypse matapos nilang sambitin iyon. Ngunit tumigil si Incess sa may pinto at saka muling lumingon sa amin. "Skyler." Natuon agad ang pansin ni Skyler kay Incess dahil doon.
"Sumama ka sa amin, baka tulungan mo pa silang hanapin ang lugar na iyon, lalong lalo na si Annicka. Alam mo pa naman kung saan iyon." Simpleng sambit niya. Nakita kong tingnan muna ni Skyler si Annicka dahil doon, subalit tumalima din agad kay Incess.
"Nga pala, kung gusto niyong makarating agad, subukan niyong magnakaw ng sasakyan dito." Nabuhayan ako ng loob dahil sa sinabi ni Incess. Subalit may kadugtong pa pala. "Iyon ay kung makakapagnakaw kayo." Matapos noon ay sumarado na ang pinto, habang naiwan kaming halos ngumanga na.
Wala munang kumibo sa amin, pero agad kaming natauhan at nagtatakbo sa kung saan saang bahagi ng bahay na ito para kumuha ng mga kakailanganin namin at ganoon din ang paghahanap ng puwedeng gamiting sasakyan.
May nakita akong baril at bala, ganoon ang mga kutsilyo at bag. Kaya naman inilagay ko agad iyon doon at ang baril ay sa may pantalon ko sa lalagyan noon. Napansin ko agad si girlfriend na naghahanap din at mukhang may nahanap na. Agad akong tumakbo sa kaniya at saka ko siya hinila.
Mag-aalma sana siya ngunit pinigilan ko na. "Shh." Pagbabanggit ko sa kaniya. "Huwag kang maingay. Tara." Sambit ko sabay takbo pababa ng hagdan. Sa puntong ito, magkakalaban kami ng iba pang nandito dahil ang mahuli sa amin ay siguradong may kakaibang parusa.
May oras pa naman silang tinalaga, at hindi kahabaan iyon.
Agad kaming nakakita ng isang motor ni Alyx sa garahe kaya't tinakbo namin iyon, ngunit laking pagkadismaya namin noong makita namin iyong flat ang gulong. Agh. Ang utak Incess. Ang utak. Napagplanuhan niyo na agad ito? Tss.
Naglibot pa kami sa mansyon subalit wala talaga, kaya naman tumakbo na kami papunta doon sa pinaka main na masyon dahil siguradong mas maraming sasakyan doon. Ilang sandali lamang ay naramdaman namin ni Alyx na may sumusunod na sa amin. Damn! Bakit ang bilis din nila? Survival ba ito?
"Bilis, ang bagal mong pagong ka!" Asar na sigaw ni Alyx at mas nauna pang tumakbo sa akin. Binilisan ko din agad, dahil hindi kami puwedeng maunahan dito.
Halos hingalin na ako dahil may pagkamalayo talaga ang agwat ng mga masyon dito, pero hindi ko na inalintana iyon, dahil sanay naman kami ng pagod. Subalit mayroong parte sa akin, na hindi puwedeng mag-aksaya ng lakas, dahil parang mas matindi pa ang kahaharapin namin dito kapag nagkataon.
Maya maya pa ay nakarating na kami. Walang sabi sabi dumiretso kami ni Alyx sa may isang kotse, ay kapag nga naman ang gwapo ko, aba't nakasarado ito. Agad akong naghanap ng bato para sana basagin ang bintana noon nang makasakay kami noong marinig ko agad ang pagkabasag ng bintana. At noong mapalingon ako, ayun, gamit ang takong niya ay binasag na niya iyon. Damn, iba din itong si Alyx.
Agad siyang sumakay sa loob, mula sa bintana. "Damn! Wala nga pala tayong susi." Natatarantang sambit niya. Pagkatapos ay lumabas ulit sa bintana at binuksan iyong unahan ng kotse para magkuting-ting. Pagkatapos may inilabas pa siyang kung ano ano, at sa isang iglap nagsimula na iyong makina.
Sasakay na sana ako subalit bigla na lamang may tumulak sa akin at siyang sumakay. "Annicka! Huwag kang madaya!" Asar na sambit ko. Subalit huli na ang lahat. Nakasakay na din si Alyx at ayun, pinaandar na din agad ni Akyx ang sasakyan. Dang. The flash din iyong si girlfriend, ang bilis ng kilos. Hanep.
"Damn it, Thon! Ang bakla mong kumilos." Aba't. Agad kong nasuntok sa sikmura si JJ noong sambitin niya iyon. Hindi na siya nakaiwas dahil doon. Naghanap na lamang ako ng sasakyan at may nakita akong motor. Nagkakilot na din ako nang kung ano ano para mapatakbo iyon ay naging matagumpay naman.
Aagawin sana sa akin iyon ni JJ subalit sumakay na agad ako at pinaharurot iyon. Akala ko tapos na ang lahat subalit nagulat na lamang ako noong may marinig akong putukan ng baril. Dang! Nakita ko sa unahan ko na pinapaputukan ng baril ang kotse kung saan nakasakay si Alyx at Annicka.
Naiiwasan nila iyon subalit may tumatama pa din sa kotse. Maging ako din ay sinimulan nang atakihin noong mga nagpapaputok ng baril. Halos paliparin ko na ata itong motor upang makaiwas. Nagagawa ko naman, subalit laking gulat ko na lamang noong matamaan iyong gulong kaya't halos tumilapon ako noong bumaliktad iyong motor sa ere.
Ramdam na ramdam agad ng buto ko ang sakit noong bumagsak ako sa semento. Ngunit hindi ko na lamang iyon pinaki-alaman at tumakbo akong muli. Gusto kong abutan iyong kotse kung nasaan iyong dalawang babae.
Habang nagyayari ang gulo, bigla akong may narinig na harurot ng sasakyan sa likod ko at agad akong kumuha ng magandang puwesto kung saan ako makakatalon para makapunta sa ibabaw ng kotse humaharurot sa direksyon kung nasaan ako.
Ilang metro na lamang ang layo noon, at noong halos napakalapit na noon sa akin ay tumalon ako. Ang ang paglapat ng mga paa ko ay nasa ibabaw na ako ng kotse, at bigla akong dumapa upang humawak sa magkabilang bahagi noon dahil mahirap nang malaglag. Magagalusan ang napakagandang kutis ko.
Noong papalapit na kami sa gate, ay agad tumayo sa taas nitong kotse at binasag ko ang nasa likod na bahagi na bintana para makapasok. Nagtagumpay naman ako dahil doon. At ang sumalubong sa akin? Isang malutong na mura.
"Fuck you, Anthony! Hindi ka ba marunong magnakaw ng sasakyan mo ha?" Asar na bulyaw sa akin ni Lian. Hutek! Kaya naman pala, hindi pinaputukan ang kotse na ito ay dahil ang kapatid lamang pala ng lider ng Apocalypse ang nagmamaneho nito.
"Lian, mas magandang sumabay sa iyo, dahil mas maunting panganib alam mo ba iyon?" Pag-bibiro ko. Sinamaan naman niya ako ng tingin at saka singhalan. Agad akong pumunta sa shot gun seat dahil puro basag na salamin ang nasa likudan na upuan.
Nakalabas kami ng walang kahirap hirap sa gate, subalit iyong ibang kasamahan namin? Malay ko na lamang. Bahala sila. Basta ako, hindi nagalusan ang porselanang kutis ko. Siyempre biro lamang. Sana malampasan nila iyon.
Nahuli din kasi sina girlfriend kanina napansin ko noong makalabas kami, hindi pa nakalabas sina girlfriend.
"Nagnakaw ka din naman ng sasakyan ah, bakit hin—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko noong magsalita si Lian.
"Kapatid ko ang may ari, malamang awtomatiko na iyon, hindi ko ito ninakaw, hiniram lamang." Nakangising sambit niya. Napasinghal naman ako.
"Kadayaan." Mahinang sambit ko, noong biglang malakas na pumireno itong sasakyan. Nanlaki ang mata ko dahil doon, sapagkat mutik na akong humalik sa salamin ng sasakyan na ito.
"Baba." Nagulat ako sa biglang utos ni Lian.
"Biro lamang, boss." Nakangiting sambit ko. Binato lamang niya ako ng nakakatakot na tingin at saka muling nag-maneho. "Hindi ito kadayaan Thon. Isa lamang ito, kalamangan at benipisyo ng pagiging isang Evans." Nakangising sambit niya.
Damn! Ang angas ng pagkakasambit noon ni Lian. Perks of being an Evans.
"Saan ba tayo papunta?" Tanong ko.
"Hanapin mo kaya at sabihin mo sa akin kung saan ang daan." Lintik! Hindi pala alam nito kung tama ang dinadaanan namin. Agh. Agad kong kinuha ang telepono ko at saka ko tingnan kung saan iyong address. Ngunit, wala akong mahanap na kahit ano.
"Wala." Asar na sambit ko.
"Malamang. Hindi nila ibibigay ang basta bastang direktang lugar. Isang pala isipan lamang anh sinabi nila kanina, ikaw na ang bahala kung paano mo malalaman kung saan talaga." Mabilis na sabi ni Lian.
Muntik na akong mapasampal sa sarili ko dahil doon. Bakit ba kasi ang hilig sa misteryo ng mag-asawang iyon? Grabe. Pinahihirapan pa ang isang Anthony Llyod Sy. Ang karisma kong ito? Tsk!
Halos sampung minuto ko atang iniisip kung saan ang lugar na tinutukoy na sinabi nilang lugar, at halos magkanda buhol-buhol na ata ang utak ko dahil doon. Pero isa lamang talaga ang naiisip ko.
"I think we should go to a wharf, Lian." Kahit nakatitig sa daan ay kumunot pa din ang kaniyang noo. Walang sabi sabi din siyang lumiko ng napakabilis kaya't napakapit agad ako sa gilid na kapitan nitong sasakyan.
Dahil sa sinabi ko, mukhang alam na ni Lian kung saan kami dapat pumunta. Ngunit, bakit sa pantalan? Anong mayroon doon? Huwag mong sabihin na kailangan pa naming sumakay ng barko? Dang! Hindi kami aabutin sa tamang oras kung ganoon.
Mas binilisan ni Lian ang pagmamaneho, kung kanina ay kalmado siya ngayon ay natataranta na siya. Panigurado akong kinakalkula na niya sa utak niya kung paano kami makakarating doon sa tamang oras.
Mabilis niyang minaniobra ang sasakyan. Hindi na ako nabigla sa bilis niyang magpatakbo, hindi na din ako nabigla kung gaano siya kaseryoso sa bagay na ito. Sanay na ako. Sanay na ako sa ganitong klaseng buhay.
Bukod sa mala-anghel na mukha ni Lian, mukhang namana niya kay pards Gab ang pagpapahatid ng tensyon sa ibang tao kahit hindi niya sinasadya. Mabilis lamang ang takbo niya, at hindi iyon nabawasan sa sunod na daan na aming tinahak. Makitid iyin, subalit napagkasiya niya ang kotse nang walang kahirap hirap.
Halos sampung minuto kami sa sasakyan bago kami nakarating sa isang pantalan. Madilim doon ay mayroong mga tao at mga bangka dinamakina. Ngunit iilan lamang iyon. Agad kaming tumakbo papunta doon. At noong makalpit kami sa mga tao doon, alam na namin na kasapi sila sa Apocalypse dahil sa mga tattoo nila.
"Sa isla." Sambit ni Lian. Ngunit tinaasan lamang siya ng kilay noong lalaki na napakalaki ng katawan. Hindi na ako nagpaligoy-liguy pa at tinutukan siya ng baril. "Dalhin mo kami doon." Preskong sambit ko. Siyempre dapat pa-cool ka din minsan.
Agad hinawakan noong lalaki ang nguso ng baril at pinangigilan niya iyon. Para bang may iniintay na salita na kailangan naming sabihin para sundin nila ang gusto namin. Napakunot noo naman ako dahil sa maaring bagay na iyon.
"Yipyip?" Patanong na sambit ko. Agad naman nagtawanan iyong iba. Bwisit. Ano ba?
"Ang panget mo?" Muling pag-subok ko, ngunit sa isang iglap ay hawak na niya ako sa leeg. Samantalang si Lian ay sinamaan lamang ako ng tingin. What? Totoo naman ah, malaki lamang ang katawan niya, pero mukha talaga siyang tambay sa kanto na walang ginawa kung hindi mangmanyak at manakot.
Kahit naman malaki ang katawan niya ay nakawala ako sa pagkakahawak niya sa akin. At saka ko siya sinamaan ng tingin. Ngunit bale-wala lamang iyon sa kaniya. Pakiramdam ko'y minamata pa ako nang isang ito. Susugudin ko na sana ngunit biglang nag-salita si Lian.
"Be ready for your downfall." Seryosong sambit niya ng walang kahit anong hesitasyon. Nagulat ako doon, dahil ang tapang ng maliit na ito. Akala ko ay literal iyong sinabi niya, ngunit nagulat ako noong ngumiti iyong lalaki at bigla kaming inalalayan para makasakay sa demakinang bangka.
Kunot noo ko namang tingnan si Lian dahil doon na parang tinatanong kung paano niya nakuha ang tila passcode na iyon. Nginisian muna niya ako. At kasabay noon ang pagkidlat. Kaya't... "Lintik!" Napasigaw ako.
Medyo madilim na din ngayon at malamig pa ang ihip ng hangin. At mukhang tataas din ang alon mamaya. "Iyong linya ni Princess. Doon ko kinuha iyon." Maikling paliwanag ni Lian, na agad kong ikinatango.
Paalis na kami noong natanaw ko na may dumating na din agad na sasakyan. "Bilis!" Sabay na sambit namin ni Lian. Nag-aalala na baka maabutan nila kami. Mas mabuti nang una kaysa huli.
Pinaharurot noong lalaki iyong bangka. Sumasalubong pa sa amin ang alon, kaya naman medyo nababasa kami at unti-unti na ding pumapatak ang ambon. Pati panahon hindi nakikiayon sa amin.
Dahil sa pag-aalala at pag-iisip ng maaring datnan namin sa kung saang isla man, ay kinakabahan na ako. Nakakaramdam nanaman ako ng pagkabalisa at hindi maintindihang pakiramdam na pinaghalong kaba, tensyon at kaunting takot. Hindi nakakatulong sa sitwasyon ko ngayon ang nararamdaman ko.
Ilang sandali pa ay nakarating na kami ni Lian sa isang isla. Maraming mga puno doon. Ngunit... Kahit nasa pangpang ka pa ay matatanaw mo na mayroong mga kakaibang gusali sa paligid.
Doon ko napagtanto na kuta ito ng Apocalypse. Isang mapanganib na lugar. Kahit wala akong nakikitang mga tao, ay alam kong madami dami sila. Ramdam na ramdam ko na may nagmamasid na napakaraming mata sa amin.
Humakbang kami sa buhangin at nagulat na lamang ako noong may maramdaman akong parang napakabilis na hangin, at noong idiretso ko ang paningin ko ay nagulat na lamang ako na may bala sa mismong harapan ko. Parang napakabagal pa ng galaw noon na kitang kita ko ang pag-andar noon sa ere. Tila napakabagal din ng galaw ko palikod para maiwasan iyon, ay noong makakurba ako palikod at makita ko na dumaan sa itaas ng katawan ko iyong bala ay mas lalo akong kinabahan.
Sa isang iglap parang bumalik sa dati ang lahat na mabilis na ulit ang oras. Tingnan ko si Lian at napansin ko na may hawak siyang pana na may papel na kasama. Agad namin iyong binasa. "Welcome to... Apocalypse city." Nanlaki naman ang mga mata namin dahil doon.
Kasabay din noon ang ingay ng mga bangkang paparating. Ilang sandali lamang din ay bumababa na sila sa kani-kaniyang sinasakyan. Bigla na lamang lumakas ang ulan, at kasabay noon ang kidlat at napakalakas na kulog.
"Mukhang mahaba habang gabi ito para sa atin." Wala sa ulirat na imik ni Shana habang pinagmamasdan ang bungad ng isla.
"Hindi lamang mahaba... Paniguradong mapanganib at mabangis din." Dugtong pa ni Annicka.
Namuo ang kaba sa dibdib ko, subalit nagkaroon din iyon ng pananabik. Matagal tagal na din simula noong nakatanggap kami ng imbitasyon sa isang labanan at kakaibang panganib, at nakakasabik na muli namin itong mararanasan ngayon.
Habang nakatingin kami sa paligid ay halos mapatalon kaming lahat noong bigla na lamang may mga nalaglag na tao mula sa mga puno—este Apocalypse. Sigurado ako, dahil kahit papaano ay may liwanag dito dahil sa ibang ilaw na nakasabit sa mga puno.
"Magaling. Lahat kayo ay nakarating sa tamang oras." Nakangising sambit ni pards Gab.
"Natatandaan niyo pa ba ang mga lider ng Apocalypse na pumili sa inyo?" Biglang tanong noong Thunder Silvestre. Marahan naman kaming tumago dahil doon. "Pwes, sila ang makakarap niyo ngayon, at sila din ang magkakasagupa niyo sa bawat laban." Napalunok ako dahil doon. Pakiramdam ko ay napaatras pa ako ng isang hakbang dahil doon.
Bakit? Kakalabanin namin sila? Mukhang magiging madugo ito.
"Para saan ito?" Lakas loob na tanong naman ni Alyx.
"Para ihanda kayo sa isang labanan." Matipid ngunit napakatapang na pahayag noong babae sa Apocalypse. Kung hindi ako nag-kakamali ay Tiara ang pangalan niya. Agad siyang umabante mula sa kinatatayuan niya at lumapit sa akin.
Iba talaga ang gwapo ko. Lapitin. Ngunit... Lapitin pala sa panganib. Bullcrap!
Parang panyo niyang pinahid-pahid sa pisngi ko ang kaniyang punyal. Halos hindi ako huminga ng pagkakataon na iyon dahil sa takot kong baka masugatan ang aking mukha. Damn.
Matapos ang ginawa niya ay inilapit niya ang mukha niya sa akin. "You look handsome, honey." She said sweetly. The fuck? Ano iyon? Parang kanina halos galusan na niya ang mukha ko tapos ngayon? Sa totoo lamang? May sayad ba ang kalandian este ang babaeng ito?
"Alam kong gwapo ako, pero pwedeng lumayo ka? Baka masipa ka lamang noong babaeng nag-aapoy ang tingin sa iyo." Pilit ngiting sambit ko, at saka lumingon kay Alyx. Damn, mas natatakot ata ako sa galit ni Alyx kaysa sa puwede kong kaharapin dito. Agh! Pahamak talaga ang magandang mukha ko.
Umalis si Tiara sa harap ko at saka bumalik sa kinapupuwestuhan nila. Doon lamang ulit namuo ang tensyon sa amin. Naging tahimik nanaman. Tanging ang alon, hangin, ulan, kulog at mga kuliglig lamang ang aming naririnig. Mas naging kahilahilakbot ang atmospera dahil doon.
"This island will be your training ground. Oh, forgot to tell you. This is not the ordinary training. Will not be the normal martial arts. And will never be your mediocre drill. This will be a dangerous torēningu." Incess said with intensity. Bawat salita malaman, bawat salita ay parang isang nakakatakot na banta.
Patuloy lamang kaming nakinig sa kaniya. Tahimik at kumakabog ang puso. Napayukom na din ang kamao ko dahil doon. Seryoso na talaga kami ngayon.
"The first drill will be chase the killer." Kahit nagtatakha kami kung ano iyon ay walang nagsalita. Hinayaan lamang namin na may magpatuloy sa kanila.
"All of you will be the killer." Kurt said playfully.
"And all of us will be the chaser. So if I were you, I will run now, so I can survive." Dagdag naman ni Tiara habang humahalakhak at para bang isang hudyat iyon, at lahat kami ay tumakbo sa iba't-ibang direksyon. Kahit umuulan at kumukulog ng napakalakas ay hindi na namin pinansin basta tumakbo na lamang kami para sa mga buhay namin.
The thought of being chased by the Apocalypse gave me fucking goosebumps.
Takbo lamang ako ng takbo na parang may humahabol sa akin na halimaw. Damn it. Hindi ko akalain na ganito pala ang ibig sabihin ng training sa Apocalypse. Dang, that normal ordinary word became utterly bizarre.
Mukhang tama sina Shana... Magiging isang mapanganib at mahabang gabi nga ito.
***
Princess Light's POV
Umalis nang naglalakad ang Apocalypse matapos ang limang minutong nakaraan simula noong tumakbo ang Improbus. Samantalang kami ni Gab Gab ay naiwang nakatingin sa madilim na dagat at kalangitan at ganoon na din ang marahas na paghampas ng mga alon.
Basa na kami dahil sa ulan ngunit hinahayaan lamang namin iyon. Tahimik kaming dalawa ay nagpapakiramdaman. "They must hide carefully, or they will never see the dawn." Mahinang imik ni Gab Gab. Tumango naman ako doon.
"They need to learn and fight in a harsh way." Mahinang imik ko. "Because they will be in the brink of danger once we started the inevitable mayhem... blood will flow endlessly, and the diablo's territory will decree the final verdict to us and to Empire." saad ko pa.
Narinig ko ang malalim na paghinga ni Gab Gab dahil doon. "Alam ko." Maikling saad niya at saka siya nagsimulang tumakbo papalayo sa akin. Napangisi naman ako dahil doon.
Pinili ko nga pala siya para sa larong ito...
"Run, Gabriel Evans!" I shouted playfully. But he laughed in return.
Yeah... Run, Gabriel Evans. Do not stay by my side while this war is ranging, do not hesitate to go... And do not protect me.
Sarili mo na lamang ang protektahan mo dahil hindi ko kakayanin kung mawawala ka sa akin. Huwag mo akong protektahan dahil kaya kong protektahan ang sarili ko lalong lalo na sa Empire.
Alam kong hindi niya maiiwasang mag-alala sa kaligtasan ko kaya nga ang laki ang pagtutol niya sa desisyon ko. Subalit, hindi na maiiwasan ang desisyon ko, dahil kaunting panahon na lamang, kailangan ko na iyong isagawa.
Maghanda kayo, Empire...
...makakaharap niyo nang muli ang bangungot ninyo, makakaharap niyo nang muli ang pinatay ninyo, makakaharap niyo nang muli ang ibinaon niyo sa hukay na si Princess Light Smith.
***
Sorry for all the errors.
26.27
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top