Liar 31: Flashback II
31: Flashbacks II
Nathaniel Gabriel's POV
Tingnan ko sa mga mata niya si Light. Umaasang mababasa ko kahit katiting ang tumatakbo ngayon sa isip niya. Ang tatapang ng mga kulay kapeng mata niya, pero hindi doon maikakaila ang pag-aalala. Umiwas ako ng tingin matapos siyang panlambutan ng ekspresyon, hindi ko siya kayang tingnan ng ganoon.
"I'm done arguing with you, Light. Just this once, can't you listen to me?" Mahinang banggit ko sa bawat salita. Hindi naman mahirap tuparin ang ninanais ko talagang matigas lamang siya sa mga ganitong bagay.
"Gab," malumanay na imik niya at saka ko naramdaman ang paglapit niya sa akin. "Kailangan kong gawin ito, kailangan—" Hindi ko na siya pinatapos sa kaniyang sasabihin noong kumontra na ako ng kusa.
"Oh. I forgot. Kapag nga pala nagdesisyon ka na, wala nang makakabali pa noon, kahit akong asawa mo." Mapait na bigkas ko habang nakatingin ng direkta sa mga mata niya. Hindi ako sumigaw o hindi ko ipinaramdam sa kaniya na galit ako, tanging seryoso at mahina lamang ang pagkakasabi ko.
Dahil doon agad bumakas sa kaniyang ekspresyon ang tila hampas ng katotohanan na nagpasakit panandalian ng kaniyang damdamin. Nakita ko ang unti-unting pamumuo ng tubig sa kaniyang mga mata at agad akong tumalikod sa kaniya.
Ang hirap, makita siyang naiiyak. Hindi pa man tumutulo ang mga luha niya pakiramdam ko ay nadadala na ako. Hindi ako puwedeng magpadala sa kaniya ngayon. Hindi puwede. Kailangan niyang matuto na hindi lahat ng gusto niya ay maaring masunod.
Minsan nakakapagod din na intindihan siya lagi. Sana matutunan din niyang intindihin ang nararamdaman ko.
"Gab-Gab." Parang humahaplos sa aking tainga ang animo'y musika niyang himig, ngunit bago pa man gumuho ang itinayo kong bato upang manindigan sa desisyon ko ay umalis na ako doon at iniwan siyang nakatayo habang nanunubig ang mga mata.
No, Light... No.
PUMANIK ako sa kwarto namin ni Light. May pagka madilim doon dahil sa makakapal na kurtina na siyang sumasalag sa sikat ng araw. Pahapon na din at mamayang gabi na ang pagpupulong namin upang sabihan sa Improbus Ille ang aming plano.
Ngunit, tila hindi doon patungo ang isip ko, dahil naglalakbay ito sa hindi namin mapagkasunduan ngayon ni Light. Masakit para sa akin ang talikuran siya kanina, subalit mas mahapdi sa damdamin ang sumangayon sa disisyon niya.
Umupo ako sa may gilid ng kama at napahilamos sa sariling mukha. Kailan ba matatapos ang lahat ng ito? Tahimik na tanong ko sa aking sarili. Gusto ko nang mabuhay ng mapayapa, gusto ko nang magpakalayo layo sa magulong buhay na ito, pero paano? Paano kami makakatakas? Kung kami mismo puno't dulo ng lahat.
Napapikit na lamang ako ng pakadiin-diin. Iniisip kung paano kung normal ang mga buhay namin at hindi kami namulat sa madugo at walang awang mga kaganapan. Siguro... kung nangyari iyon, hindi kami magkakakilala ni Light.
Magiging masaya kaya ako, kung hindi ko nasulyapan ang mga ngiti niya sa buhay ko? Natawa na lamang ako ng marahan sa naiisip ko, isang malaking imposible iyon.
Nakatulala na lamang ako ngayon sa sahig. Walang kahit anong pumapasok sa isipan ko. Hanggang sa napansin ng aking paningin ang mga kamay ko, at gayun din ang aking mga daliri. Walang singsing doon.
Mapait na ngiti agad ang lumitaw sa aking mga labi. Naka'y Light ang singsing namin ngunit hindi pa niya iyon ibinabalik sa akin, simula noong mapagkasunduan naming magpanggap na wala kaming pakialam sa isa't-isa. Mahirap na kasing mabuking kami dahil sa singsing, subalit habang tinitingnan ko na walang palamuti ang palasingsingan ko ay pakiramdam ko may kulang sa akin.
Napabuntong hininga na lamang ako at saka napahiga sa kama. Pumikit ako at tila kusang bumalik sa mga ala ala ko kung paano ko nakita muling si Light at kung paanong naging mag-asawa kami.
Flashback
Tinungga ko ang bote ng alak na nasa harapan ko. Ramdam na ramdam ko sa aking lalamunan ang hagod noon, na siyang nakapagdagdag pa ng emosyon ko na nararamdaman ko ngayon.
Malakas ang ingay sa loob ng bar na ito, at halos kumabog sa lakas ng musika ang puso ko. Bagaman, hindi ko iyon alintana dahil kahit gaano kalakas iyon ay tila mas malakas pa din ang isinisigaw na pangungulila ng isip ko.
Bumalik ako sa lugar kung saan ko nakita o namalikmata si Light subalit ni anino o hibla ng buhok niya ay hindi ko makita. Ilang araw na din akong pabalik balik doon subalit wala pa din talaga. Minsan nga ay naiisip ko na sumuko na lamang ako at bumalik na lamang muli sa Pilipinas dahil wala naman akong napapala dito.
Nasaang lupalop ka ba Light? Ganoon na lamang ba ang kagustuhan mong hindi ako makita?
Kumirot ang puso ko dahil sa aking sitwasyon kaya naman noong maubos ko ang isang bote ay muli akong kumuha ng isa at saka iyon muling ininom na para bang tubig kahit napakalakas ng hagod noon sa aking lalamunan pababa sa aking dibdib.
Napakainit na din ng pakiramdam ko ngayon. Nagtatalo din ang isip ko kung susuko na ako o magpapatuloy pa.
Habang nag-iisip ako ng ganoon ay biglang nawala ang malakas na ingay na halos bumubulabog sa buong lugar. Ang narinig ko na lamang ay ang isang musika na tila may halong mga echo ng boses. Hindi ko alam kung bakit tila naakit akong pakinggan ang musikang iyon.
Koryano ang mga salitang aking naririnig at pasalamat na lamang ako at naiintindihan ko iyon, at wari ko'y may bumara sa lalamunan ko dahil sa parang pabulong na tinig noong kumakanta subalit bawat salita ay napakalakas ng patama sa akin.
Ang tunog noon ay sadyang nakakapaghatid sa akin ng kakaibang pakiramdam.
"Will I see you again?"
Unang mga salita pa lamang ay parang iyong tinig na mismo ang naghatid ng gusto kong itanong kay Light. Makikita ko pa ba siya o hindi na? Iyong napakasimpleng tanong na iyon na ang sagot ay oo lamang o hindi ay isang napakahirap na palaisipan para sa amin.
"I'm standing in front of destiny
That has passed me by again
Was it a dream that we couldn't wake from?
You're getting farther away and I couldn't tell you
Not even once."
Nandito ako, ikaw, tayo. Muling hinaharap ang mapulit na hagupit ng kapalaran. Patuloy kang lumalayo at patuloy kang nagiging isang misteryo. Sa pagkakataong bang ito malalampasan pa natin ang lahat? O ito na mismo ang tamang panahon na idinikta ng tadhana upang huwag na muling magkrus ang ating mga landas?
"I love you
Deep inside my heart
Don't let me cry."
Napatulala ako at napalunok. Unti-unti lumabo ang paligid ko, dahil sa tubig na namumuo sa aking mga mata. Napa-awang ang aking mga labi at napapikit ako ng madiin. Doon ko naramdaman ang pagpatak ng mahahapding luha sa aking mga mata. Mahal kita, Light. Huwag mong hayaan na sumuko ako sa iyo...
"You're a dream that'll disappear once I touch you,
Like snow that melts
When I missed you, I became you."
She's a dream, I am a nightmare. Iyon ba ang dahilan kung bakit hindi kami para sa isa't-isa? Nakakatakot na masyado ang paglalaro sa amin ng tadhana. Sobra sobra na din ang pangungulila ko sa kaniya.
"I didn't hold onto you
Because I thought you'd come back
I thought I'd see you again if I kept longing for you
The start and end of my feverish feelings
I'm standing at the start and end."
Kung hindi ko ba siya hinayaang mawala sa paningin ko, hindi ito mangyayari? Kung nanatili ba ako sa tabi niya kahit ipinagtatabuyan niya ako magiging maayos ang lahat? Natakot kasi ako... Na kinamumuhian niya ako noon at kung ipagpipilitan ko ang sarili ko baka hindi ko na siya makita kahit kailan pa.
Pero, bakit masakit? Bakit parang pinipilipit ang puso ko? Ganito ba talaga?
"Like an emergency light
I'm the only one with the light on in the darkness
No matter how much I think about it, the answer is you
But I'm writing the wrong answer in my heart
I try pushing you out but you're still there
And now you're inside my dreams
(I don't wanna lose you
Be without you
Anymore)."
Patuloy iyong kanta at patuloy akong nasasaktan. Gusto ko mang hilingin na sana mamanhid na lamang ang lahat lahat sa akin, ay alam kong hindi naman iyon matutupad. Humihigpit ang hawak ko sa bote, habang nararamdaman ko sa loob ng aking dibdib ang matinding sakit at kirot.
Napapikit ako ng madiin hanggang sa naramdaman ko ang unti-unting tila pag-agos ng likido sa palad ko at ganoon din ang tila malakas na pagkabasag ng isang bagay. Agad akong napalingon ng marahan sa pinanggalingan noon, at doon ko nakita ang kamay kong naliligo sa basag basag na parte ng bote at ganoon din ang pagsisimulang umagos ng dugo mula doon.
Ramdam ko ang pagtingin sa akin ng ilang taong malalapit sa akin, lumayo ang iba at nanatiling nakatitig naman ang iba. I don't give a damn about them. Inalis ko ang kamay ko doon na para bang walang nangyari may kirot man akong nararamdaman doon ay hindi noon matatapatan ang sakit sa aking puso.
"I thought hard but I don't know
How to live without you
(I don't wanna lose you
Be without you
Anymore)."
Habang nakatitig sa dumudugo kong kamay ay isa lamang ang napasok sa aking isipan. I don't want to lose Light. Hindi ko kakayanin ang bagay na iyon. Pero ano bang ginagawa ko ngayon? Hinahayaan ko siyang makawala sa akin. Hinahayaan ko ang kahinaan kong kainin ako.
Nanginginig ang mga kamay ko dahil sa galit, lungkot at pagngungulila. Hindi ko alam sa tatlo kung alin ba talaga ang nangingibabaw. Basta ang alam ko ay hindi ko maintindihan ang mga bagay bagay.
Hindi ko napansin na tapos na pala iyong kanta na kanina'y pinapakinggan ko. Bumalik sa napakaingay na musika ang pinapatugtog sa lugar at sa mismong pag-papalit ng musika ay siyang tila pagkagising ko sa bangungot na kanina pa ako kinakain.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at saka ako kumuha ng pera at inilagay iyon sa lamesa. Umalis ako doon ng tulala at hindi alam ang patutunguhan. Noong nasa labas na ako ay lumiko lamang ako sa isang kanto at nagsimulang maglakad sa dilim.
Kada hakbang ng paa ko ay ang pagalingawngaw ng mga iba't-ibang boses sa aking tainga. Wala akong ganoong maintindihan, tanging tawanan ang naririnig ko. Tawa ng mga batang nagkakatuwaan, tawa ng mga walanghiyang minsan nang nangutya sa amin, at tawa ng mga masasamang tao.
Matapos ang mga tawang iyon, ay ang biglang mga paglahaw, pag-iyak, at paghihinagpis ang aking narinig. Magulo, malungkot, at malalakas na sigaw ang naririnig ko ng sabay sabay. Gusto kong sumigaw na tumahimik na iyon, subalit pakiramdam ko ay nawalan ako ng boses, dahil walang tinig na nalabas sa aking lalamunan.
Unti-unti nanlabo ang aking paningin dahil sa mga luhang nagbabagsakan sa aking mata. Naghalo ang mga sutil na halakhakan at mga pananangis. Parang mababaliw ang aking isipan habang naririnig ko ang mga iyon. Para akong hinihila noon sa kailaliman ng kadiliman sa aking puso.
Hindi ko magawang lumaban sa pwersa, hindi ko din magawang humingi ng tulong, walang habas akong pilit hinihigit noon, at pakiramdam ko ay kaunting kaunti na lamang ay lalamunin na ako ng tuluyan noon at kailanman ay hinding hindi na ako makakawala.
Kaunting-kaunti na lamang susuko na ako noong biglang...
Nakarinig ako ng isang napakalakas na ingay. Isang malakas na busina mula sa isang sasakyan at kasunod noon ay isang napakaliwanag na ilaw. Para kong hinaharap ang liwanag ng kamatayan ko noong oras na iyon, pero may kung anong nagtulak sa akin upang pigilan iyon.
Malapit na malapit na iyong sasakyan sa akin, agad akong kumuha ng tamang postura at noong halos sampung sentimetro na lamang ang layo nito sa akin ay itinuon ko ang duguang kamay ko sa unahang bahagi ng sasakyan at saka tila tumalon at hinayaan ang likudan ko na umikot sasakyan, at dahil sa mabilis na takbo noon ay parang hangin lamang iyon na dumaan sa akin, at ang alam ko na lamang ay tumalon akong muli pababa doon at saka ko naituon ang dalawang paa ko sa sementong daan.
Naglakad ako noon na parang walang nangyari, hindi ko na nilingon ang sasakyan na iyon kung tumigl pa ba ito, o wala nang paki-alam kung nasagasaan ba talaga niya ako o hindi. Kung iyong ikalawa man ang pinili niya ay wala na akong pakialam.
Muli natagpuan ko nanaman ang sarili ko sa daang hindi ko mawari kung saan. Naglalakad lamang ako noong bigla kong marinig ang telepono kong tumutunog. Noong una ay hindi ko iyon pinansin, subalit nakailang ulit iyon kaya't wala akong nagawa kung hindi sagutin iyon, umaasang si Light iyon at nakikita niya ako ngayon.
Hindi pa man ako nakakapagsalita at may nagsalita na sa kabilang linya.
"You need to do a mission, Emperor I." Tinig pa lamang noon ay alam ko na kung sino.
"Give me a break, dad." Mahinang sambit ko na tila wala nang lalas makipagtalo pa. Gusto kong makalayo sa mundong iyon, at hanapin si Light pero ito nanaman tinatawag nanaman ang ng makasalanang mundong iyon.
"No." Pirming saad niya gamit ang seryoso at mapagbantang tinig. Ibaba ko na sana ang tawag na iyon, subalit naagaw ng pansin ko ang kasunod niyang sinabi. "Nasa ibang bansa ka hindi ba? Daehan Minguk, eh?" Mapanuyang saad niya, kaya't awtomatikong humigpit ang hawak ko sa telepono.
"What is it this time, got an eye again?" Madiing wika ko, at narinig ko ang nang-aasar niyang tawa.
"No. Hindi ako mag-aaksaya ng oras para masundan ka ngayon, subalit may kailangan kang gawin para sa Empire." Yumukom ng kusa ang isa kong kamay dahil sa kaniyang sinabi.
"Ano?" Walang ganang tanong ko. Malaki ang respeto ko sa ama ko dati, ngunit noong malaman ko ang mga kahayupang ginawa niya noon, ay hindi ko alam pero dumistansya ang damdamin ko sa kaniya.
Sinabi niya ang misyon sa akin, nakailangan kong pumunta sa isang underground dealing upang makuha ang kailangan naming mga pera at ilegal na armas. Hindi na ako nagtakha doon, ganoon naman lagi. Hindi ko sana gagawin iyong sinasabi niya subalit binantaan niya akong pasusundan niya akong muli kung hindi ko gagawin iyon.
Pinatay ko ang linya matapos noon. Hindi niya ako puwedeng pasundan ngayon dahil baka manganib ang buhay ni Light kapag nalaman nila ang tunay na pakay ko kung bakit ako nandito. Napapikit na lamang ako ng madiin at saka napasuntok at napasipa sa pader malapit sa akin.
Damn this life of mine.
***
Ngayong gabi ang nakatakdang oras para puntahan ko ang misyon na inatas sa akin. Labag sa loob kong tumungo doon. Napakalayo sa kabihasnan at mas madilim dahil gabi na din. Kung sa unang tingin ay tila walang tao, paniguradong sa loob ng mga abandonadong mga gusaling ito ay nagtatago ang iba't-ibang kampon ni satanas.
Dumiretso ako sa loob ng napag-usapang gusali. Naging alerto ako sa paligid dahil hindi pwedeng pumalya ito dahi masisira ang lahat ng mga pagsisikap ko upang muling makita ang babaeng iyon.
Habang papasok sa gusaling iyon ay biglang may lumitaw na tatlong lalaki at hinarang ako. Hindi sila pamilyar sa akin, at nakamaskara naman ang ibabang bahagi ng mukha ko kaya't alam kong hindi nila ako makikilala.
"Who are you?" Maingat na tanong noong isa sa kanila.
"Iyong papatay sa iyo." Walang kaemo-emosyong banggit ko na agad nilang pinagtakha. Sa ilalim ng itim na pangharang sa aking ibabang mukha ay ang nakangisi kong mga labi. Bago pa sila mapikon ay sinabi ko na ang palahudyatan para papasukin nila ako.
Matapos noon ay pinapasok na nila ako. May isa ding sumulpot pang muli at gumabay sa akin. Dinala niya ako sa mas madilim at makitid na lugar. At saka pinasakay sa isang asensor (elevator). Sumakay kaming dalawa noong lalaki doon na walang imikan. Bumababa iyong asensor at kitang kita ko ang pagbaba nito dahil bakal lamang ang mismong paligid nito. Iyong tipong sinauna.
Matapos noon ay lumabas na kami, sa parteng bahagi na ito ng gusali ay napakaraming tubo at mga bakal. Ang sahig ay mamasa masa din dahil sa mga tagas mula sa tubo. Isa talagang lugar sa ilalim ng lupa. May binuksan pa siyang isang silid kung saan napakalaki ng kadena at seradura noon.
Pagkabukas na pagkabukas noon ay ang biglang pagalingawngaw ng napakalakas na sigawan at saka ang nakaksilaw na ilaw. Iniharang ko pa ang braso ko sa aking mga mata dahil nasanay ito sa dilim. Naglakad ako paabante at bumungad sa akin ang naglalakihan at mga sangganong mga tao.
Bakas sa mga mukha at panganagtawan nila ang lakas, angas at kasamaan. Hindi ko na lamang iyon inalintana at agad hinanap ang taong kailangan kong kausapin. Sa dami ng tao ay medyo nahirapan akong nahapon siya, subalit matapos ang ilang sandali ay natanaw na siya ng mabibilis at matatalas kong mga mata.
Agad akong naglakad patungo sa kaniya, may mangilanngilan akong nabangga at halos maghamon ang away sa akin ngunit nilampasan ko lamang sila, ang ilan naman ay umiwas sa dinadaan ko na tila nararamdaman ang kakaibang awra na hatid ko.
"Cersenus." Bigkas ko sa lalim na boses noong nasa tagiliran ko na ang isang lalaki na may kahabaan ang buhok at ang suot ay tila isang pangnegosyante, at may hawak pa siya isang baso na may lamang kulay dilaw na likido. Kung titingnan mo siya sa unang tingin ay hindi mo mahahalata na isa siyang lider ng sindikato.
Pagkaharap niya sa akin ay agad siyang ngumisi. Walang kahit anong panakip ang kaniyang mukha at may nakapalibot na dalawang babae sa kaniya at may mga tila guwardiya din. Yayamanin ang gago.
Tinaasan ako nito ng kilay na tila ba nagtatanong kung sino ako at kung anong kailangan ko sa kaniya. Lihim akong napasinghal dahil doon. Kung hindi ko alam kailangan ang kooperasyon ng mayabang na ito ay baka natadyakan ko na ito ng tuluyan sa mukha.
"Improbus Ille Imperium, Emperor I." Mahinang banggit ko malapit sa tainga niya. Agad kong nakita ang pagsilay ng kakaibang ngiti sa kaniyang labi at saka niya ibinukas ang kaniyang mga braso na para bang sinasalubong ako ng may kagalakan.
Tinitigan ko lamang siya ng blanko dahil doon, kaya't tatawa tawa siyang tumingin sa mga babae niya. Pagkatapos ay sinenyasan niya akong sumunod sa kaniya. Wala akong nagawa kung hindi ang puntahan ang tinutungo niya. Hanggang sa tumigil siya sa isang medyo parang entablado ngunit napakaliit lamang at may isang upuan doon.
Bago pa siya maka-akyat doon ay binulungan na niya ako ng kailangan kong gawin, upang mapatunayan kong hindi ako impostor at para makuha ko ang bagay na kailangan ko.
Pinaakyat niya ako sa tila malaking kulungan sa isa pang napakalaking entablado na nasa harapan niya. Para iyong sa pang-wrestling at may matataas na haligi na may mga maninipis na bakal ang nakaharang na animo'y kulungan. Ngumisi na lamang ako sa ilalim ng pantaklob na suot ko at saka ako nagsimulang maglakad papunta doon.
Pinaikot ikot ko din ang ulo ko upang tumunog ang mga buto ko doon at saka ako tumalon upang magkaroon ng puwersa paakyat doon sa ring. Walang kahirap hirap kong inakyat iyon at saka ako tumalon pababa. Naagaw ko ang atensyon ng halos lahat na nandoon, lahat sila ay nakatingin na sa akin, at bigla silang tumahimik.
May palakpak pa akong narinig na galing sa isang tao, at iyon ay si Cersenus. Pinalagitik niya ang isa niyang kamay at saka namatay ang ibang ilaw at ang natira na lamang ay iyong ilaw ng lente sa kaniya, at sa ring kung nasaan ako.
Pumitik pa siya ng isa at saka may isang ilaw na umikot sa buong paligid na tila ba ang tatapatan noon ay ang masuwerteng makakalaban ko. Ilang saglit lamang ay tumigil na iyon. Kita ko mula sa entabladong ito, ang isang babaeng may mahabang buhok na nakatalikod mula sa akin.
Iyong tindig niya ay para bang aalis na dapat siya subalit natigil siya dahil sa biglang pagtapat sa kaniya ng ilaw. Agad may lumapit na malalaking lalaki sa kaniya at saka biglang gumawa ng daan ang mga nandito para makapunta siya dito sa kinatatayuan ko.
Hindi ko alam pero kahit nakatungo ang babaeng iyon ay ramdam na ramdam ko na kung sino siya. Agad akong kinabahan dahil doon. Hinihiling na isa lamang itong guni-guni dahil napakaimposibleng bagay nito.
Tumigil iyong babae habang medyo may kalayuan sa tila hawlang ito, agad siyang bumuwelo at mabilis na umakyat dito. At habang ginagawa niya ang bagay na iyon ng walang kahirap hirap ay alam ko na agad kung sino siya.
Malutong akong napamura sa aking isipan. Bakit ngayon pa? Bakit ngayon ka pa nagpakita sa aking muli Light?
May maskara din siya ngunit sa may mga bahagi ng mata. Kahit ganoon ay kabisado ko ang bawat anggulo niya, kaya't sigurado akong siya iyon. Alam ba niya na ako ito? Nakatitig lamang kami sa isa't-isa sa lumipas na minuto, hanggang sa...
Nagsalita si Cersenus na magpakilala iyong napili kanina. Nakita ko ang biglang pagngisi ni Light dahil doon, at saka siya humakbang ng isa at lumingon sa paligid, at saka itinuon ang pansin sa lalaking iyon.
"Apocalypse. Uno." Awtomatikong kumunot ang noo ko dahil doon. Apocalypse? Bago ang pangalan na iyon para sa akin at hindi ko din inaasahan na iyon ang sasabihin niya dahil ang buong akala ko ay 'Legendary. Blue Moon.' ang kaniyang babanggitin.
"New?" Mukhang napukaw ng pansin ni Cersenus ang pagpapakilala ni Light dahil hindi ito pamilyar sa aming matatagal na sa ganitong larangan. Agad tumango si Light nang walang pag-aalinlangan, at bigla kaming may narinig na malakas na putok ng baril, hudyat na simula na ng laban.
Hindi ako sumugod at ganoon din siya. Paikot-ikot lamang kami sa parang kulungan na ito at saka magtitigan na tila ba binabasa namin sa pamamagitan ng mga mata ang maari naming gawing kilos.
Kung iba ang kalaban ko ay sisiguraduhin kong wala pang limang minuto ay tumba na siya, pero hindi ko magagawa iyon lalo na sa kaharap ko ngayon. Ni dapuan nga siya ng lamok hindi na ako mapakali, paano pa kaya itong magkaharap kami at kailangan naming saktan ng pisikal ang isa't-isa.
Ang tahimik na paligid namin ay nagsimula nang magbulungan dahil patagal nang patagal ang pagmamatiyag namin at hindi kami naglalaban. Nagtangis ang aking bagang dahil doon. Ikaw ang sumugod, Light at sasalagin ko lamang ang iyong mga tira. Lihim ko iyong iniisip umaasang gagawin niya.
Wala akong balak na sugudin si Light, ngunit napansin na ng gilid ng aking paningin ang pagkainip ni Cersenus, at kung mas mawawalan siya ng gana ay nasisigurado kong hindi ko na makukuha ang pinagkasunduan naming mga bagay. Nakita ko pang tumingin siya sa kaniyang orasan sa pulsuhan kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang sumugod ng suntok kay Light.
Ang unang akala ko ay magpapalitan kami ng atake, ngunit laking gulat ko noong sa kahit anong suntok at hataw ko sa kaniya ay pag-iwas lamang ang kaniyang ginagawa at hindi siya umaatake.
Kunot noo ko siyang tinitigan dahil doon. "Damn it, Light." Mahinang bulong ko pa noong magkalapit ang mga mukha namin. Imbis na sagutin ako ay ngumisi lamang siya at saka sumugod ng kauntian, ngunit ang mga sugod na iyon ay wala pa sa kalahati ng kaya niyang gawin.
Anong mayroon sa kaniya?
Muli ay umatras ako at saka kumuha ng buwelo upang umatake gamit ang paa. Agad niyang nahawakan ang kanang paa ko at saka umakto na pipilipitin iyon, kaya't agad akong umikot upang hindi niya iyon magawa, dahil din doon ay nakawala ako sa pagkakahawak niya.
Tumindig ako doon ay saka siya hinamon, agad siyang tumakbo papunta sa kinalalagyan ko at saka nagsirko kaya't nakabaliktad siya ngayon, nasa sahig ang kaniyang mga kamay na tila naging paa niya at ang ginamit niyang parang mga kamay ay ang kaniyang paa, sumipa sipa siya na para bang sumutuntok lamang kaya't agad ko iyong pinigilan gamit ang mga kamay ko.
Hinawakan ko ang dalawang binti niya upang ibalik siya sa pagkakatayo, subalit bigla siyang sumirko dahilan upang madala ako sa pag-ikot niya. Para kaming nasa sirko dahil sa kaniyang ginawa. Matapos noon ay ako ang sumugod sa kaniya, ngunit katulad kanina ay hindi nanaman siya nanglaban.
Nilakasan ko ang bawat atake at suntok ko upang matukso ko siyang manlaban ng mas matindi, dahil hindi ito ang tunay na lakas niya. Isang mahinang Light ang kalaban ko ngayon, na hindi niya ginagamit sa kahit anong laban.
She's serious in every battle, but this one...I don't think so.
Nagpatuloy siya sa pag-iwas, at pakiramdam ko ay nasasaktan ko na siya ng tuluyan sa bawat sangga niya sa atake ko. Ipinaramdam ko sa kaniya ang pagkainis, dahil parang nakikipaglokohan lamang siya sa akin ngayon.
Hindi niya ginagawa ang tunay na makakaya niya. Tiim bagang ko siyang muling sinugod at kinuha ko ang pagkakataon kung saan magkalapit na magkalapit kami upang ilabas na niya ang galit niya sa akin.
"Galit ka sa akin, hindi ba?" Madiin ang pagkakabanggit ko sa bawat salita na tila ba napakabigat noon. Hindi siya sumagot subalit kitang kita ko sa kaniyang mga mata ang biglang pagtatakha at saka ko nakita ang nag-aapoy na galit sa kaniya.
"My empire killed your twin. My empire made you suffer. Your life... it's all lie. And you blame every bits of my empire, right?" Walang emosyon kong pahayag sa kaniya, inaasahang lumaban naman siya kahit papaano subalit wala akong natamo.
Umiwas lamang siya at saka tatakas kapag inilalagay ko siya sa mga sulok. Laban, Light! Gusto kong isigaw iyon sa kaniya ngunit hindi maari kaya't kumuha ako ng buwelo upang magbigay ng mas malakas na tira para naman ilabas na niya lahat ng sama ng loob niya sa akin.
Alam kong sasalagin niya iyon at mas matinding atake ang ibabalik niya sa akin... Subalit noong naatake ko na siya gamit ang mga paa ko ay hindi niya sinalag iyon, hindi siya umiwas doon. Tinggap niya iyon, kaya't tumilapon siya sa kabilang bahagi ng ring na ito, at tumama pa ang likod sa mga bakal.
Nanlaki ang mga mata ko doon at napamura. Agad akong lumapit sa kaniya dahil sa umakyat na pag-aalala sa aking puso. Gusto ko siyang yakapin at sigawan dahil sa katangahang ginawa niya, subalit agad akong natigilan noong biglang may malakas na palakpakan ang narinig ko sa lugar.
Tumingin ako sa paligid at alam ko nang ako ang nanalo dahil doon. Ngumisi din si Cersenus at saka tumango senyales na nakuha ko ang pinagkasunduan namin. Hindi nila alam na hindi matinding laban ang nangyari sa pag-itan namin ni Light kaya't ganito ang reaksyon nila.
Noong muli akong lumingon kay Light ay nakita ko siyang umaakyat palabas sa hawlang ito. Alam kong tatakas nanaman siya kaya mabilis ko siyang sinundan na hindi na inalintana ang mga taong nanunuod sa amin at si Cersenus, dahil nagawa ko na ang kailangan kong gawin.
Mabilis naglaho sa mga kumpol ng tao si Light, mabuti na lamang at nasundan siya ng paningin ko. Halos mabangga ko na ang lahat ng tao sa pagsunod ko kay Light dahil, hindi maatim ng konsensya ko na nasaktan ko siya. Kitang kita ng dalawang mata ko kanina kung paano tumalbog siya. At sinisisi ko ang sarili ko dahil hindi ako nag-iisip.
Nakasakay na si Light sa isang asensor, at mabilis akong pumunta doon ngunit nagsara na ito. Kinalabog ko ang bakal na harang sa pag-itan namin, at saka siya tiningnan ngunit malalamig na titig lamang ang isinukli niya sa akin at saka tumaas ang asensor na sinasakyan niya.
Agad akong sumakay doon sa kabilang asensor na kararating lamang, agad kong dinakmal ang nasa loob noon at mabilis na itinulak palabas at saka ako sumakay. Susugudin sana ako noong kinanti ko subalit nagsarado na ang asensor at saka ito tumaas.
Noong nasa taas na ako at umalis na sa asensor ay wala akong nakita kahit anino ni Light. Iginala ko ang paningin ko at saka lumibot sa paligid ngunit wala akong nakita. Napaluhod na lamang ako sa semento at saka napahilamos sa mukha.
Napakalaking tanga ko nanaman.
Halos gumuho nanaman ang mundo sa akin, hanggang sa napalingon ako sa kaliwa at doon ay may natanaw ang anino na tila nagtatago at paalis na dahil gumalaw ito. Agad bumilis ang tibok ng puso ko at hindi magkaintindihan kong tinungo ang madilim na lugar na iyon.
Agad kong hinawakan sa pulsuhan ang babaeng kanina'y nakalaban ko. Ramdam na ramdam ko ang gulat at pagkabato niya sa kaniyang kinatatayuan noong lumapat ang balat ko sa balat niya. Agad ko siyang hinila papalapit sa akin, ngunit nagpumilit siyang makawala.
"Damn it!" Malakas na sigaw ko sa kaniya. Kahit anong sigaw ko sa parteng ito ng gusali ay sigurado akong walang makakarinig sa amin.
"Bitiwan mo ako!" Nagulat ako sa malakas ngunit tila nag-mamakaawang boses ni Light. Halos mabaliw ako noong pagkakataong iyon dahil umapaw ang iba't-ibang pakiramdam sa aking katawan at utak. Gusto ko siyang yakapin at hindi na pakawalan pa subalit ang nagsusumamong himig niya ay napakasakit pakinggan kaya naman unti-unti ay nabitawan ko ang pulsuhan niya.
"Bakit hindi ka nanlaban, Light? Bakit?" Tanong ko sa kaniya na tila ba nanghihina na.
Umiling iling siya dahil doon. "Umalis ka na." Sambit niya sa gargal na boses, agad kumirot ang puso ko dahil doon at saka ko naramdaman ang tila pagbabara ng kung ano sa aking lalamunan at tila pagpihit sa aking pulsuhan. Ang bigat sa pakiramdam.
"B-Bakit?" Tanging lumabas sa aking tinig. Hindi siya nagsalita kaya't nanatili ang katahimikan sa pag-itan namin.
"Mas malakas ka sa ipinakita mo kanina, kaya't bakit hindi mo ako nilabanan!" Nanggigigil na sambit ko at saka ko hinawakan ang magkabilang braso niya at saka ko siya inalog alog. "Bakit?!" Puno ng paghihinagpis na tanong ko sa kaniya.
"Because... I can't!" She bellowed, at saka niya ako, pinagsusuntok sa dibdib. Magtakha ako dahil sa sinabi niya. Hindi niya sinabi na, 'I won't.' O 'I don't.' Ang sinabi niya ay 'I can't.' at nasisigurado kong may mas malalim na dahilan doon.
"Galit ka sa akin hindi ba? Hindi ba? Bakit hinahayaan mo akong saktan ka? Dapat ako ang saktan mo, dapat—" Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko noong bigla siyang sumigaw.
"Oo galit na galit ako! Oo, dapat ako iyong mananakit sa iyo! Pero bakit, Gab Gab? Bakit kapag nakikita kitang nasasaktan din ay mas nasasaktan ako? Gustong gusto kitang patayin, pero bakit mas nangibabaw sa akin ang kagustuhan kong yakapin ka kanina?! Gustong gusto—"
Hindi na niya naipagpatuloy ang kaniyang sinasabi noong yakapin ko siya ng pagkahigpit-higpit. Naramdaman ko ang pagkabigla niya dahil doon at ang paghigpit ng hawak niya sa aking mga braso.
Sobrang bilis din ng tibok ng puso ko na para bang gusto na nitong kumawala sa aking dibdib at naramdaman ko ang panginginig ni Light sa aking bisig kaya't mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kaniya.
Narinig ko ang mahinang paghikbi niya na agad nakapaglabas ng emosyon sa akin. Agad akong lumayo ng kaunti at tinggal ang maskarang humaharang sa aking mga labi at saka ko siya siniil sa halik.
Nanginginig ang buong katawan ni Light dahil sa ginawa ko, ngunit hindi kinalaunan ay naramdaman ang pagsagot niya sa mga halik ko. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa aking mga braso na para bang humihingi ng suporta kaya naman agad kong ipinulupot sa baiwang niya ang isa kong braso para maging suporta niya.
Noong humiwalay ako sa halik ay naramdaman ko ang labi niya na tila naghahabol, kaya't muli kong inangkin ang malalambot na labi niya. Ramdam na ramdam ko ang umaapaw na pagmamahal namin sa isa't-isa at pati na din ang pangungulila.
Matapos ang ilang sandali ay siya na kusang humiwalay at saka ako mahigpit na niyakap. Nanatili kaming ganoon, at nakaramdam ako na tila ba nasa tama na ang lahat. Kakaibang saya, lungkot at kung ano ano pa ang naramdaman ko, habang magkayakap kami.
Walang nagsalita sa amin, at sapat na ang bagay na iyon upang malaman namin ang nararamdaman ng isa't-isa. Sa katahimikang iyon, naramdaman kong may pag-asa pa kaming dalawa, at hindi ko siya kayang pakawalan.
"Light..." I called her name softly, and kissed the top of her head. "Don't... Just don't leave me..." Pagsusumamo ko sa kaniya.
Akala ko tango o hindi kaya'y pag-sang-ayon ang makukuha ko sa kaniya ngunit naging alerto siyang bigla na para bang nagising sa isang panaginip. Tingnan niya ako sa mukha na tila ba kinikilatis kung totoo ako o hindi.
Pagkatapos ay umiling siya. "Will this be the last time?" She asked absentmindedly. I shook my head regardless of being confused. "Farewell, Gab Gab." Matapos niyang sabihin ang bagay na iyon ay nawala nanaman siya sa paningin ko.
***
Akala ko noong mawala siya noon sa paningin ko hindi ko na siya muling makikita pa, ngunit hindi iyon ang nangyari dahil pinagmamasdan ko siya ngayon sa malayuan, kasama si Thunder Silvestre at isang hapon na lalaki.
Lagi niyang kasama iyong dalawang iyon. Kung saan saan underground city din sila pumupunta na tila ba naghahanap ng kasamahan. Wala akong ginagawa kung hindi bantayan siya sa malayuan. Kapag may nanakit sa kaniya at hindi niya nilalabanan, ako ang lihim na gumaganti para sa kaniya, dahil walang sino man nag puwedeng manakit sa kaniya.
Halos ilang linggo ko na din siya sinusundan. Alam kong alam niya ang ginagawa ko dahil sa talas ng kaniyang pakiramdam at sa talino niya. Hinahayaan niyang gawin ko iyon, dahil lagi lamang akong nasa malayuan, at alam niyang hindi ko matatawid ang distansya namin ngayon, dahil baka tuluyan na talaga siyang maglaho sa akin.
Tiniis ko ang lahat ng iyon. Nanatili akong parang anino lamang niya. Nakuntento ako sa malayo, basta alam kong nasa ligtas na lugar siya at hindi nasasaktan. Kahit anong gusto kong takbuhin ang distansya namin kapag nakikita ko siyang pinahihirapan ng iba upang makumbinsi ang mga sindikato ay hindi ko magawa gawa.
Misyon niya iyon, hindi ako maaring makialam. Kung ano man ang plano niya na hindi ko alam, wala na akong balak alamin pa basta hindi siya mawawala sa paningin ko.
Lumalabas din siya ng bansa at sinusundan ko siya. May pinapagawang iba sa akin ang Empire, at minsan ay naisisingit ko iyon dahil baka manghinala sila kung bakit kung saan saang bansa ako napupunta. Iyong ibang utos nila ay sumasakto kung saan si Light papunta kaya naman, hindi na ako nahihirapan.
Palaging ganoon ang nangyayari hanggang sa naging mga buwan ang mga linggong pagsunod ko sa kaniya. Ni minsan hindi ako nagreklamo sa sitwasyon namin, maayos na ako sa ganito, kaysa naman hindi ko siya nakikita at halos mabaliw ako kapag ganoon.
Binubuo pala niya ang bago niyang grupo na Apocalypse. At sa kasalukuyan ay mayroon na siyang apat na tao. Iyong Takashi Ishido, Takeshi Ishido, Tiara Wolf, at Clio Accardo. Hindi ko alam kung ilan pa ang kailangan niya, pero alam kong naging matagumpay siya sa iba pa niyang ginagawa.
Matapos ang halos tatlong buwan ay bumalik siya sa Pilipinas, patuloy ko siyang tinatrack, kahit bumalik muna ako sa Empire, dahil baka manghinala na sila. Maayos ang takbo ng Empire, at nanatili pa ding malakas ang lahat ng sulok nito, ngunit hindi ko maitatanggi na maraming mali sa Empire.
Maganda at matiwasay ang takbo ng lahat hanggang sa isang araw.
Sinalubong ako ng isang balita.
"Nathaniel Gabriel Evans. Ikakasal ka na kay Cassidee sa susunod na linggo."
Hindi ko alam kung paano magproproseso sa utak ko ang balitang iyon. Sa loob ng mahabang panahon, ay hindi pumasok sa isip ko na pakakasalan ko ang kababata kong iyon.
Kinausap ko si Cassidee noon, humihiling na huwag na niyang ipagpilitan ang kasal ngunit napakatigas niya at hindi ko siya mapilit. Ginusto niyang pahirapan ang buhay ko ngayon, dahil sa mga pasakit na ibinigay ko sa kaniya noon.
She's cruel, she's really cruel.
Wala akong kakampi noon sa kasal, maging mga kaibigan kong nasa gang ay hindi ko masabihan ng nangyayari, dahil hindi nila pupuwedeng malaman hangga't hindi pa kami ikinakasal ni Cassidee.
Halos mawalan na ako ng pag-asa noon dahil limang araw na lamang ay ikakasal na ako sa babaeng hindi ko mahal, noong may isang saklolo ang dumating sa akin.
Nakaupo ako noon sa garden ng Empire State Main Building. Nag-iisip kung paano ko malulusutan ang nangyayaring ito. Kung manlalaban ako sa Empire, siguradong hahanapin nila ang puno't-dulo kung bakit hindi ako payag, at sa koneksyon ng Empire, paniguradong matutunton nila si Light at pahihirapan nanaman siya.
Hindi ko na siya kayang makitang ganoon, at hindi ko kayang malagay nanaman sa panganib ang buhay niya dahil sa akin. Hangga't maari hindi dapat siya maging sangkot dito.
"Malalim ang iniisip natin, Emperor I?" Agad akong natayo dahil sa narinig kong boses at mabilis na nagbigay galang. Umupo sa upuan ang Emperor X o ang dating Emperor ng Hoodlum na si Mr. Leonard Smith, ang lolo ni Light.
"Emperor X." Mahinang banggit ko, na agad niyang ikinatawa, pinaupo niya ako sa kaniyang tabi. Gusto ko sanang tanggihan dahil hindi iyon maari, ngunit sinabi niyang isa iyong utos kaya't wala akong nagawa kung hindi sundin siya.
"Anong iyong iniisip, hijo?" Tanong niya sa akin.
"The nuptial." Mapait na banggit ko.
"Ang hina mo upang maging karapatdapat sa aking apo." Gulat na gulat ako dahil sa pahayag niyang iyon. Napayukom ang kamao ko at gusto kong isa isahin sa kaniya ang lahat ng nagawa ko para sa apo niya, hindi sa panunubat ngunit hindi lamang matanggap ng kalooban ko na sinabi niya ang bagay na iyon.
"Hindi mo ba kayang tumayo laban sa mismong angkan mo, para sa babaeng mahal mo? Isa kang duwag." Napalunok ako dahil sa mga direktang sambit niya.
"Kumilos ka. Hindi iyong hinahayaan mo ang apo ko na maghanda sa laban na sa una pa lamang ay kasapi ka na subalit hinayaan mo siyang mag-isa." Bawat salita niya ay malaman at kahit hindi ko lubos na maintindihan ay alam kong magagamit ko ang sinasabi niya pagdating ng panahon.
"Emperor X." Banggit ko.
"Bata, hindi biro ang kahaharapin ninyo, kaya kung ako sa iyo, maghahanda na ako dahil mamatay ka lamang kung susugod ka sa gera ng walang armas o plano." Nakaramdam ako ng kaba dahil doon. Gera?
"Kasal ba ang inaalala mo?" Tanong pa niya sa akin na ikinatango ko.
"Huwag mong problemahin ang kasal, ang problemahin mo ay kung sino ang iyong pakakasalan." Matapos niyang sambitin iyon ay iniwan niya ako doon na nakatulala. Ang mga salita niya ang mismong gumising sa akin.
Madalang kong makita si Mr. Leonard, dahil retired na siya sa Hoodlum, at tanging ama lamang ni Light ang nakakasalamuha ko, ngunit ni minsan ay hindi ko naman siya nakausap, dahil malayo ang loob niya sa akin. Subalit si Mr. Leonard ang tanging nasa Hoodlum na nasasabihan ako ng ganoon.
Napakalaking tulong ng sinabi ni Mr. Leonard sa problema ko. Tama siya, hindi ko dapat inaalala ang mismong kasal, dahil ang dapat na pinagtutuunan ko ng pansin ay kung sino ang dapat kong pakasalan.
NOONG araw na iyon ay lumipad ako patungong Cebu dahil nandoon si Light. Hindi naman ako pinigilan ng Empire at ni Cassidee, sa pag-aakalang maghahanda lamang ako ng regalo o kung ano man para sa kasal.
Nagulat pa sila noong hindi na ako tumutol dito, napaki-usapan ko din na iatras pa nila ng isang linggo ang kasal, nagdahilan ako ng mga bagay bagay na ikasasaya nila at nagawa ko silang mapapayag.
Nakarating ako sa Cebu ng may ngiti sa labi. Nagpahanda ako ng engradeng paghahanda para sa mangyayari bukas ng gabi. Maayos ang naging takbo ng lahat, at hindi ko maitango ang saya ko dahil sa plano ko. Sana ay umayon ito sa lahat ng inaasahan ko.
Palihim kong muli sinundan si Light at may inaasikaso siyang muli dito. Ang alam ko ay hanggang isang linggo lamang siya dito. At kailangan bago siya makaalis dito ay mangyari na ang gusto ko.
Pinaayos ko na din lahat ng mga papel na kailangan nang walang nakakaalam. Mabilis kong naayos ang mga papel dahil may katulong ako dito. Wala akong oras na inaksaya at matapos ang lahat ay dumiretso na ako sa resort kung saan ako nagpahanda ng enggrande.
May ilang tauhan din akong inutusan para kunin si Light. Kung hindi siya makukuha sa salita ay sinabi kong kunin siya sa kahit anong paraan kahit kidnapin pa o hindi kaya'y takutin tungkol sa kung ano man.
Nag-aabang ako sa napakagandang tanawin na ito. Medyo padilim na, at ang lamesa at upuan ay napapalibutan ng ilaw na humuhugis ng puso at mayroon ding mga rose petals. May mga kandila din sa lamesa at sa paligid.
Huminga ako nang malalim at naramdaman ko ang pag-akyat ng kaba sa dibdib ko. Ngayon lamang ako nakaramdam ng ganitong kaba. Hindi ko sigurado kung bakit ganito ang nararamdaman ko, ngunit may nakahalo din doon na pagkasabik.
Bawat patak ng minuto ay tila napakatagal para sa akin. Hindi ako mapakali at halos paikot ikot ako sa kinatatayuan ko dahil sa hindi maintindihang pakiramdam. Parang gusto kong magtago pero ayaw ko din.
Hanggang sa may marinig akong sigaw. "Don't you dare touch me." Boses pa lamang na iyon ay alam ko na kung sino, agad kong hinawakan ang bouquet ng tulips, at saka huminga ng malalim.
Rinig ko ang ingay na papalapit na sila at siya, at noong makita niya ako ay nakita kong natigilan siya at wala sa sariling humakbang papalapit sa kinatatayuan ko. Kitang kita ko sa mata niya ang pagtatakha ngunit nandoon din ang tila saya o pagkaasar? Hindi ko matukoy, basta ang alam ko lamang naglalakad siya papalapit sa akin.
Parang tumigil ang oras noong pagkakataong iyon, at siya lamang ang nakikita ng mga mata ko. Malapit na siya at kakaibang saya ang aking naramdaman. Noong nasa harapan ko na siya ay hindi ko mapigilang mapatitig sa simpleng ganda niya. Muntik pa akong hindi matauhan kung hindi siya nagtaas ng kilay. Kaya naman agad kong inabot sa kaniya ang bulaklak.
"What the heck?" Bakas na bakas sa boses niya ang pagka-irita dahil doon.
"Tss. Makisama ka na lang." Asar na banggit ko naman sa kaniya at saka siya pinaupo sa upuan. Mabuti na lamang at hindi siya umangal. Laking pasasalamat ko na lamang na hinayaan niya akong makasama siya ngayon, dahil akala ko ay tatakas nanaman siya sa akin.
Naging matiwasay ang nangyari, kumain kami at nagkwentuhan kahit papaano. Nakikita ko ang mga saya sa mata niya dahil sa ginawa ko. Mas naging madilim na din ang paligid dahil sa paglipas ng oras, na hindi namin napapansin.
Habang nakatitig siya sa akin habang tumutunog ang mahinang musika ay lumapit ako sa kinauupuan niya at saka siya itinayo. "What is it this time? You are making me cringe, Gab." Mahinang saad niya na ikinatawa ko nang mahina.
Noong makatayo na siya ay pumunta ako sa likod niya at saka ko inilabas ang isang kwintas at isinuot sa kaniya. "Bullet?" She asked, after seeing the necklace around her neck. Nakita kong hawak hawak niya ngayon ang bala ng baril na nakakabit sa necklace niya. Totoong bala ng baril iyon.
I smiled at her. "Yeah, suits you well." Sambit ko sa kaniya at saka ko siya niyakap mula sa likod. Nasa malapit sa kaniyang leeg iyong isang braso ko at nakapulupot doon. Hinalikan ko din siya sa tainga na agad niyang kinaalarma kaya't natawa ako.
Nanatili kaming ganoon na hindi nag-iimikan. Lahat ay umaayon sa aking plano. At walang mapagsidlan ang kasiyahan ko ngayon. "Gab Gab..." Pagsasalita niya.
"Hmm?"
"Hindi mo na ako kailangan sundan pa nang sundan. Ito na din ang huling pagkakataon na papayag ako sa mga ganito mo, at ito na din ang huli—"
Hindi ko na hinayaan na tapusin niya ang sinasabi niya dahil natatakot ako na baka masasakit na salita lamang ang lumabas doon na makasira sa napakagandang kalagayan namin ngayon. Iniharap ko siya sa akin, at tsaka marahang hinalikan.
Naramdaman ko ang pagpulupot ng braso niya sa likod ng leeg ko at ganoon din ang pagtugon niya. Habang sinisiil ko ang ibabang labi niya ay naramdaman ko na para bang nababasa ang pisngi ko. Hindi ako umiiyak kaya't natitiyak kong hindi ako iyon, at sa pagkakataong iyon, napagtanto ko na si Light ang umiiyak.
I held her tight. Natatakot ako na tatangkain nanaman niyang magpaalam, kahit alam niyang hindi ko hahayaan iyon.
After we parted from the kiss. Lumuhod ako sa isang tuhod ko. I could see her confusion and nervousness because of my gesture. Bago pa mahuli ang lahat, inilabas ko ang singsing mula sa bulsa ko at saka nag-salita...
"Light, marry me." Mas lalong nagpatakan ang luha ni Light dahil doon. Samantalang ako ay nagsimulang magtubig ang mga mata kasabay ang napakalakas na pagtambol sa puso ko. Bawat paglipas ng segundo ay napakatagal, hindi ko alam ang kasunod na mangyayari... Nakakakaba...
"Light..." Tawag kong muli sa kaniya, at saka siya nagpahid ng luha sa mga mata. At tumitig sa akin. She held my hands. Pagkatapos ay itinayo niya ako. Umiling iling siya na mas lalong nakapagpadoble sa kabang nararamdaman ko.
"No."
Iyong dalawang letrang iyon ang nagpaguho sa mundo ko. Iyong isang salitang iyon ang dumurog sa puso ko. At iyong tinig niyang walang emosyon habang sinasabi iyon ang nagpaluha sa akin ng ganito.
Patuloy ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. Napalunok din ako dahil hindi ko maproseso sa isipan ko ang sagot ni Light. Para sa akin ay isa lamang iyong biro at kalokohan. Alam kong gusto lamang niyang makita ang walang kasinghalagang reaksyon ko.
Ngunit... Ang nagpatunay sa akin na katotohanan ang lahat ng ito ay noong tumakbo siya papalayo sa akin.
***
Hindi ko alam kung ilang beses akong nagsabi sa kaniyang pakasalan niya ako, pero lahat ng sagot niya sa akin ay hindi. Halos lampas na ata ng lima. Subalit hindi ako tumigil, araw araw kung nasaan siya at susulpot na lamang akong bigla at magtatanong kung puwede bang pakasalan niya ako.
Ang lagi din niyang kasama kapag nagtatanong ako ay si Takashi Ishido. Napalaban din ako kay Takashi isang gabi dahil sa kakulitan kong pakasalan ako ni Light. Bawat pagkakataon ay kinukuha ko para pakasalan niya ako.
Kahit mapahiya pa ako sa harap ng napakadaming tao, kapag naglalakad siya sa mga kalye dito, ay wala akong paki-alam. Kahit minsan nakikita sa sa kaniyang inis na inis na siya sa pinaggagawa ko ay hindi ko siya tinigilan.
Muntik na din akong mabugbog ni Light noong pumunta ako sa tinutuluyan niya upang magtapat ulit ng pagmamahal. Lahat ginawa ko. Hinarana ko, binigla ko, ginamit ko pa ang mga korning biro at kung ano ano pa, makasagot lamang siya ng oo, kahit hindi sinasadya, subalit lahat ng iyon ay palpak.
Dalawang araw na lamang at aalis na sila dito subalit wala pa ding nangyayari. Hindi ko siya mapasagot ng oo. Bawat hindi niya ay napakasakit para sa akin, subalit tiniis ko. Hindi ko akalain na kahit mahal niya ako ay tatanggihan niya ako. At hindi ko lubos maisip kung bakit hindi ko magawa gawang sumuko.
Gabi na ngayon at ito na ang huling pagkakataon kong sumubok na pakasalan ako ni Light dahil kailangan ko nang bumalik sa Empire.
Sinusundan ko ngayon si Light na papunta sa lugar na tago. Hindi ko alam kung anong gagawin niya doon. Marahil ay may kinalaman nanaman sa pagbuo niya ng Apocalypse.
Pagkadating sa isang gusali ay bumababa siya sa motor niya at pumasok doon. Bumababa din ako sa kotse ko ay saka pumunta kung saan siya patungo. Napakagulo ng lugar na iyon, at napakaraming mga lalaki ang may mahahabang baril.
May mga nag-aaway din sa iba't-ibang banda at mga kung ano ano pa. Solo lamang si Light na pumunta ngayon dito, at himala na hindi niya kasama si Takashi na palagi niyang kasama noon. Hindi niya kasama dito si Thunder, nasa Korea pa din ata ang isang iyon.
Maya maya pa ay naghamon na ng away si Light upang makuha na niya ang kailangan niyang pera at kung ano ano pa. Hinayaan ko siyang makipaglaban, subalit napakadami nila at iisa lamang si Light. Ang lakas din naman kasi ng apog nito na maghamon.
Nakaya ni Light ang mga mano-manong labanan, kaya't prente ko lamang siyang pinapanuod. Bawat minuto ay may tumatalsik na lamang at ang ilan naman ay bumabalibag na lamang. Mayroon ding tumatalbog na lamang sa pader at kung ano ano pa.
Ang bilis at ang lakas ng bawat galaw niya. Ito ang Light na gusto kong makita noon. Walang inuurugang labanan. Tumagal ng tumagal ang laban, subalit tila walang katapusan ang lahat ng ito.
Paminsan minsan ay nag-aalala at kinakabahan din ako dahil natatamaan si Light ng mga atake mula sa kalaban. Mayroon ding may armas na gaya ng baril at mga matatalas na balisong.
Noong mapansin kong hindi na kakayanin ni Light lahat ng kalaban niya ay agad akong lumabas sa pinagtataguan ko at tinulungan siya. Agad kong inuna iyong lalaking may hawak ng baril at saka iyon kinuha, at pinatalbog siya gamit ang malakas na suntok.
Pinagbabaril ko din ang mga sana'y titira sa aming dalawa. Dumadanak na ang dugo, subalit napakagulo pa din ng mga nangyayari. Lumaban din ako ng mano-mano at dahil sa sabay sabay na atake nila sa akin, ay natatamaan ako paminsan minsan.
Maya maya pa ay pinalibutan na kaming dalawa at magkatalikuran na kami. Kinuha ko ang pagkakataong iyon upang magtanong.
"Light." Mahinang imik ko sa pangalan niya. "Will you marry me?!" Malakas na sigaw ko naman na ikinatawa noong mga lalaking napapalibot sa amin. May ilan pang nagsabi kung nahihibang na ba ako.
"Shut your mouth, Gabriel. The answer is NO!" Asar na banggit pa niya at saka nagsimulang lumaban muli. Tiim bagang din akong sumugod dahil sa sagot niya. Damn, pang-ilang tanggi na ba iyon?
"Marry me!" Sigaw kong muli habang hawak ang isang lalaki sa leeg at ang isa naman na sanay pasugod sa direksyon ko ay binaril ko. Itinapon ko ang lalaking hawak ko sa leeg sa isang banda at saka muling sumugod sa iba pa.
"Damn you. Nasa bingit tayo ng panganib kasal ang iniisip mo?! Pakasalan mo iyang baril mo!" Galit na sigaw pa sa akin ni Light. Lahat ng inis at galit ko dahil sa mga pagtanggi niya sa akin ay ibinuhos ko sa laban.
Hindi nagtagal natapos kami doon, subalit may mangilan ngilan pang tumawag ng back up, kaya naman tumakbo si Light sa isang banda upang kumuha ng isang brief case at dali daling umalis. Umalis na din ako dahil alam kong tatakas na kami.
Nauna akong sumakay sa kotse ko dahil alam ko kung gaano kabilis papatakbuhin ni Light ang motor makatakas lamang sa akin. Noong magsimula na akong patakbuhin ang sasakyan ay naramdaman ko na may kakaiba.
Hindi ko ito makontrol. Sa bilis ng sasakyan ay napamura na lamang ako nang sobra sobra. May mga sasakyan pa naman akong kasalubong kaya't umiwas ako. Walang preno ang sasakyan ko marahil ay dahil doon sa mga nakalaban namin.
Pagkatapos iyong mga nakasalubong kong mga sasakyan ay paniguradong iyong mga back up. Mabuti na lamang at hindi kami noon nahalata na kami iyong tumatakas mula sa mga kakampon nila.
Tumingin ako noon sa side mirror ng kotse at nakita ko ang motor ni Light na sinusundan ako. Hindi niya ako pinalalagpasan at alam kong alam niya na may mali na sa sasakyan ko. Paliko ang kasunod na daan kaya't kabig kabig ko ang manibela sa lahat ng aking makakaya, at kung mamalasin ka nga naman, dahil sa sobrang tulin ng sasakyan na ito, at biglang pagliko ko at umikot ikot ito, at saka sumalpok sa isang napakalaking puno.
"Fuck!" Hindi mapigilang mura ko noong maramdaman ng katawan ko ang napakalakas na puwersa at ang tila matitilos na bagay na humiwa sa aking balat. Naramdaman ko agad ang pagkaliyo dahil doon, at kaunti na lamang ay pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng malay dahil sa matinding pagkakabangga ng kotse.
Sobrang labo ng aking paningin at halos kumirot ang lahat ng parte ng aking katawan. Ramdam na ramdam ko ang matinding sakit doon, pagkatapos ay may naririnig man akong sigaw ay hindi ko maintindihan dahil tila matinis na ingay na aking naririnig.
"Gab Gab!"
"Damn you, Evans!"
"Dang wake up, idiot!"
Wala akong maintindihan sa naririnig ko at tanging ingay na kung ano ano lamang. Idagdag pa ang sakit ng aking katawan na parang kinakain ang lahat ng lakas ko. Akala ko mamatay na ako dahil sa napakatinding sakit noong may parang nabasag sa aking gilid.
Pagkatapos ay naramdaman ko ang tila napakalakas na puwersa na humila sa akin palabas sa kotse. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyayari basta may tinig akong naririnig.
"Wake up. Wake up. Fuck!" Hindi magkandaugaga ang tinig na iyon. Madilim ang paligid ko at noong imulat ko iyon ay napakalabo naman ng paningin ko. Ngunit kahit ganoon ay alam kong si Light ang babaeng sumasampal sa akin nang mahina.
"Oh shit!" She exclaimed. "Hold on, Gab. Dadalhin kita sa ospital, huwag kang pipikit!" Utos pa niya sa akin. Napangiti naman ako dahil doon. At noong makita ko na nang tuluyan ang kaniyang mukha at tila na manhid na ang katawan ko sa sakit.
Tatayo sana siya para ilapit ang motor niya sa kinalalagyan ko ay hindi ko siya hinayaan at hinawakan ko ang kamay niya nang mahigpit at saka ako umiling, sensyales na huwag niya akong bitawan. "No! Kailangan kitang dalhin sa ospital!" Galit na imik niya sa akin.
"H-hindi." Hirapang sambit ko naman.
"Gab!" Pagbabanta niya sa akin.
"M-Marry m-me..." Bago ko pa mabuo ang mga salitang iyon ay napakahirap at napakasakit sa lalamunan.
Nakita ko naman ang biglang pag-iyak ni Light dahil sa sinabi ko. "Gago ka!" Bulyaw niya sa akin. "Puwede bang alalahanin mo muna iyang sarili mo bago ako?!" Galit na sigaw pa niya.
"M-Ma-Marry m-me..." Tanging ulit ko.
"Agh! Nakakainis ka!" Imik pa niya. "Nag-aagaw buhay ka na, tapos iyan ang sinasabi mo sa akin!"
"Marry me..."
"YES, I WILL! At huwag mo akong iiwan! Huwag kang pipikit at kailangan mo pang madala sa ospital!" Hindi magkaintindihang bigkas niya na agad na nakapagpangiti sa akin. Parang bigla akong nagkaroon ng natatanging lakas.
"You will, marry me? Promise?" Paninigurado ko pa.
"Yes. Oo. Promise. Pakakasalan kitang gago ka, kaya hindi ka pa puwedeng mamatay!" Matapos niyang sabihin iyon ay unti-unti nang pumikit ang mga mata ko, at sumilay ang ngiti sa labi ko.
Panghahawakan ko ang pangako mo, Light...
***
Nagising ako at ang tanging nakikita ko lamang ay puting kisame at mga pader. Nakita ko din ang dextrose na nakakabit sa akin, kaya't alam ko nang nasa ospital ako. Medyo mabigat ang pakiramdam ko at masakit ang aking katawan.
Kada galaw ko ay may kumikirot sa akin, at napakadami ko ding benda sa katawan. Proweba na matindi talaga ang pagkakabangga noong sasakyan, pasalamat na lamang ako at matibay ang unahang bahagi noong sasakyan kaya't hindi kasama sa nayupit ang paa ko.
Maya maya pa ay may pumasok na nurse sa kwarto ko. "Mr. Evans?" Tanong nito sa akin, at saka may kung ano anong ginawa, para daw mas bumilis ang paggaling ko. Subalit wala akong pakialam doon.
"Where's Light?" I asked. Noong una ay nagtakha siya, marahil ay hindi niya alam kung sino iyong tinutukoy ko.
"Ah? Iyong babae po, sir?" Magalang na tanong nito sa akin. Agad naman akong tumango. Sigurado akong siya iyon. "She went out, but she'll be back later." Nawalan na agad ako ng gana noong sabihin iyon ng nurse.
Ang akala ko pa man din ang una kong makikita pagkagising ko sa ospital na ito ay ang nag-aalalang mukha niya, iyon pala nurse lamang. Tsk. At saka saan pa siya nagpunta at kailangan pa niyang umalis? Mas importante pa ba iyon kaysa sa akin? Tss.
ILANG oras ang lumipas subalit wala pa din si Light. Medyo hindi na din ganoon kasakit ang katawan ko. Ang sabi isang araw na daw akong nandito. At hindi pwede ito. Kailagan ko nang bumalik, pero kailangan maikasal din kami ni Light.
Hindi ako puwedeng mag-aksaya ng oras dito sa ospital, kaya naman tinggal ko na ang dextrose ko at saka tumawag sa mga tauhan ko, at ganoon na din sa isang napaka-importanteng tao na nandito lamang sa tabi-tabi.
Sinabi ko sa kaniya ang plano ko at sumang-ayon naman siya dahil maayos naman daw ang lahat. Hindi na ako nagpaligoy-liguy pa at umalis ako ng ospital. Siyempre, takas ako dahil hindi puwedeng umalis ako na alam ng iba.
Hirapan pa akong maglakad noon kaya't palihim akong kumuha ng saklay, at saka mabilis na lumabas ng ospital na ito ng walang nakakahalata. Pagdating sa parking ay may sasakyang tumigil sa harapan ko at saka ako sumakay doon.
Walang imik imik ay dinala niya ako sa lugar kung saan ko napagplanuhan. At gaya ng inaasahan, may tumawag sa akin pagkalabas na pagkalabas ko ng kotse na aking sinasakyan.
"Where the heck are you, Evans?!" Galit na bulyaw nanaman niya sa akin.
"Light..." Iniba ko ang boses ko na tila ba nahihirapan. Agad kong naramdaman ang pag-aalala niya dahil doon. "T-Tulong..." Mabuti na lamang at nanghihina talaga ako kaya't madaling umarte.
"Damn! Nasaan ka?!" Agad kong sinabi ang lugar kung nasaan ako at tiyak na magugulat siya pagkarating niya. Siya na ang nagbaba ng tawag at sigurado akong nagmamadali na iyong lumipad patungo dito.
Dumiretso ako paloob ng gusali at doon ko nakita ang tumulong sa akin para maisagawa ng maayos ang planong ito. Ngumiti lamang siya sa akin, at ganoon din ako.
Nag-ayos na iyong ibang tauhan na nandito at ang tanging inaantay na lamang namin ay ang pag-dating niya.
Wala pangtrenta minutos ay halos patakbo na niya akong sinalubong. Nandoon kasi ako sa pinakaharapan noong gusali. Agad siyang tumakbo sa mga bisig ko at niyakap ako ng pagkahigpit higpit. Nasaktan pa ang ilang bahagi ng katawan ko dahil sa ginagawa niya.
"Damn you." Agad na sambit niya sa akin. "Anong tulong?!" Galit na sambit niya. "Maayos na maayos ka. At nakabihis ka pa nang ganiyan. Anong ipinunta mo dito?" Dirediretsong banggit pa niya. Madaldal pala talaga ito kapag nag-aalala. Ibang klase.
"You made me damn worried, akala ko nag-aagaw buhay ka nanaman!" Pinatahimik ko siya gamit ang mga labi ko, pinaglapat ko lamang ang mga labi namin at saka ako ngumiti at hinila siya paloob.
Naramdaman ko ang pagkabato niya sa kasunod niyang nakita. "Lolo?!" Agad siyang tumakbo papunta sa kaniyang lolo na parang batang tuwang tuwa dahil may surpresa siyang maliit na kendi. Tatawa tawa naman ang lolo niya sa pagkakakita sa kaniyang apo.
"Takashi." Banggit din niya sa katabing lalaki ng kaniyang lolo.
Lumapit ako sa kanila at saka ako nagbigay galang kay Mr. Leonard, magtatanong na sana si Light kung bakit nandito ang lolo niya at kung bakit dito siya napadpad ay hinila ko na siya papunta sa unahan. Kunot noo niya akong tingnan dahil doon, sa isang iglap ay naging seryoso nanaman siya.
"We are getting married Light." I said with a beam. Aalma pa sana siya ngunit nagsimula na ang seremonyas ng kasal, at nanatili siyang tahimik, at paminsan minsan ay lihim na ngumingiti.
Hindi ko tuloy maalis ang titig ko sa kaniya.
This is not the perfect wedding I wished I could give her. This is not the wedding she deserves. This is not the wedding with everything proper and prepared. However, I know, that this is the wedding she will remember the most.
Wala kami sa simbahan o kung ano man, isang judge ang nagkasal sa amin na pinagkakatiwalaan ni Mr. Leonard. Ngunit, kahit ganoon ay napakasaya naming dalawa. Kahit hindi man ipinapakita ni Light iyon sa pisikal na aspeto, alam kong sa loob loob niya ay walang katulad ang kagalakan na kaniyang nararamdaman.
"I do." Ang pagpapalitan namin ng salitang iyon ang isa sa pinaka-emosyonal na sandali ng buhay ko. Nasa harapan ko siya at kinakasal kami, subalit parang hindi pa din ako makapaniwala. Kakaibang kaba, saya, at pagkasabik ang aking nadadama.
Ang puso ko ay napakalakad at napakabilis ng tibok. Lalong lalo na noong nagpalitan kami ng singsing. Hindi din mapakali ang buong sistema ko. Ito ang unang beses na naramdaman ko iyon. Gusto kong sumigaw sa sobrang saya, gusto kong ipagsigawan sa mundo na mapupunta na sa kaniya ang apelyido ko.
Ito na ata ang araw na hinding hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko. Lahat ng pasakit, pahirap, mga pagsubok, mga pagkakalayo naming dalawa, mga hadlang sa pag-iibigan namin, mga luhang iniluha namin... Lahat iyon... Lahat iyon... Nalampasan namin, at masasabi kong walang katumbas na halaga iyon.
Princess Light Smith... Evans. She's worth all the wait, all the trouble, and all the love. She's worth it.
"You may now, kiss your b—" Hindi pa man natatapos noong judge iyong sinasabi niya ay hinapit ko na ang baiwang ni Light at saka siya hinalikan. Naramdaman ko ang pagporma ng ngiti sa kaniyang mga labi kasabay ng pagpatak ng masayang luha sa aming mga mata.
Matiwasay na natapos ang kasal. Nakapirma na din kami sa mga papel at kung ano ano pang kailangan. Masaya si Mr. Leonard para sa amin, at alam ng magulang ni Light ang nangyaring ito, ayon kay Emperor X, gustuhin man nilang makita ang anak nilang sumambit ng 'I do' ay hindi na nila nagawa.
Basta ang kasunduan namin ay magpapakasal kaming muli ni Light kung saan masasaksihan na ng lahat ng mahal namin sa buhay.
"I love you, Nathaniel Gabriel Evans." She said while beaming then she gave a peck on the lips.
"I love you more, Princess Light Smith-Evans."
***
Akala ko magkakasama pa kami ni Light matapos ang kasal namin, subalit isang malaking hindi ang sagot.
Umalis na siya pabalik sa Korea, at ako naman ay kasama ni Mr. Leonard pabalik sa Empire. Hindi ko maitago ang pagkadismaya sa nangyari. Iyong akala kong tapos na ang lahat hindi pa pala.
Pagkabalik na pagkabalik ko sa Empire ay isang malaking gulo ang nangyayari. May kalaban nanaman ang Empire, at kailangan nilang patumbahin iyon sa lalong mas madaling panahon.
Kaya naman ang nangyari ay inatras nila ang dapat ay kasal namin ni Cassidee. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Kahit kasal kami ni Light ay hindi ako makapapayag na ikasal ako kay Cassidee kahit maging void pa iyon.
Ang sabi nila sa susunod na mga buwan na lamang kami ikakasal. Wala na akong paki-alam doon at hindi ako sumang-ayon. Medyo inis pa nga ako, dahil wala sa akin ang wedding ring namin ni Light, dahil nasa kaniya iyon. Mahirap na daw at baka kutuban ang Empire. Tsk.
Maayos ang naging takbo ng lahat, parte ako ng Apocalypse bilang Cero, at alam ko ang bawat galaw nila. Nalaman ko din ang baho ng mga itinuring naming kaibigan ni Light (maliban kay Lian) kaya't naging distansya ako sa kanila, at hindi ko sila maatim na pakitunguhan ng maayos dahil sa pinagagawa nila.
Si Skyler naman, alam ni Light ang tunay na itinatago niya, samantalang ako ay may alam din. Sa ngayon, nagpapanggap na may relasyon iyong dalawa para hindi kami mabuking. Iniisip ko pa lamang iyon ay hindi ko maiwasang mainis.
Mabuti pa ang hayop na iyon, nakakasama si Light. Samantalang ako hindi.
Nagpanggap din akong parang maayos kami ni Cassidee dahil sa utos ni Light.
Lahat ng nangyayari ay ayon sa mga plano namin, halos taon na ang lumipas, sa loob ng panahong iyon ay nagkikita kami ni Light ng patago, lingid sa kaalaman ng iba. Nagpakasal din kami sa Korea at sa Spain.
Wala na ata akong mahihiling pa kung hindi ang magsama na lamang kami ng hindi nagtatago. Iyon na lamang isang napakasayang buhay na ang makakamit namin, ngunit naglaho ang lahat ng iyon noong makatanggap na lamang ako ng tawag kay Light at sinabi niyang...
"Pakasalan mo si Cassidee."
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko noon na para bang ipinagtutulakan niya ako sa babaeng iyon. Damn it. Wala akong pakialam kung void man ang kasal o kung ano pa, hindi ko lamang kayang pakasalan si Cassidee.
"No." Madiing banggit ko pa sa kaniya.
"Yes." She countered. Binantaan niya akong hinding hindi na siya magpapakita sa akin, kung hindi ko susundin ang sinasabi niya. Hindi ako nagpatalo, at tila balewala lamang sa akin iyon dahil kayang kaya ko siyang hanapin ngayon at sabihin sa lahat na kasal na kami.
"Light. Nandito ako sa Empire, kahit gusto kitang makasama sa Apocalypse. Ako ang mata mo sa Empire. Hindi pa ba sapat iyon? Ang empire ko ang may kasalanan ng lahat! Hindi pa ba sapat na bawat kilos nila ay binabantayan ko?" Hinaing ko sa kaniya. Pakiramdam ko ay umiiling siya sa kabilang linya habang nagbubuntong hininga.
"Gab." Pagtawag niya sa akin.
"Damn it. Hindi puwede Light—"
"You need to!" Nagulat ako sa biglang pagsigaw niya. "Kailangan mong gawin iyon, para tuluyan kang makapasok sa Yobbo Empire!" She beseeched. Nagulat ako dahil doon. Basag ang boses niya at alam kong umiiyak siya ngayon.
"Why? Bakit pa—"
"Dahil hindi ang Empire mo ang pumatay sa kapatid ko! Ang Yobbo Empire ang may kasalanan ng lahat, Gab! And guess what? With the special participation of Philip Evans!"
Parang nanghina ang tuhod ko noong pagkakataong iyon... Nakatulala lamang ako habang may mga sinasabi si Light sa kabilang linya subalit hindi ko na ito maintindihan dahil sa narinig ko kanikanina lamang.
Parang bumalik sa akin ang sinabi ni Mr. Leonard noon.
"This is just a hypothesis, Nathaniel."
"Just a hypothesis."
Hypothesis. Bakit ngayon ko lamang napagtanto ang bagay na iyon? Na walang kasiguraduhan na ang Empire namin ang may kagagawan? Ibig sabihin isang malaking kasinungalingan ang tradisyon? Hindi ko na alam ang katotohanan sa hindi. Mas lalong nagulo ang aking isipan.
Magiging masaya ba ako sa nalaman ko na wala talagang kinalaman ang Empire ko? O mas guguho ang mundo ko dahil ang ama ko ang isa sa tunay na nagpahirap sa amin noon ni Empress kasama ang Yobbo Empire.
Paano? Bakit? Ang Yobbo Empire? Ilang kasinungalingan pa ba?
"So please, you need to enter the Yobbo Empire fully. For my twin."
Damn it. Yobbo Empire. You will pay bigtime for making my queen and her sister suffer.
End of Flashback
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top