Liar 3: Sei

Unti-unting sumilay ang kakaibang ngiti sa labi ko, matapos kong mabasa ang invitation na iyon. “Kailan mo pa ito natanggap?” Mahina ngunit mapanganib na tanong ko kay Kuya Thunder. Alam kong mangyayari at mangyayari ang bagay na ito, ngunit hindi ko akalain na ganito kabilis.

“Kanina lang, kaya nahuli ako ng dating dito.” He explained firmly. Mahigpit kong hinawakan ang invitation na iyon, at saka ako nag-labas ng lighter. Sumiklab doon ang maliit na apoy noong gamitin ko iyon. Unti-unti kong inilapit ang invitation doon, at tila nag-ningning ang mga mata ko noong makita ko iyong unti-unti iyong tinutupok ng apoy. Hindi nagtagal umapoy iyon ng tuluyan at lumalagpak ang abo mula doon. Hanggang sa bitiwan ko iyon at noong halos apoy na lang ang natira, ay inapakan ko na ito.

“Tss.” Mahinang usal ko. 2 weeks from now, gaganapin na ang wedding na iyon. Pumunta kaya ako doon o huwag na? Tsk, nakakawalangana naman ang wedding mas gugustuhin ko pang pumunta sa patayan. Tsk.

“So anong plano?” Bilang tanong ni Kuya Thunder, nag-kibit balikat ako dahil sa tanong niya. “You can go wherever you want, I’ll stay here as a sniper. At saka, pakitawagan ako kapag nasa arena na si Tiara, I’ll watch her battle.” Seryosong pahayag ko, pakiramdam ko tumango naman si Kuya Thunder at saka ko naramdamang umalis na siya.

Bumalik naman ako sa pusisyon ko kanina at tiningnan ang ibaba gamit ang telescope. Halos umuusok ang buong lugar at patuloy kong naririnig ang mga putok ng baril pati na rin ang ingay ng sasakyan at marami pang iba. Napa-iling na lamang ako, at napatingin sa madilim na langit.

I guess, being ruthless and merciless is my only choice. Huminga ako ng malalim at saka nag-simulang gamitin ang espesyal na baril na ito. Hindi ko alam kung ilan iyong pinatamaan ako, tuloy tuloy lang ako kapag may nakikita ako. Hindi ko rin alam kung bakit, ang higpit ng hawak ko sa baril na ito. Marahil ay dahil sa inis na nararamdaman ko.

Hindi nagtagal umalis na ako doon, at bumababa sa building. Tumawag din ako ng ilang tauhan upang, ayusin nila ang iniwan kong gamit doon. Noong makababa ako, may mangilan ngilan akong nakalaban, ngunit lahat sila ay walang kahirap hirap kong pinutol ang hininga.

Nagtatago ako sa dilim noong maramdaman kong mag-vibrate ang telepono ko, kaya’t tiningnan ko iyon. Nag-sisimula na si Tiara. Iyon ang sabi ni Kuya Thunder sa text niya.

Mabilis akong nakakita ng motor at mabilis ko iyong pinaandar, mabuti naman at hindi ko na kailangan ng susi, mukang naiwan ng isa sa mga napatay dito. Pinaharurot ko iyon hanggang nakarating ako sa arena. Doon ko nakita ang napakaraming halos nagwawalang mga gangsters at ilang mafias.

Nakita ko rin sa stage si Tiara na nakikipaglaban sa mga gang leaders. Mabilis ang kilos nito tulad ng inaasahan. Hindi pa rin nito ginagalaw ang katana na nasa likod niya, tangging katawan pa lamang ang gamit niya. Ibig sabihin hindi pa niya ginagamit ang kahit kalahating pwersa niya. Napangisi naman ako doon, at tahimik na nagtago sa isang tabi dito sa loob.

Punong puno ng dugo ang paligid ang ingay ingay at puro sigawan. Ilang sandali lang naramdaman kong may tumabi sa’kin, kaya mabilis ko iyong sinakal sa leeg at tinutulan ng kutsilyo. “Fuck, Riyah. It’s me.” Napataas ang kilay ko noong marinig ko ang boses. Si Kurt, tss. Bakit ba naman kasi lagi na lang sumusulpot ito ng ganito. Tsk. Konti na lang talaga mapapatay ko na ang lalaking ito.

“Why are you here?” Walang kagana-ganang tanong ko habang nakatingin sa stage kung saan napakaraming laban ang nagaganap. Naramdaman kong nagkibit bakikat si Kurt.

“Gusto ko panuodin si Tiara. Masama?” Maangas na tanong niya. I just rolled my eyes, at hindi ko na siya pinansin. Patuloy kong tiningnan ang labang nagaganap. Madugo, brutal, mabilis, at wala kang makikitang awa sa mata ng kahit sino. Isa sa mga labang gustong gusto kong makita. I love tgis kind of battle, the battle of the monsters who aim for their enemy’s blood. Terrifying battle, which will kill you of you are weak.

“Ayaw mo makipaglaban?” Napataas ang kanang kilay ko dahil sa sinabi ni Kurt. Pinaglaruan naman ng kaliwang kamay ko ang dagger na hawak hawak ko. Ako? Lalaban? Tss. Huwag na, nakakatamad.

“Nakakatamad, mukang wala namang thrill.” Maikling banggit ko. Saka pinagmasdan ang bangkay ng isang lalaki na nakatirik ang mata na mayroong kutsilyo sa dibdib niya.

Bakit pa ako mangingialam, kayang kaya naman ni Tiara at ng mga apocalypse iyan. Kahit gaano kadugo at kabrutal ang laban nila, tinatamad akong makipaglaban, dahil hindi pa ito ang oras upang maki-alam ulit ako.

“Woah naman, Riyah? Iyan ba ang walang thrill? Kabilaan ang pagdanak ng dugo at walang kaawa awang pagpatay, pagkatapos walang thrill?” Hindi makapaniwalang tanong ni Kurt.

Ibinaling ko ang tingin ko sa kaniya dahil sa sinabi niya. Tiningnan ko siya ng matalim, napalunok naman siya dahil doon, ngunit tiningnan din ako sa mata. Kita ko na medyo kinabahan siya dahil sa inasta ko. I smirked at him. “It’s not thrilling for me.” Bale-walang sagot ko. “Thrilling battle for me, would be—killing Philip Evans, Catherine Servilla, and Reid Servilla.” With those words, I can feel my rage, and Kurt’s tension.

“Tutuloy mo pa rin ang plano mo sa kanila?” Seryosong tanong ni Kurt sa’kin. Hindi ko inalis ang pagkakatitig ko sa kaniya at nagpakawala ako ng mahinang tawa. “I will. What do you think? Anong magandang regalo sa ikakasal na si Gab at Cassidee? Pinakamagandang regalo siguro, iyong malamig na bangkay ng tatlong taong iyon.” Nakangising sagot ko, saka ko itinara ang dagger ko sa gilid malapit kay Kurt. Kitang kita ko ang gulat at takot sa muka ni Kurt, dahil akala niya siya ang tinira ko ng dagger, ngunit isang gangster lang naman na biglang napadpad sa kung nasaan kami.

“Tangna naman, Riyah. Hindi talaga ako mapakali kapag kasama ka. Pwede ako mamatay sa isang iglap lang.” Iiling iling na sabi niya, kita ko rin na tila pinagpawisan siya ng malamig dahil sa biglaang kilos ko kanina isama mo iyong sinabi ko sa kaniya.

“Tsk. Are you really planning to kill them, and give them as a present?” Mahinang tanong ni Kurt, kinakabahan pa rin siya ngayon, halata naman dahil pinagkikiskisan niya ang mga palad niya.

Marahan ko siyang binigyan ng mahinang tawa ko. Pakiramdam ko, nagtaasan ang balahibo niya sa sobrang kaba, dahil kasama niya ako. “I would love to. But, this ain’t the time.” Mahinahong sagot ko sa kaniya. Nakita ko ang stage na dalawang mafia leader ang kalaban ni Tiara at gamit na niya ang dalawang katana niya. Napangisi ako dahil sa nakita ko.

Ngayon na magsisimula ang gusto kong makitang laban. Unang umabante ang lalaking naka half mask at nakakulay pula na damit. Malaki ang pangangatawan nito, at nakakasindak pagmasdan. Nauna itong tumira papalapit kay Tiara, ngunit parang hangin lamang na sumugod si Tiara at parang nalampasan lamang niya ang lalaking iyon. Akala mo walang epekto ang ginawa niya, pero nahati ang maskara noong lalaki at ipinakita noon ang buong muka niya. Ang kalahating muka niya na nasa bandang kanan na tinatakluban kanina ng maskara, sunog pala.

Nagalit ang lalaki dahil sa ginawa ni Tiara, kaya’t walang pakundangan niya itong sinugod. Galit na galit ito, at nakita kong natamaan si Tiara ng ibang mga suntok nito. Napa-iling ako doon, kung kanina pa niya ginilitan sa leeg ang lalaking ito, tapos na sana tss. Ito ang ayaw ko kay Tiara, patagal ng laban.

Tuloy tuloy ang mabibilis na kilos nila, kung titingnan mo, parang nagsasayaw lamang si Tiara at nakikipaglokohan, kahit natatamaan siya ng ibang suntok at atake ng kalaban. Kung normal na gangster ang nanunuod ng laban nila, siguradong hindi nila masasabayan ang bilis at lakas ng kilos ng dalawa. Ngunit sa mga mata kong ito, kitang kita ko ang atake nila sa isa’t-isa. Maingat ginagamit ni Tiara ang katana, at hindi na papansin ng kalaban niya na ang dami na nitong hiwa dahil sa gaan at bilis ng kilos ni Tiara. Samantalang tuloy lamang sa depensa at atake ang lalaking kalaban, kahit natatamaan niya si Tiara, wala itong ganung epekto dahil sa kita mo na rin sa muka ng lalaking ito ang panghihina at unti-unting pagkatalo.

Naiinip na ako, ngali ngali ko ngang batuhin ng matalim na dagger ko, iyong lalaki sa ulo nito, upang matapos na ang laban. Ngunit pinigilan ko ang sarili ko na huwag mangialam.

Hindi ko alam kung ilang minuto pa nagtagal ang laban, ngunit napangiti ako noong makita kong sinaksak na ni Tiara iyong lalaki sa tyan. “Farewell.” Kitang kita ko sa pagbigkas ng bibig ni Tiara ang mga katagang sinabi niya. Napangisi naman ako doon, sa wakas tinapos na rin niya.

Natahimik at nakatutok na lahat ng underlings noong lalaki sa stage, at hindi sila makapaniwala sa sinapit ng amo nilang tumutulo ang dugo mula sa bibig at nakahiga na sa sahig na naliligo sa sarili nitong dugo. Unti-unting lumuhod ang mga underlings nito, at nag-bow. Isa lamang ang ibig sabihin noon, wala ng buhay ang amo nila at handa silang sundin kung sino man ang nakapatay dito.

Ngumisi si Tiara dahil sa nangyari. Nagkaroon na ng— sabihin na nating ‘kapayapaan’ sa arena. Hindi na nakikipaglaban ang lahat. Nakkaabinging katahimikan din ang maririnig mo. Dalawang tao na lamang ang nasa stage. Ang isang lalaking tila may kapang kulay itim at medyo ay kapayatan ang pangangatawan. Tsk. Ang lalaking ito, kahit sa malayuan, kilala ko siya. Nakalaban ko na siya noon. Hindi biro kalaban ang lalaking ito, dahil sa kakaibang paraan nito ng pagpatay. Ang “Die or Live,” napaborito niyang laruin.

“Teka, iyong lalaki, ang famous mafia leader D or L.” Mahinang sabi ni Kurt, habang nakatitig sa unahan. Ngumisi naman ako doon, tama si Kurt. Die or Live, Tiara. Wish you luck.

“Miss.” Pakiramdam ko kinilabutan ang lahat dahil sa malamig na tinig na iyon. Natigilan rin si Tiara sa stage dahil sa sinabi noong lalaki. “Die or Live.” Nakaramdam ako ng excitement dahil sa tinuran noong lalaki. Simple lamang naman ang laro ng lalaking iyon. Pipili ka lamang sa dalawang parang gem na hawak niya, at doon naka-ukit ang kapalaran ng pipili.

Lahat ng manunuod tutok sa laban. “Blue.” Muntik ko ng masaksak sa dibdib si Kuya Thunder kung hindi lamang siya naka-ilag. Agh. Bakit ba nila kailangan sumulpot na lang basta basta? Hindi na ako magtataka kung isang araw patay na sila dahil sa pang-gugulat sa’kin.

“Damn you, blue.” Asar na wika nito, at makakaramdam ka rin doon ng kaba.

“Saan ka galing, tanda?” Narinig kong tanong ni Kurt kay Kuya Thunder. Pakiramdam ko naman binatukan muna ni Kuya Thunder si Kurt dahil sa pagtawag nito sa kaniya ng ‘tanda’. Tsk. Kahit kailan talaga ang dalawang ito. Tss.

“Andun ako sa kabilang, banda kanina pa hindi ko kayo makita. Aalis na sana ako, andito lang pala kayo.” Paliwanag ni Kuya Thunder, pagkatapos ay nag-usap ulit sila, habang nakatingin sa stage.

Hindi nagtagal natahimik din sila at tiningnan mabuti ang nangyayari sa stage. Nakatayo pa rin si Tiara, habang hawak ang dalawang katana niya, habang ang lalaki naman ay nakikita ko ang kakaibang ngiti sa labi. Tss. Kadayaan niya kamo. Tsk.

“Choose die or live.” Pag-sisimulang mag-salita noong lalaki habang iniikutan si Tiara. Samantalang kita ko ang pag-kaasar ni Tiara, ngunit hindi siya kumilos sa kinatatayuan niya. “If you choose ‘die’ you’ll willingly give me your life. If you choose ‘live’ I’ll acknowledge you as the leader of Appcalypse and the strongest here in Germany. Deal?” Rinig na rinig mo ang boses ng lalaking iyon dahil sa sobrang tahimik ng lugar. Ramdam mo rin ang kilabot ng mga nanditong nanunuod.

“Tss. That simple?” Nakangising tanong ni Tiara, kaya’t marahang tumango iyong lalaki. Natawa naman ako sa isip ko dahil doon. ‘That simple,’ ang lakas maka-that simple ni Tiara. Tss. Paano kaya kung sabihin konh ang dalawang gem na hawak ng lalaking iyon ay parehas Die. I hope she won’t regret her decision.

“I’ll choose.” Matapang na sagot ni Tiara habang mayroong ngisi sa labi.

“Pagkakaalam ko, ni-isa wala pang nakakuha ng ‘live’ dyan sa laro ng lalaking iyan. May kadayaang taglay ang kupal na iyan eh.” Narinig kong sabi ni Kurt kay Kuya Thunder.

“Edi isa lang ibig sabihin noon, kung mali ang makuha ni Tiara. It’s game over for her. She’ll die. And I think, we’ll handle the rest.” Kibit balikat na sabi ni Kuya Thunder kay Kurt. Tsk. Ang sarap tarakan ng kutsilyo ng dalawang ito sa bibig, ang ingay.

“Sayang, good kisser pa naman si Tiara.” Agad akong kumuha ng shuriken sa bulsa at pinuntirya si Kurt. “Damn.” Narinig kong mura nito sa‘kin dahil sa ginawa ko. Tss. Aalma pa siya, naiwasan naman niya.

“Ang ingay n’yo.” Asar na sambit ko sa kanila. Kaya’t tumahimik sila.

Nakalaban ko na ang lalaking iyan. At parehas ‘die’ ang nakalagay sa gem niya. Nakaligtas ako noon game niya noon, noong siya ang muntik ko ng mapatay dahil sa bilis ang atake ko. Hindi ako tanga para magpa-uto sa game niya. Kahit lahat na nauto niya.

Sumenyas iyong lalaki at may pumanik na utusan niya at naglagay doon ng table. Noong mailagay iyon. Inilagay niya ang dalawang gem na nakabaliktad. Pinaglaruan niya iyon, kitang kita mo na parang nililito niya si Tiara doon. Samantalang si Tiara naman ay focus sa mabilis na paggalaw ng kamay noong lalaki.

Lahat kami ay tahimik, hanggang sa itigil noong lalaki ang tila pag-lito kay Tiara. Inilahad nito ang kamay niya at umimik. “Choose, my dear.” Nakangising sabi nito.

Pakiramdam ko naman ay hindi mapakali si Tiara sa pusisyon niya. Tsk. Kasalanan niya iyon. Padalos dalos sa disisyon. Kung matalino siya, malalampasan niya. Kung papairalin nanaman niya ang pagka-mayabang niya, sigurado akong katapusan na niya, at wala akong balak tulungan siya.

“Wait. How can you assure me, that it’s not both die?” Tila paghahamon ni Tiara doon sa lalaki. Napa-ngisi naman ako doon.

“Then it’ll be your fate to die.” Seryoso at malamig na tugon noong lalaki, habang may mapaglarong ngisi sa lalaki. Ibang klase. Mabuti na lamang at hindi ko nilaro ang game na iyan noon, at mabilis ko lamang siyang inatake at tiningnan parehas ang gem na parehas may ‘die.’

Ano kayang gagawin ni Tiara ngayon? Kukunin parehas ang gem? I wonder.

Kabado ang lahat maliban sa’kin. Kitang kita ko sa mata ni Tiara ang kaba, dahil mapapahiya siya kung matatalo siya sa larong ito. Unti unting inilapit ni Tiara ang kamay niya sa nasa kanang gem, bago pa niya mailapat ang kamay niya doon ay inilipat niya iyon sa kaliwa, na mas nakapagpatindi ng tensyon lalo na noong kunin na niya iyon.

Ngumisi iyong mga lalaki at sumenyas sa mga tauhan niya. Lumapit ang mga tauhan nito at pinalibutan si Tiara. “Give me your gem.” Mapanganib na sabi noong lalaki. Ngunit hinigpitan lamang ni Tiara ang pagkakahawak sa gem. Mukang naiinip na ang kalaban kaya’t pinuwersa na nila si Tiara uoang makuha ang gem.

Akala ko katapusan na ni Tiara, ngunit unti unting sumilay ang ngisi sa labi ko sa kasunod niyang ginawa. Ibinato niya iyong gem sa isang parte at bigla iyong sumabog.

“Ahh!”

“Bullshit!”

“Move!”

Malakas ang naging sigawan at bakas ang pagkabigla ng lahat noong ibato iyon ni Tiara at pasabugin. Mukang noong hinawakan niya ng mahigpit ang gem ay naglagay siya doon ng maliit na explosive at saka niya ibinato kaya’t sumabog ito.

May ilang natamaan dahil sa pagsabog, at may ilan ding nawalan ng buhay. Kaya’t mas naging tensyonado ang lugar. Mabilis din ang kilos noong lalaki at ngayon ay sakal sakal na niya ang leeg ni Tiara habang hindi makakilos si Tiara dahil hawak siya ng tauhan noong lalaki.

“I’ll kill you, bitch!” Nang-gagalaiting sigaw noong lalaki ngunit tumawa lamang si Tiara.

“You can’t. We have a fucking deal, dear. Now, mind to show me your gem? If it’s ‘die’, it only means I picked the ‘live’ gem. And if it’s ‘live’ that means I picked the ‘die’ gem. Let’s be fair in here.” Nakangising sagot ni Tiara.

“Hahaha. Tangina. Ibang klase talaga iyang babaeng iyan.” Natatawang sabi ni Kurt. “Fair? Ang lakas.” Tss. Kilala kasi namin si Tiara na never nakipaglaro ng ‘fair’ noon. Paano mataas ang pride at ayaw magpatalo. Tsk. Sa’kin lang naman tumanggap ng pagkatalo ang babaeng iyan.

Sinuntok ng lalaking iyon sa tyan si Tiara, kaya’t nag-react ang ibang audience. Kita mo naman ang galit at pagka-asar ni Tiara kaya’t dinuraan niya ito sa muka kaya’t mas lalo siyang sinakal noong lalaki.

“You s-son o-of a bitch!” Sigaw ni Tiara na halos mawalan na ng hininga. Ngunit binitawan rin siya agad nito. Kahit tuso ang lalaking iyon, sa mundo ng mafia, deal is a deal.

Binitawan noong mga underlings noong lalaki si Tiara at dahil sa galit ng babaeng ito, at mabilis niyang kinuha ang isa sa katana niya at walang pagdadalawang isip na pinatay ang humawak sa kaniya. Ngiting tagumapy naman ang pinakawalan niya noong makita niyang naliligo na sa sariling digo ang mga humawak sa kaniya kanina, habang parang wala man lang paki-alam ang leader nila.

Dumiretso ang dalawa sa table, at nagtitigan. Pakiramdam ko kumabog ang puso ko dahil sa kaunting excitement na nararamdaman ko. This bitch won the game.

“Sa tingin mo, blue. Tama ang ginawa ni Tiara?” Napatingin ako kay Kuya Thunder noong magtanong siya. Imbis na sagutin, ngumisi lamang ako, at muling tumingin sa unahan. Pakiramdam ko kinabahan lamang si Kuya Thunder dahil sa ginawa ko. I just rolled my eyes, lagi na lamang silang kinakabahan at cautious kapag kasama ako, sabagay, katamayan ang kasama nila, paniguradong doble doble lagi ang nararamdaman nilang kaba.

Unti-unti ng itinaas noong lalaki ang gem na nasa table. Kabado ang buong lugar, namamayani ang katahimikan, at kita mo sa bawat isa ang kahilingan na sana live iyon, o hindi naman kaya ay die. Iba’t-ibang muka ngunit iisa ang ekspresyon at iyon ay —excitement na hinahaluan ng kaba at takot.

Noong makita ni Tiara ang gem. Ngumisi siya, at saka niya hinaya ang katana niya sa leeg ng lalaki iyon. “I won.” Mahinang bigkas nito at hindi maitago ang ngiting tagumpay sa labi, saka nito unti-unting ibinababa ang katana niya hanggang sa dibdib ng lalaki. Pinilas nito ang damit noon hanggang sa makita ang katawan noon.

Hindi pa nakuntento si Tiara sa ginawa niya, at hiniwa niya ang pangangatawan noong lalaki upang umukit ng isang numero— “6” kitang kita mo ang hapdi at sakit sa itsura niya, ngunit ininda niya iyon dahil sa pagkatalo. Matapos iguhit ni Tiara iyon.

Lumuhod ang lalaki at nagsalita. “I lost. You won. Hail to the leader of the Apocalypse, here in Germany!” Malakas na sigaw nito, kaya’t lahat ng gangster at mafia member sa arena ay iyon ang isinigaw. They gave honor to Tiara.

“From now on, I’m the ruler here in Germany! Apocalypse sixth leader— Sei!” Tiara announced and the crowed hailed her reign.

“Sei Apocalypse!” They applauded, as I smirk. Germany—done.

***

“Nakita mo ‘yung ginawa ko, demon? Did you see it? I’m soooo awesome right?” Napa-roll eyes ako dahil sa sinabi ni Tiara sa’kin. Agad ko siyang inatake gamit ang espadang hawak hawak ko. Naka-ilag siya ngunit sa sumunod na counter attack ko ay natumba agad siya.

“Aish! Ich hasse dich!” Galit na sumbat nito sa’kin habang nakahiga sa sahig. Agad ko siyang tinutukan ng espada at inapakan sa dibdib. Ngunit tinabig lamang niya ang paa ko at saka tumawa, at ginamit ang katana na hawak niya para labanan ang hawak kong espada, medyo nalabanan niya ako kaya’t nakatayo ulit siya.

“I hate you too, Tiara.” Nakangising sabi ko, saka ko ginamit ang siko ko, at mabilis siyang inatake sa tyan at mabilis ko ring sinugatan ang kamay niya dahilan upang makuha ko ang katana na hawak niya at saka ako tumakbo papunta sa likudan niya upang tutukan siya ng katana na gamit niya kanina sa mismong leeg niya.

“Argh, damn. Release me.” Utos pa nito sa’kin, kaya’t mas diniinan ko ang pagkakalapat ng blade ng katana sa leeg niya. Lumalim ang pag-hinga niya at ramdam ko ang panginginig niya.

“Stop playing with me, demon.” Mahina at nangangatog na banggit pa niya, kaya’t mabilis ko siyang tinulak papalayo sa’kin saka ko ibinalik ang katana at espadang hawak ko kanina sa lalagyan nila. Noong tumingin ako kay Tiara, ang sama ng tingin nito sa’kin at hawak nito ang nag-durugong kamay niya.

“May balak ka ba talagang patayin ako ha?” Maangas na tanong niya, at saka siya umirap.

“Kung may balak akong patayin ka, sana ginawa ko na kanina pa. Ramdam mo naman siguro kanina na kating kati na akong gilitan ka sa leeg hindi ba?” Mahinang banggit ko sa kaniya.

Narinig ko ang mas paglalim ng paghinga niya at saka siya kumuha ng kapiraso ng tela sa isang sulong. Nag-aya makipaglaban si Tiara gamit ang espada kanina, dahil bored ako pumayag ako. Akala ko may ipapakita siya sa’king bagong move, iyon pala mag-yayabang lamang sa pagkapanalo niya kagabi. Tss.

Nag-simula na akong maglakad paalis sa malaking silid na ito, kung saan pwedeng maging training ground for fencing. Noong hawak ko ang door knob, ay nagtanong si Tiara.

“Aalis ka na, demon?” Mahinahong tanong niya. Kahit naman napaka-walangya ni Tiara sa’kin, marunong pa rin iyang gumalang sa mas nakakalakas sa kaniya kahit papaano. Kahit papaano.

“Sa tingin mo? Ano pang gagawin ko dito? Tsk. Ang hina mo namang kalaban. Kawalang-gana.” Bale-walang sagot ko sa kaniya. Mabilis pa sa kidlat nakaramdam ako ng matilos na bagay na nag-aaim sa‘kin. Mabilis ko lamang iyong iniwasan ng walang ka palya palya.

“Nice try, Wolf.” I mocked. Binato kasi niya ako ng isang blade, ngunit hindi man lamang ako nasindak noon.

“Mamatay ka na sana.” Asar na banggit niya. I smirked at her.

“Mauuna ka.” Natawa siya dahil sa sinagot ko, at saka niya ipinagpatuloy ang pag-gamot sa sugat niyang natamo niya kanina lamang.

“Go ahead, leave. I don’t need you anymore in here. Germany is in the control of me. You can now go to Trevor Castillion.” Mahinnag bigkas nito, kaya’t marahan akong napatango at saka tuluyang umalis.

Pumunta ako sa kwarto ko at naligo.

Habang naliligo, marami nanamang bagay ang tumakbo sa utak ko. Katulad ng Grim Monarch, Empires, at Apocalypse. I need to negotiate with Grim Monarch. They are once the most powerful who owned the mafia world, until the Empire interfere.

I need to gain them, against the Empire. Nangsagayon mas madagdagan ang pwersa ng Apocalypse.

Natapos akong maligo, at nagtutuyo ng katawan ko noong makita ko sa repleksyon ko ang sugat na iniwan ng nakaraan. Mayroon akong malaking bakas ng sugat sa likudan ko. Kitang kita ko pa rin ang naka-ukit dito. Isang malaking hiwa mula mula likudan ng balikat ko hanggang bewang, naka-diagonal ito. Isang hiwa lamang iyon, pero kung dalawang hiwa iyon, makakabuo ka ng isang ekis doon.

Matapos kong pagmasdan iyon, nagdamit na ako at inayos ang sarili ko. Noong matapos kong gawin iyon, may kumatok sa kwarto ko.

“Kamusta?” Napalingon ako sa kung sino iyon. Mabuti na lamang at wala akong hawak na shuriken o dagger kung hindi nabato ko na kung sino iyon.

“Naka-ready na ang jet plane?” I asked back. Tumango naman siya ng marahan. “Mabuti na lamang wala kang hawak na kung ano man, Riyah. Akala ko mababato nanaman ako.” Natatawang sabi ni Kurt, tiningan ko lamang siya ng matalim kaya’t natigilan siya.

“Ready? Aalis na rin tayo patungong Spain.” Malumanay na pahayag niya, tumango na lamang ako biglang tugon. Matapos noon kinuha niya nag ilang bag na dala ko at saka kami bumababa upang magpaalam sa nandito sa lair.

“Tschüss, dämon.” Nakangising sabi ni Tiara.

“Hey, Tiara. Someone will hunt me here, be sure to shut your mouth. And do your duty.” Muling paalala ko kay Tiara kahit alam na niya ito. Napa-roll eyes naman siya dahil sa sinabi ko.

“I know. I know.” Maarteng banggit nito. Saka ngumiti at kumaway ng paalam.

Matapos iyon, mabilis kaming dumiretso nina Kuya Thunder at Kurt papunta sa kung nasaan ang jet plane na gagamitin namin papuntang Spain.

Mabilis ang pagpapatakbo ng kotse dahil si Kuya Thunder ang driver, kita lo rin ang maaliwalas na paligid na nadadaanan namin. Napaka-peaceful kung titingnan, ngunit kinukubli naman ng magagandang tanawin na iyan ang masasamang gawain, at iba pa.

Maayos sanang magampanan ni Tiara ang pagiging Sei Apocalypse, dahil kung hindi ako mismo ang tatapos ng pinahahalagahang buhay niya.

Hindi nagtagal nakarating na kami sa jet plane, at saka kami sumakay doon. Noong maka-upo ako, pinakinggan ko ang sinabi ni Kurt tungkol sa galaw ng Empire, kung kamusta ang Apocalypse sa Korea at ibang lugar, pati na rin ang ginagawa ng Grim Monarch.

Nakapikit lamang ako habang pinapakinggan iyon, dahil okay naman lahat. Samantalang si Kuya Thunder mukang may kausap pa kaya’t hindi pa pumapanik dito sa plane. Iminulat ko na rin ang mata ko matapos ang mga sinasabi ni Kurt.

Maya maya’y dumating din siya at hindi maganda ang itsura nito, tila ba may natanggap na masamang balita. “Anong meron?” Kurt queried seriously.

“Back in Korea, a gang is hunting you, nakakuha ata sila ng impormasyon na isa ka sa leader ng apocalypse.” Napataas ang kilay ko dahil doon. Sino naman iyon? Masyadong matalino upang magawa ang bagay na iyon ng hindi ko agad nalalaman.

“Who?” Maikling tanong ko.

“Improbus Ille Imperium.” Natigilan ako ng literal dahil sa sinabi ni Kuya Thunder. Maging si Kurt ay ganun din ang reaksyon. Napa-yukom din ang kamao dahil doon. Kaya’t huminga ako ng malalim, bago nag-isip ng sagot.

“Hayaan mo sila. Mukang alam ko na kung bakit nila ako hinahanap, at kung paano nila ako nahanap.” I retorted firmly. Ramdam kong aangal sana si Kuya Thunder ngunit noong tiningnan ko siya ng masama ay wala siyang nagawa kundi umupo na lamang ng padabog.

“Lian Analiz Valle, and Timothy Chase Yoon, the most powerful geniuses of the most powerful gang in the Philippines. With those brains, they can really hunt you if they want to.” Kurt uttered interestingly, while arching his brow. I rolled my eyes.

“Anong plano?” Kuya Thunder asked.

“Let’s proceed to Spain. As if they can find me, yes they are really smart, specially those two, they are par with my intelligence, but I still have the alas, hinding hindi nila ako mahahanap, maliban na lamang kung ako ang magpapakita sa kanila.” Pahayag ko sa kanila, kaya’t walang nagawa si Kurt at Kuya Thunder kundi sundin ang inuutos ko.

Alam kong mangyayari ang bagay na ito una pa lamang. Hindi nila ako hinanap nitong nakaraang taon, dahil alam nilang babalik ako kung kailan ko gugustuhin at ayaw ko sa lahat ang nakikialam, ngunit alam rin nila ngayong hindi na sila makakapaghintay at kailangan na nilang kumilos. At ang dahilan kung bakit kailangan na nilang kumilos ay dahil sa kasal ni Cassidee at Gab. Alam kong ayaw at tutol sila doon at gusto nila akong makita upang ako mismo ang mag-tigil ng kasal. Kilala ko sila, nakasama ko ang doofuses bata pa lamang ako at ganun din sina Alyx. Kaya’t alam ko ang tumatakbo sa utak ng mga iyon.

Ngunit hindi nila ako mahahanap, kahit anong hanap nila hindi ako nagpapakita sa kanila. Sa takdang panahon, magkikita kita ulit kami, ngunit hindi pa oras doon.

Alam kong hindi nila ako mahahanap, dahil kay Skyler. I know he’ll somehow manipulate them, at mapipigilan niya sila kapag mahahanap na nila ako. Alam ni Skyler na hindi pa ito ang tamang panahon, upang mag-krus ulit ang landas naming lahat. Hindi pa.

At kung babalik man ako sa pilipinas, sisiguraduhin kong ang unang pakay ko doon ay ang kamatayan nina Philip Evans at mag-asawang Servilla. At hindi ang kasal ni Gab at Cassidee. Magpakasal sila, wala akong paki-alam.

“Ang lalim ng iniisip mo ah.” Napalingon ako noong mag-salita si Kurt sa tabi ko. Kanina pa kami andito sa plane, at kanina pa rin ako nag-iisip ng kung ano ano.

Napa-buntong hininga na lamang ako. “Hindi ko na rin alam ang iisipin ko minsan.” Mahinang banggit ko.

Naramdaman ko naman na hinawakan ni Kurt ang ulo ko at isinandal iyon sa balikat niya. “Then, sleep a little. Sometimes, kailangan mo lamang ng tulog para pagka-gising mo maayos na ulit ang lahat.” Pakiramdam ko nakangiti siya dahil sa sinabi niya.

“Galit ka sa’kin hindi ba?” Diretsong tanong ko kay Kurt. Natawa naman siya doon.

“Yeah, galit na galit ako sa’yo noon. Umabot pa sa puntong gustong gusto na kitang ipapatay noon, gamit ang ibang legendary members noon. Pero, wala hindi ko kaya. Why would I kill a person who is cherished by Dennise?” Pagkatapos noon napabuntong hininga na lamang siya.

“Pero kasalanan ko kung bakit sila namatay ni Vianca.” Mahinang banggit ko.

“Kasalanan mo? Sabihin na nating isa ka sa dahilan, ngunit hindi ikaw ang pumatay sa kanila. Kaya’t itigil mo na ang pag-iisip ng ganiyan. Sigurado ako, hindi gugustuhin ni Dennise na magalit ako sa itinuring na niyang parang kapatid.” Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi ni Kurt.

Ang pumatay kay Vianca at Dennise, walang iba kundi ang Empire. Ang pumatay kay tita, walang iba kundi ang Empire, at ang pumatay sa kakambal ko walang iba kundi ang Empire.

Lahat na nang mahahalagang tao sa buhay ko, kinukuha nila, hindi ako papayag na mauwi lamang ang lahat ng nawalang buhay sa wala. Bibigyan ko  sila lahat ng hustisya.

“Matulog ka na. Masyado kang maraming iniiisip.” Malumanay na wika ni Kurt, kaya’t unti unti kong ipinikit ang mata ko. Nakakatuwang isipin na kahit halos ilang beses na muntik mamatay si Kurt dahil sa’kin, ganito siya. Mahal na mahal talaga niya si Dennise, na kahit ako nagawa niyang patawarin para sa kaniya.

***

Hindi nagtagal. Nakarating rin kami sa Spain at sinalubong kami doon ni Trevor Castillion.

“Bienvenida.” Nakangiting banggit nito sa’min. Ngumisi naman ako sa kaniya. Nilapitan niya ako at saka walang paalam na hinalikan sa pisngi. Kaya’t sa isang iglap nakatutok na sa kaniya ang paborito kong dagger.

“Wanna die?” Mapanganib na bigkas ko.

“Wanna let it slide?” Nakangising sagot niya pabalik. Dahilan upang napa-irap na lamang ako at saka dire-diretsong naglakad sa sasakyan na inihanda nila.

Noong makasakay kaming lahat sa limousine na dala niya. Nagsabi na siya ng progress sa Spain, katulad ng nangyayari sa Germany malaking progress na rin ang nangyayari sa Spain, ngunit may mangilan ngilan din na aayaw magpasakop, ngunit dahil na rin sa balita galing Germany na namamayani na ang Apocalypse doon, ay umunti na rin ang kumokontra.

Habang nakasakay sa sasakyan ay tumahimik ang paligid, hanggang sa tumunog ang cellphone ni Kuya Thunder. Nakatitig ako sa kaniya noong sagutin niya iyon, at noong ibaba niya ang tawag ay tila isang masamang ibabalita nanaman.

“Anong meron?” Tanong ko.

“Ahm.” Mukang nag-aalinlangan pa si Kuya Thunder na sabihin sa’kin ang balitang iyon, ngunit binigyan ko siya ng matatalim kong tingin kaya’t wala siyang nagawa.

“B-Blue, according to Skyler... Nakatanggap sila ng tawag sa Pilipinas. Patay na daw si Peter Felix Augustin.”

Hindi ako nakapag-salita sa sinabi ni Kuya Thunder, para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nanginig ang kamay ko at napatulala ako, parang may pumihit din sa puso ko at nakaramdam ako ng matinding sakit,mkasabay noon ang pagpatak ng isang luha galing sa kanang mata ko.

“D-damn it.” Nanginginig na tanging bigkas ko.

Uncle Peter...

***

To be continued.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top