Liar 26: Twisted Little Secret

26: Twisted Little Secret
Princess Light's POV

"What do you mean?" Tanong sa akin ni Gab Gab habang kausap ko siya sa telepono. Tumingin muna ako sa paligid upang magmasid at makasigurado na walang nakikinig sa usapan namin.

Mas naging doble ingat ako ngayon kumpara nitong mga nakaraan. Lahat din ng nagmamatyag sa akin gamit ang teknolohiya ay inayos ko na at inalis. At sigurado ako ngayon na kahit katiting na butas ay hinding hindi na nila ako maiisahan.

Weakness? Oo madami akong kahinaan, pero ang mga kahinaan kong iyon ay ginagamit ko upang maging kalakasan ko. Hindi na ako papayag na magtagal pa ang labanang ito. Hindi na ako papayag na manahimik at magsawalang bahala. Kailangan ko nang kumilos. At ang plano ko sa isang hataw ko tatapusin ang lahat lahat.

"Gawin mo na lamang ang sinasabi ko, Gab. Nagsinungaling man sila sa akin, kailangan ko sila ngayon." Pirming saad ko at saka tumingin sa makulimlim na langit, nagbabadya nanaman sigurong umulan. Tama iyan, umulan na sana lahat ngayon, at pagkatapos ng ulan na iyan, sisikat nang muli ang araw, at iyon ang magiging palatandaan ko na matatapos na din ang lahat ng dilim sa buhay ko.

"But... Paano mo masasabing maari mo pa silang pagkatiwaalang muli. Nagawa na nilang magtraydor, malaki ang tyansang gawin nilang muli." Hindi pa din nagpapatalo si Gab Gab sa pakikipagtalo sa akin. Ayaw niyang gawin ko ito, pero kailangan ko nang kooperasyon niya at kooperasyon nila.

"Nathaniel Gabriel Evans, wala akong paki-alam kung ipagkaluno nila akong muli, wala akong paki-alam kung magtrayduran kaming muli, subalit nasa kamay na nila kung maliligtas ko pa ang mga magulang ko at si lolo." Matigas na bigkas ko at saka napakagat labi, hindi ko na alam kung saan ako pupulutin kapag may namatay nanaman sa mga mahal ko.

Hindi ko na kakayanin.

"Hindi pa ba sapat na nagtutulungan tayo? Hindi pa ba sapat na ako—" Hindi ko na hinayaan si Gab Gab na ipagpatuloy ang sinasabi niya. Ayaw kong mag-away kami sa simpleng bagay na ito lalong lalo na at alam kong kaligtasan ko lamang ang iniisip niya, ngunit kagaya niya ay kaligtasan lang din naman niya ang iniisip ko.

Kung tutuusin kayang kaya naming pabagsakin ngayon ni Gab Gab ang Empire. Nasa amin na ang mga ebidensya, nasa amin na ang mga pruweba na magpapabagsak sa Empire, ngunit kung kaming dalawa lamang ang lalaban, maaring mawala siya sa akin sa kalagitnaan ng pagtutuos, at hindi hinding ko hahayaan na mangyari iyon.

Kailangan ko pa nang mas maraming tao maliban sa apocalypse at kay Skyler, Kurt at Gab. Ayaw kong kumilos ng kakaunti ang laban, gusto ko kapag lalaban kami sisiguraduhin kong kahit makabagon saglit ay hinding hindi na magagawa ng Empire.

Narinig ko ang napakalalim na buntong hininga ni Gab sa kabilang linya dahil doon. "Trust me." Mahinang usal ko pa habang pinapakiramdaman siya. Alam ko namang papayag siya dahil hindi niya matitiis na hindi sundin ang gusto ko. Batid ko din na naiintindihan niya kung bakit ko ginagawa ito.

"I trust you." Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi ko noong marinig ko ang katagang iyon. Kahit naman lokohin na ako nang lahat, kahit linlangin na ako nang mga itinuring kong kaibigan, at kahit ipagkaluno ako nang kahit na sino, basta hindi si Gab Gab ang gagawa noon sa akin, panatag na ako kahit papaano.

"Gomowo." Malumanay na sambit ko. Pakiramdam ko nakangiti siya ngayon sa kawalan dahil sa sinabi ko. Ganoon naman siya, basta nakakarinig siya ng magagandang salita mula sa akin natutuwa na siya. Hindi lamang siya, ganoon din ako. Siguro ganito na talaga kababaw ang kaligayahan namin dahil lagi na lamang iyong pinagkakait sa amin.

"Anong plano?" Doon ko narinig ang seryosong boses niya, itong boses na ito ang palagi niyang ginagamit kapag desidido siyang gawin ang kahit anong iuutos ko nang hindi papalpak kahit katiting.

"Next week, dalhin mo ang Improbus Ille Imperium sa isang abandonadong lugar, set up a party and make sure they will feel the tension and fear." I stated seriously. Pagkatapos ay sinabi ko din sa kaniya ang iba pang detalye noong gagawin namin. Hinayaan niya akong mag-desisyon at noong matapos ang plano ay nag-isip kami ng pupwedeng laro na laruin para sa sa kanila.

I suggested one on one battle and contraband game, however he opposed it and said we should play a game that would consist of intimidating conversation and heated arguments which would make each and everyone of them helpless, vulnerable and emotionally unstable and in that way we could control their emotions.

Walang pag-aalinlangan akong sumang-ayon at doon namin binuo ang dangyunhaji na lalaruin nila. Sinabi ko kay Gab ang lahat nang nalalaman kong sikreto nila. Nasabi ko sa kaniya ang tungkol kay Shana bilang may kasalanan noong nangyaring sunog noon, ganoon na din ang lihim ni Alyx, pati na din kay Tim Tim, JJ, at Thon Thon.

Aaminin ko habang sinasabi ko ang mga iyon ay hindi mapigilan maglakbay ng isip ko na gumaganti na ako sa kanilang mga ginawa pero hindi ito ang tamang panahon upang gawin ko iyon. Mas importante sa akin ang buhay nina lolo at ang kaligtasan ng mga mahal ko.

"Si Annicka? Wala ka bang alam na puwedeng gamitin laban sa kaniya?" Biglang tanong ni Gab Gab. Agad din akong napaisip dahil doon. Masyadong malinis si Annicka kaya't siya ang inatasan ko noon tungkol kay Cassidee, at saka doon din niya napatunayan sa akin na mapapagkatiwalaan siya, kaya't wala akong maisip na puwedeng gamitin ngayon laban sa kaniya.

"Iyong pagtulong niya sa akin, o kaya si Skyler. Alam naman nating lahat na mahal ni Annicka si Skyler." Banggit ko, ngunit hindi iyon sapat, masyadong mahina ang ideyang iyon kung gagamitin namin.

"Ako nang bahala kay Annicka. Speaking of Skyler, ipapaalam mo ba sa kaniya?" Mahinahong tanong niya. Tumango naman ako na tila nakikita niya ako bago ko ito tuluyang isaboses.

"Sasabihin ko sa kaniya ang ibang detalye ngunit hindi lahat. Kagaya ng nakagawian." Marahang sagot ko naman. Sumangayon naman siya doon. Sa totoo lang, oo nga't kakampi namin si Skyler ngunit hindi niya alam ang lahat lahat nang nangyayari, hindi din niya alam ang ibang plano ko. Tanging si Gab Gab lamang at ang sarili ko ang may alam ng lahat.

Marami na talagang alam si Gab Gab tungkol sa mga baho ng gang, nalaman daw niya iyon simula noong mawala ako matapos bumalik ang mga ala-ala ko. Kung paano niya nalaman sigurado akong nag-imbestiga siya at iba pa. Hindi ko na din tinatanong iyong mga bagay na iyon sa kaniya dahil tiwala ako sa desisyon niya at may pagka misteryoso din talaga siyang taglay.

"Sandali..." Biglang wika ko.

"Hmm?" Tugon naman niya.

"Si Lian." Maikling sambit ko na may diin. "Wala akong alam laban sa kaniya, naging mabuti at totoong kaibigan lang talaga siya sa akin." Pagpapatuloy ko. Kapag naiisip ko na napakalinis ni Lian ay hindi ako mapakali para kasing ang dami niyang tinatago at kahit anong halughog at pag-iimbestiga ko ay wala akong mapala-pala. Ang tanging sigurado ko lamang ay isa siyang misteryo lalong lalo na ang pagkatao niya.

"Wala din akong alam. Kahit anong hanap ko, masyadong tago ang pagkatao niya." Narinig ko pa ang pagbuntong hininga ni Gab Gab pagkatapos niyang sabihin iyon. Napabagsak din ang balikat ko dahil doon. Akala ko ay kahit papaano may alam si Gab Gab na makakatulong sa plano namin.

"Kung ganoon, wala tayong magagawa kung hindi ang paaminin at alugin siya sa tensyon upang siya na mismo ang kusang magbigay ng tunay na katauhan niya sa atin." Malalim na pahayag ko, at saka ako tumingin sa isang banda at napabuntong hininga.

Sino ka ba Lian Analiz Valle? Bakit wala akong makuha kahit kapirangot na impormasyon o baho tungkol sa iyo? Lian Analiz Valle ba talaga ang pangalan mo? O isang malaking kasinungalingan din iyong pangalan mo, gaya ng pagkatao mo?

"I will do my best." Marahang sagot niya. Iimik pa sana ako tungkol sa pagpipinal noong plano namin, ngunit may kumatok na lamang sa kwarto ko kaya't agad akong nagpaalam kay Gab Gab at maingat na tinungo ang pinto.

"Riyah!" Narinig kong sigaw sa labas. Boses pa lamang niyon ay alam ko na kung sino ang nagmamay-ari. Wala akong nagawa kung hindi buksan iyong pinto at bagot na tiningnan si Kurt.

"Wae?" Walang ganang banggit ko habang tinitingnan siya sa mata. Nakita ko naman na tila nakahinga siya nang maluwag noong makita na maayos ako. Ganito si Kurt ngayon, paranoid masyado baka akala nito nagpapatiwakal ako nang wala sa oras. Tss. Hinding hindi ko gagawin ang bagay na iyon.

"Bumababa ka na. Nadoon na si Dos sa hapagkainan saka si Kuya Thunder, may pag-uusapan daw? Si Skyler naman papunta na din." Agad akong napatango sa sinabi ni Kurt at sinabing baba na din ako kaya't mauna na siya. Noong maka-alis si Kurt ay agad akong nag-bihis nang madalian at bumababa.

Noong makarating ako sa kusina. Agad kong tingnan ang mga mata nila ng masinsinan. Hinayaan kong kabahan sila dahil sa biglaang inasta ko, at saka ako lihim na ngumisi at unti-unting umupo sa isang silya. Wala namang nagsalita sa kanila dahil doon at nanatiling nakikiramdam.

"Patay na ba si Takeshi?" Walang kaabog-abog na sambit ko, at saka ako kumuha ng tinidor at kutsilyo upang mag-simulang kainin ang steak na nasa plato ko. Pakiramdam ko ay halos mapatindig si Takashi dahil sa sinabi ko tungkol sa kakambal niya, ngunit alam kong nakuha niya ang mensahe ko na ang tunay na ibig sabihin ng tanong ko ay: Kamusta na si Takeshi.

"He's still unconscious, but his vitals are better than the last time." Malalim na boses nito ang umalingawngaw sa hapagkainan. Si Kuya Thunder at Kurt naman ay nanatiling walang kibo, kaya't napataas ako ng kilay.

"Bakit hindi kayo kumakain?" Painosenteng tanong ko dahil batid ko naman na hindi sila makakain ngayon dahil sa inaasta ko. Pasensya na kailangan kong gawin ito, kailangan kong maging ganito sa inyo upang hindi sila dumipende sa akin.

Dahil sa sinabi ko nagsimula na ding kumain iyong dalawa. Habang kumakain ay napag-usapan namin ang tungkol sa nangyayari sa Apocalypse, at napapangisi na lamang ako dahil magagandang balita ang naririnig ko. Mabuti naman at hindi ako binibigo ng mga iyon.

Sinabi din ni Kuya Thunder na kapag kumilos at nagpakilala na kami biglang Apocalypse ay malaking parte ng Empire. Hindi ko na lamang binanggit na kayang kaya ko na ngayong pabagsakin ang Empire dahil tapos na ang pananahimik ko.

Mas mabuti siguro na magpakilala na din ako bilang Princess Light Smith na pinatay nila. Hindi ko na mahintay ang mga mukha nilang hindi makapaniwala.

Matapos naming kumain ay umalis na din ako sa hapag at saka dumiretso sa kwarto kung nasaan si Takeshi o Tres. Hanggang ngayon ay patuloy pa ding naglalaro sa isipan ko ang nangyari at kung papaano niya naatim na traydurin ako samantalang grabe ang respeto at pagtitiwala nito sa akin.

Hindi ko maisip kung anong nangyari at ginawa niya iyon. Kung tutuusin mapaglaro talaga si Tres ngunit ang mga laro niya ay hindi ganoon kadudumi, hindi siya ganito, hindi siya basta basta magtratraydor ng walang malalim na dahilan.

Matindi ang galit niya kay Cassidee dahil mas gusto niyang siya mismo ang kumitil ng buhay nito kaya't itinakas niya ito. Ngunit bakit palpak ang plano niya? Bakit hindi siya nagtagumpay? Ano ba talagang nangyari noong araw na iyon? Ano ba talagang dahilan mo Takeshi Ishido? Gumising ka na... Kailangan ko na iyong malaman.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa kwartong iyon habang pinagmamasdan si Takeshi at nag-iisip ng mga palaisipan na may kinalaman sa Empire at Apocalypse. Habang nasa malalim na isipin ako ay hindi ko napansin na may pumasok na pala dito sa kwarto.

"Princess, pinatawag mo daw kami?" Napalingon agad ako sa likudan ko at doon ko naabutan na nakatayo ng matuwid si Skyler at Kurt na mayroong seryosong tingin. Agad ko silang tinaasan ng kilay at saka ako lumabas sa kwartong ito at sinenyasan silang sundan ako.

Habang naglalakad ay diretso akong nakatingin sa daanan, nararamdaman ko ang pag-sunod nila sa likod ko, at noong makarating kami sa paroroonan ay walang paligoy-liguy kong sinabi ang kailangan ko.

Agad silang nag-alinlangan sa sinabi ko at katulad ng pagtutol ni Gab Gab ay ganoon din ang ginawa nila, ngunit hindi na nila mapipigilan ang nabuong plano sa isip ko. Desidido na ako. Hindi ko na pwedeng patagalin pa ang nangyayari. Kailangan ko nang tapusin ang sinimulan ko.

Kahit parang labag sa loob nila ang pinapagawa ko ay wala silang nagawa kung hindi ang sumunod. Wala naman kasi silang pamimilian. Hindi ko sinabi sa kanila ang ibang detalye iyon lamang mga kailangan nilang gawin ang sinabi ko at matapos iyon ay pinaalis ko na din sila upang masimulan nilang gawin ang lahat ng pinapagawa ko.

Noong mag-isa na lamang ako sa may garden ay naramdaman ko ang unti-unti nang pagpatak ng ambon. Hinayaan kong lumapat sa balat ko ang mga iyon. Dahil... pagkatapos nito, gusto ko nang mamuhay ng payapa at tahimik.

Nagsimulang magkandaloko-loko ang lahat noong sumama ako kay Gab Gab sa isang resort, at noong hinayaan kong pangunahan ako ng damdamin ko. Kaya naging ganoon ang resulta ay dahil parehas kaming naging makasarili at inisip namin ang sarili naming kaligayahan, na hindi namin naisip ang maaring mangyari habang wala kaming dalawa.

Walang magyayari kung ako lamang ang nawala, dahil nandiyan si Gab. Wala ding magyayari kung si Gab Gab ang nawala dahil nandito naman ako. Ngunit sabay kaming nawala noon, kaya't nawala sa kontrol ang lahat kaya nagkagulo ang maayos sana naming plano.

Ngunit... Noong mapunta si Cassidee at magulang nito sa America ay doon kami nagsimula muli ni Gab Gab na kumilos kaya't nakuha na namin ang lahat lahat ng kailangan upang pabagsakin ang Empire.

At ngayon ang pagsasagawa na lamang nito ang kailangan...

Nagkagulo ang lahat dahil sa amin ni Gab Gab. Ngayon mas guguluhin namin ang lahat at sisiguraduhin kong ang magiging resulta ay ang pagbagsak na ng tuluyan ng Empire.

***

2 days before the party...

Maayos na ang lahat at maging kilos ng Improbus Ille Imperium ay napapagmasdan ko. Kaunting panahon ko lamang pinaghandaan ito ngunit sisiguraduhin kong magiging matagumpay ito. Hawak ko din ang buhay nila kung may balak man silang traydurin akong muli.

Natuto na ako sa mga pagkakamali ko dati, kaya't hinding hindi na ito papalpak. Ito na ang huling plano ko bago ako mag-simulang tumira ng walang humpay sa kalaban. Sa huling hataw ko na din na iyon ilalabas ang lahat ng galit ko.

Mag-tutuos na tayo Empire... malapit na... at nawa'y bigyan niyo ako ng isang magandang laban.

"Riyah?" Napalingon ako sa likod ko noong mawala ako sa mga iniisip ko dahil sa isang boses. Doon ko nakita si Kurt na matikas na nakatindig habang pinagmamasdan ako. Ang mga mata niya ay tila nagtatanong kung maayos lamang ako.

"Don't worry about me." Malamig na sambit ko. Aalis na sana ako ngunit bigla niyang hinawakan ang pulsuhan ko upang pigilan ako at nagulat na lamang ako noong mapa-diretso ako sa bisig niya noong hilahin niya ako.

Kumawala ako, subalit hindi niya ako pinakawalan. "Ku—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko noong putulin niya iyon, dahil nagsalita siya. "Hayaan mo akong yakapin ka kahit ngayon lamang. Matatapos na ang gulong ito, hindi ba?" Malumanay na pagtatanong pa niya kaya't kumalma ako.

"Sana." Mahinang sambit ko. At saka kusang gumalaw ang mga kamay ko upang yakapin siya. Hindi ko alam kung gaano katagal iyon pero kahit papaano ay nawala ang mga malalalim na isipin ko kanina.

Matapos iyon ay walang paalam na umalis si Kurt at binigyan lamang niya ako ng tipid na ngiti. Napakunot noo naman ako dahil doon. Kailangan nga ba nagsimula iyon? Hindi ko tanda pero naging ganiyan na lamang si Kurt isang araw, masyadong mapagmatyag sa akin at maalalahanin.

Hindi ako sanay, mas sanay ako na napakamapaglaro niya at napakasama ng ugali niya sa akin.

Nagkulong ako sa kwarto ko buong magdamag habang nag-iisip ng pupwedeng idagdag na plano, at habang nakatingala sa kisame ay bigla na lamang akong nagkaroon ng isang magandang ideya. Habang walang sinasayang na oras ay dali dali akong nagbihis at saka kumuha ng baril sa isang aparador.

Bumababa ako at naabutan ko sa salas si Kurt, Skyler, Kuya Thunder at Takashi. Agad akong napa-ngisi habang pinagmamasdan ang bawat isa sa kanila. Hinayaan ko din na maging matunog ang suot kong high heels upang maagaw ko ang pansin nila. At nagtagumpay naman ako noong mapalingon sila sa gawi ko.

Tingnan ko sila gamit ang malalamig na tingin ko. Saka ko marahan na inilabas ang mapanganib na ngisi ko at nilaro ang baril sa kanang kamay ko. Agad naging alerto ang apat dahil doon. Batid kong kinakabahan sila dahil sa biglaang inakto ko.

"A-Anong ginagawa mo?" Tanong ni Kuya Thunder sa akin habang nakakunot ang noo at nakatitig sa akin na tila binabasa ako ngunit wala siyang mahita kahit katiting na impormasyon kaya't napa-irap ako.

"Sabihin niyo sa iba pang main leaders ng Apocalypse na naaksidente ako at malala ang kalayagan ko." Nakangising sambit ko at saka ako mabilis na naglakad patungo sa sofa at humalukipkip. Samantalang iyong apat ay napatulala sa akin na parang hindi maproseso ng utak nila iyong sinabi ko.

"Are you kidding? Maayos ka, Riyah. Tapos ibabalita mo sa kanila ganoon?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kurt agad ko namang ikinasa ang baril na hawak ko dahil doon at nagkunwari akong aasintahin si Kurt kaya't nakita ko ang pag-alis niya agad sa upuan niya.

"Hindi namin gagawin." Mahinang sambit naman ni Kuya Thunder kaya't sa kaniya ko inasinta at pinaputok ang baril na may silencer. Naka-iwas naman siya agad doon pero halos murahin niya ako ng limang beses dahil niya akalain na kakalabitin ko talaga ang gantilyo noon.

Si Takeshi ay nanatiling nakatitig sa akin, at ngayon ay sigurado na akong may ideya na siya kung bakit ko kailangan papuntahin ang lahat ng miyembro ng Apocalypse dito. Si Skyler naman ay tahimik akong pinagmamasdan at tinatantya kung seryoso ba talaga ako.

"Gagawin niyo o mauubos ang bala nito?" Madiing na wika ko na agad nilang awtomatikong sinunod. Naglabas sila ng kani-kaniyang telepono upang kontakin ang mga leader, at dahil sa ginawa nila ay napangisi ako. Siguradong wala pang bente kwatro oras ay nandito na iyong mga iyon at nagwawala nanaman dahil ang akala nila ay may nangyari sa akin.

Matapos kong masigurado na kinokontak na nga nila ang iba pa ay umalis na ako doon at saka tumungo sa garahe upang kunin ang isang big bike, at saka ko iyon mabilis na pinaandar.

Hindi ako lumabas ng lugar namin, pumunta lamang ako sa isa pang building na kung tawagin ay West Wing. Doon ako madalas nag-tratraining lalong lalo na kapag walang magawa. Tutal maghihintay pa ako sa Apocalypse, mas magandang dito muna ako manatili.

Agad akong bumababa sa big bike matapos kong marating iyon. Malaki iyong building at halos tatlong palapag ang taas. Pagkapasok sa loob ay tumambad din sa akin ang iba't-ibang armas at mga kagamitan na maari mong gamitin panlaban. Napakatahimik dito at walang katao-tao.

Agad kong kinibot ang leeg ko at pina-ikot papunta sa kanan at kaliwa ang ulo ko. Pinusod ko din agad ang buhok ko at saka ko pinatunog ang mga buto ko sa aking mga daliri. Pagkatapos kong gawin iyon ay nag-warm up na ako sa pamamagitan ng stretching.

"Hana, dul, set..." Pagbibilang ko habang nakatingin sa repleksyon ng pigura ko sa salamin. Hindi pa ako pinapawisan sapagkat wala pa akong ganoong ginagawa, at ilang minuto na din akong nag-wawarm up.

Noong makasigurado akong sapat na ang warm up ko ay agad akong tumungo sa punching bag at iyon ang pinagtuunan ko ng pansin. Suntok sa kaliwa, suntok sa kanan, mabilis na ilag sa ibaba, malakas na atake paitaas gamit ang kaliwang kamao, at mabilis na pag-gamit ng kanang paa upang isipa sa punching bag. Maliksi at maingat kong pinaulit ulit ang mga kombinasyon na iyon, habang pinapalitan ang kaliwa't kanang tira na maaring gamitin.

Naramdaman ko din sa katawan ko ang lakas na matagal ko nang hindi nagagamit kaya't halos ibuhos ko ang lahat ng galit ko sa punching bag na iyon. Mabuti na lamang at bago at matibay ito, dahil kung hindi sigurado ako na kahit tatlong tira ko pa lamang ay magkakaroon na ito ng sira.

Malalakas na hataw ang binitiwan ko, at ganoon din sa mga suntok na hinayaan kong tumama sa punching bag. Ginagamit ko din ang ibabang bahagi ng katawan ko upang sumipa o di kaya'y magkunwaring umiilag.

"Yeol, yeolhana, yeoldul, yeolset, yeolnet, yeoldaseot." Muling pagbibilang ko. Umiinit ang pakiramdam ko dahil sa paggamit ko ng enerhiya, ngunit hindi ko inalintana iyon, dahil sa isip isip ko ay pinapatay ko na ang lahat ng may kasalanan kung bakit namatay ang ate ko, sina tita at tito at maging sina Vianca at Dennise.

Maghintay lamang kayo... kaunting sandali na lamang, magkakarahap-harap na tayo, at sisiguraduhin ko sa pagkakataong iyon kahit pag-ngiti ay hinding hindi niyo na magagawa.

Magpakasaya na kayo ngayon dahil pagkatapos nito, kahit humihinga pa kayo ay dadalhin ko na kayo sa sariling hantungan ninyo kung saan kayo pa mismo ang magmamakaawa na patayin ko na lamang kayo.

"Seoreun!" Malakas na bilang ko sa ika-tatlongpung suntok at kombinasyon na ginawa ko. Naramdaman ko ang unti-unti pamumuo ng mga butil ng pawis sa noo ko dahil sa napakaraming espesiyal na aksyon ang ginamit ko. Ngunit kahit ganoon kakomplikado ang mga ginagawa ko ay hindi pa din ako nakuntento.

Umatras ako ng bahagya at naghanap ng maaring iba pang gamitin at noong wala akong magustuhan sa nasa unang palapag ay mabilis pa sa kidlat akong tumungo sa ikalawang palapag. Agad kong ipinalibot ang mga mata ko doon at saka ko nakita ang tila kahoy na parang hugis ng tao dahil sa tila braso nito. Karaniwan itong tinatawag na wooden dummy o muk yan jong.

Tss. Dummy. Dummie.

Agad ko iyong ginamit at prinaktis gaya ng nakasanayan. Dito ko nasusukat ang mabilis na galaw ng mga kamay ko at gayun din ang pulidong pag-asinta sa mga iba't-ibang parte ng katawan ng tao.

Mabilis akong nagsimula habang iniisip ko na totoong tao ang kalaban ko, hindi ko inalis sa paningin ko ang mabibilis na tirang binibitawan ko. Kanan, kaliwa, paggamit ng paa, pagsuntok sa tila mukha, at mas maliksing kilos pa ang ginawa ko.

Halos matanggal na sa kinatatayuan niya iyong muk yan jong dahil sa lakas ng paghataw ko ngunit hindi ko iyon pinansin dahil mas matindi at mas malilinis na tira pa ang kailangan ko upang mas maging malakas ako. Sa halos isang taon ko itong ginagawa ay pakiramdam ko hindi ako nagiging bihasa kahit pa sinasabi ni Kuya Thunder na halos masira ko na ang napakaraming ganito.

Hindi ako naniniwala doon dahil alam ko ang kakayanan ko at hindi pa ito ang sukdulan. Gusto kong magamit ang sukdulan ko dahil ito na ang huli. Ito na ang magiging wakas. Ayokong may kasunod pang kapahamakan ang gigimbal sa buhay ko. Masyado nang madami, masyado nang kumplikado... Tama na. Tama na.

Patuloy at walang humpay ako sa pag-gamit noon at halos mamula na ang mga kamay ko dahil sa malakas na pwersang inilalabas ko. Unti unti na ding pumapatak ang pawis ko mula sa noo dahil hindi ko alam kung anong oras ako nagsimulang magtraining gamit ang punching bag at muk yan jong na ito. Siguro ay napakaraming oras na ang lumipas, subalit pakiramdam ko ay hindi pa ganoon katagal.

"Die." Mahinang bulong ko habang naiisip ko ang imahe ng lalaking nagpaputok ng baril noon kay Gab Gab na sinalag ng kapatid ko. Tandang tanda ko pa ang pangalan ng lalaking iyon, iyong tinatawag nilang 'Dab.'

"Die." Matigas at punong puno ng galit na bigkas ko. At saka ko malakas na sinuntok sa parang mukha iyong muk yan jong. Sa lakas ng binitiwan kong suntok ay halos masira iyon at matumba. Hindi pa ako nakuntento sa ibinigay kong suntok at sumipa pa ako ng mabilis.

"All of you... rot in hell." Hinihingal na usal ko at saka ako napa-upo sa sahig habang nakasapo ang kamay ko sa noo kong pawisang pawisan. Halos kapusin man ako ng hininga, hindi pa din ako ganoong napapagod lalong lalo na at nag-aalab ang sistema ko.

Matapos ang ilang segundo ay agad din akong tumayo upang kumuha ng nunchaku. Iyong gamit na iyon ay tila dalawang kahoy at may nagkakabit doon na maliit na tila metal o tali. Agad ko iyong ginamit. Inihampas ko sa kaliwa at mabilis na pinaikot ikot ang isang bahagi. Inisip ko na may kalaban ako at kung paano ko gagamitin sa kaniya ang bagay na iyon, ay agad na tila kumilos ang katawan ko na parang nakikipagsayaw sa hangin habang gamit gamit ang nunchaku.

Isa ito sa paborito kong gamitin noon maliban sa bow and arrow, katana at wakizashi. Ang mga armas na iyon ang naging panlaban ko simula noong bata ako, idagdag mo na din ang mga baril at iba pa, ngunit itong mga ito lamang ang gustong gusto kong gamitin noon.

Wala akong ginawa kung hindi ang praktisin ang mga galaw ko na tila nagsasayaw dahil sa gaan at bilis ngunit bawat hampas at tira ko ay sinisigurado kong pulido at malakas. Patuloy kong ginagawa iyon, hanggang sa napagpasyahan kong pumikit upang mas maging malalim ang konsentrasyon ko.

Pinaikot ikot kong muli ang nunchaku mula sa taas ng ulo ko hanggang pababa sa paanan ko. Sinisigurado ko na hindi ito tumatama sa katawan ko kahit daplis lamang. Habang ginagawa ko iyon ay may naramdaman akong presensiya sa paligid ko.

Imbis na magmulat ay hinayaan ko iyon at pinagpatuloy ang ginagawa kong pagprapraktis na tila ba wala talagang tao sa paligid, kahit may nararamdaman ako. Mas mabilis ang naging galaw ko noong marinig ko ang tila matalas na bagay na inilabas sa kaniyang sisidlan.

Espada. May espada. Ngunit anong klaseng espada ito? Napataas ang kaliwang kilay ko ngunit hindi ko pa din iminulat ang mga mata ko. Narinig ko na ang mga yapag ng paa na mas lalong lumapit sa kinalalagyan ko. Hindi ko hinayaan na mawala ako sa konsentrasyon habang papalapit siya.

Noong pakiramdam ko ay nasa harapan ko na siya, ay mabilis akong sumugod patungo sa kinalalagyan niya, at tama nga ako nandoon siya dahil naramdaman ko ang hangin na tila paghampas ng matalas na bagay sa kanang bahagi ng braso ko, nakaiwas naman agad ako ng walang kahirap hirap doon kahit nakapikit.

Tanging dilim lamang ang nakikita ko kaya't mas pinagana ko ang pandinig ko. Ginamit ko din agad ang nanchaku upang hulihin ang espadang gamit niya. At noong madanggil noon ng mabilisan ang patalim, ay parang tachi ang espadang gamit niya.

Ngunit noong muli akong sumugod at muling tumama ang nanchuko na ginagamit ko sa espada ay pakiramdam ko ay hindi iyon kasing laki ng tachi, parang maliit iyon. Dahil sa pag-iisip kung anong klaseng armas ang gamit niya ay nagkaroon siya ng pagkakataon na tirahin ako, ngunit mabilis akong naka-tumbling paligod kaya't hindi ako naabutan noong patalim.

Patuloy akong nakiramdam at muling tumira ang kalaban ko. Agad akong tumalon at umambang hahampasin ang kaliwang bahagi ng paligid kung saan ako naroroon noong maramdaman ko ang presensiya ng katawan sa unahan kaya't dali dali akong sumipa paroon.

"Yameru." (Stop) Wika noong boses noong sanay titira akong muli. Dahil din sa tinig na iyon ay unti-unti ko nang binuksan ang mga mata ko at sumilaw sa akin ang liwanag, kaya't napakurap kurap pa ako bago muling maging malinaw ang bisyon ko.

Doon tumambad sa akin si Takashi habang hawak hawak ang isang maliit na tachi na kung tawagin ay kodachi. Tss. Ang kambal na hapon lamang na ito ang mahilig sa espada, kaya't una pa lamang noong marinig ko ang patalim na inilabas niya ay nasisigurado ko nang siya iyon.

"Wae?" Asar na tanong ko habang pinupunasan ang pawis sa noo, at leeg ko gamit ang aking kamay.

Napatitig naman sa akin si Takashi dahil doon. Napa-irap din ako noong halos hindi siya agad makapagsalita. Tss. Ano bang ginagawa nito at nandito ito? "Gising na ba ang kakambal mo?" Walang ganang tanong ko.

"No." Mahinang sambit niya at saka niya ako hinagisan ng isang towel. Kung saan niya nakuha iyon ay hindi ko na alam. Ngunit ginamit ko iyon upang matuyo ang basang leeg at mukha ko dahil sa paghahasa ko ng kakayanan ko.

"What are you doing here?" Walang kaemo-emosyon na tanong ko, habang kumukuhang muli ng iba pang sandata na naririto. "Wanna play?" Akit ko pa kay Takashi. Matagal tagal na din simula noong makalaban ko siya. Mukhang matutulungan niya ako.

Agad naman siyang tumango at doon kami nag-simulang maglaban na parang totohanan. Ganito naman lagi, kapag kompetisyon o kaya'y pagsasanay hindi namin hinahayaan na maging biro lamang ito dahil kahit hindi ito tunay na labanan ay ibinibigay namin ang lahat ng makakaya namin.

NAPAHIGA na lamang ako sa sahig matapos naming maglaban ni Takashi Ishido. Kagaya ng inaasahan wala pa ding kupas ang galing niya sa espada. Parehas kaming naliligo sa pawis at halos kapusin na ng hininga dahil sa pagod. Hindi din namin namalayan ang oras at maggagabi na pala.

Agad siyang tumayo at inalok ang kamay sa akin, agad ko iyong tinapik at tumayo ng sa akin. "Tss." Narinig ko pang sambit niya dahil sa ginawa ko.

"Watashi wa anata no tasuke o hitsuyō to shimasen." (I do not need your help.) Mahinang sambit ko at saka ko inayos ang pagkakapusod ng buhok ko at saka bumababa sa unang palapag ng hindi hinihintay si Takashi.

"Uno." Narinig kong tawag niya.

"Dōshite?" (Why?) Tanong ko sa kaniya at saka ako tumigil sa paglalakad at doon ko nakita na nasa likudan ko na siya habang nakangiti.

"Yurushimasu." (Forgive.) Alam ko na agad ang tinutukoy niya noong banggitin niya ang katagang iyon. Agad din akong napailing. Hindi pa ako sigurado kung kakayanin kong patawarin si Takeshi, ngunit hindi naman ibig sabihin noon ay papatayin ko na siya.

Ang balak ko ay kapag nagising na ang kakambal ni Dos ay gagawin ko ang lahat upang makapagpaliwanag siya at aalisin ko na siya biglang miyembro ng Apocalypse. Iyon lamang, at sana ay huwag na huwag na siyang magpakitang muli sa akin.

"Mahirap gawin ang hinihiling mo." Banggit ko sa kaniya, ngunit nginitian lamang ako ni Takashi na napakadalang niyang gawin dahil katulad ko ay laging iisang ekspresyon lamang ang makikita sa mukha niya at iyon ay ang—wala akong paki-alam na itsura.

"I know that, but I wish the time will heal all the scars in your heart." Makahulugang sambit niya at saka ako tinapik sa balikat at mas nauna siyang umalis sa akin. Agad din naman akong sumunod at saka sumakay sa big bike ba dala dala ko kanina upang tumungo sa main mansion.

Napansin ko naman na may dala dala ding big bike si Takashi kaya't nauuna pa din siya kaysa sa akin. Habang nagmomotor ay pinakiramdaman ko na lamang ang malamig na ihip ng hangin.

Sana nga matupad ang hiling mo, Takashi Ishido.

***

Morning: The day...

"Oh my devils!" Malakas na sigaw ang umalingawngaw sa buong kwarto ko kaya't naibato ko agad ang kung anong unang mahawakan ng kamay ko, at sa kasamaang palad ay isang lampshade sa gilid ng kama ko iyon.

"The heck!" Malakas na sigaw ko din sa babaeng walang ginawa kung hindi ang magreklamo at magsisigaw sa sariling wika niya dahil sa inis. Pasalamat na lamang ang babaeng ito dahil tamad na tamad akong bumangon sa kama upang kumuha ng armas na pwedeng ipampatahimik sa kaniya.

"Oh my gosh! You bitch!" Muling tili nito habang nakatitig sa akin at saka dahandahan na bumaling sa lampshade na ibinato ko sa kaniya. Tss. Mabilis siyang nakakilos kaya't nailangan niya agad iyon.

"I came here, because my Kurt baby said that you are in a worse condition yet you are sleeping peacefully. Oh my gosh!" Hindi makapaniwalang sigaw pa nito at saka tingnan  ang katawan ko noong maalis niya ang kumot.

Agad naman akong napatayo pababa sa kama ko at saka dumiretso sa aparador upang kumuha ng katana at mabilis iyong itinutok sa leeg niya. "Would you stop screaming?" Inis na banggit ko habang masamang nakatingin sa kaniya.

"Nein!" (No!) Malakas na sigaw nanaman niya kaya't agad ko siyang tinadyakan sa may bandang tiyan ngunit agad niyang nasalag iyon. Pipilipitin na sana niya ang paa ko ngunit mabilis ko iyong inikot upang makawala sa pagkakahawak niya.

Maliksi din akong kumilos upang mahawakan ko ang kamay niya at dalahin siya papunta sa akin. Nanlaban siya, ngunit agad kong itinutok sa pisngi niya ang matalas na bahagi ng katana, kaya't natigil siya sa pagrereklamo.

"Shut the hell up, Tiara Wolf." Madiing bigkas ko pa na nagpapahiwatig na kayang kayang kong sirain ang makinis at magandang mukha niya dahil ginising niya ako at sisigaw-sigaw pa siya ng reklamo.

"Uno!" Agad naman akong napatingin sa pintuan noong kwarto ko noong may sumigaw at inuluwa noon ang matikas na lalaki. Na hindi makapaniwalang nakatingin sa akin na para bang may nakitang multo. Tss. Trevor Castillion.

"La regina!" (Queen!) At sinundan din iyon nang isa pang ingay na mabilis natahimik noong makitang nakatutok ang katana ko kay Tiara. Titig na titig sa akin si Clio Accardo habang ngumingisi ako sa kaniya. Unti unti ay napuno ng tao ang kwarto ko dahil sa ingay at pati na din sa mga kararating lamang na pinuno ng Apocalypse.

Pinakalma muna ako ni Kurt at Skyler noong halos saktan ko na si Tiara ng malala dahil sa panggigising niya sa akin. At noong mangyari iyon ay agad kong ipinaliwanag sa kanila kung bakit ko sila pinapunta dito.

Halos magalit pa sa akin sina Quattro o Clio, Cinque o Trevor at Tiara o Sei, dahil sa balitang ipinahatid ko sa kanila na napahamak ako. Tss. Kahit naman mayayabang at walang sinasanto ang mga ito, ay kapag may kinanti o may napahamak na isa sa amin ay susugod talaga sila.

Alam nila ang tungkol kay Tres ngunit dahil na din sa utos ko na hintayin magising iyon ay wala silang magawa kahit tutol pa sila sa gusto ko. Gusto na nilang patalsikin si Tres, ngunit hindi pa iyon maari.

Ipinaliwanag ko sa kanila ang plano na agad nilang sinang-ayunan, namili na din agad sila ng mga gusto nilang makaharap at tuwang tuwa pa ang mga ito dahil nagsisimula na akong kumilos. Buong umaga kaming nagdiskusyon at nagplano. At noong pagabi na ay dumiretso na kami sa lugar kung saan gaganapin ang party.

***

Noong nandoon na kami ay napangiti ako dahil tugmang tugma ang lokasyon at atmospera sa gusto ko. Magaling talaga magsagawa ng plano si Gab Gab. Masyadong parehas ang naiisp namin kaya't saktong sakto sa panlasa ko ang napili niyang lugar.

Tuwang tuwa din agad si Tiara dahil parang normal na bar ito pagkapasok namin sa loob. Agad din siyang nakipaglandian sa ibang mga tauhan namin nanandoon.

Binigyan din kami ng kani-kaniya naming maskara. Sinuot ko iyon at dumiretso ako sa isang tagong kwarto kung saan mayroong mga monitor upang makita ko ang mga mangyayari mamaya.

Ang ibang miyembro naman ng Apocalypse ay nagpunta o nagkalat na sa tila bar na ito upang magmatyag at gawin ang mga nakaatas na utos sa kanila. Kinontak ko na din si Skyler upang malaman ko kung nasaan na sila at ang sinabi niya ay malapit na.

Dahil sa mensaheng iyon ay nagbigay na ako ng hudyat upang mag-simula na ang lahat. Prenteng umupo na din ako sa madilim na kwartong ito upang panuorin ang lahat ng magaganap.

Habang naka-upo akong solo sa silid na ito ay nakita ko sina Dos, Quattro, Cinque, Sei, Kuya Thunder at Kurt na nasa kani-kaniyang pwesto na. Noong makasigurado na din ako ay inilagay ko na sa tainga ko ang isang earpiece.

"Light." Iyon agad ang narinig ko pagkalagay ko noong earpiece at napatingin ako sa ibang monitor upang hanapin kung nasaan si Gab Gab ngayon. Kaming dalawa lamang ang nagkakarinigan sa earpiece na ito at bukod pa iyong isa ko pang gamit na para sa Apocalypse.

"Ready?" Nakangising tanong ko habang pinagmamasdan ang preskong si Gab Gab nakatayo malapit sa bar counter habang umiinom ng isang liquor. Kitang kita ko din ang pagngisi niya sa kamera sensyales na handang handa na siya.

Pagkatapos din niyang lagukin ang iniinom niya ay agad niyang ipinamulsa ang kamay niya at naglakad. Noong una ay hindi ko mawari kung saan siya pupunta ngunit habang nakikita ko ang daan kung saan siya patungo ay alam ko na.

"Hey." Agad akong napalingon sa may pinto noong may magsalita doon. At tama nga ako, dito siya pumunta. Nginitian ko lamang siya at saka ko muling ibinalik ang tingin ko sa monitor.

Naramdaman ko naman ang presensiya niya na lumapit sa akin, at saka ko naramdaman ang labi niya sa pisngi ko. Pakiramdam ko biglang uminit ang mukha ko at kasabay noon ang napakabilis na tibok ng puso ko.

"Look at me." Narinig ko pa ang malumanay na boses niya na tila may hipnotismo dahil agad ko siyang tingnan. Napangiti naman siya ng matunog dahil sa ginawa ko. Tumitig din siya sa mga mata ko, at napakalamlam ng mga mata niya at halos para itong kumikinang sa ganda.

"Are you really sure about this?" He questioned sincerely and I nodded mutely. Napabuntong hininga na lamang siya sa itinugon ko at saka siya humilig sa balikat ko. "It'll be over soon." Mahinang dagdag pa niya.

"Hmm." I retorted mellowly as I looked at again the monitors. Noong makita ko sang isang monitor at ang ipinapakita nito ay ang labas ng bar. Nakita ko na doon ang nakatayong mga kaibigan ko dati, habang pinagmamasdan ang lugar. Kitang kita ko sa ekspresyon nila ang takot, kaya't doon pa lamang ay nakaramdam na ako ng tagumpay.

"It's starting." Sambit ko kay Gab Gab kaya naman napalingon siya sa akin bago tumingin sa monitor. Pagkakitang pagkakita niya sa nakikita ko ay napatiim bagang siya at saka pumorma ang kamao niya. Naging seryoso din siyang bigla.

Tumayo na din siya upang tumungo sa may pinto, ngunit bago pa siya makaalis ay hinawakan ko ang kamay niya at saka ko siya nginitian. "Good luck." Sinserong wika ko, agad nawala ang seryosong awra niya at napalitan iyon ng malumanay na ngiti. At mabilis akong ninakawan ng halik sa labi.

"Yah—" Aalma sana ako ngunit agad niya akong napigilan noong ilagay niya nag hintuturo sa labi ko. At walang sabi sabing tumaas ang gilid ng labi at saka tuluyang umalis.

Napaka talaga noon kahit kailan, nasa seryosong sitwasyon kami hahataw pa ng ganoon. Tss. Gab Gab will always be Gab Gab. He's always been a fool when it comes to me. Tsk. That idiot. Kapag naman hindi na ako ang kaharap niya akala mo kung sinong halimaw na kayang kayang patumbahin ang kalaban sa pamamagitan ng tingin. Tss.

Bumalik akong muli sa pakakaupo ko kanina at saka ko tingnan muli ang monitor, at nakita ko sa isang cctv na nasa loob na silang lahat. At ang adik na si Skyler ay tumingin pa sa kamera at ngumisi. Napa-iling iling lamang ako doon. Anong trip nito? Tsk.

Maya maya ay nakita ko na parang nakahinga sila nang maluwag panandalian dahil parang normal na bar lamang ang dinatnan nila. Napansin ko pa na parang tumili si Alyx. Samantalang iyong iba ay tumingin tingin sa paligid.

Agad naman naagaw ng pansin ko si Tiara na papalapit kayna Lian at Tim. Napa-dekwatro pa ako at nag-aabang sa gagawin ni Tiara, at muntik na akong humalakhak noong landiin nito si Tim sa mismong harap ng nobya nito. Sumayaw sayaw pa ito. Ako ang kinilabutan sa ginawa niya. Tss.

Nakita ko naman agad sa ekspresyon ni Lian ang pagkaasar dahil sa ginawa ni Tiara. Ngunit hindi man lamang nasindak si Tiara at wari ko'y inasar pa nito si Lian. Kahit kailan talaga, hindi mo mapipigilan ang pagiging flirt ni Tiara. Agad namang natauhan si Tim Tim dahil sa ginawa ni Tiara at agad na inalis ang braso nitong nakapulupot sa kaniya.

Nakaalis na din agad si Tiara doon at naglakad muling si Lian at Tim. Napansin ko din nagkahiwa-hiwalay na sila. Agad ding umaksyon ang ilan sa mga tauhan na inutusan namin upang gawin ang plano at bigyan sila ng mga maskara at dalhin sa isang lugar.

Hindi nagtagal ay natipon na din sila sa kung saan magpapakita si Gab Gab. Kitang kita ko sa mga mukha nila ang kaba at hindi mapakaling pakiramdam. Samantalang ako ay namamangha sa napapanuod ko. Takot din pala itong mga ito. Nag-uusap usap pa sila ng kani-kaniya. Naririnig ko na sila nang malinaw dahil may nakakabit doon sa maskara na ibinigay sa kanila.

Sa pag-uusap pa lamang nila ay nangingilabot na sila sa pupwedeng mangyari, paano pa kaya kapag nag-simula na iyong laro? Tss.

Pagkatapos ng ilang saglit ay dumating na din si Gab Gab at katulad ng inaasahan ko ay nakakakaba agad ang dating niya. Napakalayo sa Gab Gab na nakakausap at nakakatawanan ko. Nawala iyong napakamapaglarong na awra niya at ang mararamdaman mo lamang ngayon sa kaniya ay iyong tipong manliliit ka.

Nagsimula na ding magsalita si Gab Gab at batid na batid ko ang kaba nila dahil sa lalalim at bibilis ng paghinga nila na naririnig ko. Idagdag mo pa ang tila mga nanginginig nilang sistema dahil sa mga sinasabi ni Gab Gab.

"You're doing great." Seryosong banggit ko kay Gab Gab kaya naman nakita ko kaagad ang paglitaw ng ngisi sa labi niya.

"Sino?" Natatawang sambit pa ni Gab Gab habang kausap sila. "Ako, Lian. Ako ang kalaban ninyo." Malalim at madiing pahayag pa niya. Napangisi naman ako dahil doon.

Tama, Lian. Si Nathaniel Gabriel Evans ang kalaban niyo ngayon, at nandito din ako habang pinapanuod kayo.

***

Nag-simula iyong laro at umaayon sa plano namin ni Gab Gab ang lahat. Mas naging tensyonado din ang lahat. Isa din sa plano namin ay kung sino ang sasabat habang nagtatanong ay siya ding pupuruhin ng laro. Nagsabi din siya ng patakaran na bawal magsabi ng dangyunhaji kapag kasinungalingan naman ang lalabas sa bibig nila.

Una niyang pinuntirya si Annicka. Kitang kita ko ang takot at kaba kay Annicka dahil sa mapaglarong sambit ni Gab Gab sa pangalan niya. "Annicka, hindi baga at bata pa lamang tayo ay nakakaramdam ka na ng matinding inggit kay Light?" Alam ko naman noon pa na naiingit sa akin si Annicka. Ramdam ko naman iyon.

Pero hindi ko iyon iniintindi dahil inggit bata lamang iyon. Ngunit, parang may mas gusto pa akong malaman tungkol sa pagkainggit niya.

"Dang..." Nahihirapan pa si Annicka sa sasabihin niya. "D-Dangyunhaji..." Utal utak na banggit niya habang nanginginig. Gusto kong malaman ang dahilan, subalit natigil iyon noong sumabat na si JJ upang ipagtanggol ang pinsan niya.

Uminit ang mga pangyayari at halos magmurahan na sila doon. Inaasahan ko na iyon kaya't hindi na ako nagulat, ngunit hindi ko pa din mapigilan mamangha dahil sa mga reaksyon nila. Apektado talaga sila, at isang magandang bagay ito.

Iyong mga sumabat katulad ni JJ ay tinanong din ni Gab Gab. Kaya naman mas lalo silang nagkagulo. Kitang kita ko sa mga mukha niya na nagkakaroon na sila ng pagtatakha sa isa't-isa. Na parang hindi na sila nakapaniwala sa naririnig nila.

Kitang kita ko kung paanong nawawala na sila sa sistema nila dala ng mga nangyayari at salita ni Gab Gab. Galit, lungkot, kaba, tensyon, poot, halo halo lahat ng iyon ngayon at hindi mo na maintindihan kung alin ang nangingibabaw. Ang lakas ng epekto ng bawat salitan ni Gab Gab sa kanila. Ang talino talaga niya. Sinabi ko lamang kay Gab Gab ang mga sikreto nila, pero hindi ko siya inutusan kung ano ang sasabihin niya, kusa niya ang mga nangyayari ngayon. Napakagaling talaga.

Sigawan at halos iyakan na ang naririnig ko. Kahit ako ay bumigat ang damdamin dahil sa nasasaksihan ko.

"The most dangerous person in life is the one who is madly in love." Narinig ko pa ang pagkakasabi noon ni Gab Gab sa napakaseryosong tono.

"So, you are the most dangerous here, Mr. Evans?" Balik tanong ko sa kaniya, kahit alam kong hindi siya sasagot. "Hindi lang ikaw, Gab Gab. Mas delikado ata ako sa iyo." Nakangiting dagdag ko pa.

Pigil ngiti naman si Gab Gab dahil sa sinabi ko. Kaya't muli niyang ibinaling ang atensyon sa kanila. Binalaan na din niyang muli si Annicka tungkol sa pagtatanong. At dumating na iyong inaabangan ko na magpapaliwanag si Annicka sa inggit niya sa akin.

"O-Oo, naiinggit ako nang sobra kay Princess na dumating sa p-punto n-na, n-na..." Hindi ko alam kung bakit parang kinabahan din ako sa mga susunod na sasabihin ni Annicka. Dumating sa punto na?

"Na... N-Nagpasalamat ako na wala na siya noong m-mga panahon na akala namin ay patay na siya." Umiiyak na wika niya na nakapagpasinghap sa akin. I expected this kind of reason, but still... Nakakabigla pa ding makinig mula mismo sa bibig niya.

"A-Alam niyo kung bakit dumating sa puntong iyon?" Pagpapatuloy niya.

"Dahil minahal ko si Nate nang higit sa kaibigan."

"Heck. What the heck?" Tanging iyon na lamang ang lumabas sa tinig ko noong banggitin ni Annicka ang mga katangang iyon. Thousands of shivers travelled through my spine. Goosebumps. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

Nagpaliwanag si Annicka kung bakit at dahil sa paliwanag na iyon ay nalinawan ako. Napansin ko din si Gab Gab na madilim ang paningin. Marahil ay katulad ko hindi din niya inaasahan iyon. Manhid kasi talaga siya, maliban na lamang kapag ako ang kaharap.

Napakatahimik bigla sa lugar nila kahit ako ay tahimik dahil prinoproseso pa ng utak ko ang mga nalaman ko. Napatitig ako sa balisang si Gab Gab. At noong maisip ko na kung wala na talaga ako ngayon at nabigyan ng tyansa si Annicka at Gab Gab ay parang sumisikip ang dibdib ko.

"You are mine, Gab Gab." Napatakip agad ako sa bibig ko noong mabigla ako sa sarili kong sinabi. Hindi ko akalain na masasabi ko iyon dala ng imahinasyon ko dahil sa sinabi ni Annicka. Ang tinig ko pa noong sambitin ko iyon ay iyong tipo na napakamakasarili. Damn. Ano bang sinasabi ko?

Nakita ko naman agad ang maliit na ngiti sa labi ni Gab Gab noong sabihin ko iyon. Tss. Kapag nakita siya ng iba diyan. Tsk. Marahil ay nabigla din siya sa sinabi ko kaya naman napangiti siya.

Maya maya ay bumalik nanaman ang tensyon dahil nagsalitang muli si Gab Gab at ngayon parang bagong enerhiya nanaman ang taglay niya ngunit nandoon pa din ang nakakatakot at nakakaintimida niyang dating.

Nagsimula na muli ang tanungan na umaayon sa plano namin. Hindi na ako nagulat sa mga sinasabi ni Gab Gab dahil matagal ko nang alma ang tinatago nila, at ganoon din si Gab Gab.

Ang pinaka bago ko lamang nalaman ay iyong itinatago ni Thon Thon tungkol sa lolo ko kaya naman nagsimula na akong kumilos noon, at ito ang katuparan noong mga kilos na iyon.

Sigawan, iyakan, sumbatan at tensyon ang maririnig at mararamdaman mo mula sa kanila. Lahat sila ay hindi makapaniwala sa mga naririnig at nangyayari. Wala na sila sa tamang katinuan dahil sa pagbugso ng emosyon nila. Nag-sisihan na din sila. Kitang kita ko kung paano masira ang matibay na samahan nila.

No... That's not my plan. My—Our plan was to scare them and to unite them without any lies, without any facade, without any other motives than to help me. Kailangan ko sila ngayon... Sana naman makisama sila.

Ang buong akala pa nila sinisira ko ang pagkakaibigan nila. But our main goal was to destroy their lies, not their friendship. I need to rebuild them. They need to prove themselves to me so that at least I know that they could... cooperate with me.

Dumating na sa punto na pekeng nagtuos si Nate at Skyler. Kasama ito sa plano, dahil kailangan din naman nila malaman kung ano ba talaga ang kasalanan ni Skyler. Napatawad ko nanaman siya, at alam ko nanaman ang dahilan niya.

Kitang kita ko ang galit at pagkabigla sa mga mata nila noong umamin na si Skyler. Parang nakita ko sa kanila ang sarili ko noong mga pagkakataong iyon, mas malala nga lamang ang mga ginawa ko noon dahil sa galit ko kay Skyler.

Nagkakagulo na sila masyado. Ang ingay na. Masyado na atang nadadala si Skyler sa damdamin niya dahil ngayon lamang din niya nalaman nag lahat dahil hindi ko sinasabi sa kaniya ang sikreto ng mga kaibigan namin dahil alam kong kamumuhian niya sila.

Kung may alam man siya ay walang kumpirmasyon iyon at ngayon lamang iyon nagkaroon ng kasagutan. Ramdam na ramdam ko ang halong halong emosyon ni Skyler habang sumisigaw at nakikipagsagutan sa kanila.

At noong hindi na ako makatiis ay inutusan ko na si Gab Gab.

"Once the game is over liars, all of you shall face your catastrophe in the depths of hell. Sabihin mo iyan, Gab Gab at saka ka magpaputok ng baril dahil kailangan mo silang kontrolin. Their emotions are already overpowering everything in there." Serysong utos ko na agad niyang sinunod.

Nagulat at natahimik silang lahat dahil doon. Tanging pag-iyak at paglahaw lamang nila ang naririnig ko. Matapos ang ilang minuto ay nagsalita na muling si Skyler, at nagtalo talo nanaman sila, ngunit hinayaan ko na sila, dahil doon ko nakita kung gaano nila kamahal ang kakambal ko.

Basang basa ko sa mga mata nila ang emosyon na naguumapaw dahil sa nalaman nila. Hindi nila matanggap iyong nangyayari, at saka iyong nalaman nila tungkol sa kinalaman ni Skyler sa nangyari sa amin noon.

Ate Gloom... mahal na mahal ka talaga nila ano?

Ang bigat ng damdamin ko habang pinapanuod silang nag-iiyakan dahil kay ate. At noong ikwento ni Skyler ang mga nangyari noon ay hindi ko maiwasang mapapikit at sumakit ang lalamunan. Ano ba ito, bakit ako nadadala sa kanila?

Pilit kong inayos ang sarili ko at muling tingnan ng masinsinan ang monitor. Matapos nilang magiyakan nang sobra sobra at magsumbatan ay tinapik ni Gab Gab si Skyler. Isa iyon sa plano, ang magpakita si Gab Gab at Skyler na magkakampi sila.

Sana naman... Nakuha nila ang ipinaparating namin na, kung magkakampi na si Gab Gab at Skyler, maari din nila akong maging kakampi kung gugustuhin nila.

Nagsimula na muli ang laro at si Tim Tim na ang tinatanong. Alam ko na ngayon ang tunay na nangyari kayna tita at tito. Ang Yobbo Empire ang may kasalanan noon kung bakit sila nabangga at kung bakit namatay si tita. At ngayon dahil naman sa paguutos kay Tim Tim kung bakit namatay si tito.

Napapikit na lamang ako nang madiin at napayukom ang kamao. Kitang kita ko kung gaano kaapektado si Lian kahit hindi siya magsalita. Nagsalita din si Alyx upang maglabas ng hinanakit at napabuntong hininga na lamang ako... wala, hindi nila makuha ang ipinaparating namin.

Masyado nang natatabunan ng emosyon nila ang kanilang pag-iisip kaya't ganito ang nangyayari.

"Do you really think that I did to ruin your bond? If that's really what you believe, then... You don't trust me." —You don't trust us. Sinabi ni Gab Gab ang mga salitang gustong gusto kong sabihin sa kanila.

Hindi ba nila makuha na kaya sila nawawasak ngayon ay dahil walang pundasyon ang pagkakaibigan nila? At kaya namin ginagawa ito ay para bigyan sila ng pundasyon upang maging mas matibay at mas maayos ang lahat?

Napahugot na lamang ako ng malalim na hininga at saka napatayo. Si Lian na lamang matatapos na ang larong ito.

"Lian Analiz Valle. Sino ka ba talaga?" Tanong ni Gab Gab. Napatindig ako mula sa kinauupuan ko. Iyon ang matagal na tanong ng umiikot sa isipan ko na hanggang ngayon ay wala pa ding kasagutan. Sino ka ba talaga Lian? Bakit napakatago ng pagkatao mo?

Kitang kita ko ang tensyon sa mata ni Lian. Hindi siya mapakali. "Good, you are doing great, kailangan natin siyang mapaamin. Bababa na ako dyan." Nakangiting pahayag ko at saka ko binuksan ang pinto ng kwartong ito.

Ito ang hudyat ko. Kapag si Lian na ang natanong, bababa na ako upang magpakita. "Isang napakalaking sikreto ang pagkatao mo hindi ba?" Pakiramdam ko ay kinilabutan din ako dahil napakamapaglaro ng pagkakabanggit doon ni Gab Gab.

"Apocalypse," wika ko gamit ang earpiece kung saan konektado ako sa kanilang lahat. "Be ready. Magpapakita na tayo." Nakangising sambit ko. At narinig ko ang pagsangayon nila sa kani-kanilang lenggwahe. Marahan akong bumababa sa hagdan na napakadilim habang inaantay ang sagot ni Lian.

"D-Dangyunhaji..." Nanginginig ang tinig niya noong banggitin niya iyon. Nagkaroon ng matinding katahimikan. Kumakabog ang puso ko dahil sa katahimikan na iyon. Magtanong ka na, Lian, para makapagtanong na kaming muli.

"N-Nate..." Narinig ko ang halos mawalang tinig ni Lian dahil sa kaba. "M-Mag-asawa kayo ni Princess Light Smith, h-hindi ba?" Napatigil ako sa paglalakad noong marinig ko iyong sinabi ni Lian. Parang napatigil din ang paghinga ko dahil doon.

Ngunit agad din akong natauhan matapos ang panandaliang pagkabigla. You really know how to answer back greatly... Lian Analiz. Ganoon na lamang ba ang kagustuhan niya na talagang matigil ang larong ito at naisip niyang tanungin iyon?

***

Lian Analiz' POV

"M-Mag-asawa kayo ni Princess Light Smith, h-hindi ba?" Hindi ko alam kung anong espirito ang sumanib sa akin at nagkaroon ako ng katiting na lakas ng loob upang sambitin ang tanong na iyon.

Kasal si Cassidee at Nate, kaya naman hindi makakasagot si Nate ng dangyunhaji at ibig saibihin matitigil na ang larong ito. Kapag natigil na ang larong ito, mawawalan na si Nate ng pagkakataong tanungin ako...

Tama na, Nate, tama na Kuya... Huwag muna ngayon, hindi ba ngayon ang oras para malaman mo na kapatid mo ako sa ama.

Natahimik kaming lahat at ramdam na ramdam ko ang panlalamig at panginginig ng buong sistema ko. Hindi ako mapakali, hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko. Sa bawat segundo na hindi pag-imik ni Nate ay segundo na parang unti-unting pagkawasak sa walang kasiguraduhang buhay ko.

Takot na takot ako... Ngunit umaasa din ako na manatili na lamang tahimik si Nate, para matapos na ito. Hindi niya masasabi ang dangyunhaji. Hindi niya magagawa iyon.

Bawat pagkabog ng puso ko ay parang pagtaas ng tensyon at takot namin. Pinagtataasan na din ang mga balahibo ko sa braso at batok dahil sa kakatwang pakiramdam. Napakabagal ng oras sa mga pagkakataong ito, at hindi ko na alam ang iisipin ko.

Ngunit...

Napawi ang lahat ng isipin ko dahil sa nakapatinding takot na naramdaman ko noong may marinig akong tunog ng takong. Nabato kaming lahat sa kinatatayuan namin na hindi namin malingon lingon kung saan nanggagaling ang tanging tunog na naririnig namin.

Bawat paglapit, bawat pagtunog noon ay nakakabingi... Saan? Saan galing iyon?

Isang saglit pa ay napalingon si Skyler sa likudan namin, at iyon na ata ang hudyat namin upang isa-isang mag-lingunan din. Kumakabog ang puso ko habang unti-unti naming nakikita ang mga silhuweta mula sa dilim.

Hindi namin makita ang mga mukha nila dahil sa dilim, ngunit ang ibabang bahagi ng katawan nila ay nakikita namin. Hindi ko alam ang iisipin ko, wala na ata ako sa katinuan ko. Tanging paglunok, panlalamig, panginginig at kaba lamang ang nangingibabaw sa akin.

At unti-unting umabante ang isang pigura na nasa gitna nilang lahat...

Isang pulang mataas na sapatos ang nakita namin... Pataas sa isang napaka-kinis at napakaputing binti, at ang isang kulay itim na hanggang tuhod na bistida... Hanggang sa unti-unti na naming naaninag ang mukha noong silhuweta na iyon.

Tumigil. Nagimbal. At natakot.

Tumigil yata ang buong mundo ko noong makita ko kung sino siya, nagimbal ang buong sistema ko noong unti-unting sumilay ang isang napakamapaglarong ngisi sa kabi niya, at natakot ako na parang gusto ko nang tumakbo paalis dito noong lumapit siya isa isa sa amin.

Walang nakapagsalita, lahat kami ay nakatulala at balisa.

Hindi kami makapaniwala sa nakikita namin.

Lalong lalo na noong lumapit siya kay Nate. Nakatungo si Nate noong mga pagkakataong iyon, at noong itaas ni Nate ang kaniyang ulo, ay para na akong tinggalan ng kaluluwa. Kulang ata ang deskripsyon na nabuhusan kami ng nagyeyelong tubig noong makita namin ang ngisi nilang dalawa.

"Ano ulit, Lian?" Mapang-asar na banggit ni Nate. Hindi na ako makahinga noong pagkakataong iyon.

"Mag-asawa ba kami ni Light?" Madiin at mapaglarong bigkas niya at wala sa wisyo akong napalunok dahil tuyong tuyo na ang lalamunan ko.

Hindi ka na makakasagot pa, kuya... Hindi na... Asawa mo na si Cassidee, or so I thought...

"Dangyunhaji." Hindi lamang isang tinig ang sumagot sa tanong kong iyon, dahil dalawang boses ang sumagot noon ng walang bahid ng kahit anong kasinungalingan o pag-aalinlangan.

"Improbus Ille Imperium. Meet my real wife... Princess Light Smith-Evans."

***

To be continued...
Sorry for all the errors.

26.27

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top