Liar 25: Twisted Game II
25: Twisted Game II
Lian Analiz' POV
"Once the game is over liars, all of you shall face your catastrophe in the depths of hell."
Para akong tinggalan ng kaluluwa noong marinig kong muli ang mga katagang iyan. Noong narinig ko iyan noong party ni Cassidee ay kakaibang kilabot ang naging hatid nito, at ngayon kakaibang takot naman ang naramdaman ko na para bang kami ang pinatutungkulan nito.
Nangangatog na nanaman ang buong katawan ko, maging mga labi ko ay ganoon na din. Nabato din ako sa kinatatayuan ko na hindi ko maigalaw ang ulo ko para tingnan kung sino ang umimik noon, pero kahit hindi ko tingnan ay alam ko kung kaninong boses iyon.
Malalim at nakapanghihilakbot ang hatid ng tinig niya, idagdag mo pa iyong sinabi niya na nakapagpabilis ng tibok ng puso ko na animo'y milya milya ang tinakbo ko kahit ang totoo naman ay hindi ako makagalaw sa kinapupuwestuhan ko.
Pigil hininga din ako dahil sa kaba. At isang nakakatakot na katahimikan nanaman ang namayani ngunit nabasag iyon ng muling magsalita iyong boses. "Naaalala niyo pa? Iyon ang mga katagang sinambit doon sa palabas noong selebrasyon ng kaarawan ni Cassidee." Nakangising dugtong pa niya. Ang mga salita niya, parang bala na unti-unting tumatama sa amin at nagbibigay pasakit.
Walang nakapagsalita sa amin sa sinabi ni Nate. Si Nate ang bumanggit sa mga katagang minsan nang binanggit ni Princess, pero bakit ganoon? Parehas na parehas ang epekto nito sa damdamin ko. Hindi ko maitatanggi na dahil sa sobrang gulat at kaba ko kanina ay inakala ko na nasa isang tabi lamang si Princess at tahimik kaming pinapanuod.
Siya din iyong nagpaputok kanina ng baril upang matahimik kaming lahat dahil nagkakagulo kami dahil sa sinabi ni Skyler. Sa isang bote ng alak niya iyon pinatama, at wala namang nasaktan sa amin. Pero, iyong mga puso namin? Wasak na wasak na.
Iyong tiwala namin? Hindi na ata maibabalik pa sa dati.
Tanging sa pagiyak ko na lamang nailabas ang lahat ng sama ng loob ko. Kung kami nga na hirap na hirap tanggapin ang lahat ng ito kahit katiting lamang ang kinalaman nito sa amin, halos mamatay na kami. Pa-paano pa kaya... si Princess?
Sa kaniya at kay Nate lahat umiikot ang nangyayaring pagsiwalat ng mga sikreto. Lahat may kinalaman sa kaniya. Kung alam niya ang lahat ng ito... Paano niya nakakayang mabuhay? Paano niya nagagawang lumaban sa laban na alam niyang dehado na siya? Paano? Paano mo nagagawang maging ganito katatag Princess? Paano mo kinakaya ang lahat ng ito?
Ako ang nahihirapan at nasasaktan nang sobra dahil napakasakit tanggapin ng lahat ng ito. Ilang taon naming nakasama si Princess at napakasaya niya lagi, pero dahil sa amin, gumuho ang mundo niya. Nasira ang kinikilala niyang magandang kinalakihan.
All her life, she only wished for one true happiness, even though life gave her happiness... it's all facade, it's all fake, it's all lies.
Napapikit na lamang ako ng pagkadiin-diin. Hindi ko na din alam kung kakayanin ko pang magmulat o makinig sa mga sikreto nila. Lalong lalo na sa sinabi ni Skyler. Damn him. Damn him. Hindi ko akalain na magagawa niya iyon sa kambal.
Parang pinupunit ang puso ko. Si Empress...she's our precious queen. Bata pa lamang kami protektado na namin si Empress, lalong lalo na noong kakambal niya. Si Empress ang nagbibigay ng lahat ng lakas kay Princess noon, kahit ironically si Empress ang may matinding pinagdadaanan nagagawa pa niyang magbigay.
Napahagulhol na lamang ako noong tila parang pelikulang nagbalik tanaw ang utak ko sa mga pinagsamahan namin kasama si Empress. Madalas kasing wala si Princess noong bata pa sila, dahil nga ginagampanan nito ang pagiging heiress, samantalang si Empress ang lagi naming kasama.
"Hoy, Lian, Alyx, at Shana. Pumunta nga kayo dito!" Parang musika pa sa pandinig ko ang pagkakautos ni Empress sa amin noon na lapitan siya. Ganoon kasi si Empress nakapa-selfless niya.
Isa-isa pa nga niya kaming binigyan noong ginawa niyang maskara. Oo, gawa ni Empress ang mga maskara namin bilang Legendary Four. Malaki ito sa amin noong ibigay niya, kaya na-disappoint kami, pero kinalaunan ay naging kasya na ito sa amin at iyon na ang ginamit namin.
Iyong kay Princess? Siya din ang gumawa noong blue moon mask niya. Hindi nga lamang namin ipinaalam na ginawa iyon ng kakambal niya noon. Regalo sana iyon ni Empress sa kakambal niya, kung hindi lamang namatay si Empress noon, paniguradong masaya silang dalawa ngayon.
Naiisip ko pa lamang kung paano pahirapan ni Skyler ang kambal na iyon, ay hindi na maatim ng sikmura at utak ko. Para akong nahihilo at hindi makahinga sa mga naiisip ko. Sa pag-iisip ko kung paano sila ipinagkaluno ni Skyler, ay tila mas may ididilim pa ang paningin ko kahit nakapikit ako.
These are all bullshits. Hayop ka Skyler. Hayop ka.
Muntik na akong mapasigaw noong may humawak na kamay sa kamay ko kaya't napamulat ako, ngunit nawala din iyong kaba ko noong makita ko ang mukha ni Tim. Nawala nga ang kaba ko, kakaibang sakit sa puso nanaman ang nadarama ko.
Nakikita ko ang mga mata ngayon ni Tim Tim na punong puno ng lungkot at paghihinagpis, hindi siya lumuluha pero sapat na iyong nagtutubig niyang mata upang ipahayag sa akin kung paano siya nasasaktan sa nangyayari ngayon, kung paanong naghalo halo ang mga nararamdaman niya sa nabubunyag ngayon.
Naramdaman ko din ang nanginginig niyang kamay na tila kaunti na lamang ay siya na ang sasabog. Kinakabahan din ako sa sarili kong iniisip. Hindi ko alam kung anong sikreto ang mayroon si Tim. Sana ay hindi iyon mabigat. Dahil kahit mahal ko siya, ay alam kong may mamumuong galit sa puso ko kung napakalaking sikreto ang itinatago niya.
Hindi man mawala ang pagmamahal ko sa kaniya, alam kong matatabunan iyon ng galit pansalamantala. Kahit naman gaano kalawak ang pang-intindi nang isang tao, minsan kapag kinanaharap mo na ang napakatinding sakit ay magsasarado ng kusa ang isipan mo.
Tinitigan namin ang isa't-isa at basang basa ko sa mukha ni Timothy ang paghingi ng tawad at doon sa pagkakataong iyon ako nakaramdam ng napakatinding kaba at sakit, na pinaghalo, para akong tinangalan muli ng kaluluwa at hindi ko na alam kung babalik pa iyon.
Para kaming binuhusan ng napakalamig na tubig dito na nakapagdulot sa amin ng matinding pagkabalisa. Naghihingalo na nga din ako, dahil hindi ko na kakayanin kung maging ang sikreto ko ay mabunyag. Hindi sa natatakot ako... Subalit hindi pa ito ang tamang panahon para malaman nila kung sino ba talaga ako. Hindi pa ito ang tamang panahon.
Dahil maging ako... nito ka lamang din nalaman ang katotohanan. Kasinungalingan, paglilihim. Kung doon lumaki si Princess, Nate at ang iba pa... Ako... Pakiramdam ko, nakakulong pa din doon.
"Gusto niyo pang malaman ang itinatago ko?" Nawala ako sa isipin ko noong magsalita si Skyler na tila parang lasing at asar na asar na sa mga nangyayari. Tingnan niya ang mga mata namin isa-isa. Nanggagalaiti ako sa kaniya, dahil hindi ko na nga mabasa ang kinikilos niya, ganito pa siya.
Gustong gusto ko siyang sugudin at kwestyunin. Oo nga't hindi siya mismo ang pumatay kay Empress, pero napakasama niya para ipapanuod ito kay Princess! Siya ang dahilan kung bakit nagka-amnesia si Princess, siya ang dahilan kung bakit halos magpakamatay noon si Princess. I despise him to death!
"Itigil mo na ang mga pinagsasabi mo Skyler." Banta ni JJ sa kaniya.
"Tama si JJ. Shut the hell up, Skyler." Segundo naman ni Tim at saka tumayo. "Alam mo? May gusto akong sabihin sa iyo." Iiling-iling na sambit niya. "Tangina mo, Skyler. Hayop ka." Nanginginig sa galit ang boses ni Tim noong banggitin niya iyon kay Skyler. Wala akong balak pigilan si Tim dahil maging ako ay gusto nang sapakin ang hayop na ito.
"Fuck you, asshole!" Biglang sigaw ni Thon Thon at saka mabilis na inambangan ng suntok si Skyler. Walang nakapigil dito, at maging si Sky ay hindi nanlaban kaya't napa-higa ngayon siya sa lamesa, ngunit tila balewala iyon sa kaniya at natatawa pa.
"At may gana ka pang tumawang hayop ka?!" Biglang sigaw ni Shana na kahit nakaupo ay mararamdaman mo ang galit na nagmumula sa kaniya. Kitang kita ko ang pagyukom ng kamao niya na alam kong kating kati nang tumama sa mukha ni Skyler.
"Bakit masama?" Natatawang sambit pa nito habang unti unti muling tumayo mula sa pagkakasakdal sa suntok ni Thon Thon.
"Ang lakas din naman pala ng konsensya mo Skyler!" Galit na galit na sigaw ni Alyx, ngunit mapang-asar lamang niya itong tingnan. At saka nagsalita nang: "Look who's talking." Muntik na akong makatayo sa kinauupuan upang sampalin siya ngunit agad kong napagilan ang sarili ko upang gawin iyon, dahil batid kong baka mas sobra pa ang magawa ko kapag nagkainitan na.
"Damn you." Murang muli ni Thon sa kaniya. "Anong mayroon sa iyo ha? Ang lakas ng loob mong kaibiganin si Ayah kung halos ikaw ang pumatay sa kaniya noon! Alam mo naman hindi ba? She became suicidal because of her traumatic experience and that was because of you fucking asshole!" Hindi magkaintindihang sigaw nito at mababatid mo sa mukha nito ang frustration.
Maging ako ay gustong ibulalas iyong sinabi ni Thon. "Ikaw na lalaki ka. Ang kapal kapal kapal ng mukha mo." Napakahina ng pagkakasabi noon ni Shana ngunit nakakapangilabot ang dating noon dahil napakatigas at tapang ng boses nito. Agad ko siyang nilapitan dahil doon at hinawakan sa kamay.
Alam kong isang kalabit pa kay Shana ay magkakamatayan na dito.
"Hindi mo nga pinatay si Princess literally, but you killed her thousand times emotionally and mentally. Damn you. Hindi mo alam kung gaano katindi ang dinanas ni Princess noon. Hindi mo alam na sa araw araw na binabangungot siya sa pagkamatay ng kakambal niya na nakita at nasaksihan niya ay napakalaking sugat ang iniwan mo. She died everyday because of your immature way of thinking. Hindi ka ba nakokonsensya? Sa lahat ng nandito, ikaw ang mas masahol pa sa hayop. Hindi isa ang pinatay mo, tatlo ang pinatay mo. You fucking killed Princess, Empress and Nathaniel. You did that horrible thing. You did that..." Hindi ko mapigilang mapahikbi habang sinasabi ko ang mga salitang iyon kay Skyler.
Nasasaktan ako nang sobra. Para na din akong pinapatay. Iniisip ko pa lamang iyong sitwasyon noong kambal sa pangyayari noon ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Para na akong mababaliw.
Hindi ko mahuhusgahan ang malaking pagbabago noon kay Princess noong nakasama namin siya. Hindi ko siya mahuhusgahan dahil kinalimutan niya ang kakambal niya. Sino ba naman kasi ang makakahusga sa kaniya, kung puro pasakit ang naranasan niya simula murang edad niya? Sino ba naman kasi ang malalampasan ang lahat ng sakit na dinanas niya? Hindi na ako magtatakha kung halos araw araw ay nagtangka siyang magpakamatay noon. Sino ba namang hindi gagawa noon? Sino ba naman ang hindi halos mamatay araw araw dahil doon?
Kami ngang kaibigan lamang halos mabaliw na sa dinanas nila. Paano pa kaya iyong mismong kadugo? Iyong mismong halos kalahati ng buhay niya, iyong mismong nakakita kung paano unti unting nawawalan ng buhay ang kapatid niya. Paano pa kaya ang naramdaman niya noong pagkakataong iyon?
And that all happened because of this bastard in front of us.
Isa pa sa pinakamatinding ginawa niya ay iyong kaibiganin si Nate. Ang lupit niya, upang gawin iyon. Isa siyang demonyo at halimaw.
"Wala kang alam, Lian. Wala kang alam." Lalo atang bumuhos ang luha sa mga mata ko noong sabihin iyon ni Skyler na basag na basag na ang boses. Naramdaman ko din agad nag pagpatak ng tubig sa may kamay ko at alam kong umiiyak na din si Shana dahil nakatungo na siya.
Dahan dahan naman akong napalingon kay Skyler noong sabihin niya iyon. Napasinghap ako noong makita kong tumutulo ang mga luha sa mata niya. "Sabihin mo nga sa akin, Lian. Ganoon ba kababaw ang tingin mo sa akin para gawin iyon? Ano sa tingin mo wala akong dahilan?" Gigil na sambit pa niya habang nakatingin ng diretso sa mata ko.
Binitiwan ko ang kamay ni Shana at hinarap ko siya. "Pagpalibaliktarin mo man ang lahat nang nangyari Skyler, you let Empress die, and you—" Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko, noong ibato bigla ni Skyler ang isang baso mula sa lamesa. Mas lalo akong nanginig at natakot dahil doon.
"Damn all of you!" He yelled frustratedly. "Huwag na huwag niyo akong itutulad sa inyo na tila mga walang konsensya, huwag na huwag niyo akong itutulad sa inyo na walang balak pagbayaran ang lahat ng kamaliang nagawa." Bawat bigkas niya ng salita ay napakadiin, napakalinaw, at napakakapanghina. May tila kung anong bumara sa lalamunan ko dahil doon.
"A-Anong ibig mong sabihin?" Mahinang bulong ni Alyx, habang lumuluhang nakatitig kay Skyler. Sa tono pa ng pananalita ni Alyx halata mong wala sa ulirat niyang nasambit iyon.
"Anong akala niyo sa akin? Hindi binabagabag ng konsensya? Alam niyo ba na marami na akong nasaksihan na kamatayan simula pagkabata ko? Alam niyo bang bangungot ng kahapon na dala dala ko? Alam niyo ba kung bakit ko nagawa iyon? Hindi naman hindi ba? Kaya huwag na huwag niyo akong kukuwestyunin na para bang napakalilinis ninyo! Dahil sa ating lahat kahit ako pa ang mayroong pinakamabigat na kasalanan, ako ang malinis sa inyo at ako ang nagbabayad na ng kasalanan ko." Mahabang litanya niya sa napakababang boses habang nakatungo. Pirmi ang boses niya, pero mababakas mo doon ang sakit at hinagpis. Kaya't lalo ata akong naiyak sa bawat pagtagos ng salita niya sa puso ko.
Walang nakapagsalita sa amin dahil sa binanggit niya. Tila wala ding nakagalaw at nanatili silang nakatitig lamang kay Skyler. Gustuhin ko mang linginun ang pwesto ni Nate upang tingnan ang reaksyon niya ay hindi ko magawa. Masyado akong mahina ngayon, para kahit simpleng lingon ay napakahirap gawin.
"Hindi lamang si Princess at si Nathaniel ang nakulong sa nakaraan dito. Dahil hanggang ngayon, patuloy akong hinihigit ng demonyo doon. Hanggang ngayon, parang may latigo pa ding humahampas sa akin upang manghina ako at hindi makawala. Hanggang ngayon... nandoon pa din ako. Samantalang lahat kayo, ay nagpapatuloy sa mga buhay niyo, na tila walang iniindang konsensya o kahit katiting na pagpapahalaga doon sa mga taong napakahirap ng dinanas mula sa nakaraan."
"Natatandaan niyo pa ba, Anthony, Timothy, Jacob, Hera at Nathaniel kung paano niyo ako nakilala? Isang hamak na batang walang magulang, walang tirahan, walang pera, at walang buhay ako noon dahil kinuha iyon lahat sa akin. Bata pa ako noon pero punong puno na nang galit at sakit ang puso ko." Punong puno ng emosyon si Skyler habang sinasabi iyon at itinuturo ng napakadiin ang bahagi ng dibdib niya kung saan naroroon ang puso. Naramdaman ko na napatungo sina Tim dahil sa sinabi niya. Kahit ako ay tila walang maiharap na mukha sa kaniya ngayon dahil sa panunumbat ko kanina.
"Alam niyo ang kinaiba ko sa inyo?" Unti-unti kaming tingnan ni Skyler habang sinasabi iyon, at noong makita ko na ang itim niyang mga mata ay takot nanaman ang naramdaman ko. Hindi naman nawala ang takot sa pakiramdam ko, sadyang tumitindi lamang ito.
"Ang pinagkaiba natin ay kayo... nagmamalinis. Ako, matagal ng nagbabayad sa mga ginawa ko." Napaka-seryoso ng pagkakasambit niya noon at nakita ko ang pagyukom ng kamao niya. Nakaramdam ako ng matinding usig ng konsensya dahil sa sinabi niya.
Kung nagbabayad na siya sa lahat ng ginawa niya... Ibig bang sabihin?
"Noong nalaman nating lahat na si Princess at Ayah ay iisa, kumpirmasyon lamang iyon ng matagal ko nang hinala. At noong mawala siya, mas naging determinado akong makaharap siya biglang ako ang batang nagpasakit sa kaniya noon at siya ang batang pinahirapan ko nang sobra noon. Nagpakasasa ako sa trabaho habang patuloy siyang hinahanap sa paraan ko. Halos higit limang buwan din bago ko siya mahanap. At noong nahanap ko siya hindi ko na pinakawalan pa ang oportunidad na iyon." Pagsisimula niya ng kwento. Napasinghap pa ako nang napakahina dahil sa sinabi niya. Isa lamang ang pinaparating niya sa kwentong ito...
"Nagkaharap kaming dalawa. Galit na galit siya sa akin noon. Umiiyak siya sa harap ko nagtatanong kung bakit ko hinayaang mamatay ang kakambal niya, kung bakit ko nagawa sa kaniya ang napakasaklap na bagay na iyon, hindi ako makasagot, hindi ako makaimik, dahil punong puno ng hinanakit ang puso ko, habang nakikita ang nagbabagsakang hula sa mga mata niya. She's broken. She's fucking devastated because of me." Napatakip na ako ng bibig dahil lumalakas na ang pagiyak ko. Idagdag mo pa ang basag na boses ni Skyler habang nagsasalita.
Para kaming mga batang umiiyak ngayon na walang magawa sa kahit ano. Ang hapdi hapdi na ng mga mata ko, tapos parang may pumipihit pa sa puso ko. Ang sakit sa lalamunan. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napayakap na ako kay Tim Tim habang umiiyak.
"Ang sakit, sobrang sakit." Habang naririnig ko ang umiiyak na tinig ni Skyler. Lahat ng ipinaratang ko sa kaniya kanina parang gusto kong bawiin, parang gusto ko ding humingi ng tawad sa panghuhusga sa kaniya. Ramdam na ramdam ko iyong sakit na pinagdadaanan niya ngayon.
"Naging kaibigan ko siya bilang makulit, mabait at walang muwang sa mundo na si Ayah Lynn Rivera, kaya iyong makita siyang gumuguho ang mundo ng dahil sa iyo? Doon, doon ko napatunayan kung gaano kabigat ang kasalanan ko, kung paano ko siya unti unting pinapatay. Tangina, ang laki ng galit ko sa sarili ko, ang sama sama kong tao. Ang tanga tanga ko." Nanginginig na iyong boses niya samantalang kami ay patuloy na nakikinig habang umiiyak. Rinig na rinig ko ang mga hikbi ng mga babae, baka siguro iyong mga lalaki ganoon din. Kahit si Tim ramdam ko ang panginginig niya, marahil ay umiiyak na din siya, habang isinasalarawan iyong kinukwento ni Skyler.
"Lumuhod ako sa harap niya at humingi ng patawad, siyempre, hindi niya iyon tinggap, halos patayin na niya ako noon pero hindi ako nanlaban. Anong karapatan kong manlaban hindi ba? Hinayaan ko siyang ilabas ang sama ng loob niya. Binalaan pa niya akong huwag na huwag nang magpapakita sa kaniya, pero hindi ko sinunod iyon. Ginawa ko ang lahat upang mapatawad niya ako, buong puso kong ipinakita sa kaniya na nagsisi na ako. Ni minsan sa mga panahong iyon, hindi ko siya sinukuan, kaya ang resulta?" Tumigil muna siya saglit at isa-isa kaming tingnan.
Sa pagtatama ng mga mata namin, nakita ko sa unang pagkakataon ang napakalungkot na mata niya na walang bahid ng kahit anong galit. Para siyang isang batang paslit na napakahirap ng pinagdaanan sa buhay kaya't walang ginawa kung hindi hayaan na tumulo ang mga luha mula sa kaniyang mga mata.
"K-Kagaya ng kakambal niya... She's selfless... S-sobrang bait niya na nagawa niya akong patawarin..." Sa puntong iyon ay napaluhod na si Skyler sa sahig at saka ko narinig ang malakas na paghagulhol niya.
Mas lalo akong nasaktan dahil doon. "She forgave, this fucking bastard, this demon, this good-for-no-one jerk. She forgave me..." Ulit pa niya habang pumipiyok dahil sa tindi ng pag-iyak.
Iyong mga salitang, 'she forgave me' doon ako pinakanaapektuhan. Doon parang may malakas na suntok sa puso ko dahil sa sobrang emosyon at damdamin. Hindi ko alam, pero mas lalo akong naiyak dahil doon. Kung may matinding depinisyon man ang sakit, siguro iyong nararamdaman namin ngayon, kabilang sa sukdulan...
At habang nangyayari iyon ay nagulat kami noong biglang tumayo si Nate sa kinauupuan niya at biglang nilapitan si Skyler at tinapik ito sa likod. Doon ko din napansin na nanunubig ang mata ni Nate, habang nakatingin sa kaawa awang si Skyler.
"Kaya simula noong araw na patawarin niya ako, ipinangako ko noon na kahit anong utos, kahit anong sabihin niya ay susundin ko, na kahit ang kapalit pa noon ay sariling buhay ko." He continued while shedding tears.
"Naging magkakampi kami, sinunod ko ang lahat ng gusto niya, lahat lahat. Prinoprotektahan ko siya ngayon. Alam kong hindi sapat ang mga ginagawa ko pero may ginagawa ako para mapagbayaran ang lahat, may ginagawa ako para sa kaniya, at dahil sa kaniya? Nawala ang mga bangungot ng nakaraan ko, unti unti na akong nakakatakas mula sa tali ng masakit at madilim na kahapon." Unti-unti siyang tumayo at nakita pa namin na nag-bigay pa ng kamay si Nate at walang katanong tanong na tinggap iyon ni Skyler.
Ngumiti pa silang dalawa sa isa't-isa na tila nakapagpatigil sa pag-ikot ng mundo naming lahat. A-Anong nangyayari? I-Ibig sabihin?
"Her name... It suits her really well." Nakangiting sambit ni Skyler habang tumutulo ang mga likido ng tubig mula sa mata niya. "Light... Bagay na bagay sa kaniya iyon, dahil siya ang nagbigay ng ilaw sa mundo kong wala nang pag-asang lumiwanag pa. She did the impossible. She's not Princess Light Smith for nothing."
Nagtitigan pa si Sky at Nate na parang may pinag-uusapan ang mga mata. Pigil hininga kaming lahat habang nangyayari iyon.
Matapos noon, napansin kong niyakap ni Annicka si Skyler na naupo sa tabi niya. Nakita ko ang mapait na ngiti ni Skyler at saka mahigpit na sinuklian ang yakap ni Annicka. Mas lalo atang napaiyak si Annicka dahil doon. Ito ang kilala kong Annicka... Siya ito ngayon... Sadyang hindi lamang siguro mapigilan ang puso kapag tumibok na ito, kaya niya nagawa iyong sikreto niya...
Subalit hindi talaga mawala sa isip ko iyong inasta nina Nate at Skyler. Kanina lamang para silang magpapatayan. Pero ngayon?
Alam ko na agad ang ibig sabihin noon. It was all an act. Lahat noong pangyayari na parang mag-aaway sila ay isang napakalaking palabas lamang. Dahil ang katotohanan ay magkasabwat din sila... Kaya pala ganoon na lamang si Skyler kanina, tila walang nararamdaman na kaba, tila walang kahit anong takot sa harap ni Nate.
S-Subalit... Kung magka-alyansa na nga si Skyler at Princess base sa mga sinabi kanina ni Skyler, at kung magkakampi din si Skyler at Nate... Ibig sabihin ba nito... May koneksyon si Princess at Nate ngayon?
Magtatanong na sana ako ngunit bigla na lamang umimik si Nate. "Breathe, liars." Nakangiting sambit niya, noong tila mapansin niyang wala nang humihinga sa amin dahil sa mga nangyayari. Noong sabihin din niya iyon ay tila naramdam ko ang biglang paghagod ng hangin sa lalamunan at ilong ko. Na para bang sa loob nang mahabang panahon ay muli akong nakalanghap ng hangin upang matulungan akong mabuhay.
Ngunit...
Isang panandaliang pantasya lamang pala iyon, dahil bumalik nanaman ang napakatinding kaba na bumabalot sa dibdib ko dahil sa biglang pagtingin ni Nate sa gawi namin ni Tim Tim.
Pakiramdam ko bigla na lamang akong hinawakan ng mga malalamig na bangkay dahil doon. Nakakatakot, nakakapangilabot, iyong mga salitang iyon ang tanging makakapaglarawan sa nararamdaman ko sa mga sandaling ito.
Nanghihina ako sa mga titig ni Nate. Gusto ko siyang paki-usapan na itigil na ito. Nanginginig ang buong sistema ko, kapag naiisip ko na may alam talaga siya sa itinatago ko. Dahil hindi pa pwede... nag-mamakaawa ako, kahit katiting lamang ang pag-asa kong wala siyang alam, ay sana magkatotoo iyon.
Please... Nate, I hope you still don't know anything. Hindi ko kasi alam kung anong mangyayari kapag nalaman mo...
Hindi ko mabasa ang kahit anong kilos o tingin niya, kaya't hindi ako sigurado. Nag-aalinlangan ang isip ko. Hindi ko makuha ang tamang kompustura ko, para akong mababaliw kaiisip, subalit wala ni isa sa iniisip ko ang nagbibigay sa akin ng magandang paliwanag. Pakiramdam ko punong puno na nang napakaraming tandang pananong ang utak ko dahil dito.
Bawat kilos, bawat galaw, bawat paghinga, bawat tingin at bawat ngiti niya. Isang malaking misteryo. Isang malaking pala-isipan na kahit gaano ako kautak ay hindi ko magawa gawang sagutan.
"Tim-Tim." Muntik na akong mapatalon sa kinauupuan ko habang lumuluha dahil sa biglang pag-imik ni Nate sa pangalan ni Tim. Kahit hindi ako ang tinawag niya, pakiramdam ko ako pa din.
Bakit siya ganito sa amin? Bakit siya ganito sa akin? Alam ba talaga niya ang itinatago ko kaya ganito na siya sa akin? O isa lamang malaking guni guni iyon na binubuo ng isipan ko dahil hindi na ako mapakali?
Halo halong emosyon na ang nararamdaman ko. Kanina lamang halos gumuho ang mundo ko sa lungkot dahil sa mga binitiwang salita ni Skyler. Apektado pa din ako noon hanggang ngayon, pero nakahalo doon ang panghihilakbot at pakalito sa akin. At mas nakadagdag sa tila balisa kong sistema ang tensyon na hatid niyon.
Ngumisi si Nate at naramdaman ko ang panginginig at panlalamig ng mga kamay ni Tim noong hawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. Hinawakan ko din iyon dahil kung ako ngang hindi tinawag ni Nate ay kinakabahan, paano pa kaya siya?
"Balita ko, may relasyon na kayo ni Lian, totoo ba?" Hindi ko alam kung bakit tila isang mapang-asar na tanong iyon. Bumaling din siya ng tingin sa akin pero dahil sa kakaibang pakiramdam ko ay napaiwas na lamang ako ng mga mata. Parang hindi ko siya kayang tingnan ngayon.
"Dangyunhaji." Mahina ang pagkakasabi ni Tim ngunit sapat na iyon upang marinig naming lahat, kahit pa maririnig mo pa din ang ilang mga hikbi mula sa amin.
May nakaraba na atang kung ano sa dibdib at lalamunan ko dahil ang hirap hirap huminga at ang puso ko ay tila sasabog na sa nerbiyos. Kung tutuusin parang lumipas na ang napakaraming oras ngunit pakiramdam ko kahit isang segundo ay hindi tumatakbo dahil sa karubduhan ng damdamin ko.
"Nate... Puwede mo na bang itigil ito?" Pakiramdam ko nabuhayan ako ng dugo noong sabihin iyon ni Tim. Napakatalinong tanong iyon. Natahimik din ang lahat at napatingin sa gawi namin dahil doon.
Kaninang kanina pa ako dito, pero bakit hindi ko naisip ang bagay o tanong na iyon? Marahil ay kinakain talaga ng pangamba ang diwa ko. Sino ba naman kasi ang hindi kakabahan kung ang lahat ng kasama mo dito ay tila hindi mo na mapapagkatiwalaan at idagdag mo pa ang atmospera ngayon dito na pakunwari ay nasa isang paghuhukom kung saan hindi na kami makakalabas ng humihinga.
"Dangyunhaji, kapag natapos ko na kayong tanungin ni Lian, malinaw?" Subalit napakapanandaliang pagdidiwang lamang ata iyon. Dahil noong sabihin iyon ni Nate ay parang bumagsak ako sa pinakamataas na gusali na walang kaide-ideya na nasa taas pala ako at nahulog na lamang. Wari ko'y isa akong ibon na nagsisimula pa lamang lumipad ngunit pinutulan na ng pakpak.
Napakalaking panghihinayang ang natamo ko dahil doon. "D-Dangyunhaji." Noong sabihin iyon ni Tim ay hindi maikakaila ang napakababa at nahihirapan niyang sagot. Katulad ko siguro ay halos magdiwang na siya ngunit naudlot iyon nang sobra sobra.
Kung mautak kaming dalawa ni Tim, hindi hamak na mas matalino talaga sa amin si Nate. Hindi na ako magtatakha doon.
Lumipas ang halos sampung segundo ngunit parang nablanko na nang tuluyan si Tim Tim kaya't hindi na siya nakapagtanong. Mukhang nainip na din si Nate kaya't siya na mismo ang muling nagsalita upang muling magkwestiyon.
"Malaki ang naging parte mo sa dahilan kung bakit nalagutan ng buhay si Peter Felix Augustin, hindi ba Timothy?" Noong lumabas sa bibig ni Nate ang mga salitang iyon ay kasabay noon ang pagtigil ng oras sa mundo ko. Hindi ko mawari kung totoo bang narinig ko iyon o isang malaking kathang isip ko lamang iyon dahil sa kaba.
Hindi lamang ako ang may ganoong reaksyon, sa isang iglap lahat ay natahimik. Walang musika, walang umiimik, walang tinig na humahapyaw, walang pag-iyak. Tanging katahimikan. Tanging pagtatakha at hindi makapaniwalang tingin ay pumagitan sa amin.
Iyong malamig na kamay ni Tim ay may mas ilalamig pa pala, dahil ngayon mas malamig pa ata sa nyebe ang kamay niya. Idagdag mo pa ang hindi makatingin na mata niya sa akin... ang resulta noon, dinurog nang pinong pino ang puso ko.
Unti-unti akong napabitaw sa magkahawak na kamay namin, nagsimula na ding manlabo ang paningin ko dahil sa nagbabadya nanamang mga luha. Oo, hindi pa niya sinasabi ang 'dangyunhaji' pero nagkakaganito na ako, paano pa kaya kapag binigkas na niya?
I'm trembling helplessly. Gusto kong humingi ng lakas kay Tim Tim pero hindi ko magawa. Paano ako hihingi ng lakas sa kaniya kung siya mismo ang nagpapahina sa akin? Damn this bullshit feeling. Damn it.
Kahit hindi magsalita si Tim Tim, alam na naming lahat ang kasagutan sa tanong na iyon. Makatotohanan ang sinabi ni Nate. At hindi ko iyon matanggap.
Halos maghingalo ako dahil sa sobrang pag-iyak noong nanginginig akong tumayo mula sa kinauupuan ko. Hindi tumatakbo ng ayos ang kahit ano sa akin, utak man o katawan, parehas na hindi nakikisama sa mga pangyayari. Muntik na akong matumba noong magsimula akong maglakad patungo sana kayna Annicka na medyo malayo kay Tim Tim, mabuti na lamang at naalalayan agad ako ni Thon Thon.
"Lian..." Lumuluhang sambit pa niya, ngunit napakagat labi na lamang ako upang hindi lumabas sa tinig ko ang mga hikbing napakasakit. Napatingala na din ako dahil hindi ko na talaga kaya.
Noong magawa kong makaupo malayo kay Tim ay napatingin ako sa kaniya. Nakasapo ang mga kamay niya sa mukha at gumagalaw galaw ang balikat pahiwatig na umiiyak siya. Samantalang ako ay parang may bomba sa katawan na dahil sa panginginig dahil sa pagpipigil umiyak nang malakas.
Subalit, noong hagudin ni Annicka ang likod ko ay doon ako sumabog. Halos nagngangawa na ako dahil sa pag-iyak. Iyon din ang mismong hudyat ng mga kasama ko na para magbigay reaksyon sa panibagong sikreto na naisiwalat sa amin.
"Grabe..." Manghang sambit ni JJ. "Wala na akong masabi dahil sa mga naririnig ko ngayon. Napapamura na lamang ako sa isip ko." Bawat salitang binitiwan niya ay napakapait.
"Anong nangyari sa atin? We are one. Nothing could tear us apart... until this fucking party happened." Shana declared gloomily. Hindi na sila nagwawala ngayon, pero napakalaking pasakit naman ang nararamdaman namin.
Ang bigat bigat sa puso, at sa pakiramdam. Animo'y maging kaluluwa namin ay napakatamlay. Tama nga, pagkatapos ng napakatinding galit, at pagwawala... ang kasunod nito ay sukdulan na lungkot.
"Masaya ka na ba, Nate? Watak watak na kami. Sirang sira na kami sa isa't-isa. Ni para ngang wala na kaming mga pinagsamahan dahil sa mga binunyag mo. Nagawa mo na ang gusto mo hindi na? Masaya ka na ba?" Sarkastikong sumbat naman ni Thon Thon, habang pinapahid ang mga luhang tumutulo mula sa kaniyang mga mata.
"Ito na oh... Ito na kami, nagmamakaawa na kami sa iyo. Itigil mo na ito. Itigil mo na. Parang awa mo na. Oo, wala kaming kasing sama, wala kaming kasing kapal ng mukha, at napakasinungaling naming lahat. Ganoon talaga, nagigipit kami, natatakot kami, dumadating sa punto na napakabilis magbago ng isip namin, nagiging ganid kami, nagiging hindi makatwiran iyong mga dahilan namin. Alam mo kung bakit? Kasi tao lang din kami. Hindi kami perpekto, Nate. Tatanga tanga din kami minsan. Wala sa matwid din kami mag-isip minsan. Pero, ikaw? Alam mo ba ang nararamdaman namin? Hindi. Dahil wala ka sa pusisyon namin, para maramdaman mo iyong nararamdaman namin upang gumawa kami ng ganoong bagay. We were young back then. Wait, my bad. Hindi nga pala katwiran iyong edad, dahil nasa maturidad naman iyan. I'm sorry to spoil you, but we were in the situation when we were in the state of immaturity that time. Lahat naman siguro tayo may sikreto hindi ba? Lahat naman siguro tayo, nagkakamali. Pasensya na. Hindi kami iyong inasahan mo na butihing kaibigan." Walang nakapagsalita sa amin noong maglabas ng sama ng loob si Alyx habang umiiyak. Hinihingal pa siya matapos sabihin ang mga iyon.
Hindi ko akalain na manggagaling kay Alyx mismo ang mga salitang iyon. Tagos sa puso at kaluluwa ko iyon.
Ito naman ang plano ni Nate hindi ba? Ang masira kami. Ito na, nagtagumpay na siya, sana nakuha na niya kung anong gusto niya.
Nagkaroon ng mahabang katahimikan matapos noon. Iyak at walang sawang buntong hinga ang tanging narinig namin. Walang nagtangkang magsalita. Marahil ay iniisip namin ang kaniya-kaniya naming kamalian.
Hanggang sa magsalita si Nate... Malalim ang boses niya, subalit mababakas mo doon ang kawalang lakas at lungkot.
"Do you really think that I did that to ruin your bond?" Mahina niyang sambit. "If that's really what you believe, then... You don't trust me." Napatitig kami sa kaniyang lahat dahil sa sinabi niya. Tumayo siya mula sa kinauupuan at saka kami tingnan isa-isa.
Parang bumalik lahat sa utak ko iyong katanungan ko kanina.
Ano nga bang balak ni Nate at ginawa niya ito sa amin? Saka... Ano iyong ipinakita nilang aksyon kanina ni Skyler? Magkakampi ba sila? Magkakaalyansa ba silang tatlo nina Princess? Ano? Anong mayroon sa mga pangyayaring ito?
Saka... Bakit nagawa ni Tim iyong kay Uncle Peter? Unti unti kong ibinaling ang paningin ko kay Tim. At nakita ko ang pagmamakaawa sa nga mata niya, subalit hindi ko pa ata kayang tanggapin...
"Gusto mong magpaliwanag Tim?" Tanong ni Nate, ang tinig niya malumanay ngunit hindi mo mababatid doon ang kahit anong emosyon.
"Hindi ko alam." Halos pumiyok si Tim noong sabihin niya ang salitang iyon. "Hindi ko talaga alam maniwala kayo. Binigyan lamang ako ng trabaho noon na gawin ko ang isang panghahack sa isang makina noong ospital. Mahirap iyon noong una, kaya nagpunta pa mismo ako sa ospital noon para asikasuhin iyon. Akala ko para lamang iyon sa mga gawain nila... Hindi ko alam, na dahil sa ginawa ko, malaya nilang nakontrol ang mga makinang nakakabit sa katawan ni Doctor Peter. Huli na noong nalaman ko. Patay na siya noong nalaman ko. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa inyo, hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa inyo, kaya't inilihim ko... Patawad... Mapatawad niyo sana ako..."
Habang sinasabi iyon ni Tim Tim ay ramdam na ramdam ko ang sinseridad niya. Kahit hindi ako makatingin sa kaniya, pakiramdam ko ay pinagmamasdan niya ako habang binabanggit niya iyon.
Aaminin ko, namuo ang galit sa puso ko dahil may kinalaman nga ang lihim niya kay Uncle Peter. Uncle Peter was like my father, siya ang gumabay at nag-alaga sa amin nina Princess noon. Sa kaniya ko naramdaman ang pag-aalaga ng isang pamilya, kaya naman napakaimportante sa akin nina tita Brina at tito Peter.
Ang sakit lamang kasing marinig na iyong lalaking mahal mo, may kinalaman sa pagkawala noong mga taong mahal na mahal mo din. Napakasakit na pakiramdam noon. Na parang mas gugustuhin ko pang malagutan na lamang ng buhay.
Katahimikan nanaman ang namayani sa amin. Hindi ko alam kung ilang minuto na ang lumipas ngunit napakatagal noon. Pakiramdam ko din napakahaba na ng gabing ito dahil doon.
Akala ko matatapos na ang lahat... Ngunit hindi pa pala, dahil libo libong kaba ata ang dumaloy sa dugo at buong katawan ko noong maramdaman ko ang isang kamay sa may baba ko na unti unting inaangat ang mukha ko, upang makita ko siya ng direkta.
Nakasalubong ng paningin ko ang mga itim na mata ni Nate. Nangaligkig ata ako dahil sa matinding takot at kaba. Napalunok din ako nang marahan dahil hindi ko alam kung saan ibabaling ang paningin ko. Balisang balisa na ako. Idagdag mo pa ang parang bumagal na tibok ng puso ko na dumadagungdong sa dibdib ko na wari mo'y gustong gusto nang kumawala doon.
"Lian Analiz Valle. Sino ka ba talaga?" Nakangisi at mahinang tanong ni Nate. Pakiramdam ko nawala ang lahat ng dugo sa mukha ko dahil sa tinanong niya. Nangatog na ang bibig ko dahil doon. Ngunit, kahit pagkurap ko ay hindi pinakawalan ni Nate. Masinsinan pa niya akong tingnan sa mukha.
"Isang napakalaking sikreto ng pagkatao mo hindi ba?" Mapaglarong tanong niya.
Napalunok nanaman ako dahil sa tuyong tuyong lalamunan ko. Ang hirap hirap pang gawin noon dahil parang may tinik na nakabara sa lalamunan ko. Ang lahat ng tensyon, agam-agam, nerbiyos, at pangamba sa mundo pinasan ko na ata ngayon.
Alam na ba niya kung sino ako?
Pilit kong binasa ang mga sinasabi ng mga mata niya ngunit bigo ako.
Hindi ko alam pero, kusang gumalaw ang labi ko upang magsimulang magsalita. "D-D-Dangyunhaji." Sa isang iglap, parang hindi na ako makahinga. Walang matinong bagay na tumatakbo ngayon sa utak ko kung hindi ang tanong na:
Alam na ba niya kung sino ako?
Gustuhin ko mang magtanong pabalik ay hindi ko na magawa... Paano? Paano ko magagawa, kung lahat na ata ng lakas at katinuan ko ay naubos na noong imikin ko ang salitang 'dangyunhaji'?
Alam mo na ba ang pinakatatagong sikreto ko? Na kahit ako ay nito ko lamang nalaman?
Alam mo na ba... Nate kung anong ugnayan natin sa isa't-isa? O mas nararapat ko bang itanong sa isip ko ang...
Alam mo na ba... kuya, na kapatid mo ako sa ama?
***
To be continued...
*Sabog bomba!* Hahaha! How was it? Tell meeee your reactions! In 3... 2... Wait! Hinga ka muna! Haha. Ulit... In 3, 2, 1! Comment naaaa~!
Sorry for all the errors.
26.27
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top