Liar 23: Twisted Party

23: Twisted Party

Lian Analiz' POV

"Woah. Are you really sure? You're not kidding, right?" Alyx stated unbelievably, she has this tune of somewhat sarcastic yet amuse. I stared at her wearily. She arced her left eyebrow, waiting for me to withdraw everything I have said.

"I'm dead serious, Alyx." I replied seriously. Sa pagkakataong iyon tingnan ako ni Alyx nang masinsinan, hindi lamang si Alyx ang tumingin sa akin ng ganoon, pati na din si Thon-Thon ay binabato ako ngayon nang napakamapanuring titig. Naiinis ko naman silang sinuklian ng bagot na ekspresyon.

"Hindi nga? Ganoon lamang? Parang walang nangyari? Walang samaan ng loob ang pumagitan sa atin at sa kaniya?" Sarkastikong sabat ni Thon Thon. Napasalampak na lamang ako sa malambot na upuan at tumabi kay Tim-Tim.

Naramdaman ko naman agad ang pagdausos ng braso niya papunta sa baiwang ko, hindi ko na lamang iyon pinansin dahil sanay na ako doon. "Patience, baby. Kahit naman tayo noong una ganyan din ang reaksyon." Natatawang bulong pa niya sa akin. Lihim ko naman siyang inirapan doon. Oo, nabigla din naman kami, pero hindi ganito ka-OA tulad ng kay Alyx at Thon Thon na parang walang naiintindihan sa sinasabi namin. Tsk.

"Pards." Simula ni Tim habang nakatingin kay Thon. "Mamaya ka na lang ulit mag-bigay ng reaksyon, intayin muna natin sina Shana, JJ, Annicka at Skyler. Parating na din daw naman sila." Mahinanong pahayag pa niya.

Halos sabay kong narinig ang pagbuntong hininga ni Thon at Alyx dahil sa sinabi ni Tim. Paano kasi hindi makapaghintay ang dalawang ito. Kinulit kami nang kinulit kung ano bang sasabihin namin at nagpatawag kami nang isang mahalagang pagpupulong kaya't para matahimik sila ay sinabi ko na ang dahilan, na nakapagpatigil sa kanila.

Ang problema, matapos matigil nang ilang sandali ay humataw na agad sila sa mga tanong dahil hindi sila makapaniwala sa dala naming balita. Ganoon din naman kami ni Tim, noong matanggap namin ang mensahe ay halos kwestyunin namin kung totoo ba iyon o hindi.

"Tsk. Makapulupot naman ang kamay mo kay Lian, parang kayo na ah?" Baling naman ni Alyx sa nanlalambing na si Tim. Hindi ako umimik o tumingin sa kaniya. Hinayaan ko na lamang dahil kung hindi kami ni Tim, hindi ko siya hahayaan na ganyanin ako.

"Yes, Alyx." Diretsong sagot naman ni Tim, at saka ko narinig ang ngisi niya dahil matunong ito, para bang sinadya niyang ipahalata sa akin na nakangisi siya. Tss.

"Woah? Isa nanamang pasabog?" Natatawang sambit pa ni Alyx, at saka ako tinawag at bigyan ng nakalabing ekspresyon, nakita ko din agad ang tampo sa mata niya dahil hindi ko sinabi na sinagot ko na si Tim mula sa panliligaw nito.

Napa-buntong hininga naman ako doon. "Pasensya na. We are all busy with our own lives. My mind is also quite full with thoughts and I forgot to tell you about it. Mianhe." Mahinahong sambit ko naman.

"Oo na. Okay lang." Ngiti niya kahit sa loob loob noon, gusto na niyang magtitili o kaya tanungin pa ako nang tanungin sa kung ano ba talaga ang nangyayari sa relasyon namin ni Timothy Chase Yoon, subalit nanatili na lamang siyang nag-aabang sa ibang kasamahan namin dahil alam niyang hindi ito ang tamang panahon upang pag-usapan namin ang tungkol sa kaniya kaniya naming relasyon.

"Ikaw Alyx? Wala pa din ba kayo ni pards Thon?" Takhang tanong naman ni Tim Tim sa kanila. Hindi naman marunong makiramdam itong katabi ko, kaya't ganoon ang sinabi. Tsk. Sasagot na sana si Thon Thon ngunit naunahan agad siya ni Alyx.

"Don't even bother asking." Iiling iling na sabi ni Alyx. "Paano ang kupad nitong si Thon-Thon." Natatawang dugsong pa niya. Kaya't natawa si Tim at napangiti naman ako nang kaunti.

Natatawang binalingan ni Tim si Thon. "Pards, usad pagong ka pala." Nang-aasar pang sambit nito, kaya't tumayo si Thon upang ambagan siya, ngunit pabiro lamang iyon. Nagkaroon kami nang sandaling tawanan at kulitan dahil masyadong makulit si Thon at Alyx.

Matapos ang halos ilang minuto naming pag-iintay ay sa wakas dumating na ang mga kanina pa namin hinihintay.

"Oh? Bakit mo kami pinatawag Lian?" Tanong agad ni Annicka noong makapasok siya dito sa headquarters namin. Agad siyang umupo sa isang sofa na pang-isahan lamang, at sumunod naman sa kaniya si Skyler na tahimik lamang kagaya ng dati at saka umupo sa gilid ni Annicka, doon siya umupo sa animo'y pahingahan ng braso sa sofa.

"Oo nga? Anong mayroon?" Tanong naman ni JJ habang hinahayaan si Shana na maupo muna sa isang mahabang sofa at saka siya sumunod doon. Mataman naman akong tingnan ni Shana gamit ang matapang niyang mga mata.

Habang nakikita ko sila ngayon dito, nakaramdam ako nang panandaliang lungkot na para bang may kulang. Kulang kami nang dalawa. Kung nandito sana si Princess at Nate ngayon, sigurado hindi ko mararamdaman ang lungkot na ito.

Muli pang bumalik sa ala ala ko iyong pagkikita namin noong nakaraan. Kahit sinabi nilang wala lamang iyong magkasama sila at para lamang iyon sa trabaho, hindi ko pa din maiwasan na hindi umasa na maayos sila at may mga plano sila na tanging sila lamang ang nakaka-alam.

Sana nga ay ganoon na lamang upang mawala ang pangamba ko sa kanila. Lalong lalo na kay Nate.

Nasa malalim pa akong isipin tungkol sa nakaraang engkwentro namin noong mawala ako doon dahil narinig ko ang nagtatanong na tinig ni Shana. "What's with the urgency?" Mahinahong tanong pa niya habang pinagmamasdan kami nang masinsinan. Napabuntong hininga naman ako ng malalim at saka tumayo sa unahan nila, sumunod naman si Tim sa likod ko.

Hindi na ako nagpaligoy-liguy pa at sinabi na agad ang dahilan kung bakit ko sila pinatawag dito. "Nakatanggap kami nang isang imbitasyon mula kay Nate." Simula ko na agad nakapagpasinghap sa kanila, maliban kay Alyx at Thon dahil alam na nila ito.

"Tss. Baka naman peke lamang iyan. Hindi bagat hindi na tayo kaibigan niyang si Mr. Evans." Bakas sa boses ni JJ ang pagiging inis at hindi makapaniwalang tono. Subalit, kahit ganoon parang ang ipinapakita naman ng mga mata niya ay umaasa siyang totoo ang dala naming balita.

Napatikhim na lamang ulit ako at saka nag-patuloy. "No, totoo ito. Ginawa na namin ni Tim ang mga iba't-ibang proseso upang mapatunayan na katotohanan ito, at hindi kami nabigo. It's really true. He invited all of us into a party." Malumanay na pagsasabi ko sa kanila.

Medyo nagtakha din ako sa imbitasyon na iyon, dahil party ngayong nasa America si Cassidee at nagpapagaling dahil sa aksidente? Anong party ito? Pagdiriwang para sa nalalapit kamatayan ni Cassidee o para sa mabilis na pag-recover nito? Napa-iling na lamang ako sa sariling iniisip. Walang saysay iyong mga namumuong isipin sa utak ko.

Natahimik sila na parang iprinoproseso ang mga sinabi ko sa kani-kanilang utak. I've never heard silence quite this loud. Wala talagang nagsasalita sa kanila na parang napakahirap isa-isip ang kanilang nalaman. Hindi ko sila masisi, matapos ang huling pagtrato sa amin ni Nate, ni minsan hindi na namin inasahan na kakausapin o kahit ano mang komunikasyon mula sa kaniya ay hindi na kami makakatanggap.

"T-talaga bang totoo iyan?" Sa wakas ay nabasag ang katahimikan noong magsalita si Annicka. "Baka naman makatanggap nanaman tayo ng masasakit na salita mula sa kaniya?" Malungkot na dugtong pa niya. Kitang kita ko sa mga mata niya ang lungkot na para bang nagbalik tanaw ang kaniyang isipan sa huling nangyari sa pagitan namin at ni Nate, pero agad din iyong napaltan ng ekspresyong nagtatakha o may iniisip na hindi mawari.

"Oo, Annicka, totoo ito. Hindi namin alam kung para saan at kung bakit niya tayo inimbitahan, pero sa tingin namin ni Lian ay wala namang masama kung pupunta tayo." Tim Tim vocalized calmly, at saka niya, sila tingnan na para bang kinakausap gamit ang mga mata.

"This is absurd." JJ said while gritting his teeth. "Anong akala niya matapos iyong pinagsasabi niya sa atin okay na? Hindi ba't naospital iyong si Cassidee sa America? Anong ipinapahiwatig niya sa party na ito?" Asar na dugtong pa niya. Agad namang hinawakan ni Shana ang kamay ni JJ upang pakalmahin ito.

Parehas kami ng nasa isip ni JJ. Dahil nga nasa Improbus Ille Imperium kami alam namin na nasa America si Cassidee ngayon upang magpagaling sa isang aksidente. At kung ano mang aksidente iyon at kung bakit iyon nangyari ay hindi na namin alam. Masyado itong pribado na tanging Yobbo lamang ang nakakaalam ng iba pang detalye.

"Calm down, Jacob. Siguro tama sina Lian at Tim. Let's go with the flow, pero kung magiging masama nanaman ang kalalabasan nito, itaga niyo sa isipan niyo, ito na ang magiging huli. Kung ayaw niya sa atin, wala na tayong magagawa doon. Iyong kay Cassidee naman, hindi ko lang alam, kung bakit." Sabi niya, kaya't sumang-ayon kami. Tama din siya, ano kayang mayroon?

Saka pagkakaalam din namin iyong mommy ni Nate ay nasa ospital din at stable na. Baka naman para sa mommy ni Nate iyong party.

"Baka naman para kay tita Nathalie, iyong party?" Biglang sabat ni Thon-Thon. Agad kaming napatango tango dahil doon. "Baka nga." Sabi pa nang ilan sa amin.

Matapos noon nagkanya-kanyang usapan kami tungkol sa kung bakit nga kami pinatawag pa ni Nate. Hinayaan na lamang namin sila dahil alam namin na medyo nakakapanibago ang lahat ng ito.

May kaniya-kaniya na kaming buhay pero sama sama pa din kami lalo na at under kami ng Empire dahil kami ang mga pinakang-leader ng Improbus Ille Imperium. Hindi namin basta basta puwedeng iwan ang tungkulin namin sa kanila.

Mahirap mapabilang sa Empire, masyado silang maraming tinatago at masyado silang magaling magmanipula. Minsan hindi mo alam may mga plano na pala sila. Ang espisyal lamang sa grupo namin, maliban sa kami ang pinakamalakas, mas malapit kami sa mga lihim na gawain nila, ngunit kahit ganoon hindi namin iyon basta basta nalalaman o di kaya naman hindi namin iyon basta basta puwedeng malaman.

They are secretive to the point that they only trust themselves, they don't care about their comrades, all they care is about power and money. They only use us if they know, they can't undo their mistakes, they use us to clean their own dirt and shattered glasses.

I sighed. Ganoon naman talaga, sanayan lamang iyan. Saka kamatayan naman ang kakaharapin namin kung titiwalag kami at aalis sa gang. Sabi nila, masyadong marami ang alam namin sa mga ilegal na gawain nila, kaya't kung makakawala kami sa Empire ay hindi masisigurado ang loyalidad namin kaya't mas mabuti pa daw iyong papatayin na lamang nila kami, kung mawawala lang din naman kami sa puder nila.

Cruel. This world is really cruel.

Matapos ang halos ilang oras ay mukhang naka-get over din sila sa balita, kaya't nagkaroon kami ng bonding. Nag-usap usap din kami tungkol sa kaniya kaniyang estado ng relasyon.

"Omygosh! Kailangan nating icelebrate ito! Graduate na si Tim Tim sa pagiging playboy." Masayang banggit ni Annicka noong sabihin ni Tim na may relasyon na kami. Natawa naman ako nang marahan sa reaksyon niya, halata kasi na mas naeexcite pa siya kaysa sa amin.

"Congrats, pards. Good luck, Lian." Nakakalokong banggit naman ni JJ.

"Oy, bakit naman, good luck ang sinabi mo kay Lian, ah?" Magiliw na tanong ni Tim kay JJ. Natatawa namang sumagot si JJ. "Kasi, mahirap mapatino ang mga kagaya mong madaming babae. Nako, sasakit ang ulo ni Lian sa mga naka-aligid na higad sa iyo."

"Gago, pards. Matino na ako." Masayang sagot naman ni Tim at saka nakipag-fist bump kay JJ.

"Subukan mo lang lokohin si Lian, Tim. Mas gugustuhin mo pang bumalik sa loob ng tyan ng nanay mo." Maangas naman na biglang sambit ni Shana. Kaya't natigilan si Tim Tim sa pagtawa, halatang kinabahan siya, kaya't napatawa naman ako. Takot ang loko.

"Woah, woah, woah. Shana naman, alam mo namang patay na patay ako dito kay Lian e." Nakangising sambit ni Tim at saka ako inakbayan. Pakiramdam ko tuloy namula ang matataba kong pisngi dahil bigla kaming tinukso ng gang at saka niloko.

"Mabuti pa sila, maayos ang usad ng love life." Natatawang pahayag naman ni Annicka. "Samantalang tayo, nganga. Si Thon usad pagong, si JJ takot—"

"Hoy, pinsan, hindi ako takot ah. Ikaw nga friend-zoned." Bigla kaming humagalpak ng tawa lahat dahil sa sinabi ni JJ kay Annicka, agad namang tumayo si Annicka sa kinauupuan at saka pinagsasapak iyong pinsan niya na walang ginawa kung hindi asarin siya at tawanan.

"Alam mo ikaw, kaunti na lang iisipin ko talaga, hindi kita pinsan. Ang sama ng ugali mo sa akin." Nakalabing sabi ni Annicka, at saka nagmaktol na parang bata. Napangiti naman ako doon. Ngayon ko lamang ulit siya nakitang ganyan, iyong bang carefree at free spirited, nitong nakaraang taon kasi kapag hindi seryoso, lagi siyang malungkot.

Natutuwa din akong makita itong barkada namin na masaya at may ngiti sa mga labi... pero kahit ganoon... kahit may saya. Pakiramdam ko may malaking kulang pa din.

Kung nandito lang sana sina Nate at Princess, siguradong kumpleto at masaya kami. Sana din andito pa sina Vianca at Dennise, siguradong matutuwa ang dalawang iyon, at magkakaroon sila ng mga bagong kaibigan. Ganoon din si Kurt panigurado nakabakod na agad iyon kay Dennise.

"Hera." Natigil nang panandalian ang tawanan noong biglang umimik ang kanina pang tahimik na si Skyler. Agad namang napalingon sa kaniya nang inosente si Annicka, napakunot noo pa ito sa pagtatakha kung bakit bigla siyang tinawag ni Skyler.

"Bakit?" Tanong nito kay Sky.

"Just... agh. Nevermind." Umiiling na sabi ni Skyler, na nakapukaw sa pansin ko. Hindi ko alam kung anong mayroon dito kay Sky na medyo malayo ang loob sa amin, hindi ko din alam kung bakit naudlot ng bongga iyong kanila ni Annicka, samantalang ang alam namin noon, nagkakamabutihan na sila, kaso sa isang iglap, nawala lahat iyon.

Pagbabago. Madami talagang nagbabago. Ito na siguro ang pinakahindi mo inaasahan, ngunit mangyayari at mangyayari.

"Ikaw JJ? Kamusta naman ang panliligaw kay Shana?" Pag-iiba ng usapan ni Alyx, dahil nangibabaw nga ang katahimikan dahil kay Skyler. Napatingin naman ako kay Shana noong sambitin iyon ni Alyx, walang ekspresyon ang mukha niya, subalit alam kong sa loob loob niyan ay nahihiya siya na sakanila napunta ang usapin.

"Umaabante naman, hindi tulad nang kay pards Thon." Natatawang sambit naman ni Jj, kaya't nauwi sa asaran nila ni Thon Thon ang topic. Matapos ang masayang usapan namin ay pumunta kami sa kusinang mga babae, at naiwan sa salas iyong mga lalaki na mag-hahanda daw ng movie para makapag-marathon kami o kung ano mang kalokohan ang gagawin nila.

Noong nandoon na kami sa kusina, tinukso agad ako nina Annicka, pero matamis lamang na ngiti ang ibinibigay ko sa kanila. Ayaw ko naman kasi na ladladan iyong tungkol sa amin ni Tim. Gusto ko din naman na pribado iyong relasyon namin.

"Ayiee. Kinikilig si Lian-pot." Pang-aasar pa ni Alyx.

"Magluto ka na lang." Natatawang sambit ko.

"Nako, damoves niyang si Tim ha. Magaling." Sabi naman ni Annicka, habang naghahanda ng mga ingredients na kailangan namin para sa request noong mga lalaki na adobo.

"Basta, Lian kapag nagloko iyang si Timothy Chase, sabihin mo agad sa amin, dahil nako talaga. Makakatikim iyan ng lasa ng impiyerno." Iiling iling na sabi ni Annicka na nakapagpatawa sa amin nina Shana. Nag-apir apir pa kami dahil doon.

***

Natapos kaming magluto at nakita namin ang boys na naglalaro ng xbox, at wii. Nagtatawanan sila at nagkukulitan parang mga bata lamang ulit, nakakatuwa silang pagmasdan, parang bumabalik talaga sa isip ko iyong nakaraan na kahit puno nang kasinungalingan masaya kami.

"Hoy, tama na iyan. Tara sa dinning, kakain." Tawag ni Alyx, biglang nagtakbuhan ang boys na nag-uunahan papunta sa kusina. Sinalubong pa nila ang kani-kaniyang kaparehas at saka hinila papunta sa kusina.

Si Annicka at Skyler naman nag-uusap lamang habang papunta doon, kahit papaano hindi sila awkward dahil nakikita kong nakangiti si Skyler at natatawa naman si Annicka.

"Siopao." Bigla kong narinig iyong boses ni pandak sa gilid ko. Lolokohin ko din sana siya, kaso hinapit niya ako sa baiwang saka ko naramdaman na hinalikan niya ang bumbunan ko. Napangiti naman ako dahil doon. Kinakabahan ako lagi kapag malapit siya sa akin, kaso pakiramdam ko din napaka-gaan lamang ng damdamin ko kapag nandiyan siya. Hindi ko na nga maintindihan ang sarili ko, dahil doon. Tsk.

"Huwag ka ngang ngumiti dyan sa kanila. Ako na lang ngitian mo, masisiyahan pa ako." Natatawang banat pa niya, kaya't mahina ko siyang binigwasan.

"Baliw ka." Sambit ko pa, ngunit hinila na lamang niya ako pasunod sa barkada namin. Nakita ko silang lahat sa hapagkainan na masaya at payapang kumakain.

Sa pagkakataong iyon, bigla akong kinabahan. Pakiramdam ko kasi mapapawi ang lahat ng ngiting iyan sa oras na makaharap na naming muli si Nate.

May kakaiba akong pakiramdam sa mga susunod na mangyayari. Iyong pakiramdam na parang lumalapit kami sa kapahamakan, gumagapang kami papalapit sa kamatayan, ngunit parang buong loob naming tinatanggap iyon.

Kaming naglihim, kaming nag-sinungaling, siguradong pagbabayaran namin ang lahat ng ito. Dahil sa mundong ito, walang kasiguraduhan ang lahat, kakampi mo noon, pwedeng maging kaaway mo ngayon. Kaaway mo noon, pwedeng maging kaalyansa mo ngayon. And it scares me. It scares me, that the fact that we are the ones, who was silent about the lies can be doomed at any second, because the truth itself is now, roaring loud in front of the devil.

***

Nakakatakot. Nakakapangilabot.

Iyon na ata ang mga salitang magsasalarawan sa nakikita ko sa harapan namin ngayon. Nasa isang abandonadong lugar kami, walang katao-tao, wala din kaming ibang makita kung hindi ang mukhang dinaanan ng bagyo na hindi kalakihang gusali sa gitna ng lugar na ito.

Mali ang naisip ko noon. Hindi para kay Mrs. Nathalie Evans ang party na ito. Hindi din para kay Cassidee ito. Para sa amin ito. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang naiisip ko, pero pakiramdam ko at sigurado din ako na para sa amin ito.

Napalunok na lamang ako, dahil parang bigla akong pinanlamigan, parang bumaliktad din ang sikmura ko dahil sa takot. Bakit ganito ang pakiramdam ng lugar na ito? Bakit parang patungo kami ngayon sa paghahatol ng aming kamatayan?

"Are you alright? Your hands are cold." Naramdaman ko bigla ang paghawak ni Tim sa isang kamay ko, kaya't medyo nagulat ako. Tumango na lamang din ako sa tanong niya, kahit alam ko sa sarili kong hindi ako okay o kung ano man. Kinakabahan talaga ako.

Para bang bigla na lamang nanginginig ng kaniya iyong binti at tuhod ko, pati na din braso at mga daliri ko dahil sa biglang hangin at naririnig kong malakas na tunog mula doon sa parang bar na abandonado.

"Ang creepy." Narinig kong imik ni Annicka habang nakayakap sa sariling mga braso, pakiramdam ko katulad din ng nararamdaman ko iyong nararamdaman niya, kaya siya ganiyan.

"Sa lahat ng lugar na napili ni Nate, sa ganitong nakakatakot na lugar pa talaga? Parang hindi talaga niya tayo kaibigan." Nanginginig iyong boses ni Alyx habang sinasabi niya iyon, nakayakap na din siya sa braso ni Thon Thon, dahil sa kilabot na hatid nitong lugar.

Kulang na lamang siguro sa lugar na ito ay mga krus pang-patay, at paniguradong para na kaming nakatayo sa bakuna ng sementeryo habang nasa gitnan noon ang lugar kung saan kami hahatulan ng nararapat na kamatayan.

"Tara na." Seryosong sambit naman ni Shana habang diretsong nakatingin sa parang bar na iyon. Tumango naman si JJ sa katabi niya at silang dalawa ang unang humakbang, sumunod sa hakbang nila si Skyler at Annicka.

Kaya't napabuntong hininga na lamang ako at saka lakas loob na sumunod sa kanila. Nakakailang hakbang pa lamang kami ay pinanghihinaan na ako. Parang maging mga lamang loob ko ay nag-aalma na tila ba isang napaka-masamang ideya na pumunta pa kami dito.

"You're shaking." Biglang sabi ni Tim Tim, at doon ko napagtanto na maging mga labi ko nga ay nanginginig na din. Napatingin ako sa mga mata niya, at alam kong kinakabahan din siya, pero nagpapakatatag lamang siya.

Huminga muli ako nang malalim at saka tumango sa kaniya, simbolismo na kaya kong pumasok doon, at para na din hindi siya mag-ala-ala sa akin. Malapit na malapit na kami sa pasukan noong tila bar, noong laking gulat na lamang naming lahat noong may sumulpot na malaking tao sa unahan namin. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil doon, kung may sakit lamang ako sa puso, siguro ay inatake na agad ako noon dahil sa nangyari.

"Omo!" Rinig ko pa ang tili nina Alyx at Annicka dahil doon. Maging ako ay muntik na din na mapatili dahil sa gulat. May maskara kasi ang malaking tao na ito na nakakatakot. Iyon bang pang-halloween na may mga dugo dugo pa iyong maskara niya.

Akala ko kung anong gagawin noong lalaki pero nagulat ako noong ihinaya niya iyong kamay niya na tila ba pinapapasok na kami. Napalunok ako noong humakbang muli kami pauna, para makapasok.

Noong makapasok kaming lahat, bumungad agad sa amin ang napakalakas na musika. Napatakip ako ng kamay sa tainga ko dahil ang sakit sa tainga noong musika. Masyadong rock at upbeat. Isama mo pa ang mausok na paligid at may mangilan-ngilang bubbles pa akong natanaw.

"Party nga ito! Woohoo!" Narinig ko pang sigaw ni Alyx. Tama, party nga ito, nandito iyong matitingkad na kulay nang ilaw kahit madilim, nakakaamoy din ako ng mga alak at iba pang liquor. Mayroon ding parang mga ibang tao na nagsasayaw sa may dance floor. Para itong normal na bar.

Malayong malayo sa imahe na nasasaisip ko kanina, akala ko isang halloween theme ang dadatnan namin dito, subalit hindi. Para itong tipikal na bar kung saan nagsasaya ang mga tao.

Maya maya may napansin akong kakaiba. Tumingin ako sa mga waiter, sa mga bartender na natatanaw ko at maging iyong mga tila costumer, lahat sila nakamaskara. Kami lamang ang walang maskara. Lahat sila mayroon. Doon ako kinabahan. Kahit mukhang normal na bar ito. Alam ko sa sarili kong malayong malayo ito sa normal na bar.

Ilang sandali pa, nagulat ako noong biglang may babaeng pumulupot ang mga braso sa leeg ni Tim Tim at sinayawan pa ito. Agad napaporma ng kamao ang aking kamay dahil doon. Sinamaan ko siya ng tingin, ngunit hindi siya nasindak at parang nang-aasar pa akong tinawanan.

Nang maramdaman siguro ni Tim ang inis ko ay agad niyang tinggal ang kamay noong babae at halos pagalit na itinaboy. Nakita ko pang ngumisi iyong babae dahil doon. Naramdaman ko naman agad ang inis ni Tim dahil doon.

Hinawakan ko siya sa braso para pakalmahin, upang hindi niya mapatulan iyong babae. Umalis din naman siya, at napatingin muli ako sa paligid at mukhang nagkahiwa-hiwalay na kaming magbabarkada, dahil hindi ko na matanaw sina Shana.

Nagsimula kaming maglakad ni Tim noong biglang may humarang sa amin at binigyan kami ng maskara para sa may parteng mata. "Suotin niyo!" Sigaw pa niya, upang marinig namin siya dahil masyado ngang malakas ang tunog dito. Sinunod namin ang sinabi noong lalaking malaki ang pangangatawan dahil sa mga muscles nito, nakakatakot din itong pagmasdan, para kasing kayang kaya nitong pumatay agad agad.

"Sundan niyo ako!" Muling pagsigaw pa niya, kaya't wala kaming nagawa ni Tim kung hindi sumunod sa kaniya noong matapos naming masuot ng maayos iyong maskara.

Habang naglalakad kami ay wala akong ginawa kung hindi umiwas sa mga nakakabunggo namin, at sa mga nagsasayaw na tila lasing na. Napangiwi din ako ng kaunti dahil halos mahubadan na iyong ibang nandito.

Hindi nagtagal, nakarating kami sa halos dulong bahagi nitong bar, kahit nasa dulo na kami at kakaunti na iyong mga tao ay napakalakas pa din ng musika at may kaunting usok at mas maraming bubbles dito. May nakakasakit sa matang mga ilaw din dito, at napakalaking table at maraming upuan. Pabilog ang hitsura nito. Isinenyas din noong lalaki na maupo kami kaya't sumunod agad kami.

Napakagat labi ako noong maka-upo na kami ni Tim. Bumalik iyong lahat ng kaba ko kanina. Natatakot ako sa puwe-puwedeng mangyari ngayon dito. Pakiramdam ko may nabubuong malalamig na pawis ngayon sa noo ko. Nanunuyo din ang lalamunan ko.

Hindi ko maintindihan ang iba kong pakiramdam dahil takot ang nangingibabaw. Alam ko hindi ko dapat ito maramdaman dahil wala naman akong ginawang masama, subalit hindi ko maiwasan ito. Parang kusa ko na lamang nararamdaman ang lahat.

Masyado ding malakas ang pakiramdam ko na tila kahit kaunting galaw lamang noong waiter na naglalagay ng mga inumin sa table namin ay pinaghinalaan ko na. It feels like I'm guilty of something I haven't done.

Maya maya pa, dumating na din dito sa table namin sina Skyler at Annicka. Kitang kita ko sa mukha ni Annicka ang pagkabalisa, parang may kutob din siya na hindi maganda ang mangyayari. Takot din ang ipinapahiwatig ng mga kilos niya, lalong lalo na at nag-ngangat-ngat na siya ng kuko. Noong maka-upo silang dalawa ay binigyan din sila ng maskara noong lalaki nagbigay sa amin kanina noon.

Walang imik imik sinuot din agad iyon noong dalawa. Si Skyler ay wala pa ding ekspresyon ang mukha. Para bang naghihintay lamang siya ng walang kahit anong pangamba sa mangyayari. Hindi ko alam kung paano niya nagagawa iyon.

"I'm nervous." Naramdaman ko ang hininga ni Tim sa tainga ko na ikinagulat ko kaya't halos mapatalon ako sa kinauupuan ko dahil doon. Dumomble din ang bilis ng tibok ng puso ko dahil doon.

"Darn you, Timothy!" I hissed. "You scared me to death." Patuloy ko pa.

"Argh. Ako din naman, kinakabahan ako. Baka mamaya kung ano pala itong hinandang party ni Pards Gab, I mean ni Mr. Nate Evans." Sambit ni Tim at saka tumikhim noong dumating si Shana at JJ na mayroon na ding mga maskara.

Magkahawak kamay sila, at nakita kong nanginginig ang kamay ni Shana. Lalo akong natakot dahil doon. Si Shana kasi ang pinakamatapang sa amin, siya din ang pinakamatatag, pero ang makita siyang hinang hina ngayon ay ibang usapan na. Masyadong nakakatakot ang misteryong bumabalot sa amin ngayon.

Parang may nagmamasid sa amin ng palihim at hindi namin alam ang kasunod na maaring mangyari. Maaring kamatayan din ang biglang magpakita sa amin, at hilahin kami sa dulo nang impiyerno.

Huling dumating si Alyx at Thon na parang naka-inom na, dahil parang pasayaw sayaw na si Alyx at si Thon naman ay inaalalayan na siya. Hindi pala inom si Alyx ng hard liquor kaya't sigurado akong kabado at takot din siya ngayon kaya't uminom siya upang mabawasan ito.

Dahil na din sa panunuyo ng lalamunan ko ay kumuha ako ng isang shot sa lamesa at agad na tinungga iyon. Nagulat si Tim sa ginawa ko ngunit hindi ko iyon pinansin at pinunasan ang labi ko. Pampawala kaba na din siguro ang pag-inom.

Kahit papaano sa hagod noong liquor sa lalamunan ko ay napangiwi ako, at parang nawala ang mga nasa isipan ko kanina. Parang naging kalmado na din ang ekspresyon ko kaya't uminom ulit ako.

Maging sina Annicka at Shana ay uminom na din. Ganoon din iyong mga lalaki. Nagkatuwaan pa silang magtagayan. Kahit sa pamamagitan ng pag-inom ay nawala iyong tensyon na namumuo kanina.

Habang nagkakatuwaan ay nagulat na lamang kami noong biglang may umupo sa isang bakanteng upuan dito. Inaamin ko natigilan at biglang bumlis ang tibok ng puso ko dahil doon.

Nakamaskara man siya, ramdam na ramdam ko ang aura niyang misteryoso at nakakaintimida, hindi lamang iyon, built pa lamang ng katawan niya, at tindig pa lamang niya, alam na namin na siya iyon. Mas nakakaba ang dating niya ngayon, kaysa noong huli namin siyang nakita.

Natigil kami sa tawanan at inuman lalong lalo na noong ngumisi siya. Kusang nanginig ang kalamnan ko at kusa ding nanlamig ang buong katawan ko na parang binuhusan ng napakalamig na tubig.

Ang mga titig niya, parang hinuhukay noon ang lahat ng sikreto at baho namin. Parang nakikita niya sa pamamagitan ng mga titig ang lahat lahat ng naiisip namin, para siyang leon na handang handang makipagpatayan para lamang manatili ang titulo niya biglang hari, para siyang patay na umahon sa hukay upang singilin ang naglibing at pumatay sa kaniya. Ganoon aura ang ibinibigay niya sa akin—sa amin.

Nanatili kaming tahimik. Napakalakas pa ng vibration noong speaker dito na sa bawat kalabog noon, at mas matinding kalabog din sa puso at pulsuhan ko ang dala nito. Para din akong nawalan ng hangin sa baga, dahil parang hinihigop ko na ito ngayon sa takot na hindi na muling makahinga, ironic feeling.

"Natahimik kayo?" Parang noong nagsalita siya ay walang malakas na musika kaming narinig. Parang boses lamang niya ang umuugong sa mga tainga namin. Nakakabingi. Nakakabingi ito nang sobra.

Wala akong narinig kung hindi katahimikan, kahit sa katotohanan ay napakalakas pa din ng musika dito. Parang nawala ang lahat ng tao na nandito at tanging kami kami na lamang. Kung gaano kaitim ang suot na damit niya, ay ganoon din kadilim ang mga titig ma ibinibigay niya sa amin.

It's loud in here, yet all I here is the silence that is deafening me.

"Mabuti naman at pinaunlakan ninyo ang aking imbitasyon." Nakangising imik pa niya at doon tuluyang nawala ang musika sa paligid, parang humina itong bigla. Mayroon man akong naririnig ay hindi na iyon ganoon kalakas katulad noong kanina. Rinig na rinig na namin ngayon ang matapang at napakalamig na tinig niya.

"Ngayong nandito na kayo, bakit hindi tayo uminom?" Sambit pa niyang muli. Ramdam na ramdam ko ang napakaseryosong tensyon na namumuo sa amin. Kumuha pa siya ng shot, at kahit ayaw kong kumuha ay parang kusang gumalaw ang kamay ko upang kumuha din nang isa noon sa lamesa, hindi lamang ako ang gumawa noon lahat kami ganoon ang ginawa.

Noong nasa ere na ang lahat ng shots ay umimik siya, "Cheers." Walang emosyon niyang banggit at saka kami sumunod sa nais niya. Ininom ko ng diretso iyong shot umaasa na umepekto muli iyon kagaya noong kanina, ngunit kahit katiting ay hindi ito umepekto.

"Tutal nandito na kayong lahat, bakit hindi tayo magpakasiya muna pagkatapos maglaro tayo mamaya?" Walang umimik sa naging suhestiyon niya, tanging tango lamang ang naisagot naming lahat. Walang makapagsalita sa takot na baka may bala na tumama sa amin sa isang maling imik lamang na lumabas sa aming mga bibig.

"Ang tahimik niyo naman, I'm not used to it." Dugtong pa niya na mayroong mapaglarong tinig. Napalunok ako dahil doon.

Ibang iba ang Nate na nakakasama namin ngayon, ibang iba sa Nate noon na handa kaming protektahan at pasiyahing lahat. Ngayon parang napakalaki ng galit niya sa amin. Parang napakalaki ng kasalanan namin sa kaniya. Parang pinagbabayaran namin ngayon iyon, kahit hindi namin alam kung mayroon nga ba kaming dapat bayaran.

"Kaibigan ko kayo hindi ba? Bakit parang ayaw niyo?" Pagsasalitang muli ni Nate pagkatapos uminom muli. Para may kung anong bumara sa lalamunan ko dahil sa sinabi niya.

Kaibigan.

Kaibigan nga ba ang turing niya sa amin? O isa lamang kami sa mga laruan niya na handang iwan at itapon kapag pinagsawaan na? Kaibigan? Kung kaibigan niya kami bakit naging ganoon ang turing niya sa amin?

Nate... why is that, your words and actions are complicated and hard to decipher?

Maya maya ay nagpakawala pa si Nate ng tawa. Sa panrinig ng ibang tao, sigurado ako, para itong nakakatuwang tawa, pero bakit sa panrinig ko... para itong nakakatakot na mensahe na nagbabanta sa amin?

"Pards." Sa wakas may nagsalita sa amin. Napalingon ako sa nagsalita. Si Skyler iyon. Nakatiim bagang siya at nagkatinginan ng masinsinan kay Nate. Pakiramdam ko isang kalabit mo lamang sa kanila, sabay silang titindig at magtututukan ng baril dito, at paunahan na lamang kung sino ang unang magpapaputok at matatamaan.

Masyadong malalim ang tinig noong dalawa na parang may lihim silang alitan na tanging sila lamang ang nakakaalam. Kinabahan ako sa sarili kong iniisip. Napalunok din ako, dahil ang lakas ng loob ni Skyler na magsalita, at may diin pa iyong pagkakabanggit niya sa sinabi kanina. Nakita ko na agad hinawakan ni Annicka sa braso si Sky na parang pinapakalma.

"Pards?" Parang hindi makapaniwala si Nate noong banggitin niya iyon. Idagdag mo pa ang mapaglaro niyang tinig at marahang tawa. "Pards?" Ang pagkakasabi niya ng salitang iyon, parang isang malaking kakatwa at isang malaking kalokohan.

"Nate..." Biglang banggit naman ni Annicka. Kaya't doon bumaling ang tingin ni Nate.

"Annicka Hera Williams. Salamat sa mga ginawa mo." Agad na nanlaki ang mga mata ko at napa-awang ang bibig ko. Ang bagal ng tibok ng puso ko, ngunit napakalakas ng bawat tibok nito, na para bang naririnig ko na ito sa tainga ko. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Nate kay Annicka, kaya't napatingin ako sa kaniya ng nagtatakha.

Ganoon din ang iba naming kasamahan, napatingin sa kaniya. Samantalang si Annicka ay naka-awang ang bibig na tila gustong magsalita ngunit hindi makapag-salita. "N-Nate." Nanginginig ang tinig ni Annicka noong banggitin niya ito. Hindi niya alam ang gagawin, hindi siya mapakali sa biglang nangyari.

All of us, didn't see that coming. Anong ibig sabihin ni Nate?

"N-Nate." Muling banggit nito habang nauutal. Sa tinig na iyon, doon ako naging sigurado na may inililihim siya. May ibang nangyari. Hindi sasabihin ni Nate basta basta ang sinabi niya, kung hindi iyon totoo. Ngunit ano? Anong pinagpapasalamat niya? Shit. Anong nangyayari dito?

"A-Annicka? W-What was the meaning of that?" Shana suddenly asked in the middle of the tension. Walang masabi si Annicka. Tingnan lamang niya si Shana na para bang guilty na guilty at hindi alam kung paanong sisimulan ang lahat sa isang pangungusap. Kitang kita din ng mga mata ko kung paano siya nanginginig.

Magsasalita na din sana siya noong hawakan ni Skyler ang kamay niya, at saka si Sky ang nagsalita habang nakatingin ng diretso kay Nate. "What the fuck are you saying?" Madiin ang bigkas ni Skyler sa bawat kataga na para bang naguguluhan siya, pero parang may alam din siya.

Hindi ko na alam ang iisipin ko noong pagkakataong iyon. Hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko noong pagkakataong iyon. Ang bigat sa pakiramdam, parang lahat kami may inililihim sa bawat isa. Ang sama sa pakiramdam nito.

Party? Are we really invited to a party? Parang hindi... para kaming inimbitahan sa sarili naming kamatayan, kung saan kami pa mismo ang maghuhukay ng sarili naming hantungan.

Nangibabaw muli ang mapangutyang tawa ni Nate. "Skyler." Napalamig at napakaseryoso ng pagkakabanggit niya sa pangalang iyon, pakiramdam ko ay nagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa batok dahil doon. Nahugot ko ang paghinga ko dahil doon.

"Are you really asking that thing, Skyler?" Natatawang kutya pa niya. Dumagundong nanaman ang puso ko dahil doon. Ang ipinaparating kasi ni Nate, may alam din si Skyler. Gulong gulo ko silang tingnan.

Just... just what the fuck is happening?

Anong nasa isip mo, Nate? Anong plinaplano mo, Nate? Anong mayron ngayon? Bakit nandito kami sa nakakatakot na pusisyon? Paparusahan mo ba kami? Ngunit bakit?

"Anong alam mo?" Mas naging tensyonado ang lahat noong magsalita muli si Skyler. Tiim bagang itong nakatitig kay Nate, at mararamdaman mo ang nanginginig na galit nito. "Bastard. Hindi ba't wala ka nang pakialam sa amin? Hindi ba't halos patayin mo na kami? Hindi ba't binaon mo na kami sa limot? Maging kay Incess ay ganoon na din ang ginawa mo hindi ba? Kaya't anong palabas ito?" Sunod sunod na sumbat pa nito, na ikinagulat namin dahil parang naglalabas siya ng sama ng loob. Gigil na gigil si Skyler, nanginginig ang mga kamao niya, at ganoon na din ang bagang niya. Nanlilisik ang kaniyang mga mata.

Imbis na sumagot si Nate ay nakakalokong tawa lamang ang isinagot nito. Nakatitig lamang kami sa kaniya habang kunot noo, hanggang sa matapos siya sa pagtawa na tila ba iyon ang pinaka nakakatawang biro sa gabing ito. Noong mahimasmasan siya ay tingnan niya kami isa isa, at ang mga tingin na iyon ay para kaming binabato ng mga balisong.

"Wala kang alam, Skyler." Iiling iling na sabi nito, habang seryosong nakatuon sa amin. "Wala kayong alam." Muling banggit pa niya. Sa tatlong salitang iyon ako kinutuban at kinabahan.

He's playing with us. No... he's not playing... he's manipulating us.

Sa mga sinabi niya, kinutuban na ako...

Lagi siyang may mata sa amin, at pinamamasdan niyang lahat ang ginagawa namin. Para kaming mga kalahok sa isang laro niya, at siya ang magdedesisyon sa magiging takbo nito. Ang ideyang iyon ang nakapagpakaba sa akin ng husto.

My whole system is shaking in fear and tension. We are all too weak to face this kind of demon. We are all doomed. We really went to our own catastrophe.

"Ngayon... Magsisimula na tayo. Alam mo nanaman siguro na naglalaro tayo ngayon, hindi ba, Lian?" Mas dumomble ang kaba ko dahil sa pagkakabanggit niya sa pangalan ko. "Masyadong mabilis ang utak niyo ni Timothy, kaya't alam kong alam mo na wala na kayong kawala." Para akong nawalan ng hininga dahil sa sinabi niya. Para niyang binasa ang lahat ng nasa isip ko, parang ako ang unang kalahok na napili niya, at iyon ang nakapagpakaba sa akin ng husto, na tila maging kaluluwa ko ay gusto nang kumawala sa katawan ko.

"A-Alam ko." Lakas loob na sabi ko, at naramdaman ko na tila may humawak ng mahigpit sa kamay ko, napatingin agad ako kay Tim Tim dahil doon, ramdam ko ang galit niya, parang nag-aapoy ang paningin niya, kaya't napa-hinga ako ng malalim, at hinawakan din ng mahigpit ang kamay niya, upang makontrol niya ang sarili niya.

Kinausap ko din siya gamit ang mga mata ko, na tila sinasabi na si Nate iyong nasa harapan namin. Si Nate iyan... iyong lalaking nagtatanggol sa inyo simula pagkabata niyo, iyong lalaking gusto niyo para kay Princess at iyong lalaki na kailangan lamang nating intindihin ngayon.

Nagkaroon nanaman nang katahimikan. At sa lahat ng katahimikan na narinig ko, ito ang pinakanakakatakot, dahil magsisimula na kaming maghukay ng sari-sarili naming libingan.

"We'll play a game... Let's play 'dangyunhaji', I bet you all know that game well?" Nagtaasan muli ang mga balahibo ko sa batok dahil sa sinabi niya, at hindi lamang iyon, dahil na din sa napakamapaglarong ngisi niya sa labi. Ngisi na nakakapagpahina sa buong lakas mo. Simbolo ng isang nakakatakot na laro ang kakaharapin ko—kakaharapin namin.

"Simple lamang naman ang dangyunhaji." Simula niya. "Magsasabi ka lamang ng isang tanong at kailangan 'dangyunhaji' ang isasagot mo, ay kapag hindi ito ang isinagot mo. Talo ka." Balewalang sabi nito.

Madaling laro lamang ang dangyunhaji o ang tinatawag na 'of course game'. Sa larong ito, kailangan magbato ka ng tanong sa kalaban mo at kailangan niyang isagot ay tanging 'dangyunhaji' lamang, kapag natawa siya, o kaya hindi siya nakasagot o natahimik siya, at hindi masabi ang mga katangang iyon. Talo na ang kalaban. Ganoon lamang ang larong ito.

Ang problema... Iba ang pagkakaintindi ko sa salita ni Nate na: 'talo ka'. Para kasing ang ibig sabihin noon ay...

'Patay ka.' Literal na patay ka.

Sa isiping iyon, hindi maiwasan ng puso ko ang kabahan nang sobra. Doble doble ang bilis nito ngayon at napakalakas din ang tibok nito. Nanlalamig din ang kamay ko sa takot. Hindi ko alam kung anong kakahinatnan ng larong ito. At kung makakalabas pa ba kami ng buhay sa lugar na ito.

"Magsimula na tayo." Kibit balikat na sabi ni Nate.

"T-Teka." Nauutal na sambit ko na tila may bumara sa lalamunan ko kaya't napalingon sa akin si Nate. Noong tingnan niya ako ay kahit kinakabahan ay itinuloy ko ang itatanong ko. "S-Sinong kalaban namin?" I asked nervously, and I can literally feel the cold sweats on my forehead.

"Sino?" Natatawang sambit niya. "Ako, Lian. Ako ang kalaban ninyo." Noong sabihin niya ang mga katagang iyon ay napahawak agad ako kay Tim biglang suporta dahil sa panghihina ng tuhod ko.

Noong sabihin niyang siya ang kalaban namin. Alam ko na, na sa una pa lamang, nakadikta na kung sino ang mananalo.

***

A/N: Sorry for all the errors.

Ang tagal kong hindi nakapag-update, pasensya na. Balik school na kasi e. Busy na, saka puro kami summative ngayon. (TT___TT). Sana huwag din kayo puro demand tungkol sa update, please wait na lang po tayo. Saka iyong mga pangyayari sana ang icomment niyo, mas nakakainspire kasi iyon. (^o^)

You can also ready my new posted story entitled: Reminiscence while waiting for LC update. Sana support niyo din yun, katulad ng pagsupport niyo dito. :) Thank you, storytellies! <3

26.27

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top